This is my life. Party. Alcohol. Sex. A part of me had missed that fast and wild lifestyle, I won’t deny it. Pero parang hindi ko na gustong gawin. Why? I am not sure.
MATUTULOG na sana si Nate isang gabi nang makarinig siya ng mga ingay sa loob ng kanyang bahay. Ingay na gawa ng mga tao—nag-uusap, nagtatawanan. Bumangon siya at lumapit sa pinto ng master bedroom. Pero pagpihit pa lang niya sa doorknob, bumukas na iyon at bumulaga ang dalawang babaeng pagkaikli-ikli ng mga suot.
“What the f—”
Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil mabilis siyang nahalikan sa bibig ng isa sa mga babae.
Nanlaki ang mga mata ni Nate nang ang isa pang babae ay humawak sa pagitan ng kanyang mga hita. Natatarantang itinulak niya ng isang kamay ang babaeng hinahalukay na ng dila ang loob ng kanyang bibig at pinigilan naman ng isa pa niyang kamay ang babaeng naglilikot sa kanyang ari .
Bago pa maitanong ni Nate kung sino ang mga ito ay nakita niyang lumapit ang isang kabarkada niya. Si Joshua. Ngayon lang uli niya ito nakita dahil nasa England daw. At ano ang nangyari dito? Lalo yatang lumaki ang tiyan. Ah, nakalimutan niyang maraming taon na ang lumipas mula noong huli itong makita.
“Tara, pare! I-celebrate natin ang pagbabalikbayan natin!” masayang bati nito.
Ang balita sa kanya ni Andre ay wala pa raw asawa si Joshua. Nag-e-enjoy rin daw sa pagiging single, o baka wala lang matinong babaeng gustong pumatol dahil palamunin ito ng mga magulang.
Sunod na nakita ni Nate ang kaibigang si Benjie na kabaliktaran naman ni Joshua na payat na payat. Ang sabi naman ni Andre, hiwalay na raw si Benjie sa asawang puro konsumisyon na lang ang ibinibigay rito. May isang babaeng nakapulupot ang mga kamay sa baywang nito. Ang hula niya, high-class prostitutes o escort girls ang mga babaeng nasa bahay niya ngayon, at mga kaibigan ni Joshua.
“Nate, my man!” bati ni Benjie. “Come on, let ’s party!” sigaw pa nito na iwinasiwas ang kamay sa ere. “ Tagal mo nang hindi sumasama sa amin, ah. ”
“What the hell is happening here?” sita niya.
“Party nga,” sabi ni Joshua, saka siya hinila.
“T-teka… Shit, naka-boxer shorts lang ako!”
Lalong nataranta si Nate nang makitang nagsiakyatan sa second floor ang iba pang mga bisita. Nakita niya ang iba pang kabarkada na sina Val, Raymond, at Mark. May akbay-akbay ring mga babae.
“May mga alak at pulutan na sa `baba,” pagbabalita ni Val.
“Tara na! Mahaba ang gabing ito!” humahalakhak namang sabi ni Raymond na humalik sa buhok ng babaeng kaakbay.
Hindi pa rin nagbabago ang mga kabarkada niya. Kahit may mga asawa na ay nagagawa pa ring mag-good time, pati ang mambabae!
“Bakit ba kayo nandito? Gabing-gabi na!” inis na sabi ni Nate.
Nagkatinginan ang kanyang mga kabarkada, parang nagulat sa sinabi niyang iyon.
Lumapit si Mark at hinipo siya sa noo. “May sakit ka ba, pare?”
Inalis niya ang kamay nito. “ Sagutin n ’yo ang tanong ko. Bakit kayo nandito sa ganitong oras ng gabi, at hindi man lang kayo nagpaalam sa akin?”
“Surprise party nga!” sabi ni Joshua. “Shit, pare! Bakit hindi ka natutuwa?”
“May babaeng tumawag sa amin, kaibigan mo raw. Cell phone mo pa nga ang ginamit. Ipinamalitang nandito ka sa bahay mo at nabo-bore ka raw. Ano pa’ng gagawin namin kundi sugurin ka dito at pasayahin? Come on, man! Baka matagal na naman tayong hindi magkita!” sabi ni Benjie.
“M-may tumawag sa inyo gamit ang cell phone ko?”
Hindi na narinig ni Nate ang sagot ng mga kaibigan dahil umalingawngaw sa built-in speakers sa bahay ang maingay na tugtog. Nagtilian ang mga babae at nag-umpisang sumayaw-sayaw nang maharot.
“Wo-hooo!” sabay-sabay na sigaw ng magbabarkada.
Natapik ni Nate ang noo. Oh, well, nandoon na rin lang sila… He needed a relaxing drink after all. It had been a while.
Nagsuot siya ng asul na sweatpants at kulay-abong T-shirt, saka bumaba na sa sala. “Keep it down, guys,” awat niya sa maiingay na bisita.
“May tipus yata si Fortunato!” tumatawang kantiyaw ni Mark at hinagisan siya ng isang bote ng beer. “Parang walang gana, o.”
Binuksan niya ang bote sa mahabang bar counter na naghihiwalay sa dining room at sala. Kauupo lang niya sa stool nang dumating naman si Andre.
“Tinawagan ako ni Joshua,” sabi nito. “Where is Jinnea? Hindi siya makakatulog `pag maingay dito.”
“ Hindi ko ito pinlano, `tol. Sumugod lang sila dito. May tumawag daw na babae gamit ang cell phone ko. Duda ko, si Jinnea `yon. ”
“What? Why would she do that?” nagtatakang tanong ni Andre.
Sinimangutan ito ni Nate. “Ask her. Hirap akong intindihin ang babaeng `yan kahit kailan.”
Baliw na jiniri . Siguro, umaasa itong hindi niya mapapanindigan ang pakikipaglapit kay Euna. Puwes, patutunayan niya rito ngayong gabi. Just one drink. That was all that he needed. Magpapaantok siya at matutulog na. Bahala na ang mga bisita niyang tapusin ang party.
NAKATANGGAP ng tawag si Euna mula kay Jinnea nang gabing iyon. Halos hindi niya marinig ang babae sa cell phone dahil sa ingay mula sa background nito. May malakas na music siyang naririnig, may mga tawanan at sigawan. May mga boses ng nagtitiliang babae!
“Teka, hindi kita maintindihan. Ang ingay diyan.” Nilakasan niya ang boses. “Nasaan ka ba?”
“ `Andito nga ako sa bahay ni Nate. May party dito,” sagot nito na nilakasan din ang boses. “Akala ko nandito ka rin.”
“ Nasa condo ako. Party ba `kamo? ”
“Yup. `Andito ang mga kabarkada niya. Ang dami ngang mga babae, eh.”
Nawala ang antok ni Euna sa narinig. “M-mga babae?!” May party raw sa bahay ni Nate at may mga babae? Watdapak?
“Oh, this is just a typical party,” sabi ni Jinnea. “Madalas ganito ang gatherings dito sa bahay ni Nate basta nakakawala siya sa lampara. Natigil lang noong naging kayo—”
“Teka, pupunta ako diyan.”
Mabilis na nagbihis si Euna, isinuot ang bagong biling pulang damit na maikli at hapit sa katawan ang tabas. Inilugay na lang niya ang buhok na kahit gulo-gulo ay nagmukhang sexy ang dating dahil sa highlights. Hindi na rin siya nag-makeup. Nagpahid na lang siya ng mapulang lipstick. Suwerteng may napara agad siyang taxi pagkababa ng building. At dahil gabi na ay hindi na masyadong ma-traffic kaya nakarating agad siya sa bahay ni Nate.
Bukas ang gate ng mansiyon kaya tuloy-tuloy si Euna sa loob ng bakuran. Sa bean-shaped swimming pool sa harap ng bahay, may nakita siyang mga babaeng naka-two-piece bikini at nakababad sa tubig. Sa isang lounge chair, may natanaw siyang matabang lalaki na may babaeng nakapatong at umiindayog ang katawan.
Nang hindi mahanap si Nate sa labas ay tumuloy siya sa loob ng malaking bahay. Sa malawak na sala ay nagkalat sa bar counter ang iba’t ibang klaseng inuming nakalalasing. Sa gitna, may dalawang babaeng nagsasayawan habang takam na takam namang pinapanood ng isang payat na lalaki.
Sa hagdan nakita ni Euna si Nate, nakaupo sa pangatlong baitang, may katabing bote ng beer. Walang suot na T-shirt ang binata at may babaeng lumalampong dito.
“ E-Euna! ” bulalas ni Nate, sabay tulak sa babaeng gusto yatang dilaan ang buong katawan nito. Mabilis itong tumayo at nilapitan siya.
“ Hello, Nate! ” bati niya at nagbigay ng fake na ngiti. “Hindi mo sinabing may party pala ngayon sa bahay mo.”
“I didn’t plan this—”
“Sana inimbitahan mo naman ako,” sabi niya, naglakad palapit sa bar, dumampot ng isang shot glass at nagsalin ng tequila. Straight niyang ininom ang alak, walang asin, walang lime. Muntik na siyang maduwal pero pilit niyang pinigilan.
“Patulog na ako nang dumating ka,” sabi ni Nate. “Come on, let me take you home.”
“Oo nga, patulog ka na. Kaya pala hubad-baro ka na at may kalampungan pang babae.”
“It’s not what you think. Nabasa kanina ng whiskey ang damit ko dahil nabangga ako ni—”
“Let’s just party, shall we, Nate?” putol ni Euna sa paliwanag ng binata at muling nagsalin ng tequila sa shot glass.
“Stop that!” awat nito.
“Oh, baby. I know how to have a good time, too, remember?” sabi niya at pinadaan ang mga kamay sa dibdib nito. “Come on, let ’s bring the house down! Yeah!”
Ibinaba ni Euna ang maliit na bag sa counter at nagpunta sa gitna ng sala. Tinabihan niya ang dalawang babaeng nagsasayaw at nag-umpisang umindak sa saliw ng naririnig na tugtuging “Bad Girls” ni Donna Summer na ginawang techno ang musika.
Mabagal siyang sumayaw at pinasensuwal ang mga galaw. She knew she could dance well, kahit pa seksing uri ng sayaw. At sa suot niya ngayong gabi, alam niyang nakakaakit ang kanyang hitsura.
Hey, Mister, have you got a dime?
Mister, do you want to spend some time, oh, yeah
I got what you want, you got what I need
I’ll be your baby, come and spend it on me
Hey, Mister, I’ll spend some time with you
With you, you’re fine, with you
Tinangka ni Nate na lumapit pero sumenyas siya ng “stop” at nagbabantang tiningnan ito. Ipinagpatuloy niya ang pagsasayaw kahit lahat na yata ng tao roon ay sa kanya na nakatutok ang mga mata.
Sinabayan ni Euna ang chorus ng kanta habang nakasabunot ang isang kamay sa kanyang buhok at ang isa pang kamay ay nakalapat sa kanyang leeg. Dahil alam na sintunado, hininaan niya ang boses at halos lip-sync na lang ang ginawa. But she did make her mouth look sexy as she uttered each word.
“‘Bad girls. They’re just bad girls. Talkin’ about sad girls, yeah. Sad girls…’”
Nang tumayo ang payat na lalaki at nakangising lumapit sa kanya habang sumasayaw, sinalubong niya ito at hinila sa kuwelyo. Ikinawit niya ang isang kamay sa batok ng lalaki at humaplos sa dibdib nito ang isa pa. Magkasabay silang gumiling. Nahuli ng kanyang mga mata na halos umusok na ang mga butas ng ilong ni Nate.
Well, good.
“Who are you?” tanong ng lalaki sa boses na halatang apektado na sa pakikipag-body contact.
“Sshh!” pagpapatahimik ni Euna sa lalaki at nang muli pa itong magtangkang magsalita, idinikit niya sa bibig nito ang kanyang hintuturo. “Just dance with me.”
Nanlaki ang mga mata ng lalaki nang daklutin niya ang butuhang puwit nito. Wala siyang nahawakang laman kundi makapal na tela lang ng maong nitong pantalon. When she faced her back at the skinny man and gyrated her ass against his crotch, doon na lumapit si Nate at pilit silang pinaghiwalay ng kanyang kasayaw.
“Hey!” angil niya. “ We ’re not done dancing yet!”
“Umayos ka,” mariing sabi ni Nate sa boses na noon lang narinig ni Euna—puno ng awtoridad at kapangyarihan. Mahigpit din ang hawak nito sa kanyang pulso. “Okay, that’s it!” mayamaya ay malakas nitong sabi. “Everybody leave!”
“Already? Ngayon pa lang ako nag-e-enjoy, Nate,” kunwa ri ay nanghihinayang na sabi ni Euna. “The night’s still young, babe. I want to dance some more!” malakas na sabi niya na sadyang pinagtunog-malandi, iwinagayway pa sa ere ang isang kamay at kumembot-kembot pa. “Let’s all party, people! Let’s dance the night awaaay!”
“ Euna! ” asik ng binata na nagbabanta ang tingin. “Leave!” muli nitong utos sa mga tao roon.
“Naman, pare! Ang aga pa!” angal ng payat na lalaki. Umangal din ang iba pang kalalakihan pero hindi na pinakinggan ni Nate.
“Umalis na kayo o tatawagan ko isa-isa ang mga misis ninyong tatlo at papupuntahin ko sila dito ngayon din?!” banta pa nito at nagbababalang itinuro ang tatlong lalaki na may mga babae pa ring kalingkisan. “Leave my house. Right now!” Dumadagundong ang boses ni Nate na parang nakalulon ng microphone.
Nagmura ang isa bago tumayo na mula sa sofa. Ang lalaking payat ay interesado yata talaga sa kanya. Hindi pa rin ito umaalis sa kanyang harap.
“Let me meet her, dude,” sabi nito kay Nate. “Single na ako, puwede na akong magkaroon ng girl—”
“She’s my girlfriend, Benjie!” asik ni Nate na ikinabigla ng lalaki. “She’s only mine!”
Biglang may nagpatay ng music at naghari ang katahimikan. Daig pa ang may nag-aparisyon na anghel sa gitna ng mga tao.
“Ano raw?” tanong ng matabang lalaki na nakalimutan pa yatang isara ang zipper ng pantalon.
“Girlfriend daw niya,” sabi ng isa pang lalaki.
“You have a girlfriend?” nanlalaki ang mga matang tanong kay Nate ng payat na lalaki na nanghihinayang na napatingin sa kanya. “ She is your girlfriend? For real?”
“Yes. So fuck off! Don’t you dare touch her!” sagot ni Nate, saka bumaling uli sa iba pang tao roon. “Come on, guys. Party’s over! Go home now,” pagtataboy uli nito.
Bubulong-bulong na nagsilabasan ang mga tao.
“Tara sa bahay ko. Do’ n natin ito ituloy! Killjoy na si Fortunato! ” narinig ni Euna na sabi ng isang matabang lalaki sa babaeng kalingkisan.
“May girlfriend na pala ang tarantado. Bagong buhay na,” narinig din niyang sabi naman ng isa pang hindi kumakawala sa babaeng nakadikit dito.
Binalingan siya ni Nate pagkasara ng front door ng bahay. “There. Wala na sila,” sabi nito, binitiwan na ang kanyang pulso.
“O, masama yata ang loob mo?” angil niya. “Sumama ka na kasi sa kanila. If I know, hinahanap-hanap mo talaga ito!”
“How do you even know how I feel, Euna?” masama ang loob na tanong ng binata.
“Nakita kitang may kalampungang babae kanina!”
“I was avoiding her! Paakyat na ako kanina para magpunta sa kuwarto ko nang habulin niya ako. Nahulog pa nga ako mula sa gitna ng hagdan!”
“Yeah, right!” Gustong-gusto niyang sampalin si Nate pero nagpigil siya. “Hindi ka na nakontento sa akin! Maramihan talaga ang gusto mo?”
“Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin?” tanong nito na may hinanakit sa tono.
“Dahil hindi ka kapani-paniwala! Nate, kung hindi mo kayang mag-stay sa relasyon natin, sabihin mo lang. Payag naman akong pakawalan ka,” sabi ni Euna. Pero alam niyang isang malaking kasinungalingan ang huling pangungusap na binitiwan.
She felt it was already too late to let go of him. Malayo na ang narating nila. Marami na siyang naisuko kay Nate. Naibigay. At ngayon niya aaminin sa sarili na kailangan talaga niya ang lalaki sa kanyang buhay, hindi lang dahil sa pera at katawan nito. Higit pa roon.
“Y-you’re willing to let me go?” mahinang tanong ni Nate.
“ Iyon naman talaga ang gusto mo, hindi ba? ”
“Euna, napag-usapan na natin ito. Ngayon ka pa ba susuko sa akin? Marami na akong napatunayan sa `yo. You’re not being fair. I deserve more than this.”
“And I deserve more than this, too!” bulyaw niya na kuyom ang dalawang kamay. “`Tang-ina! Sana sa umpisa pa lang, nilinaw mo na agad nang mabuti kung ano talaga ang magiging papel ko sa buhay mo. You should’ve told me you just wanted a personal whore whom you can fuck whenever you get horny!”
“ Utang-na-loob! Hindi gano ’n ang tingin ko sa iyo, Euna! Did I ever treat you like a who— s hit!” frustrated na mura ni Nate at nilamukos pa ng dalawang palad ang mukha. “I tried my best to treat you in a special way,” patuloy nito sa mas mababang boses. “If I have been treating you like shit then you should’ve told me, sweetheart. This is all new to me. I haven’t been involved with one woman before.”
Of course, he was not treating her like shit. Because she would never allow it in the first place! Siya ba ang tipo ng babaeng hahayaang gamit-gamitin lang ng isang lalaki? No way. Nasasabi lang niya ang lahat ng iyon ngayong gabi dahil sa inis.
Tinalikuran na ni Euna ang binata. “Let’s part ways for a while, Nate,” pasya niya.
Iyon nga siguro ang mas makabubuting gawin sa ngayon dahil problemado rin siya sa kanyang pamilya na nagpadagdag ng init ng ulo niya kaya siya beast mode ngayon. Kung bakit kasi hindi siya nawawalan ng problema, nakakasawa na rin. Pero sabi nga ng tatay niya noon, kung wala na raw problema ang isang tao, ano pa ang gagawin nito sa mundo?
“ Don ’t do this, Euna,” pakiusap ni Nate na hinawakan ang kanyang braso. “Please.”
“Huwag kang mag-alala. Wala pa akong naiisip na third wish. Safe ka pa rin. Tuloy pa rin ang paggu-good time mo sa labas ng lampara.”
“I want to be with you, damn it!” mariing sabi nito.
Inalis niya ang kamay nito sa kanyang braso. “No, you don’t! Hindi ako ang buhay mo, Nate. Your life is here, with your friends, with alcohol, with women. And you know that I’m right.”
Binalikan na ni Euna ang kanyang bag sa bar counter nang makarinig ng malakas na pagbalibag ng pinto mula sa ikalawang palapag ng bahay. Nakita niya si Andre na mabilis na bumababa mula sa hagdan, madilim ang mukha; nakipag-away rin siguro ito kay Jinnea.
“Pauwi ka na?” tanong niya rito.
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Andre sa kanila ni Nate at nahulaang may tensiyon sa pagitan nila. “Oo. Gusto mong sumabay pauwi?”
SA KOTSE ni Andre ay walang imik si Euna na nakatingin lang sa labas ng bintana. Marami siyang iniisip at sa totoo lang, sumasakit na rin ang ulo niya.
Hanggang sa binasag ni Andre ang katahimikan. “You know…” Tumikhim ito bago nagpatuloy. “Hindi sa kinakampihan ko ang kaibigan ko, Euna. Pero sa maniwala ka’t sa hindi, ang laki ng pagbabagong nakita ko sa kanya mula nang maging kayo.”
She scoffed. “Maging kami?” mahinang niyang nasabi. So, hindi sinabi ni Nate sa kaibigan nito ang tunay nilang relasyon?
Mahinang tumawa si Andre. “Walang babaeng tumatagal sa kaibigan ko, hindi `yan nakikipag-date, lalo na ang makipagrelasyon.”
“Of course, mas masaya kasi siya `pag malaya siya at mas maraming babae ang naikakama niya,” inis na sabi niya.
“You see, that’s the thing. Ngayon ko lang siya nakitang nag-stick sa isang babae kaya alam kong may kakaiba sa iyo. Look, my friend may be promiscuous, pero wala pa akong nabalitaang may babaeng tinrato niya nang hindi maganda. Transparent siya sa mga nakikilala at sinasabi niya agad kung ano ang kaya niyang maibigay sa mga ito. Kapag sinabi niyang casual sex lang, hanggang doon lang talaga iyon. At sa palagay ko, hindi lang casual ang nangyayari sa pagitan ninyo.”
Ugh. Kung alam lang ni Andre ang puno’t dulo kung bakit may “relasyon” sila ni Nate at kung bakit nag-i-stick sa kanya ang lalaking iyon. Kapwa lang sila nakikinabang sa isa’t isa. Pero hindi naman siguro kalabisan na humingi siya ng exclusivity, ano? Kahit naman hindi normal na mag- jowa ang relasyon nila, gusto niyang siya lang ang babaeng naikakama ni Nate. At nilinaw niya iyon mula pa umpisa, and now that jerk just broke the rule.
“Pero hindi pa rin niya maiwan ang dating lifestyle niya,” nakasimangot na sabi ni Euna.
“That party—” Bumuntong-hininga si Andre. “I don’t think pakana iyon ni Nate. Pinapaamin ko si Jinnea pero `ayun, inaway lang ako.”
Lumingon siya sa lalaki. “So, you’re saying na pakana iyon ni Jinnea?”
Tumango ito. “Parang ganoon na nga.”
“Pero bakit naman niya gagawin iyon?” nagtatakang tanong niya.
Mapaklang tumawa si Andre. “Iyan din ang tanong ko, na ayaw nga niyang sagutin. I dunno, maybe she was testing Nate? Kung bakit, hindi ko alam. Who knows? No offense, Euna, pero ang hirap intindihin ng mga babae minsan.”
Iningusan niya nito. “Pareho lang din sa mga lalaki, ano? Hirap n’yo ring ispelingin . Pero kahit pakana pa iyon ni Jinnea— Argh! Basta, naiinis pa rin ako sa kaibigan mo! Ayoko muna siyang makita ngayon.”
“Magpalamig muna kayo. m ukhang pareho kayong stressed.”
“Hay, sinabi mo pa.” Nahilot niya ang sumasakit na ulo. “Anyway, kumusta naman kayo ni Jinnea?”
Napailing si Andre, may munting ngiti sa mga labi. “War din kami.”
Tumawa siya. “Bakit naman?”
“Honestly, hindi ko alam. Siguro nagiging mas makulit ako sa kanya lately, palagi ko siyang tinatanong ng mga personal na bagay. She gets irritated and frustrated whenever I do that, and I guess I have pushed her to the limits. `Ayun, iniiwasan na ako.”
Nagbuga ng hangin si Euna. Kung puwede lang niyang sabihin kay Andre ang lahat-lahat. But that was not a decision for her to make, na kina Nate at Jinnea iyon . Jusko , ang dami na niyang problema sa buhay para isali pa ang Andre-Jinnea love team!
“I hope everything will be fine between the two of you,” sabi na lang niya.
Napangiwi siya. Everything will be fine? How? Isang genie si Jinnea na nakatira sa ibang mundo! Lalo yatang sumakit ang ulo niya sa pag-iisip kung ano ang kahihinatnan ng relasyon nina Andre at Jinnea.
“I hope so, too,” sabi ni Andre, lumamlam ang boses. “I-I… don’t wanna lose her.”
Hala. In love na yata si Andre sa isang jiniri ! Paano na ba ito?
Naku, `ayan na naman siya. Hindi na dapat niya problemahin iyon. Heto nga’t natuturete na siya sa nangyayari sa pagitan nila ni Nate. `Kainis ang life minsan. Bakit ba problema na lang ang lahat para sa kanya?