noveltoon logo noveltoon
My Wild Heiress (Kristine Series 20)

Chapter 5

Ch. 6 / 24 Apr 09, 2022

Chapter Five

S A ISANG bahagi ng runway, a small jet waited like a sleek silver bird. Sa fuselage ay nakatatak ang “MGN” in discreet gold script.

Drew smiled fleetingly. It was a tribute to her grandmother. Monica Gascon. Kahit ang pangalan niya’y kinuha rito. Subalit idinagdag ang “Navarro” nang legal na ipabago ng lolo niya—si Franco Navarro—ang apelyido ni Nick.

But Nick hadn’t wanted to drop “Gascon.” Ayon dito’y si Jerome Gascon ang kinagisnan nitong ama. At kahit na paano, sa kabila ng lahat, ay ipinamana ni Jerome dito ang mga ari-arian nito.

Bagaman naisip ni Nick na kung nalaman ni Jerome na si Franco Navarro ang ama nito bago ito bawian ng buhay ay natitiyak nitong kahit isang sentimo ay walang mauuwi rito.

Her grandmother died young. Namatay ito sa mismong bala ng baril mula sa asawang si Jerome Gascon. Iniumang ni Jerome ang baril upang patayin si Franco Navarro—who accidentally fathered Nick. Lingid sa kaalaman ng lahat ay nagdadalang-tao na si Monica nang magpakasal ito kay Jerome.

At ang balang dapat sanang pumatay kay Franco Navarro ay tinanggap ni Monica. She gave her life to the only man she had ever loved.

Great love. Unrequited love.

Huminga nang malalim si Drew. Tulad din ng ama. Sa kabila ng maraming babaeng naghahangad na maging ikalawang Mrs. Nick Gascon-Navarro ay hindi kailanman ninais ni Nick na palitan ang mommy niya sa puso nito.

Nagtungo sa Europa si Alaina para sa isang photography contest. She had never reached her destination, her plane crashed in Rome. But her body was never recovered. Hindi ito kabilang sa mga natagpuang patay sa loob ng nasunog na eroplano. Not even among the charred bodies.

Ganoon ma’y nasa manifest ng airline company na kasama si Alaina sa sumakay sa eroplano. Maraming suposisyon. Perhaps her body was burned beyond recognition; o di kaya’y hindi naman talaga ito nakasakay sa eroplano.

At ang posibilidad na maaaring hindi kabilang sa mga pasaherong sumakay sa eroplano si Alaina nang araw na iyon ay nagbigay ng pag-asa kay Nick.

Subalit labing-limang taon na ang lumipas mula noon. At nagawa na ng buong pamilya ang lahat ng magagawa upang matagpuan si Alaina kung sakali mang hindi ito napasama sa pagsakay sa eroplanong bumagsak. Subalit hanggang sa sandaling iyon ay walang Alaina na lumitaw.

Drew missed her mother so much. Sa napakaraming gabi’y tahimik at mag-isa niyang iniiyakan ang pagkawala nito. At kahit masakit ay tinanggap na niyang hindi na ito magbabalik pa sa buhay nilang mag-ama.

That she had really died in that plane crash. There was no other explanation. Alaina would never abandon her husband and daughter. There was no reason for her to do so. She had loved Nick to destruction.

MALAYO pa siya’y sinalubong na siya ng copilot ng Lear jet. A young man in his late twenties. Hindi kataasan at medium built with boyish look.

“Good morning, Miss Navarro.” Inabot nito ang shopping bag niya.

Tinanguan niya ito. “Pakisabi mo kay Carillo na lilipad tayo pabalik ng Houston, Hopkins.”

Tuloy-tuloy siya sa pagpanhik kasunod ang copilot. Pinili niya ang gitnang upuan at nahahapong umupo roon matapos ihagis sa kabilang upuan ang shoulder bag.

She was about to close her eyes nang marinig na muli ang tinig ni Hopkins.

“Ma’am...”

She turned impatiently. “Yes?”

“We have a substitute pilot—”

“Why?” Kumunot ang noo niya. “Where’s Carillo?”

“He developed a temperature this morning, ma’am. Nang umalis tayo ng Houston ay masama na ang katawan niya. I think he has a flu. Pero huwag kayong mag-alala, nagkataong narito sa Las Vegas ang pamangkin niya. Tinawagan niya ito para halinhan siya kung gusto na ninyong bumalik sa Houston.”

Kumunot ang noo niya sa bahagyang pag-aalala. Matagal nang piloto ng ama si Carillo at pinagkakatiwalaan niya ito. Pero hindi niya kilala ang pamangkin nito.

“Ano ang credentials ng pamangkin niya? Dapat ba akong magtiwala? Can he land us safely?”

“Yes, ma’am. I’ve met Jace two years ago when I was still on training. I was under his command at the pilot school in Texas. Isa pa’y kilala siya ni Mr. Navarro.”

“I see,” wala sa loob niyang sabi. “I’d like to talk to this pilot, Hopkins.”

“Yes, ma’am.” Lumakad na ito patungo sa cockpit.

Muling inihilig ni Drew ang ulo sa headrest ng upuan at pumikit. Binalik-balikan sa isip ang pangyayari sa kanila ni Grant. Hindi niya matiyak kung magpapadala siya sa emosyon at bumulalas ng iyak. Kanina pa niya gustong gawin iyon.

Subalit lumipas na ang tatlong oras mula nang mangyari ang ginawa ni Grant sa kanya at nanatili siyang matatag. Pangangatawanan niya iyon. It was her fault anyway.

The bastard! She idiotically bought his sad story about his family; ang mga pagsisikap nitong suportahan ang ina at ang mga anak nito sa ikalawang asawa.

She even thought him to be a man with principle. Tinanggihan nito ang salaping inalok ng abogado ng ama. He played with her emotions. Mas malaki nga naman ang pakinabang nito kung natuloy ang pagpapakasal niya rito.

MULA sa cockpit ay lumabas si Jace. Subalit napahinto siya sa may entrada patungo sa loob ng passengers area nang makita kung sino ang nakaupo sa gitna at nakahilig sa upuan.

He couldn’t contain his surprise. So this was Nick’s daughter.

Pinagsawa niya ang kanyang mga mata sa pagtingin sa magandang mukha nito. Ang magandang mukhang hindi niya maiwasang maglaro sa isip habang nagbibiyahe siya patungo sa airport.

Kanina sa hotel, he would have wished to linger at gustong makilala pa ang babaeng iniligtas niya mula sa mga kamay ni Grant. Subalit hindi siya pumapatol sa bayarang babae gaano man kaganda iyon.

Bayarang babae. Iyon ang iniisip niya kanina rito and felt pity and disgust because she was young, too beautiful and too classy to be a prostitute.

Inisip niyang nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan nito at ng customer—ni Grant. Business suddenly turned ugly. And knowing Grant, hindi siya nagtataka.

Hindi niya gustong makialam dahil iniiwasan niya hanggang maaari ang magpang-abot sila ni Grant, pero kinasusuklaman niya ang mga lalaking nandadahas ng mga babae, ano man ang uri ng pagkababae ng mga ito. At natitiyak niya kaninang sasaktan ito ni Grant.

And what he expected from her was a simple “thank you.” Ganoon lang.

Subalit wala kahit isang ungol ng pasasalamat. Sa halip ay tinanong siya kung magkano ang gusto nitong ibayad sa kanya. Totoong namangha siya at nainsulto.

Now he knew why. Hindi ito isang prostitute tulad ng una niyang inaakala.

She was Andrea Monica, Drew sa mga kaibigan at kakilala.The playgirl heiress. Ayon kay Carillo, iyon ang taguri ng press sa unica hija ng hotel magnate na si Nick Gascon-Navarro.

Bagaman naiintriga siya rito, wala siyang maaaring pagkakakilanlan dito. Ni hindi siya nagbabasa ng mga society column sa peryodiko.

Ang una at huling pagkakataong nakita niya ang mukha ni Drew ay halos isang taon na ang nakalilipas. Isang de-kolor na larawan sa isang peryodiko. That was her graduation party. Inimbitahan siya ni Nick na daluhan ang party na iyon. Subalit may hindi inaasahang pangyayari ang naging dahilan kung bakit hindi siya nakarating.

And the photo hadn’t done her justice. At hindi niya iniugnay ang larawang iyon sa magandang babaeng iniligtas niya sa hotel. Hindi niya inaasahan na ang isang tulad ni Drew ay makakatagpo niya sa ganoong sitwasyon.

Besides, he hadn’t heard from Grant for more than a year now. At hindi ang tulad nito ang maiuugnay niya kay Drew. She was way beyond Grant’s league. That was why she thought of her as a prostitute. Pero hindi niya maitatangging maraming babaeng nahuhumaling sa gandang lalaki ni Grant.

At binabayaran ni Drew Navarro ang bawat taong mag-alok ng tulong dito. Mag-alok. Yes. Because the damn proud bitch hadn’t sought his help.

He offered it to her like a valiant knight to a distress princess.

Don’t let him come near me! Iyon ang sabi nito. Hindi nakikiusap sa kabila ng panganib kundi nag-uutos. Tulad ng isang prinsesa.

Yes. A princess. She wasn’t royalty by blood but she was a princess nevertheless. Kahit si Carillo ay iyon ang tawag dito.

At ni wala siyang ideya na ang babaeng ipinagtanggol niya ay ang anak ni Nick. Ayon kay Carillo, Drew was a spoiled brat. A rich man’s daughter who got whatever she wanted.

And yet Carillo also said that she was nice and adorable.

Nice and adorable were for kids. This young woman was alluring that, to his surprise, he could feel a stirring in his loins just by watching her lovely albeit troubled face.

Drew had a flawless skin. Maputi na para bang kahit hawakan lang ay magbabakat na sa balat nito ang mga daliri ng hahawak. She had a shoulder-length dark-brown hair. Nakasabog sa headrest ang alon-along buhok nito, na tila ba inaanyayahan siyang ipaloob ang mga daliri doon.

Matangos ang ilong nito kaysa sa karaniwang Pilipina, the soft brown-painted lips were wide and were parted a little. And Jace cursed himself for reacting that way because he had this sudden urge to claim those sensual lips.

His eyes moved down to her swan-like neck and wondered how she would moan kung paglalandasin niya ang mga labi roon. At muli’y gusto niyang kainisan ang sarili sa pantasyang hindi naman niya dating ginagawa.

Then his eyes moved down to her breasts. Sa kabila ng makapal na leather jacket na suot nito’y nakikita niya ang pagtaas-baba ng dibdib nito. At naalala niya kung paanong bumakat ang dibdib nito sa suot na damit nang umagang iyon.

She had been wearing a pristine off-white silk dress and red stilletos and no bra. He smiled wryly. Knowing her reputation, she didn’t have the right to wear white.

Oh yes, nasabi nito sa kanya sa hotel na magpapakasal sana ito at si Grant. Iyon ang dahilan kaya ito nakaputing damit kanina.

Si Carillo ay hindi nasabi sa kanya kung bakit naroon si Drew sa Las Vegas na may kasamang lalaki. At bagaman matagal na silang magkakilala’t magkaibigan ni Carillo ay hindi nito kilala si Grant.

Ano ba talaga ang nangyari? At bakit pinayagan ni Nick na magtungo sa Las Vegas ang anak kasama ang isang tulad ni Grant? Higit sa lahat, ang magpakasal sana rito.

“WHY WOULD you want a man who only loves you for your money, Drew? Don’t you have any self-respect and dignity at all?”

Damn your money, Daddy! Why can’t a man love me for what I am and not because I am your daughter? she thought miserably.

A bitter sob came out of her throat.

“Are you unwell, Miss Navarro?”

Marahang napasinghap si Drew. For a while, she held her breath. Kinakabahan siyang magmulat ng mga mata. Because she was certain who the voice belonged to.

“Gusto mo raw akong makausap.”

Muli’y nagulat siya. He was a Filipino. Subalit hindi nito naitago ang Texan drawl sa tinig. And she thought it sounded sexy.

She opened her eyes slowly and met those compelling jet-black eyes. Nakatayo ito sa munting pasilyo sa pagitan ng dalawang hilerang upuan ng eroplano at nakatunghay sa kanya. He was big and tall na tila ang loob ng eroplano ay biglang naging masikip.

At para sa isang malaking taong katulad nito, nakapagtatakang hindi man lang niya namalayan ang paglapit nito. She would always know kung lumalapit si Hopkins o kahit ang pilotong si Carillo.

She swallowed. “Kaninang umaga... sa hotel, alam mo ba kung sino ako?”

“No, ma’am,” sagot nito. Ang pagkakasabi ng “ma’am” ay sa paraang tila siya iniinsulto. “I had no idea.”

“Bakit ka nasa hotel kanina? Although, I’m glad you were there.”

Muli’y umangat ang kilay ng kaharap. At kung sinagot siya nito ng “wala kang pakialam doon” ay hindi, siya magtataka.

“I visited a friend.”

The even and darkly textured voice was toneless. At pinigil niya ang sariling itanong kung ang “friend” na sinasabi nito ay babae. But of course it must be a woman. At marahil ay doon ito nagpalipas ng gabi.

“Fly this jet back to—what’s your name?”

The corner of his mouth twisted upward in a mocking smile. “Jace. Jace del Mare, Miss Navarro.”

“Del Mare?” pag-ulit niya kasabay ng pagkunot ng noo. The name sounded familiar. “At pamangkin ka ni Carillo?”

“Not by blood. We’ve known each other for a long period of time. Magkamag-anak na ang turingan namin sa isa’t isa.”

Tumango si Drew. Iniwas ang mga mata sa pagkakatitig nito. Itinuon iyon sa maliit na bintana ng jet. She was about to say something nang mula sa cockpit ay lumabas si Hopkins at humakbang palapit.

“Jace, telephone.” Tinapunan nito ng alanganing sulyap si Drew at halos ayaw salubungin ang tingin ng dalaga.

“Is it my father, Hopkins?”

“No, ma’am. It’s Mrs. Blanco, your father’s secretary.”

“Alam ba niyang narito ako?” Sinundan niya ng tingin si del Mare na lumakad patungo sa cockpit while silently admiring the sinewy back.

“Yes, ma’am. I volunteered the information that you’re here.”

“D-did she inquire about me... about Grant? Iyong kasama ko kaninang umaga?”

“No, ma’am,” sagot nito kasabay ng pag-iling. Nang hindi siya magsalita ay bumalik ito sa cockpit.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. So her father didn’t want to have anything to do with her anymore, may kapaitang naisip niya. Inakala marahil ni Nick na kasal na sila ni Grant nang mga sandaling iyon.

Now she understood her father’s disappointment. Alam nitong tiyak ang uri ng pagkatao ni Grant dahil sa mga bayarang private investigators nito. Pero hindi niya pinakinggan ang mga sinasabi nito.

Akma siyang tatayo upang magtungo sa cockpit at kausapin na ang sekretarya ng ama nang muling lumabas si del Mare.

“N-nasa linya pa ba si Mrs. Blanco?”

“Ibinaba na niya ang telepono. She only had one message to relay. And that your father gave a strict order to fly this jet to the Philippines, now...” wika nito at halos magdikit ang mga kilay sa pagkakatitig sa kanya bago dinugtungan ang sinabi, “without... you.”

Mabilis niyang iniwas ang mukha upang hindi nito makita ang pait sa mga mata niya. Muling itinuon ang paningin sa labas ng bintana ng Lear jet. Nagsisikip ang dibdib niya sa sama ng loob. Sa natuklasan at ginawa sa kanya ni Grant ay kailangan niya ang simpatya ng ama higit kailanman.

Subalit sa nangyayari’y tila gusto siyang abandonahin nito. Kilala niya ang ama. Hindi ito nagbibiro. And she couldn’t even blame him. She had pushed him to his limit.

Mrs. Blanco was sympathetic and understanding. But she was also her father’s very loyal and efficient secretary. Kung ano ang sinabi ni Nick ay iyon lamang ang ipararating nito.

More than ever, she felt so alone. Yet she couldn’t wallow on self-pity.

Tumayo siya. At hindi man lang nagtangkang pumasok sa pagitan ng hilerang upuan ang substitute pilot nang dumaan siya upang umiwas. Dahil makitid ang pasilyo sa pagitan ng magkabilang hilera ng upuan ay hindi maiwasang hindi siya masagi sa katawan nito.

Iyon at ang pagkalanghap niya sa pinong amoy ng mamahaling aftershave cologne nito’y nagdulot ng kakaiba sa damdamin niya.

She wondered why it did so? It was just a simple aftershave. At bakit kailangang makihalo sa gulo ng isip niya ang amoy nito?

Mabilis ang mga hakbang na lumakad siya patungo sa kinaroroonan ng telepono sa loob ng cockpit. Tatawagan niya ang ama. Sasabihin niya rito na hindi siya nagpakasal kay Grant. At saka na siya mag-iisip ng idadahilan, kung hindi man nito mahuhulaang tiyak ang nangyari.

And then she would appear like a total idiot.

Of course, Nick would forgive her, naturally. At dahil tama na naman ang ama niya, magagawa nitong manipulahin nang husto ang buhay niya. At isa roon ay ang pakasalan ang lalaking gusto nito para sa kanya.

She stopped on her tracks.

All right, so be it. Maiiwan siya sa Las Vegas. Mula roon ay babalik siyang mag-isa sa Houston. Subalit hindi siya mapipilit ni Nick na pakitunguhan ang isang lalaking ni hindi niya gutong makasama man lang ng kahit limang minuto sa iisang silid.

She turned around only to find Jace staring at her with those dark and hypnotic eyes.

Sapat iyon upang manumbalik ang lakas ng loob niya. She raised her chin indignantly.

“All right, fly this jet back to the Philippines,” wika niya. “Maiiwan ako rito.”