noveltoon logo noveltoon
My Genie Lover

My Girlfriend Is A Genie

Ch. 30 / 30 Nov 28, 2025
Prev Next

HINDI na mabilang ni Jinnea ang nasaksihang paglubog ng araw sa mundo ng mga tao kagaya ng nasasaksihan ngayon sa isang beach sa Batangas. And yet, she was still mesmerized by it every single time. Iyon ang pinakaunang bagay na hinangaan niya mula nang gampanan ang kanyang tungkulin bilang isang genie. Akala niya ay iyon lang ang natatanging magandang bagay na makikita sa mundo dahil halos lahat ng mga taong nakasalamuha ay nakitaan niya ng negatibong katangian. She had been sick and tired of people—people who did nothing but destroy themselves and the world they lived in.

Mabibilang lang ni Jinnea ang mga taong may magagandang nagawa mula sa mga kahilingan nilang tinupad niya. Ang karamihan ay lumabas ang mga tunay na kulay nang malaman kung anong klaseng kapangyarihan ang mayroon siya. They became obnoxious and greedy.

She concluded that people were naturally that way. Lalo na si Nate na nakapulot sa lamparang kinaroroonan niya na sa katangahan ay nai-wish ang sumpa ng magic lamp. He became a genie himself; well, sort of. Normal na tao pa rin kasi ito na nakakaramdam ng natural na emosyon at pangangailangan. And as for Jinnea, she was now trapped in this world for who knew how many more years.

Nate was supposed to be her last mission. Hindi siya makakabalik sa kanyang mundo hangga’t hindi napapalaya ang lalaki. Ang ungas, isang libong taon ba naman ang hiniling na maging makapangyarihan daw! Heto tuloy siya ngayon, nasa labas ng lampara, sampung taon nang naninirahan sa mundo ng mga tao.

Jinnea smiled as the last scarlet rays of the sun flashed on the west. The sun vanishing over the sea was her favorite of all sunsets. Maybe she thought it was… romantic?

Gusto niyang kilabutan sa mga naiisip, pero totoo iyon. Staying for so long in the world of humans had affected her whole being. Isa sa mga ipinagkaloob sa mga genie habang nasa misyon sila ay ang hindi makaramdam ng sakit o gutom; they couldn’t even die. They were invincible. Hindi rin natural sa kanila na magkaroon ng mga emosyon na nakikita lang sa mga tao.

Pero sa kaso ni Jinnea, kahit gaano pa niya pigilan ang sarili ay kusa niyang naramdaman ang mga iyon. She was feeling hunger, pain, and human emotions. It was supposed to freak her out, but she was thinking maybe she was already getting used to it. She was becoming a human being. God help her.

Napapitlag si Jinnea nang may mga kamay na yumakap mula sa kanyang likuran. Masyado yata siyang naaliw sa pagtanaw mula sa kinaroroonang kuwarto sa beach cottage at hindi na namalayang may lumapit sa kanya. Sunod niyang naramdaman ang maiinit na labi na dumadampi sa kanyang batok.

“Hey, baby.” It was Andre. Her Andre.

“Mmm,” she could only answer him, breathing in deeply. Agad siyang naliyo sa preskong amoy ng binatang kaliligo lang.

Si Andre ang pinakamatalik na kaibigan ni Nate. Sa lahat ng mga lalaking nakilala at nakasalamuha na, ito ang masasabi ni Jinnea na nakahuli ng kanyang interes. Maybe because Andre didn’t have a screaming machismo; instead, he was often quiet and pleasant. He was smart but he was also a bit shy and clumsy at times.

Noong una, ang pagkaguwapo nito ay mailalarawan niyang medyo geeky o nerdy ang dating. He used to look wide-eyed; always curious and wondering. Cute, iyon ang unang impression noon ni Jinnea rito. Pero sa loob ng sampung taon na pasulpot-sulpot siya sa buhay nito ay namalas niya ang pagbabago ng hitsura ni Andre. Unti-unting nawala ang boyish look nito, at hindi na tamang “cute” ang term na description. Hindi rin niya napaghandaan ang pagkatuklas sa itinatago nitong hotness.

It started when they accidentally bumped into each other while stupid Nate was having a party at his house. Hinawakan siya ni Andre para alalayan; noong parang magso-sorry sana ito ay walang namutawing salita mula sa bibig nito. He looked enticed by her, parang nawala ito sa sarili na nakatitig lang sa kanya. Siya naman ay biglang parang may nagising sa kanyang kalooban. He sparked something deep inside her, something na hindi niya alam na mayroon pala siya, something na hindi dapat niya maramdaman. She looked at his hand that was holding her arm. At nataranta siya nang makaramdam ng init mula roon. Init na gumapang sa lahat ng parte ng kanyang katawan.

Jinnea panicked yet she was fascinated. In her world, genies could not feel attraction towards each other. They could neither feel lust, romance, nor love. They were close to being angels, devoid of any human emotion. Pero hindi gaya ng mga anghel, may free will ang mga genie. May isa siyang kilalang jinn na piniling manatili sa mundo ng mga tao nang matapos ang misyon nito. She had been wondering what could make her do the same…

“Nagugutom ka na ba? Ano’ng gusto mong kainin?” pukaw ni Andre sa kanya pagkatapos nitong ipatong ang baba sa kanyang balikat at nakitanaw sa dagat mula sa one-way glass window.

“Mamaya na lang,” sagot niya at ipinilig ang ulo nang maramdamang gustong humalik ng lalaki sa kanyang leeg.

Napakadali siyang pag-initin ni Andre. Mga titig pa lang nito, paghawak, at paghaplos sa kanya ay sapat na para kumawala ang kanyang katinuan at mapalitan iyon ng pagnanasa. Yes, lust. Hindi niya alam na ganito pala kasidhi ang kapangyarihan ng makamundong pagnanasa na kayang-kaya niyang makalimutan ang lahat.

Isang linggo pa lang silang nagtatalik ni Andre pero parang nabago na ang buong buhay niya. Or was it just lust on her part? Baka may masidhi pang dahilan kaya ibang-iba na ang pakiramdam niya ngayon?

“Beautiful,” anas ni Andre pagkatapos siyang halikan sa leeg.

“Yes, it is,” sabi ni Jinnea na nakatingin pa rin sa dagat na unti-unti nang nilulukuban ng dilim. “There’s just something so different in a sunset on a beach.”

She heard him softly chuckle. “I wasn’t talking about the sunset, silly.” Humigpit ang yakap nito. “You are beautiful, Jinnea.”

“O-oh.” She felt her cheeks blush.

Nang marahang ipaling ni Andre ang kanyang mukha paharap dito ay sinalubong siya nito ng mainit na halik. She moaned in her throat as the sweet, tender kiss escalated into hot, wet, and deep kisses. Hindi na niya makalkula kung gaano sila katagal na naghahalikan. Basta alam lang niya na madilim na ang paligid at wala nang tao sa dagat nang magdilat siya ng mga mata.

Nasa Batangas sila ngayon, sa isang private cottage sa tuktok ng isang maliit na talampas na tumatanghod sa dagat. Doon siya dinala ni Andre matapos ang unang pagkakataong may nangyaring seksuwal sa kanila. She told him she always loved the beach.

“Oh, Andre,” Jinnea mewled as his mouth journeyed down her throat. Ni hindi niya namalayan na magkaharap na pala sila. At lalong hindi niya namalayan na ikinikiskis na pala niya ang pagkababae sa isang hita nito.

Andre moved his thigh as she humped on it, letting him feel her wanton needs. Just rubbing her clothed femininity to his thigh was almost enough to give her an orgasm. Actually, she could really come just from doing that, kung wala pang ibang gagawin si Andre.

God, she never thought that sex could be this mind-blowing. And, addicting?

Napaungol si Jinnea nang malakas nang maramdaman ang pagpasok ng kamay ni Andre sa loob ng kanyang palda. Muli siya nitong pinaharap sa bintana, hawak ng isang kamay ang isang umbok ng kanyang dibdib na walang suot na bra. Ang kamay nito sa pagitan ng kanyang mga hita ay nagsimula nang gumalaw sa kanyang ari.

Ramdam niyang nabasa siya agad doon habang nilalaro ng lalaki ang kanyang clitoris. Ganoon siya kabilis madarang sa init na dulot ng panunukso ni Andre. Nawawalan siya ng kakayahang tumanggi. Hah, tumanggi? No. Ayaw niyang tumanggi!

“O-oooh!” halinghing ni Jinnea nang pumasok sa kanyang butas ang dalawang daliri ni Andre.

He pumped his long, fat digits in and out of her pussy while clamping his mouth on her nape that was exposed from her ponytail. Inilapat niya ang dalawang palad sa glass window para suportahan ang sarili dahil nabubuway na ang pagkakatayo niya.

“A-Andre!” she shrieked as Andre cupped one of her tits harder and his fingers thrusting faster.

She moved her hips, violently pumped against the assaulting fingers. Ang erection ni Andre na nakalapat sa kanyang pang-upo ay nagdaragdag ng init sa kanyang nagliliyab nang kamalayan.

Ilang saglit pa ay inabot na ni Jinnea ang sukdulan. Nanghihinang inilapat niya ang buong katawan sa bintana nang maramdamang inilabas ni Andre ang pagkalalaki mula sa pang-ibabang damit nito. He bunched her skirt on her waist and reach for her black lacy panties. Nanlaki ang mga mata niya nang bigla nitong hablutin iyon.

“You ripped my underwear!” tili ni Jinnea.

“Sorry.” Andre chuckled. “I’ll buy you more of them, I promise.” He then slid his cock inside her in one hard push.

Napaigik si Jinnea dahil sagad na sagad kaagad ang pagkakabaon ng ari ng lalaki sa kanyang kaibuturan. Sunod ay itinaas nito ang kanyang suot na tank top para malaya nitong mahawakan ang kanyang mga dibdib. He cupped her breasts with his hands and kneaded them. He then began grinding his pelvis against her butt.

Napatili at natawa siya nang kumagat si Andre sa kanyang balikat.

“What’s funny?” sita naman nito bago sinipsip ang kinagat na balat.

“Kakaiba ka kasi. Parang napaka-gentle mong tingnan, pero pagdating pala sa sex, para kang caveman. Beast mode kung beast mode!”

Natawa rin si Andre. “Beast mode, eh?” sabi nito bago inumpisahang bumayo mula sa kanyang likuran.

“Yes! Pinunit mo ang panty ko, and now you’re fucking me against a glass window! My God, Andre! Baka bumigay ito!”

“No, no.” Itinulak nito pababa ang kanyang likod, saka siya hinapit sa baywang. “We’ll be fine, baby.”

Now they were doing a standing doggie-style. Unti-unting binago ni Andre ang tempo ng pag-urong-sulong sa kanyang kaangkinan. From slow, long strokes to rapid, short thrusts. Bawat pagbaon nito sa kanya ay napapahiyaw siya sa sarap. The extreme sensation was beggaring description. Wala siyang eksaktong salita na naiisip na maaaring ipanlarawan sa mga nararamdaman niya tuwing nagtatalik sila ni Andre. Ang pinakasigurado lang niya ay gusto niya iyon. Gustong-gusto.

“Aah, you feel so good, Jinnea,” anas ni Andre na padiin nang padiin ang mga pag-ulos.

She began rotating her ass, grinding against his crotch. Umungol nang marahas ang lalaki at pumalo sa isang pisngi ng kanyang pang-upo.

“You’re a fast learner,” he told her in amusement while she bobbed her buttocks.

Andre then pulled her arms to straighten her up. Jinnea leaned her head against his shoulder as he gradually sped up his poundings. Their mouths met in a hot, deep kiss. Ginaya ng dila ni Andre ang pagbaon ng ari nito sa kanyang pagkababae. He speared his tongue in and out of her mouth,

“Oh, Gooood!” mahabang ungol niya habang kasalukuyang nayayanig ang kanyang buong katawan sa lakas ng banggaan ng katawan nila ng kasiping. “Don’t stop. Don’t stop!” halos nagdedeliryong ungol niya.

Her boobs were being mashed against the window when Andre let go of her arms. Dikit na dikit ang buong katawan niya sa bintana nang magmulat siya ng mga mata. The moon and the stars were already visible in the evening sky.

“I’m getting close, babe,” Andre declared in between heavy breathings.

“Me, too,” she breathlessly told him. “Sige pa, sige pa…”

“Jinnea!” Huminga ito nang malalim, saka mas sumagad ang pagbaon ng ari nito sa kanyang kaangkinan.

Kumuyom ang mga kamay ni Jinnea na nakalapat sa bintana. Papaakyat na ang kamalayan niya, mas mataas pa sa kalawakang nasa kanyang harap ngayon.

“An… dre!”

Andre growled like a wild beast as he gave her the final slam.

Isang matinis at mahabang sigaw naman ang pinakawalan ni Jinnea nang sumuko siya sa luwalhati. She saw tiny explosions of white glitters with her eyes closed, more splendid than the real stars from the sky above her. Her body rattled as she floated in her orgasm; her pussy throbbed and contracted, taking every last drop of cum from her lover.

MATAGAL nang malaking palaisipan kay Andre si Jinnea. Unang kita pa lang noon sa babae ay bumangon na agad ang kakaibang paghanga niya rito. Noon lang siya nakakita ng ganoong klase ng kagandahan at alindog. Mukha itong pinaghalong middle-eastern, Asian, at Caucasian. Ang buhok nitong itim ay bahagyang namumula kung natatamaan ng sikat ng araw. Deep green ang kulay ng malalaking mata nito na may mahahabang pilikmata. Her cheeks were adorned with light freckles and her full lips were naturally rosy. Matangkad ito—five feet and ten inches; got shapely, long legs, and all her curves were perfect. Her image exuded a strange mixture of mystery, hotness, and naiveté. He didn’t know how a woman could both look ethereal and sexy at the same time; iyong kaya niyang mamangha, matulala, at makaramdam ng pagnanasa. Corny sigurong ipang-describe, pero para sa kanya, si Jinnea ay parang isang diyosang naligaw sa mundo ng mga tao.

“You’re very beautiful,” hindi humihingang sabi ni Andre sa babae, isang gabing naglalakad sila sa tabi ng dagat.

“Palagi mong sinasabi sa akin `yan,” tumatawang sabi ni Jinnea.

“Because it’s the truth. And I can’t just get enough of your unique beauty. Wala pa akong nakikitang babae na kasingganda mo.”

“Well, I have my good genes to thank for.” Her laughter suddenly sounded embarrassed. And awkward.

“Hindi mo ba nami-miss ang pamilya mo?” mayamaya ay naisip niyang itanong.

Hindi agad nakasagot ang babae. Ganito ito palagi kapag tinatanong niya ng mga personal na impormasyon. Parang iniiwasan nito ang topic, inililigaw. Sometimes, he wondered maybe she got a bad childhood like him and she chose not to talk about it anymore. Ayon kay Jinnea ay ulila rin ito sa mga magulang, pero sinuwerteng lumaki sa lolo nito at siya naman ay nagdusa muna sa ampunan hanggang sa may umampon sa kanyang mag-asawang business investors.

Gusto niyang makilala talaga nang lubusan si Jinnea. He wanted to know more than just knowing that she was from Turkey and had a wealthy Filipino grandfather.

“I-I checked on my Lolo the other night, he is d-doing fine,” nag-i-stammer na sagot ni Jinnea makaraan ang ilang saglit na tila nag-isip ito nang malalim.

“That’s good. Sana hindi ka pa pauwiin sa inyo.”

Umiling ito. “Hanggang alam nilang okay ang kalagayan ko, h-hindi sila mag-aalala.”

“I just…” Bumuntong-hininga si Andre. “Gusto kitang palaging kasama, Jinnea.”

Napatigil ito sa paglalakad at matamang tumingin sa kanya. God, she looked more breathtakingly beautiful under the moonlight.

There was hesitation or maybe a little reluctance on her face. Was she freaking out that he sounded serious about them? Actually, pati siya man ay nagugulat din sa sarili. Yes, he was not the type to fool around, but he had never been this serious about a woman before. With Jinnea, he wanted to weave dreams for the future.

“Look, I know it’s crazy. Pero ito talaga ang nararamdaman ko para sa iyo,” sabi pa niya nang hindi nakaimik ang dalaga.

She nervously chuckled. “H-hindi ko nga alam kung ano ang tawag sa ginagawa natin. You see… I’m not used to anything like this, Andre. This is all new to me, and to be honest, natatakot akong mag-isip masyado tungkol… t-tungkol sa atin.”

“Can we just not think anymore?” Masuyong itinaas ni Andre ang kamay ni Jinnea at itinapat ang palad nito sa kaliwang bahagi ng kanyang dibdib. “Just feel.”

Pinilit nitong ngumiti. “Sulitin na lang natin siguro ang pag-stay dito? Bahala na kung ano’ng mangyayari pagbalik natin sa Manila.”

Naiintindihan niya ang pag-aalinlangan nito. Siya man ay nalulula pa rin sa bilis ng pangyayari sa pagitan nila mula noong nakaraang linggo. They went out to grab dinner one night, and they ended up in his bed in a hot, wild sex.

“Siyanga pala, huwag mong sasabihin kay Nate ang tungkol sa ginagawa natin, ha?” bilin pa ni Jinnea na parang natataranta.

Tumawa si Andre. “Parang hindi na magugulat iyon, alam ni Nate na matagal na akong may gusto sa iyo. Kaya nga ako pinapunta niyon sa Escape para ilapit sa iyo, remember?”

Ah, how could he forget that place? Doon sila nag-umpisang magkalapit ni Jinnea, matagal na nag-uusap at halos magkasama sa buong araw. Doon pa lang ay hindi na maikakaila na pareho sila ng nararamdaman sa isa’t isa, at kahit sino mang makakakita sa kanila ay siguradong mag-iisip din ng ganoon.

Jinnea scratched her nose tip. “Eh, b-basta.”

“Okay.” Hinalikan niya ang likod ng palad nito.

Nagpatuloy sila sa paglalakad. Napangiti si Andre nang ma-realize na hindi na siya masyadong nag-iisip ng tungkol sa trabaho. He had learned to slow down and enjoy things like this—walking. Minsan nga, kahit nakaupo lang sila ni Jinnea at nakatingin sa kawalan ay kontento na siya. Natutuwa rin ang parents niya nang ibalita niya sa mga itong mayroon siyang bagong babaeng idine-date. Kaya raw pala parang nag-loosen up siya. Kaso, hindi pa niya maipakilala si Jinnea sa mga ito dahil tumatanggi pa ang babae na ipaalam sa iba ang tungkol sa kanila.

“Can I ask you a question?” tanong ni Andre na humigpit ang hawak sa kamay ni Jinnea.

“Hmm, ano na naman `yan?” she impatiently asked back.

“Don’t worry, hindi ito tungkol sa biographical background mo,” natatawa namang sabi niya.

“Okay, ask away.”

“Aside from traveling the world, mayroon ka pa bang gustong gawin?”

Hindi agad nakasagot si Jinnea. “Are you asking me to get a job, Nicandro?” sabi nitong hinaluan ng tawa.

“Not a job.” Tumawa siya. “I don’t know, maybe you want to do something else like build a garden or collect vintage cars… something like that, I guess. I just want to know your passion, Jinnea.”

“I think…” Tumingala sa kalangitan ang babae. “I think I would like to try writing books.”

“Books? Wow! That’s very impressive,” bulalas niya. “Kayang-kaya mo ngang gawin `yan. You’re very smart and well-travelled. Anong klaseng libro ang isusulat mo kung sakali?”

He saw her wrinkle her pretty nose. “Children’s book siguro.”

“Fairy tales?”

“Sort of. Mga stories na may monsters, elves, fairies…” she dreamily said.

“And mermaids, ogres, and genies.”

“Y-yeah,” sabi ni Jinnea na parang natigilan. “Genies,” mahinang sabi nito.

“You’d be a great storyteller, sweetheart!”

“How about you, Andre? Ano pa’ng plano mo sa buhay?”

Pinuno niya ng hangin ang baga, saka sumagot. “Well, I guess… settling down?”

Hindi kumibo si Jinnea, sa halip ay hinila siya nito sa kamay at binilisan ang lakad. “B-balik na tayo sa cottage, Andre.”

ALAM ni Andre na mahirap talagang ispelingin ang mga babae, ebidensiya na lang ang on and off girlfriend niya dati na si Sophie. Pero hindi niya inakala na mas mahirap pa palang intindihin si Jinnea. He didn’t know what happened, but all of a sudden, naramdaman niya ang unti-unting pag-iwas at panlalamig nito sa kanya. Ang nakapagtataka, malakas ang pakiramdam niyang parang pinipilit lang nito ang sariling umiwas sa kanya.

Great. He couldn’t even reach her phone now.

Andre didn’t know exactly what to do. Kung magpupursige pa siyang habol-habulin si Jinnea ay baka akalain nitong nang-i-stalk na siya dahil sa obsession. But he couldn’t bear the thought of not being with her. Parang may kulang sa kanyang buhay kung hindi niya nasisilayan sa isang araw ang dalaga.

Nakakatawa, kasi iyong kaibigan niyang si Nate ay war din daw sila ng girlfriend nitong si Euna ayon sa kuwento nito noong nagkita sila last week.

Wala pa rin siyang mapigang impormasyon tungkol kay Jinnea mula kay Nate. He didn’t want to think that way, but his instinct was telling him that Jinnea and even Nate were withholding some truth from him. Iyon din ang palagay niyang isa sa mga dahilan kung bakit bigla na namang nanlamig sa kanya si Jinnea. Nagiging mas makulit na kasi siya rito lately. He couldn’t help it. He just wanted to know everything about her. Not just about her life; but also about what she wanted, her greatest dream, what would make her happy…

Hanggang isang gabing naghahanda nang matulog si Andre, nakarinig siya ng mga katok sa kanyang bahay. Linggo noon at day-off ng kanyang kasambahay kaya siya ang nagbukas ng pinto. Laking gulat niya nang tumambad sa kanya ang bisita sa gabing iyon. It was Jinnea.

“H-hi,” nahihiyang bati nito na pisil-pisil ang mga daliri.

“Jinnea! W-what are you doing here— Paano ka nakapasok sa gate?” gulat at natatarantang tanong ni Andre.

“A-ahm… inakyat ko?” nakangiwing sagot naman nito. “Puwede na akong maging member ng Akyat-Bahay Gang,” biro pa nito.

Halos hilahin niya ang babae papasok sa kanyang bahay. “Sit down, please. Do you want anything to drink? Eat?”

“I’m good, Andre,” sabi ni Jinnea, hindi ito umupo. “L-look… I came here to…” Nagbuga ito ng hangin, parang hindi mapakali. “I’ve missed you. S-so much.”

It was then that he grabbed her and embraced her tight. “God, baby. I’ve missed you, too.”

“A-ano, kasi…” Parang nag-crack ang boses nito. “I’m sorry kung palagi akong nagiging aloof tuwing nagtatanong ka ng tungkol sa akin. I-I know, nararamdaman mong may itinatago ako sa iyo. And you’re right. You’re right. P-pero…” Narinig niya itong humikbi.

Mabini niyang inilayo ito sa kanya, hawak ang magkabilang balikat. “Don’t cry, sweetheart,” madamdamin niyang pang-aalo rito. “If you’re not ready to tell me, then it’s okay. I promise, I will stop asking.”

“O-oh, my God!” parang nagulat na bulalas ni Jinnea nang pahirin ng mga daliri nito ang mga basang mata. “Are these t-tears?” tanong pa nito habang namamanghang nakatingin sa mga basang daliri. “I’m crying, Andre! I’m crying!” parang nagpa-panic pero amused na sabi nito.

“You haven’t done this before?” pabirong tanong naman niya.

She laughed and then she threw herself against him and gave his mouth a lingering kiss.

Hindi na sila umabot sa kuwarto. Sa sala nila pinakawalan ang pagkasabik sa isa’t isa.

“Andre! W-wait, baby,” pigil sa kanya ni Jinnea while they were doing sixty-nine. “Ayokong sa bibig mo ako mag-come.”

He grunted in protest and pulled his tongue that was probing her hole. “I like eating your pussy,” he complained.

“I know. Duh !” She giggled and licked the pre-cum of his cock. “Mamaya na lang uli,” she told him as she dismounted herself from his mouth. “Sit,” utos nito nang nakatayo na ito sa sahig.

Jinnea rode his lap as soon as he sat on the couch. Pinaliguan nito ng mga basang halik ang kanyang leeg, lalamunan, at dibdib. He grunted when she nibbled one of his nipples while running her fingers on his chest and abs.

“I so miss your thingy ,” she told him with a giggle as she rubbed her drenched labia against his cock.

He could feel his manhood twitch and throb against her soft folds. This woman could drive any man to his knees and be her sex slave. Nakakawala ng katinuan ang kagandahan at alindog nito.

“F-fuck!” hindi humihingang sabi ni Andre nang bilisan ni Jinnea ang pagkiskis ng ari nito sa kahabaan niya.

Mabibilang lang sa mga daliri ang mga babaeng naikama na ni Andre pero natitiyak niyang kakaiba sa karamihan si Jinnea. Her touch was electric. Her kiss felt like a sweet torture. And being one with her… God, it was like dying a sweet death.

“Ipapasok ko na?” she then teased him.

“Yes, please.”

Iniangat ni Jinnea ang katawan, saka nito hinawakan ang kanyang pagkakalaki para itutok sa lagusan nito. Inch by inch, she went down on his throbbing rod.

Umungol si Andre. “Aaah, you always feel amazing, Jinnea. So warm, so soft… so tight.”

Sabay silang napadaing nang malakas nang masagad ang kanilang pag-uugnay. She then started to ground her hips and move back and forth with her belly undulating. It was like having a lap dance with his dick inside the dancer’s pussy. She also used muscle control over his cock, squeezing and releasing it over and over again. And when she slid down her hand and tweaked her clit while the other hand was kneading one of her boobs, napamura siya sa panggigigil. This woman knew his weakness in sex; she knew he liked watching her pleasure herself.

Guess he could call this an erotic lap dance?

“My breasts, they’ve missed you, too,” she told him with heavy pantings as she gathered her tits by her hands and offered them to his mouth. “Ooooh!” ungol nito nang halinhinan niyang dilaan ang mga utong.

Hanggang sa si Andre na ang humawak at lumamas sa malulusog nitong dibdib habang binibilisan naman nito ang nakakabaliw na paggiling sa kanyang kandungan. Napahiyaw si Jinnea nang kagatin niya ang isang nipple nito at napalitan naman agad ng halinghing ang ingay nito nang sipsipin niya iyon.

“I won’t last any longer, babe,” babala niya sa katalik nang mag-iba ito ng galaw.

Jinnea stopped pumping and let him move on his own phase. Sinalo niya ang ilalim ng pang-upo nito, saka mabilis na bumayo pataas. He watched her boobs rattling as he rammed his dick faster and harder inside her. Hanggang sa mag-focus siya sa magandang mukha nitong wala na sa ayos. A beautiful face distorted in bliss, overwhelmed by pleasure…

Napangiti si Andre nang maramdamang nag-contract ang vaginal muscles ng babae. Lalo niyang binilisan ang mga pagsulong.

“I-I’m gonna come, Andre!” she declared as she moved with him.

“I know. I’m with you, baby.”

Sinalubong ni Jinnea ang bawat pagbayo ni Andre. Maingay ang naging salpukan ng mga kasarian nila, kasama na ang malalakas nilang daing at ungol. The air was filled with the sounds and scents of sex.

She cupped his face with her hands as she was being flooded with orgasm. “Oh, Andre… Andre!” she chanted as she came.

He screamed her name as he crashed into his climax, holding her tight as he speared her deeper. “Be mine, baby. Be mine!” he told her as he flooded her depths with his seeds.

“I’m only yours, Andre. Only yours,” she promised before sharing a hot, passionate kiss with him.

HINDI mag-sink in kay Andre ang mga narinig mula kina Jinnea at Nate. He wanted to think that he was only dreaming, or maybe he was being pranked. Pero paano niya maipapaliwanag ang ipinakita sa kanya ni Jinnea na teleportation power nito? Nawala at sumulpot ang babae sa mismong harap niya. Sa matinding gulat ay nahimatay tuloy siya.

“O, malinaw na sa iyo ang lahat?” tanong ni Nate na ipinakita rin sa kanya ang teleportation power nito. “Kaya hindi ako tumanda sa nakalipas na sampung taon.”

“I-I…” Napailing si Andre. “This is too much to take in.” Pakiramdam yata niya ay nag-loading—no, nag-hang ang brain cells niya!

“I’m sorry I didn’t tell you right away,” sabi ni Jinnea.

Masama ang loob na tumingin siya sa dalawa. “You know, things like this— Shit. Bakit hindi n’yo sinabi agad?”

“Naghihintay lang kami ng tamang panahon. Saka hindi namin alam kung paano ipapaliwanag. `Buti nga nahimatay ka lang, hindi nasiraan ng bait,” paliwanag ni Nate.

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. “Tamang panahon? Ten years na ang lumipas, Fortunato! Paano kung hindi ka nakalabas ng lamparang iyan sa loob ng daan-daang taon?”

He was dating a jiniri —a female genie that was like—ilang taon na ba iyong sinabi nito? Mahigit dalawang libong taong gulang na raw ito! And his best friend, naging genie rin daw at ang girlfriend nitong si Euna ang nakapulot sa lamparang kinaroroonan nito. What the fuck were all these shit? Ang laki ng problema niya!

Napahilot si Andre sa magkabilang sentido. Noon na tumayo si Nate mula sa stool sa harap ng bar counter sa kanyang bahay.

“I gotta go. Mag-usap na muna kayo,” paalam ng kaibigan bago ito naglahong parang bula.

Naglaho. Yes, iyong napapanood lang niya dati na special effect sa pelikula ay nakita na niya mismo ngayon. It was real. He was not dreaming. He was not hallucinating!

“I think I should leave you alone for a while to— t-to contemplate,” sabi ni Jinnea makaraan ang ilang saglit na wala silang masabi sa isa’t isa. “O-or better yet, siguro huwag na muna tayong magkita—”

“Nasa vocabulary din pala ng mga genie ang salitang cool-off,” hindi niya napigilang sabihin.

“Kung inaakala mong magaan sa dibdib ko ang paglilihim sa iyo, nagkakamali ka.” Bumuntong-hininga ito. “Saka nasaan na `yong sinabi mo sa akin na willing kang maghintay hanggang handa na akong sabihin sa iyo ang lihim ko?” hinanakit nito.

“I never thought—” Napamura si Andre. “You know, these are the kinds of things you should tell a guy before your first date. Especially a guy you like.” Sunod siyang napahilot sa pagitan ng kanyang mga mata. “Or do you really even like me?” mahinang naitanong niya.

“W-what do you mean?!” may himig ng hinampo na sabi ni Jinnea.

Mabigat ang dibdib na tumingin siya rito. “I just can’t help but wonder. You have been in this world for a thousand years now.”

Pinanlakihan siya nito ng mga mata. “You think pinaglalaruan lang kita?! Na pampalipas-oras lang kita habang nababagot ako sa mundo ninyo?” galit nitong akusa. “Fuck you, Nicandro!” she angrily hissed.

“I-I’m sorry, hindi ko gustong isipin iyon. Pero sa lahat ng narinig ko mula sa inyo ni Nate… I guess my brain is still processing it all.” Shit. Kailangan niyang tumahimik. He needed to think and clear his mind. Kung ano-ano na ang naiisip niya at nasasabi ng kanyang bibig.

“How dare you?! Ikaw lang ang naging lalaki sa buhay ko!” naiiyak na sabi ni Jinnea. “I-I thought you were different from the rest of them. I guess I was wrong after all.”

“Baby—”

Bago pa niya mahawakan ang babae ay naglaho na ito.

NASA Estados Unidos si Jinnea at kausap ang jinn na piniling manirahan sa mundo ng mga tao. Hindi pa rin niya lubos na maintindihan ang choice nitong iyon, lalo na ngayon na na-diagnose itong may sakit na prostate cancer.

“They caught it early. Malaki ang tsansa kong gumaling,” balita sa kanya ni Simon.

“Ayaw mo bang bumalik sa atin at maging genie uli para mawala nang tuluyan ang sakit mo at mabuhay ka pa nang mas matagal?” tanong niya. “You still have the lamp, right?”

“Yes, I do still have the lamp to use as portal to our world. Pero, Jinnea, hindi ko na nanaising bumalik sa ating mundo. Alam mo namang sa oras na pinili ko iyon ay hindi na ako makakabalik pa dito. Paano naman ang mag-iina ko? Ang mga taong naging kaibigan ko na?”

Bumuntong-hininga siya. “Napamahal ka na talaga sa mundong ito, Kahlu.”

“Simon. Iyan na ang pangalan ko, remember?” nakangiting pagtatama nito. “Ikaw, wala ba sa isip mo na maging tao sa kabila ng sinabi mo sa aking pagta-transform ng katawan mo? Kakaiba ang nangyayari sa iyo, Jinnea. Hindi ko naranasan lahat ng mga iyan bago ako naging tao. Iyon ang dahilan kaya pinili ko ang tadhana kong ito. I wanted to feel what it’s like to be a human being. Masuwerte ka’t nararamdaman mo na ang lahat ng mga `yan.”

“Suwerte?” she scoffed. “Parang malas yata.” Ayaw niyang sabihin kay Simon ang problema niya ngayon kay Andre.

“Hindi mo ba naiisip na baka tadhana mo talagang maging isang tao?”

Ngumiti siya nang mapait. “Ikaw na ang nagsabi na ikaw mismo ang pumili ng magiging tadhana mo.”

“So, ayaw mong piliing maging tao sa kabila ng mga nararamdaman mo ngayon?”

HIndi siya nakasagot. Sa totoo lang, may punto naman si Andre na sumama ang loob sa kanya. Hinayaan niya ang sariling magkaroon ng ugnayan dito sa kabila ng walang kasiguruhan ang kinabukasan nila. He was a human being who was about to die in God knew when; while her, mahabang-mahaba pa ang buhay niya at may kapangyarihan siyang hindi tinatablan ng sakit o kamatayan habang nasa mundo siya ng mga tao.

“Walang Frank Sinatra songs sa mundo natin,” biro pa ni Simon na nakatingin sa kanyang itim na T-shirt na may print ng mukha ng naturang mang-aawit. “Wala ring street foods, walang Internet, walang manggang manibalang, walang Coke…”

Wala ring Andre…

MAINIT ang ulo ni Andre nitong mga nagdaang araw, lalo pa’t nagbabalik sa buhay niya ang kanyang ex-girlfriend. Palagi itong nagte-text at tumatawag sa kanya. Hanggang isang gabi ay nakita niya itong nasa loob ng kanyang bahay. Hindi pala nito ibinalik ang duplicate key nito noong naghiwalay sila.

Hinila siya ni Sophie sa sofa, mag-usap daw sila. “I’m sorry if I have been stalking you lately,” natatawang sabi nito. “Sobrang miss na miss na kasi kita, Andre. Kahit ano’ng gawin ko, hindi kita makalimutan. So, when Benjie said na wala na kayo ng girlfriend mo ngayon, I thought of being with you again.”

“Sinabi iyon sa iyo ni Benjie?” inis na bulalas ni Andre. Napakatsismoso talaga ng mga kaibigan niya!

“Yeah. So, ano na? Can you take me back? Gagawin ko ang lahat para magustuhan mo uli ako, Andre.” Umusod ito padikit sa kanya. “I’d be a good girl,” bulong nito sa tainga niya bago hinila ang kuwelyo ng kanyang polo shirt. “Willing akong magbago para sa iyo. I’d do anything you want.”

The next thing he knew, Sophie’s mouth was already on his.

His eyes were wide open. May parte sa pagkatao niya na nagsasabing tama si Sophie, na makipagbalikan siya rito. Besides, this was what he had been wanting, right? To build a family of his own, to grow old with his wife. Hindi niya iyon magagawa kay Jinnea na isa palang genie.

Andre closed his eyes. Pinilit niya ang sariling tugunin ang paghalik ng dating girlfriend. Pinilit niyang isipin na iyon ang normal, na iyon ang nararapat. But a bigger part of himself was screaming loud at him: This is not what you really wanted, this is all wrong!

Pagdilat niya ng mga mata ay nakita niya si Jinnea na nakatayo sa likod ng sofa. Nang itulak niya si Sophie ay naglaho na ang babaeng genie.

Nang puntahan niya sa bahay ni Nate si Jinnea ay hindi niya ito makausap nang matino. Galit na galit ang babae sa kanya, lalo pang nasilaban ang galit nito nang sagutin niya ang tawag ni Sophie kahit malinaw naman nitong narinig na sinabi niya kay Sophie na ayaw na niyang makipagkita rito.

“Jinnea, please. Bakit ayaw mong makinig sa akin?” desperadong sabi ni Andre. “You heard what I told my ex.”

“Bakit ayaw mo nang makipagbalikan kay Sophie, ha?” kastigo naman nito.

“Because it is not right.”

“Why is that?”

Natahimik siya. For the life of him, ngayon lang siya natakot sa sariling nararamdaman. It was too powerful it was overwhelming the shit out of him.

“Ah, typical human. Nagtatapat lang kayo ng totoong feelings ninyo `pag alam ninyong convenient ang pagkakataon,” mapait na sabi ni Jinnea bago ito nawala sa kanyang paningin.

Hindi na niya nakita si Jinnea mula noon. At nang pumunta siya sa bayan ng Alava para sa burol ng ina ni Euna na namatay sa brain aneurysm ay doon sila sunod na nagpang-abot. Hindi pa rin nakikinig sa kanyang paliwanag ang babae, panay ang iwas sa kanya.

HALOS malula si Andre sa mga pangyayari sa kanya sa loob ng maikling panahon. Imagine, he found out that his best friend was turned into some sort of a genie, and his girlfriend was a real genie!

Pero hindi niya magawang humingi ng simpatya sa mga nangyayari sa kanya dahil mas masalimuot ang mga pangyayari sa buhay ng kanyang kaibigan. Matapos mamatay ang ina ng girlfriend ni Nate ay binaril naman ito ng amain. But Euna was safe now, thank God. At higit sa lahat, bago ito mawalan ng malay ay nahiling nitong bumalik na sa pagiging normal na tao si Nate.

“Tumanda na nga ang hitsura mo,” nangingiting sabi ni Andre sa kaibigan habang nakaupo sila sa lobby ng ospital kung saan naka-confine si Euna.

“Pero mas guwapo pa rin ako sa `yo,” pagmamayabang pa rin ni Nate.

“Lamang ka lang sa akin ng kalahating paligo.”

“Uy, natututo na siyang mag-joke!” tukso ng kaibigan. “Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig, ano?”

Lumamlam ang mukha ni Andre. “So, Jinnea is free now, huh?” mahinang tanong niya.

Tumango si Nate. “Makakabalik na siya sa kanila. May tatlong araw pa raw siya dito.”

“Nasaan na kaya siya ngayon? Baka umalis na, hindi man lang ako nakapagpaalam.”

“Gago ka ba?” singhal nito. “Bakit ka magpapaalam? Dapat doon, pigilan mong bumalik sa kanila at manatili na lang siya dito sa atin.”

“I want to.” Bumuntong-hininga si Andre. “P-pero… hindi ba napaka-selfish n’on? Gusto ko siyang maging tao para lang magkasama kami, that means giving up her long life. Magiging prone na siya sa mga sakit dito, puwede na siyang mamatay nang maaga. It’s not fair for her, you know? It’s not… It’s not worth it.”

“Ano na lang ang gagawin mo `pag bumalik na siya sa kanila?”

Napatikhim siya, pinilit maging buo ang boses bago sinagot ang kaibigan. “Mag-iisa habang-buhay. Masasanay din siguro ako. I really don’t think I can feel this way ever again.”

“Wow, pare. Martir ka rin pala.”

“Bakit ba nagtataka ka pa kung ganoon ang naiisip ko? Ikaw nga kagabi, willing kang makulong sa sumpa ng lampara basta mailigtas lang si Euna.”

Ngumiti si Nate. “I told you, iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. It’s greater than any magic out there. Kung ako sa iyo, hindi ako mawawalan ng pag-asa kay Jinnea, you guys should talk to work it out. May paraan `yan.”

“But she’s still mad at me. Ilang araw ko na siyang hindi nakikita o nakakausap.”

“Eh, tarantado ka naman kasi at nakipaghalikan ka kay Sophie. `Buti nga hindi ka sinapak ni Jinnea.”

“I already explained everything!” bulalas ni Andre. “Yes, for a while, I thought of getting back with Sophie, pero alam kong hindi iyon ang tamang gawin kaya hindi ko rin itinuloy. Mahal ko si Jinnea, pare.”

“You better tell her that,” makahulugang sabi ni Nate na pinagalaw ang mga mata na parang iminumuwestrang lumingon siya.

And there she was, the love of his life. Mahirap ipaliwanag pero sa pagkakakitang iyon kay Jinnea ay parang nakita rin niya rito ang buong buhay niya, ang kinabukasan at mga pangarap.

Pagtayo ni Andre at pagpihit paharap sa babae ay hindi na niya napigilan ang pag-alpas ng mga luha mula sa kanyang mga mata. God, how he wanted to hold her and tell her to stay with him forever. Pero alam niyang hindi siya ang makakapagdesisyon niyon.

“Andre…” she called him as she walked closer to him. “I love you,” she told him before he could even say a word.

“O, BAKIT?” natatawang tanong ni Jinnea kay Andre habang naglalakad sila sa sidewalk isang dapit-hapon. “Ang sama ng tingin mo sa akin.”

“Hindi pa rin kasi ako makapaniwalang kasal na tayo at magkakaroon na ng baby,” nakangiting sabi naman ni Andre. Siya na siguro ang pinakamaligayang lalaki sa balat ng lupa. Nagbigay sa kanyang buhay ng labis-labis na kasiyahan ang mga nakaraang buwan. What more could he ask for? Kasal na siya sa babaeng pinakamamahal at masaya ito sa piling niya. Excited na si Jinnea sa pagsilang sa kanilang anak at inuumpisahan na rin nitong magsulat ng children’s books.

Napangiti si Andre nang matanaw ang grupo ng mga batang naglalaro sa kalye. Soon, he would have kids of his own. Babae ang magiging panganay nila ni Jinnea, at binabalak na nilang sundan agad iyon. Yes, they wanted to have a big family.

“Ang corny-corny mo,” tukso ni Jinnea na iniyakap ang isang kamay sa kanyang likod.

Hinalikan naman niya ito sa buhok at napapikit siya nang masamyo ang mabangong amoy niyon. Her hair always smelled fresh like flowers and sunshine.

“Gusto ko ng fish ball!” bulalas ng babae nang makatanaw sila ng nagbebenta ng street food.

Andre couldn’t help but to feel amazed as his wife was getting excited over some simple food. Nagniningning ang mga mata nito at panay pa ang lunok habang tumutusok ng mga fish ball na nasa kawali. Hanggang sa mapukaw ang atensiyon nito ng isang bolang biglang tumalbog sa tabi nila. Galing iyon sa mga naglalarong bata na malapit sa puwesto ng nagtitinda ng streetfoods.

Nanlaki ang mga mata ni Andre nang biglang binitiwan ni Jinnea ang stick ng fish ball at hinabol ang bola na napunta sa gitna ng kalsada. Bago pa niya ito mapigilan ay isang mabilis na kotse ang nakapukaw sa kanyang atensiyon.

Kung totoo man siguro ang pagtigil ng ikot ng mundo, iyon ang nangyari nang mga sandaling iyon. Parang nabingi si Andre sa lakas ng pagpreno ng kotse at sa mga sigaw na narinig niya mula sa mga tao sa paligid. Ni hindi niya alam kung paano siya nakalapit sa nakahandusay na misis sa gitna ng kalsada. Duguan ito, hindi niya alam kung saan ang mga pinsala. Ang driver ng kotse ay nanatili sa loob ng sasakyan, takot sigurong lumabas o natulala sa gulat.

“J-Jinnea!” nanghihilakbot na sabi ni Andre, nanginginig ang boses, pati na ang buong katawan niya. “Oh, my God. Sweetheart!” Sumalampak siya sa kalsada, kinandong ang ulo nito.

“Andre…” hirap na bigkas ng babae.

“Don’t move,” natatarantang sabi niya.

What to do? What to do?

Natatakot siyang buhatin ang asawa dahil baka may magalaw siyang pinsala nito na maaaring lumala. Pero kung hihintayin niya ang ambulansiya, baka huli na ang lahat.

Nagsalita uli si Jinnea. “G-ganito ba talaga… kasakit?”

Tumango siya. “Yes… yes.” Doon na bumuhos ang kanyang luha. “I’m sorry. God… I’m so sorry.”

Umangat ang isang kamay nito at inabot ang kanyang pisngi. “Andre, please promise me… Kahit ano’ng mangyari sa akin. P-please, piliin mo ang anak natin—”

“N-no. No!” hinagpis niya. Kumapit siya sa natitirang huwisyo para hindi tuluyang bumigay ang kanyang lakas. “Please, don’t do this to me.”

“I need you… to promise me,” paninindigan naman ni Jinnea, mahigpit ang kapit ng kamay sa kanyang dibdib.

Doon na humagulhol si Andre. Everything around him seemed like a fog, the sounds were all echoing. Ni hindi na niya matandaan kung paano sila nakapasok sa backseat ng kotse ng nakabangga sa kanyang asawa.

Duguan na ang mga damit ni Andre at halos hindi na makamulat ng mga mata si Jinnea. He couldn’t imagine the pain she was bearing right now, and the courage for her to stay conscious. Lumalaban ang kanyang asawa sa kamatayan, kumakapit ito para sa kanilang anak.

“The lamp,” he reminded her.

Wala na siyang pakialam kung marinig man ng driver ang pinagsasabi niya. Tulad niya ay nahihintakutan at natataranta rin ito. Naririnig niya itong nagsasalita nang mahina, nagdarasal siguro.

“You know what to do, Jinnea.”

Umiling ang babae. “Hindi na ako makakabalik dito sa mundo ninyo `pag bumalik ako sa amin,” paalala rin nito.

“I know, I know.” Muli siyang humagulhol. “Pero wala na tayong choice. I just want you and our baby to be safe.”

“Almost eight months na si Baby. I can feel that she’s all right, I just… feel it. Magiging okay siya kahit wala ako. You can tell the doctor to deliver her—”

“No, please. No! Don’t do this, please.”

“Dito ko… gustong mamatay, Andre. Sa piling mo.”

“Stop saying that! You are not going to die, all right? Tell me where you’re keeping the lamp.”

“Our baby, choose her. Please, Andre.” Pumikit na si Jinnea. “I love you,” bulong nito bago tuluyang nawalan ng malay.

“God, no!” Halos pumalahaw na siya ng iyak. “Open your eyes, Jinnea. Please open your eyes, sweetheart! No… nooo!”

Halos tulala na si Andre nang makarating sila sa ospital at dalhin sa emergency room si Jinnea. Sinabihan siya ng doktor na puwede nilang i-deliver ang bata via caesarian at hinihingi ang kanyang consent. Wala sa sariling pumirma siya sa ibinigay na papeles. Nang pumaroon sina Nate at Euna ay noon lang parang nagbalik sa katotohanan ang kanyang huwisyo. His wife was dying, and his baby was being delivered.

“Ayaw niyang bumalik sa kanila,” lumuluhang sabi niya kina Nate at Euna. “She wanted to deliver the baby and to die in here. How stupid is that? Maaari siyang mabuhay nang matagal na panahon kung iiwan niya ako, pero ayaw niya!”

“Magdasal tayo,” sabi ng kaibigan. “Naniniwala akong mapapabuti rin ang lahat, Andre. Tandaan mo, ako nga na makasalanan ay dininig ng Diyos.”

Andre wanted to feel shame. Heto at nakaengkuwentro na siya ng mga kakatwa at matatawag na mahika pero bumitaw pa rin siya sa paniniwalang baka may milagro nga ang buhay.

“Alam mo, sa lahat ng nangyari sa akin nitong nagdaang mga buwan, naniniwala akong lahat ng pangyayari sa buhay natin ay may dahilan; kasama na roon ang pagkakakilala natin,” sabi pa ni Nate. “Andre, `tol… sa palagay ko, magkadugtong ang buhay natin. Sabi ni Jinnea, nakatakda ko raw siyang matagpuan, naniniwala akong nakatakda rin kayong magkakilala. At dahil diyan, malaki ang paniniwala ko na malalampasan mo rin ang pagsubok na ito.”

Sa chapel ng ospital sila nauwing tatlo at tahimik na nagdasal. Andre had never prayed this hard, he was even bargaining his life. Ayaw niyang sumama ang kanyang loob sa Diyos. Kahit sa dami ng pinagdaanan niyang hirap noong bata pa siya, iniwasan niyang isisi sa tadhana o sa Maykapal ang mga iyon.

Isang oras pa silang naghintay hanggang sa lumabas ang doktor mula sa delivery room. Umiiyak sa tuwa na napayakap si Euna kay Nate nang ibalita sa kanila ang lagay ni Jinnea.

“Your wife is still unconscious but in a stable condition. You may see your daughter now, Mr. Martinez.”

“Tatay ka na,” luhaan ding sabi ni Nate na piniga ang kanyang balikat.

“Ninong ka na,” naluluha at tumatawang sabi niya. “Official na talaga tayong magpare.”

Lumipas pa ang anim na oras at nagkaroon na ng malay si Jinnea. Pinayagan si Andre na dalhin ang anak sa ina nito.

“Hey, sweetheart,” bati niya sa asawa. “Look what you’ve done,” nakangiting sabi niya habang maingat na ibinababa ang sanggol sa tabi nito.

“She’s beautiful,” naiiyak sa tuwa na sabi ni Jinnea na masuyong nakatingin sa batang natutulog. “Oh, God, she’s the most beautiful thing that I have ever seen.”

“She looks like you.” Umupo si Andre sa silyang katabi ng kama. “I thought I was going to lose you both.” His voice cracked as he reached for his wife’s hand.

“God is really good.” Noon na lumuha si Jinnea.

“He is.” Hinalikan niya ang likod ng palad nito. “You have a fractured rib and head concussion, but fortunately, naagapan bago ka nagka-internal hemorrhage.”

“Lamog din ang isang pata ko,” nakangusong sabi nito. “Matatagalan pa yata bago tayo makagawa ng baby uli.”

Natawa si Andre sa gitna ng awa sa kanyang asawa. “You’ll get well soon, my love.” Maingat siyang humalik sa mga labi nito. “Ang tigas pa rin ng ulo mo kahit sa isang iglap lang naman, puwede kang bumalik sa inyo at mamuhay nang matagal.”

“And leave you?” Inirapan siya nito. “Gago ka talaga, Nicandro! Kung hindi lang ako nanghihina ngayon, babatukan kita.”

“It’s just…” Ikinulong niya sa mga palad ang isang kamay ng babae. “I love you so much, Jinnea. And I’d rather know that you’re alive and well than—”

“Dahil nga sa love na iyan kaya pinili kong manatili dito sa mundong ito, remember? I want to grow old with you, Andre. I want us to watch our kids together as they grow up.”

Ngumiti na siya. “Wala pang pangalan si Baby. Are you decided yet between Frankie or Sinatra? Or we can choose words from your favorite singer’s songs like Blue, Angel, Moon, Love…”

“I like Sinatra better, what do you think?”

Tumingin si Andre sa kanilang anak. “Then, baby, your name will be Sinatra.”

W akas