I miss my girl. Ano ba ang dapat kong gawin para makipagbati na sa akin si Euna? Kung ano-ano na ang iniregalo ko sa kanya. Mukhang funeral room na rin ang condo unit niya sa dami ng bulaklak na dinala ko doon. Haranahin ko kaya? Shit! Sintunado pala ako, parang tunog ng minomolestiyang kambing. Well, not that I’ve already heard such a weird sound. Basta, gano’n ang naiisip kong magiging tunog ng boses ko kapag pinilit kong kumanta.
“I’M SORRY. Please, patawarin mo na ako, Euna,” pagmamakaawa ni Nate nang muli itong magpakita sa condo unit ni Euna. May dala uling paper bag ang binata na naglalaman ng regalo at isang basket ng mamahaling flower arrangement.
“Ayokong makipag-usap sa `yo. Bakit ba ang kulit-kulit mo?” naiinis niyang sabi kahit sa loob-loob, gusto nang hilahin at halikan ang binata.
Aba, marunong din naman siyang magpakipot, ano? Hindi pa siya handang makipagbati. Isa pa, naiinis pa rin siya tuwing naaalala ang babae sa kandungan ni Nate sa hagdan!
“ Sino ang gusto mong makausap? Si Ephraim? ” parang nagseselos na tanong ni Nate.
Inabutan kasi siya ni Nate na may kausap sa cell phone. At nang tanungin siya nito kung sino iyon, isang malutong na “wala kang pakialam!” ang sagot niya. Si Ephraim pala agad ang in-assume nitong kausap niya. Pero ang totoo, ang kapatid niyang si Ednar ang nasa kabilang linya. Na siyang dahilan kung bakit doble ang init ng ulo niya nitong mga nagdaang araw. As usual, nakakainis na namang balita ang hatid ng kapatid.
Isang tingin na matalim pa sa Hattori Hanzo sword sa pelikulang Kill Bill ang isinagot ni Euna sa tanong ni Nate.
“Kinakausap ka pa ba ng gagong `yon?” muling sita nito.
Pinamaywangan niya ang binata. “Ano naman ngayon sa `yo?”
“Siya ba ang dahilan kaya ayaw mong bumalik sa akin?”
Hindi uli niya ito sinagot. Humalukipkip lang siya.
“This cool-off is killing me!” angal ni Nate at inilapag ang mga dala-dala sa mesita sa sala.
“Cool-off?” Sarkastiko siyang tumawa. “Mga magsyota lang ang dumadaan sa cool-off, Fortunato!”
“Ano pa ba ang tawag mo sa atin?”
“ We ’re just fucking, that doesn’t mean we’re—”
“Pareho nating alam ang totoo, Euna,” putol nito sa sasabihin niya. “ We ’re a couple now. Boyfriend mo na ako sa ayaw at sa gusto mo. At girlfriend na kita,” puno ng paninindigang deklara ni Nate.
“Do you even hear yourself? O baka naman nakalanghap ka lang ng katol ngayon at kung ano-ano’ng pinagsasabi mo diyan?” Ikinumpas niya ang isang kamay sa mukha ni Nate na parang ginigising ito mula sa pagkatulala kahit normal naman ang hitsura. “Hindi ka nakikipag-girlfriend, Nate! Hindi mo kayang makipag-commit. You just love fucking women, that’s it.”
He opened his arms in surrender. “Well, I just declared you as my girlfriend. Alam na ng lahat ng kakilala ko. Sue me,” hamon nito.
“That’s not going to stop you from being a player! Mambababae ka pa rin. Old habits die hard, remember?”
“Hindi ako nambababae! Ilang beses kong sasabihin sa `yo na walang nangyari sa amin ng babaeng nakita mo? It’s only you that I want, Euna. Nagugulat din ako sa mga sinasabi ko, pero iyon ang totoo. Ikaw lang ang gusto kong babae sa buhay ko.”
Hindi niya maitatanggi ang kilig na naramdaman sa mga narinig. Pero bukod sa pagkakilig, may iba pang umatake sa kanya nang mga sandaling iyon. Inirapan niya si Nate at lalong sinimangutan. “Makakaalis ka na.”
“I’m staying,” matigas na pasya nito.
“Nate! Bakit ba ang kulit mo?”
Humalukipkip ito. “Dahil makulit ka rin.”
“Excuse me.” Tumalikod na siya pero maagap na napigilan ni Nate ang kanyang braso.
Oh, his touch. How she was longing for it again. But not now, damn it! Magpapakipot nga siya, hindi ba? Isa pa, lumalakas ang atake sa kanya ng isa pang nararamdaman ngayon.
“ Ano ba?! ” singhal niya. “Umalis ka na sabi!”
“ No! ” tanggi ni Nate, sabay iling.
“Let me go, Nate!”
Parang bakal ang kamay na nakahawak sa kanyang pulso. Hindi niya iyon maalis.
“I won’t let you go.”
“Kailangan mo akong pakawalan ngayon!”
“Give me one good reason to leave—”
“I need to use the rest room, all right? Natatae ako!” mataray niyang sabi.
“You’re kidding,” nakangising sabi ni Nate.
Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “Hindi ako nagbibiro. Ano ka ba? Pakawalan mo na ako sabi! Masakit na ang tiyan ko.”
Binitiwan na siya ng binata. “Fine. I will wait.”
“Wala kang mahihintay!” sabi niya at mabilis na naglakad papunta sa restroom na nasa kusina.
Sumunod naman si Nate na desidido talagang hindi umalis doon.
“Leave, Nate!” utos ni Euna. “Umalis ka na kung ayaw mong aksidente kong magamit ang huling kahilingan ko,” banta niya bago pumasok sa banyo.
ILANG araw nang mainit ang ulo ni Euna at lalo pa siyang nabuwisit nang tumawag uli si Ednar at ipinamalita ang mga kabalbalang ginagawa ni Octavio.
“Sarap ipahuli ng gagong `yan kung may matibay na ebidensiya lang sana at kung hindi makikialam si Nanay!” gigil na sabi niya bago sila nagpaalamang magkapatid.
Narinig daw ni Ednar sa kapitbahay na nagpatuloy na naman daw si Octavio sa pagbebenta ng marijuana. Nagmamalaki pa raw sa nanay nila na kaya nitong kumita ng maraming pera. Nakitaan din daw ito ni Ednar ng baril.
And now, Euna was more pissed off than ever. Dalawang araw na silang hindi nagkikita ni Nate at naiinis siya dahil nami-miss niya ang presensiya ng binata. Ilang ulit itong tumawag at tatlong beses ding nagpakita sa condo unit pero lagi niyang itinataboy. Sumuko na rin yata ang mokong at pagkatapos ng tatlong araw na pangungulit ay tinantanan na siya. Eksaktong limang araw na ang lumipas mula nang mag-away sila at ngayon ay halos mabaliw-baliw na siya sa pagkasabik dito.
Damn it, Euna, pagkausap niya sa sarili. Magpakatatag ka nga! Lalaki lang `yan. Napapalitan. Naka-move on ka na nga kay Ephraim.
Pero hindi basta-bastang lalaki si Nate. At iba ito kay Ephraim. Ibang-iba.
Tuksong bumalik sa isip ni Euna ang maiinit na pagtatalik nila ni Nate, kung paano siya nito halikan na parang wala nang bukas, kung paano sambahin ang kanyang buong katawan—mula sa kanyang buhok at mga daliri sa mga paa, kung paano siya ihatid sa tuktok ng kaluwalhatian nang paulit-ulit.
Kakaibang ligaya at sarap ang nararamdaman niya tuwing kasiping ang lalaki. It was almost bizarre but it felt like they were possessing each other’s body and soul. Oo nga’t naipangako niya sa sarili na walang magmamay-ari sa kanyang sarili kundi siya lang, but she couldn’t deny that she had given Nate a huge chunk of herself—o kung ganoon ba dapat niya i-describe iyon? She owned herself, but she had let him join her in almost all aspects of her life. Ganoon nga. Pinapasok niya si Nate sa kanyang sarili at pinanatili ito sa kanyang kalooban.
So, yeah, siguro nga, it was like they owned each other. And it felt so good and so right. And somehow, something was telling her that it was meant to be that way. She was meant to be with him in the most intimate, passionate way.
Naalala pa ni Euna ang huling beses na pagtatalik nila ni Nate bago sila mag-away. Nasa j acuzzi sila ng mansiyon nito, nagre-relax sa pagbababad doon hanggang sa hindi na pagre-relax lang ang gusto nilang gawin. They just couldn’t resist each other, lalo na kapag napapalapit sila sa isa’t isa. Idagdag pang wala silang saplot sa kanilang mga katawan.
Nag-init ang buong pakiramdam ni Euna nang maalala ang buong eksena. How they started stroking each other’s genitals. How she playfully squeezed his cock with her boobs. How they rocked with each other. How he managed to make her come three times. She rode him in a reverse cowboy style while they were still in the water. She rode him hard until she came. As she was still recovering from her orgasm, Nate took her from the rear. Dahil pagod pa siya, ang binata lahat ang kumilos para sa kanya. Hinawakan siya nito sa baywang at dibdib habang nakaluhod sila sa jacuzzi at muli siyang inihatid sa sukdulan.
He was in full charge of the situation as he showed total control in restraining himself to give in to his climax. Sa pangatlong beses na pag-orgasm, hindi pumayag si Euna na hindi na sumabay si Nate sa kanya. Nasa ibabaw siya noon ng bathroom counter at sinabayan niya ng mararahas na paggiling ang bawat pag-ulos nito sa kanya hanggang sa sabay silang sumabog.
Si Nate pa lang ang lalaking nakasiping ni Euna, pero masasabi niyang napakagaling nitong magpaligaya sa pakikipagniig. She had never left his arms unsatisfied. She always ended up craving for more. She was burning for him, the flames out of control.
“Shit!” Napamura siya at napatayo mula sa kama. Bigla tuloy siyang pinanuyuan ng lalamunan. “It’s just a physical need. I’m just horny tonight,” sambit niya habang lumalabas ng kuwarto para magpunta sa kusina at kumuha ng malamig na tubig.
Muli siyang napamura nang maubos ang isang baso ng malamig na tubig na mula sa water dispenser.
Nang bumalik sa kuwarto, hinubad ni Euna ang damit. Hindi na niya kaya ang init na umaalipin sa kanya, kailangan niyang ilabas iyon.
She tried touching herself in bed, tracing her fingers on her private parts. Ginaya niya ang galaw ng mga kamay ni Nate sa kanyang katawan—the way he caressed her boobs, the way he sensually mashed them… Oh, if only her hands could imitate the way he sucked on the nipples.
Pumikit si Euna. She tried to imagine one of their kinky sexual acts. Ah, yes… Noong itinali ni Nate ang kanyang mga kamay gamit ang dalawang scarf sa headboard ng kama habang nakasandal siya roon. Parang bagong panganak na sanggol na hubad na hubad siyang nakahiga sa kama noon habang si Nate ay balot na balot ang katawan ng suot na pang-business suit.
Galing ang binata sa isang meeting sa investment firm noon at sinundo siya mula sa condo unit para mag-dinner. May regalo ito sa kanyang dalawang Burberry silk scarfs. Nag- “ thank you” siya at sinabing marami na siyang scarf at hindi na nga nagagamit ang iba. May pilyong ngiti sa mga labi na sinabi ni Nate: “Hindi lang sa leeg ginagamit ang scarf, Euna.”
And so, they proceeded to his mansion, to his soundproof room and double king-size bed…
Nate poured Coole Swan Superior Dairy Cream Liqueur to Euna ’s body. Una sa kanyang lalamunan. He licked the thick liquid in there. Then he poured some on her breasts where he hungrily lapped and slurped the liqueur. Hindi rin pinaligtas ng binata ang kanyang pusod. Binuhusan din nito iyon ng Coole Swan at pinaglaro doon ang dila at bibig. She was wriggling in delight…
“Lower,” paungol na sambit ni Euna sa gitna ng pagbabalik-alaala, inulit ang sinabi niya noon kay Nate habang pinaliligaya siya nito sa tulong ng alak.
Ibinaba niya ang kamay sa pagitan ng mga hita. Her fingers slowly traced her secret place. Napasinghap siya.
“Hmm… Whiskey, chocolate, cream, plus the most delicious part of you… So fucking intoxicating. This is sex overload, baby,” narinig niyang sabi ni Nate habang hinahalik-halikan ang kanyang mga hita. “Tell me if it stings, okay?”
“Okay.”
He then poured the liqueur in between her thighs, causing her to gasp at the tingling sensation.
“Go on, Nate. Eat me,” she playfully told him.
Nate licked and slurped the alcohol from her pussy. He lapped her real good, sucking on the labia.
“Aah, delicious,” he murmured against her moistness…
“Ooh!” hindi napigilang ungol ni Euna, ginaya ng mga daliri ang galaw ng dila at bibig ni Nate. Basang-basa na ang kanyang pagkababae at parang umuungot na iyon ng mas matinding aksiyon.
She also remembered him pushing two fingers inside her while he was suckling her clit…
Euna jerked violently, answering the assaulting digits and mouth. Nate wiggled those fingers inside her, pumped them in and out. He then crooked his fingers upward and hit her G-spot…
“Mmm… Oh, Nate,” daing niya nang ipasok sa kaselanan ang dalawang daliri. She rocked her body while she was finger-fucking herself, desperately trying to duplicate Nate’s moves inside her…
Nate stimulated that secret treasure spot by rubbing and doing rigid scooping motions with his digits. She remembered having a blinding, pulsing moment of orgasm with his amazing fingering and cunnilingus…
Euna slowed down. Ayaw muna niyang akyatin ang sukdulan. Gusto niyang patagalin ang sarap na nilalasap…
Nanginginig pa ang buong katawan niya sa kama ni Nate nang unti-unti nitong hubarin ang mga suot na damit sa kanyang harap. He was teasing her big-time. And when she saw his full imposing erection, she couldn’t help but feel an arousal again. His manly scent was like an aphrodisiac to her senses…
Itinigil niya ang paggalaw ng mga daliri sa kanyang ari , her vaginal walls swollen and pulsating around her fingers. Napakagat-labing inalala niya ang sunod na nangyari nang gabing iyon…
“Do you want more?” nanunuksong tanong ni Nate.
Ilang beses na tumango si Euna. She opened her mouth and accepted his two fingers that were soaked in her female juice. She let out a long “mmm” while sucking them.
Tumabi ang binata sa kanya at hinalikan siya sa mga labi. She savored the liqueur and her essence. Umangal siya nang tapusin agad ni Nate ang halik. She was helpless as she was tied to the bed, especially when she had a desperate need to touch and pleasure him, too.
He poured a little amount of liqueur on his cock and stood in front of her. “Lick it,” utos nito.
She did. She licked his cock real good, lapping and sucking the swollen dome while Nate was holding the back of her head. The taste of the liqueur mixed with his preejaculation was exhilarating her. When she looked up at him, he gave him a wide smile and then he pushed his pelvis forward, filling her mouth with his rod. She gave him a blow job in which she had already became an expert on.
“Euna! Aaah!”
She hummed louder, creating a more intense vibration around his shaft. She wanted him to come inside her mouth, but he pulled away and kneeled in between her open legs. He lifted her buttocks and impaled her, filling her completely with his throbbing enormity.
“You’re always tight,” sabi ni Nate.
Ngumiti siya. “Malaki ka lang talaga.”
He let out a low laugh and proceeded to give her more pleasure. He pushed deeper and ground against the mound of her pussy, making sure his crotch was rubbing her clit.
“Oh, Nate! Nate! Mmm, baby! Oooh!”
Marami siyang tataluning porn stars sa malalakas na halinghing. Akala niya noon, overreacting ang mga napanood niyang responses ng mga babae sa mga porn videos. But no. Uh, maybe those women were just acting. Pero hindi siya puwedeng umarte kung tinatrabaho na siya ni Nate. Kusa siyang napapadaing at napapaungol nang malakas. Napapasigaw…
Muling iginalaw ni Euna ang mga daliri, naglalaro sa alaala ang mga sumunod na ginawa ni Nate. How he rigidly possessed her—groaning rowdily, pounding into her in a fierce paroxysm.
Kusang umarko ang kanyang katawan, umikot ang balakang habang patuloy na naglalabas-masok ang mga daliri sa kanyang pagkababae…
“ Come, ” sabi ni Nate habang pabilis nang pabilis ang mga pag-ulos.
“Yes!”
“Now. With me…”
Isang mahabang sigaw ang pinakawalan ni Euna nang sumambulat ang init sa kanyang katawan. Nanlalatang ibinagsak niya sa kama ang kaninang nakaangat na katawan. She pulled her digits from her quivering cunt. It felt good, all right. Kahit paano, naibsan ang sakit na nararamdaman niya mula sa pangungulila sa pakikipagtalik kay Nate. It was not enough. Not even close to the real thing. Iba pa rin ang pakiramdam kung si Nate mismo ang nagbibigay ng sarap sa kanya.
She wanted to see him, feel him, share her body with him…
She wanted to be fucked by him. Only him.
Sex was not really the problem, she realized.
Everything that she was feeling tonight was more than just a physical need, of course. Sino ang niloko niya?
TAMBAK na ang mga iniregalo ni Nate kay Euna pero ayaw pa ring makipagbati ng dalaga sa kanya. Nag-aalala naman siyang magpakita uli sa unit nito dahil baka sa inis sa kanya, aksidenteng maka-wish ito nang di-oras.
Inis na inis din siya kay Jinnea na ilang araw na rin niyang hindi kinikibo. Nilalampasan lang nila ang isa’t isa sa loob ng kanyang bahay. Napansin niyang maligalig din ang babaeng genie. Siguro dahil nakipag-away rin ito kay Andre noong gabi ng party.
Women.
“Single again?” tukso ni Andre nang magkayayaan silang kumain sa restaurant isang tanghali ng Sabado.
“Lagi naman akong single,” nakasimangot na sabi niya.
Tama. Dahil kahit ano pa sigurong pilit ang gawin ni Nate sa sarili kay Euna, hindi siya nito matatanggap nang buong-buo. Nakatakda nga yata siyang mag-isa habang-buhay. Kaya siguro siya naulila, ayaw sa kanya ng mga kamag-anak niya, pati na ang mga nakaampon sa kanya. Oo nga’t may best friend siyang maituturing, pero may kanya-kanya rin silang buhay ni Andre. Magkaiba sila ng mga hilig, ng tinatahak na landas. Hindi sila laging magkasama o magkausap. Iba pa rin ang taong lagi siyang kasama, kausap, natutulog sa ilalim ng iisang bubong.
Kaya siguro siya napailalim sa sumpa ng mahiwagang lampara—para magkaroon ng mahabang panahong pagmasdan ang mundo, to watch everything come and go. And then he would die. Alone. One thousand years of being alone. Saklap.
Saklap? Hindi ba iyon naman ang gusto niya talaga? Ang mag-isa at magdaan lang ang mga tao at mga bagay sa kanyang buhay? He hated commitment and responsibilities. He never ever planned to get in a relationship. Pero sa piling ni Euna, naramdaman niya ang hindi mag-isa, ang magkaroon ng pamilya kahit sandali lang. He felt wanted and needed as a man.
“Hindi pa rin ako kinakausap ni Jinnea,” frustrated na pagbabalita sa kanya ni Andre. “Nahihirapan na akong intindihin siya. Akala ko dati, nagkakaintindihan na kami, na gusto namin ang isa’t isa. Just when things were getting better and better… boom! Do’n naman siya nag-umpisang parang nanlalamig sa akin, parang napipilitan lang manlamig. At pakiramdam ko pa, may inililihim siya sa akin.”
Napabuntong-hininga na lang si Nate. Ayaw naman niyang pangunahan si Jinnea sa pagsasabi ng katotohanan kay Andre.
“Ganyan naman lagi ang mga babae. Mahirap intindihin.”
“Tagasaan ba talaga siya, `tol?”
“Sinabi na naming taga-Turkey siya, nagkakilala kami sa Egypt. Lumaki siya sa Pinoy na lolo kaya magaling siyang mag-Tagalog. She’s in this quest of—”
“Yeah, yeah… Quest of travelling the whole world like you did, pero nanakawan ng pera at ayaw humingi ng tulong sa pamilya niya dahil baka pabalikin siya sa Turkey kaya sumama na lang siya sa iyo.”
“Right.”
“Pero parang mayroon pa rin siyang itinatago,” pilit ni Andre. “Hindi siya nagkukuwento tungkol sa pamilya niya at kung nagtatanong naman ako, lagi niyang inililiko ang topic.”
“Ayaw mo ba n’on? She’s mysterious and fun. Nasanay ka na kasi sa mga babaeng predictable at boring gaya ng ex mo.”
Seryosong tumingin si Andre sa kanya. “Nagtataka rin ako sa `yo.”
Kinunutan niya ito ng noo. “Bakit naman?”
“Hindi ka kasi nagkakaroon ng babaeng kaibigan.”
“Jinnea is different.” Hanggang kailan ba sila magsisinungaling kay Andre?
“Saka hindi ka rin charitable. Hindi ako makapaniwalang nagbigay ka ng donasyong isang milyong piso sa Safe Haven kanina,” sabi pa ni Andre.
“Biniyayaan ako ng milyon-milyong piso, alangan namang hindi ko `yon i-share sa iba? Saka ang ampunang `yon ang nag-alaga sa atin noon.”
“Naniniwala na akong may magandang epekto sa iyo `yang sinasabi mong soul-searching around the world kuno.”
Pilit na ngumiti si Nate at napabuntong-hininga bago sumubo ng pagkain.
“Magbabati rin kayo ni Euna,” sabi ni Andre na parang iyon na lang ang alam nitong problema niya.
“Sana nga. Nami-miss ko na siya,” mahina niyang sabi.
Tumawa si Andre. “Ang dami talagang nagbago sa `yo. Nakokontento ka na sa iisang babae lang.”
“Hindi naman mahirap,” pag-amin ni Nate. Yeah, it was even effortless. Hindi na niya kayang isipin ang sariling may kaulayaw na ibang babae. Si Euna lang ang gusto niyang kasiping.
“May himala nga talaga!”
Himala pala, ha? Napailing si Nate. Ewan na lang kung ano ang magiging reaksiyon ni Andre kapag nalaman nito ang totoo tungkol kay Jinnea, at tungkol sa sinapit niya.
TUMAWAG kay Euna ang nanay niya nang hapong iyon at para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib nang makipagbati ito. Sino naman siya para tikisin ang sariling ina? Mahal na mahal niya ito.
“Pero sorry, `Nay, hindi ko pa rin tuluyang matatanggap si Octavio,” matapat niyang sabi.
“Pero kaya mo bang intindihin na mahal ko siya?”
Hindi siya nakapagsalita.
“Anak, nasa isang relasyon ka rin ngayon, hindi ba?”
“I-iba naman po ang kaso ko.”
“Lagi ka namang iba, Euna. Iba ka sa akin, sa amin nina Elsa at Ednar. Iba kang mag-isip, iba ang pananaw mo sa buhay. Nagmana ka kasi sa tatay mo, matalino ka at madiskarte. Bago ka nagdedesisyon sa isang bagay, pinag-iisipan mo itong mabuti. Pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangang isip lang ang paganahin mo, anak. Minsan, sundin mo rin ang instinct mo.
“Tama kami ni Elsa sa naiisip namin noon tungkol sa inyo ni Ephraim. Sinagot mo siya dahil kilala mo at kaibigan mo siya kaya sigurado kang hindi ka niya sasaktan. Hindi ko sinasabing hindi mo siya minahal. Siyempre, minahal mo rin siya sa romantikong paraan. Pero mas nakakaangat ang kasiguruhan ng pag-iisip mo sa piling niya kaya siya napamahal sa `yo.”
Tahimik lang na nakikinig si Euna. Hindi siya nakikinig sa mga payo ng kanyang ina at Ate Elsa pero sa pagkakataong iyon, nararamdaman niyang may katotohanan ang sinasabi ng mga ito.
“Iba naman si Nate sa buhay mo. Nakikita ko ang pag-aalinlangan mo pero nandoon pa rin ang kagustuhan mong makasama siya. Mas nakakaangat ang pagkagusto mo sa kanya kaysa sa alinlangan mo. Anak, mahirap naman kasi talagang ipaliwanag ang pag-ibig. Gaya na lang sa `yo na na-in love sa kaibigan mong si Ephraim, `tapos nakipaghiwalay ka sa kanya at ngayon naman ay na-in love ka na kay Nate.”
Gustong matawa ni Euna. Nasukol ba siya ng ina? Hanggang kailan niya itatanggi sa sarili ang tunay na nararamdaman para kay Nate? She desired him, needed him, adored him. Sa munting sulok ng kanyang damdamin, alam niyang may isang bagay na umuusbong doon. Isang espesyal na bagay. Iyon din ang dahilan kaya siya nagalit sa party sa bahay ni Nate. Nagselos siya sa babaeng inabutan niyang humaharot sa binata.
Malamang nga, mahal na niya si Nate. Ayaw lang niyang tuluyang umamin o mahulog pa dahil sa komplikado nilang sitwasyon.
“Pero, `Nay, si Octavio pa talaga?” nakangusong nasabi niya. “Wala na kayong ibang napili diyan?”
Tumawa na lang si Eden. Alam niya na iniiwasan na lang nitong makipagtalo sa kanya.
Siguro nga, mahirap ipaliwanag ang pag-ibig. Pero kailangan ba iyong ibigay sa taong hindi naman karapat-dapat? Sorry naman, pero sa alam niyang hindi deserving si Octavio sa kahit na ano mang uri ng pagmamahal, ano? Hopeless case ang taong iyon.
“Naaalala mo pa ba ang laging sinasabi sa `yo noon ng tatay mo? Lalo kung lasing siya at napapa-English?”
Napangiti si Euna. “Never give up on people.”
“ Eksakli .”
“Pero, Nanay, naman, eh,” maktol pa rin niya. “Sorry po talaga, pero kahit sapian ako ng espiritu ng pitong anghel ay hindi ko pa rin kayang masikmura si Octavio.”
Naging malamlam ang boses ng ina nang muli itong magsalita. “I love you, anak. Gusto ko lang malaman mo `yan.”
“Alam ko naman po `yan.”
Napahilot si Euna sa batok. Nasasaktan siya dahil parang kinailangan pang ipaalala ng kanyang ina ang tungkol sa pagmamahal nito sa kanya. Nagagalit siya dahil kailangan nitong gumitna sa pagitan nila ni Octavio. Her mother probably had the biggest heart of all.
“Siguro wala akong mabuting payo na nasabi sa iyo dahil hindi ako kasintalino ng tatay mo. Pero alam kong hindi ako nagkulang sa pagmamahal at pag-aaruga sa `yo. Mahal na mahal kita, anak.”
“Kahit ano’ng mangyari, anak n’yo pa rin ako. Mahal na mahal ko rin kayo, `Nay.”