This is like everybody’s dream—to have their wishes come true. Pero ganito pala kapag totoong nangyari na sa iyo, hindi madaling mag-isip kung ano ang tamang maging kahilingan.
WALANG humpay ang mga party sa bahay ni Nate mula nang makuha niya ang premyo sa lotto. Mula sa condominium unit na ibinenta na, lumipat siya sa isang mansiyon na may malaking swimming pool.
“You lucky bastard!” iiling-iling na sabi ng kaibigan niyang si Andre na noon lang nagkaroon ng oras dumalo sa kanyang maiingay na gatherings.
Si Andre ang pinakamalapit na kaibigan ni Nate. Nakilala niya ito noon sa bahay-ampunan at ngayon ay isa nang matagumpay na accountant at nagtatrabaho sa malaking investment firm.
“ Nicandro, `tol! ” Niyakap niya ang kaibigan. “You should come here more often dahil baka mamaya, hindi mo na ako mahagilap sa Pilipinas.”
“Saan ka naman pupunta? Sa buwan?”
Tumawa siya. “ Lilibutin ko ang buong mundo para matikman ang lahat ng klase ng alak at mga babae. ”
“Wala ka na talagang pag-asang magbago!”
“Ang sarap ng buhay ko. Bakit ko babaguhin?” Hinila na ni Nate ang matalik na kaibigan sa loob ng bahay. “Halika, ipapakilala kita sa magagandang babae dito. You need to get laid, dude! Baka inaamag na si manoy mo. ”
“Kinakalyo naman ang sa iyo sa kakagamit mo, gago!”
Ah, kalyo na kung kalyo. Ang importante, nag-e-enjoy siya sa buhay!
Pagpasok ni Nate sa isang kuwarto ay napangisi siya nang may tatlong babae doon na kalampungan ng kaibigan niyang si Joshua. Namumukhaan niya ang isa sa mga iyon, maybe he already had sex with her in the past. Hindi niya masiguro sa dami na ng babaeng naikama.
Magaganda at sexy ang tatlong babae. Ayon kay Joshua kanina ay mga bagong kaibigan daw nito ang mga iyon at nakakasama sa mga sex escapades. Ah, hindi siya papayag na masolo lang ni Joshua ang mga ito.
Pagkatapos niyang maghubad ng mga damit ay pumanhik siya sa kama kung saan may kinakatalik na babae si Joshua. The woman was on all fours and her huge tits bounced as his friend fucked her from behind. The other two women were pleasuring each other while Joshua watched them in amusement.
Lumuhod si Nate sa harap ng babaeng kasiping ni Joshua at itinaas ang baba nito para halikan.
“Mmmm,” the woman moaned while they lapped each other’s mouth. Nakangiti ito at mukha pa yatang nabitin nang putulin niya ang halik.
“Blow me,” mayamaya ay utos ni Nate sa babae na agad naman nitong sinunod.
He heard the other two women giggling, mukhang nanonood na sa kanila.
“Istorbo ka,” asik naman sa kanya ni Joshua.
“Gago. Bibigyan kita ng mas magandang palabas,” sabi naman niya.
Pinalapit ni Nate ang dalawang babae sa kanya at halinhinang hinalikan sa bibig habang nilalamas ang mga suso ng mga ito. Nang matigas na matigas na ang kanyang ari ay hinugot niya iyon mula sa bibig ng kapareha ni Joshua, saka siya humiga. Inutusan niya ang isang babaeng suotan siya ng condom, saka niya ito pinasampa sa kanya.
“Oooh, ang laki mo!” the woman shrieked as she slammed herself down on his cock.
“Sit on my face,” Nate told the other woman and she obliged with a very excited giggle.
He began tongue-fucking the woman while banging the other one. Magkaharap ang dalawang babae, nag-umpisang maghaplusan ng katawan habang sabay niyang pinapaligaya ang mga ito. The woman riding his dick was already nearing her release as he felt her inner muscles contract.
“Magka-come na ako,” sabi nito na sinabayan ang kanyang mga pag-ulos.
“Oh, my. Ako din!” he heard from the woman who was grinding her pussy on his face.
Narinig niyang halos umatungal na si Joshua; bumilis at lumakas ang tunog ng mga pagsalpok nito sa kasiping. “Aaah, fuck! Come to me, you little slut!”
Marahas ang pag-alog ng kama sa limang taong nagsasalo sa makamundong eksena. Unang narinig ni Nate na sabay na nag-climax sina Joshua at ang kapareha nito. Then the woman he was tongue-fucking went stiff as she crashed to her orgasm. Ang lakas ng tili nito na hindi nagtagal ay sinabayan ng babaeng nakasakay sa kanya. Three hard thrusts and he met his own release.
HALOS sumisikat na ang araw nang mag-alisan ang mga bisita ni Nate. Abala na sa paglilinis ng kalat ang tatlong kasambahay niya nang pumasok siya sa kuwarto. Pumasok siya sa banyo at mabilis na naligo. Nang mapatuyo ang buhok at katawan ay hubo’t hubad siyang nahiga sa kama at saka tinawag si Jinnea.
“Handa ka na para sa ikatlo mong kahilingan?” tanong ng genie pagsulpot sa harap ng kama na hindi man lang alintanang nakabalandra ang kanyang katawan.
“Pinag-iisipan ko pa,” nakangising sabi ni Nate. “ Mahirap nang mapasubo, lalo pa ’t napakatuso mo pala.”
Umirap si Jinnea. “Eh, bakit mo ako tinawag?” His grin widened. “Are you trying to seduce me?” Tumawa ito. “Sorry, hotshot. Walang kakayahan ang isang genie na makaramdam ng pagnanasa. Sayang lang ang effort mo sa akin.”
“Damn.” Sumimangot siya. “That’s a very boring life, you know. I don’t want a sexless life! Hell no. Siguradong ikamamatay ko `yon.”
“Wala rin kaming kakayahang makaramdam ng lungkot o sakit. Mabuti pa, kumutan mo na ang katawan mo’t baka mapulmonya ka diyan nang di-oras.”
“Right,” sabi niya at sinunod ang sinabi ng genie. “Mahirap nang mamatay ako agad at hindi mapakinabangan nang matagal ang milyones ko.”
“Tawagin mo na lang ako `pag handa ka na sa third wish mo.”
“Wait!” pigil ni Nate bago pa ito maglaho sa kanyang paningin.
Inirapan siya ni Jinnea. “Ano na naman?”
“Bakit ba ang sungit-sungit mo?”
“Ikaw kaya ang makulong sa lampara nang isang libong taon at makakilala ng mga tulad mong tao, tingnan ko lang kung hindi ka rin maging masungit.”
“But I’m supposed to be your master, right? Dapat mabait ka sa akin.”
“Huwag kang nagpapaniwala sa mga napapanood at nababasa mo tungkol sa mga genie. Walang ipinanganak na alipin sa kahit anong mundo.”
“Saan ka pala nagpupunta kapag nawawala ka sa paningin ko?”
“Just around. Nagliliwaliw ako sa mundo ninyo. Puwede akong mag-disguise as a normal human being.”
“Are you immortal?” interesado niyang tanong.
“Namamatay rin ang mga genie, Nate. Mabagal lang ang aming pagtanda at hindi kami nagkakasakit. Unless somebody will deliberately kill us—only genies and other powerful beings can harm us, by the way—we die of old age after nine to ten thousand years. At sa bawat genie na namamatay, may isang sanggol na genie na lalabas mula sa bukal ng buhay sa aming mundo.”
“Ilang taon ka na ngayon?”
“Two thousand seven hundred and fifty-one.”
“Awesome. Mahabang-mahaba pa ang buhay mo,” amazed na sabi ni Nate.
“Yeah, tell me about it,” nonchalant namang sabi ni Jinnea.
“If God is real, like you said, then He is an unfair God. Binigyan Niya kayo ng libo-libong taon para mabuhay at kaming mga tao ay halos hindi na umaabot sa sixty years old. Not to mention that He gave you powers!”
“God works in mysterious ways. You can either like it or not, problema mo na iyon.”
“Okay, stop with the preaching bullshit,” naaalibadbarang sabi niya. “Makakaalis ka na. Tatawagin na lang kita `pag handa na ako sa last wish ko.”
“It was your destiny to meet me, Nate. Hindi lang nagkataon iyon. Genies exist for a purpose, you know? Binibigyan ka ng tadhana ng chance na baguhin ang buhay mo. Sana huwag mong sayangin ang huling kahilingan mo,” sabi ni Jinnea bago naglaho sa kanyang harap.
HAWAK ang isang bote ng Chivas Regal, pumasok si Nate sa kanyang kuwarto at ginamit ang banyo roon. Tinungga niya ang natitirang laman ng bote at iniitsa iyon sa basurahan ng banyo bago umihi. Nang naghihilamos na ay hindi niya napigilang mapatingin sa salamin at matagal na sinipat-sipat ang mukha.
He already lost his boyish features, probably because of his fast and worldly lifestyle. Hindi bale, sa tingin naman niya ay mas guwapo ang matured niyang hitsura.
He would be twenty-six soon. Ni hindi niya namalayang ganoon na pala siya katanda. Parang kailan lang noong tumuntong siya ng twenty-one. Soon, he would be in his late twenties, and then thirties, forties…
Aging. Shit. Darating ang araw na magiging senior citizen na siya. Tatanda at papangit! At kahit marami siyang pera ngayon at maipapaayos ang mukha para maghitsurang bata, hindi pa rin maitatanggi mula sa kanyang mga tuhod ang tunay na edad. Soon, he would start using Viagra for sex!
Sex. Ang pinakapaborito niyang bagay sa mundo, mahihirapan na siyang gawin. Ngayon pa lang ay parang bangungot na ang dating niyon sa kanya.
Doon na siya nagpasya. Dalawang linggo na rin niyang pinag-iisipan ang magiging huling kahilingan. Ngayon, alam na niya kung ano.
Tinawag ni Nate ang babaeng genie. “ Jinnea, Jinnea, Jinnea! ”
“Ready for your third wish?” tanong ng babae pagsulpot sa kanyang tabi.
“Yup!” Pinagkiskis niya ang dalawang palad. “I wish to be like you, with special powers and long life—well, mostly one thousand years. Ayoko namang mabuhay sa mundo nang sampung libong taon. So, yes, that would be my final wish!”
“Okay. Done.”
Hindi naging handa si Nate sa mga sumunod na nangyari. Nagulat na lang siya nang may parang puwersang humila sa kanya papasok sa kung saan. Hanggang sa namalayan na lang niyang puro usok ang nakapaligid sa kanya.
“What the fuck— N-nasaan ako? Ano’ng nangyari?” nagpa-panic na tanong ni Nate.
Sumulpot naman sa kanyang harap si Jinnea. “Nasa loob ka ng lampara,” sabi nito.
Lalo siyang nalito at nag-panic. “W-what? Loob ng lampara—paanong—bakit?!”
Nagpaliwanag ito. “Hiniling mo na maging katulad ko na may kapangyarihan at mahabang buhay. `Ayan, natupad ang kahilingan mo. Makukulong ka nga lang dito sa loob ng lampara sa loob ng isang libong taon.”
“That’s not what I wanted exactly!” bulalas niya.
“`Ayan ka na naman. I told you to be specific with your wishes, Fortunato!” singhal ng babaeng genie.
“Hindi ko gustong maging eksaktong katulad mo! Kaya nga one thousand years lang ang hiningi kong lifespan!”
“Ang tanging paraan para magkaroon ka ng mahabang buhay at kapangyarihan ay ang maging genie rin. You just wished for the magic lamp’ s curse. ”
“But I don’t want to be a genie!”
“Well, tao ka pa rin naman. May special powers ka lang na katulad ng sa akin at mabubuhay ka na nang matagal gaya ng gusto mo. Immune ka rin sa lahat ng uri ng mga sakit, so you can say that you’re almost invincible now. Almost lang dahil puwede ka pa ring mamatay mula sa ibang paraan. Only real genies like me can’t be killed in your world.”
“ Pero makukulong ako dito sa lampara? No way! Palabasin mo ako dito ngayon din! ”
“Kailangang may ibang taong magpalabas sa iyo, katulad ng ginawa mo sa akin.” Lalong nanlaki ang mga mata at butas ng ilong niya. “And then, just like me, you will grant them their three wishes. Isang libong taon, Nate. Sa iba’ t ibang panig ng mundo. ”
“ A-ano na lang ang gagawin ko dito sa … dito sa loob ng lampara? ”
“You’ll hibernate. Magigising ka lang kapag may magpapalabas sa iyo.”
“Oh, that’s just great. Damn great!” sarkastiko niyang bulalas. “Hibernate like a fucking polar bear!”
Natutop ni Nate ng dalawang kamay ang noo. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Kanina lang ay may malaking party sa bahay niya, napapaligiran siya ng mga babae, at ngayon naman… Shit! Nakakulong na raw siya sa loob ng lampara!
“ P-paano kung walang makapulot sa lamparang ito? ” tanong niya.
“Destiny, Nate. May mga taong nakatadhanang mabago ang buhay sa pamamagitan mo. Hindi nga lang natin masabi kung kailan. Puwedeng bukas, may makapulot na sa iyo; puwede ring sa isang taon. Sa experience ko, naranasan ko nang walang nakapulot sa lampara sa loob ng halos two hundred years. It was already around the nineteenth century when I got out again, ibang-iba na ang mundo ninyo noon kaysa dati.”
Parang gusto na niyang mag-collapse. Suddenly, he was imagining waking up to a dystopian world, sa panahong sira na ang lahat sa mundo dahil sa kagagawan ng tao o ng kalikasan. What would he do then? How could he enjoy life?!
“I-I can’t do this! Palabasin mo ako dito!” halos hysterical na sabi niya kay Jinnea.
“Hey, dalawa na tayong namomroblema ngayon, okay? Now, I’m stuck in your world. Kailangan kitang bantayan at hangga’t hindi ka nakakalaya ay hindi ako makakabalik sa mundo ko! At ngayon sana ang balik ko doon kung hindi mo naisip ang kahilingang ito. This is all your fault, you moron!”
Pinilit ni Nate na kumalma. Kailangan niyang mag-isip ng paraan. Ano ang silbi ng mahabang buhay kung nasa loob siya ng lampara? Ni hindi nga siya makatagal sa loob ng kanyang bahay!
“There must be some other way. Imposibleng sa lahat ng taong nabigyan mo ng mga kahilingan, ako lang ang nakaisip ng ganito.”
“Ikaw ang ikaapat, actually.”
Nabuhayan siya ng pag-asa. “What happened to them?”
“Well, `yong unang tatlo ay first and second wishes lang ang ginamit, so nai-wish uli nilang makalabas sila ng lampara. `Yong huli ang medyo minalas. Nakulong siya sa lampara nang mahigit tatlong daang taon. I hated that. I had to watch over that stupid bitch for almost three centuries, imagine that.”
“But she was set free eventually, right? Right?”
Tumango si Jinnea. “May isang taong nakapulot sa lampara na nag-wish na makalaya na siya mula sa sumpa at maging normal na siyang tao.”
Nakahinga nang maluwag si Nate. May pag-asa pa pala. “Kung ganoon, sasabihan ko ang taong makakapulot sa akin na—”
“Hep-hep!” pigil ni Jinnea sa sasabihin niya na nakataas pa ang hintuturo sa ere. “Hindi ba sinabi ko sa iyo, hindi puwedeng sabihan ng mga genie ang mga tao sa kung ano’ng dapat i-wish? Dapat ay kusa nilang hilingin iyon.”
“Shit.” His jaw dropped. “I’m fucked. I’m so fucked.”