Even at the brink of life and death, ibang tao pa rin ang iniisip ni Euna. And she loves me. This woman actually loves me. And I feel that I don’t deserve that.
“NO!” MALAKAS na sabi ni Nate. “Nooo!”
Niyugyog niya si Euna na nawalan na ng malay sa kanyang mga bisig. “You crazy, stupid woman! What did you do? Why did you— Euna … B-bakit iyon ang hiniling mo? Bakit?”
Nalaglag sa maputla nang mukha ng dalaga ang mga luha ni Nate. Tumayo siya at binuhat si Euna palabas ng bahay. Eksakto namang pumasok ang Toyota Sequoia sa bakuran, sakay si Ednar.
Pilit na pinanatili ni Nate ang presensiya ng isip kahit nagbigay sa kanya ng sarisaring pakiramdam ang mga nangyari. He was scared. He was guilty. He was angry. He was sad. Kung mahinang klase lang siya ng tao ay baka nabaliw na siya.
Nasa emergency room na si Euna at bumalik naman sa barangay si Ednar, sinundo ang Ate Elsa nito at nagpunta sa presinto. Hinahanap na raw ng mga pulis si Octavio at papunta na sa ospital ang magkapatid. Hindi pa alam ni Nate ang totoong lagay ni Euna. Kung may vital organ ba itong tinamaan ng bala o ano. He felt so helpless.
Doon na niya tinawag si Jinnea.
“Please do something,” pagmamakaawa niya sa babaeng genie. “I’m willing to give anything just to save her. K-kung kinakailangan kong bumalik sa loob ng lampara, gagawin ko!”
“I’m sorry, Nate,” naluluha ring sabi ni Jinnea. “Wala tayong magagawa. Nagamit na niya ang ikatlong kahilingan niya para sa `yo. Alam mong hindi na `yon mababawi pa.”
“This is all my fault.” Lumapit siya sa bintana sa dulo ng hallway at mahigpit na humawak doon. Ano na ang gagawin niya? Hindi niya kakayaning mapahamak si Euna.
“This is not fair at all!” puno ng galit at frustration na sabi niya.
“You do know that there is a higher power than magic, right?” paalala ni Jinnea bago ito tahimik na naglakad papunta sa isang bench na may sampung dipa ang layo sa kanya.
Pray, sabi ng isang sulok ng kanyang pagkatao. He’ll listen…
Dasal? Kailan na ba siya huling nagdasal sa Diyos? Noong bata pa siya, nagdarasal siya bago sumapit ang Pasko na sana, uwian siya ng nanay niya ng maraming laruan at pagkain na kahit kailan ay hindi natupad?
But he would not be praying for himself right now. Ibang tao ang ipagdarasal niya…
Isang napakalalim na hininga ang pinakawalan ni Nate bago siya mahinang umusal. “I-I know I’m not worthy of Your attention… I don’t even know how You really work since I haven’t flipped a single page of the Bible. Nambabatok po ba Kayo ng mga makasalanang gaya ko?”
Hindi na niya alam ang susunod na sasabihin. Paano ba magdasal nang tama?
“Wala nga siguro akong karapatang humiling sa Inyo ng kahit na ano. P-pero… kakapalan ko pa rin ang mukha kong lumapit dahil Kayo lang ang makakatulong sa akin ngayon… Lord … Please… s-save her. Don’ t let her die. ” Nagpunas si Nate ng basang mga pisngi.
“She doesn’t deserve any of these. Mabuting tao po siya. Lagi niyang iniisip ang kapakanan ng iba kaysa sa sarili niya. She’s in danger right now because of her selflessness. B-because of me… me—someone who is not worthy of saving.”
Doon na naging parang agos ng ilog na dumaloy ang kanyang mga luha. He could never recall if he ever cried like this.
“I get it. You wanted to punish me, right? Kaya sinadya Mo talagang makilala ko si Jinnea at sumailalim ako sa isang sumpa. I get it now, everything… Lahat ng gusto Ninyong patunayan sa akin,” sambit niya sa gitna ng mahinang hagulhol. “Naiintindihan ko na ang gusto ninyong iparating at deserved ko ang lahat-lahat ng mga iyon.
“P-pero… kailangan ba talagang kasali pati si Euna sa parusa ko? Wala siyang mabigat na kasalanan sa Inyo, Panginoon. So, please, spare her. Parusahan N’yo na lang ako sa ibang paraan, I will take everything else, basta safe lang si Euna. Nagmamakaawa ako, tulungan Ninyo siyang makaligtas sa panganib.”
Tumingala si Nate sa langit kung saan nagkalat ang mga bituing nakikipag-agawan sa liwanag ng buwan. The heavens looked so serene and beautiful. Maiisip mong walang hindi magandang nangyayari sa mga planetang tinatanglawan ng kalawakan.
“Please, I’m begging You. D-don’t… don’t make me mad at You again. Matagal akong nalihis ng daan dahil sa pagkamuhi sa Inyo. I don’t want to get lost again. Not when I am finally walking the right path.”
Yumuyugyog ang mga balikat ni Nate at nanginginig ang magkasalikop na mga daliri. Walang katapusan ang pag-agos ng kanyang mga luha.
“She deserves to live. She deserves to be happy. Gusto ko siyang paligayahin habang-buhay, kung bibigyan N’yo lang kami ng pagkakataon. Parang awa N’yo na po. Hindi ko kayang mawala siya sa akin. Mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya.”
EUNA had never felt so peaceful before. Sa di-kalayuan, parang kumakaway sa kanya ang luntiang bundok na natatabingan ng mga puting ulap ang tuktok habang siya naman ay nakatayo sa isang daan sa pagitan ng malawak na damuhan. Maaliwalas ang paligid at asul ang kalangitan pero wala siyang makitang araw. Mabango ang hangin na hindi niya maipaliwanag ang amoy. Pero saan ba siya papunta? At paano siya napadpad sa lugar na iyon?
Nagsimulang maglakad si Euna sa lupang daanan papunta sa direksiyon ng kabundukan na hindi niya matantiya kung gaano kalayo. Hanggang sa may madaanan siyang isang matandang babae na nakasuot ng mahabang saya na sarisari ang kulay at puting pang-itaas. May tungkod ito sa kamay at parang hirap nang maglakad.
“Tutulungan ko na po kayo, Lola,” sabi niya at inalalayan ito sa kamay.
“Salamat, hija,” sabi ng matanda.
Sabay silang naglakad, walang imikan. Hindi pa rin malinaw kay Euna ang nangyayari. Sino ang matandang ito? Saan sila papunta?
Hanggang sa tumigil ang matandang babae sa paglalakad.
“ Hanggang dito na lang, ” nakangiting sabi nito. “Ako na ang mag-isang maglalakad, hija. Maraming salamat sa tulong.”
“P-pero kaya po ba ninyo?” alanganing tanong niya.
Hinila ng matanda ang kamay na hawak niya. “Kaya ko. Siya, bumalik ka na. Hindi ito ang daan para sa iyo. Hindi pa.”
Kahit na nalilito, hinayaan ni Euna na magpatuloy ang matandang babae sa paglalakad. Tinanaw na lang niya ito mula sa kinatatayuan. Hanggang sa marinig niyang may mga tumatawag sa kanyang pangalan.
NAGMULAT ng mga mata si Euna at puting kisame ang unang bumati sa kanya. Kumurap-kurap siya at lumunok para basain ng laway ang nanunuyong lalamunan. Saka lang niya napansing may nakahawak sa kanyang kamay sa kamang kinahihigaan. Nakasubsob ang mukha ng taong iyon sa gilid ng kama.
“N-Nate,” nakangiting tawag niya, iginalaw ang kamay na hawak nito.
Agad itong nag-angat ng ulo. “ Euna?! ”
Padaluhong siyang niyakap ng binata, umiiyak. Pinaliguan siya nito ng mga halik sa mukha, sa leeg, sa dibdib, sa braso…
“God. You’re awake. E-Euna, I thought I’ve lost you!”
“A-aray!” daing niya dahil sa pagkakadagan sa kanya nito. Masakit ang kanang bahagi ng kanyang tiyan.
“I’m sorry,” natataranta namang sabi ni Nate at humiwalay sa kanya. “Oh, God. I’m sorry, baby! H-hindi mo lang alam kung gaano ako nag-alala sa iyo. A-akala ko…” Pumiyok ang boses nito. “Tuluyan ka nang mawawala sa akin.”
“ Tubig … Nauuhaw ako,” sabi niya at binasa ng dila ang nanunuyong mga labi.
Agad na dinampot ni Nate ang isang bottled water sa mesita at maingat na pinainom siya.
“Baby, you’ re alive! ” bulalas nitong nagpahid ng mga basang mata.
“Namatay ba ako?” natatawang tanong ni Euna. Sa likod ng groggy na pakiramdam, sariwa pa rin sa kanyang alaala ang mga nangyari. That asshole Octavio pointed a gun at Nate, at iniharang niya ang katawan para siya ang tamaan ng bala.
“You almost died. M-maraming dugo ang nawala sa `yo.” Bakas pa sa mukha ni Nate ang kilabot at lungkot sa nangyari sa kanya. “It was a miracle that no vital organs were hit by that bullet,” pagbabalita pa nito. “You’re very lucky.”
“It was indeed a miracle,” nakangiting sabi niya. “And yes, I got lucky.”
“Hindi pa natatagpuan si Octavio. Pero umupa na ako ng mga private detective para hanapin siya.”
She realized it now. Not all people were capable of change and worthy of salvation. It was all about choices. May mga taong piniling maging hopeless case gaya ni Octavio. Ang Diyos at ang batas na lang ang bahala sa lalaking iyon. Ayaw na niyang makaramdam ng pagkamuhi, lalo pa ngayong pinagkalooban siya ng pangalawang buhay. Ayaw niyang magdala ng galit sa kalooban.
Doon lang napagmasdan nang mabuti ni Euna ang mukha ni Nate. May nabago rito, nadagdag. Ah, oo nga pala. Bago siya nawalan ng malay, nahiling niyang makawala na ito sa sumpa ng mahiwagang lampara. She really thought she was going to die right at that moment. At sa sandaling iyon, iisa lang ang naisip niyang gawin—ang ibigay ang kagustuhan ng lalaking mahal niya.
Marahang hinaplos ni Euna ang mukha ng binata. Mula sa buhok nitong nakitaan niya ng dalawang hibla ng uban, sa noong may mga pinong gatla, sa mga kilay, sa ilong, at mga labi.
“You finally aged,” sabi ni Euna at napahagikgik. “But not so much. Guwapo ka pa rin. In fact, you look more handsome now.”
“Really?” sabi ni Nate na ngumiti na sa wakas. The crow ’s-feet on his eyes just added more charm and substance to his gorgeous face. Mas na-define din ang hugis ng panga nito na lalaking-lalaking tingnan dahil sa pinong stubble. He looked mature and wise.
“And hotter,” sabi pa niyang sinabayan ng kindat.
Tumawa naman ang binata. “W-wait, I have to call your siblings. Nasa cafeteria sila at kumakain ngayon.”
Tumayo ito sandali at mabilis na tinawagan si Elsa. Inilayo pa ni Nate ang cell phone mula sa tainga nito at narinig ni Euna ang dahilan kung bakit. Tumili nang pagkalakas-lakas ang ate niya.
Ngumiti siya. She was glad that she was back. Hindi pa siya handang sumuko sa kamatayan. She wanted to live a long life and die like an old lady, gaya ng matandang babae na nakita niya sa panaginip bago siya nagising. Siguro isang palatandaan ang panaginip na iyon na mahaba pa ang buhay niya. Siguro, siya rin ang matandang iyon sa hinaharap.
Maraming-marami pa siyang puwedeng gawin sa mundo bago mamatay. She wanted to discover more beautiful things in the world. She wanted to be with her family. She wanted to be with Nate.
Muling hinawakan ng binata ang kanyang kamay nang bumalik ito sa upuan. Hinalikan nito ang likod ng kanyang palad bago nagsalita.
“I’m sorry,” panimula nito na makikitaan ng guilt sa mukha. “Oo, m-may kasalanan talaga ako sa iyo. Noong una, binalak talaga kitang gamitin para sa pansarili kong kapakanan. Gusto kong gamitin mo sa akin ang huling kahilingan mo,” pagtatapat nito. “So I tried to seduce you, to make you fall for me.”
“At nagtagumpay ka naman,” nakasimangot na sabi niya. “You were really good at it, Nate.”
Pero ang totoo, kahit naman yata hindi siya akitin ni Nate ay maa-attract pa rin siya rito, mahuhulog pa rin ang loob niya. Hell, she was already lusting over him at the first time they met kahit pa nakakaloka ang paraan ng pagkakakilala nila!
Nahihiya namang ngumiti si Nate. “I was desperate. Not that I’m making that as my excuse. Alam kong mali pa rin ang ginawa ko bali-baliktarin man natin ang mundo.”
“P-pero naiintindihan ko na,” pag-amin naman niya. “I mean, yes, you may have lied to me, pero hindi mo naman ako pinilit na mahulog sa iyo. I fell for you so helplessly and it was entirely my fault. I guess, iyon ang mahirap tanggapin, `yong sakit na dulot niyon.”
“I am so sorry I hurt you. But I didn’t lie, Euna. Lahat ng mga sinabi ko, lahat ng mga ipinakita at ipinadama ko sa iyo—they were all real. Akala ko noong una, nagpapanggap lang ako, na pinapasakay lang kita; na nakikipaglapit ako sa iyo para maisakatuparan ang balak ko. Pero ako yata `yong unang nahulog sa umpisa pa lang,” sabi ni Nate sa boses na nakikiusap na paniwalaan at unawain niya.
Kinunutan niya ito ng noo. “Nahulog?”
“Didn’t you feel it?” may kaunting himig ng hinampong tanong pa nito.
“I-I did, actually. Naramdaman ko naman `yong may… uhm, something special sa atin.”
“Dahil mahirap pekein kung ano ang nararamdaman ko para sa iyo. Sa paglipas ng mga araw, marami nang nagbago. Ikaw pa nga ang unang nakapansin ng mga pagbabagong iyon sa akin. You had faith in me even when I was doubting myself. Sa maniwala ka’t sa hindi, napalapit ka na sa akin nang husto. Ganoon din ako sa `yo. I couldn’t help it, baby. I thought at first, maybe it was just a pure sexual thing, and then came all the care and concern that I started to feel for you. Akala ko, hanggang doon na lang `yon. But I was wrong. There is this… this powerful bond between us.”
“Anong bond `yon?”
Ngumiti si Nate at yumuko. “Love,” bulong nito sa kanyang tainga at hinalikan siya sa pisngi. “I’m in love with you, Euna.”
Bigla na lang nangilid ang luha sa mga mata ni Euna nang ilapat ni Nate ang palad niya sa kaliwang bahagi ng dibdib nito. It was his heart, and it was beating for her.
“I know.”