Being born in this world is not our choice. Minsan, naliligaw tayo ng landas dahil sa madilim na kahapon, dahil sa kagagawan sa atin ng ibang tao. Pero minsan din, nabibigyan tayo ng chance na makita ang tamang daan. Nasa ating pagpapasya pa rin kung anong daan ang tatahakin natin sa huli.
TAPOS na ang pictorial nina Nate at Euna sa loob ng isang hotel suite ng Escape kung saan sila naghahanda para sa kanilang kasal. It was going to be an evening wedding on the beach. Doon nila napagpasyahang magpakasal dahil espesyal sa kanila ang lugar na iyon. It was the place where they started to become really close. It was the place where they first surrendered their bodies and souls to each other.
Halos dalawang buwan na ang lumipas mula nang mabaril ni Octavio si Euna. Naging daan naman ang pangyayaring iyon para mahuli ang drug dealer na kaibigan din ni Octavio noong isang buwan lang. Pero hindi sa kulungan ang bagsak ni Octavio dahil dalawang linggo bago ang drug bust, natagpuan itong patay na nakalutang sa ilog. Salvage ang nangyari. Ipinapatay si Octavio ng kaibigan din nito dahil sa dinispalkong pera na pinagbentahan nito ng marijuana.
“Dad, I swear, tigilan n’yo na ang pagsusungit ninyo kay Ate Ella. Hindi na kapani-paniwala,” sabi ni Nate sa ama na inaayos ang kuwelyo ng kanyang barong-Tagalog.
Si Ella ang bagong caregiver ng matanda. Fifty-four years old, biyuda, at ina ni Lenny na nag-give up na sa kasungitan at katigasan ng ulo ni Alejandro.
“What do you mean?” tanong ni Alejandro na halatang nagmamaang-maangan.
“You have a crush on her!” tukso ni Nate. “I saw you looking at her a while ago. Gandang-ganda kayo sa kanya!”
“Hah! Ano ako, teenager na nagkaka-crush?” pagde-deny naman nito.
“Ate Ella is nice. Saka hindi siya nasisindak sa kasungitan n’yo. Sa wakas, nakahanap kayo ng katapat. Bagay na bagay kayo.” Tumawa si Nate. “I really like her, Dad. I wouldn’t mind her to be my stepmother.”
“Cut that crap out, Fortunato!” angil ng kanyang ama na umikot pa ang mga mata. “It’s your wedding day, for Christ’s sake!”
“Ligawan n’yo na kasi!” pambubuyo pa niya.
Bubulong-bulong na lumapit si Alejandro sa pinto ng suite. “I’ll wait for you outside,” sabi nito bago lumabas.
Sunod na pumasok si Jinnea na napakaganda sa suot na kulay-melon na gown. Ito ang maid of honor ni Euna.
“O, sanay ka nang hindi gumagamit ng teleportation power?” nakangiting sabi ni Nate.
“Nakakapagod lang maglakad,” sabi naman nito.
Isa nang ganap na tao si Jinnea. Iyon ang pinili nito nang makawala siya sa sumpa at makakabalik na sana ito sa mundong pinanggalingan. She chose to be a human being because of love. Mahal nito si Andre at hindi nito kayang iwan ang lalaki. Kinompronta niya si Andre tungkol kay Sophie at umamin naman ang kaibigan na naguluhan lang ito sa nararamdaman dahil sa sitwasyon nito at ni Jinnea.
Normal lang naman iyon sa tingin niya dahil sanay si Andre sa straight at hindi komplikadong buhay. Having a genie girlfriend for someone like him was a major shock and adjustment, of course. But Andre realized that it was Jinnea that he truly loved.
“Nasa banyo si Andre,” sabi ni Nate kay Jinnea. “Kanina pa siya pabalik-balik doon. Mas ninenerbiyos pa yata kaysa sa akin,” natatawang balita niya.
“Sa akin ninenerbiyos `yan,” nakangiti namang sabi ng dalaga. “I’m pregnant, Nate. Six weeks. Kanina ko lang nalaman at kasasabi ko lang kay Andre.”
“O-oh! Holy shit. This is— Wow!” Malakas na natawa si Nate. Niyakap niya ang babae. “Congratulations! Sana lang hindi magmana sa `yo ang anak mo!”
“Gago ka talaga kahit kailan, Fortunato!” Isang batok ang ibinigay sa kanya ni Jinnea kaya napalayo siya mula sa pagkakayakap dito. “Anyway, I didn’t come here for Andre. I came here for you.”
“May sasabihin ka?”
“I just want to say… t-thank you,” sabi nito na parang pinilit pa ang sariling sabihin iyon. “Yeah, thank you… Dahil sa iyo, nakilala ko si Andre.” Huminga ito nang malalim, pinapakomportable siguro ang sarili dahil sa mga kabaduyang sasabihin pa. “Dahil sa iyo ay nakatira na ako ngayon sa mundo ninyong napamahal na pala sa akin.”
Parang may humaplos sa puso ni Nate sa sincerity ni Jinnea. He was easily being flattered and touched nowadays. Dahil siguro tumanda na siya. Nagme-mellow down na siya sa buhay.
“Ako dapat ang magpasalamat sa iyo. Binago mo ang buhay ko,” grateful na sabi niya.
Mahina nitong tinapik ang kanyang pisngi. “Ikaw ang bumago sa buhay mo, Nate. Desisyon mo ang lahat. Tandaan mong hindi nawawalan ng choices ang mga tao. Nasa atin lang kung ano talaga ang pipiliin natin sa huli. You chose to change and do the right thing.”
He let out a happy sigh. “Nakatakda talaga tayong magkakilala, Jinnea.”
Nakangiting tumango ang babae. “Sinabi ko na sa iyo `yan, hindi ba? Ang hindi ko lang masyadong napaghandaan ay pati pala tadhana ko, magbabago rin.”
“It was you who chose your destiny, though.”
“Right. Of course. Pero naging instrumento ang pagkakakilala natin para mangyari iyon.” Hinalikan siya nito sa pisngi. “Please be a good husband to Euna. Nandito lang ako sa paligid, Fortunato. Kahit tao na ako ay hindi pa rin ako mangingiming sapakin ka `pag gumawa ka ng kalokohan.”
Humalakhak si Nate. “O, akala ko ba naniniwala kang nagbago na ako? Ang bilis namang magbago ng isip mo.”
“Just saying!” nagbabanta pang sabi ni Jinnea bago tumalikod sa kanya.
Nakangiti siyang humarap sa salamin at pinagmasdan ang sarili doon. Larawan siya ng kaligayahan at pag-asa. He was a perfect image of a man in love.
“You did it, you son of a bitch,” nagmamalaking sabi niya sa sarili bago tinungo ang pinto.
Nang sa wakas ay lumabas si Nate para maglakad na papunta sa arbor na napapalamutian ng mga bulaklak, lalong napuno ng kasiyahan ang kanyang puso. It was the most beautiful evening ever. Nakikisama ang banayad na hanging-dagat at payapang tubig sa magaganap na kasalan. Pati langit, parang nagdiriwang din sa pamamagitan ng pagsasabog ng mga bituin.
This was indeed a celebration, Nate thought as he stood under the arbor waiting for his bride. It was a celebration of his new life.
His new life with this beautiful bride who was walking towards him, with that sweet smile on her face that he intended to keep forever.
PASIMPLENG hinahagod ni Euna ang isang binti ni Nate gamit ang kanyang paa sa ilalim ng mesa sa reception ng kasal nina Andre at Jinnea. Dalawang buwan na ang lumipas mula nang ikasal sila ni Nate at hanggang ngayon, nilalasap pa rin niya ang ligaya na hatid ng pagiging bagong maybahay. Mahigit isang buwan din silang naglibot sa Asia bilang honeymoon. At sa bawat pagdaan ng mga araw ay nagiging mas malapit pa sila ni Nate sa isa’t isa. He never failed to show her how much she meant to him, at walang lumipas na araw na hindi ito nagsasabi sa kanya ng “I love you.”
Nalulungkot man at hindi na naabutan ng kanyang ina ang kasal niya, alam ni Euna na masaya ito sa kinaroroonan ngayon. Iyon naman ang kagustuhan ni Eden, ang makita ang mga anak na masaya sa buhay.
And she was indeed very happy. All of her plans were coming true and there were so much more to look forward to. May nahanap na silang malawak na lupain sa Sinagtala na malayo sa kabahayan. Nasa paanan iyon ng burol at may katabing maliit na ilog. Nagpapagawa na sila ng plano para sa bahay na ipapatayo roon, at uumpisahan na rin nilang tamnan ng mga punong-kahoy ang paligid.
Nakatira silang mag-asawa ngayon sa mansiyon ni Nate at nagpupumilit naman si Alejandro na humiwalay ng bahay para magkaroon daw sila roon ng privacy. Nagkasundo naman sila ni Nate na papayagan lang ang matanda na bumukod kapag nagpakasal na rin ito kay Ella na girlfriend na nito ngayon. Nararamdaman nilang mag-asawa na baka madaliin na ni Alejandro ang muling pag-aasawa.
Ang mga kapatid ni Euna ay masayang naninirahan sa Alava at inaasikaso na ang bagong negosyo ng mga ito roon. Maganda ang umpisa ng grocery store at kumikita rin ang nabili nilang limang meat stalls sa palengke. Nakatira si Elsa at ang pamilya nito sa nabili nilang malaking bahay at nagpasya naman si Ednar na tumira sa kanilang lumang bahay na ipapa-renovate na para palakihin.
Hindi sanay si Euna na maging masaya sa mahabang panahon gaya ng nangyayari sa kanya ngayon. Gusto niyang matakot at mangamba na baka nakaamba lang ang kamalasan sa tabi-tabi at sasalakayin siya ano mang oras.
But she was braver now. She had been through a lot already. What more could she not survive? Everything that happened to her had taught her even more to value life, family, and love. Para siyang espadang pinanday sa mas mainit na apoy—mas matalas, mas matibay. Handa na ano mang oras na sumabak sa darating pang mga giyera ng buhay. That, and she knew that she was not alone in her battles in life. She had her family, friends, and her husband by her side.
“Stop that, woman,” bulong ni Nate na hindi naman niya pinansin, at sa halip ay itinaas pa ang paa sa pagitan ng mga hita nito.
Malakas ang loob ni Euna na gawin iyon dahil natatabingan ang mesa ng mahabang table cloth. Napahagikgik siya nang maramdaman ang pagkabuhay ng pagkalalaki ni Nate. Pero maging siya ay nabubuhayan na rin ng pagnanasa. It was like she was always in heat nowadays, always craving for her husband’s lovemaking. And she found out why just this morning.
“I’m horny,” bulong niya kay Nate.
“I can see that,” nakangisi namang sabi ng asawa. “Inilalagay mo na naman ako sa panganib.”
“Let’s get out of here?”
“Hindi pa tapos ang reception. Hahanapin tayo nina Andre.”
Sumimangot si Euna. “Let’ s do a quickie. Babalik din tayo pagkatapos. ” Muli niyang iginalaw ang paa sa pagkalalaki ni Nate.
“Shit,” mariing mura ng kanyang asawa.
Nasa malawak na bakuran ng bahay ni Andre ang reception. Ang mga bagong kasal ay masayang nagsasayaw sa dance floor, walang kaalam-alam sa nangyayari sa kanila ni Nate.
Tumayo si Euna at hinila si Nate na idinikit sa kanyang likod ang katawan para itago sa madla ang bukol sa pantalon nito. Mabilis silang naglakad papasok sa bahay, tinungo ang nakabukas na study room at ini-lock ni Nate ang pinto niyon.
Hindi na nila hinubad ang mga damit ng isa ’t isa sa pag-uugnay ng kanilang mga katawan. They didn’t need any foreplay either. She was already wet and aching for him.
“I always love being inside you,” anas ni Nate bago siya hinalikan sa mga labi.
Tinulungan niya itong ilabas ang kanyang mga suso mula sa kanyang kulay-pale pink na tube top minidress at agad inialay ang mga iyon sa naghihintay nitong bibig. She undulated her body when he suckled one taut nipple.
“Ooh, God! Oh, oh!” daing ni Euna habang nasa kandungan siya ni Nate at nagmamaniobra ng kanilang pagtatalik.
“S-shit. You think we’re being loud?” nag-aalalang puna naman ni Nate na tumingin sa pinto.
Humagikgik si Euna. “Wala namang tao sa loob ng bahay, saka malakas ang music sa labas.” Muli siyang gumiling. “Nate, Nate! Oh, honey, I think I have to stop. I need to stop. You have to move this time,” sabi niya pero kusa namang gumagalaw ang kanyang katawan.
“Patawad naman, Misis. Alam mong hindi tamad ang mister mo sa ganito pero paano ako makakagalaw? You jumped on me and you just decided to do all the works,” natatawang sabi ni Nate.
“Ugh, what can I do? You’re just too hot. And it’s so damn hard to stay still if your cock is inside me!” Tumigil na siya sa paggiling. “Well, I really, really have to stop. I’m… well, pregnant. Baka mapaano ang bata sa mga acrobatic moves ko.”
“Y-you’re what?!” nanlalaki ang mga matang bulalas ni Nate.
“Buntis ako, four weeks, I think. Sa home pregnancy test ko lang nalaman kanina,” hinihingal na sabi ni Euna.
“B-bakit hindi mo sinabi agad sa akin?”
“Well, hindi pa naman ako one hundred percent sure, kailangan ko pang ulitin ang test.”
“I think you are really pregnant!” siguradong-sigurado namang sabi ni Nate na pinasadahan pa siya ng tingin.
Tumawa siya. “You think so?”
“Yes! That explains why you’ve been extra horny these past days! I’ve read about that. Plus your mood swings and strange food cravings. It all makes sense now!”
“ We ll then, we have to see the doctor and ask him about having sex while—”
“Oh, God, sweetheart! This is— w ow! I’m going to be a father… I’m going to be a father!” tuwang-tuwang bulalas ni Nate at pinaghahalikan siya sa mukha. “I love you, I love you, I love you!”
Tumawa siya. “I love you, too!”
“ We ’re going to have a baby!”
“ Yes. ” Hinaplos ni Euna ang noo ni Nate, pababa sa pisngi. Naluluha siya sa matinding kasiyahan. Magkakaroon na siya ng sariling pamilya, imagine that. Mayamaya ay tumikhim siya. “Are we going to celebrate or are we going to continue making love?”
“We can celebrate by making love,” nakangiting sabi ni Nate.
Buhat-buhat si Euna ng asawa nang tumayo ito mula sa reading chair. Her husband had always been strong and nimble. Sa edad na thirty-six, alaga nito ang sarili sa exercise at pagkain. His muscles were harder now, more defined. Gosh, how she loved his strong arms. If anything, Nate looked hotter than ever.
Hinawi ni Nate sa pamamagitan ng paa ang nasa ibabaw ng malapad na center table. Nalaglag sa sahig ang flower vase at tatlong libro. Inihiga siya nito roon, saka lumuhod sa sahig, at itinaas ang isa niyang paa bago ito sumulong.
“Okay, don’t move, sweetheart.”
At muling binalot ang study ng matatamis na tunog ng pagtatalik.