Seriously, ano `tong napasok ko? Unti-unti ko nang nakikita ang sarili kong nakakaramdam ng concern sa ibang tao. I want to protect Euna. I want to help her. I want to make her happy. Nang sabihin niya na pinag-iisipan niyang gamitin sa akin ang last wish niya, kumontra pa ako!
What the fuck is happening to me? Am I under some kind of magic spell? Sa lahat ng naranasan ko nitong nagdaang dekada, hindi na ako magugulat kung gano’n nga ang nangyari.
“INGATAN mo ang anak ko, Nate,” sabi ni Eden nang tumawag ito kay Nate. “Alam kong matapang si Euna at kaya niyang dalhin ang sarili niya. Kahit yata ipatapon `yan sa disyerto o kagubatan, mabubuhay siya roon. Pero alam mo naman siguro na nabigo siya sa pag-ibig kamakailan lang. Babae pa rin ang anak ko, hijo. Marunong din siyang masaktan sa usaping-puso kahit hindi niya ipinapahalata.”
Nate wanted to have goose bumps but instead, he smiled inadvertently. Isang mapagmahal na ina ang kumakausap sa kanya ngayon. Marahan ang bitaw ni Eden ng mga salita pero hindi rin nito naitago ang tigas. She subtly warned him not to mess up with her daughter.
That was something new to him. Siyempre bago iyon sa kanya! Iyon kaya ang isa sa mga iniiwasan niya kaya hindi siya nakipag-ugnayan sa mga babae maliban sa one-night stand lang. And that was just a mother talking to him. Imagine a father. Shit, baka may kasama nang takutan. Masha-shotgun wedding siya kapag nagkataon.
“Hindi ko po sasaktan ang anak ninyo,” sabi ni Nate sa nanay ni Euna.
“Alam ko naman, Nate.” Bumuntong-hininga ang ginang. “Malalaki na kayo. Alam n’yo na ang pinapasok ninyo. Hindi na ako dapat makialam pa. Pasensiya ka na sa akin, hijo. Nag-aalala lang ako kay Euna. Bilang ina, hindi ko naman `yon maiiwasan.”
“Naiintindihan ko naman po `yon.” Kahit sinong ina naman siguro diyan. Ah, paano niya malalaman? Malayong-malayo kay Eden ang naaalala niyang ugali ng nanay niya noon.
“At naku, pagpasensiyahan mo na ang katigasan ng ulo niyan minsan!”
Natawa si Nate. “I can handle your daughter, Tita,” he assured her. Kung puwede lang sana niyang sabihin kay Eden ang tunay na sitwasyon nila ni Euna. Pero may ina bang papayag na makipagrelasyon ang anak na babae nang walang pag-ibig? Isang relasyon sa lalaking hindi naman nito mahal?
Sinabi ni Nate kay Euna ang usapan nila ng nanay nito habang nandoon sila sa magandang rock garden ng Escape. Nakaupo siya sa Bermuda grass at nakaunan naman si Euna sa kanyang hita.
“Ano kaya’ng magiging reaksiyon ng nanay mo?” curious na tanong niya.
“May tiwala sa akin ang nanay ko. Alam niyang hindi ako basta-basta papasok sa isang relasyon.”
“Kahit relasyong walang kasamang pag-ibig?”
“It will probably take more explaining to her but I’m sure that she will understand, eventually. Hindi makalumang babae ang nanay ko, Nate.”
May dalawang dalagita na dumaan sa kanilang harap at hindi naitago ng mga iyon ang pagkatuwa sa nakitang hitsura nila ni Euna. Shit, para nga namang pose para sa prenuptial photos o kaya eksena sa isang romantic movie. Akala ba niya, sexual relationship lang ang mayroon sila ni Euna? Anong kalokohan ito ngayon? They should be fucking instead!
At ano ba ang nangyayari sa kanya? Pinalampas niya ang pagkakataong sumang-ayon sa suggestion ni Euna na gamitin sa kanya ang huling kahilingan nito. He even discouraged her! What the fuck? Umaayon na ang lahat sa kanya pero sa huli pala, tutubuan siya ng konsiyensiya sa katawan? Kailangan yata niyang ipatawas ang sarili!
Humagikgik si Euna pagkalampas ng dalawang dalagita. “Kinilig yata sila sa atin, Nate.”
“Eh, tingnan mo naman kasi ang ayos natin dito. Kulang na lang, camera.”
“Ikaw ang nagyayang tumambay dito sa garden pagkatapos nating magpamasahe, `no!”
Nakangiting yumuko si Nate at hinalikan sa noo ang dalaga. Hindi naman kasi niya maitatangging nae-enjoy rin niya ang mga pagkakataong gaya ng ganoon, na hindi sila nagse-sex ni Euna. He enjoyed talking to her. But of course, having sex with her was more enjoyable.
“ Balik na tayo sa cottage, ” yaya niya pagkalipas pa ng ilang minuto.
“Hmm, alam ko’ng iniisip mo,” sabi ni Euna, sabay irap.
He grinned as he looked at her long legs being displayed from her tiny black shorts. “Ipinapakita mo kasi ang legs mo sa akin. Alam mo namang isa `yan sa mga weakness ko.”
“Sorry ka. The red flag is up today.”
Napakunot-noo si Nate. “Red flag?”
“May monthly period ako. Hindi tayo puwedeng mag-sex nang mga five days.”
Halos malaglag ang kanyang mga panga. “Five days? Ang tagal naman n’on!” angal niya.
Bumangon na ang dalaga. “Well, I can do other things to gratify your need,” nakangiting sabi nito.
Hinawakan niya ang kamay ni Euna at hinalikan iyon. “You don’t have to, babe. Makakapaghintay ako.” He would be sex-starved for days but he wouldn’t allow her to do things just to please him. Parang unfair para sa dalaga kung siya lang ang mag-e-enjoy.
Nagpumilit si Euna. “Oh, it would be my pleasure, too, Nate.”
“No,” matigas na tanggi niya. “You know the rules, woman. Mutual pleasure ang dapat nating pagsaluhan sa sex.”
Ngumuso ito at tumingin sa mga kuko. “Fine. Sayang lang pala ang binili kong skimpy leather outfit kahapon.”
“S-skimpy leather outfit?”
“Yup. Nakita ko sa ukay-ukay sa downtown. Black. Kasya sa akin. Medyo masikip nga lang sa…” Tumingin ito sa dibdib. “ Boobs. ”
Napalunok si Nate.
“Plano ko sanang sumayaw uli sa harap mo, you know, striptease. And this time, may music nang kasama. I would dance slowly and take my clothes off one by one. I may include a chair for a prop.”
Holy fuck!
“And then…” Tumingin si Euna sa kanya. “I would service your cock,” mahinang sabi nito at umisod para ilapit ang bibig sa kanyang tainga. Bumulong ito gamit ang napakaseksing boses. “I would give it a hand job, then I will squeeze it between my tits while I lick and suck the top. Then I will lick it all over, like a melting ice cream stick; I will make sure to give your balls sooo much attention, too. And you can come in my mouth, lover. Then I will…” Kumagat ito sa puno ng tainga niya bago nagpatuloy. “… swallow your load. All. Of. It.”
Nagmamadaling tumayo si Nate at hinila ito. “ Okay, tara na sa cottage. ”
“ Pero sabi mo ayaw mo, hindi ba? ” ngingiti-ngiting sabi ni Euna.
“Nagbago ang isip ko,” sabi niya at mabilis na naglakad hila-hila ang dalaga. Naglalaro na sa imagination niya ang mangyayari mayamaya lang.
“Mag-snack muna tayo,” pigil nito. “Nagugutom ako, eh.”
He grunted in his throat. Alam na alam talaga ng babaeng ito kung paano siya paglaruan.
Nakangiting inabot ni Nate ang kamay ni Euna na nakapatong sa mesa habang kumakain sila ng banana split sa snackhouse ng resort na nasa gilid ng dagat. Nasa lilim ng malalaking beach umbrella ang mga mesa roon.
“Yes?” nakangiting sita ni Euna nang tumingin siya nang makahulugan dito.
“You know, we can still have sex even if you’re on your period. Iyon ay kung gusto mo, hindi kita pipilitin kung hindi ka komportable. It’s just that… I really can’t stand it kung ako lang mag-isa ang masisiyahan sa gagawin mo mamaya.”
“Hmm, you know I have read about it actually. Nasa couple naman daw kung gusto nila ang ganoon, but it’s perfectly fine. Hindi naman siguro masakit on my part. Medyo messy lang dahil sa blood.”
“We’ll find ways, we can do it on the wooden floor then we can shower afterwards. Or we can do it under the shower.”
Lumapad ang ngiti nito. “Hindi ka mandidiri?”
“Period is a natural thing; saka dugo mo iyon, bakit ako mandidiri?”
“Ayaw mo talagang nabibitin ako, ha?”
Itinaas ni Nate ang kamay ni Euna. “Siyempre ayoko,” sabi niya, saka hinalikan ang likod ng palad nito. “I want nothing but the best sex for my girl.”
“WALA na talagang dulot na maganda sa atin ang lalaking `yan!” bulalas ni Euna na halos umusok ang ilong pagkatapos niyang marinig ang problemang itinawag ni Ednar.
Nag-aaway raw ang kanilang nanay at si Octavio dahil hindi na matubos ni Octavio ang pagkakasangla ng kanilang bahay at lupa.
“Bakit hindi ko alam ang tungkol sa sanglaang `yan?” tanong niya sa kapatid.
“Alangan namang ipagpaalam sa atin ni Nanay, eh, alam naman n’on na aayaw tayo. Saka tiwala siyang mababayaran din `yon ni Octavio sa tamang oras.”
“Ipinundar ni Tatay ang bahay na `yan! Dugo’t pawis ang puhunan niya para maipagpatayo tayo ng matinong tirahan. At minana pa niya mula kina Lolo ang lupang kinatatayuan niyan.”
“Kaya nga, Ate. Pinilit daw niya si Nanay na isangla six months ago. Sabi niya, makikisosyo daw sa negosyo, pero duda ko magbabayad lang ng utang `yan. Hindi na tumigil sa kakasugal, eh. Dami nang tao ang nautangan.”
“Eh, bakit naman pumayag si Nanay? Alam naman niyang walang trabaho si Octavio!”
Bumuntong-hininga si Ednar. “Alam mo naman si Nanay, kaunting haplos lang ni Tiyong, bumibigay na.”
“Magkano raw niya isinangla?”
“One hundred thousand daw, Ate. One hundred fifty thousand ang kasunduan nilang bayad ng pinagsanglaan niya.”
“One hundred thousand lang? Gano’n lang kaliit na halaga, mawawala na sa atin ang bahay at lupa?”
Simple at hindi malaki ang bahay nila, yari sa semento at may tatlong kuwarto. Medyo maluwang ang bakuran at may mga puno ng saging sa likod. Pero hindi iyon nagkakahalaga ng one hundred thousand pesos lang!
“Pasalamat na lang tayo at maliit na halaga lang. Isipin mo na lang kung mas malaki pa, baka hindi na natin kayang tubusin.”
Mainit ang ulong nagpaalam na si Euna sa kapatid. Nag-eempake na siya ng mga gamit nang abutan ni Nate na kaaahon lang galing sa dagat mula sa pagsu-surf.
“Uuwi na ako,” sabi niya at mabilis na sinabi ang problema ng pamilya.
“We can just send them the money, Euna,” sabi ng binata. “Huwag mong hayaang sirain ni Octavio ang bakasyon natin. You deserve to take a break!”
“Gusto kong makaharap ang tarantadong `yon nang matadtad ko siya nang pinong-pino!”
“You are not going to chop anybody!” bulalas ni Nate. “Calm down!”
“Siyempre hindi ko gagawin, `no! Ano ako, sira? Eh, di nakulong pa ako nang di-oras. Hindi ko na mapapakinabangan ang milyones ko.” Umupo si Euna sa kama pagkasara sa duffle bag. “And speaking of my millions, nanganganib na maubos `yon kung hindi mawawala sa landas naming mag-iina ang Octavio na `yon!”
“Kung gusto mo, babayaran ko siya para layuan na kayong mag-iina. Sa palagay mo, papayag `yon?” suhestiyon ni Nate.
Inaamin ni Euna na parang nagustuhan niya ang ideyang iyon pero nagpaka-realistic pa rin siya. “Nate, kung gagawin mo `yan, baka mamatay naman sa broken heart ang mahal kong nanay.”
Lumapit ang binata at hinaplos siya sa buhok. “I just don’t want him pestering you, baby.”
Iniyakap niya ang dalawang braso sa baywang ni Nate at idinikit ang pisngi sa tiyan nito. “Alam ko. Kahit naman ako, sawa na sa pinaggagagawa ng lalaking iyon.”
“All right. I’ll go pack my stuff.”
Kumalas si Euna mula sa pagkakayakap sa binata. “Hindi mo kailangang samahan pa ako, Nate. Personal na problema ko ito. Puwede ka namang mag-stay dito sa Escape. Mag-enjoy ka nang hindi mo ako kasama. Or better yet, bumalik ka na sa Maynila.”
“Seryoso ka ba?” Nagsalubong ang mga kilay ni Nate, biglang dumilim ang ekspresyon ng mukha. “Hahayaan kitang umuwing mag-isa at harapin ang Octavio na `yon?”
“Kayang-kaya ko ang hinayupak na `yon. Pera lang naman ang katapat niya. Sampalin ko pa siya ng one thousand bills!”
“Hampasin mo na lang ng isang supot na tigpipiso.”
Natawa na si Euna. “Sorry talaga, Nate. But seriously, you don’t have to do this. Unfair para sa `yo. Dapat nag-e-enjoy ka habang nasa labas ng lampara, `di ba?”
“Gusto kong lagi kang kasama. Masaya na ako do’n,” nakangiting sabi nito na nagbigay ng kasiyahan sa kanya.
She was being drawn closer to him these past few days. Hindi lang dahil naibigay na niya ang sarili rito. She actually liked talking to Nate. She felt that she could tell him anything and everything under the sun. Nakakaasar man ang kayabangan at pagkaantipatiko minsan, pero totoong tao ito. At hindi madalas na magkaroon siya ng kausap na hindi iniikot ang topic at ginagawang “me, me, and only me” ang topic. Nate actually listened to her.
Tumayo si Euna at muling niyakap ang binata. “Thank you.”
“No. Thank you, Euna.”
NAGKATAONG wala sa bahay ang ina ni Euna nang makauwi siya. Si Nate ang nagpasok ng kanilang mga dala-dalahan sa kanyang kuwarto habang siya ay mabilis na pumunta sa likod-bahay. Inabutan niya roon si Octavio na nakaupo sa isang bangkito habang hawak ang panabong na manok at hinahaplos-haplos iyon. Mabuti pa ang tandang, nalalambing nito samantalang puro sama ng loob ang ibinibigay sa kanyang ina!
“Ang lakas ng loob mong isangla ang bahay at lupa namin, hayup ka! For your information, wala kang karapatan dito dahil kahit isang poste, pako, o kahit na thumbtacks sa dingding ay wala ka namang naipundar!” agad niyang pagtatalak.
“Pumayag ang nanay mo sa ginawa ko,” bale-walang sabi ni Octavio, nasa manok pa rin ang atensiyon. “Saka ano ba ang inaangal mo diyan, eh, marami ka nang pera ngayon? Barya na lang sa `yo ang one hundred fifty thousand.”
“Ang kapal talaga ng mukha mo!” asik niya. “Puro kamalasan ang dala mo sa pamilya ko, walanghiya ka! Wala kang kuwentang tao!”
Noon na binitiwan ni Octavio ang manok bago tumayo at hinarap siya. “Magdahan-dahan ka sa pagsasalita mo, ha? Baka samain ka sa akin!” may pagbabantang sabi nito.
“Ikaw ang magdahan-dahan diyan at sasamain ka talaga sa akin!” matapang namang sabi ni Euna sa mas malakas na boses. “Baka palayasin kita dito!”
Tumawa si Octavio nang malakas. “Sige. Kung kaya mo ba, eh!”
Tarantado talaga! “Hinahamon mo ako, ah.”
Walang sabi-sabing pumasok si Euna sa back door ng bahay at isinara iyon. Mabilis din niyang isinara ang pinto at mga bintana sa sala na ipinagtaka ni Nate na nasa loob ng bahay. Pagkatapos, mabilis niyang pinuntahan ang kuwarto ng kanyang nanay at ni Octavio. Inilabas niya mula sa aparador ang mga damit ni Octavio at pinaghahagis ang mga iyon sa labas ng bintana.
“Euna! What are you doing?” sita ni Nate na lumapit sa kanya mula sa pinto ng kuwarto.
“Pinapalayas ko ang punyeta kong amain!” galit na sagot niya at ipinagpatuloy ang ginagawa. “Oras na para mawala ang masamang elemento ng bahay na ito. Malas! Salot!”
“ Buwisit kang babae ka! ” bulyaw ni Octavio mula sa labas ng bahay.
“Mas buwisit ka! Lumayas ka sa bahay na ito ngayon din!” bulyaw rin niya at sinadyang ibato sa mukha ng pesteng lalaki ang balat nitong sapatos.
Iyon ang inabutang eksena ng kanyang ina na galing pala sa pamamalengke. Nagmamadaling inilapag nito ang mga dala-dalang plastic bag at lumapit sa labas ng bintana ng kuwarto nito at kay Octavio na namumumulot ng mga gamit.
“Ano’ ng nangyayari dito? Bakit sarado ang buong bahay? ” nagtatakang tanong ng nanay niya kay Octavio. “Ano’ng mga kalat na ito, Euna?” sita pa nito sa kanya.
“`Yang magaling mong anak, pinapalayas ako!” sumbong ni Octavio. “Binato pa ako ng sapatos sa mukha. Ang sakit,” dagdag nito na paawa-effect.
“ Euna! ” nanlalaki ang mga matang bulalas ng kanyang ina. “Ano’ng ginagawa mo, anak?”
“Sorry po, `Nay, Pero sawang-sawa na ako sa mga katarantaduhang ginagawa ng lalaking `yan! Muntik na niyang ipahamak si Ednar, `tapos ngayon naman ay maiilit na ang bahay at lupa natin dahil sa kagagawan niya. Aba, daig pa natin ang dinapuan ng sampung demonyo sa bahay na ito, ah. Oras na para matapos ang kasamaang ito!” galit na sabi niya, saka inihagis ang dalawang maong na pantalon.
“Wala kang palalayasin sa bahay na ito!” matigas na sabi ng kanyang ina. “Wala kang karapatang magpalayas ng kahit sino, Euna. Hindi por que ikaw ang nagpapalamon sa amin, puwede mo na kaming kontrolin sa ano mang gusto mo. Tandaan mo `yan!”
“Ano ba naman kayo, `Nay?” naiinis na sabi ni Euna, sabay padyak. “Ilang kamalasan pa ba ang ihahatid ng lalaking `yan sa buhay natin bago kayo matauhan? Paano na lang kung wala akong perang pambayad sa inutang niyang pera? Saan na tayo titira?”
“Pero may pera ka, hindi ba?”
“Ako na lang ba ang inaasahan ninyo? Paano nga kung wala? Ano’ng iniisip ninyo noong pumayag kayong isangla ng lalaking `yan ang nag-iisang tirahan natin?”
“Kailangan niya noon ng puhunan sa negosyong pagsososyohan nila ng kumpare niya.”
“Anong negosyo?”
“Buy and sell,” singit ni Octavio.
Inirapan ni Euna ang lalaki. “Ng ano, marijuana?”
“Patahimikin mo nga `yang anak mo, Eden!” inis na sabi nito sa kanyang nanay. “Kanina pa `yan namumuro sa akin.”
“Bingo ka na sa akin, walanghiya ka!” asik niya, sabay bato kay Octavio ng ashtray na nadampot niya sa ibabaw ng kama.
Mabilis namang naiwasan ni Octavio ang lumilipad na ashtray na sa puno ng saging tumama. Kawawang puno.
“ Euna! ” sigaw ni Eden.
“ Ni hindi n ’yo man lang sinabi sa akin ang tungkol sa sanglaang ito, `Nay!” puno ng pag-aakusang sabi niya.
“Bakit kailangan mo pang malaman? Gusto ko lang tulungan ang tiyong mo na kumita ng pera—”
“Pero hindi siya kumita dahil mareremata na nga ngayon ang bahay at lupa natin! Sa palagay ninyo, ipinuhunan talaga niya ang perang `yon sa buy and sell? Baka ipinansugal lang niya `yon! Napakarami pa niyang pinagkakautangan!”
“ Hindi totoo `yan! ” tanggi ni Octavio.
“ Kung si Pinocchio ka lang, sampung kilometro na ang inihaba ng ilong mo sa lahat-lahat ng pagsisinungaling mo sa pamilya ko, hayup ka! ” sigaw ni Euna na lumalabas na ang mga ugat sa leeg sa sobrang panggagalaiti.
“Tumigil ka na, Euna!” awat ng nanay niya.
“Hindi ako titigil hangga’t hindi umaalis dito ang lalaking `yan!” pagmamatigas niya.
“Kung gusto mo talaga siyang umalis, sasama na lang ako sa kanya!” pagmamatigas din ni Eden.
“`Nay, naman, eh!” Nagkamot siya ng ulo. “ Hindi n ’ yo kailangang gawin `yan! ”
“Sige, ako ang hamunin mo. Ihagis mo na rin dito ang mga damit ko. Bilis na nang makaalis na kami!”
Nakita ni Euna na pinanlakihan ni Octavio ng mga mata ang kanyang ina. Duh! Of course, matatakot ang gago kung lalayas nga ito kasama ang kanyang nanay. Saan naman kaya pupunta ang mga ito, aber?
“ So, mas pinipili n ’yo ang lalaking `yan kaysa sa mga anak n’yo?” may hinanakit na tanong niya.
Dinuro siya ng ina. “Euna, ikaw lang sa tatlong anak ko ang may lakas ng loob na kontrahin ako sa mga desisyon ko! Ikaw lang ang nananakit sa damdamin ko!” naiiyak nitong sabi.
“Hindi ko gustong saktan ang damdamin ninyo, `Nay. Pero utang-na-loob naman po! Sumosobra na ang asawa ninyo!”
“ Akin na ang mga gamit ko. ”
Hinawakan naman ito ni Octavio sa braso. “Ano ka ba? Bakit tayo ang aalis? Bahay mo `to, hindi ba? Siya ang paalisin mo! Masyadong pakialamera ang anak mong `yan. Kontrabida!”
Gago talaga! Pinigilan ni Euna ang sariling ibato ang lamp shade sa pagmumukha ng lalaki. Regalo niya iyon sa kanyang nanay noong nakaraang birthday nito.
“Ako pa ang kontrabida ngayon? Wow, pare! Pang-award na talaga ang kakapalan ng mukha mo! Hiyang-hiya na sa iyo ang Great Wall of China, animal ka!”
Naramdaman ni Euna ang kamay ni Nate sa kanyang balikat. “Bayaran na lang natin para matapos na ang gulo,” banayad nitong sabi. “Come on, stop stressing yourself out with it.”
“Lagi na lang ganito!” gigil na sabi ni Euna habang kuyom ang magkabilang kamay. “Hanggang kailan magiging salot iyan sa buhay ko?”
“Kung nahihirapan ka sa amin, huwag mo na kaming suportahan pa, Euna,” sabi ni Eden. “Maghahanap ako ng puwedeng mautangan para mabayaran ang pagkakasangla ng bahay at lupang ito.”
Naitirik ni Euna ang mga mata. Para namang matitiis niya ang kanyang pamilya. At oo, alam iyon ng kanyang ina kaya malakas ang loob nitong pagbigyan ang mga kapritso ni Octavio. Pero sobra na. Pati bahay at lupa nila ay nalagay na sa panganib nang wala siyang kaalam-alam! Paano nga kung wala siyang malaking pera ngayon, hindi ba? Saan siya pupulot ng one hundred fifty thousand pesos? Magbebenta siya ng kaluluwa?
Inakay na siya ni Nate palabas ng kuwarto. “Stop being mad like this, Euna. Baka aksidente mong magamit ang last wish mo,” paalala nito.
Ilang beses siyang huminga nang malalim. “Tama ka. Baka mai-wish ko pang maging headless na tipaklong ang lalaking `yan!”
Nagpunta si Euna sa kusina at binuksan na ang pinto roon. Nahilot niya ang noo habang naglalakad papunta sa kanyang kuwarto. “Paano na lang kung hindi kita natagpuan, Nate? Saan na ako pupulutin ngayon?” sabi niya sa binatang ayaw humiwalay sa kanya.
“Kaya nga natagpuan mo ako, hindi ba?” Ngumiti ito at pinisil ang kanyang baba. “Baby, we met for a reason,” sabi nito at inakbayan siya. “Ang sabi ni Jinnea, hindi lang nagkataon ang lahat. Sinadya talagang matagpuan ko siya para baguhin ang buhay ko. At sa palagay ko, ganoon din ang nangyari sa iyo. You were bound to meet me to help you out.”
Sarkastiko siyang natawa nang mahina. “I used to look down at women who seek help from men, lalo na pagdating sa pera. Pero heto ako ngayon…”
“Hey…” Naupo si Nate sa kama niya at marahan siyang hinila paupo sa kandungan nito. “You didn’t ask money from me. Kusa ko `yong ibinigay, remember? Saka may kapalit `yon. Dahil doon, nasa labas ako ngayon ng lampara. Dahil doon, hindi mo pa ginagamit ang last wish mo. Nagsasakripisyo ka dahil sa perang tinanggap mo mula sa akin—perang hindi mo lang inilaan para sa sarili mo kundi para sa pamilya mo.”
Yumakap siya sa leeg nito. “Thanks for reminding me. Ayoko lang maging parang si Cinderella.”
Tumawa ang binata at hinalikan siya sa leeg. “Malayo ka sa pagiging Cinderella. `Yong isa pa siguro, puwedeng ikaw—sino nga ba `yon? `Yong babaeng Intsik na sumabak sa giyera do’n sa isang Disney cartoon? `Yong may madaldal na dragon?”
Napangiti si Euna. “ Si Mulan? ”
“Oo. Dahil palaban ka rin gaya ni Mulan. Not to mention shrewd.”
“I’m not shrewd,” nakangusong sabi niya.
“Shrewd in a good way, baby.”
Hinaplos niya ang mukha ng binata. “Thank you, Nate,” she softly told him and bent down her head to give him a gentle kiss on the lips. And all her anger and worries seemed to fade away in that little moment…