Nice. Sabi ko na nga ba’t madali ko lang makukumbinsi si Euna. Money can buy everything in this world. Well, almost everything.
PASADO alas-singko ng madaling-araw nang gulat na magising si Euna. Tumutunog ang kanyang cell phone na katabi niya sa pagtulog. Groggy na nag-“ hello ” siya sa kanyang ina na nasa kabilang linya, saka muling pumikit. Pero agad siyang naalimpungatan nang marinig ang umiiyak na boses nito.
“`Nay? Ano po’ng nangyari?” nag-aalala niyang tanong, saka bumangon at umupo sa kama.
“Ang kapatid mo, si Ednar! Nasa kulungan siya ngayon!”
“A-ano po? Anong nasa kulungan— b akit? Ano’ng ginawa niya?” natataranta at sunod-sunod na tanong niya. Kulungan? Diyos na nasa langit! Wala silang lahing kriminal!
“N-nahulihan siya ng marijuana sa peryahan sa bayan.”
“Marijuana?” Napatayo siya. “Ano’ng ginagawa niya sa marijuana?” Addict na ba ang kapatid niya? Paano nangyari iyon? Saan naman ito kukuha ng pambili ng droga?
“H-hindi ko alam, anak!” umiiyak na sabi ng nanay niya. “ Ang sabi ni Ednar, may iniabot daw sa kanya si Octavio na isang maliit na paper bag at ipinabibigay sa isang kakilala nito. Pero biglang nagkagulo sa peryahan nang may mga pulis na biglang dumating at dinampot si Ednar! ”
“ `Tang-inang Octavio `yan! ” mariing mura ni Euna. “Sabi ko na nga ba’t drug dealer ang animal na `yan!”
“Euna! Puwedeng pati si Octavio ay na-set up lang din!”
“`Nay! Ano ba naman kayo?! Matagal ko nang sinabi sa inyo ang duda ko sa lalaking `yan, `di ba? Heto, napahamak na’t lahat ang anak ninyo, sa walanghiyang `yon pa rin kayo kumakampi?” puno ng hinanakit na sabi niya. “Nasaan na si Octavio ngayon?”
“Nandito sa bahay.”
“ Aba ’t— Ibig ninyong sabihin, hindi siya nahuli?”
“Wala namang nakita ebidensiya sa kanya. Si Ednar ang may hawak ng paper bag.”
“Pero kay Octavio galing ang paper bag na `yon!”
“Hindi niya inamin.”
“Tarantadong `yon, ah!” gigil na mura ni Euna. Kung nandoon lang siya, nataga na siguro niya ang demonyong stepfather. Wala na itong idinulot na maganda sa kanyang pamilya!
“Tama lang ang ginawa niya, anak. Kasi, paano na lang kung dalawa sila ni Ednar sa kulungan? Dalawa silang ilalabas natin.”
“Nanay, please lang. Huwag n’yo na po siyang kampihan! Ang anak ninyo ang nasa kulungan ngayon, ano ba naman kayo?!”
“Mahahabol pa naman daw `yon, sabi ni Octavio. Kaibigan niya `yong hepe ng pulis doon, `di ba? Hindi pa sasampahan ng kaso si Ednar kung—”
“Kung magbabayad tayo ng suhol?” pagtutuloy ni Euna sa sasabihin ng ina.
“`Yon lang ang paraan, anak. Kung ilalaban natin ito sa korte, tayo rin ang mahihirapan. Mas maiging ngayon pa lang ay ayusin na natin.”
“Kung magsalita kayo, parang nagpupulot lang ako ng pera dito sa Maynila,” hindi niya napigilang sabihin.
Umiyak na naman ang kanyang ina. “Sorry, `nak. Alam mo namang ikaw lang ang maaasahan ko sa ganito.”
Ano pa ba ang magagawa niya? Totoo naman ang sinasabi ng kanyang nanay. Siya, si Euna, ang pangalawang anak nito—ang laging takbuhan ng pamilya sa pangangailangang pinansiyal; ang troubleshooter, ang damage control. Kung minsan, gusto na niyang pagsawaan ang tungkulin sa pamilya pero mapapatid ba niya ang lubid na nag-uugnay-ugnay sa kanilang mag-iina? Iniwan na sila ng kanyang tatay, wala nang aasahan ang mga ito kundi siya.
Sa gitna ng desperasyon ay natawag niya si Nate. Nagtatakang lumitaw naman ito sa kanyang harap, nakasuot lang ng itim na boxer shorts. Natutulog na siguro ito nang tawagin niya, o may kasiping na namang babae sa kama. Ah, wala na siyang pakialam. Kailangan niya ito ngayon.
“Is there a problem, Euna?” tanong nito nang makita ang mukha niyang sambakol sa pagkaproblemado.
“Sorry to bother you this early,” nahihiyang sabi niya. “K-kailangan ko ang tulong mo, Nate.”
“Sure, I’ll do anything that I can for you,” very willing namang sabi nito.
“Nahuli ng mga pulis ang kapatid ko, napagbintangang nagbebenta ng marijuana. Inosente siya at ayoko siyang makulong. Wala pang isinasampang kaso sa kanya at kailangan namin siyang mailabas sa kulungan sa lalong madaling-panahon,” pisil-pisil ang sariling kamay na pahayag ni Euna.
“At mangyayari lang `yan kung susuhulan ninyo ang mga pulis, tama?” hula ni Nate.
Tumango siya. “Puwede namang ilaban sa korte, kaso mahirap na `yon siyempre. At ayokong umabot na sa gano’n. At isa pa, nag-aaral ang kapatid ko. Ayokong masira ang kinabukasan niya. H-hindi siya masamang tao, Nate.”
“Babalik ako sa bahay para kumuha ng cash. Ibibigay ko rin sa iyo ang isa sa mga ATM cards ko. Gamitin mo `yon.”
“Ayokong ipadala lang ang pera.” Tama, dahil baka ang walanghiyang stepfather niya ang makinabang pa niyon at mabubulok na sa kulungan ang kapatid niya! “Hindi ba puwedeng dalhin mo ako doon ngayon din? Gamitin mo `yong teleportation power mo.”
“Ako lang ang puwedeng mag-teleport, Euna. Puwede akong magbitbit ng mga bagay, pero hindi ng tao. ”
“Nakakaasar naman ang powers mo!” inis niyang nasabi. “Walang kuwenta.”
Humalukipkip si Nate at mabilis na nag-isip. “Saan ba ang sa inyo?”
“Sa Sinagtala, mga limang oras na biyahe mula dito. ”
“Which Sinagtala town? Give me the exact location. Puwedeng ako na lang muna ang magpunta doon, `tapos sumunod ka na lang.”
“Sa Alava, sa Barangay Puting Bato. Talaga, gagawin mo `yon?” natutuwang sabi niya.
Ngumiti si Nate. “Hindi ba sinabi kong tutulungan kita sa kahit na anong bagay?”
“Thank you!” tuwang-tuwang sabi niya na napayakap pa sa lalaki. She was overwhelmed. Hindi na niya malaman ang huling beses na may tumulong sa kanya. Sanay na siyang hinaharap ang mga problema nang nag-iisa mula nang mamatay ang kanyang ama. Hindi na niya naranasan pa ang umasa sa ibang tao.
“You’re welcome, sweetheart,” sabi ni Nate na humalik pa sa kanyang bumbunan.
Saka lang naging aware si Euna sa ginawa. She was hugging an almost naked man! Damang-dama niya ang tigas ng mga muscle nito sa dibdib. Mabilis siyang kumalas. Pero nakayakap pa rin ang dalawang kamay ni Nate sa kanyang baywang. Nakakulong siya sa matitipuno nitong bisig at dikit na dikit pa rin sa kanya ang katawan nito. He felt hard and smooth. He smelled fresh and manly.
Inilapat niya ang dalawang kamay sa dibdib ni Nate para itulak. Mahirap na. Nag-iinit na naman kasi ang pakiramdam niya. Baka kung saan na naman sila humantong ni Fortunato!
How could she forget that steamy moment they shared in the kitchen? How his fingers made her pussy seeping wet it was swelling and aching? And now, she could feel it throbbing in need again!
“WHAT are you doing, Nate?” nakataas ang isang kilay na tanong ni Jinnea sa kanya nang magkita sila ng genie sa bahay niya.
“What do you mean?” pagmamaang-maangan naman niya.
Kagagaling lang ni Nate sa bayan ng Alava kung saan niya tinulungan ang kapatid ni Euna na si Ednar na makalaya mula sa mga pulis. Gamit ang pera at matamis na pananalita, pinakawalan nga si Ednar na malinis ang records. Tuwang-tuwa sa kanya si Eden, ang ina ni Euna. Panay ang tanong nito kung ano ang kaugnayan niya sa dalaga nito at sinabi na lang na kaibigan niya si Euna at nagtatrabaho ito bilang personal assistant niya.
“Alam mo ang tinutukoy ko! Ano’ng ginagawa mo kay Euna?” mataray na kastigo ng babaeng genie.
“Iniimbestigahan mo ba ako?” Tumawa siya. “Wala sa rules na hindi ko puwedeng kumbinsihin ang mga taong nakapulot sa lampara na i-postpone muna ang paggamit sa mga kahilingan nila.”
Jinnea grimaced at him. Alam ni Nate na naisahan niya ito.
“Hindi ko naman pinilit si Euna. Kusa siyang pumayag sa kasunduan namin. At kapwa kami makikinabang dito. Relax, baby.”
“Relax my ass!” asik nito.
“Mas gusto mo bang nakakulong ako sa lampara?”
“Tahimik ang buhay ko kung nakakulong ka lang doon, Fortunato. Hindi ba sinabi ko na sa iyo noon na kailangan kitang bantayan sa loob ng isang libong taon? Hindi birong dusa `yon para sa akin!” Nanlaki ang mga mata ni Jinnea nang hubarin ni Nate ang suot na T-shirt sa harap nito para maghanda na sa pagligo. “Bastos!” bulalas nitong nag-iwas ng tingin.
“Whoa!” gulat na bulalas niya. “Nababastusan ka na sa akin? May epekto na sa `yo ang paghuhubad ko sa harap mo? Hindi ba sabi mo, wala kayong nararamdamang malisya?”
“ Ano ba?! ” bulyaw ni Jinnea nang umpisahan niyang kalasin ang sinturon ng kanyang pantalon. “Wala ka talagang kahihiyan, ano?”
Ang lakas ng tawa niya. “Come on, Jinnea. You’ve already seen my dick.”
“Ipakita mo pa sa akin at hindi ako magdadalawang-isip na putulin `yan gamit ang nail cutter.”
“Napakabayolente mo!” nakangusong sabi niya.
Inirapan siya ni Jinnea.
“Ah, I get it,” tatango-tangong sabi ni Nate at itinigil ang balak na paghuhubad. “Habang tumatagal ka sa mundo ng mga tao, nagiging parang tao na rin ang pakiramdam mo. Nagugutom ka na, nagkakamalisya na rin.”
“Kasalanan mo `to,” paninisi nito. “Pati ako nadamay na sa pagkagahaman mo sa kamunduhan.”
Naputol ang pag-uusap nila nang may kumatok sa pinto ng kuwarto ni Nate.
“Nate, `tol!”
Boses ni Andre ang tumawag sa kanya. Napatingin siya sa wall clock. Pasado alas-nuwebe na ng umaga. Tinawagan pala niya si Andre kagabi para magpatulong sa paghahanap ng bagong tirahan ni Euna.
Pinagbuksan niya ng pinto ang kaibigan at nagulat siya nang makita ni Andre si Jinnea. Ang alam ni Nate, puwedeng maging invisible ang babaeng genie na ito. Baka nga nagiging tao na ito nang hindi namamalayan!
“Hi there! Jinnea, right?” alanganin ang ngiting bati ni Andre kay Jinnea.
Nahihiya namang nagtaas ng kamay ang babae at bahagyang kumaway. “H-hello, Nicandro. Naaalala mo pa pala ako.”
“Siyempre naaalala pa kita!” mukhang natutuwang sabi ni Andre, pagkatapos ay nagpalipat-lipat ang tingin kina Nate at Jinnea.
“Oh, no! No, no no,” sunod-sunod na tanggi ng babaeng genie sa puwedeng iniisip ni Andre. “It’s not what you think at all. Hindi ako nakikipag-sex sa kaibigan mo.” Tumingin ito kay Nate at umirap. “No. Not ever,” nandidiring pagdiriin pa nito.
“Kaibigan ko siya, `tol,” sabi naman ni Nate kay Andre.
“Oo, alam ko. Nabanggit n’yo nga sa akin noon,” sabi ni Andre na hindi inaalis ang tingin kay Jinnea na salamat at nakadamit na pangnormal na tao.
Naka-skinny blue jeans at red floaty blouse si Jinnea. Ewan na lang kung ano ang iisipin ni Andre kung naka-harem costume ang babae sa kuwarto niya. His friend would surely think he was having kinky role-playing sex with a female genie! Yeah, and he would be who? Pervert Aladdin? Arabian Nights porn version!
“Kailan na ba tayo huling nagkita?” tanong pa ni Andre sa babae.
“Five, six years ago?” patanong ding sagot ni Jinnea.
Si Nate naman ang nagpalipat-lipat ng tingin sa dalawa. “May naaamoy akong kakaiba sa inyo, ah,” tukso niya.
Awkward na nakatingin si Jinnea sa mga paa nito habang ngiting-ngiti naman si Andre na parang high school boy na kausap ang crush. Nagba-blush pa yata. Kulang na lang, background music at parang eksena na sa romantic film ang lahat.
Ang baduy!
“Sarili mo ang naaamoy mo!” asik ni Jinnea at nilampasan na siya sa pinto. “Maligo ka na,” banat pa nito at binilisan ang paglakad palayo sa kanilang magkaibigan.
“Hey!” pigil naman ni Andre. “Wait, please.”
Tumigil sa paghakbang si Jinnea. “Y-yes?” tanong nito kay Andre na hindi lumilingon.
“ A-ahm … Kasi—”
Natapik ni Nate ang noo. Dakilang torpe pa rin ang kaibigan niya!
“W-when will I see you a-again?” kandabulol na tanong ni Andre kay Jinnea.
“Nasa paligid-ligid lang ako,” sabi naman ng babae at naglakad na palayo.
Parang naeengkantong inihatid ito ng tingin ni Andre palayo. Kung hindi pa siniko ni Nate ang kaibigan, hindi ito magigising mula sa parang pananaginip nang gising.
“Huwag mong sabihing may gusto ka sa babaeng `yon?” kantiyaw niya.
“Bakit? Masama ba?” angil naman nito.
Tumawa siya. “You don’t know who you’re dealing with, my friend! Maghanap ka na lang ng ibang girlfriend—no, not a girlfriend. Go look for a fuck buddy instead!”
Muntik na siyang batukan ng kaibigan. “Hindi mo ako katulad, gago!”
Mayamaya pa ay tumuloy sila sa lanai at nagpahatid doon ng kape sa isa sa mga kasambahay.
“Tell me about her,” sabi ni Andre.
“About Jinnea?” Inamoy muna ni Nate ang aroma ng mainit na kape sa tasa bago marahang hinigop. Ninamnam niya ang kape sa bibig. Dapat na niyang i-enjoy ang mga bagay na gaya ng fresh brewed coffee dahil hindi niya alam kung hanggang kailan iyon matitikman.
“Yes! Alam kong single pa `yon dahil hindi ka nakikipagkaibigan sa mga babaeng may sabit na. Come on, man, I want to know her more. Naalala kong iniwasan mong magkuwento noong huli kitang tinanong tungkol sa kanya.”
“Nakausap mo na siya noon, hindi ba?”
“Sa loob ng mahigit sampung taon, parang limang beses lang kaming nagkita. Una, noong bigla ka na lang nag- istokwa at iniwan niya sa akin ang kontrol sa pera’t bahay mo. Ni hindi ko alam na may malapit ka pa palang kaibigan bukod sa akin. Babae pa!”
“Masyado ka naman kasing laging busy sa trabaho kaya hindi mo na alam ang nangyayari sa akin.”
“Iisa lang ang alam kong ginagawa mo sa mga babae, Nate. Hindi mo sila kinakaibigan!”
“Iba si Jinnea. Takot ako do’n.”
Kinilabutan pa si Nate nang maalala ang sinabi ni Jinnea kanina na puputulin nito ang kanyang ari gamit ang nail cutter. Shit. Umurong yata ang manoy niya kanina sa sindak!
Ang lakas ng tawa ng kanyang kaibigan. “So, who is she?”
“Bakit hindi mo siya in-interview noon?”
“Lagi siyang nagmamadaling umalis, eh.”
“She’s not from here, `tol. Galing siya sa… malayong-malayong lugar. ”
“Saan? Sa Middle East?”
Nagbuga ng hangin si Nate at muling humigop sa kape. Kung sabihin kaya niya ang lahat-lahat kay Andre? Ah, hindi pa iyon ang tamang oras. Isa pa, malilintikan siya kay Jinnea kung ibubuking niya sa iba ang identity nito.
“Hindi ko alam kung saan eksakto. Ayaw ring sabihin sa akin.”
Kailangan niyang kausapin si Jinnea para pagkasunduan nila ang gagawing pagsisinungaling kay Andre. Hindi siya ekspertong magsabi ng mga salitang hindi totoo.
Lumaylay ang mga balikat ni Andre. “That’s strange. Does she have a number? Tumanggi siyang makipag-contact sa akin noon by any means.”
“It’s like this, `tol. Habang nandito ako sa Pilipinas, asahan mong makikita mo rin si Jinnea.”
Nagliwanag naman ang mukha nito, nagkaroon ng munting pag-asa.
Shit. Mai-in love pa yata ang kaibigan niya sa isang jiniri !
“Nakahanap ka na ng condo?” pagbabago ni Nate ng usapan. This whole lovey-dovey bullshit was giving him the creeps, really.
“Oo. `Yan nga ang ipinunta ko dito. May available unit do’n sa condo building na pinanggalingan mo dati. Fully-furnished na ibinebenta ng may-ari.”
“Good.”
“ Sino naman ang ititira mo do ’ n? ”
“ Si Euna. ”
“Sino naman si Euna?”
“Some girl. Kailangan niya ng matitirhan.”
“ Kaibigan mo rin? ”
Kaibigan? Gustong matawa ni Nate. Malayo sa friendship ang nararamdaman niya kay Euna. Punong-puno siya ng pagnanasa sa dalaga. At naiinis na siya dahil lagi siyang nabobokya tuwing nagbibigay siya ng sexual advances dito. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon kasidhi ang libog niya pagdating na pagdating kay Euna sa kabila ng katotohanang mas marami siyang ibang babaeng puwedeng makasiping ano mang oras.
“Special friend,” nangingiting sabi niya.
“Ang baduy mo!” kantiyaw naman ni Andre.
“Mas baduy ka! Nagba-blush ka kanina kay Jinnea! Daig mo pa ang nasa high school, `tol. Nakakasuka!”