noveltoon logo noveltoon
My Genie Lover

Chapter 1

Ch. 2 / 30 Nov 28, 2025

Hi! I’ m Fortunato Montoya. Call me “Nate” for short. Nakabasa na ba kayo ng fairy tale kung saan may prinsipeng naisumpa? Hindi ako prinsipe, lalong hindi ako Prince Charming material pero aksidenteng nasa ilalim ako ngayon ng isang sumpa.

HALOS pasuray-suray na naglalakad si Nate sa tabing-dagat pabalik sa kanyang beachfront cottage. He was wearing only white thick cotton pants. Hindi na niya alam kung nasaan ang batik na polo dahil sa mga babaeng kalampungan kanina.

Damn! Naubusan yata siya ng enerhiya sa katawan. Imagine, he just had a drinking spree and a sexual orgy with three women! Not one, not two… but three! Idagdag pang magdamag siyang nakipag-inuman at nakipagsayawan sa party. Siya na yata ang pinakahuling umalis doon, kasama ang tatlong babaeng naka-check in sa hotel ng resort. Ayaw pa siyang pakawalan ng mga ito kung hindi siya nagpumilit na umalis na ng hotel matapos ang mga acrobatic nila sa kama. He had to rest, too, right?

Malapit na si Nate sa kanyang cottage nang may mamataan na makinang na bagay na nakausli sa buhanginan. Napahinto siya sa paglalakad nang mapatapat doon at pinagmasdan ang parang metal na kumikislap sa liwanag ng buwan. Hindi niya napigilan ang kuryosidad. Yumuko siya para damputin ang makinang na bagay at nang hugutin iyon mula sa buhanginan ay napakunot-noo siya.

“What the fuck is this?” he muttered, binali-baliktad sa kanyang kamay ang hawak na parang maliit na takurî.

Yeah, it looked like a teapot, all right. May maliit na hawakan, takip, at buhusan. Pero sa buhusan niyon ay parang may nakabusal na maliit na piraso ng bulak o tela. At hindi niya maalis ang takip.

Was it really a teapot? It looked more like a… lamp. Yeah, an antique oil lamp.

Must be made of brass, he thought as he rubbed the metal. Saka niya initsa pabalik sa buhanginan ang lampara.

Ano naman ang gagawin niya sa basurang iyon?

Natigil si Nate sa balak na muling paghakbang nang may bigla na lang siyang nakitang usok na may iba’t ibang kulay. At nagmumula iyon sa lamparang itinapon niya sa buhanginan.

“What the—”

Nanlaki ang mga mata niya nang mawala ang usok at sumulpot ang isang babae. Babae. At napakaganda!

She looked like a foreigner. Hindi niya alam kung ano ang eksaktong lahi pero malalaki ang mga mata nitong parang asul o berde ang kulay , matangos ang ilong nito, at medyo tanned ang kulay. Nakapusod sa isang mataas na ponytail ang itim nitong buhok, may taling makapal na ribbon. And her outfit…

Maliit na vest, bubble pants, parang may nakapaikot na sash sa baywang. Hindi niya matukoy ang eksaktong mga kulay dahil sa kawalan ng sapat na liwanag nang oras na iyon. Parang tela ang sapatos ng babae na patulis sa dulo, kulay-ginto yata.

Harem costume? Parang sa India at Middle East?

At paanong?

“ Magandang umaga! ” bati ng babae na nakahalukipkip. “Isa akong jiniri , isang babaeng genie . At dahil pinalabas mo ako sa lampara ay bibigyan kita ng tatlong kahilingan.”

W-w-wait! What the hell was happening? Alak lang ang ininom ni Nate kanina, hindi siya nag-shabu, nag-heroin, o nag-marijuana!

Pumalakpak ang babae malapit sa kanyang mukha nang hindi pa rin siya nakapagsalita. He was getting catatonic. Okay, lasing nga siya.

“Hello! Kahilingan. Wishes?!” naiinip nitong sabi.

“Fuck me,” bigla niyang nasabi.

O baka naman nananaginip siya? Nakatulog na ba siya mula sa kalasingan at nananaginip ng isang maganda at seksing babae? Shit, kahit panaginip iyon ay nanghihina pa rin ang kanyang pakiramdam. He could no longer have sex! Mamaya siguro, puwede na.

“ Aba ’t manyak pa pala ang isang `to! Hindi ako prostitute, excuse me! Isa akong genie sabi!” nanlalaki ang mga matang bulalas ng babae. “Ang mga lalaki talaga. Kahit anong lahi, kahit anong siglo ay hindi pa rin nagbabago!”

“N-no, no! That’s not what I meant. I’m sorry, nagmura lang ako,” paghingi naman ni Nate ng paumanhin. “Sino ka nga uli?”

“Isa nga akong genie at binibigyan kita ng three wishes,” inip nitong sagot. “Dali na.”

“This can’t be real! L-lasing lang ako at nawawala na siguro ako sa sarili.”

“Look, man, this is really happening right now, lasing ka man o sabog.”

“Then I must be dreaming!”

Bumuntong-hininga ang babae at walang sabi-sabing sinampal siya sa mukha.

“Ouch!” daing ni Nate na sapo ang kaliwang pisngi. Natulig din yata ang tainga niya sa lakas ng impact ng sampal. “What the hell, woman?”

“Masakit, hindi ba?” nangungutyang sabi ng babae. “Puwede rin kitang dagukan o sipain para patunayang gising ka ngayon at ang lahat ng ito’y totoong nangyayari. O bugbugin na lang kaya kita para wagas kitang mapaniwalang nandito nga ako sa harap mo ngayon?” Iniumang ng jiniri ang kamao sa kanya.

“All right, all right!” Iniharang ni Nate ang dalawang kamay rito. “So, you were saying you’re a genie? Like a real genie? Seriously?” usisa niya.

“Naku, hindi. Joke-joke lang,” sarkastikong sagot ng babae. “Hindi ako genie. Naka-outfit lang ako ng ganito kasi bagong pauso ko rito sa beach.”

“ Sandali. ” Luminga-linga siya sa paligid. “Tara sa cottage ko, doon tayo mag-usap at baka may makakita sa atin dito,” yaya niya sa babae.

“Ikaw lang ang nakakakita sa akin.”

Man, this is insane!

“Bakit ka nga pala ganyan kung magsalita?” usisa ni Nate nang naglalakad na sila. “Marunong kang mag-Tagalog at mag-English pero hindi ka naman mukhang tagarito.”

Alam mo ring mang-antipatika!

“Genie nga ako, hindi ba? Isa `yan sa mga kapangyarihan ko. Kaya kong magsalita ng iba’t ibang lengguwahe sa mundo ninyo. Kahit anong dialect pa `yan, o kahit salitang kanto, gay lingo, o kahit jejemon pa.”

Hindi na nakipagtalo si Nate. Wala siyang energy para doon. Isa pa, this woman looked really hot. Kung pinaglololoko man siya nito ay sasakyan na lang niya. He could give her good sex later. Who knows? Baka pakana ito ng mga barkada niyang mahilig sa kalokohan. Humanda ang babaeng ito mamaya, mapapamura ito sa sarap.

“May pangalan ka ba?” tanong niya sa babae nang makapanhik sila sa cottage.

Umupo ito sa couch at nag-cross-legs. “Jinnea.”

“I’ m Nate. Fortunato Montoya. ”

Humalukipkip ito. “Ano na, Nate? May naisip ka nang three wishes?”

Shit. Ipinagpipilitan talaga ng babae na isa nga itong genie. Or maybe this was all part of her act. Elaborate role-playing! Kompleto sa props. Pero hindi pa niya kayang makipag-sex. Lasing siya at pagod. Tatlong babae ang tinrabaho niya kanina sa kama. He needed a little time to regain strength. Sasakyan muna niya ang trip ng babaeng ito. O kung nanti-trip nga talaga? Kung uma-acting lang si Jinnea ay puwede niyang bigyan ng trophy dahil wala sa mukha at ayos nito na nagsisinungaling.

“Sandali lang, mag-iisip pa ako.”

This is crazy ! Kung hindi lang siguro siya lasing, mas madali sana niyang mapapaniwalaan ang mga nangyayari ngayon.

“Ikaw ang huling misyon ko sa mundong ito bago ako bumalik sa amin. Ngayon ang ika-isang libong taon ko dito sa mundo ninyong mga tao,” sabi pa ni Jinnea.

“Saan ang sa inyo?” curious na tanong ni Nate, napahilot siya sa magkabilang sentido dahil sa tumitinding sakit ng ulo. Kailangan niya ng kape.

“Sa ibang dimension. Sasakit lang ang ulo mo kapag sinabi ko pa kung saan eksakto.”

“And you’ll really grant me three wishes?”

Nagbuga ng hangin si Jinnea. “Hindi ka rin makulit, ano?”

“Hey! Hindi araw-araw na nakakakilala ako ng genie!” Pinigil niyang matawa.

“Mag-wish ka na para mapatunayan mong totoo ako.”

“Ano kaya’ng magandang hiling?” pagsakay niya sa sinasabi ng babae. “Can you help me think of one? I’m sure you can think of a good one.”

“Napaka-demanding mong nilalang! Hindi kita puwedeng sabihan kung ano ang magiging wish mo. Kaming mga genie ay may mga rules ding sinusunod. At hindi lahat ng kahilingan ninyong mga tao ay maibibigay namin.”

“Really?”

“Oo. Hindi ka puwedeng humiling na mag-time travel. Hindi mo puwedeng buhayin ang patay. Hindi mo rin puwedeng i-wish na mamatay o magkasakit ang ibang tao, o baguhin ang nararamdaman nila. Bawal maging imortal, mag-start ng giyera, at marami pang iba. Just make a wish and I will tell you kung puwede iyon o hindi. And please, don’t even think of using your last wish para humiling ng unlimited wishes.”

“Ang arte naman pala!”

“Genie lang kami, may limitasyon ang kapangyarihan namin. Hindi kami Diyos.”

“So, God really exists, huh?”

“Matapos ang lahat ng nasaksihan mong paglabas ko sa lampara, nag-aalinlangan ka pa sa katotohanang iyon?” sabi ni Jinnea.

Okay, that was a good one. Paano nga kung totoo pala itong genie?

Shit. That would be a blast!

Nag-inat si Nate. Kailangan muna niyang magkape para makapag-isip nang deretso. Tumayo siya para magpunta sa kusina at gumawa ng kape sa coffeemaker. Strong, pure black coffee.

Umiiling-iling siya at bumubuntong-hininga habang naglalakad.

“I wish I wasn’t so drunk right now,” bigla niyang nasabi.

“ Done! ” narinig niyang sabi ni Jinnea.

Napatigil si Nate sa paglalakad. Biglang gumaan ang pakiramdam niya at nawala ang pananakit ng ulo. Hindi na siya lasing!

Nag-about-face siya at hinarap ang babae. “What the hell happened?”

“Nag-wish ka. `Ayan, tinupad ko. Hindi ka na lasing.”

“You’ve got to be shitting me!” nanlalaki ang mga matang bulalas niya.

“I shit you not. Now, second and third wishes, please.”

Sandaling natigagal si Nate, pilit ina-analyze ang nangyari. “You’re real,” mayamaya ay sabi niya. “Holy fuck, you’re real!”

“Sinabi ko na sa iyo kanina pa. Ang tigas lang ng ngalangala mo.”

“And I just wasted my first wish,” sabi niyang puno ng panghihinayang.

Nagkibit-balikat lang si Jinnea.

“Shit!” malakas na mura ni Nate at nagmartsa palapit sa babaeng genie. “Bakit mo sinayang ang unang wish ko?”

“Aba! Ako pa ang sisisihin mo? Ikaw kaya ang nag-wish diyan ! Malinaw ang narinig ko, nag-wish kang sana ay hindi ka lasing ngayon. Sabihin mong mali ang narinig ko.”

“But I was not being serious about it! Bigla ko lang nasabi iyon.”

“A wish is a wish. Hindi mo dapat ipinarinig iyon sa akin. May dalawa ka pa namang natitira.”

Okay, okay, kailangang kumalma ni Nate. Tuluyan na niyang na-realize na totoo nga ang nangyayari sa kanya ngayon. Natupad ang aksidenteng nai-wish niya!

“I’ve got to be careful in making wishes. I have to think really hard.”

“Hindi kita masisisi. Hindi ko na mabilang ang mga tatanga-tangang tulad mo na nagsayang ng mga kahilingan sa akin.”

“I’m not stupid!” asik ni Nate kay Jinnea. “Kailangan kong mag-isip nang mabuti. I need time. Matutulog na muna ako. And don’t you dare leave!” utos niya na nakaturo pa ang hintuturo sa genie.

She grimaced at him. “Hindi po ako aalis. Takot ko lang sa iyo,” sarkastikong sabi ni Jinnea. “At kahit hindi mo ako nakikita, tawagin mo lang ang pangalan ko nang tatlong beses at lilitaw ako sa harap mo.”

TATLONG oras nang pabiling-biling sa higaan si Nate, nag-iisip ng susunod na kahilingan. Ano ba ang gusto niyang mangyari sa kanyang buhay?

Well, a bum like him could use a lot of money. Paubos na ang perang nakuha niya mula kay Alejandro Montoya—ang kinalakhang ama—mula nang magpasya itong putulin ang ugnayan nilang dalawa.

Paano ba namang hindi mauubos ang kaban niya kung puro good time na lang ang kanyang ginagawa nitong mga nakaraang taon? Alcohol, women, and parties. Sa tatlong iyon umiikot ang mundo ni Nate. Sino ba namang lalaki ang ayaw sa ganoong lifestyle? Kaya, oo. Hihilingin niyang yumaman para humaba pa ang oras ng pag-e-enjoy niya sa buhay.

Nang hindi na makatulog, tinawag na ni Nate ang babaeng genie. Lumitaw naman ito sa kanyang harap sa ikatlong beses na pagtawag niya.

“Damn, you are real!” amazed pa ring sabi niya.

“May naisip ka nang wish?” tanong ni Jinnea.

“Yes. Gusto kong yumaman. I wish to be a millionaire!”

“ Done. ”

May lumitaw na isang maliit na piraso ng papel sa kanyang kamay. “ A-ano ito? ”

“Lotto-winning ticket.”

“Pinanalo mo ako sa lotto?” Tumingin si Nate sa kanyang kamay, lotto ticket nga ang hawak niya. Grand lotto ticket ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

“Sabi mo, gusto mong maging milyonaryo, hindi ba?”

“Oo! Pero paano kung isa o tatlong milyon lang ang premyo?” inis na sabi niya.

“Hey, you didn’t specify how many millions you want. Saka kahit isang milyon lang ang premyo diyan, matatawag ka pa ring milyonaryo.”

Itinapon ni Nate sa ere ang lotto ticket. “I want more than just one million pesos, damn it!”

“Greed kills, they say.”

“At least I’d die happy!” Dinuro niya ang mukha ng genie. “You know what? You’re treacherous!”

Gago talaga siya! Bakit nga naman hindi niya in-specify kung magkanong halaga ang gusto niya? He could’ve wished to be as rich as fucking Bill Gates instead! Or Tony Stark! Bruce Wayne!

“Ako pa ang treacherous? Did you ever hear the quote ‘be careful what you wish for’ ? ”

“Shut up!” inis niyang pagpapatahimik kay Jinnea.

“Huwag mong isisi sa akin ang katangahan mo! At nag-isip ka pa pala sa lagay na `yan, ha? Ang pagiging milyonaryo lang pala ang naisip mong kahilingan? At hindi ka pa kontento sa premyo sa lotto! Hindi mo alam kung ilang tao ang pumipila para bumili ng lotto ticket at wagas na nagdarasal para manalo sila, Nate. Ikaw, instant winner na. Dapat ay matuwa ka. Ingrato!”

“Not because of a lousy million pesos. Magkano lang `yon. Madali kong mauubos iyon!”

“Hindi mo pa naman alam kung magkano ang premyo.”

Kasabay ng buntong-hininga, pinulot ni Nate ang ticket sa sahig, saka nilapitan ang bedside table at dinampot mula roon ang kanyang iPad. Naupo siya sa kama at hinanap sa Internet ang Web site ng Philippine Charity Sweepstakes Office.

“Two hundred ninety-eight million and five hundred thirty-six thousand pesos!” bulalas niya nang makita ang hinahanap na premyo ng Grand lotto.

May isa ngang naka-indicate na winner doon. Dali-dali niyang ikinompara ang winning numbers na nasa Web site sa hawak niyang lotto ticket.

“M-matched,” hindi makapaniwalang sabi ni Nate. Pinasadahan pa niya nang dalawang beses bago siya tuluyang napaniwala. “Whoa! I won the lottery!” bulalas niya. At hindi lang isang milyon ang premyo kundi mahigit two hundred million pesos. No, almost three hundred million pesos! Tumayo siya at nagtatalon. “Holy shit! I’m rich. I’m so fucking rich! Hell to the yeah!”