noveltoon logo noveltoon
My Genie Lover

Chapter 10

Ch. 11 / 30 Nov 28, 2025

All my life, I felt unwanted. Kailanman ay hindi ko naramdaman na nagkaroon ako ng mga kamag-anak. Kaya siguro masaya akong nakatira ngayon sa bahay nina Euna.

HINDI maitago ni Nate ang kasiyahan sa natatanggap na pag-aasikaso mula sa nanay ni Euna. Laging nagtatanong si Eden kung ano pa ang kailangan niya—kung anong ulam ang gusto niya, kung kailangan ba niya ng mainit na tubig na panligo. Nagpilit pa itong lagyan ng dalawang electric fan ang kuwarto ni Euna para daw hindi siya mainitan.

“Pasensiya ka na sa nanay ko. OA na sa pag-aasikaso sa iyo,” sabi ni Euna nang makapagsolo sila sa kuwarto.

Ikatlong araw na niya sa bahay ng mga Serafino.

“Okay lang `yon. Parang anak nga ang pag-aasikaso niya sa akin. Hindi ko `yon naranasan kahit kailan.”

Tumingin sa kanya si Euna na parang gustong maawa. And he didn’t like it. Ayaw niyang maging madrama ang kanyang buhay kaya palagi niyang ibinabaling ang atensiyon sa paghahanap ng mga kasiyahan sa mundo. He didn’t give a fuck about romance, love, and religious faith anymore. Hindi ang mga iyon ang magpapasaya sa kanya.

“Ikaw pala ang nag-igib kanina ng ipinanligo ko, sabi ni Ednar.”

“Male-late na kasi sa klase ang kapatid mo kaya sinalo ko na lang ang pag-iigib,” walang bahid ng pagrereklamo na sabi ni Nate.

“Malamang inubos na naman ni Octavio ang tubig sa banyo. Tamad mag-igib ang lalaking `yon!” Tumirik ang mga mata ni Euna. “Sabi ni Nanay, mag-check in na lang daw tayo doon sa motel o inn sa downtown. Baka nahihirapan ka raw mahiga sa matigas na kama ko. `Tapos, wala pang aircon.”

“I would actually like that,” excited na sabi ni Nate. “Magkakaroon tayo ng privacy doon.” Pumuwesto siya sa likuran ni Euna at hinalikan ang batok nitong naka-expose mula sa pagkaka-ponytail ng buhok. “We can do whatever we want, Euna.”

Siniko siya nito. “Stop that.”

“Hanggang kailan ka ba magpapakipot sa akin?” biro niya. He encirled his arms around her small waist.

“What do you want us to do, Nate?” buong tapang namang tanong ni Euna.

Marahan niyang ipinaharap ang dalaga, hindi pa rin pinapakawalan ang baywang nito. He felt he could hold her like this for a long time and she wouldn’t actually mind it. Shit. Marunong na rin talaga siyang maglambing? Dapat uma-acting lang siya pero hindi na pala niya kailangang gawin iyon dahil effortless na lumalabas ang pagkamalambing niya.

Ang baduy, p’re .

“I want you, Euna. Mula pa nang una kitang makita,” pag-amin ni Nate dahil iyon naman ang totoo. “I’m sure you know that already and I know that you feel the same way, babe. Hindi mo `yon dapat labanan. It’s normal for us humans to feel sexual attraction.”

“S-so gusto mo talagang magkaroon tayo ng… sexual relationship ? ” tanong nito.

“Bakit hindi? Pareho naman tayong single ngayon, hindi ba?”

Inirapan siya ng dalaga. “Ako, single ngayon, Nate. Ikaw, multiple! Ang dami mo kayang mga babae!”

Tumawa siya. “Wala akong karelasyon sa kanila. Isa pa, alam ng mga taong kakilala mo na may relasyon tayo.”

Kagabing nagpunta sila ni Ednar sa bilyaran, ipinakilala siya nito sa mga kaibigan bilang boyfriend ni Euna. Pati mga kapitbahay ng pamilya Serafino, alam na rin na may romantikong ugnayan sila ng dalaga.

“Mabuti pa, totohanin na lang natin,” suhestiyon pa niya.

“Hindi ka makokontento sa isang babae lang, Fortunato,” nakasimangot na sabi ni Euna. “Kung sakaling papayag ako sa gusto mo, ayokong may ibang babae pang mai-involve sa iyo.”

Lalong nahamon si Nate. Mapapasubo siya pero kailangan niyang gawin ang lahat para lang mapalapit nang husto sa kanya si Euna. Lahat-lahat. If he must be in a relationship with her, then fine. He was that desperate to stay longer outside the magic lamp. And, who knew? Baka mas malaki ang makukuha niyang advantage. Euna might wish for him to be a normal human being again.

“Try me,” matatag niyang sabi.

Hindi sumagot ang dalaga.

Napangiti naman siya. Silence means yes, right?

Lalong natuwa si Nate nang idikit ni Euna ang sarili sa kanya at humiling ng halik. Pinagbigyan niya ang dalaga. He kissed her so torridly but he left her hanging in the air when he let go of her. Alam niyang umaasa pa si Euna ng kasunod na halik pero sadyang binitiwan na niya ang dalaga kahit pa nakaramdam din siya ng pagkabitin.

That’s right, vixen. I will make you crave for me…

KINABUKASAN, niyaya ni Nate si Euna na ilibot siya sa mga kalapit-barangay. He might as well enjoy the life in the province, and, well, being with just one woman. Maraming tukso sa Maynila. At kailangan niyang masanay na si Euna lang ang palaging kasama para mailayo niya ang sarili sa ibang babae. Gusto niyang panindigan na seryoso nga siya sa inialok na magkaroon sila ng physical relationship.

Gamit ang bagong kotse ng mga Serafino ay namasyal sila ni Euna. Mabagal niyang pinatakbo ang kotse sa mga barangay roads.

“ Gusto mong matutong magmaneho? ” mayamaya ay tanong ni Nate. “I can teach you.”

“Talagang umaasa kang magtatagal ka sa labas ng lampara, huh?” nakangiting tanong nito.

He pouted. “May naiisip ka nang third wish? Huwag muna. Tikman mo muna ako. Masarap ako—”

“ Heh! ”

Pero mabilis na nawala ang ngiti ni Euna nang dumako ang tingin nito sa labas ng sasakyan. Parang may nakitang nagpalungkot dito. Ewan ni Nate pero ayaw na niyang nakikitang malungkot o problemado si Euna.

“What’s wrong?” tanong niya.

“D-diyan sa manukan na `yan nagtatrabaho si Ephraim,” mahinang sagot ng dalaga na binawi na ang tingin mula sa malaking poultry na nadaanan nila.

“Tagapakain ng mga manok?”

“Shift supervisor,” pagtatama nito.

“Shift supervisor ng mga tagapakain ng mga manok?”

Inirapan siya ni Euna. “Ang galing mong manlait! At least nagtatrabaho siya, hindi gaya mong yumaman lang dahil—”

“Hey! Pikon ka agad. Nagbibiro lang ako.” May naramdamang inis si Nate dahil ipinagtatanggol pa ni Euna ang gagong ex-boyfriend. Gusto tuloy niyang sapakin iyon. “Hindi ka talaga maka-move on sa kanya, ano?” inis na sabi niya. “ Ano ba ’ng nakita mo sa gagong iyon? Maaskad na nga ang mukha, pati ugali, maaskad. Two-timing bastard.”

“Nate, mahirap ding mag-move on. Minahal ko `yong tao. Hindi basta-basta mabubura `yon.”

“Did you just hear what you said? Minahal. Past tense na. Kaya mong mag-move on, tutulungan kita.”

Napasulyap si Euna sa kanya. “Maraming salamat pero kaya kong mag-move on na nag-iisa.”

“Mas madali kapag may kasama ka,” pamimilit niya. Isisiksik talaga niya ang sarili sa buhay ng babaeng ito. Natuwa siya nang hindi pumalag si Euna nang hawakan niya ang kaliwang kamay nito. Sinikap niyang maging madamdamin ang boses. “Will you trust me?”

Isang buntong-hininga lang ang isinagot ng dalaga.

LIMANG araw na si Nate sa bahay nina Euna.

Alam ni Euna na nahihirapan ang binata na matulog sa tabi niya sa gabi. Hindi niya alam kung ano ang eksaktong gusto nitong patunayan dahil puwede naman itong umalis kung tutuusin.

“Puwede ka namang umuwi sa siyudad, `tapos balikan mo na lang uli ako dito sa umaga,” sabi niya. Kahit paano naman ay may simpatya siya kay Nate. She knew the feeling. Maging siya ay nahihirapan din. She was sleeping with a hottie in her bed! Imagine that.

“ Ayokong iwan ka dito, ” sabi ni Nate. Yumakap ito mula sa kanyang likuran at humalik sa kanyang balikat. “I will miss you, Euna.”

Sinikap niyang huwag maapektuhan ng paglalambing nito. Mahirap na.

“Hindi naman sa minamadali kita, pero kailan tayo babalik sa Manila? Nakahanda na kasi `yong condo unit mo. Ipinalipat ko na rin ang mga gamit mo mula sa apartment.”

“Ewan ko pa sa ngayon, Nate. Ine-enjoy ko pa kasi ang bakasyon ko dito sa probinsiya. Saka marami rin akong balak sa pamilya ko.” Bumuntong-hininga siya. “Pero siyempre, hindi puwedeng sa isang bagsakan ko ibibigay sa kanila. I want a big house for them.”

Iniisip ni Euna na patirahin sa mabibiling bahay ang kanyang nanay at si Ednar, kasama siyempre si Octavio kahit gusto niya itong tadyakan sa mukha. At nunca na makakasama niya ito sa iisang bubong! Kaya mabuti ngang mamuhay siya nang malayo mula sa stepfather. Iiwas siyang maging kriminal. Titirhan naman ni Ate Elsa kasama ng pamilya nito ang lumang bahay nila para hindi na makipagsiksikan sa bahay ng mga magulang ni Jerome.

“Di maghanap tayo ng mabibiling bahay dito sa inyo. Sabihin na lang natin sa pamilya mo na mortgage `yon. After all, ang alam nila ay nagtatrabaho ka sa akin na isang mayamang investor.”

“Ang alam din nila, sinusustentuhan mo ako.”

Tumawa nang mahina si Nate. “Ang bata ko pa naman para maging sugar daddy. Thirty-five lang ako. But I barely aged since I was twenty-five. So technically, siguro parang twenty-six lang ako ngayon.”

“Dahil sa sumpa ng magic lamp?”

“Oo. Kaya mag-ingat ka sa huling kahilingan mo. `Buti nga nasasabi ko ito sa `yo bilang warning. Hindi ako binigyan ng warning ng genie na nagbigay sa akin ng wishes. Well, hindi raw nila puwedeng sabihin.”

“Pero nasasabi mo sa akin dahil hindi ka naman totoong genie?”

“ Parang gano ’n. Saka siyempre, ayaw na nilang dumami ang babantayan kung sakaling may magkamaling mag-wish sa akin ng sumpa. Baka makalbo na sa inis ang genie na nakatoka sa akin!”

“Mag-iingat talaga ako. Nasayang na ang ang first and second wish ko, eh,” nakasimangot na sabi niya.

“That’s good to know,” sabi ni Nate at inamoy ang kanyang buhok.

“Hayan ka na naman,” natataranta at naiinis na sabi niya.

Napasinghap si Euna nang mula sa baywang niya, bumaba pa ang kamay ni Nate at humimas sa kanyang hita. “N-Nate, don’t,” saway niya nang ipasok ng lalaki ang kamay sa loob ng suot niyang shorts pero hindi naman tunog nagpoprotesta talaga ang kanyang boses.

“Let me pleasure you, Euna,” bulong nito sa kanyang tainga. “I want to taste you down there. I’m going to give you a better orgasm than the first.”

“P-pero… H-huwag dito,” nakuha niyang sabihin kahit napakagat-labi sa paggalaw ng mga daliri ni Nate sa kanyang pagkababae. He was teasing her big-time.

“Maingay ako, remember? N-nakakahiya kina Nanay. B-baka marining nilang— Nate! ” Her knees quaked when his fingers focused on that uber-sensitive bud.

Tandang-tanda pa ni Euna ang mga ungol at sigaw niya sa kotse habang pinaliligaya ni Nate. Mabuti na lang at walang tao sa paradahan ng mga sasakyan nang mga oras na iyon. Nakadagdag ang seclusion nila ni Nate para bumigay siya sa binata. If only they were in a secluded place right now…

“Yeah, you’re a screamer,” tukso nito. “But I like hearing your sexy sounds of pleasure, baby. It’ s so erotic. ”

“Stop it now, p-please,” she begged him amidst her arousal.

“Too bad,” dismayadong sabi ni Nate at tumigil sa paggalaw ang mga daliri, pero hindi naman inalis ang kamay sa kaselanan niya. His hand was still cupping the apex of her legs. “So, matutulog na lang tayo?”

“Ano pa nga ba? Maaga pa tayong gigising bukas.”

Nagkasundong mag-outing ang pamilya ni Euna sa bayan ng Rosario, sa isang world-class beach resort, hotel and spa.

Sa susunod, sa ibang bansa na niya dadalhin ang kanyang pamilya, sa Hong Kong siguro, kapag bakasyon na sa eskuwela. Kung puwede lang sanang iwan si Octavio, pero baka hindi naman sumama ang nanay niya. Panira talaga sa mood niya ang lalaking iyon!

“Okay,” sabi ni Nate, tuluyan nang binawi ang kamay at iniharap siya. “Let me just kiss you good night then,” ungot nito at hinalikan nga siya sa mga labi.

Gaya ng dati, hindi lang simpleng halik ang ibinigay ni Nate sa kanya. Mapang-akit at mainit iyon. Pero nagtaka siya nang bigla na lang putulin ng binata ang halik nang siya na mismo ang nagpasok ng dila sa bibig nito.

Whatever happened to his persistence? Imagine, nagawa ni Nate na sumunod nang tumanggi siya sa paglulumikot ng kamay nito dahil lang sa sinabi niyang maingay siya? He could have grabbed her and taken her somewhere, right? Ang totoo, iyon ang inaasahan ni Euna na mangyari. Pero hindi ginawa ni Nate. Pinutol pa agad ang halikan nila. Ang mga lalaki nga naman, napakahirap intindihin kahit kailan.

Mahirap nga talagang intindihin ang mga lalaki dahil hindi pa dinadalaw ng antok si Euna ay tumawag sa kanya si Ephraim. Lumabas siya sa sala para sagutin ang tawag nito.

“Euna, alam kong galit ka lang sa akin. But I’m really sorry. A-at gusto kong mag-umpisa tayo uli. Wala na kami ni Rachel.”

“Ah, so ngayong wala na kayo, babalikan mo na ako?” maasim niyang sabi. “And why now, Ephraim? Bakit ngayon pa? Dahil ba may nakita ka nang kapalit mo?”

Nag-crack ang boses ni Ephraim. “I-ikaw pa rin kasi ang mahal ko. Ikaw pa rin ang lagi kong iniisip. Noong nakita kitang may kasamang ibang lalaki, doon ko na-realize ang kagaguhan ko. Bigyan mo pa sana ako ng chance.”

Nagpakatatag siya. “Ayoko nang mahalin ka, Ephraim.”

“Dahil kay Nate?” mapait na tanong nito.

“Alam mo na pala ang pangalan niya.”

“Nasa iisang barangay lang tayo. Mabilis kumalat ang mga balita.”

Ayaw nang magpaliwanag ni Euna. Wala na silang dapat pag-usapan ng dating boyfriend. Wala na siyang planong makipagbalikan dito, sigurado siya roon.

“Inaantok na ako. If you don’t mind, kailangan ko nang matulog.”

“Magkasama ba kayong natutulog?” mabilis na tanong ni Ephraim bago pa siya makapagpaalam.

“Wala kang pakialam, Ephraim!” gigil niyang sabi. “ Wala. Na. Tayo, ” pagdiriin pa niya. Oh, yeah. It felt good to say it.

Inis na in-off ni Euna ang cell phone at bumalik na sa kanyang kuwarto. Maingat siyang sumampa sa kama at muling nahiga para hindi magising si Nate. Pero nagulat siya nang magsalita ang binata.

“Ano’ng pinag-usapan ninyo ni Ephraim?” tanong nito na hindi dumidilat.

Naiikot niya ang eyeballs. “Wala ka na do’n.”

Tumagilid si Nate paharap sa kanya, saka iniyakap ang isang kamay sa baywang niya. Hinalikan siya nito sa ilong, saka bumulong, “Sa akin ka na lang kasi. Kalimutan mo na siya. Huwag mo na siyang kausapin.”

Napangiti si Euna at hinalikan ang binata sa noo. “Matulog na tayo, Nate.”

NAGTAKA si Euna nang magpaiwan si Octavio sa dating bahay nila. Nagpaiwan ang kanyang stepfather nang paalis na ang kanilang sasakyan. Binalikan ito ng nanay niya.

Bumulong si Nate na katabi niya sa backseat. “Binigyan ko siya ng pera para magpaiwan. Alam ko kasing ayaw mo sa kanya,” sabi nito.

“ Pero, Nate! Baka pati si Nanay magpaiwan na rin, ” inis niyang sabi.

“I’m sorry. Kagabi pa kasi siya reklamo nang reklamo na ayaw niyang sumama kahit pinipilit siya ng nanay mo. Sabi niya sa akin, mas gusto na lang daw niyang pumunta sa sabungan kaso walang perang pampusta.”

“At binigyan mo naman?”

“I just want you to be happy in this trip, baby. At alam kong ayaw mo sa stepfather mo.”

Kinalabit ni Euna si Elsa na nasa upuan sa harap katabi ang mister na si Jerome at ang anak na si Jonjon. “Ate, habulin mo nga si Nanay at pabalikin dito. Ayokong ako ang kumausap at baka masapak ko ang Octavio na `yan!” utos niya sa kapatid.

Sumunod naman si Elsa. Ilang minuto rin itong nawala. Bumusina na si Ednar na nasa driver’s seat. Halos sabay-sabay pa silang napabuntong-hininga nang makitang magkasunod na naglalakad pabalik sa kotse ang kanilang ina at si Elsa.

“`Nay, naman, please lang po, huwag ninyong hayaang sirain ni Octavio ang lakad nating ito,” sabi ni Euna sa kanyang ina. “Hindi ko na nga matandaan kung kailan ang huli nating out-of-town trip mula nang mamatay si Tatay.”

Hindi na nagsalita ang nanay niya, pero alam niyang masama pa rin ang loob nito dahil hindi nakasama ang pangalawang asawa.

Napailing siya. Sa dami ng lalaking puwedeng pakasalan uli ng kanyang ina, kung bakit isa pang gaya ni Octavio ang napili nito. Octavio was a bum. Ni hindi na nga ito nakapag-asawa sa gulang na animnapu dahil walang babaeng nagtagal.

Pati ang pamilya ni Octavio ay itinakwil din ito dahil sa pagdidispalko ng pera mula sa negosyo na isang malaking junkyard. Walang bahay o ano mang mahahalagang ari-arian ang lalaki dahil sa mga bisyo. Alam ni Euna na niligawan lang ni Octavio ang kanyang nanay para magkaroon ng masisilungan at mahuhuthutan.

May halos dalawang oras din ang biyahe bago nila narating ang Escape—ang pinakamahal na luxury package na binayaran ni Nate para sa kanila. Unlimited access sa lahat ng amenities; unlimited sa mga pagkain, sa spa, sa paggamit ng Jet Ski. Puwede rin silang sumakay sa yate sa dagat.

Sa tatlong beachfront cottages sila tutuloy. Maganda ang mga iyon, yari sa kawayan at pawid ang labas pero moderno ang interior. Magkasama sila ni Nate sa isang cottage, sa isa pang cottage ay ang pamilya ni Elsa, at sa isa pa ay ang kanyang nanay at si Ednar.

“Bakit tayo magkahiwalay ng kuwarto?!” nakasimangot na tanong ni Nate nang sabihin ni Euna ang gustong mangyari.

“Ayokong katabi ka sa pagtulog!” pagdadahilan niya at pumasok na sa isang kuwarto ng beach cottage.

“You survived five nights with me in your house!”

“Dahil walang choice kundi matulog tayong magkasama, okay? Now, we have two large bedrooms. Tig-isa tayo. Huwag ka nang magreklamo diyan,” sabi niya, sabay sara ng pinto ng kuwartong napili niya.

“You’re going to miss me, Euna!” malakas na sabi ni Nate na hindi pa rin umaalis sa tapat ng pinto.

“Excuse me. You’re going to miss me ,” ganting panunukso niya pero pakiramdam niya ay nagsinungaling siya sa sinabi. Mami-miss nga ba niya ang pagtabi ni Nate sa kanya sa pagtulog? She must admit, it was quite an experience sleeping with a man in her bed. Sure, as a woman, she felt restless inside. But she could not deny that there was also that feeling of serenity and refuge.

Napapalapit na ba siya nang husto sa lalaking ito nang hindi niya namamalayan?