The last time I was on a beach, I found a magic lamp. And my life was changed forever. I will never look at beaches the same way, ever again.
NAPALUNOK si Nate nang mula sa veranda ng cottage, nakita niya si Euna na nakabilad sa araw suot ang pares ng pulang-pulang bikini. Nakahiga ang dalaga sa beach towel at may binabasang makapal na paperback. Ang buong pamilya naman nito ay nagtatampisaw sa dagat.
It was a fine Friday morning. Cloudless skies, mild sun, soft breeze. Huminga siya nang malalim, saka pumikit, nilanghap ang amoy ng dagat at hangin. Nakakatawa. Kinailangan pa niyang maisumpa para lang ma-appreciate ang kagandahan ng mundo.
Kailan ba naman siya tumambay sa gilid ng dagat sa umaga? Sa normal niyang buhay noon, tulog pa siya sa ganoong oras, puyat sa happenings sa gabing nagdaan. Sa gabi lang siya nagiging aktibo. Shit, it was like he was living a vampire’s lifestyle. Pero hindi dugo ang sinisipsip niya kundi—
Teka, si Jinnea ba ang natanaw niyang iyon sa kalayuan?
Dali-daling nag-iwas ng tingin sa kanya ang babaeng naka-two-piece white bikini at may kulay-lilac na sheath. Nakaupo ito sa lounge chair sa harap ng isang beach cottage at may hawak na inumin.
Hindi maaaring magkamali si Nate. Si Jinnea nga iyon! Nagmamadali siyang pumasok sa sala ng cottage at mula roon, nag-teleport siya at sumulpot sa likod ng palm tree na katabi ng kinapupuwestuhan ni Jinnea.
“Ano’ ng ginagawa mo dito? ” sita niya agad sa babaeng genie.
Nasamid naman si Jinnea mula sa pag-inom ng iced coffee. “Bakit ba bigla ka na lang nanggugulat diyan?” inis na sabi nito.
“Nagugulat ka na rin?”
Nagiging tao na talaga ang babaeng genie! Kaya rin siguro hiningi ni Jinnea sa kanya ang isa niyang ATM card at isa pang credit card. Kailangan na nitong gumastos para manatili sa mundo ng mga tao.
Inirapan siya ni Jinnea. Umupo naman siya sa may paanan nito. “Hindi ba sabi ko sa `yo noon pa na kung nasaan ka, nasa paligid-ligid lang ako? Hindi ako puwedeng lumayo sa iyo!” mataray na paliwanag nito.
“ Eh, di nasa Alava ka rin habang nandoon ako? ”
“Oo. Ginagamit ko ang power kong maging invisible pero lately, humihina na `yon kaya heto ako ngayon, astang-normal na tao na lang,” sabi nito at nagkibit-balikat.
“You’re becoming more tanned,” puna ni Nate.
“Dahil tinatablan na rin ako ng sikat ng araw dito sa mundo ninyo.”
“Look at the bright side, matitikman mo dito sa mundo namin ang wala sa mundo ninyo. I-enjoy mo na lang.”
“Hindi ko mae-enjoy kung lagi nga akong nakabantay sa `yo!”
“Hindi mo naman kasi ako kailangang bantayan. You gave me lame powers, Jinnea. Hindi ko magugunaw ang mundo!”
“I told you already, I sort of became your guardian whether we like it or not. Hindi ako makakalayo mula sa iyo. We’re sort of connected, gano’n. Saka hindi ko gustong ginagamit mo si Euna sa pansarili mong kapakanan.”
“Hindi ko siya ginagamit lang! Nakikinabang din siya sa akin. `Kita mo ang ginawa ko sa kapatid niya? I saved him from going to jail. I’m helping her entire family!”
“Whatever, Fortunato.”
“What are you going to do? Ruin my plan? Huwag mong kakausapin si Euna tungkol doon. Binabalaan kita.”
Tumawa si Jinnea nang mapangutya. “Oh, look at you! So menacing! Nanginginig na ako sa takot.”
Nang iwan niya si Jinnea, nakaisip si Nate ng magandang ideya para ma-divert sa iba ang atensiyon ng babaeng genie. Tinawagan niya si Andre at ibinalitang nasa Escape si Jinnea.
“ O, ano pa ’ng hinihintay mo? Pagkakataon mo na ito para lapitan siya,” nakangising pambubuyo niya sa kaibigan.
Natataranta na si Andre. “W-wait, shit! Marami pa akong dapat tapusin. Pinaplano kong magtrabaho ngayong weekend—”
“`Tol, isa sa mga may-ari ng kompanya ang tatay mo. Puwedeng-puwede kang magbakasyon anytime. Ikaw lang naman `tong pumapatay sa sarili mo sa trabaho! Take a break, man.”
Mayaman ang mag-asawang umampon kay Andre, mababait din. Kaya naman pakiramdam ng kaibigan niya ay malaki ang utang-na-loob nito. Isinubsob tuloy ni Andre ang ulo sa pag-aaral at pagtatrabaho. Halos wala na itong social life. Siya lang ang nagtitiyagang kaibigan ni Andre dahil kahit marami silang ibang kabarkada, iba pa rin ang turingan nilang dalawa. They were the best of friends since they were young.
“ Puwede pala akong magdala ng trabaho ko sa Escape!” excited nitong bulalas.
“ Just go here. Dalian mo at baka biglang umalis si Jinnea. ”
NAGBABA ng sunglasses si Euna nang makalapit si Nate na may dala-dalang asul na surfboard. Inilatag iyon ng binata sa buhangin at umupo sa tabi niya. Nag-iwas siya ng mukha nang akmang hahalikan siya nito sa mga labi.
“O, nagsawa ka na rin sa pakikipag-usap sa ibang babae at naalala mong kasama mo ako dito?” naiinis niyang sumbat.
Mukhang magkakaila sana ang binata pero mabilis niyang pinigil ang ano mang alibi na sasabihin nito.
“You can flirt with other women, Nate. Hindi naman kita pinipigilan. Mahirap ngang hindi mo nailalabas ang init ng katawan mo. You need to get laid.”
Talaga, hindi niya pipigilan? Eh, bakit kanina halos umusok ang ilong niya nang matanaw na may kausap si Nate na isang maganda at seksing babae na mukhang foreigner?
“Okay, okay,” sabi ni Nate na sinundan ng isang buntong-hininga. “Ang nakita mong kausap kong babae kanina ay si Jinnea. She’s a jiniri . Siya `yong ikinuwento ko sa iyong genie na lumabas sa napulot kong magic lamp. At habang isa pa akong genie, mananatili siyang tagabantay ko dito dahil hindi siya makakabalik sa mundong pinanggalingan niya habang nasa ilalim pa ako ng sumpa ng lampara. At dahil lumampas na sa isang libong taon ang pananatili niya dito sa mundo natin, unti-unti nang humihina ang kapangyarihan niya bilang genie. Parang nagiging tao na siya, kaya hayan, madalas ay visible na siya sa lahat,” paliwanag ni Nate.
Ah, okay. So, genie pala `yon. Makikipagtalo pa ba siya? Siyempre, maniniwala na agad siya. Sapat na ang mga nakita niyang ginawa ni Nate para maniwala sa iba pang mga kababalaghan sa mundo.
“She’s very pretty,” nasabi na lang ni Euna.
“She is.”
“Gusto mo ba siya?”
Tumawa ito. “You sound jealous, woman!” tukso nito.
“Hindi, `no! I mean, napakaganda niya at sexy kahit sa malayo pa lang. Imposibleng hindi mo siya magustuhan.”
“I liked her at first. Kaso, turned off ako sa ugali niya. Masyado siyang bayolente, palaging nanganganib ang buhay ko sa kanya.”
“ Bayolente rin ako. Eh, di turned off ka pala sa akin? ”
He chuckled and lowered down his head to plant a kiss on her hair. “You’re not violent. Well, not like Jinnea at least. You’re actually sweet.”
“Hindi ako sweet. `Yan nga ang laging reklamo sa akin ng ex ko,” sabi niya na lukot ang ilong. “Mas sweet ang best friend kong si Rachel. She’s very nice, too. Kaya siguro ako ipinagpalit ng gago.”
“Hey, hindi mo kasalanang nagloko ang ex-boyfriend mo, okay?” Mula sa pagkakaupo, dumapa si Nate sa buhangin at iniharap ang mukha sa kanya. “Saka isa pa, nice people are not automatically good people. Marami akong kilalang mababait pero sa tingin ko, ang iba sa kanila ay nagiging mabait lang dahil `yon ang iniisip nilang kailangang gawin. You see, nice people are popular and lovable. And they see that advantage in our society. Pero kapag nagkagipitan na talaga, nang-iiwan sila sa ere.”
“I get what you mean. Minsan, `yong hindi mo inaasahang mga tao ang gagawa sa iyo ng totoong kabutihan.”
“See? Nice person nga ang kaibigan mo, pero nakuha ka pa niyang agawan ng boyfriend. `Yong ex mo naman, kahit hindi pa maganda ang trato mo sa kanya, wala pa rin siyang karapatang iputan ka sa ulo. He could have broken up with you, then shagged your best friend. Pero hindi. Pinagsabay niya kayong dalawa. What an asshole!”
“And this is coming from a playboy who loves to have sex with multiple women,” natatawang sabi ni Euna pero kahit paano, na-touch din naman siya sa mga sinabi ni Nate. Gumaan ang loob niya.
“I don’t cheat, Euna. I don’t want to cheat. Hindi rin ako pumapatol sa mga babaeng may sabit na. May respeto rin naman ako sa kapwa ko lalaki.”
“At kaya hindi ka nakikipagrelasyon para iwas-cheating. Sa gano’n, mas maraming babae ang maikakama mo, sabay-sabay pa.”
Inilapit ni Nate ang mukha sa mukha niya, humagod ang dulo ng ilong nito sa kanyang buhok, papunta sa kanyang tainga. “Kaya kong makipagrelasyon sa `yo kung papayag ka lang. Sa `yo lang ako. Iyong-iyo lang.” Nangangako ang malambing na boses nito.
Hindi umiwas si Euna nang siilin nito ng halik ang kanyang mga labi. “Gusto kong makilala si Jinnea,” sabi niya nang maghiwalay ang kanilang mga labi mula sa makapugto-hiningang halikan.
She knew they would’ve ended up making out in the sand if they were not in a public place. He was so right. There was no use denying it anymore. Nagmumukha lang siyang katawa-tawa kung patuloy na itatangging hindi niya gusto si Nate. The way she kissed him back, the way her body responded to his touches, the way she ached for him… The way he made her core of womanhood tingle with desire…
Nababaliw na si Euna sa pagnanasa sa lalaking ito. Gusto na talaga niyang bumigay nang buong-buo. Kasi, bakit nga naman hindi, `di ba? Bakit niya pagdadamutan ang katawan sa gusto niyong maranasan? Gusto naman talaga niya sa una pa lang, hindi lang siya handa. Naturete rin siya noon sa natuklasang kapangahasan sa sarili. But now… She was more than ready.
Minsan lang mabuhay sa mundo, “sin a little” ang sabi nga nila; kung maituturing ngang kasalanan ang makaramdam ng pagnanasa at ang kagustuhang alisin ang uhaw na iyon. She wanted to feel shameful and dirty about it, pero hindi niya magawa. She felt this passionate yearning overrunning her senses was just a natural thing. Tao siya. Babae. Kailangan niyang maramdaman iyon.
“Hintayin nating makarating dito ang kaibigan kong may gusto sa kanya. Let’s have lunch or dinner together, the four of us,” sabi ni Nate na nilalaro-laro ng kamay ang strap ng kanyang bikini top na paikot na nakatali sa kanyang leeg.
“Double date?” nakangiting sabi niya.
“Double date,” nakangiti ring sabi nito.
KINAGABIHAN, nagkayayaan silang magpunta sa ballroom club ng Escape. Nakabihis silang mag-iina at dahil may kasamang bata, nagpaiwan na lang si Jerome sa tinutuluyang cottage at hinayaan si Elsa na sumamang mag-enjoy sa gabi. Si Ednar naman ay nagpilit pumunta sa isa pang club ng Escape na mas dinarayo ng mga mas batang customer ng resort.
Euna was wearing a little black dress with a strapless top and flowing short skirt. Inayusan siya ni Elsa, kinulot ng curling iron ang buhok niya—beach wave-style. Maganda rin ang makeup niya, intense na panggabi ang dating. Mga sosyal na damit din ang suot ng kanyang ate at nanay; at maganda rin ang ayos ng mga ito.
“Kawawa naman si Nate. Tatlo tayong ka-date niya,” tumatawang sabi ni Elsa nang makapasok sila sa loob ng club.
“It’s my pleasure, lovely ladies,” nakangiti namang sabi ni Nate na bahagya pang yumukod sa kanilang mag-iina.
Wala namang kibo ang nanay ni Euna. Kanina pa ito parang hindi nag-e-enjoy. Nami-miss siguro si Octavio. Ugh. Ewan lang niya. Kung sumama sa kanila ang walanghiyang iyon, baka nagkakalat na iyon ngayon sa Escape. Baka natulog na sa bar ng restaurant, kapiling ang mga alak.
Um-order silang mag-iina ng strawberry daiquiri. Big easy naman ang hiningi ni Nate sa waiter. Nasa kalagitnaan sila ng panonood ng mga nagsasayawan sa dance floor nang may mag-text kay Euna. Si Rachel iyon, gusto raw siyang makausap.
Bumuntong-hininga siya at nag-excuse para lumabas sandali. Sa labas ng club ay tinawagan niya si Rachel sa cell phone.
Garalgal ang boses ng kaibigan na bumati sa kanya. Hindi naman niya napigilang maapektuhan. Rachel was her only best friend. Hindi biro ang pinagsamahan nila na sinira lang ng isang lalaki.
“Matagal na sana kitang gustong kausapin, Euna,” sabi ni Rachel na parang maiiyak na. “ H-hindi ko lang alam kung paano, a-at kung ano ang sasabihin ko sa `yo. ”
“Ano’ng nagtulak sa `yong kausapin ako finally?” matigas na tanong niya.
“I’m… I’m p-pregnant. Ten weeks.”
Sa narinig ay parang nanghihinang napasandal si Euna sa dingding ng hallway. Buntis na nang mahigit dalawang buwan si Rachel? Ganoon na katagal siyang niloloko ni Ephraim? Nagkuwenta siya sa isip. Ano iyon, pagkaalis niya papunta sa Maynila ay nagtaksil na agad si Ephraim? O baka naman kahit noong nasa Alava pa siya ay may affair na ang dalawa?
Matagal bago siya nakasagot. “B-bakit mo ito sinasabi sa akin ngayon?”
Doon na ito umiyak. “Dahil nakipaghiwalay sa akin si Ephraim nang malaman niyang buntis ako!”
That son of a bitch! Kaya pala nakikipagbalikan sa kanya ang dating boyfriend. Buntis na si Rachel at ayaw nito ng responsibilidad. Sarap balatan nang buhay ang tarantadong iyon!
“Euna, hindi ko alam ang gagawin ko. Ayokong lumaking walang tatay ang bata. M-mahal ko si Ephraim at gusto kong pakasalan niya ako,” sabi pa ni Rachel sa gitna ng pag-iyak.
“Ano’ng gusto mong gawin ko?”
“Please, kausapin mo siya. Pabalikin mo siya sa akin, parang awa mo na.”
“Hindi ako ang magdedesisyon niyan, Rachel. Dapat magpakalalaki si Ephraim at harapin niya ang responsibilidad sa `yo. At hindi lang iyon nakukuha sa pakiusapan, dapat ay kusa niyang gawin.”
“P-pero, Euna, ikaw lang ang makakatulong sa akin ngayon.”
Nagpasya siyang magmatigas. “I’m sorry, Rachel. Ibang usapan na kasi `to. Hindi na `to assignment lang sa school at hindi mo lang crush si Ephraim na puwede kong pakiusapan na samahan kang kumain sa Jollibee.” Bumuntong-hininga siya. “K-kung kailangan mo ng financial help ay doon kita mapagbibigyan.”
Nagtatrabaho si Rachel bilang marketing assistant sa isang malaking appliance store sa downtown ng Alava. Malaki man ang kita, nagpapaaral din ito ng isang kapatid sa college. Kung magiging single mother ito at walang matatanggap na sustento mula sa ama ng bata, hindi kakayanin ni Rachel na akuin nang mag-isa ang responsibilidad.
Great, Euna! Nagpapaka-Red Cross ka na naman! inis niyang sabi sa sarili. Pero bakit hindi? May pera na siya ngayon. Kahapon lang, nag-transfer si Nate ng twenty million pesos sa kanyang bank account. Officially millionaire na siya!
Yeah, right. A millionaire with a broken heart.
Hindi na alam ni Euna kung paano natapos ang usapan nila ni Rachel. She was infuriated and ready to raise hell. Buntis ang kaibigan niyang ni hindi man lang nag-sorry sa ginawang pagtatraidor sa kanya at may guts pang hingin si Ephraim pabalik. At siya naman, nag-alok pa ng tulong na pera!
Madilim ang kanyang mukha nang bumalik siya sa club. Bakante ang pinanggalingan niyang mesa. Nang tumingin siya sa dance floor, nakita niya roon si Elsa na may kasayaw na dance instructor, kapareha naman ng kanyang nanay si Nate na mukhang nag-e-enjoy sa pagsasayaw ng cha-cha.
Nabawasan naman ang mapait niyang nararamdaman nang makitang nakangiti ang kanyang ina. Naaaliw itong kasayaw si Nate, tumawa pa ang kanyang nanay nang maapakan ang isang paa ni Nate. Masaya na ang nanay niya kahit wala sa paligid si Octavio. Sapat na iyon para maging masaya na rin siya. Right?
Um-order si Euna sa waiter ng malakas na inuming weng-weng at habang mabilis na nilalagok iyon, gusto niyang maiyak para sa sarili. Here she was, broken and everything; and yet, nakukuha pa rin niyang isipin ang kapakanan ng iba.
Paano naman ako? pagdadrama niya. Sila na lang ba lagi? Sila na lang ang may karapatang sumaya?
Wala pang tatlong minutong tinungga niya ang malakas na cocktail mix. Nang may dumaang waitress sa tabi ng mesa niya, humingi siya ng zombie.
“Naglalasing ka ba?” kunot-noong sita ni Nate nang maabutan siyang napangalahati na ang laman ng zombie.
Mababa ang alcohol tolerance ni Euna at dahil malalakas na klase ng inumin ang binanatan niya sa iilang minuto lang, ramdam na niya ang epekto ng mga iyon.
“ Hindi, `no! ” pagsisinungaling niya.
It was crazy. Noon, tinatawanan niya ang mga taong idinadaan sa alak ang paglimot sa problema. Hayun, isa na siya sa mga iyon. She wanted to feel numb tonight. She did not want to think of anybody else but herself.