noveltoon logo noveltoon
My Genie Lover

Chapter 5

Ch. 6 / 30 Nov 28, 2025

I fucking miss my old life. Ayoko nang bumalik pa sa lampara! Wala na akong pakialam kung hindi mahaba ang buhay ko. I just want to live it to the fullest. Ano ba’ng puwede kong gawin para mawala na ang bisa ng sumpa ng magic lamp?

NATUWA si Nate nang lumipas ang isang buong araw na hindi siya tinawag ni Euna. Mukhang natakot na ang babae na muling humiling at hindi naman niya ito masisisi. Sana lang, magtagal pa ito sa kakaisip para magtagal din siya sa labas ng lampara. Babawi siya sa mga napalampas na good time.

Hapon na nang umuwi ang limang babaeng inupahan ni Nate kaninang madaling-araw para makasalo sa mga makamundong kaganapan. Maghapon silang nagkulong sa kanyang soundproof na kuwarto; uminom, kumain, nagtalik. Mabuti na lang, nasa banyo siya noon at naghahanap ng condom nang tawagin ni Euna. He couldn’t imagine having a disappearing act in front of those women and explaining it to them afterwards.

Walang magagawa si Nate kung tawagin siya ng mga taong pagbibigyan niya ng kahilingan. Awtomatikong susulpot siya sa harap ng mga iyon kahit nasaan pa man siya, kahit ano pa ang ginagawa. Kaya kahit nag-e-enjoy sa buhay sa labas ng lampara, hindi pa rin lubos ang nararamdaman niyang kaligayahan. And he still had lots and lots and lots of years to come. Halos isang milenyo pa ang itatakbo ng buhay niya, bilang bilanggo sa sumpa ng magic lamp.

Would there be any kind soul out there to wish for him to be a normal human being again? Kung mayroon man, ang tanong naman ay kailan.

Pagod ang pakiramdam ni Nate kaya natulog muna siya. Pagkagising ay nakipagkita siya kay Andre sa isang bar.

“Saang sulok ka ba ng mundo nagsususuot at hindi yata tumatanda ang hitsura mo?” salubong na tanong ng kaibigan pagkatapos nilang magyakapan sa harap ng bar counter.

“Ganyan pa rin ang hitsura mo mula nang huli tayong magkita. In fact, `yan mismo ang hitsura mo bago ka naglagalag sa ibang bansa ten years ago.”

“Sabi ko nang nagso-soul-searching ako,” pagsisinungaling niya. “Nakakabata `yon ng hitsura. Subukan mo rin.”

Paano na lang pala kung lumipas pa ang sampung taon at hindi pa rin tumanda ang kanyang hitsura? Hindi na siya puwedeng makipagkita kay Andre kapag ganoon dahil magdududa na itong may nangyayaring kakaiba sa kanya. Tatanda na ang kanyang kaibigan, tutubuan ng puting buhok, at kukulubot ang balat; habang siya ay mananatiling bata at sariwa sa loob ng mahabang panahon. Baka abutin muna ng five hundred years bago siya humantong sa pagiging middle-aged.

“Kunsabagay, nauna kang nagmukhang matanda kaysa sa akin,” pampalubag-loob ni Andre sa sarili. “Ngayon, mukhang magkaedad na lang tayo,” sabi pa nito na sinundan ng tawa.

“Mukha ka lang namang nasa late twenties o early thirties. Hindi halatang thirty-seven ka na.”

“Thirty-six,” pagtatama ni Andre. “Huwag mo akong apurahing tumanda.”

“Kumusta na pala? Huwag mong sabihing nag-asawa ka na?” tanong ni Nate nang maka-order sila ng inumin.

“Remember Sophie? `Yong ipinakilala kong girlfriend ko noong huli tayong nagkita?” Itinaas ni Andre ang kaliwang kamay para ipakitang wala itong suot na wedding band. “Nag-break kami. Hindi na natuloy ang engagement.”

“Good for you!” tuwang-tuwang bulalas niya. “Sinabi ko na kasing sakit lang sa ulo ang makipagrelasyon sa mga babae.”

“Ikaw ang kumusta na. Kuwentuhan mo naman ako tungkol sa escapades mo sa ibang bansa.”

Nagusot ang ilong ni Nate. Kung alam lang ni Andre ang tunay niyang kalagayan.

“Nag-soul-searching ka ba talaga?” duda pang tanong ng kaibigan.

“ Oo sabi. Kita mong kahit text o tawag sa telepono ay pinutol ko lahat. Gusto kong mapag-isa. ” Pinigil niyang mapangiwi sa mga pinagsasabi.

Tumawa ito. “Anong klaseng soul-searching? Maraming babae at alak na involved? Sex searching yata `yan.”

Tumawa na lang si Nate at iniwasang mag-imbento ng kuwento para matapos na si Andre sa pagtatanong. Mayamaya pa ay pinag-usapan na nila ang tungkol sa perang pina-invest niya rito. Natuwa siya nang malamang malaki ang itinubo niyon. Good. Dahil kung mahabang-mahaba pa ang kanyang buhay, kakailanganin niya ng sandamakmak na salapi na sa kasamaang-palad ay hindi rin pala niya mae-enjoy dahil mas maraming panahon ang pagkakakulong niya sa lampara.

“Hanggang kailan ka dito sa Pilipinas?” usisa ni Andre nang maubusan na sila ng mapag-uusapan. Medyo malalim na rin ang gabi.

“Hindi ko alam, `tol.” Naisip ni Nate, baka puwede niyang pakiusapan si Euna na patagalin muna bago gamitin ang huling kahilingan nito. Why not? Walang sinabi si Jinnea na bawal niyang gawin iyon. Sana lang wala pang naiisip na kahilingan si Euna.

Napangisi siya nang lihim. Marami siyang puwedeng ibigay kay Euna kapalit ng hindi muna nito paggamit sa huling kahilingan. Hell, he could give her millions of pesos. In fact, he would do anything she wanted. Ganoon siya kadesperadong huwag munang bumalik sa loob ng lampara. Walang nakakaalam kung kailan uli siya makakalabas, baka abutin na ng isa o dalawang dekada bago muling may makapulot sa lamparang kinakukulungan niya. Or maybe, a century or two! At hindi na niya iyon kakayanin pa.

“SERYOSO, `Nay. Ano ba’ng nakita ninyo sa lalaking `yan at siya pa ang ipinalit ninyo kay Tatay?” Hindi na mabilang ni Euna kung ilang beses nang itinatanong iyon sa kanyang ina tuwing magtatalo sila tungkol kay Octavio.

Ang walanghiya niyang stepfather, humihingi na naman daw ng pera sa kanyang nanay! At dahil wala namang pera, sa kanya ngayon humihingi ang ina.

At gaya ng inaasahan, hindi sinagot ng kanyang ina ang tanong. Pero alam ni Euna ang totoong dahilan. Ayaw nitong tumandang nag-iisa. Gaya ng karamihan sa mga kakilalang babae, idinedepende ng kanyang ina ang kaligayahan sa pagkakaroon ng katuwang sa buhay. Kaya nag-asawa rin agad ang Ate Elsa niya pagka-graduate ng college. Hindi na naghanap ng trabaho ang ate niya at wala nang pakialam kahit walang matino at permanenteng trabaho ang napangasawang si Jerome na kasalukuyan yatang construction worker. Sakitin pa naman ang limang taong gulang na anak ng mga ito na si Jonjon.

At ano pa nga ba? Siya rin ang madalas lapitan ng mga ito kapag nangangailangan ng pera.

“Si Ednar, ayaw nang pumasok sa school,” balita pa ng kanyang nanay na ang tinutukoy ay ang bunso niyang kapatid na pinilit na ipagpatuloy ang pag-aaral sa college. Magtu-twenty years old na ito pero first year pa lang sa kursong Business Administration. “Lagi raw kasing natitipid sa allowance.”

Natapik ni Euna ang noo. “Sabihin ninyong gagawa ako ng paraan.”

“Ang Tito Octavio mo pala, kailangan talaga ng pera para sa—”

“`Nay, rumaraket naman si Octavio sa tabi-tabi, `di po ba? Makakadelihensiya `yan ng pansugal at pang-inom niya.”

Magsasalita pa sana ang ina, pero nagpasya na siyang magpaalam. “Sige na po, `Nay. Saka na uli tayo mag-usap. Masakit po ang ulo ko.”

Nahahapong umupo si Euna sa harap ng mesa kung saan katatapos lang niyang maghapunan. Very late dinner, actually, dahil pasado hatinggabi na nang maisipan niyang kumain. Ginisang corned beef ang ulam at ininit na lang niya ang tirang kanin kagabi. Paubos na ang stock niyang grocery items. Paubos na rin ang natitirang kakaunting pera niya.

Ano na’ng gagawin ko?

Teka… Ang huling kahilingan niya! Tama. Baka ngayon na ang oras para gamitin iyon. She would wish for money. Lots of it! Siguradong solved ang lahat ng problema niya.

Ugh. Nasapo ni Euna ang buong mukha at itinukod ang mga siko sa mesa. Kapag nagkaroon siya ng maraming pera, siyempre kasama sa grasya ang buong pamilya niya at kung mangyayari iyon, lalong didikit ang Octavio na iyon sa kanyang ina, lalong manggagamit. At ayaw niyang mangyari iyon.

Sa totoo lang, gusto na niyang mawala sa landas nilang mag-iina ang walanghiya. Kung puwede lang sana niyang patunayan na dealer ito ng marijuana para maipakulong. Ang kaso, paano naman ang kanyang nanay dear? Baka sumama pa ito kay Octavio sa kulungan!

Gulong-gulo na si Euna. Kanina, kinain niya ang lahat ng pagmumurang nanggaling kay Tonee dahil sa pagkakamali niya sa paggupit. Halos sabunutan siya ng baklang may-ari ng parlor at kaladkarin palabas. Panay ang sorry niya sa lalaking customer na parang damuhan na dinaanan ng lawn mower ang gitnang tuktok ng ulo. Pinagsisigawan din siya nito at nanghingi pa ng danyos. Napilitan tuloy siyang ibigay ang dala-dalang five hundred pesos. At hayun, bagsak ang mga balikat na umalis siya ng parlor at naglakad pa pauwi.

Wala. Na. Siyang. Trabaho.

What more, for some weird twist of fate, nakapulot siya ng lamparang may genie at sinayang naman niya ang dalawang kahilingan! At hindi na niya alam ang gagawin sa kanyang last wish.

Dala ng matinding frustration, natawag tuloy ni Euna si Nate. Nagpasalamat siyang nakadamit ang lalaki nang lumitaw sa kanyang harap. Guwapong-guwapo ang mokong sa suot na black denim at asul na polo na may mahabang manggas at medyo hapit sa katawan nito. Mukhang mamahalin din ang suot na wristwatch at sapatos. Mabilis pa niyang pinasadahan ng tingin ang lalaki mula ulo hanggang paa. At base sa hitsura ngayong gabi, masasabi niyang mukha itong classy at mayaman.

“Yes?” nakahalukipkip na tanong ni Nate.

“Magwi-wish na ako,” lakas-loob niyang sabi.

Bumuntong-hininga ang lalaki. “Ah, fun is over,” mahina nitong sambit na lukot na lukot ang mukha. Parang lulugo-lugong naupo sa harap niya. “Sigurado ka na ba talaga sa hihilingin mo?” malungkot pang tanong ni Nate.

Umiling si Euna. “Sa totoo lang… h-hindi pa, eh, ” sagot niya.

“You know what, Euna? Iisa na lang ang natitira mong kahilingan. Kailangan mong mag-isip nang ilang libong beses bago ka humiling para hindi ka magsisi sa huli kagaya ko.”

“But I need money right now!” bulalas niya.

Parang nagliwanag ang mukha ni Nate. “Pera lang ba? I can give you some. Mayaman ako.”

Napatanga si Euna. Tama ba ang narinig niya? Bibigyan daw siya nito ng pera?

“Payag akong tulungan ka financially hangga’t hindi ka pa nakakaisip ng last wish mo,” sabi pa ni Nate. Inikot nito ang tingin sa munting kusina. “Puwede kitang ilipat ng bahay sa lalong madaling panahon. Hindi mo na kailangan pang magtrabaho, Euna.”

“S-seryoso ka ba diyan?”

Tumango-tango si Nate.

Tinaasan niya ito ng kilay. “ At bakit mo `to gagawin, aber? ” nagdududang tanong niya.

“Gusto ko lang tulungan ka,” nakangiting sabi ng lalaki.

“Aw, come on, Fortunato! May naaamoy akong hidden agenda sa likod ng pagiging g ood s amaritan mo.”

“Fine. Gusto ko lang na mapatagal pa bago mo gamitin ang huling kahilingan mo. Para magtagal din ako sa labas ng lampara. I just missed my life as a normal human being! So please take my offer.”

“Oh, I see,” nangingiting sabi ni Euna. Maganda nga naman ang offer ni Nate, pareho silang makikinabang.

“Payag ka na?” puno ng antisipasyong tanong nito.

“Pilitin mo muna ako,” pagpapakipot niya, saka tumayo na mula sa mesa at inumpisahang iligpit ang mga pinagkainan.

“Uh, women!” sabi ni Nate at tumayo rin. “What do you want me to do? I will do anything just to get some more time outside the magic lamp.”

“Anything?” nae-excite niyang tanong.

Ngumisi ang lalaki, ngising lumuwang nang dumako ang mga mata sa kanyang legs na naka-expose mula sa suot na maiksing shorts. “Anything, baby,” mapanuksong sabi ni Nate at tumayo. “Anything you want…” mahinang sabi nito na umawang ang bibig at nakita niyang gumalaw ang dila sa pagitan ng mga ngipin.

Napa nganga si Euna nang lumapit si Nate sa kanya, dahan-dahan itong humahakbang habang natatarantang umaatras naman siya. Hanggang sa tumama ang kanyang likod sa kitchen counter.

Idinikit ng lalaki ang katawan sa kanya at hindi siya nakapalag nang dumapo ang kamay nito sa kanyang baywang at humimas doon. “Gagawin ko ang lahat ng gusto mo, Euna. Basta hayaan mo muna akong nasa labas ng lampara at mamuhay nang normal.”

Pigil-pigil niya ang hininga sa pagkakalapit ng kanilang mga mukha. He then lightly touched her lips with his. Padamping halik pero nanunukso…

“Kaya kong ibigay ang lahat-lahat ng gusto mo, ” sabi pa ni Nate na hindi inihiwalay ang mga labi sa kanya. “Kaya kitang paligayahin sa iba’t ibang paraan. Hinding-hindi ka magsisisi sa huli.”

Gustong magsalita ni Euna pero umurong na yata ang kanyang dila o hindi lang alam ang sasabihin. Muling humalik si Nate, pero mababaw lang.

Nagulat pa siya sa kanyang naging reaksiyon. She wanted a deeper kiss; hot and lingering. At mukhang alam na alam iyon ng lalaking humahalik sa kanya ngayon.

“I can kiss you more than this, baby,” Nate murmured against her mouth, then he nipped her lower lip. She moaned in her throat when his tongue sensually grazed over it.

Napapikit si Euna. Awtomatikong umawang ang kanyang bibig, binibigyan ng kalayaan si Nate sa paghalik sa kanya, hinihimok itong palalimin pa ang halik, sakupin ang kabuuan ng kanyang bibig.

Ilang sandali pa, nakikipagpalitan na siya ng halik sa lalaki. Mainit, mapusok. The sound of their smacking mating wet lips echoed in the dead of the night. He darted his tongue inside her mouth and swayed hers to dance with his. Ang pagsasanib ng kanilang mga labi at hininga ay unti-unti nang tumutupok sa depensang ipinalibot niya sa sarili, bumibigay na ang kamalayan sa paanyaya ng pagnanasa.

She tilted her head when Nate’s mouth journeyed down her throat. Lalong lumakas ang loob nitong maging mas mapangahas. Itinaas nito ang suot niyang T-shirt kasama na ang kanyang bra. She felt her boobs bounce as they were freed.

“Beautiful,” narinig niyang sabi ni Nate, saka sinakop ng palad nito ang isang suso niya.

Napaliyad si Euna sa sensasyon nang laruin ng mga daliri nito ang kanyang nipple. He was rolling the bud, pulling it. Hanggang sa sunod na pinaglaro nito doon ang bibig.

“N-Nate!” impit na daing niya nang maingay na sinipsip ng lalaki ang ituktok ng kanyang dibdib habang ang isang kamay nito ay lumalamas sa kabilang umbok.

Napasabunot siya sa buhok ng lalaki, pero imbes na hilahin palayo ang ulo nito mula sa kanya ay lalo lang niyang idiniin iyon sa kanyang suso. It was like she had discovered something that her breasts had been wanting for so long—isang lalaking alam ang gagawin sa mga iyon.

Hanggang sa naramdaman ni Euna ang pagpasok ng kamay ni Nate sa loob ng kanyang garterized shorts, sumapo iyon sa isang umbok ng kanyang pang-upo, at gigil na pumisil. Her body was like screaming to her face—lahat ng parte ng katawan niya ay gustong mahawakan, mapisil, at mahalikan ni Nate. She had never felt this want and need so strongly that her sanity was being overpowered.

She squirmed in eagerness when his hand wandered inside her shorts, finding her soft flesh in between her thighs.

Bumulong si Nate sa kanya sa napakasensuwal na boses. “Part your legs, babe. Let me touch you more.” She had never heard a man’s voice that sexy and seductive.

Umaayaw ang isang parte ng kaisipan ni Euna sa ginagawa ni Nate, pero mas malaking parte naman niya ang may gustong magpatuloy ito. She was becoming delirious in anticipation and she was loving the feel of it. Pinaghiwalay niya ang mga hita at nahigit ang hininga nang gumalaw sa kanyang pagkababae ang mga daliri ni Nate. Narinig din niya ang marahas na paghinga nito sa kanyang buhok.

“Ah, you feel so soft…” anas nito.

“O-oooh,” hindi niya napigilang ungol.

Nate dipped his longest finger on her slit, his thumb kneading her clitoris. Kusang gumalaw ang balakang niya na para bang gustong idikit pa ang ari sa mga daliri ng lalaki.

“You like it, baby?” he teased her.

“God, yes!” My goodness. Siya ba iyong sumagot kay Nate? Her voice, ngayon lang niya narinig na nagtunog ganoon ang kanyang boses. She sounded like a porn star!

“There… there. You feel that, Euna? Basang-basa ka na,” tudyo pa ni Nate na bumilis ang paggalaw ng mga daliri sa ibabaw ng kanyang pagkababae.

She was shocked to find herself grinding and pumping against his hand over her pussy. Hindi niya mapigilan ang sarili. Ang sarap. Ang init!

Euna! Gaga ka. Ano’ng ginagawa mo? Bakit ka nagpapamanyak sa lalaking `yan? pangungutya niya sa sarili.

But she wanted this. She needed this! Hindi na siya magpapakaipokrita pa. Gusto niya ang ginagawa sa kanya ni Nate, and in fact, gusto pa niyang dagdagan nito ang mga ginagawa sa kanya ngayon. She should be shameful in feeling that way, pero iyon talaga ang nararamdaman niya. Gising na gising na ang natutulog niyang kapilyahan at pagkaagresibo. Nagkaroon na ba siya ng inner manyak self? Utang-na-loob!

But of all men, bakit si Nate pa na hindi naman talaga niya kilala? Hindi ito malapit sa kanya at lalong wala siyang espesyal na nararamdaman para dito. Akala niya noon ay makakaramdam lang siya ng pagnanasa sa lalaking magiging asawa, sa lalaking mahal niya. Mali pala siya.

Maling-mali…

Dumilat si Euna. “Teka… S-sandali,” mahina niyang sabi sa gitna ng pagliliyab ng katawan. Gusto niyang kutusan ang sarili sa pag-iisip na mali ang ginagawang pagpapatangay sa kamunduhan. Why, her body was telling her otherwise. Tama lang ang nararamdaman ng katawan niya, normal lang iyon.

Pero may kaunti pa ring parte sa isip ni Euna ang gustong tumanggi. At bago pa magapi ang parteng iyon ay inipon na niya ang natitira pang lakas at huwisyo para itigil na ang kabaliwan.

“Nate, s-stop…”

“You don’t want me to stop, sweetheart,” bulong ng lalaki at humagod ang bibig sa kanyang lalamunan. “You’re obviously loving this.”

His middle finger swiped back and forth over her cunt, making her ache and burn. Naramdaman niyang umabot na sa kanyang hita ang mainit na likidong inilabas ng kanyang pagkababae. Nanghihinang napakapit ang dalawang kamay niya sa counter.

Oh, my God. I think I can’t stop! I don’t want to stop!

“Nate, p-please…” Napakahina na ng boses ni Euna.

“Please what?” he taunted.

Namimigat ang talukap ng kanyang mga mata. Gusto niyang pumikit uli para lalong malasap ang luwalhating hatid ng ginagawa ng lalaki pero pinanatili niyang nakadilat at tumingin kay Nate.

His handsome face looked very sensual, but also mischievous and very pleased. Nasisiyahan ito sa ginagawa sa kanya. Nasisiyahan sa nakikitang reaksiyon niya sa pagmamaniobra nito sa kanyang katawan.

“Wait till I get done with you, baby. Kamay ko pa lang ito.”

Kaunti na lang. Kaunti na lang at alam ni Euna na maaabot na niya ang point of no return. It would be now or never. Kailangan na niyang magpasya.

“Euna… You’re so hot.”

Hinawakan niya ang kamay ni Nate, gusto nang patigilin ang lalaki sa ginagawa kahit labag talaga iyon sa kagustuhan niya. “S-s top it. ” Pero halos hangin na lang ang lumabas sa kanyang bibig.

When he positioned his finger to enter her core, doon na niya hinila ang kamay nito palayo sa kanya na gusto niyang pagsisihan pagkatapos. Pero utang-na-loob naman, gusto rin niyang manindigan!

“ No! ” hinihingal na pag-awat ni Euna. “L-lumayo ka sa akin!” Pilit niyang itinulak si Nate kahit parang gulaman pa ang kanyang pakiramdam sa nanlalambot na katawan.

“W-what? I don’t understand,” naguguluhan at dismayadong sabi nito.

“Shut the fuck up!” pagpapatahimik niya sa lalaki at mabilis na lumayo rito. Nang makitang may natitira pang tubig sa baso niya kanina ay dali-dali niya iyong ininom.

“Huwag mong sabihing ayaw mo sa ginawa ko? Dinig na dinig ko ang mga halinghing—”

“Umayos ka, Fortunato, at baka mai-wish kong maging duling kang butiki sa kisame!”

“Whoa, whoa!” bulalas ni Nate na nakataas ang dalawang kamay. “Easy, woman, easy! Huwag mong babanggitin ang salitang hiling o wish kung maligalig ka lang o mainit ang ulo mo. You might end up wasting your last wish!”

“Then stop seducing me, you jerk!”

Ang gago, nang-aasar pa at talagang dinilaan ang basang mga daliri na galing sa kanyang pagkababae. Pero imbes na mabastusan naman siya, heto na naman ang makamundong katawan niya. Imagine, may urge siyang lumunok dahil bigla na lang niyang na-imagine ang bibig at dila ni Nate sa kanyang pagkababae!

“I hate you!” asik ni Euna.

Tumawa si Nate, saka hinila ang pundilyo ng pantalong nanikip dahil sa naninigas na pagkalalaki nito. “Hindi ba sabi ko, kaya kong ibigay sa iyo ang lahat ng gusto mo? Kasama na roon ang sex, Euna.”

Inirapan niya si Nate at saka muling umupo sa harap ng mesa. “Hindi `yon kasali sa mga gusto ko!”

“Hmm, really?” tukso ng lalaki at muli ring umupo sa dating puwesto kanina. “I doubt it. Iba ang sinasabi ng katawan mo sa akin.”

Tinigasan pa niya ang boses. “I just want money for now, lots of it.”

“Hindi problema `yan. Kung gusto mo, puwede tayong mag-withdraw sa ATM ngayon din.”

Napangiti si Euna. “ Gagawin mo talaga ang lahat ng gusto ko, ha? ”

Ilang beses na tumango si Nate. “You heard me. Basta huwag ka munang magwi-wish.” Nagsusumamo na ang tingin nito. “Please?”

Puwede. Pakikinabangan niya nang husto ang lalaking ito. Puwede niyang utusan at maging alipin, hihingan ng kahit ano.

“Magiging mabait ka sa akin and everything?” paniniguro niya.

“Yes. I will do anything you want. Kung puwede lang, ayoko na sanang bumalik pa sa loob ng lampara.”

Nag-isip siya. “Wow. You’re at my mercy then.”

“Exactly.”

Kahit paano ay nakaramdam si Euna ng kaunting awa kay Nate. Mahirap naman talaga ang kalagayan ng lalaki. From what she understood, mabubuhay nga ito nang isang libong taon pero gugugulin naman ang mas malaking parte ng panahong iyon sa loob ng lampara. Nakakalabas lang si Nate pansamantala kung may mga taong nakakapulot sa lampara. At pagkatapos maibigay ang mga kahilingan ng mga taong iyon, babalik na uli sa magic lamp.

“Pero hindi ko maipapangakong hindi ko magagamit ang last wish ko, Nate.”

“I understand,” malungkot na sabi nito. “All that I’m asking is for you to let me buy some more time outside the lamp. Please, I’m begging you. Ikaw lang ang pag-asa ko sa ngayon.”

“Okay,” pagpayag niya.

“P-pumapayag ka na?” tanong ni Nate na maluwang ang ngiti at nanlalaki ang mga mata.

“Oo na.”

“Thank you!” tuwang-tuwang sabi nito at dumukwang para halikan siya.

Buong puwersa namang inilayo ni Euna ang katawan. Sa pag-aapurang umiwas, natumba ang monoblock chair at kasama siyang nabuwal sa sahig.

“Oh, shit! Are you okay?” sambit ni Nate at nagmamadaling sinaklolohan siya.

Pinaghahampas niya ito sa balikat nang tangkain siyang ibangon. “Sinabi na kasing umayos-ayos ka!” inis niyang sabi at sinikap na bumangong mag-isa.

“I was just going to kiss you!” natatawa nitong sabi.

“Sa lahat naman ng genie, ikaw itong haliparot!” Dinuro niya si Nate sa mukha. “Well, no more kissing! Got it?”

“Bakit? Sayang naman. You’re very good at it,” nakangising sabi nito.

Magaling daw siyang humalik? Weh? Ni hindi sinasabi iyon ni Ephraim sa kanya noon. She always thought that she was an awkward kisser.

“I’m a g-good kisser?” Hindi napigilan ni Euna ang tanong na iyon.

“Great kisser. The way you kissed me back has actually turned me on.”

She was speechless.

Baka naman mas magaling lang mag-initiate ng halik ang mokong na ito kaya nadala naman siya kanina at nakipaglaplapan nang todo?

Ugh. Whatevs.

“ O-okay, sige na! Magkita na lang tayo bukas ng umaga. ”

“All right. I will bring you the money. Magpapahanap na rin ako ng malilipatan mo agad. Kung kailangan mo ako sa ibang bagay, alam mo na ang gagawin mo.” Pilyo itong kumindat. “ Lumalamig na ang panahon. Kailangan mo ng tagabigay ng init —”

“I don’t need your sex. Thank you very much!” mabilis niyang putol sa sasabihin ni Nate.

“Oh, I see. So, you have a boyfriend, huh?” he assumed with a chuckle. “He must be a lousy lover then, kung kayang-kaya kitang akitin.”

She hissed at him. “Wala na akong boyfriend!”

Mukhang natuwa si Nate sa narinig. “Wala naman pala. Eh, di walang problema kung—”

“At wala akong balak magkaroon ng bagong boyfriend sa lalong madaling panahon.”

“Good! Dahil hassle lang ang makipagrelasyon. Napakaraming arte, napakaraming expectations. It was all bullshit!” sang-ayon nito. “You can have a lover in your life with no strings attached, you know? Less complications, less headaches. It will be just pure pleasure and joy. Bakit natin kailangang gawing komplikado ang buhay, hindi ba? Nabubuhay tayo sa mundo para magpakasarap at magsaya, hindi para maging malungkot at magdusa.”

“Hindi ko hinihingi ang opinyon mo, Nate.” Tinalikuran na niya ito at itinaboy. “Makakaalis ka na muna ngayon.”

“Okay. See you tomorrow!” paalam ng lalaki at biglang nawala.

Pero nagulat si Euna nang lumitaw ito sa likuran niya at ninakawan siya ng halik sa batok.

“Thank you!” masayang sabi nito bago muling naglaho.