Something is telling me that I’m going to like that Euna girl. Okay, what did I miss now? Ah, I miss partying, alcohol, and sex. Yeah, especially sex.
NAPAMURA si Nate pagsulpot sa loob ng kanyang mansiyon na hindi niya nakita nang mahigit apat na taon. Mabuti na lang at inayos ni Jinnea sa katawang-tao nito ang lahat-lahat; ipinaubaya nito sa kaibigan niyang si Andre ang pagma-manage sa kanyang naiwang pera at tirahan.
Ipinasabi na lang ni Nate na naglilibot siya sa buong mundo at si Andre na muna ang bahala sa lahat. Isang beses lang silang nagkita ng kaibigan noong nagkaroon siya ng pangalawang tsansang makalabas mula sa lampara. Noon niya ipinagkatiwala sa kaibigan ang malaking parte ng kanyang pera para i-invest sa iba’t ibang negosyo. Ipinangalan niya kay Andre ang lahat para bahala na ito sa pag-aayos ng tax. Malaki ang tiwala niya sa kanyang kaibigan. Marami na silang pinagsamahan kaya sigurado siyang hindi siya nito lolokohin pagdating sa pera.
Parang iglap lang na dumaan sa kanya ang mahigit isang dekada. At sa loob ng panahong iyon, nagkaroon lang siya ng iilang araw para sandaling makalaya mula sa pagkakakulong sa lampara.
Ang unang taong nakapulot kay Nate ay inubos agad ang tatlong kahilingan sa loob ng isang araw. Sa pangalawang taong nakapulot sa kanya, doon siya nagkaroon ng limang araw na pananatili sa normal na mundo. He partied hard, of course. And just when the fun was at its peak, ginamit na ng huling nakapulot sa kanya ang huling kahilingan at nagbalik na siya sa loob ng lampara.
He just missed more than ten years of his life. Nine hundred ninety years to go, mostly inside the fucking magic lamp. Isn’t that great?
Ngayon, naiintindihan na ni Nate si Jinnea kung bakit parang hindi ito masayang may mahabang-mahabang buhay. Kahit parang iglap lang ang mahigit isang dekada, ramdam pa rin niya ang epekto ng paglipas niyon kahit ginugol lang niya ang halos buong panahong iyon sa pagtulog. It was kind of exhausting— mentally and emotionally exhausting. Siguro dahil sa kanyang pagtulog, nasa sistema niya ang matinding pananabik na makalabas mula sa lampara, pati na rin ang pangambang walang makakapulot sa kanya sa loob ng mahabang panahon. Imagine putting yourself to sleep with that kind of stress.
Isa pa, sa bawat paglabas ng lampara ay nagbibigay sa kanya ng pakiramdam na marami siyang napalampas na pangyayari. Ramdam din niya ang gutom, uhaw, at pagod mula sa pagtulog.
Paano na lang sa mga susunod pang siglo? Baka sa susunod na paglabas niya mula sa lampara, gunaw na ang mundo! Paano kung siya na lang ang natitirang buhay sa mundong ibabaw? Walang alak, walang babae. No nothing. Why didn’t he think about all these consequences before he made his stupid wish?
Dumb fuck! Kargado si Nate noon ng alak at pagod mula sa party sa kanyang bahay. Nakita lang niya na hindi na bata ang hitsura niya sa salamin, nagpasya agad siyang humiling ng mahabang buhay. Kung bakit nahiling niyang maging gaya ng isang genie! Sana humiling na lang siya na lumampas ng one hundred years ang kanyang buhay at manatiling bata at malakas. He would be happy with that. But, no. Of course his greedy self had to prevail again.
Napailing si Nate nang mapatingin sa pagitan ng mga hita. He was still having a damn boner! Isa pa iyon sa nararamdaman niya tuwing lumalabas mula sa lampara—na matagal siyang nadiyeta sa sex.
Nag-shower si Nate at nagbihis bago lumabas papunta sa kusina para maghanap ng makakain. Stay-in ang tatlong house helpers doon na umaasikaso sa kanyang mansiyon at nabilinan na niya ang mga ito noon na huwag nang magulat kung bigla na lang siyang darating nang walang pasabi.
Binuksan ni Nate ang refrigerator at inilabas ang isang food container na may lamang spaghetti na nakahalo na ang sauce at keso. Kumuha rin siya ng isang lata ng Sprite. Ininit niya ang spaghetti sa microwave at habang kumakain sa kitchen table ay tinawag niya si Jinnea.
Sumulpot ito na nakaupo na sa silya sa kanyang harap.
“Free again, huh?” nakapangalumbabang sabi ni Jinnea. She looked as bored as he was.
He scoffed. “Tingnan natin kung hanggang kailan ang temporary freedom na ito. I’m guessing that this girl’s going to have her wishes ready when the sun goes up, and I will be back inside my beloved lamp again,” puno ng sarcasm na sabi niya.
Napangiti siya sa gitna ng pagnguya nang maalala ang ginawang pang-aakit kay Euna kanina. Dahil sa matagal na wala siyang kasiping, agad nagwala ang kanyang hormones nang makakita at makaamoy ng isang babae.
Euna was not a drop-dead gorgeous kind of girl. Maganda ito pero hindi mukhang celebrity. But damn… She looked hot. Very, very hot! Clad only in an old, thin bathrobe with her damp hair… She got that very sexy wet look. And she smelled pretty sweet, too—exhilarating even. She was delectable—no, fuckable, extremely fuckable.
And her lovely body… Euna had the right curves in the right places. Hindi ito gaya ng mga babaeng madalas naikakama ni Nate na puro payat. She got a pair of long, shapely legs that were begging to be caressed. Her complexion was light brown and her skin supple and soft. And how could he forget the feel of her full rounded breasts? Sayang at hindi niya nahalikan iyon, lalo na ang tuktok. Now he could only imagine the taste of that brown nipple inside his mouth, working his tongue and teeth on it, suckling it hard.
Ah, he could have had sex with Euna, wild sex that he was deprived of for a long time. Kanina pa naglalaro sa isip ni Nate ang mga gagawin sa babae. He would start with cunnillingus then finger her to orgasm. He wanted to watch her come, see that pretty face distort in ecstasy and watch her pussy gushing with her essence while she spasmed. Then he would slide his cock inside her, draping those long legs to his shoulders so he could pump in and out of her so hard, sending her to a higher climax, over and over again.
Siguradong sisigaw ang babae nang paulit-ulit sa matinding kaligayahang ibibigay niya, titirik ang mga mata—mababaliw sa pagnanasa sa kanya. He could give her the best fuck of her life.
But damn it! Euna drove him away with an aching hard-on! Baka naman kumukupas na ang kakayahan niya sa sex? Baka hindi na siya kasinggaling gaya ng dati kaya hindi bumigay si Euna sa mga ginawa niya? Pero walang babaeng tumatanggi kay Fortunato Montoya!
He could get any girl that he wanted. Effortlessly. Ang mga babae na ang lumalapit sa kanya, umaamot ng kanyang atensiyon. Wala pang babaeng umalis sa kanyang kandungan na hindi nasiyahan.
“ Masuwerte ka nga ’t natutulog ka lang sa loob ng lampara. Samantalang ako—” Nagbuga ng hangin si Jinnea. “I have to watch this awful world go by,” miserableng reklamo nito. Mayamaya, tumayo si Jinnea at lumapit sa refrigerator. Naglabas ito ng one pint ice cream mula sa freezer.
“O, akala ko, hindi nagugutom ang mga genie kapag nasa mundo namin kayo?” puna ni Nate.
Muling umupo si Jinnea sa harap niya pagkatapos kumuha ng kutsara. “Mahigit sampung taon na akong nasa mundong ito, Nate. Mahigit sampung taon na akong wala sa loob ng lampara.” Binuksan nito ang ice cream at sunod-sunod na sumubo.
“Sampung taon lang `yan. Sabi mo dati, may binantayan kang taong genie nang three hundred years.”
“That was different, wala pa akong isang libong taon sa mundo ninyo noong panahong iyon.”
“So, what are you saying? May personality disorder ka na? Nag-a-adapt na ang sarili mong maging isang tao?”
“I hate to say that, pero posible. Ewan ko. Ako pa lang ang genie na may ganitong kaso.”
He grinned. “Ayos `yan, ah. Enjoy our world as a human being, Jinnea. Masarap maging tao, baka akala mo. Baka mamaya niyan, may kakayahan ka na ring makadama ng pagnanasa. You know, I can make you—”
“Oh, shut up!” Idinuro ni Jinnea ang kutsara malapit sa kanyang mukha. “Fortunato, kahit maging tao pa ako, hinding-hindi kita magugustuhan. Kahit guwapo at macho ka pa, masama naman ang ugali mo. So, no. You’re not my type. Sorry, not sorry.”
“Ouch!” eksaheradong bulalas ni Nate.
Mabilis na inubos ni Jinnea ang ice cream habang mabagal naman siyang kumakain, ninanamnam ang lasa ng spaghetti sa kanyang bibig. He had extremely missed food. Food and alcohol. And fucking. Fucking like there was no tomorrow!
Pagkaalis ni Jinnea, tumawag siya sa telepono, sa numero ng isang high-class escort service.
“Yes, you heard me right. Three of your best women, please,” sabi ni Nate pero mabilis ding nagbago ng isip. “No, make it five. And I want them right away.”
Magiging mahaba ang gabing ito.
HINDI pa rin makapaniwala si Euna sa mga nangyari kagabi. Natanggal siya sa trabaho, nakapulot ng lamparang may genie—isang guwapo at machong genie na humalik at umakit-akit sa kanya. Hindi siya nakatulog agad dahil sa mga nangyari kaya pasado alas-diyes na siya ng umaga nagising.
Hindi naman kaya panaginip lang ang lahat? Pero ramdam pa rin niya ang bakas na iniwan ng halik ni Nate sa kanyang mga labi, pati na ang paglalaro ng kamay nito sa umbok ng kanyang dibdib na halos nagpawala sa kanyang katinuan.
Well, there’s only one way to find it out…
Tumikhim muna si Euna bago tinawag nang tatlong beses ang pangalan ni Nate.
“Ay, kabayong bundat!” Napatili siya nang biglang mag-appear ang lalaki sa kanyang harap, at walang ano mang suot! Kitang-kita niya ang buhay na buhay na pagkalalaki nito!
“What the f— Oh, come on, Euna! I’m having sex with five women, damn it!” bulalas ng lalaki na napasuntok pa sa hangin.
“A-ano?!” Sex daw? At limang babae?!
“Alam mo ba ang pakiramdam ng hindi nailalabas ang init ng katawan nang mahigit apat na taon? I was already having blue balls, for fuck’s sake!” gigil na gigil na litanya pa ni Nate.
“Magtakip ka nga ng katawan, utang-na-loob! Nakakaeskandalo ka!” `Sus, eskandalo daw. Eh, nakatingin naman siya!
“Ayoko,” tanggi nito. “Tinawag mo ako nang nakahubad. Magdusa ka ngayon,” sabi nito na iniliyad pa ang dibdib para lalong i-display sa harap niya ang buong katawan.
Doon na nagtakip si Euna ng mga mata. Pero sandali lang iyon dahil parang may sariling isip ang kanyang kamay na umalis sa mga mata niya at muling tiningnan ang ipinagmamalaki ng bisitang lalaki. Oh, goodness gracious! The big bird is angry!
Tumakbo siya papasok sa banyo at kinuha ang tuwalya. “Here, use this, please,” utos niya at inihagis kay Nate ang tuwalya. “Takpan mo `yang angry flappy bird mo!”
Nakasimangot na ipinaikot ni Nate ang tuwalya sa baywang. “Bakit mo ako tinawag? May naisip ka nang kahilingan?”
Sumagot si Euna na hindi tumitingin sa lalaki. “ Wala pa. ”
“Then why did you call me? I was in the middle of having a good time before returning to the stupid lamp, damn it!”
“Aba, sorry naman!” mataray niyang sabi. “Sa gusto ko lang patunayan na totoo ka talaga, `no!”
Pinanlakihan siya nito ng mga mata. “Hindi ka pa rin naniniwala? Pagkatapos ng lahat-lahat ng ginawa ko sa iyo kagabi?” N gumisi ito at unti-unting lumapit sa kanya. “Baka gusto mo namang ulitin ko pa?”
Dinagukan niya si Nate bago pa siya nito mahawakan. “Naniniwala na ako!” asik niya at nagmartsa palapit sa bintana ng kuwarto. Binuksan iyon para makapasok ang sariwang hangin. Sira kasi ang electric fan at wala pa siyang pambili ng kapalit.
“Grabe na talaga ang init sa Pilipinas!” reklamo ni Euna, sabay paypay ng kamay sa sarili. “Wish ko lang mag-snow din dito.”
“Okay. First wish granted.”
Hindi makapaniwala si Euna sa sinabing iyon ni Nate, kasabay ng pagdapo ng lamig sa kanyang katawan. Paglingon niya sa labas ng bintana, halos lumuwa ang kanyang mga mata sa nakita. May mga puting parang maliliit na piraso ng bulak na nahuhulog mula sa langit.
Ano ang nangyayari ? Was it… was it snowing?! Hindi. Imposible.
“A-ano’ng nangyayari? Paanong…” Kumurap-kurap si Euna, pero hindi siya dinadaya ng paningin. Nag-snow nga!
“ Nate! ” bulalas niya, sabay lingon sa lalaki.
“Sabi mo, wish mong mag-snow dito. `Ayan, tinupad ko,” sagot nito. “Hey, don’t you want to build a snowman?” he then asked her sardonically.
“ H-hindi puwede ito, ” hindi makapaniwalang sabi niya.
Umiling si Nate. “‘Be careful what you wish for,’ they say.”
Muling tumingin si Euna sa labas, nakakarinig na ng ingay ng mga nagkakagulong tao. Nayakap niya ang sarili dahil sa tumitinding lamig at nang hindi na makatiis, muli niyang isinara ang bintana.
“P-pero hindi ako seryosong nag-wish, mokong ka! Sarili ko lang ang kausap ko!” bulyaw niya sa lalaking prenteng nakaupo sa kama, nakabalot na ang katawan ng kumot. “Bakit tinupad mo naman agad-agad nang walang pasabi?”
“ Ah, d éjà vu. Nangyari na rin sa akin `yan, ” sabi ni Nate. “Come here, baby. Share this blanket with me,” nakangising yaya nito. “Let me make you warm.”
Inirapan niya ang lalaki. “Manigas ka diyan!”
“Ikaw ang maninigas sa lamig, Euna,” babala nito.
Natigilan siya nang may marinig na parang banggaan ng mga sasakyan. Dali-dali niyang binuksan uli ang bintana at natakpan ang bibig sa nakita sa labas. Nag-uumpisang mabalot ng niyebe ang kapaligiran. It was white, it was cold. It was winter wonderland in the Philippines, all right!
“ Hindi ito puwedeng mangyari sa Pilipinas, ” sabi ni Euna. “H-hindi handa sa ganitong sitwasyon ang mga tao dito. Maraming mapapahamak! At… a-at kasalanan ko ito. Kasalanan ko ang lahat!” Diyos Lord! Ano ang nagawa ko? “Patigilin mo ang snow!” utos niya kay Nate.
“I can’t, sorry.”
“Gamitin mo ang powers mo! Genie ka, hindi ba?” patiling sabi niya.
“ Hindi nga puwede. Kung kaya ko lang, eh, di ginawa ko na sana. Sa palagay mo ba, gusto kong manigas sa lamig? ”
“P-pero—”
“You were the one who wished for it, remember?” paalala ni Nate.
Natutop ni Euna ang bibig. “Ang ibig mong sabihin, a-ako lang ang makakapagpatigil niyan?”
Nagkibit ito ng mga balikat.
Her wishes! May natitira pa siyang dalawang kahilingan. Kailangan niyang mag-wish na tumigil na ang snow, iyon lang ang tanging paraan. Pero… sayang ang wish!
Pikit-matang nagpasya si Euna bago pa magbago ang isip. “Okay, then. I wish… I wish na tumigil na ang snow. Magbalik na sa normal ang klima ng Pilipinas.”
“ Done. ”
Pagtingin niya sa bintana, wala na ngang snowflakes na nalalaglag. Humuhupa na rin ang lamig at alam niyang mayamaya lang, matutunaw na ang mga bumagsak na yelo kanina.
“Ay, salamat sa Diyos!” bulalas ni Euna habang hawak ang dibdib at nanghihinang napaupo sa kama.
“Isang kahilingan na lang ang natitira sa iyo,” paalala ni Nate.
“Alam ko!” asik niya, saka dinuro ang lalaki sa mukha. “You know what? y ou’re full of shit! Wala kang kuwentang genie! May powers daw, ha? Kalokohan! Mabuti pa, bumalik ka na lang sa lampara at magpahinog ka doon.”
Tumawa lang si Nate.
Inirapan naman ito ni Euna pero itinikom na ang bibig. Mahirap na, baka sa inis ay mahiling niyang maging baklang palaka ang hombreng ito! Kailangan niyang maging wais at gulangan ang genie sa huling kahilingan niya.
Ibinaba na ni Nate ang kumot mula sa katawan. “Pag-isipan mong mabuti ang last wish mo para hindi na masayang,” payo nito.
Napanganga naman si Euna nang makitang nakalas na pala mula sa ibabang parte ng katawan ni Nate ang tuwalya. Naghe-hello uli ang putotoy nito! She heard that penises could shrink in the cold, but not this monster in here. Oh, hell no. Oo nga’t hindi na naka-erect pero malaki pa rin sa kanyang paningin.
Nang marinig ang mahinang tawa ni Nate, dinampot niya ang unan sa kama at itinakip sa kandungan ng lalaki.
“May naisip na akong third wish,” sabi niya, sabay tayo.
Parang nanlumo ito sa narinig. “ Sigurado ka? ”
Tumango si Euna at nakangiting sinabi ang kahilingan with matching fist in the air pa. “I wish na magkaroon pa ako ng maraming-maraming wishes,” sabi niyang punong-puno ng conviction. Hah! Ngayon, nautakan niya ang genie na ito!
Mabilis itong umiling-iling. “Nope! Sorry, can’t give you that. It’s against the rules.”
“Anong against the rule ka diyan? Sabi mo—”
“Sinabi ko na sa iyo kagabi na hindi lahat ng kahilingan ay puwedeng mapagbigyan. Isa na diyan ang unlimited wishes. Mag-isip ka na lang uli ng iba.”
“Ang daya naman pala!”
Muli itong nagkibit ng mga balikat.
Wala namang maisip na ibang kahilingan si Euna. Bumalik siya sa pagkakaupo sa kama. “Ano pa ba’ng bawal?” tanong niya.
“Medyo marami,” tinatamad nitong sagot. Mag-wish ka lang at sasabihin ko sa iyo kung puwede o hindi. You can also ask me questions.”
“Kung pagalingin ko kaya lahat ng mga may sakit? `Yong wala nang magkakasakit ever sa mundo?”
“Hindi puwede. Ang puwede mo lang maihiling na pagalingin ay pinsala sa sariling katawan mo na dulot ng aksidente o ibang tao. Hindi ka rin puwedeng bumuhay ng patay.”
“Eh, time travel? Mag-wish akong magkaroon ng time-traveling machine?”
“Hindi rin puwede.”
“`Kaloka naman!” Sumimangot siya. “So, hindi ka talaga genie. Tao ka na naging genie lang?” mayamaya ay naguguluhang tanong niya.
“Parang ganoon. Kagaya mo, napulot ko rin ang lampara, humiling akong magkaroon ng special powers at mahabang buhay kagaya ng genie.”
“Gaano kahabang buhay?”
“One thousand years.”
“Ano na lang ang gagawin mo sa isang libong taon?”
“Yeah, yeah. It was stupid, all right. Dahil sa hiling kong `yon, nakulong pa ako sa lamparang `yan na parang isang genie. Ang sumpa raw kasi ng magic lamp ang nahiling ko,” medyo nahihiyang sabi ni Nate.
“Geez. That was dumb,” kantiyaw niya.
“Hey, pareho lang tayong nagsayang ng kahilingan, Miss Frosty!”
“Nasaan na iyong tunay na genie na napalabas mo sa lampara?”
“Well, she’s stuck here in our world hangga’t hindi ako napapalaya, parang bantay ko na rin siya. Ewan ko kung nasaan siya ngayon, pero puwede ko rin siyang tawagin ano mang oras.”
“Ang komplikado palang mag-wish sa magic lamp. Hindi ko sasayangin ang last wish ko. Mag-iisip ako ng magandang hiling.”
“That’s my girl.” Inakbayan siya ni Nate. “Take your time, baby. Mag-isip kang mabuti. Willing akong maghintay kahit gaano katagal.”
Napabuntong-hininga siyang tumingin dito. Ugh. Saksakan ng pagkaguwapo talaga ang loko. At alam na alam naman nito iyon! Nang ilapit ng lalaki ang mukha para humalik, mabilis niyang isinalubong dito ang kamay. “ Okay, umalis ka na muna. ”
Ayaw nang bumigay ni Euna sa halik ni Nate. At kung nakapagpigil pa siya sa pang-aakit nito kagabi, ngayon ay hindi na niya iyon masasabi. Lalo pa’t hubo’t hubad ito sa kanyang harap.
NAKAHINGA nang maluwang si Euna nang ibalita sa TV na wala namang nasaktan nang malala o namatay sa nangyaring pagpatak ng snow sa Pilipinas. Mabuti na lang at agad niyang nahiling na tumigil iyon bago pa man maging frozen delight ang lahat ng mga tao sa mahal niyang bayan.
Kung bakit naman kasi… Argh! Nakakainis! Dalawang wish ang nasayang nang dahil sa katangahan. Ah, hindi niya matatawag na katangahan iyon. She was just thinking aloud, at ang punyetang genie naman ay sineryoso ang sinabi niya. Magiging maingat na siya sa susunod na paghaharap nila ni Nate. Ayaw niyang masayang ang pinakahuling kahilingan. Heto na ang chance na magbago ang buhay niya.
Nang makakain ng tanghalian ay tumuloy si Euna sa parlor; umaasang maraming customers ngayong araw para may kitain naman siya kahit paano.
Halos wala siyang naiipon sa loob ng maikling panahong pagtatrabaho sa Maynila dahil sa mahal ng upa sa tinutuluyang apartment at gastos din sa mga mahal na bilihin; idagdag pang nagpapadala rin siya ng pera sa kanyang pamilya sa probinsiya.
Kung pera na lang kaya ang hilingin niya kay Nate? Tama, limpak-limpak na salapi! Iyon lang naman talaga ang masasabi niyang malaking pangangailangan sa kanyang buhay. Nang sa gayon ay hindi na siya magtatrabaho kahit kailan at maiaahon na rin sa kahirapan ang kanyang pamilya.
But was that what she really needed now? At ano pa nga ba, aber? Ano pa ba ang mas hihigit pa sa pera? Alangan namang i-wish niyang balikan ng kanyang walanghiyang boyfriend!
May gumuhit na pait sa dibdib ni Euna nang maalala na naman ang nasaksihang panloloko ni Ephraim. Mahal niya ito at magsisinungaling siya kung sasabihing nawala na agad-agad ang pagmamahal niya sa binata. Nandoon pa rin iyon sa kanyang puso, natatabunan lang ng galit.
Noong una, ikinakaila pa niya ang nabalitaan tungkol sa pagiging two-timer ni Ephraim. Nag-text ang Ate Elsa niya noong isang buwan at sinabing nakita nitong magkasama sina Ephraim at Rachel na lumabas mula sa isang motel sa downtown ng Alava.
Paano naman niya basta-basta paniniwalaan iyon? Magkakabata sila nina Ephraim at Rachel, magkakaibigan at magkakabarangay pa. May anim na buwan na ang lumipas nang manligaw sa kanya si Ephraim at sinagot naman agad niya.
Sabi nga nila, “friendship is a good foundation of love,” kaya naniwala at nagtiwala naman siya kay Ephraim. Isa pa, napamahal naman ito sa kanya nang higit pa sa isang kaibigan.
Best friend naman niya si Rachel, parang kapatid na kung ituring. Hindi na niya alam kung gaano karami ang naitulong niya rito. Naroong pakopyahin niya si Rachel noon sa quizzes at exams nila sa school, pautangin kung walang pambili ng project.
Tiwala si Euna na hinding-hindi siya lolokohin nina Ephraim at Rachel. Ni hindi niya inisip ang posibilidad na iyon kahit kaunti. Ibinilin niya ang kanyang boyfriend sa best friend niya bago siya umalis papunta sa Maynila halos tatlong buwan na ang nakararaan.
Pero isang gabi, isang text message ang na-wrong send sa kanya ni Ephraim habang nagpapalitan sila ng text.
Kita na lang tayo bukas, love. Dating tagpuan. Mwah! <3
Aba, eh, di natural na nagtanong siya tungkol doon dahil imposible namang siya iyon dahil nasa Maynila siya at pinagtatalunan lang nila ni Ephraim kung kailan siya makakauwi sa Alava. Katatanong lang niya kung puwedeng si Ephraim na lang ang dumayo sa kanya sa Maynila at sinabi ng binata na hindi puwede dahil hindi nito maiwan ang trabaho sa isang malaking manukan kung saan shift supervisor ito.
Pagkatapos, `ayun nga, ganoon ang matatanggap niyang text? Isa pa, hindi gumagamit ng endearment si Ephraim sa kanya. Kaya noon din, naamoy na niya sa wakas ang itinatagong baho ng lalaki.
Tinawagan at kinompronta noon ni Euna si Ephraim. Ayaw nitong umamin, tigas pa rin sa pagtanggi kahit kandabulol na sa pagpapaliwanag. Malakas ang kutob niya noon na nagsisinungaling ang boyfriend. Hanggang sa nagpasya siyang umuwi sa Alava nang walang paalam at siya mismo ang nakahuli kay Ephraim na kalampungan nga si Rachel sa isang maliit na bahay-kubong pahingahan sa likod ng bahay ng lalaki.
She didn’t know how to react during that time. Gusto niyang sugurin ang dalawa pero parang ipinako sa lupa ang kanyang mga paa. Tumalikod na lang siya at naglakad palayo, umaasang sana ay sundan siya ni Ephraim para magpaliwanag.
Pero nakabalik na’t lahat sa Maynila, ni hindi man lang siya tinawagan o tinext ni Ephraim. Maging si Rachel ay wala ring ano mang sinabi sa kanya.
So, hayun. Alone tuloy ang drama niya ngayon.
“Euna, pakiasikaso naman `yong lalaking nasa seat number four. Skinhead daw ang gusto,” sabi ni Tonee, ang bading na may-ari ng parlor. “ Euna! ” bulyaw nito nang hindi siya sumagot agad dahil sa iniisip. “ Anuveh ? Move it, gurl ! ”
“ Uh … okay, Tonee.”
Iniwan ni Euna ang nililinis na lababo, saka pinuntahan ang naghihintay na customer. Habang inilalagay ang balabal nito sa balikat, hindi pa rin niya maiwasang isipin ang tungkol sa magiging huling kahilingan.
Baka puwedeng i-wish na maglaho na sa balat ng earth si Octavio para mawalan na ng peste sa buhay ang kanyang inay? O baka puwedeng hilingin na mabuhay na lang uli ang kanyang mahal na tatay? No, wait… Nate told him that she could not bring back the dead. Against the rules daw. Bakit ba kasi may rules pang nalalaman?
Mahirap din pala ang ganoon. Aba, kung alam lang ni Euna na balang-araw ay makakakilala siya ng isang genie, naglista na sana siya noon pa ng puwedeng hilingin. Listahang may pros and cons.
Hindi pa naman huli ang lahat. May isa pa siyang kahilingan. Handa siyang maghintay ng mahabang panahon kung iyon ang kakailanganing gawin para makapag-isip ng tamang hiling.
“Teka! A-ano’ng ginagawa mo?” sita ng lalaking customer nang padaanin niya ang electric razor sa gitna ng ulo nito. Naglaglagan sa likod nito ang mga buhok.
“Skinhead ang gusto n’ yong gupit, hindi po ba? ”
“ Anong — Hindi ako magpapakalbo!” bulyaw ng lalaking customer na itinulak palayo ang kamay niyang may hawak na razor. “Shit! Ano’ng ginawa mo sa buhok ko?” nanlalaki ang mga matang bulalas nito na nakatingin sa sariling repleksiyon sa salamin. “Sinira mo ang buhok ko!”
“Ako `yong magpapa-skinhead, Miss,” sabi ng lalaking nakaupo sa kanilang likuran.
Natapik ni Euna ang noo. Maling customer pala ang napuntahan niya!