Be careful what you wish for. Oh, well. `Nuff said, man.
KAILANGAN ko yata ng isang banig ng paracetamol! bulalas ni Euna sa sarili habang sumasakit ang kanyang ulo. Naglalakad siya pauwi sa inuupahang apartment.
Wala na siyang trabaho. Pinatalsik siya nang ganoon-ganoon na lang sa call center na pinapasukan. Pinatulan kasi niya ang isang masungit na customer. Mantakin ba naman kasing inaway siya dahil gustong madaliin ang pag-aayos sa sirang Internet connection nito? Minura-mura siya, sinigaw-sigawan, at inalipusta pa ang kanyang pagkatao.
Noong una, pinilit ni Euna na maging kalmado. Sanay naman siya sa masusungit na customer ng US-based Internet provider service na naka-outsource ang customer services sa Pilipinas. Kaya kahit sa loob-loob ay nagngingitngit na dahil tinawag siya ng customer na “imbecile” ay nagpakumbaba pa rin siya.
“Sir, I told you, we have a standard operating procedure—”
“Fuck you, you stupid cunt!” bulyaw ng lalaking customer.
Kung hindi ba naman isa’t kalahating gago ang Kanong iyon. Eh, mainit pa naman ang ulo ni Euna dahil nahuli niya si Ephraim—ang walanghiya-gago-sinungaling-salawahan-manlolokong boyfriend niya na kaulayaw ang mismong best friend niyang si Rachel may dalawang linggo na ang nakararaan.
Nitong mga nagdaang araw ay pinanatili ni Euna ang composure sa trabaho. Nagpaka-professional siya kahit sugatan ang puso at nadurog ang kanyang ego. Nagpapasensiya pa rin siya sa masusungit na kliyente. Pero napupuno rin ang salop!
Hayun tuloy, nasagad na ang pasensiya niya at pinatulan ang nagwawalang customer. Ibinunton niya sa masungit na customer ang galit na hindi nailabas sa salawahang boyfriend at sa kanyang best friend.
“Fuck you, too, dickhead!” malakas na bulyaw pabalik ni Euna.
“Wha—you bitch!” Doon na ito lalong nagtatarang. “Oh, I’m going to kill you! I’m going to hunt you down and kill your whole fucking family!”
“Go ahead, motherfucker! Come over here. We’ll be waiting for you!” hamon naman niya.
“Go to hell, whore!”
“You go first, cocksucker!”
Natural na pinagalitan si Euna ng kanyang boss sa ginawa niya. Kabago-bago pa lang niya sa trabaho, may bad record na agad siya. Bawal sa kanilang company policy ang patulan ang customer na naghuhuramentado sa telepono. Dapat daw pairalin ang maximum tolerance.
Sinubukan naman ni Euna na magpaliwanag, sinabing hindi niya mahanap ang walker na siya sanang mag-aasikaso sa ganoong uri ng mga tawag.
Ang walker ang nagpapanggap na manager o supervisor para suyuin at pangakuan ng kung ano-ano ang mga nagwawalang customer. Pero ang punyemas na walker, nag-yosi break pala noong kailangan niya! Eh, ano ang gagawin niya sa may anger management issue na customer? Hindi naman puwedeng babaan ito ng telepono dahil bawal din iyon sa rules nila.
Wala nang nagawa si Euna nang tsugihin siya sa trabaho. Wala siyang laban dahil nasa ninety days probation period pa lang siya, hindi pa regular na empleyado. Isa pa, may record na rin siya sa tardiness dahil tatlong beses na siyang na-late sa pagpasok dahil bukod sa pagiging call center agent sa gabi, nagtatrabaho rin siya sa isang parlor kung saan part-time manggugupit siya. At madalas siyang natatambakan ng trabaho roon, lalo pa’t may mga humahabol na customers bago magsara ang parlor.
Ano na ang gagawin niya? Ang hirap pa namang maghanap ng trabaho para sa isang college undergraduate na kagaya niya. Kung ano-ano na ngang trabaho ang mga pinasok niya noon. At nang sa wakas ay natanggap sa isang call center kung saan kikita sana siya nang malaki, sinabotahe naman ng kanyang temper ang trabaho.
Wala nang pang-tricycle si Euna kaya pagbaba kanina sa kanto mula sa jeep, naglakad na lang siya papasok sa eskinita kung saan naroon ang maliit na apartment na inuupahan niya.
Isa pa pala iyon sa kanyang problema. Lumayas na noong isang linggo ang roommate niya at hindi pala nito ibinayad ang ibinigay niyang parte sa dalawang buwan nilang upa. Heto ngayon at may final notice na mula sa landlord. Kailangan niyang magbayad ng renta bago matapos ang buwan.
Diyos ko, Lord! Ang malas-malas ko namang nilalang, hinaing niya sa sarili.
Pasado hatinggabi na at wala nang mga tao sa eskinitang iyon. Halos wala na ring dumaraang sasakyan kaya tiwala si Euna habang naglalakad sa gilid ng kalsada, iniiwasan ang mga basurang nakatambak sa makitid na sidewalk.
Nang may biglang isang rumaragasang kotse ang paparating at muntik na siyang mahagip. Mabuti na lang at mabilis ang reflexes niya at napa-dive sa sidewalk para iwasan ang disgrasya. Pero malas nga talaga siyang naipanganak sa mundo dahil nag-landing siya sa tatlong sako ng umaapaw na mga basura.
“`Tang-ina talaga!” gigil niyang mura at nagpilit na makatayo. Amoy na amoy niya ang halo-halong sangsang ng namamahong kabulukan.
Nasaktan si Euna sa tuhod, may gasgas sa isang siko, at sumabog din ang laman ng dala-dalang bag. Dali-dali niyang hinanap isa-isa ang mga gamit mula sa kumpulan ng mga basura.
Nang isang makintab na bagay ang umagaw ng kanyang pansin. Isang kulay-tansong metal na kumislap sa ilalim ng streetlight sa kanyang tapat. Dinampot niya ang bagay na iyon at inusisa.
Mukhang antigong lampara … Hmm, baka puwedeng ibenta sa magbobote.
Nang mahanap ang lahat ng nalaglag na laman ng bag, ipinagpatuloy na ni Euna ang paglalakad pauwi. Pagdating sa bahay, naghanap siya ng gamot sa sakit ng ulo at pagkatapos inumin iyon ay naligo. Nagbabad siya sa banyo sa de-tabong paliligo. Kung sana ay puwedeng burahin ng tubig at sabon ang mga kamalasang nakadikit na yata sa kanya mula pa noong bata siya.
Pero shit talaga. Pati pala ang Safeguard niya ay pudpod na rin, kasingnipis na lang ng otap ang pinansasabon niya sa katawan!
Gustong ngumawa ni Euna sa mga sinapit nitong nakaraang dalawang araw lang, pero hindi siya ang klase ng taong iyakin. Ilang kamalasan na ang dumaan sa kanyang buhay. Humihinga pa naman siya kahit paano kaya tuloy ang laban!
Palaban sa buhay si Euna, hindi siya madaling sumuko sa mga pagsubok. Iyon ang itinuro sa kanya ng ama na namatay sa isang aksidenteng pagsabog sa pinagtatrabahuhang planta ng semento, may pitong taon na rin ang nakararaan. Natigil siya noon sa pag-aaral sa college sa kursong Hotel and Restaurant Management at piniling magtrabaho na lang.
Kung ano-anong trabaho ang pinasukan niya—service crew sa Jollibee, saleslady sa department store, collector sa isang maliit na lending company, at ang huli ay pagiging clerk sa isang sanglaan. Maganda naman ang sahod sa huling trabaho niya, may mga benepisyo. Pero naghangad pa rin siya ng mas malaking kikitain. At dahil hindi niya iyon kikitain sa bayan ng Alava, dumayo siya sa Maynila kahit anong pigil ang gawin sa kanya ni Ephraim.
May tatlong linggo ring naghanap ng trabaho si Euna sa siyudad habang ume-extra sa isang parlor. Marunong siyang maggupit dahil tinuruan siya ng nanay niyang isang dating parlorista na tumigil na sa trabaho dahil nirarayuma na ang mga kamay.
Pagkalipas ng isang taon ay nag-asawa uli ang kanyang nanay at isa iyon sa dahilan kaya gusto niyang lumayo sa Alava. Hindi niya kasundo si Octavio—ang pangalawang asawa ng kanyang ina. Sugarol ito at lasenggo pa. Duda rin siya na sangkot ito sa pagbebenta ng marijuana.
Suot ang lumang bathrobe na numipis na rin sa kakagamit at kakalaba, lumabas na ng banyo si Euna habang pinapatuyo ng tuwalya ang lampas balikat na buhok. Nakaupo siya sa kama at kinukuskos pa rin ang buhok nang masulyapan ang iniuwing lampara na ipinatong kanina sa ibabaw ng cabinet. Tumayo siya, kinuha iyon at binusisi.
Nang hindi maiangat ang takip, ikinaskas niya sa lampara ang kanyang palad para malaman kung makinang nga ba iyong klase ng metal. Hindi niya inaasahan ang sumunod na nangyari pagkatapos bitiwan ang lampara na bigla na lang nilabasan ng usok.
SARISARING kulay ng usok ang lumabas mula sa maliit na dulo ng lampara at napatili si Euna nang mawala ang usok at tumambad sa kanyang paningin ang isang lalaki.
Napatalon siya sa kama, hinawakan ang isang unan, at akmang ihahampas sa estranghero.
“S-sino ka? Paano ka—” Shit, ano ba kasi’ng nangyari? “ Huwag kang lalapit! ” bulyaw niya sa lalaki.
`Susme , pinasok yata siya ng magnanakaw! Pero napakaguwapong magnanakaw naman nito at napakaganda pa ng katawan na naka-display sa suot na isang pares na maong na pantalon. Shirtless na magnanakaw? Baka rapist?
“Hey, relax,” pagpapakalma ng lalaki sa kanya. “Wala akong gagawin sa iyo na hindi mo magugustuhan,” nakangiti pang sabi nito.
Gustong manghilakbot ni Euna. Fine, guwapo na kung guwapo ang lalaking ito at panis ang katawan ni Chris Evans sa pagka-macho-macho nitong abs at muscles, pero hindi niya ito kilala. At paano ba nakapasok ang lalaki sa bahay niya? Parang… parang ibinuga ito ng usok kanina! Parang magic lang. Pero paano nangyari iyon?
Sisigaw na sana si Euna at hihingi ng saklolo nang magsalita uli ang lalaki.
“I’ m Nate, ” pagpapakilala nito at humalukipkip. “Isa akong genie.”
“A-ano? Genie?” nalilitong sambit niya. Genie raw ito? Ang alam niyang mga lalaking genie ayon sa mga kuwento ay sobrang laki ng katawan, nakatirintas ang balbas, at kalbo! Samantalang itong nasa harap niya ngayon ay parang model o artista lang.
“ Yup, a genie, ” sabi ng lalaki. “Well, not exactly. Dati akong tao na naging parang genie. Anyway, bibigyan kita ng tatlong kahilingan dahil pinalabas mo ako mula sa lampara.”
Ano raw? Diyos Lord! May sayad pa yata ang macho-guwapitong ito!
Naiinip na nagbuga ng hangin si Nate. “I know, I know… nakakagulat nga para sa iyo ang nangyayaring ito sa ngayon. Trust me. Been there, done that. Pero totoo ang lahat ng ito. Ano nga pala’ng pangalan mo?”
Noon lang napansin ni Euna na nakatingin sa kanyang legs ang lalaki hanggang sa tumaas ang mga mata nito sa kanyang dibdib. Halos nakaluwa na pala ang katawan niya mula sa bathrobe! Dali-dali niyang inayos ang roba sa katawan at umupo nang tuwid.
“ E-Euna. ”
“As I was saying, Euna, isa nga akong genie at puwede kitang bigyan ng three wishes. Well, of course you can’t wish for certain things like time travel, immortality—”
“Ginogoyo mo ba ako?”
Humakbang ang lalaki palapit sa kanya. “Look—”
Muling itinaas ni Euna ang unan. “Hanggang diyan ka na lang!” banta niya na parang isang samurai sword ang hawak. Pero weird dahil hindi naman talaga siya nakakaramdam ng matinding panganib. O ibang uri ng panganib ang nararamdaman niya?
“I’m real. You rubbed the magic lamp and I came out. Teka, anong taon na pala ito?”
Kahit na naguguluhan ay sinagot pa rin niya ang tanong ni Nate. “Two thousand fourteen.”
“Damn! Apat na taon din pala ang lumipas bago ako nakalabas uli sa lampara.”
Nanlalaki pa rin ang mga mata ni Euna. Hindi na niya alam ang iisipin tungkol sa lalaking ito na “Nate” daw ang pangalan. At isa raw itong genie! Watdapak ?
“Apat na taon na ang nakalipas no’ng may huling nakapulot sa akin,” kuwento pa nito. “At mahigit sampung taon na akong nakakulong sa lamparang `yan,” dagdag nito na inginuso ang lampara sa sahig na nabitawan niya.
“Okay, Euna, pag-usapan na natin ang unang kahilingan mo. Iyon ay kung handa ka nang humiling. Payag naman akong maghintay kahit kailan mo gusto.”
Natutop ni Euna ang bibig sa isang posibilidad na naiisip. “Diyos ko. N-nababaliw na ako!” nagpa-panic na sabi niya. “Heto na ang resulta ng mga kamalasan sa buhay ko. Bumigay na rin ako sa wakas. Oo, tama, n-nasiraan na ako ng bait at kung ano-ano na ang nakikita at naririnig ko!”
Made sense. Paano nga naman siya makakakita ng isang guwapo at machong lalaki sa kanyang kuwarto? At hindi lang iyon, isa raw itong genie at bibigyan siya ng tatlong kahilingan! Kaya siguro nananakit ang ulo niya kanina, nag-uumpisa nang mag-malfunction ang kanyang brain cells.
This is it. May schizophrenia na siya! Nai-imagine na ni Euna ang sarili sa loob ng mental hospital; sa isang padded room, at may suot na straitjacket at hinahanap sina Crispin at Basilio.
Oh, my God! Never in her life did she imagine herself losing her sanity. Pero heto, nangyayari na nga! Nawawala na siya sa katinuan. Sisigaw na ba siya ng “ Crispin! Basilio! ” ?
“Euna, calm down, please,” pagpapakalma sa kanya ng lalaki. “You’re not crazy. Trust me. I. Am. Real,” pagdidiin pa nito. “Kung gusto mo, kurutin o sampalin mo pa ang sarili mo.”
“At sasaktan ko pa ngayon ang sarili ko?” Gusto nang maiyak ni Euna dahil sa sobrang kalituhan, pero `ayun nga, hindi talaga siya iyakin. “Nababaliw na nga ako! O, hindeee !” paghi-hysteria niya. Pero utang-na-loob, hindi pa rin niya feel na isigaw ang “ Crispin! Basilio! ”
Hindi niya namalayang nakalapit na si Nate sa kama. “Here, touch me,” sabi nitong umupo sa tabi niya.
“N-no way!” nahihindik na sabi niya.
Bago pa siya nakahuma, kinuha na ni Nate ang kanyang kamay. “See?” Pinisil-pisil pa nito ang kanyang palad. “Totoo ako.”
Hindi pa rin naniniwala si Euna. “P-puwedeng dinadaya pa rin ako ng utak ko. Baliw na ako at hindi ko na alam ang totoo sa hindi!”
“Sabi ko na nga ba’t mas mahirap kung babae ang makakatagpo sa akin,” exasperated na sabi nito. “Ang dali kong nakumbinsi `yong dalawang lalaking magkasunod na nakapulot sa akin noon.”
Napanganga na lang si Euna at wala nang lumabas na salita mula sa kanyang bibig.
Hindi niya inasahan ang sunod na ginawa ni Nate. Hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya, saka walang sabi-sabing sinelyuhan ng mga labi ang kanyang bibig. It took her a while to realize and feel what he was actually doing.
A kiss. He was kissing her! At nabura yata ang lahat ng takot at panic sa kanyang katawan. Napalitan iyon ng isang masarap na pakiramdam. Nang lumalim ang halik ni Nate, doon na siya parang pinanghinaan ng mga kalamnan. This man could kiss so damn well! Damang-dama niya ang bawat galaw ng mga labi at ng dila nito sa kanyang bibig. How he sensually licked and nipped her lips—it was torrid, it was delicious. And it was making her want more.
“Well?” nakangiting sabi ni Nate nang sa wakas ay pakawalan na siya.
Ilang beses kumurap-kurap si Euna, wala sa sariling nahaplos ang bibig. That was not her first kiss but that hot kiss just rocked her whole damn world!
Awtomatikong itinaas niya ang nakakuyom na kamay at sinapak ito sa mukha. “Manyak ka! Bakit mo ako hinalikan?!” bulyaw niya at hinampas pa ang lalaki ng unan sa balikat.
“Whoa! What the hell?” Napatayo si Nate na sapo ang kaliwang panga. “Ayaw mong maniwalang totoo ako kahit hinawakan na kita sa kamay! Ano’ng mas gusto mong gawin ko sa iyo? Sapakin kita? Sorry, Euna, but I don’t hurt women!”
Okay, okay. Kalma lang, Euna! Halik lang `yon, gaga. Tinawag mo pa siyang manyak, eh, nasarapan ka naman. Ipokrita much?
“Sige, k-kung genie ka nga talaga, pakitaan mo ako ng powers mo,” hamon niya sa lalaki.
“Look, my main power is to grant you three wishes, all right? That, and apparently, I can speak any language, too. Depende sa taong kausap ko. Puwede rin pala akong mag-teleport. Kaya kong mawala sa paningin mo at bumalik kapag tinawag mo nang tatlong beses ang pangalan ko.”
“R-really?” napapantastikuhang sabi ni Euna.
“Want to try the teleportation thingy ?”
Tumango siya. “O-okay.”
“ Don ’t forget my name. It’s ‘Nate.’ Short for ‘Fortunato Montoya.’” Ngumiti at kumindat ang lalaki.
“Ay, kamote!” bulalas niya nang biglang mawala nga sa kanyang paningin ang lalaking genie raw.
So, this was real after all. Damang-dama pa ni Euna ang halik ni Nate sa kanya. Kitang-kita niyang naglaho nga ang lalaki sa kanyang kuwarto. Wala sa lahi nila ang pagkakaroon ng mental disorder kaya posible ngang hindi siya nababaliw. This was all happening! Pero nasaan na ang lalaki?
Teka, ang sabi pala nito ay kailangan niyang tawagin nang tatlong beses ang pangalan nito.
“Nate… Nate. Nate!”
Napasinghap si Euna nang muling lumitaw ang lalaki sa kanyang harap. Noon niya hindi napigilang pagmasdan nang mabuti ang kabuuan nito.
Maikli ang buhok ni Nate na unat at itim na itim; medyo malapad ang noo, husto ang tangos ng ilong, hindi masyadong matapang ang jawline, at ang mga labi…
Diyos Lord! Ang mga labi nitong humalik sa kanya kanina lang… They were a sexy pair of lips that seemed to hold so many promises of sweet, hot kisses.
He was tall, maybe six feet. At ang pamatay nitong katawan na husto sa pagkamaskulado ay pantay ang pagkakayumanggi. Isa iyong uri ng katawan na kayang kumiliti ng imahinasyon; isang katawang parang kayang-kayang magpainit ng kahit na sinong babae, kahit pa siguro frigid. Katawang nangangako ng isang libo’ t isang sarap at —
Tumikhim si Nate. “Feasting on my body, I see,” pilyo nitong sabi. He was standing in front of her with so much confidence. Charisma and sexuality were oozing from every pore of his magnificent physique.
Doon na tumayo si Euna at tumingin nang deretso sa mga mata ng lalaki. They were dark, deep, and searing. At iisang salita lang ang nababasa niya sa mga iyon—SEX. This man was a total male sex symbol!
“Ready for your wishes?” tanong uli nito.
“H-hindi pa ako makapag-isip nang deretso,” sabi niyang sunod-sunod ang paglunok. Because your hotness is a total distraction!
“I can understand that,” tatango-tango namang sabi ni Nate na parang nasiyahan sa sagot niya. “Take your time, Euna. Gaya ng sinabi ko, puwede akong maghintay. Tawagin mo lang ako `pag handa ka na.”
“S-saan ka naman pupunta?”
He let out a little lopsided grin. “Bakit? Ayaw mo akong umalis?”
Pinasadahan siya ni Nate ng tingin mula ulo hanggang paa. At kahit maayos na ang pagkakatali ng kanyang roba, parang nakahubad pa rin ang pakiramdam niya dahil sa init ng tingin ng lalaki.
“Hindi lang tatlong kahilingan ang puwede kong ibigay sa iyo,” panunukso pa nito. “We can spend the night together, Euna. At huwag tayong lumabas ng kuwartong ito hangga’t hindi nanghihina ang mga tuhod natin sa mga gagawin ko sa iyo sa kama mo.”
Pinanuyuan siya ng lalamunan sa mga narinig. “Y-you can leave now, Nate,” nanghihinang sabi niya.
Lumapit naman ito sa kanya, hinawakan ang tali ng bathrobe niya, at dahan-dahang kinalas. Parang nararamdaman ni Nate ang nangyayari sa kanya nang mga sandaling iyon kaya malakas ang loob nitong landiin siya. Hindi siya nababastusan dito. She was being hot and bothered.
“Are you sure you want me to leave?” he teased her. His eyes sweltering and seducing. “I can stay…”
Gusto niyang pigilan ang ginagawa ni Nate pero umaayaw ang buong pagkatao niya, sumusuko sa isang masidhing sensasyong noon lang lumukob sa kanyang kamalayan. She was being sexually aroused by a man. A stranger at that!
Nate breathed on her hair and Euna went stiff like a pole. He then sensually ran his tongue on her neck and nipped her earlobe. She felt his fingers tracing her tummy up to the space between her breasts. Napaungol siya sa mumunting kilabot na gumapang sa kanyang katawan; naging maingay ang kanyang paghinga, pati ang tibok ng kanyang puso. Nang maramdamang humawak sa kanyang dibdib ang isang kamay ni Nate at mapanuksong gumalaw roon, lumiyad siya at napapikit nang mariin.
Bakit ganoon ang nararamdaman niya sa lalaking ito? Ilang beses na siyang inakit ni Ephraim para bumigay sa pakikipag-sex dito pero hindi siya pinanghihinaan ng depensa, hindi gaya ngayon. Kayang-kaya niyang tanggihan ang dating boyfriend. But now… heaven help her. Nasasarapan siya sa ginagawa ni Nate sa kanya, nag-iinit ang katawan niya.
Euna was not really totally innocent when it came to sex. She was so aware of herself physically. Nagbabasa siya, nanonood ng tungkol sa pakikipagtalik at sa pagiging sexually aware ng isang babae. She knew how to pleasure herself; at doon siya nalilito dahil alam niyang hindi siya frigid pero hindi siya kayang pag-initin ni Ephraim kahit kailan. Perhaps her ex was pushing the wrong buttons?
Nate’s one thumb kneaded one bud of her breasts and it instantly puckered in aching need.
“Mmmm…” hindi niya napigil na umalpas mula sa bibig at umindayog nang kusa ang katawan.
Lust. Yes, it was pure, unadulterated lust that was reigning in herself right now. Iyon eksakto ang uri ng panganib na nararamdaman niya kanina pa—hindi ang panganib na mapapahamak siya sa kamay ng estrangherong ito kundi ang panganib na mahulog sa sariling tawag ng laman.
Pero kahit paano, nananatili pa rin ang logic sa kanyang utak. She was about to have sex with a total stranger! Isang genie pa raw. Ano ba itong pinapasukan niya?
Inipon ni Euna ang natitirang lakas at itinulak si Nate. “U-umalis ka na at tatawagin na lang kita b-bukas,” medyo nanginginig na sabi niya.
Nate grunted in frustration and uttered a cuss. Hindi naman nakaligtas sa kanyang paningin ang tanawin sa ibaba ng puson ng lalaki. His manhood was bulging against his pants. Pinanlakihan siya ng mga mata, saka mabilis na inalis ang tingin mula sa parte nitong iyon.
“Let me just finish what I’ve started, baby. I promise you will love it. You will end up craving for more,” pangungumbinsi pa ni Nate na namamaos na ang boses at nag-uulap ang mga mata.
Sunod-sunod na umiling si Euna at umatras pa mula sa lalaki kahit may parte ng pagkatao niya ang gustong hilahin pabalik si Nate at idikit sa kanyang katawan. God, she wanted him to touch her more, and beyond just touching!
“Oh, come on, sweetheart—”
“Back off!” bulyaw niya at umatras pa nang umatras. “U-umalis ka na sabi!”
“All right,” dismayadong sabi ni Nate. “I’ll see you tomorrow then,” paalam na nito at muling naglaho sa kanyang kuwarto.