Chapter Fifteen
“Y OU HAVE landed it this time, Andrea Monica! Alam mong matanda na at may sakit ang Papa... ano sa palagay mo ang magiging epekto ng mga ito sa sandaling makarating ang mga ito sa kanya?”
“Oh, Dad, I’m sorry... I didn’t mean to—”
“I didn’t raise you to be a... a...” Hindi nito makuhang sabihin ang salita para sa anak. Nanlulumo itong umiling. “I never thought you would be so ill-bred as to ruin yourself...”
“Daddy, Grant was lying,” paliwanag niya. “We never spent the night together. Jace can attest to that.”
“Pero paniniwalaan ng tao ang pahayag ni Grant!”
She raised her chin in defiance. “As if I care what people—”
“Shut up, Drew! Sa pamamagitan ng pagpapakasal ninyo ni Jace ay mapapasubalian mo ang balitang ikinalat ni Grant!”
Tinitigan niya ang ama. At kung ano man ang gusto niyang sabihin ay napigil sa lalamunan niya. Kung ang ama lang ay magagawa niyang makapangatwiran at malusutan ang sitwasyong iyon. Subalit ang pagkabanggit kay Franco Navarro ay sapat upang matahimik siya.
She loved her grandparents so much. To her, Beatriz Navarro was a grandmother, a mother, a friend, all rolled into one. Ang dahilan kung bakit sa nakalipas na tatlong taon ay madalang ang naging pagkikita nila ay dahil sa malimit na pagkakasakit ng Lolo Franco niya.
And Franco’s health was dwindling. He was in his early eighties. Hindi niya gugustuhing siya ang magiging sanhi ng kamatayan nito.
“Pag-usapan ninyo sa penthouse sa itaas ang tungkol sa inyong kasal,” pinal na wika ni Nick. “I would have employed an army of bodyguards had I known you would shame me so.” Idinagdag nito ang huling sinabi.
“Pero bakit gusto mo akong ipakasal sa kanya, Daddy?” maigting niyang tanong. “Hindi ako makapaniwalang gusto lamang ninyong ipag patuloy ang isang kasunduang hindi nagkaroon ng katuparan sa pamamagitan ng lolo ni Jace at ni Lola Monica!”
Nakita niya ang sandaling pagnanais ng amang itaboy siya palabas ng opisina nito. Pagkuwan ay ibinababa nito ang mga balikat at huminga nang malalim. Humakbang patungo sa swivel chair at naupo. Sa anyo ay tila ba ang itinatanong niya ay walang kakuwenta-kuwentang bagay at hindi na dapat pag-ukulan ng panahon.
“You are right, walang dahilan upang ipagpatuloy ko ang hindi natupad na kasunduan ng mga matatanda sa katauhan mo at ni Jace,” wika nito sa mahinang tinig, isang malaking kaibahan sa matinding galit nito kani-kanina lang. Nick paused for a long moment. Nanatiling nakatayo sa tabi ng pinto si Drew, naghihintay ng karugtong na sasabihin ng ama.
“Years ago,” patuloy ni Nick. “ i sinanla ng Lola Monica mo kay Gerardo del Mare ang kanlurang bahagi ng asyenda, twenty hectares to be exact. Hindi ko nalaman ito maliban nitong mamatay ang matandang del Mare at basahin ng abogado ang testamento nito. Hindi ko inisip na magkakaroon ng suliranin ang propriedad. The Montano property is entailed, hindi maaaring ipagbili o isanla.
“Iyan ang dahilan kung bakit hindi dumaan sa mga abogado ng pamilya ang transaksiyon. Tanging kasulatang pinirmahan ng Mama at ni Gerardo del Mare ang pinagbabatayan, fully notarized. Kung ang pagbabasehan ay ang halagang pinagsanlaan niyon, maliit lamang ito at madaling bayaran. Subalit sa nakalipas na mga taon ay hindi kumikibo ang matandang Gerardo. He never bothered to inform me about it. Kahit ang inter est ng pagkakasanla ay hindi niya sinisingil sa akin. Along with the capital, it now amounted to more or less twenty miliion.
“Ayon kay Concordia ay isinanla ni Monica ang bahagi ng lupain upang suportahan ang negosyo ni Jerome.” Bahagyang tumiim ang mukha ni Nick sa bahaging iyon. “Hindi rin pinagkaabalahang kusang bayaran ni Jerome, at naiintindihan ko kung bakit. Pinakasalan niya ang Mama dahil lamang sa minana nitong lupain subalit hindi niya akalaing hindi naman pala nito maipagbibili iyon...
“Nang manahin ko ang kompanya ay palugi na rin ito. Subalit hindi maitatangging dahil sa salaping inutang kay Gerardo del Mare nagsimula ang MGN International ngayon. At ayon sa testamento ng matandang del Mare, ang pagkakautang ay mababale-wala kung magpapakakasal kayo ni Leandro.”
“But the old man hadn’t even met me!”
“He had when you were younger... sa asyenda, sa tuwing summer vacation. You were too young to remember. Hindi miminsang dumalaw sa Hacienda Montano ang matandang lalaki sa panahong namimighati ako sa pagkawala ng mommy mo, Drew...” Her father’s face softened at the mention of her mother.
“Ano ang kaugnayan ng pagkakasanla ng bahagi ng asyenda sa pagnanais mong ipakasal ako kay Jace, Daddy?”
“That is what I am explaining,” Nick said impatiently. “Nang una’y isang katawa-tawa para sa akin ang proviso sa testamento ng matanda,” sagot ni Nick. “And I could bring this matter to court. Walang-bisa ang transaksiyong nangyari. The property is entailed. Subalit hindi maitatatwang may inutang ang pamilya natin sa mga del Mare na dapat bayaran. Ganoon din ang moral na aspeto at ang tiwalang namagitan sa dalawang matatanda.
“At bukod sa malaki ang halagang babayaran, ikaw na rin mismo ang nagtulak sa aking sang-ayunan ang proviso ni Gerardo del Mare sa testamento niya,” matabang na sabi nito. “Anyway, both sides will benefit from this marriage...”
“A-anong ibig mong sabihing parehong makikinabang ang magkabilang panig sa pagpapakasal namin ni Jace?”
Nick smiled without humor. “The old man gave me a choice, Drew. Hindi niya ako inipit sa proviso niya. Magagawa kong huwag kang ipakasal kay Leandro pero babayaran ko ang lahat ng salaping nauukol sa kanila sa nakalipas na mga taon.”
“Ang Hacienda Montano ay mana ko, Daddy, kumikita iyon. I can easily pay back the twenty million!”
“That is where you’re wrong, Drew. Dahil nakasanla sa mga del Mare ang asyenda, natural na ang lahat ng income nito sa nakalipas na tatlumpung taong mahigit ay kanila rin.”
“Oh!” nanlulumong bulalas niya.This was getting worse. Tumingala siya sa ama. “You never had the need to touch the property’s income, Daddy. Nasa bangko lang iyon at kumikita ng interest. Pay Jace what is due him!”
“Ang kinikita ng asyenda’y bumabalik din sa asyenda, Drew. Hindi lang iyon, ginamit ang kinita ng asyenda sa nakalipas na mga taon para sa panibagong investment, tulad na lang ng investment natin sa distillery ni James. Besides, kahit pa kaya kong bayaran at ibalik sa mga del Mare ang buong kinita ng bahagi ng asyendang isinanla, ay hindi ko gagawin.”
“What?!”
“I’m a businessman, Drew. Ang pinag-uusapan dito’y hindi lamang dalawampung milyones, kundi ang kinita ng bahagi ng asyenda simula pa lamang ng isanla ito binatilyo pa lamang ako, at hindi birong pera iyon. Iyon ang pinawawalang-bisa ng matandang del Mare kung nagpapakasal kayo ni Leandro. Ang capital at interest ay kailangang bayaran at mauuwi kay Concordia. So you see, pabor sa akin ang proviso ng matandang del Mare.”
“At my expense!” she wailed.
“At maipakakasal pa kita sa isang matinong lalaki,” patuloy nito na tila hindi siya nagsalita. “You brought this upon yourself, Andrea Monica,” matigas na sagot ni Nick. “My g od, nilampasan mo ang recklessness at mga iskandalo ng Aunt Jenny mo noong dalaga pa siya. Ang kaibahan lang, your aunt didn’t fall for the likes of Grant.”
Agad niyang pinalis ang sakit na naramdaman sa sinabi ng ama. “At si Jace, Daddy, ano naman ang pakinabang niya sa arrangement na ito?” Hindi niya maitago ang galit at sarcasm sa tinig.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Nick. May ilang sandaling nag-atubili bago muling nagsalita. “Minana ni Leandro ang malaking bahagi ng pag-aari ng matandang del Mare, kasama na siyempre, ang utang na dapat nating bayaran sa pagkakasanla ng lola mo sa asyenda. Subalit sa proviso ng matanda sa testamento niya ay kailangang mag-asawa si Leandro sa loob ng isang taon pagkamatay nito, kung hindi ay mauuwi kay... Grant ang buong Del Mare Woods.”
“Grant?!” manghang usal niya, nagkagatla ang magandang noo niya sa pagkalito. “Paanong napasok si Grant sa usapang ito, Daddy?”
“Ayon kay Concordia, ang ina ni Grant ay ilihitimong anak ng nakababatang kapatid ni Gerardo del Mare. Both died years ago.”
“Oh,” hindi makapaniwalang usal niya. Kung ganoon ay magpinsan si Jace at si Grant! Iglap na pumasok sa isip niya ang sinabi ni Grant nang pumasok ito sa elevator.
You cheated me, bastard! You took something that is mine for the second time...
Now it made sense. Kay Jace patungkol ang sinabing iyon ni Grant at hindi sa kanya.
“Nang... magkasintahan kami ni Grant, alam ba ninyong magkamag-anak sila ni Jace?”
Umiling si Nick. “Wala akong ideya, he has a different surname since her mother married an American. Si Jace ang nagsabi nito sa akin nang makausap ko siya.”
“I–I still don’t understand, Daddy. Hindi ba may karapatan si Grant na manahin ang propriedad ng matandang Gerardo dahil apo rin naman siya nito?”
Nick sighed deeply. “Sa pagkakaalam ko’y may bahagi ng lupain na minana si Grant, Drew. Anyway, kay Jace mo hingin ang paliwanag sa iba mo pang katanungan. Naghihintay siya sa itaas.”
May ilang sandaling nanatili siyang nakatayo bago atubiling lumabas ng silid. Maraming katanungan ang nag-uunahan sa isip tulad na lang ng relasyon nina Jace at Grant. At kahit minsan ay hindi man lang iyon binanggit ni Jace sa kanya sa panahong magkasama sila.
KUNG hindi lang sa igting ng pangyayari ay gustong matawa ni Drew sa anyo ni Sheila nang malabasan niya ito mula sa silid ng ama. Nangangarap pa rin nang gising.
“Oh, g od, Drew, I’m in love!”
She raised her brow. “In love? Kanino?”
“Doon sa lalaking sinabi ko sa iyo kanina, `yong nasa penthouse,” she smiled sheepishly.
She was incredulous. “In a matter of minutes? Sheila, that is simply not possible.”
“But you have to see that man, Drew, and you’d know what I mean! He’s a god!”
“I don’t believe this!” She rolled her eyes. Tinalikuran ito at lumakad patungo sa elevator.
He was dark all over — hair, eyes, skin...
She sighed. Sheila described Jace with accuracy. But a god? She shook her head and smiled drily.
Nang bumukas ang elevator sa penthouse ay maingat siyang lumabas at lumakad patungo sa glass door ng living room.
Through the glass door she could see him. Nakatayo ito at nakadungaw sa nakabukas na bintanang salamin. Mula roon ay alam niyang natatanaw ang buong Roxas Boulevard... at ang dagat. Nakikita niya ang banayad na pag-alsa ng buhok nito mula sa pumapasok na hangin.
Elegance was the first word that came to her mind. The man seemed to radiate it. Na nakapagtataka. Dahil hindi naman pormal ang suot nito. Jace was wearing his usual faded blue jeans and sport shirt... in canary yellow.
Napahugot siya ng marahang paghinga. Not all men could wear that color elegantly! But Jace did. Framed by the glass window, the picture he made was enough to cause a flutter in any woman’s heartbeat. She really couldn’t blame Sheila.
Itinulak niya ang pintong salamin. Lumingon si Jace.
Hindi niya gustong salubungin ang titig nito. Hindi pa rin mawaglit sa isip niya ang ginawa nitong paghalik sa kanya nang nasa Villa del Mare siya.
“Have a seat, Jace,” wika niya, at sa magalang na tinig ay itinuro ang sofa. “Ano ang gusto mong inumin?”
Humakbang siya patungo sa minibar. Nararamdaman niya ang mga mata nito sa likod niya. Electricity ran down her back in warm rivulets.
“Pag-usapan natin ang anumang dapat pag-usapan, Drew,” wika nito. “May mga trabaho akong naiwan sa Sto. Cristo.”
The arrogance of the man! Nanginginig ang mga kamay na nagsalin siya ng alak sa goblet. Dinala niya sa bibig iyon, and took one swallow. Ang init ng alak ay unti-unting naglandas sa lalamunan niya, down to her stomach. Sapat upang bigyan siya ng lakas ng loob.
“Ipinaliwanag sa akin ni Daddy ang ilan sa mga particulars tungkol sa arrangement na ito. At may mga bagay lang akong gustong linawin. Ayon sa testamentong iniwan ng lolo mo, mauuwi kay Grant ang buong del Mare property kung hindi ka pakakasal sa akin, tama ba?”
Bahagya lang na gumalaw ang ulo ni Jace bilang pagtango.
“Pero kung hindi ka naman pakakasal sa akin ay mapipilitang magbayad ng utang si Daddy sa iyo. That alone is enough to make you a millionaire. You don’t have to marry me, Jace, with that money you can buy another land, higit na mas malaki sa d el Mare Woods...”
May ilang sandaling kunot-noong tinitigan siya ni Jace sa paraang may hindi ito nauunawaan sa sinabi niya bago ito sumagot. “Kung ako lang ay walang problema, princess,” he said in a bored tone. “Subalit hindi basta salapi at propriedad ang pinag-uusapan dito. My mother wouldn’t live elsewhere. Oh yes, papayag siyang manirahan kami sa ibang lugar, but I know it would break her heart and would die eventually. Kung hindi man sa puso ay sa depression. Del Mare property means so much to her.”
“But surely, you can buy back the property from Grant, you can even double its actual worth.”
Muling lumalim ang kunot sa noo nito. Then he shook his head and smiled drily. “You don’t know what you’re saying. And even if I can afford to buy it back, Grant wouldn’t sell it to me out of spite. Iyan ang tinitiyak ko sa iyo. At ang isa pang mahalagang dahilan, Grant would sell the property to the highest real estate bidder in no time at all.
“And in a couple of years, isa nang beach resort at tourist spot ang lugar na iyon. Your father knows that, at alam din niyang kapag nangyari iyon ay mawawala ang katahimikan ng Sto. Cristo sa sandaling dayuhin ito ng mga local at foreign tourists...
“Not only that, mawawalan ng tahanan ang maraming pamilyang matagal ding naglingkod sa mga del Mare, ganoon din ang fishing village na pinagkukunan ng ikinabubuhay ng maraming tao. Though I doubt if you understand what that means. Buong buhay mo’y nabuhay ka sa luho... nakatira sa mansiyon na hindi mabilang ang mga silid... hindi tumatapak sa lupa...”
His words stung. She wondered how this man had the capacity to hurt her deeply.
And Jace would sacrifice himself by marrying her. At siya ay ipakakasal ng ama niya rito dahil sa kadahilanang hindi nito kailangang magbayad ng milyones na utang sa mga del Mare.
Gusto niyang maliyo. Mas honorable pa ang intensiyon ni Jace kaysa sa ama. She wanted to hate her father. Subalit sumisiksik sa isip niya ang sinabi nito.
“You brought this upon yourself, Drew... nilampasan mo ang mga iskandalong ginawa ng Aunt Jenny mo... ang kaibahan lang, your aunt didn’t fail for the likes of Grant...”
“Ngayong naipaliwanag ko na ang lahat ng dapat mong malaman maaari na nating pag-usapan ang tungkol sa kasal,” untag ni Jace sa sandaling pananahimik niya.
Nag-angat siya ng tingin dito. At bigla ay tila gustong mag-panic ni Drew. She didn’t want to get married. Hindi sa lalaking ito na kaya lamang siya pakakasalan ay dahil sa pansariling motibo.
You idiot! ganti ng isang bahagi ng isip niya. Hindi ba at inalok mong pakasalan si Jace una mo pa lang siyang makatagpo nang dahil din sa pansariling motibo? Lamang ay tumanggi ito gayung doon din naman pala ang kauuwian.
Well, he wanted to call the shot. Iyon ang dahilan.
Sinikap niyang ikalma ang sarili at hinarap ito. “O-okay. So we both have no choice. But... but I want no fuss, no bother, no frills,” malamig niyang sabi.
“Princess,” Jace said scathingly. “Ang pinag-uusapan natin dito’y ang tungkol sa ating kasal, not your scheduled trip to one of the shopping centers in Paris.”
“I am perfectly aware of what we are discussing, Jace!” puno ng iritasyong sabi niya. “I want us to go back to Vegas and marry there.”
“Oh no, Drew,” salungat nito kasabay ng pag-iling. “Kung magpapakasal din lang ako, gusto ko’y maayos na. I always think of marriage as—”
“You’re being ridiculous!” putol niya sa sinasabi nito. “We are not certainly talking about love in bloom here!” matalim niyang sabi, humakbang patungo sa bintana at pinuno ng hangin ang dibdib. Pagkatapos ay humarap siyang muli rito at sa determinadong tinig ay, “I want us to marry in Las Vegas.”
“Paano kung hindi ako pumayag sa gusto mong mangyari? O di kaya’y ang daddy mo?” naghahamong sabi nito.
She raised her hands in the air impatiently. “Ang kailangan lang namang mangyari ay ang magpakasal tayo, `di ba? At pumapayag na ako kaya wala akong makitang dahilan para ang maliit kong kahilingan ay tanggihan ninyo ni Daddy. Besides, I know you can handle my father,” mapait niyang sabi, at pagkuwa’y dinagdag, “so do it, let’s fly to Las Vegas... today, tomorrow... and be done with this farce of a wedding!”
“I’m just curious,” he frowned, “why in Las Vegas?” He wondered why he had to ask when more or less he knew the answer to that.
“All we need is a marriage certificate to show to your lawyer. After we’re married, everybody’s happy. Hindi na babayaran sa iyo ni Daddy ang milyones na pagkakautang sa iyo. At ang threat sa katahimikan ng Sto. Cristo ay mawawala na, and most importantly, mananatili sa inyo ang del Mare property,” mahabang sabi niya. “So next in line is annulment... and it would be a piece of cake if we were married in Vegas.”
May ilang segundong hindi ito kumibo. Sandaling nakiraan ang galit sa mga mata. At sa mahinahong tinig ay, “nagpaplano ka na ng annulment hindi pa man tayo naikakasal!”
“The subject here is compulsion, Jace,” she said heatedly.
“Perhaps you’re right.” His voice was dangerously calm. Subalit marahas itong humakbang palapit sa kanya. “Compulsion is the key word because right now I feel compelled to wring your lovely neck and put some sense into your brain.”
Kung tototohanin man nito ang banta ay hindi na malalaman ni Drew dahil bumukas ang pintong salamin at pumasok sina Nick at Concordia.
Nahinto sa paghakbang si Jace at nilingon ang dalawang bagong pasok. Hindi nito nagawang maitago agad ang galit sa mga mata.
“What’s going on?” kunot-noong tanong ni Nick.