noveltoon logo noveltoon
My Wild Heiress (Kristine Series 20)

Chapter 16

Ch. 17 / 24 Apr 09, 2022

Chapter Sixteen

“D ON’T tell me, let me guess,” ani Concordia na umiling matapos paglipat-lipatin ang tingin sa dalawa, humakbang ito palapit sa anak. “Hindi pa man, nagsisimula na ang digmaan sa pagitan ninyong datawa, am I right?”

Walang parehong kumibo. Si Drew ay itinaas sa bibig ang hawak na goblet at inubos ang laman.

“Wala bang magsasalita?” wika ni Nick, his voice deceptively calm.

“Napalo mo na bang minsan man lang ang anak mo, Tito Nick?” ani Jace na tila siya limang taong gulang. “And talking again of compulsion—” Sinulyapan siya nito sa nakakalokong paraan bago muling ibinalik ang tingin kay Nick “—why, I’m compelled to spank your daughter right at this moment...”

“You swi—!”

“Enough, Drew!” Nick’s tone had a cutting edge.

“Ano na ang napag-usapan ninyo tungkol sa inyong kasal?” patuloy ni Concordia.

“Gusto niya ng marangyang kasal!”

“Gusto niyang tumakas na tila magnanakaw sa gabi!”

Halos sabay na nagsalita ang dalawa.

“Tumakas?” kunot-noong wika ni Nick sa anak sa hindi makapaniwalang tono. “Gusto mong magtanan kayo?”

“Of course not!” She stomped her foot angrily. “I only said I want a simple wedding. No fuss, no frills, no nothing!”

Binalingan ni Nick si Jace na tahimik na sumisimsim ng alak. “While you, Jace, want a splashy wedding?”

“Not at all,” pagtutuwid nito. “I also want a simple wedding. But it seems your daughter has a different definition of the phrase ‘simple wedding.’ Ang gusto niya’y sa Las Vegas kami pakasal... na kaming dalawa lang.”

“Las Vegas!” magkapanabay na bulalas nina Nick at Concordia.

“HINDI ko alam kung tama itong gusto mong mangyari,” ani Concordia sa naguguluhan at nag-aalalang tinig nang pauwi na silang mag-ina. “I know your time’s running out, na hindi ko naman maintindihan kung bakit pinatagal mo pa nang ganito. Pero hindi nangangahulugang kailangan mong isakripisyo ang sarili sa pagpapakasal kay Drew nang dahil sa akin, hijo. We can live elsewhere—”

“Hindi mawawala sa iyo ang Villa del Mare, Mama,” mariing sagot nito. “And do you think marrying that spoiled brat is a sacrifice?” lingon niya sa ina, a small smile played his lips.

“She’s very spoiled, nakikita ko ngayon iyan. Pinalayaw ni Nick at lumaki sa luho at karangyaan. How could anyone like her make a good wife?” patuloy nito.

“Huwag mong husgahan si Drew sa nakikita mo lang, Mama.”

“She seems to... to hate you,” patuloy ni Concordia, uncertainty in her voice.

“That’s a harsh word to describe what she feels for me. But I assure you, she doesn’t hate me. Hindi lang umuubra ang kalokohan niya sa akin. Sa bawat pagkakataon, she wants to call the shot. My g od, that woman needs taming.”

“Challenge doesn’t make marriage, Leandro. Kung magpapakasal ka sa isang babae ay dahil gusto mo at mahal mo.”

Hindi niya sinagot iyon. Then after a long moment, said with determination, “I will marry her...”

Hindi na kumibo si Concordia. His chest rose slightly in a silent sigh. As in every facet of his life, when a decision was made, he carried it through with ruthless determination.

Nang unang imungkahi sa kanya ni Nick na magpakasal sila ni Drew mahigit isang taon na ang nakalipas ay atubili siya. Bagaman hindi pa niya nakita nang personal si Drew, sapat na ang mga bali-balita upang hindi niya pangarapin ang isang tulad nito ang makasama sa habang-buhay.

Ni hindi siya nagbigay ng pagsang-ayon o pagtanggi man dahil na rin sa proviso ni Gerardo del Mare sa testamento nito. Gusto niyang mag-iwan ng maraming options. But Nick took his silence as acquiescence. Then Nick made the announcement of his daughter’s engagement to him. Hindi niya gusto ang ginawa nito subalit nagsawalang-kibo siya. Bentahe sa kanya iyon kung ang proviso ni Gerardo del Mare ang pagbabasehan.

Then he met her. Call it twist of fate, na siya mismo ang magligtas dito mula sa mga kamay ni Grant. Unang pagkakita pa lamang niya rito sa corridor ng hotel ay hindi na ito nawaglit sa isip niya. Nanghihinayang na isa itong masamang babae—ang una niyang inakala.

She aroused in him his protective instinct. He wanted to kill Grant for hurting her. Kahit siya ay nagulat sa sariling damdamin.

And then she offered him that crazy proposal. He was amused... and irritated at the same time. She was right, he intentionally misled her, gusto niyang ipakita kay Drew na hindi lahat ay kaya nitong paikutin sa palad nito.

At nang malasing ito, and recklessly entrusted herself to him, he was furious. Pinagselosan niya ang mga lalaking pinagkatiwalaan nito sa nakalipas na mga panahon ng buhay nito. And that moment a decision was made, no other man would touch her... again.

And brat or not, tame or wild, she would be his.

“WHERE’S the ring?” the marriage celebrant asked impatiently.

Parehong nagkatitigan sina Jace at Drew nang marinig ang hinihingi ng marriage celebrant sa kanila. Hindi nila naisip iyon. Dalawang araw matapos ang mahabang pagtatalong namagitan sa penthouse tungkol sa kanilang kasal ay lumipad sila ni Jace patungong Nevada.

Nick had pointed out determinedly that he wanted everyone in his family to be present; that the wedding should be according to tradition; na nag-iisa siyang anak at marapat lamang na isang maayos na kasal ang magaganap.

Hindi na niya inaasahang mangyayari ang gusto niya, the odds were three against one. Out of sheer stubborness, she insisted that she wanted their wedding to be held in Las Vegas, nang sila lang dalawa ni Jace. Subalit sa pagtataka niya ay biglang nag-about-face si Jace. Pumayag ito sa gusto niyang mangyari nang hindi sinabi sa dalawang magulang ang totoo niyang dahilan.

“Drew wants us to be married in a place where we first met,” wika nito, isang malamig na ngiti ang namutawi sa mga labi. “She’s a sucker for romance, you know.”

Isang matalim na tingin ang ipinukol niya rito, ganoon man ay lihim na nagpasalamat. Matapos ang ilang sandaling pag-iisip ay sapilitang pumayag si Nick. Na sapilitan ding sinang-ayunan ni Concordia.

“Ano ang motibo mo sa biglang pagpayag na sa Vegas tayo pakakasal?” nagdududang tanong niya nang mapag-isa na lang silang muli. “You were against it when I suggested it to you.”

He stared at her cooly. “Perhaps you’re right, after the wedding, everybody’s happy. Our marriage had served its purpose. Then we can plan annulment afterwards...”

“O-okay lang sa iyo?” hindi makapaniwalang taong niya.

“Perhaps I don’t want to stay married to you, too.”

Nasisiraan na marahil siya ng bait dahil hindi niya maintindihan kung bakit may bahagi sa dibdib niya ang biglang gustong magrebelde sa pagsang-ayon nito sa ideyang siya naman sana ang nagbigay at ipinagpilitan.

Pride? She had no idea.

“DON’T you have a ring at all?” muling tanong ng nagkakasal na ikinabalik ng atensiyon ni Drew dito.

Tumikhim si Jace at itinaas ang dalawang kamay sa batok. “This would do...” anas nito at tinanggal ang suot na kuwintas. May nakapalawit doong gold band ring.

Nang matanggal ay muling ikinabit ang kuwintas sa leeg at walang sabi-sabing inabot nito ang kaliwang kamay niya at isinuot sa palasingsingan niya. It fitted her perfectly. Gusto niyang magprotesta subalit nakita niyang kumunot na ang noo ng nagkakasal sa pagkainip.

“Wear this ring while I’m married to you,” utos nito sa pabulong na paraan subalit hindi nakaila kay Drew ang warning sa ilalim ng tinig nito.

“Hmp... actually, there’s no need to—”

Payukong muling bumulong si Jace. “Let’s make this real as much as possible, okay? Ano na lang ang sasabihin ng daddy mo sa akin? Magpapakasal tayo pero singsing lang, hindi ko pa kayang bilhin?”

Naniningkit ang mga matang tumingala siya rito dahil sa painsultong tono nito. Subalit wala na sa kanya ang pansin nito at nasa nagkakasal na.

Natapos ang rituals, in what must have been more or less five minutes.

“You may now kiss the bride,” wika ng marriage celebrant.

“That’s not necessary,” mabilis niyang sabi. “Let’s have that documents now and be done with it.”

She attached her signature on the marriage contract at pagkatapos ay ibinigay iyon kay Jace. Ni hindi niya ito hinintay na matapos pumirma at mabilis na lumakad patungo sa exit.

Subalit bago niya mabuksan ang pinto ay naabutan siya nito. “Hey... hey... hey!” Inabot nito ang braso niya at hinila siya pabalik. Napaharap siya rito.

“Ano ba?!” singhal niya, sinikap pakawalan ang brasong hawak nito, but he drew her even closer, na bahagyang ikinatama ng noo niya sa mga labi nito.

“Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagpakasal ako, my dear wife, so let’s follow tradition.” At sa pagkamangha niya ay yumuko ito at inangkin ang mga labi niya.

Ang unang pumasok sa isip niya ay itulak ito. But she couldn’t have done so if her life depended on it.

The lips that claimed hers were warm, soft yet firm. And it was sending darts of hot pleasure coursing through her. All at once, tulad din ng unang angkinin nito ang mga labi niya, ay tila may sulo na sinindihan sa katawan niya.

Only this time, the kiss was so different from the first one. It was tender and thorough. And her entire being seemed to burst into flames.

And she must have parted her lips because he thrusted his tongue and tasted the insides of her mouth.

Instinctively, ang mga kamay niya ay dumako sa matipunong dibdib nito. She would have totally melted in his arms kung hindi sa biglang pagpapakawala nito sa mga labi niya.

Dazedly, she gazed into his dark eyes. At nang makita niya ang nagtatawang mga mata nito ay agad ang pagbalik ng katinuan sa isip niya.

Galit ang pinakamabisang panlaban sa kahihiyan. “How dare you—”

But Jace covered her still throbbing lips from his kiss with his forefinger. “Rule number one, I’m your husband not your employee, so let’s have some respect here, okay? Hindi mo ako kailangang singhalan.”

She hated the mockery in his eyes and voice. Oh, she hated him! “This... this isn’t a real marriage,” mabuway niyang protesta.

“Isn’t a real marriage?” he mimicked, the sensual mouth twitched mockingly. Nilingon ang marriage celebrant na kasalukuyang naghahanda sa panibagong kakasalin. “Hindi ba totoong kasal ang naganap ngayon lang?”

“I’m compelled to marry you—”

“And that made you Mrs. Leandro Jace del Mare, princess,” sarkastikong wika nito. Hinawakan siya sa kamay at hinila patungo sa exit. “Let’s stop this nonsense.”

“W-where are we going?”

“Back to the hotel.”

“H-hotel!” bulalas niya habang itinaas ni Jace ang kamay at tinawag ang taxi na nakapila sa di-kalayuan.

“MGN, remember?” wika nito na tila siya may amnesia. Iginiya siya papasok sa taxi. “Your father reserved us the honeymoon suite, na hindi mo man lang pinagkaabalahang panhikin.” Sumakay ito at isinara ang pinto ng taxi at sinabi sa driver kung saan sila patungo.

“Honeymoon suite!” she cried in horror as the implication of his words sunk in. “I cannot... we cannot... I mean—”

“I know what you mean, princess,” ani Jace sa walang emosyong tono. “But we have to oblige the olds—”

“No!” mariing protesta niya. Pagdating nila kaninang umaga sa hotel ay hindi siya sumama kay Jace sa pagpanhik. Inubos niya ang oras sa window-shopping sa ibaba ng hotel kahit pagod siya sa biyahe. “There’s no way we are going back to the hotel!”

“You protest too much,” matabang nitong sabi. “Let’s celebrate this occasion, Drew.”

“B-but...?” Suddenly she was confused. Hindi niya alam kung paano itutuloy ang sasabihin.

“Manatili tayo sa hotel ngayon at bukas. Then we can go back home. Hindi nila malalamang nagpalipas lamang tayo ng gabi...”

Isang pagkalalim-lalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya at hindi malaman kung ano ang iisipin.

“Kung masindak ka’y para kang matimtimang dalagitang bagong labas galing sa kumbento at hindi pa man lang nahahawakan ang kamay,” ani Jace sa nakakalokong tinig. “If I hadn’t known better.”

Ang likod niyang hindi pa man halos lumalapat sa sandalan ay muling napaangat at hinarap ito. “And what is that supposed to mean?” she asked heatedly.

“In spite of what you think, I also read the papers. Wild heiress... playgirl heiress... notorious heiress... what else?” Sinabi nito ang mga taguri sa kanya ng press na tila iyon mapaklang bagay sa dila nito. “Mas mabilis ka pang magpalit ng boyfriend kaysa sa pagpapalit mo ng sapatos...”

Her eyes grew wide in shock and anger.

“And it isn’t as if you haven’t enjoyed my kisses,” he said ruthlessly.

“You scum-of-the-earth—” Hindi niya nakuhang tapusin ang sinasabi, nahagip ng paningin niya ang mga mata ng driver na nakatitig sa kanya sa rearview mirror.

Gritting her teeth, muli siyang sumandal. Magkasamang pagkapahiya at galit ang nasa dibdib. My g od, wala siyang natatandaang may lalaki siyang gustong kalmutin ang mukha sa matinding galit. Kahit si Grant sa ginawang pagtatangka nito sa kanya ay hindi napukaw ang ganoong damdamin sa kanya.

Sa loob ng mahabang sandali ay namagitan ang katahimikan. Jace broke the silence.

“I’m sorry,” wika nito.

“What?”

“I said I’m sorry.” His voice gentle. “I should have not said that. I demanded respect from my wife, I guess I should know how to give it, too.”

Maang na napatitig siya rito. Pagkuwan ay mabilis ding nagbawi ng tingin at nilinga ang dinadaanan nila. Lumalim na lalo ang kalituhan ng isip niya. Nakahanda siya sa giyerang maaaring mamagitan sa kanila, subalit hindi ang biglang pag-iiba nito ng tono.

Napakislot pa siya nang gagapin nito ang kamay niya. “Let’s make a truce, Drew,” he said huskily. “I am not usually like this to women... but you always bring out the worst in me.”

“And now, it is all my fault?” she snapped. Binawi ang kamay subalit mahigpit ang pagkakahawak ni Jace doon.

He grinned, that heart-stopping grin. “No. Pero siguro’y pareho lang tayong tensiyonado. Is it so awful to contemplate being married to me?” he asked softly.

“No!” mabilis niyang sagot. “I-I mean...” she stopped and tried to gather her wits, and aware that she was blushing like a bride. No. It was a wrong simile. She was a bride. No, not really. Mabilis niyang nilinaw ang nagkabuhol-buhol na isip. “I mean you’re not that... that... bad. In fact, I’ve proposed to you, haven’t I?”

“I was tempted to accept your proposal then,” wika ni Jace, his smile was teasing. “Tutal alam ko namang magpapakasal din tayo.”

“Why didn’t you?”

Nagkibit ito ng mga balikat. “I don’t take advantage on women who act like little children...”

“You—” s he stopped when she saw the gleam in his eyes. Nanunukso lamang ito. Huminga siya nang malalim. “Yeah, I guess you’re right. I always act on impulse and regret later...” marahang sabi niya. “And I’m glad that it was always you. Tulad na lang noong malasing ako.”

“Natitiyak kong hindi mo gagawin iyon sa ibang tao, Drew,” Jace said thoughtfully. “Subconsciously, alam mong mapagkakatiwalaan ako.”

That earned a chuckle from her. Tuluyang nag-relax. “Don’t push your luck, del Mare.”