I think I’m having an intense sexual attraction to Euna. There’s just something about her that I can’t resist. Pero siya lang ang babaeng hindi ko ma-seduce. Maybe because she’s still all over her asshole ex-boyfriend?
KAGAGALING lang ng simbahan sa bayan ang pamilya ni Euna, pinabendisyunan nila ang kanilang bagong sasakyan. Isa iyong itim na Toyota Sequoia at lubos siyang nagagalak sa nakikitang kasiyahan ng pamilya, lalo na ng kanyang ina.
Laking pasasalamat tuloy niya kay Nate kahit pa sabihing tinulungan lang siya nito para sa kondisyong mas mapatagal pa ang pananatili nito sa labas ng lampara. At kahit pera ang dahilan ay hindi naman niyon mababayaran ang kaligayahang nararamdaman niya ngayon. Imagine, she wouldn’t have to worry about money anymore. Hindi na siya mamomroblema sa pangangailangan ng kanyang pamilya, kung may magkasakit man sa kanila, kaya na niyang magbayad sa mahal na ospital.
Kasama nila noon si Nate na kumakain sa isang restaurant nang hindi nakaligtas ang mga paglalambing nito sa kanya mula sa mga mapangmatyag na mata ng kanyang kapamilya. O kung lambing bang matatawag ang mga ginagawa nitong pag-akbay-akbay sa kanya, at iyong pagpunas nito sa gilid ng kanyang mga labi kaninang may nag-smudge doon na sarsa ng pata tim.
“Alam mo, huwag mong masyadong karerin `yang pang-uuto mo sa akin, Nate. Kahit hindi ka maging malambing sa akin ay susundin ko pa rin `yong usapan natin,” sabi ni Euna sa lalaki nang sabay silang naglalakad patungo sa parking lot ng restaurant.
“Inuuto?” kunot-noong tanong naman ni Nate. “You think inuuto lang kita kaya kita nilalambing?”
Inirapan niya ito. “Ano pa nga ba?”
“Sa tingin mo, kailangan pa ba kitang utuin?” nakangising balik-tanong ng lalaki. “Sapat na dapat `yong kasunduan natin para hindi mo ako pagdudahan.”
“Eh, bakit ka nakaakbay sa akin ngayon?” asik niya.
“Well, I like holding you. And obviously, gusto mo rin. Kaya huwag ka nang tumanggi, Euna. This is getting ridiculous already.”
Ugh. May point ang gago.
Hinalikan siya nito sa buhok, saka bumulong, “You can’t resist me, sweetheart.”
“Hah! And the feeling is mutual,” pagtataray ni Euna.
Tumawa si Nate. “Guilty as charged.”
Sinalubong naman sila ng nagdududang tingin ni Elsa nang pasakay na sila sa SUV. Pangiti-ngiti itong palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. “Sigurado kayong mag-boss lang kayong dalawa?” pang-iintriga pa nito.
“Ate!” singhal ni Euna, sabay kurot sa tagiliran nito.
“Tanong ko rin `yan,” sabad naman ni Ednar.
Nakisali rin ang kanilang nanay. “Parang alam na yata natin ang sagot kaya huwag na tayong magtanong.”
Tinawanan lang ni Nate ang mga ito, saka muling umakbay kay Euna nang makasakay na sila. Sa backseat sila nakapuwesto.
“Tingnan mo’ng ginawa mo,” bulong niya sa lalaki.
“Wala naman talagang maniniwala na boss mo lang ako,” bulong nito pabalik. “Itong guwapo kong ito, imposibleng hindi maaakit sa akin ang babaeng empleyado ko.”
Hinampas niya ito sa hita. “Napaka-conceited mo talaga!”
“Nagsasabi lang ako ng totoo.”
Nang makauwi sila ay nauna na sa kanyang kuwarto si Nate na hindi nagpapigil na buhatin ang mga pinamili niya kanina. Sa sala ay inulan ng tukso si Euna, pinapaamin siya ng kanyang pamilya.
“Grabe kaya kung makatingin sa iyo,” humahagikgik na tukso ni Elsa. “Parang mas gusto ka niyang kainin kanina kaysa sa mga in-order nating pagkain.”
“Kayo na ba, anak? Hindi naman ako tatanggi kung sakali. Mabait at magalang sa amin si Nate,” nakangiting pagpapaamin naman sa kanya ng ina.
Nagkamot sa batok si Euna, hindi alam ang eksaktong sasabihin. Kahit naman siguro sinong makakakita sa kanila ni Nate ay mag-iisip din ng ibang kulay. Kung bakit naman kasi napaka-showy sa paglalambing ng lalaking iyon, at siya namang marupok ay hindi makatanggi.
“Saka, hello! Walang boss ang ganyan kagalante sa empleyado niya except may kapalit,” sabi ni Elsa na kumindat pa sa kanya.
Hindi alam ni Euna ang eksaktong isasagot.
“Baka MU?” natatawang sabad ni Ednar.
“Aaay, baka nga!” sang-ayon ni Elsa. “Siya, huwag na nga nating kulitin at baka maudlot pa.”
Umiiling-iling si Euna na tumuloy na lang sa kanyang kuwarto. Husto namang naabutan niyang kahuhubad lang ni Nate sa pantalon nito. “Ano ka ba? Bakit ka naghuhubo dito?” sita niya pero hindi naman inialis ang tingin sa nakabukol sa itim na briefs ng lalaki.
“Ang init dito sa bahay n’yo, magpapalit lang ako ng shorts,” sagot naman nito.
Ayaw na niyang lumabas ng kuwarto para umiwas sa panunukso ng pamilya kaya umupo na lang siya sa kama.
“Wala pala akong dalang shorts,” sabi ni Nate na nagkakalkal sa duffle bag nito.
Umikot ang eyeballs niya. “Kunwari ka pa, gusto mo lang iparada na naman `yang katawan mo sa akin.”
Tumawa ito, saka tumabi sa kanya ng upo. “Naiinitan talaga ako, `di ako sanay na naka-electric fan lang.”
“Umuwi ka na lang kasi sa bahay mo.”
“O, itinataboy mo na ako? Kadarating ko lang kaninang umaga.”
“Sina Nanay kasi, kulit nang kulit ng tungkol sa atin.”
“`Di umamin na lang tayo.”
Nginiwian niya ito. “Ano’ng aaminin natin, aber?”
“Na may relasyon tayo.”
“At anong klaseng relasyon naman `yan?”
Ngumisi si Nate. “Ikaw, kung ano ang gusto mong itawag. I’m okay with sexual relationship, you know.”
“Puro ka sex!”
“Puwede namang lumampas pa doon kung gusto mo. Mapag-uusapan natin `yan, Euna.”
“Asa ka pa!” angil niya.
Come to think of it, kung mayroon mang relasyong maaari niyang pahintulutang mangyari sa pagitan nila ni Nate, purong seksuwal lang siguro. Which would be fine for her, dahil hindi na siya magpapakaipokrita pa, pareho lang sila ni Nate na nagnanasa sa isa’t isa at nagmumukha na siyang tanga kakaiwas dito.
Napapitlag si Euna nang hawakan ni Nate ang isang kamay niya. Alam niyang ramdam din nito ang maalinsangang hangin sa pagitan nila. At alam niyang hindi lang dulot ng klima ang init na iyon.
Nang magpaling siya ng tingin sa binata ay nakatingin ito sa kanya na parang nag-uulap ang mga mata. God, he looked so hot like that—looking so aroused and ready to devour her.
Hindi siya umiwas nang inilapit ni Nate ang mukha sa kanya para halikan siya sa mga labi. Nagpasalamat siya sa ingay ng lumang electric fan at kahit paano’y nalulunod ang ingay ng paglalaplapan ng kanilang mga dila at labi. Pinigil niyang mapaungol nang malakas nang lumipat sa kanyang leeg ang bibig ng lalaki.
Sex. Yes, why not? Hindi magiging komplikado kung iyon lang ang gugustuhin niya mula kay Nate.
Hinapit siya nito sa baywang at iniangat. Sunod na namalayan ni Euna ay nakasakay na siya sa kandungan ni Nate. Nakalilis pataas at naipon sa kanyang baywang ang kanyang denim skirt at sa kanyang pagkakapuwesto ay magkalapat ang kanilang mga ari na natatabingan lang ng mga suot nilang underwear.
She swallowed hard when he felt his cock throbbing against her womanhood. She instantly felt the heat rising, making her ache down there.
“You feel that?” sabi ni Nate. “Ikaw ang may kagagawan niyan, Euna.”
Damang-dama niya ang lumalaking bukol sa pagitan ng mga hita nito. At nanlaki ang kanyang mga mata nang kusang gumiling ang kanyang balakang. Idiniin niya nang husto ang sarili sa pagkalalaki ni Nate at lalo naman iyong tumigas.
“Aaah, I like that,” he groaned, digging his fingers on her waist.
Euna whimpered as she rotated her pelvis, grinding over his erection, mashing her clit against it. She could feel all his want, his need. And she was letting him feel hers.
“Let’s do this, baby,” pangungumbinsi pa ni Nate. He began to move, rubbing his clothed shaft against her softness. “I can be your lover, Euna. I will fuck you in any way that you can imagine.”
“Oooh,” mahinang ungol niya. Parang hindi na niya kailangang sumang-ayon sa sinabi ni Nate, ipinagkanulo na kasi siya ng katawan.
“See this?” nakangising sabi nito na tumingin sa nagkikiskisang ari nila. “This is called dry humping. Just imagine if we’re both naked. Akala mo masarap na ito? Wait till you feel my cock inside you.”
Halos dumugo na ang ibabang labi ni Euna sa pagkagat niya roon para pigilan ang paghalinghing nang malakas. She could feel her pussy pulsating, aching. Alam niya ang gusto ng naglalawang pagkababae. A cock, deep inside it. Nate’s cock specifically.
Nang bilisan nila ang pagda-dry humping ay sabay naman silang tumigil nang marinig na lumangitngit na ang kama.
“A-ang ingay ng kama,” dismayadong sabi ni Euna.
Napamura naman si Nate nang may kumatok sa pinto.
“Anak, dito ba matutulog ang bisita mo?”
“Shit,” mahinang mura niya at nagmamadaling umalis sa kandungan ni Nate. “H-hindi po, `Nay. Paalis na siya.”
“W-what? Anong paalis na? Hindi pa tayo tapos—”
“Magkita na lang tayo sa ibang araw, Nate,” hinihingal na sabi ni Euna, saka tumayo na. Grabe, parang mahihilo yata siya sa pagkabitin! But no, hindi puwedeng— Argh! Not now. “M-magbihis ka na at umuwi muna.”
Damn it, wala na talaga siyang kawala sa lalaking ito.
NASA peryahan sa pista ng bayan ng Alava si Euna nang gabing makasalubong niya si Ephraim. Hindi siya nakaiwas nang harangin ng dating boyfriend sa daan dahil sa dami ng taong nandoon.
Isang buwang may peryahan sa bayan tuwing sasapit ang kapistahan. Isang linggo naman ang gagawing celebration ng mismong pista na katatampukan ng iba’t ibang event.
“Puwede ba tayong mag-usap?” pakiusap ni Ephraim.
Bago pa makahuma si Euna, hinawakan na siya ng binata sa braso at hinila sa isang tabi.
“Bitiwan mo nga ako!” inis niyang sabi at iwinaksi ang kamay palayo. “Wala na tayong dapat pag-usapan, Ephraim.”
“Bakit? Dahil may iba ka na?” nangungutyang sita ng dating boyfriend, may bahid ng pagseselos ang boses.
She sneered at him. “Masama yata ang loob mo? For your information, ikaw ang unang naghanap ng iba,” sumbat niya.
“Wala ka dito. Nangungulila lang ako sa iyo, Euna. Saka may sakit si Mama—”
“Huwag ka nang magpalusot. Nagtaksil ka sa akin, period.”
Bakit hindi yata nito kasama si Rachel ngayong gabi?
“If you don’t mind, magpeperya pa ako.” Tinalikuran na niya si Ephraim.
Euna was surprised at herself. Noong nakita niya si Ephraim na nakasakay sa motorsiklo may isang linggo na ang nakararaan, naramdaman pa rin niya ang kirot sa dibdib na dulot ng pagtataksil nito. Pero sa paghaharap nila ngayon, napatunayan niyang iyon na lang ang natitirang bagay na nagpapasakit sa kanyang loob—the pain from his betrayal.
Nabawasan na ang ano mang special feeling niya sa lalaki. Halos wala na nga yata. She wanted to feel bad that she seemed to be recovering fast from heartbreak. But who wouldn’t, right? Kung sinaktan ka at niloko ng taong mahal mo, ipagpapatuloy mo pa ba ang pagmamahal mo rito?
No way! Pinalaki siya ng ama na hindi nagpapaapi kahit kanino. Kaya kahit na sa heart issues, nananatili siyang palaban. That, or maybe she never loved Ephraim that much. Sabi nga noon ng kanyang Ate Elsa, parang sinagot lang daw niya si Ephraim dahil matagal na niya itong kilala at kaibigan. May feeling of familiarity and comfort na raw siya sa binata kaya madali niya itong minahal.
“Sandali,” pigil ni Ephraim at muli siyang hinawakan sa braso.
“Huwag mo nga akong mahawak-hawakan pa, Ephraim,” may pagbabantang sabi niya.
“Bakit? Dahil may ipinagmamalaki ka nang lalaking mayaman?”
“Oo!” inis na bulyaw niya. “So, ngayon, layuan mo na ako at baka masapak pa kita.” Nagmamadali na siyang lumayo, pumunta sa paradahan ng mga sasakyan kung saan naroon ang kotse ng kanyang pamilya. Nasa kanya ang isa pang susi ng SUV dahil ayaw niya iyong ibigay kay Octavio.
Pumasok si Euna sa backseat ng kotse at naisipang tawagan si Nate sa kanyang cell phone. “I need you,” agad niyang sabi.
“Hmm, booty call?” tukso nito.
“ Duty call,” pagtatama niya. “Get dressed, too, okay?” Pagkatapos ay napangiti siya. Hindi niya akalaing may pagka-bossy rin pala siya, sa isa pang lalaki.
“Ano’ng gagawin natin?” excited pang tanong ni Nate.
She sighed. “Nagkita kami kanina ni Ephraim—`yong ex ko. Sa inis, nasabi ko sa kanyang ipinagpalit ko na siya sa `yo.”
Ang lakas ng tawa nito. “Naniwala naman siya agad?”
“Oo. At gusto kong patunayan natin `yon sa kanya para hindi na niya ako lapit-lapitan pa. Sa ganoong paraan, makakalimutan ko na nang tuluyan ang feelings ko sa gagong `yon. Isa pa, naisip kong palabasin na lang natin na may relasyon nga tayo para matapos na rin sa pangungulit sa akin ang pamilya ko.”
Tumawa si Nate. “Sabi na kasi sa iyo, hindi kapani-paniwalang walang nangyayari sa atin.”
“OA ka naman kasi sa bait at lambing.”
Mayamaya pa, sumulpot na ito sa kanyang tabi. Nakamaong itong asul at gray polo shirt. “May party sana akong pupuntahan ngayon pero dahil malakas ka sa akin, uunahin kita,” nakangiti nitong sabi.
“Aba, dapat lang, Fortunato! Ilang araw din kitang hindi tinawag, ano? Now, you owe me.”
Pagkalabas nila ng kotse, umakbay agad sa kanya si Nate. “I’ve missed you,” bulong pa nito at hinalikan siya sa tainga na nagpakiliti sa kanya.
“Sabi nang huwag kang masyadong OA,” sabi niya, sabay kurot sa tagiliran ng lalaki.
“Kung boyfriend mo ako, natural lang na maglambing ako sa `yo,” katwiran nito.
Naglakad-lakad sila sa peryahan at nang makasalubong nila ang kanyang nanay ay mabilis na nagmano si Nate.
“`Andito ka pala, hijo!” tuwang-tuwang sabi ng ina sa lalaki.
“Nami-miss ko na po kasi si Euna,” sabi ni Nate at hinigpitan ang pag-akbay kay Euna.
“Kailan mo ba kasi siya pababalikin sa trabaho? Masyado na yatang napapahaba ang bakasyon niya rito sa probinsiya.”
“Magbakasyon lang po siya hanggang sa gusto niya. May iba naman akong tauhan na nag-aasikaso ng trabaho niya. Ayokong napapagod siya.”
Sa klase ng pagkakangiti ng ina, alam ni Euna na naka- “ bingo” na nga ito sa inakalang may namamagitang iba sa kanila ni Nate. Kung bakit naman kasi daig pa ang tuko kung makakapit sa kanya ang mokong na ito!
“Ikaw, hanggang kailan ka naman dito?” sita pa ng nanay niya kay Nate.
Si Euna ang mabilis na sumagot. “Hanggang mamaya na lang po.”
“Kadarating lang niya, ah!” bulalas ni Eden.
“I can stay longer, babe,” sabi naman ni Nate na humalik pa sa kanyang sentido. Kina-career na talaga nito ang pagiging pretend boyfriend!
Euna grunted inside her and she could only grimace at him. Mayamaya, nagpaalam na siya sa ina at sinabing ililibot niya si Nate sa peryahan. Tumigil ang lalaki sa paglalakad sa tapat ng Ferris wheel.
“Gusto mong sumakay?” tanong niya.
“Hindi ba nakakahilo `yan?” alanganing balik-tanong nito.
“Hindi ka pa nakakasakay ng Ferris wheel?”
Umiling si Nate. “I didn’t have the chance. Naalala ko noong bata ako at gusto kong pumunta sa Star City. Kurot lang ang inabot ko mula sa nanay ko.”
Nakita ni Euna ang lungkot sa mukha ng lalaki. Noon din, parang gusto niyang maawa kay Nate. Hinawakan niya ito sa kamay. “Tara, sakay tayo.”
Hindi maitago ni Nate ang excitement sa pagsakay sa Ferris wheel. Tingin ito nang tingin sa paligid habang unti-unti silang umaangat dahil sa pagsasakay ng mga pasahero.
“Wala bang ibang tao na puwedeng magdala sa iyo noon sa mga theme park?” usisa niya. “Like mga tita mo, yaya, ganoon.”
“Hindi ako close sa relatives. Eight years old naman ako nang magkaroon ng yaya, nang ampunin ako. Hindi ko siya kasundo kasi masungit siya sa akin. Lagi akong ayaw palabasin. Nang wala na siya sa bahay, hindi na ako interesado pa sa Ferris wheel o ano mang rides sa theme parks.”
“You’re adopted?”
“Prostitute ang biological mother ko. Nang mamatay siya sa AIDS, napadpad ako sa bahay-ampunan. I was seven years old that time. Nag-iisa akong anak at hindi ko na nagisnan ang tatay ko. Pero ang sabi ni Nanay, dati raw jeepney driver ang tatay ko na namatay sa aksidente. Halos isang taon din ako sa orphanage hanggang sa may umampon sa akin,” pagkukuwento ni Nate sa boses na parang pinipigil mabahiran ng lungkot.
“Mayaman ang mga nakaampon sa iyo?” she assumed.
Tumango ito. “Oo, pero hindi ako napalapit sa kanila. Lumalabas lang kasi noon na inampon lang ako ni Daddy dahil wala siyang kakayahang bigyan ng anak ang asawa niyang nawalan na ng interes sa kanya. He thought that having an adopted son would save his marriage. Pero wala pa akong isang taon sa kanila nang iwan siya ni Mommy. He never really talked to me, you know? I don’t even think he liked me. Napasubo lang siya sa pag-ampon sa akin at ayaw na akong ibalik pa sa pinanggalingan ko.”
He paused for a while and then proceeded talking with a lower voice. “Binitiwan na niya ako nang magtapos ako ng college. He gave me a large sum of money, a home, and a car. Hindi na ako nagreklamo pa. Hindi na rin kami nagkita mula noon.”
“Ang lungkot naman pala ng naging buhay mo,” sabi ni Euna na sinundan ng buntong-hininga. Ang akala pa naman niya, magaan ang naging buhay ni Nate dahil sa carefree at worldly nitong pag-uugali.
Hindi pala siya dapat malungkot nang todo sa mga kamalasang pinagdaanan. At least, she had her father for a while. At kahit hindi niya masakyan minsan ang trip ng mga kapamilya, ramdam niyang mahal siya ng mga ito.
Samantalang si Nate… God, he had no one. Sa tingin ni Euna base sa kuwento ng lalaki, parang hindi ito nakaramdam ng ano mang klase ng pagmamahal. Kaya siguro idinadaan na lang sa kamunduhan ang lahat dahil doon ito nakakaranas ng kaligayahan.
Natagpuan na lang niya ang kamay na kusang humawak sa kamay ni Nate. Ngumiti naman ito.
“Hey, what’s with that sad face? Huwag mo akong kaawaan. I don’t let my past bring me down, Euna,” sabi nito na pinasigla ang boses.
“Well, happiness is a choice, sabi nga nila.”
“Right.”
Nasa pinakatuktok na sila ng Ferris wheel nang mag-umpisa iyong umikot. Sa pagbaba ng sinasakyan nila, nahuli ng tingin niya si Ephraim na nakatayo malapit sa Ferris wheel at parang kanina pa sila pinapanood.
“Hayun ang ex ko,” sabi niya kay Nate. “Sa bandang kanan, sa tabi ng nagbebenta ng popcorn.”
Pagkatapos ng isang ikot pa ng Ferris wheel, walang sabi-sabing niyakap siya ni Nate.
“What are you doing?” natataranta niyang sita.
“Pinapanood niya tayo. Bigyan natin siya ng magandang palabas,” sabi nito, saka siya hinalikan sa mga labi.
Hindi na nakaprotesta pa si Euna dahil gaya ng dati, parang may kapangyarihan ang mga labi ni Nate na pasukuin siya. She just found herself answering his kisses, her fingers digging his nape. Hindi na siya nagulat sa kanyang naramdaman. She had missed his kisses and she was yearning for more.