Sometimes, I can’t help but wonder, paano kaya ako mamamatay? How will the story of my life end?
PAGKATAPOS ng libing at pagpapakain sa mga dumalo, doon na naramdaman ni Euna ang pagod sa limang gabing paglalamay. Nahahapong umupo siya sa sofa sa kanilang sala pagkatapos ubusin ang isang bottled water. Halos hindi niya namalayan na may tumabi sa kanya. She thought it was Nate at first, but she didn’t smell that familiar scent.
Si Ephraim ang tumabi sa kanya. “Kumusta ka na?” tanong nito.
Ilang araw na siyang gustong lapitan ng ex-boyfriend pero siya ang iwas nang iwas. Ayaw na niyang magalit dito pero ayaw naman niyang kulit-kulitin pa siya nito. Ang sabi ni Rachel, mahal pa raw talaga siya ni Ephraim at may balak balikan.
“Namatayan ako, ano sa palagay mo ang isasagot ko sa iyo?”
“Sorry,” napahiyang sambit nito. “H-hindi ko lang alam ang sasabihin sa `yo.”
“ Salamat sa pakikipaglibing, Ephraim, ” obligadong pasasalamat ni Euna.
Pumasok si Nate sa pintuan sa sala. Dumilim agad ang mukha nito pagkakita kay Ephraim. Napansin din niya ang pagtalim ng mga mata ng dating boyfriend.
Tumayo si Ephraim at nagpaalam na sa kanya. Sa paglakad palapit sa pintuan, sadya nitong binangga ang balikat ni Nate. Agad namang ipinakita ni Nate ang nakakuyom na kamay rito.
“ Nate! ” tawag ni Euna at lumapit sa dalawang lalaki.
“Nakikiramay lang ako, pare. Tumutupad pa rin ako sa usapan natin,” matigas na sabi ni Ephraim kay Nate.
“A-anong usapan?” usisa ni Euna.
Nag-iwas naman ng tingin si Nate.
“Bakit hindi mo sabihin sa kanya, Fortunato?” hamon ni Ephraim.
“ Nate? ” tanong niya na naghihintay ng sagot.
“Umalis ka na,” pagtataboy ni Nate kay Ephraim. “She doesn’t need you in her life,” mariin pang sabi nito.
“Dahil wala akong maraming pera kagaya mo?” pangungutya naman ni Ephraim na wala talagang balak umalis sa kinatatayuan.
“What the hell is happening here?” malakas na tanong ni Euna sa dalawang lalaki. “Sagutin n’yo ako!”
“Binayaran niya ako para tuluyang lumayo sa iyo, Euna,” sabi ni Ephraim.
Nanlalaki ang mga matang tumingin siya kay Nate na nagtatagis naman ang mga ngipin.
“Iyon ang dahilan kaya tinigilan ko ang pagtawag-tawag sa `yo,” sumbong pa ni Ephraim.
“T-totoo ba?” sita niya kay Nate. “Nate, answer me, damn it!” bulyaw niya nang hindi sumagot ang binata.
“He accepted the money!” sabi naman nito.
“Dahil may sakit ang mama ko at kailangan niyang ipaospital,” mabilis na sabi ni Ephraim. “Euna, may breast cancer si Mama at kailangan ko ng pera para sa chemotherapy niya. I had no choice kundi tanggapin ang offer niya.”
“I was just trying to help you avoid him,” sabi sa kanya ni Nate.
Marahas na ikinumpas ni Euna sa ere ang dalawang kamay, saka padabog na naglakad palayo sa dalawang lalaki. Sinundan naman siya ni Nate.
“Euna, wait, please,” pigil nito.
Hinarap niya ang binata. “Kailan mo `yon ginawa, Nate?” tanong niya. “Kailan?!” malakas niyang tanong nang hindi agad ito sumagot.
“N-noong nasa Escape tayo. Naiinis kasi ako na lagi mo siyang kausap sa telepono. Nag-teleport ako papunta dito sa Alava at hinanap siya.”
“G-ginawa mo ba `yan bago may nangyari sa ating dalawa?”
“O-oo,” mahinang pag-amin nito.
Bigla yatang sumakit ang ulo ni Euna. Ayaw niyang mag-conclude ng hindi maganda pero negatibo ang nangingibabaw na ideya sa kanyang isip.
“I did it for you, sweetheart.”
“Oh, you did it all for yourself!” asik niya at itinulak ito sa dibdib. “At kailangan pa talagang silawin mo siya ng pera mo, ha?”
“Fine, I did it because I was jealous of him, all right? Magkasama tayo sa isang magandang lugar, `tapos ginugulo ka niya at iniisip mo naman siya. Ayoko ng ganoon!”
“Sinungaling!” bulyaw niya. Muli siyang lumayo at nang tangkain ni Nate na sumunod ay nagbanta siya. “Stay away from me, Fortunato! I mean it.”
INIS at malungkot na lumabas si Nate sa likod-bahay ng mga Serafino. Nagliligpit na ang catering service na umasikaso sa pagkain at nakauwi na rin ang lahat ng mga nakipaglibing.
Mabigat ang pakiramdam na naupo siya sa isang monoblock chair na nakapuwesto sa tabi ng bahay at hinilot ang pagitan ng mga mata. Bigla na lang siyang nagulat nang sumulpot si Jinnea sa tabi niya. Hindi niya mabasa kung ano ang nasa mukha nito. It was a blend of so many emotions.
“I want to go home, Nate!” mariing sabi nito. “Ayoko na dito sa mundo ninyo!”
“Okay, what happened now?” napapagod na tanong niya. Alam niyang nag-aaway na naman ito at si Andre. Napuna niya ang hindi pag-iimikan ng dalawa pagdating sa Alava kagabi. Hindi rin sumalo si Jinnea sa pagkain kanina.
“`Yang punyetang kaibigan mo! Numero-unong sinungaling! Manloloko!”
Tumuwid siya ng upo. “Ano’ng ginawa niya sa iyo?”
“Nakipagbalikan siya kay Sophie, `yong dating girlfriend niya!”
“W-what?”
“Hindi siya nakokontento sa akin, Nate. Or maybe he doesn’t really want me after all at gusto na niyang bumalik sa Sophie na `yon!”
Napakamot siya sa sentido. “Hindi `yan gagawin ni Andre. Kilala ko ang kaibigan ko—”
“I saw them, Fortunato! Kahapon, sa bahay ni Andre, naglalampungan sila sa sofa. At kanina lang, kausap na naman niya ang babaeng `yon sa telepono. Huwag mo nang ipagtanggol pa ang kaibigan mo. Pare-pareho talaga kayong mga lalaki sa mundong ito, mga manggagamit!”
“Hey! Dahan-dahan ka naman sa pagsasalita!” inis na sabi ni Nate na hindi napigil ang pagtaas ng boses. Lalo tuloy uminit ang ulo niya.
“Hindi ba totoo? `Yon naman talaga ang pakay mo kay Euna, hindi ba? Gagamitin mo siya para sa iyo niya gamitin ang third wish niya! You would seduce her and make her fall in love with you—”
“Jinnea, shut up! I’m warning you. Mainit ang ulo ko ngayon!”
Pero nagpuputok talaga ang butse ng babaeng genie.
“Mainit din ang ulo ko! Magsama kayo ng kaibigan mong manloloko!”
“Jinnea!” si Andre, mabilis na lumalapit sa kanila. “Sweetheart, come on, let ’s talk,” pagsusumamo nito.
Inismiran ito ng babae. “Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Nicandro.”
“I’m not getting back with Sophie. How many times do I have to tell you that?”
“I don’t believe you! You kissed her, you asshole!”
“She kissed me!”
“You kissed her back!”
“I was caught off guard! At inaamin kong sa mga sandaling iyon ay natukso rin akong balikan siya dahil hanggang ngayon, h-hindi pa rin ako nakaka-recover sa ipinagtapat mo sa akin.” Hinawakan ni Andre si Jinnea sa braso. “Jinnea, you have to understand. What you told me was something that I was not expecting at all. I mean…” Hininaan nito ang boses. “You’ re a two-thousand-year-old genie!”
“And you’re a two-timing bastard! Womanizer, like your best friend right here!” asik ni Jinnea.
Sumabat na si Nate. “You know what? Fuck you both,” sabi niya at tinalikuran na ang dalawa. “Magpatayan na kayo kung gusto n’yo nang maisunod kayo sa libing.”
Pag-about-face niya, si Euna naman ang nakita niya.
Great.
Hindi nagsalita ang dalaga. Isang malakas na sampal ang ipinadapo nito sa kanyang pisngi, saka mabilis na naglakad palayo.
Humabol siya. Bakit ako ang laging naghahabol sa babaeng ito? Dati, ako ang hinahabol ng mga babae!
“ Euna! ”
“ Narinig ko ang lahat -lahat ! ” paangil nitong sabi na hindi siya nilingon.
Tumuloy si Euna sa kuwarto nito at iniharang niya ang braso sa pinto nang balak siya nitong pagsarhan. Naipit tuloy ang kamay niya.
“Umalis ka na!” bulyaw nito, hawak ang seradura ng pinto.
Ayaw namang pakawalan ni Nate ang pinto. Handa siyang maipit uli. “Mag-usap muna tayo.”
“Narinig ko na ang lahat ng gusto kong malaman, Fortunato! I was right. Pinapasakay mo lang ako mula sa umpisa. This is why you bribed my ex-boyfriend to avoid me! Natatakot kang balikan ko siya at hindi ka magtagumpay sa balak mong gamitin ako para sa iyo ang last wish ko.”
“That is not true!” protesta niya.
“ Liar! ” Bumaba na ang boses ni Euna nang muling magsalita. “K-kulang pa bang sakit sa akin na namatay ang nanay ko? Kailangan talagang pati ikaw, saktan din ako?”
“ I-I ’m sorry. I-I admit, that was my plan at first. P-pero, Euna, nag-iba na ang lahat. Marami nang nagbago,” pag-amin niya. “Huwag mong sabihin sa akin na hindi mo `yon nararamdaman.”
“Huwag mo na akong utuin pa. H-hindi na tatalab sa akin `yan,” basag ang boses na sabi ni Euna. “Please leave. A-ayoko nang makita ka pa, Nate.”
“ Euna …”
“Leave me alone, you scheming asshole, before I waste my last wish on you!”
DALAWANG araw nang nagkukulong si Euna sa kanyang kuwarto. Mugtong-mugto na ang kanyang mga mata sa kakaiyak. Akala niya naubos na ang luha niya nang mamatay ang kanyang nanay pero hindi pala. Her tears were flowing from a bottomless well of anguish.
Ang tanga niya! Noong una pa naman, ganoon na talaga ang akala niyang ginagawa ni Nate, hindi ba? Pero nagpadala pa rin siya sa pang-uuto nito. Nagpatangay siya sa tawag ng laman, ninamnam ang init na dulot nito. At kagaya ng kuwento ng gamugamong naakit sa apoy, heto siya ngayon, nasunog ang mga pakpak at hindi na makakalipad.
Nagpakita sa kanya si Nate kahapon at tinangka uli siyang kausapin pero itinaboy niya ito. Oh, how she wanted to despise him. Higit sa lahat, she wanted to despise herself for falling in love with him!
Bakit sa ganoong paraan pa niya tuluyang maaamin sa sarili na umiibig na talaga siya sa lalaking iyon? Kailangan talagang masaktan pa siya?
Ganito ba talaga ng role niya sa ibabaw ng letseng mundong iyon? Kailangan talaga sa buhay niya na palagi siyang nagagamit? Kailangang siya ang palaging mawawalan? Ang palaging nasasaktan? Bawal talaga siyang lumigaya? Putang-ina lang. May magbabanggaan bang mga planeta o babagsak na asteroids sa earth kapag lumigaya siya nang tuluyan at parang binabawalan iyon ng tadhana?
Isinubsob uli ni Euna ang mukha sa unan pero sa pagkakataong iyon, pinigilan na niya ang pag-agos ng luha. Ano pa ba ang bago, hindi ba? Dapat manhid na siya sa mga ganoon. But what could come next? Ano pang kamalasan ang puwede niyang danasin?
Pinilit na niyang matulog. Nang eksaktong inaantok na ay narinig niyang bumukas ang doorknob ng kanyang kuwarto. Walang lock ang mga pinto ng tatlong maliliit na kuwarto sa kanilang bahay.
Dumilat siya at sa tulong ng night light ay nakita niyang may isang anino na lumalapit sa kanya. At sigurado siyang hindi si Nate iyon. Amoy-alak at sigarilyo kasi.
Mabilis na inabot ni Euna ang switch ng lamp shade sa katabing mesita ng kama. Tama siya sa hinalang si Octavio nga ang pumasok sa kanyang kuwarto.
“A-ano’ng kailangan mo?” sita niya sa amain habang ginagapangan ng kilabot ang katawan.
“Bigyan mo ako ng pera,” agad na sabi nito. Sa pagkakatingin ng lalaki na parang inaantok ang mga mata, alam na niyang high ito sa marijuana.
“Wala akong maibibigay na pera sa `yo!” angil niya.
“ Anong wala? Marami kang pera, hindi ba? ”
Euna grunted in anger as she got up. Patong-patong na ang galit niya sa mundo, pagkatapos ay dadagdag pa ang lalaking ito!
“Wala na akong pera!” Tama. Dahil balak niyang isauli kay Nate ang ibinigay nitong pera sa kanya.
“Anong wala na? Ako pa ang gagaguhin mo. Bigyan mo ako ng pera ngayon din! Kailangan ko ng treinta mil.”
“`Kapal talaga ng mukha mo! Parang humihingi ka lang ng treinta pesos, ah.”
“Kailangan ko ngayon ng pera sabi!” pagpupumilit ni Octavio at sinunggaban siya sa magkabilang braso.
“Ano ka ba?” bulyaw niya. “Bitiwan mo nga ako!”
“Papatayin ako kapag hindi mo ako binigyan ng pera ngayon!” sabi nito, pagkatapos ay binitiwan siya at lumapit sa drawer ng cabinet.
Tumayo naman siya. “Walang pera diyan!”
“Alam kong may itinatago kang cash,” pamimilit ni Octavio na sunod na tiningnan ang ilalim ng kama na kinaroroonan ng bag na dala niya galing Maynila.
Nang yumuko si Octavio para kunin ang bag, itinulak niya ito. “Sumosobra ka na! Kung tutuusin, puwede ka na naming palayasin dito dahil wala na si Nanay!” banta niya.
Siya naman ang itinulak nito at napaupo siya sa sahig. “Putang-ina kang babae ka! Matagal na akong nagtitimpi sa `yo!”
“ Aba ’t— Ikaw pa ang may ganang magtimpi?” Dinampot ni Euna ang tsinelas na gamit niya sa loob ng bahay at ibinato iyon sa lalaki.
Dinaluhong siya ni Octavio. Sumisingasing ang ilong na sinampal siya nito. Para siyang natulig sa lakas ng pagdapo ng kamay nito sa kanyang kaliwang pisngi. Nawalan siya ng balanse sa pagkakaupo sa sahig. Muli siyang inatake ng lalaki.
Isang suntok ang pinakawalan ni Euna at nahagip niya si Octavio sa mukha. Pero hindi nito ininda iyon, sinalakay siya at hinawakan sa leeg. Pilit niyang pinigilan ang mga kamay nito sa tangkang pananakal sa kanya. Pero malakas si Octavio, hindi niya matanggal ang mga kamay nito sa kanyang leeg.
Walang ibang makakatulong sa kanya dahil wala sa bahay si Ednar. May pinuntahan itong birthday party ng isang kaibigan dala ang sasakyan. Hindi rin niya maigalaw ang mga paa at tuhod para labanan ang sumasakal sa kanya. Nakadagan sa kanya ang buong katawan ni Octavio.
“ N-Nate! ” pikit-matang tawag niya bago pa pangapusan ng hininga. “Nate… Nate! ”
NAGULAT si Nate sa dinatnang eksena sa kuwarto ni Euna nang tawagin siya nito. May sumasakal sa dalaga! Dali-dali niya itong sinaklolohan. He threw a couple of punches at the back of the head of Euna’s attacker and then grabbed him on his shoulders and tossed him away from her. Ni hindi na niya kinilala iyon. Dali-dali siyang lumuhod sa sahig para suriin ang kalagayan ni Euna.
“Euna! Are you okay?” tanong ni Nate.
Tumango lang ang dalaga, hindi makapagsalita dahil siguro sa takot o dahil sa pagkakasakal sa leeg nito. Saka lang niya nalaman na si Octavio pala ang sumasakal kanina kay Euna. Groggy itong tumayo, nanlilisik ang mga mata sa kanya.
“ Don ’t make me hurt you again,” banta ni Nate kay Octavio, pagkatapos ay tinulungan si Euna na makabangon. “Sa susunod, baka mapatay na kita!”
Lumabas ng kuwarto si Octavio.
Pinaupo naman niya si Euna sa gilid ng kama. “What happened?” tanong niya, hinawi ang buhok na nakasabog sa mukha ng dalaga.
“H-humihingi siya ng pera,” sagot nito sa boses na parang ipit pa.
Hinaplos niya ang leeg nito. “I will fucking kill him, Euna,” gigil na sabi niya.
Muling bumukas ang pinto ng kuwarto ni Euna at sumulpot si Octavio. Mabilis namang tumayo si Nate para pigilin ang lalaki sa balak gawin kay Euna. He wouldn’t let this bastard hurt her. Not him and not anybody else!
Pero hindi siya handa sa sumunod na pangyayari. May hawak na baril si Octavio at iniumang sa kanya. Umalingawngaw sa kabahayan ang putok ng .38 caliber revolver.
Nanlaki ang mga mata ni Nate nang bumulagta sa sahig si Euna. Halos hindi niya namalayan ang buong pangyayari. All he remembered was Octavio trying to shoot him and then Euna getting up from the bed.
Oh, God! Euna saved his life by taking the bullet that was meant for him!
Nanginginig na napaupo siya sa sahig, niyakap ang babaeng umaagos ang dugo sa kanang bahagi ng tiyan. Para namang natauhan si Octavio sa ginawang krimen at hindi na muling pinaputok ang baril, sa halip ay mabilis na tumalilis.
“ E-Euna …” sabi ni Nate. Halos sumabog ang dibdib niya sa takot na nararamdaman. “Sweetheart, what have you done?”
“N-Nate,” sabi ng dalaga sa napakahinang boses.
“Y-you’re going to be fine. Alam mo na ang gagawin mo,” paalala niya. “Your third wish. Wish, baby. Wish.”
Kung puwede nga lang na siya na ang humiling para kay Euna. But no. He was not allowed to do that. He was not even allowed to tell her what to wish!
“Baby, come on. Say it. Gamitin mo na ang huling kahilingan mo.”
Umubo si Euna at may lumabas na dugo sa bibig nito. Lalo siyang natakot. “I wish…” narinig niyang mahinang sabi ng dalaga. “I-I wish that…”
“Go on, sweetheart. Make a wish, make a wish!”
Iniangat ni Euna ang duguang kamay na nakahawak sa sugatang tiyan nito. Humaplos iyon sa kanyang mukha.
“I wish na… l-lumaya ka na sa sumpa ng magic lamp… Na… m-maging normal ka nang tao uli.”
“No,” nanlalaki ang mga matang sabi ni Nate. “ No! Euna! ”
“Nate… I love you.” Iyon ang huling salitang narinig niya sa bibig ni Euna bago ito pumikit.