noveltoon logo noveltoon
My Genie Lover

Chapter 13

Ch. 14 / 30 Nov 28, 2025

Posible bang magbago ang isang tao—you know, magbago ang isip at nararamdaman? I used to think I was a hopeless case. Don’t get me wrong, I was happy that way. But lately… Nararamdaman kong hindi na ako ang dating Fortunato Montoya. May unti-unting nababago sa pagkatao ko, hindi ko kayang ipaliwanag kung ano. I was just supposed to deceive Euna and manipulate her feelings; pero sa mga ginagawa ko, parang ako `yong namamanipula ng kung ano mang klaseng puwersa. And honestly, it’s starting to scare me shitless.

NAKARATING na rin si Andre sa Escape at masaya itong sinalubong ni Nate. Nag-check in ang kaibigan sa hotel na kinaroroonan ni Jinnea. Magkasama silang nag-merienda sa restaurant habang hinihintay ni Nate si Euna na nagpapamasahe sa spa.

“Naiintriga na talaga ako sa Euna na ito,” sabi ng kaibigan niya. “Ano ba siya talaga sa buhay mo, `tol? Huwag na tayong maglokohan pa. Wala ka pang naalalang pangalan ng babae sa paglipas ng tatlong araw.”

“ We ’re dating,” sabi na lang ni Nate.

“You don’t date!” kantiyaw ni Andre.

“Well, I do now.”

Mayamaya, may naalalang sabihin ang kaibigan sa kanya. Sumeryoso ang mukha nito. “Nagkita pala kami ng daddy mo kahapon,” pagbabalita nito.

Hindi siya umimik. Ipinagpatuloy lang niya ang pagkain.

“Hindi mo ba siya kukumustahin man lang?”

“Buhay pa siya. That’s enough for me to know.”

“He doesn’t look well. Parang may sakit siya. Saka noong kinumusta ko, hindi siya gaanong nagkuwento. Nagmamadali pa ngang umalis.”

Mapait siyang ngumiti. Hindi pa rin nagbabago ang daddy niya. “But of course, kaibigan kita, `tol. Lahat ng bagay na konektado sa akin ay ayaw niya.”

“He asked me about you, Nate.”

Natigilan siya.

“Noong malaman niyang nasa mabuti kang kalagayan, parang sapat na sa kanyang malaman `yon. In fact, kaya lang yata niya ako kinausap ay para kumustahin ka. I gave him your number, by the way.”

Nagkibit-balikat na lang si Nate. Noong umalis siya ng bahay ni Alejandro Montoya, ipinangako niya sa sarili na puputulin na ang lahat ng kaugnayan mula sa umampon sa kanya. After all, it was his father who made him leave in the first place. Labinlimang taon na rin pala ang nakararaan mula noon.

LUNCHTIME na nang lumabas si Euna mula sa spa. Nakapagpahinga na rin si Andre mula sa hotel at muli itong bumaba sa restaurant. Tinawag ni Nate si Jinnea at inalok itong sumalo sa tanghalian nila ni Euna. Nagpigil siya sa pagtawa nang magulat si Jinnea na kasama nila sa mesa si Andre. Nalintikan na. May gusto rin ang babaeng genie sa kaibigan niya!

Sa gitna ng pagkain ay mahahalata ang uneasiness nina Jinnea at Andre sa isa’t isa, pero hindi rin maitatagong masaya ang mga ito sa muling pagkikita. Ilang beses nahuli ni Nate na parehong nagnanakaw ng tingin ang mga ito sa isa’t isa.

“O, paano? Galit-galit na muna tayo,” pabirong sabi ni Nate nang tatayo na silang apat mula sa mesa. Binalingan niya si Andre. “May lakad kaming dalawa ni Euna ngayon, kaya ikaw na muna ang bahala kay Jinnea, `tol. Ilibot mo siya sa resort, sa garden, sa beach. Sumakay kayo sa yate kung gusto ninyo. May malapit din palang nature park dito kung saan puwede kayong mag-hiking at mag-zip line.”

Pinanlakihan siya ng mga mata ni Jinnea pero hindi niya iyon pinansin. Tatawa-tawang hinila niya si Euna palayo sa dalawa.

“Come on, babe. Let’s take a walk on the beach,” yaya ni Nate sa dalaga, saka inakbayan.

Walk on the beach, huh? Kailan pa siya naglakad sa beach? Ang huling pagkakataon na may kasama siyang babae sa beach ay nag-sex sila sa buhanginan!

“Nagkakagustuhan ba ang dalawang `yon?” naiintrigang tanong ni Euna na nakayakap ang isang kamay sa kanyang baywang.

“Halatang-halata talaga,” iiling-iling na sabi ni Nate.

“Well, it’s not rocket science. Ang lagkit makatingin ng kaibigan mo kay Jinnea, saka panay naman ang blush ng jiniri — Teka, paano `yan? Eh, genie nga pala si Jinnea?”

“Bahala na silang dalawa.” Right. Problema na ni Jinnea iyon kapag nagkataon. Basta masaya si Nate dahil nailayo niya si Euna kay Jinnea.

“Well, sabi mo nagiging parang tao na si Jinnea. Kaya siguro nagkakagusto na rin siya sa kaibigan mo. Who knows? They might end up together. Wala raw imposible sa pag-ibig.”

Napangiti si Nate. “Romantic ka pala.”

“ H-hindi naman. `Kita mo nga ang binabasa kong libro ngayon, hindi romance kundi libro ni Dan Brown. ”

Napatigil siya sa paglalakad nang bigla na lang may sumagi sa isip niya. “Euna, I was just wondering, you think… a hm …”

“What?”

Tiningnan ni Nate ang dalaga sa mga mata. Mula roon ay nakita niya ang mga ulap sa kalangitan. He was somehow captivated. “Nah, forget it.”

“Ano `yon?” pangungulit ni Euna. Pinigilan siya ng dalaga nang akmang ipagpapatuloy niya ang paglalakad. “Nate? Ano `yong sasabihin mo? Hindi ako aalis dito sa kinatatayuan ko hangga’ t hindi mo sinasabi! ”

Damn, she was really something. “Naiisip ko lang… what if…”

“What if…”

He chuckled awkwardly and combed his hair with his fingers. “W-what if you fall in love with me?” Hirap na hirap siyang bigkasin ang mga salita, saka nahihiyang ngumiwi.

Tumawa si Euna at nagtaas ng isang kilay, pero halata ring nagulat at nataranta sa tanong niya. “ A-ano ba ’ ng mga pinagsasabi mo, Fortunato? ”

“Must be the food that I ate,” natatawang sabi niya.

“Naimpatso ka?” natatawa ring sabi ng dalaga at hinawakan siya sa kamay. “Maglakad tayo sa may lilim. Baka iba rin ang epekto sa `yo ng init ng araw. Natuyuan ka na ng brain cells!”

KAUSAP na naman ni Euna si Ephraim sa cell phone. Tumawag sa kanya ang dating boyfriend. Hindi sana niya ito sasagutin, pero naisip niya ang boses ni Rachel na umiiyak noong isang gabi. Hindi man niya gusto ang pakiramdam, namamayani ngayon ang concern niya sa kaibigan. At kahit hindi pa niya kaibigan ang babae, nakakagalit pa rin ang sinapit nito sa kamay ng isang gagong manloloko na duwag pa pala.

“Binuntis mo siya, `tapos tatakbuhan mo? Anong klase kang lalaki?”

“She deceived me, Euna! Ang sabi niya, umiinom siya ng contraceptive pills, pero hindi pala!”

“Anak mo pa rin ang nasa tiyan niya! Hindi naman mangyayari `yon kung hindi ka nangati’t—” She grunted. Ayaw na niyang sumbatan si Ephraim. Moving on na dapat ang drama niya ngayon.

“Sabi ko na sa `yo, n-nalungkot lang ako noong wala ka rito. Saka walang dumadamay sa akin habang nasa ospital si Nanay.”

“Ilang beses ko pa bang maririnig `yan? Excuses, excuses! In sex, no means no, Ephraim. Walang aksidente sa ganyan, unless rape ang nangyari. You can’t just trip and fall into a vagina! Pareho ninyong ginusto ni Rachel ang nangyari. Please lang, huwag n’yo na akong guluhin. Nananahimik na ang buhay ko.”

Pinatay ni Euna ang cell phone at inihagis sa kama. Paglabas niya ng kuwarto, naghihintay si Nate sa labas ng pinto.

“Kausap mo na naman si Ephraim?” naiinis na sita ng binata.

“Nag-i-eavesdrop ka ba, Fortunato?” naiinis ding balik ni Euna. Nilampasan niya ito at nagpunta sa veranda ng cottage.

Nakauwi na ang pamilya ni Euna sa Alava. May pasok pa kasi sina Ednar at Jonjon. Ayaw namang magpaiwan ng kanyang ina sa Escape. Nami-miss na raw nito si Octavio.

“Do you still want him?” tanong uli ni Nate na sumunod sa kanya.

Humalukipkip siya. “What do you care?” Sa totoo lang, naiinis na siyang pag-usapan pa ang tungkol doon. “Wala na akong pakialam sa kanya kahit ilang babae pa ang mabuntis niya!”

“Nabuntis niya ang best friend mo?”

Tahimik lang siyang tumanaw sa dagat.

“Siya pa rin ba ang dahilan kaya ayaw mong makipagrelasyon sa akin?”

Nilingon ni ya ito . “Fine. You want me, Nate? You can have me now!” inis niyang deklara. “Payag na akong magkaroon tayo ng relasyon.”

Ito naman ang humalukipkip. “Ayoko ng ganyan lang. Parang napipilitan ka lang.”

Watdapak? “Hindi na kita maintindihan! Kulit ka nang kulit na magkaroon tayo ng relasyon. Ngayong pumapayag na ako, saka ka naman nag-iinarte diyan? Dami mong alam!”

“Lalaki pa rin ako, Euna. Kahit ganitong pinagpasa-pasahan na ako ng di-mabilang na mga babae, may pride pa rin naman akong natitira. Ayokong maging rebound mo lang,” nakasimangot na sabi ni Nate.

“Sabi mo, tutulungan mo akong kalimutan ang tarantadong ex-boyfriend ko? Rebound nga ang labas mo n’on. Linawin mo ang pinagsasabi mo bago ka magbitaw ng mga salita, Nate. O baka tama ang hinala ko, inuuto mo lang ako mula pa sa umpisa.”

T ama, gusto lang namang “magpalakas” ni Nate sa kanya para hindi pa niya gamitin ang huling kahilingan, para manatili pa rin ang binata sa labas ng lampara. Iyon lang naman ang nag-uugnay sa kanila. Pero siya, nadadala sa matatamis nitong salita, sa mga halik, sa lahat-lahat na!

“Hindi kita inuuto lang! Totoo ang mga sinabi ko. Tutulungan kitang kalimutan ang ex mo. Bakit sa tingin mo naiinis ako ngayon? Ayoko nang kinakausap mo siya! Hindi ko gusto ang pakiramdam, all right?”

“Puwes, ayaw ko na ring may kinakausap kang ibang babae!” hindi niya napigilang sabihin.

Kanina kasi, habang nagsu-surf sa dagat si Nate ay may dalawang babaeng lumapit sa binata nang umahon ito mula sa dagat. Nakaramdam ng inis si Euna habang natatanaw na parang masayang nag-uusap ang dalawa.

Ngumiti ito . “Nagtatanong lang sila kung tagarito ako sa lugar. Well—okay, they were making moves on me. Pero hindi ako bumigay. Teka, nagseselos ka ba?”

“Hindi ako nagseselos! Ayoko lang na marami kami sa buhay mo kung sakali ngang magkaroon tayo ng relasyon!” inis na pagtatama ni Euna. “Oo, pumapayag nga akong magkaroon tayo ng sexual relationship, pero tulad mo, may pride din ako, Nate. Hindi ko gustong may iba kang babae na kinakalantari—” Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil sinunggaban ni Nate ang magkabilang pisngi niya at siniil ng halik sa mga labi.

“You’re my girl now, okay?” marahang sabi nito nang tapusin nila ang mainit na halik.

Ngumiti siya. “And you’re mine ? ”

Hinapit ni Nate ang kanyang baywang. “I’m all yours, Euna.”

“Patunayan mo. Baka mainis ako sa iyo’t i-wish kong maging bading na salagubang ka!”

“Hey! Be careful with using the word ‘wish,’ babe. Baka madulas ka na naman,” babala nito.

“Fine, puputulin ko `yang birdie mo gamit ang kutsara!”

“What’s with you women and cutting off penises?” natatawang bulalas ng binata. “Leave my dick alone, please. Inosente siya.”

Ngumuso si Euna. “Ikaw kasi, parang ang hirap magtiwala sa iyo.”

“Can we just shut up and kiss again?” malambing namang pakiusap ni Nate, humigpit ang yakap sa kanyang baywang.

As she answered back to his kisses, she knew that they already agreed to each other’s stipulation. She knew that Nate had already won her trust.

HULI na para umurong, iyon ang iniisip ni Nate habang hinihintay si Euna na magbihis para sa kanilang unang dinner date.

Dapat ba niyang pagsisihan ang desisyon ngayon?

Paano nga pala niya mae-enjoy ang buhay sa labas ng magic lamp kung nakatali naman siya sa iisang babae? He wanted to smother himself with worldly things. That was why he wished for a long life! Gusto niyang magpakalunod sa alak, magpakasawa sa mga babae. Paano niya ngayon magagawa iyon kung may relasyon na sila ni Euna?

Kung bakit parang may kakaibang nangyayari sa kanya. Kahapon, may dalawang babaeng naka-bikini ang lumapit sa kanya pero tinanggihan niya. Nagpapasama ang mga iyon na maglibot sa buong Rosario, pero sinabi niyang may kasama siya. Biruin mo iyon? Tumanggi siya sa grasya! Dalawang babae rin iyon, mukhang liberated. He could’ve had a threesome with them.

Totoo ring naiinis si Nate kapag kausap ni Euna ang ex-boyfriend nito. Sagabal ang Ephraim na iyon sa pakikipaglapit niya sa dalaga. Kung puwede lang na mawala ito sa kanyang landas. Teka, bakit hindi? Magagawan niya iyon ng paraan! Money could buy anything, right?

Okay, okay… Ang totoo, masaya naman siya sa setup nila ni Euna. If he couldn’t have sex with other women, then he would fulfill his physical needs from Euna. And this was something new. Kahit paano, nakakaramdam siya ng excitement. Kaya oo, magtitiyaga muna siya sa kanilang setup.

Isa pa, paano kung mahulog nga ang loob ng dalaga sa kanya? Paano kung umibig ito sa kanya?

Napangiti si Nate sa isiping iyon. Kung ano mang kabaduyan—este, kababalaghan ang nangyayari sa sistema niya ngayon ay nasa kanya pa rin ang advantage. Kaya oo, maninindigan siya sa desisyon.

Isang maganda at pulang seksing damit ang suot ni Euna nang lumabas mula sa kuwarto. Hapit iyon sa katawan at mababa ang neckline. Kahit ilang beses nang nakita ang malulusog na dibdib ng dalaga, hindi pa rin niya maiwasang mapalunok sa malalim na cleavage na nakikita.

His girl looked so hot tonight.

Sa pamamagitan ng teleportation, binalikan ni Nate sa Maynila ang kanyang kotse na black Porsche Panamera. Iyon ang ginamit niya nang dalhin si Euna sa isang magandang restaurant sa downtown.

“O, bakit ka nangingiti diyan?” tanong ng dalaga habang hinihintay nila ang order na pagkain.

“Naisip ko lang, first time ko rin pala itong makipag-dinner date,” sagot ni Nate, na parang excited gaya ng teenager na—holy fuck! Nagiging baduy na talaga siya!

Speaking of baduy, nasa Escape pa rin si Andre, talagang binabakuran na si Jinnea. Nakita niya na magkasama uli ang mga ito kahapon. Tinuturuan ng kaibigan niya ang jiniri na mag-surf.

Nate always had a short attention span, but whenever he talked to Euna, he always found himself listening attentively to her. Dati, puro sex lang ang alam niyang gawin sa mga babae. Ni wala nga siyang nakakasama sa plain conversation lang. At wala pa siyang hinalikan na hindi nauuwi sa pagtatalik. Nakailang halik na ba siya kay Euna at nakokontento na sa kasiyahang dulot ng mga iyon? He always thought of torrid kissing as a prelude to sex.

Pagbalik nila sa Escape ay nagkasundo silang maglakad papunta sa kanilang cottage. Sa beach sila dumaan, at hawak ang mga de takong na sapatos ni Euna ay magkahawak-kamay silang naglakad.

Mayamaya pa ay niyaya siya ng dalaga na maupo sa buhangin.

“Parang mas naging kaunti ang mga bituin sa langit,” sabi ni Euna na nakatingin sa kalangitan. “Noong bata pa ako, parang mas marami sila, mas makikinang, mas malalaki.”

“Maybe because everything was bigger when we were small?” nakangiting sabi naman ni Nate.

“Ngayon lang ako nakamasid uli sa himpapawid sa gabi,” malungkot na sabi nito. “Nakalimutan ko na pala kung gaano kaganda ang mga bituin.”

“Ako rin. I never used to look at them anyway. I always thought of them as just… stars, just heavenly bodies. That’s it.”

“I used to wonder if there were other beings living in the stars,” natatawang sabi nito. “Para akong engot, ang dami kong naiisip noon.”

“I used to be an atheist, believing that everything exists because of science. Pero pinarusahan yata ako ng Diyos, tingnan mo ang nangyari sa akin ngayon—nasa ilalim ng sumpa. Daig ko pa `yong mga prinsipeng naisumpa sa mga fairy tale gaya n’ong si Beast, o The Frog Prince ba `yong isa pa?” Tumawa si Nate. “Except that I’m not Prince Charming material, of course. Shit, not even close.”

“And you won’t be saved from a kiss.” Tumawa rin ang dalaga. “Alam mo bang sa real version ng Grimm Brothers sa The Frog Prince , bumalik sa katawang-tao `yong palaka nang ibato siya sa dingding ng prinsesa dahil sa pandidiri?”

“Ouch! Huwag mo naman akong ibato sa dingding. Masyadong brutal!”

Bumuntong-hininga si Euna. “Hanggang ngayon, nawiwindang pa rin ako sa mga nangyari sa akin. Akala ko sa kuwento lang ni Aladdin totoo ang mga genie.”

“`Yan din ang akala ko noon, Euna.”

“Who knows kung ano pa ang totoo, `no? Kung ilang mundo pa ang mayroon? Kung ilang klaseng nilalang?”

“Baka totoo nga rin ang tooth fairy, elves, at si Santa Claus.”

“ Saka `yong leprechaun din, mga maligno, impakto …” dagdag ni Euna.

“Mabuti na lang pala at sumpa lang ng magic lamp ang nakuha ko’t hindi ako naging monster!” bulalas niya.

“Oo nga! Baka inatake na ako sa puso noong nagpakita ka sa akin.”

“`Buti guwapo pa rin ako!”

Kinurot siya ni Euna sa tagiliran. “Napakayabang at napakabanidoso mo.”

“Nagsasabi lang ako ng totoo!” bulalas ni Nate. “Saka kung hindi ko pupurihin ang sarili ko sa aspetong `yon, wala na akong ibang ipagmamalaki. Well, except that I’m rich and I’m a good lover, of course.”

“I think you’re a good person underneath your shallow personality, Nate,” nakangiting sabi ni Euna na titig na titig sa kanyang mukha.

Noon lang yata siya nakaramdam ng matinding flattery. “Y-you think so?”

“Ang bait mo sa pamilya ko. Ang sweet mo sa nanay at ate ko. Lagi mo silang pinapatawa. Siguro kung hindi lang sila taken, aagawin ka na nila sa akin.”

Sabay silang nagtawanan.

“Charming lang siguro ako,” sabi ni Nate, sabay kindat.

Charming? Kailan pa niya tinawag ang sarili na charming? Sex appeal ang mayroon siya, hindi charm. Hot lang siya, hindi charming!

“Mabait ka rin sa pamangkin ko. Hindi ka nakukulitan sa kanya. Eh, ako nga hindi makatagal sa batang `yon!”

Napangiti si Nate nang maalala ang paglalaro nila ni Jonjon sa gilid ng dagat. Kasama niya ang bata na nagpagulong-gulong sa buhangin pagkatapos nilang gumawa ng sandcastle na giniba rin nila.

“Na-miss ko lang siguro ang kabataan ko.”

“Thank you, Nate,” sincere na sabi ni Euna at hinalikan siya sa pisngi.

Shit. Kinilig pa yata siya sa paghalik nito sa kanyang pisngi! What the fuck is wrong with him?

“Alam kong dahil sa kasunduan natin kaya mo ito ginagawa. Pero gusto ko lang malaman mo na grateful ako sa lahat ng ibinigay mo sa akin.”

“O, bigla mo ring binawi ang sinabi mong good person ako,” biro niya.

“Ang ibig kong sabihin, hindi mo naman magagawa ang lahat ng mga ito kung hindi ka mabuting tao, hindi ba? Hindi raw napipilit ang good deeds. You have to have a really good heart to perform them.”

Flattered man sa sinabi ng dalaga ay may naramdaman pa rin siyang guilt. “Paano kung gipit lang talaga ako at desperadong mamuhay sa labas ng lampara?”

“Siguro. Pero puwede mo naman akong iwan pagkabigay mo sa akin ng pera, hindi ba? Noong pinakiusapan kitang magpanggap na boyfriend ko, gusto lang kitang ipamukha kay Ephraim. Hindi mo naman kailangang manatili pa sa bahay namin, lalo na’t sumama pa dito sa Escape.”

“Mas gusto mo ba kung wala ako dito ngayon?” Bakit parang nagtatampo siya?

Inihilig ni Euna ang ulo sa balikat niya. “Wala na akong kawala sa `yo, Fortunato. We’re dating na, remember?” she said with a soft, sexy laugh.

Hinalikan naman ni Nate ang buhok ng dalaga. “Sinabi mo `yan. Wala nang bawian.”