noveltoon logo noveltoon
My Genie Lover

Chapter 21

Ch. 22 / 30 Nov 28, 2025

I thought I was destined to be born in this world to experience both the dark and light sides of life. Pero hindi lang pala puti at itim ang mga nakita kong kulay ng buhay kundi mas makulay pa sa bahaghari.

NAPAPADALAS na ang pag-i-stay n i Nate sa condo unit ni Euna . Minsan ay tumatagal pa nang mahigit isang linggo ang pananatili niya roon. Gago na siya kung hanggang ngayon ay idadahilan pa rin niyang ang nakakabaliw na mga pagtatalik nila ng babae ang dahilan ng madalas nilang pagsasama. Although the fucking was getting hotter and hotter, natutuwa lang talaga silang palaging magkasama sa halos lahat ng oras.

Isang hapon na lalabas sana sila para mag-merienda ay may natanggap si Nate na tawag mula sa hindi kilalang numero. Ospital daw ang tumatawag, tinatanong kung kaano-ano niya si Alejandro Montoya.

“What’s wrong?” usisa ni Euna nang ibulsa niya ang cell phone.

“M-my dad… `Yong umampon sa akin. Nasa ospital daw ngayon. ”

May stomach flu raw ang kanyang ama at dinala ng isang kapitbahay sa ospital. Sinabi ng kapitbahay na iyon sa ospital ang kanyang pangalan bilang malapit na kamag-anak ni Alejandro at hinanap ang kanyang numero sa dalang cell phone ng matanda.

“Hindi mo ba pupuntahan?” tanong ni Euna.

Tumingin si Nate sa dalaga, hindi alam ang sasabihin. May nararamdaman siyang bigat sa dibdib na hindi niya kayang ipaliwanag. Napakatagal nang panahon na hindi sila nagkita ni Alejandro, hindi niya lubos maisip na sa ganitong pangyayari sila muling magkikita.

Mabilis niyang minaneho ang kotse at kasama si Euna ay pinuntahan nila ang ospital. Sarisari ang nararamdaman niya. He was worried. He was guilty. He was ashamed.

Oo nga’t hindi siya nakaramdam ng pagmamahal mula sa taong umampon sa kanya. Pero higit itong naging magulang kaysa sa inang nagluwal sa kanya sa mundo. Sabi pa nga sa kanya ng mga kapitbahay nila noon, tinangka raw siyang ipa-abort ng nanay niya pero masyado nang malaki ang tiyan nito at mahigpit ang kapit niya sa sinapupunan. Naisip nga niya noon—kahit sa murang edad—na talagang nakatakda siyang maipanganak sa mundo.

Kung wala si Alejandro Montoya ay hindi niya alam ang mangyayari sa kanya noon. Puwedeng sa bahay-ampunan na siya tumanda, o baka may ibang nakaampon sa kanya na hindi maganda ang naging trato sa kanya. He wasn’t given love and attention, yes, but he got everything else that he needed. Hindi na siya humiling pa ng higit pa roon dahil sobra-sobra na ang kanyang tinamasa para sa isang tulad niyang galing sa putikan.

Sa isang masikip na ward na may walong kama natagpuan ni Nate si Alejandro. Nasa pinakadulo ito, walang bantay at walang mga pagkain o inuming nakapatong sa mesitang katabi ng kama.

Halos hindi niya nakilala ang lalaking umampon sa kanya. Humpak ang mga pisngi nito, naninilaw ang mga mata, payat. Kung hindi lang sa nunal sa kaliwang pisngi, magdadalawang-isip siya na iyon ang mayamang si Alejandro Montoya. Kahabag-habag ang hitsura nito at mukhang matandang hukluban na sa edad na animnapu’t tatlo. Nangangamoy rin ito, napadumi at napaihi na yata sa higaan at hindi pa pinapalitan ang kumot at sapin ng kama nito.

“ N-Nate? ” hirap nitong sambit nang makilala siya.

“Dad… w-what happened to you?” pigil ang pagluhang tanong niya. “B-bakit ka… d amn it! Bakit ka nandito sa ganitong ospital? Pababayaan ka dito! ” Luminga siya sa nakabukas na pinto, nilampasan lang sila ng dalawang naglalakad na babaeng nurse. “Bakit walang nag-aasikaso sa pasyenteng ito?” malakas niyang tanong, nakatingin sa pinto.

“Wala raw po kasing pambayad,” sabi ng isang dalagita na nakabantay sa isang middle-aged na lalaking pasyente. “Hindi nga rin po nabili `yong mga kailangan niyang gamot kahapon.”

“ Putang-inang ospital ito! ” malakas na mura ni Nate.

Hinawakan siya ni Alejandro sa kamay. “Nate, anak, tama na. B-baka bukas, maaari na akong umuwi.”

“Dad, I can barely hear you! You need to get well,” sabi niya. Mabilis siyang naglakad sa may pinto. “Nasaan ang mga doktor dito?” malakas niyang tanong. “Asikasuhin ninyo ang daddy ko! Magkano ba’ng gusto ninyong bayad? Pera lang ba ang kailangan ninyo? I can give you shit tons of money right now!” pagwawala niya sa hallway.

“Nate, tama na,” awat ni Euna at hinila siya sa tabi. “You need to calm down, please. Baka palabasin tayo dito.”

“M-my father… Did you see him, Euna?” naiiyak na niyang sabi. “Look at him!” Itinuro niya ang pinanggalingang ward. “H-he’s so sick and he’s all alone. Who knows kung gaano na siya katagal na naghihirap? Samantalang ako… `tang-ina, nagpapakasarap lang sa buhay! Napakawalang-kuwenta kong tao kahit kailan.”

“Sshh, hindi mo naman alam na mangyayari ito kaya wala kang kasalanan,” pang-aalo ni Euna.

“Hindi ko man lang siya naisip na hanapin kahit ikinuwento siya sa akin ni Andre,” puno ng guilt na sabi niya, noon na umagos ang luha mula sa kanyang mga mata.

Masuyo nitong pinahid ang kanyang mga pisngi. “Hindi mo masyadong ikinuwento, pero natatandaan kong nasabi mo nang pahapyaw sa akin ang naging sitwasyon ninyo ng daddy mo noon. Naiintindihan ko ang pinanggagalingan mo, Nate. Please, don’t be too hard on yourself.”

Alam niyang inaalo lang siya ni Euna, pero hindi nito sinasabi lang iyon para pagaanin ang kanyang pakiramdam. His girl was always honest to him. Always. Samantalang siya… Fuck him. Fuck him to hell! Ang sama niyang tao!

“Gagaling din siya, okay?” Kinabig siya ng dalaga para yakapin. “Ilipat na lang natin siya sa ibang ospital, sa private.”

MABUTI na lang at kasama ni Nate si Euna dahil sa magkakahalong galit, takot, guilt, at pagkataranta ay halos hindi na niya alam ang gagawin. Ang dalaga na ang tumawag sa isang pribadong ospital at mabilis namang nagpadala ang mga iyon ng ambulansiya para sunduin si Alejandro.

Habang ginagamot ang ama sa emergency room, nakatakip ang mga kamay niya sa mukha habang nakaupo sa waiting room.

“Coffee?” alok ni Euna na hindi niya namalayang umalis pala sa kanyang tabi para kumuha ng kape.

Inabot ni Nate ang styro-cup pero tumitig lang doon. “A-ayoko nang mag-isa,” garalgal ang boses na nasabi niya.

“Then don’t be,” sabi naman nito at hinaplos ang kanyang likod. “Sino ba kasi ang nagsabi sa `yong kailangan mong mag-isa, Nate?”

“Ayoko nang magkaroon ng mahabang buhay,” luhaang sabi niya. “H-hindi ko pala kayang makita na mamatay ang mga taong importante sa akin.” Ibinaba niya ang kape sa kalapit na mesita.

“Hindi mamamatay ang daddy mo,” pagpapalakas ni Euna sa kanyang loob. “He’s going to be all right.”

“Gusto kong nandoon ako sa tabi niya pagtanda niya. Ayoko siyang mag-isa, Euna. Nobody deserves to be alone in this world.”

Hindi umimik si Euna, alam niyang naghihintay pa ito ng mga sasabihin niya. God, what would he do without her?

“Sa ganitong paraan ko pa madidiskubreng mahal ko rin pala ang lalaking umampon sa akin. Mahal ko rin `yong nanay ko, kahit binalak niya akong ipa-abort noon at hindi ko naramdaman kailanman na pinahalagahan niya ako bilang anak. I think that was it.” Nagbuga siya ng hangin. “I was just mad at them because they couldn’t love me, so I just chose to despise them over the years.”

Ngumiti ang dalaga. “But deep inside you, minahal mo pa rin sila, tama?”

Marahang tumango si Nate. “Lihim akong nagalit kay Daddy dahil sa hindi niya pagpansin sa akin. Pero imbes na gumawa ako ng matitinong bagay para ipagmalaki niya, pinili kong maging suwail na bata. I was just an angry kid, I guess. May yaya nga ako pero masungit siya sa akin at ayaw akong paniwalaan ni Daddy tuwing nagsusumbong ako sa kanya noon. Hanggang isang araw, napuno na ako sa yayang iyon at ginupit ko ang buhok niya habang natutulog,” pagbabalik-tanaw niya.

Sa gitna ng seryosong usapan ay natawa nang mahina si Euna. “ Maldito ka palang bata, Fortunato! ” Pinisil nito ang ilong niya.

“That bitch was abusing me!” pagtatanggol naman niya sa sarili. “Puro kurot at palo ang naranasan ko sa kanya at ayaw niya akong paglaruin sa labas dahil tinatamad siyang bantayan ako. `Buti na lang at nag-decide din si Daddy na hindi ko na kailangan ng yaya kaya napaalis din siya pagkalipas ng anim na buwan.” Napailing siya. “Natuwa ako nang wala na akong yaya dahil akala ko, pagtutuunan na ako ng pansin ni Daddy. But I was wrong. I tried giving him good grades from school but he was still ignoring me. Pinansin lang ako noong ipinatawag siya sa principal’s office dahil may hinalikan akong teacher.”

Nanlaki ang mga mata ni Euna. “Manyak ka na talaga kahit noong bata ka pa?!” bulalas nito.

Natawa si Nate nang di-oras. “I was fourteen. What else can I do? I was a teen who was having raging hormones for the first time. Plus, I had a huge crush on that young teacher. And I thought she liked me, too. Kaso sinampal ako at muntik i-expel sa school!” Muli siyang sumeryoso. “Galit na galit noon sa akin si Daddy. Kung puwede lang daw na ibalik ako sa bahay-ampunan.”

Hinawakan siya ni Euna sa kamay at pinisil, parang ipinapaalalang hindi nga siya nag-iisa.

“Hindi ko talaga naranasan kailanman kung paano maging isang anak. The closest one I ever experienced was from your mother.” Marahan siyang ngumiti. “Kaya kahit ano’ng mangyari, huwag mong kamuhian ang nanay mo.”

“I would never hate my mother, Nate. Never. Saka ganoon lang talaga ang pamilya ko, madalas ang awayan at tampuhan. Magugulo kami pero nagmamahalan pa rin. Wala pa ring iwanan,” sabi naman ni Euna.

Sandali silang natahimik habang umiinom ng kape.

“Iniisip ko rin kung paano ako hindi naniwala sa Diyos,” mayamaya ay sabi niya. “I think I was just mad at Him because of my fate, because of my hardship when I was a kid. Mas madali kasi ang gano’n. Huwag na lang maniwala. Tumalikod na lang sa lahat. Maging mag-isa na lang habang-buhay.”

Tumawa si Euna nang pagak. “No man is an island nga raw. It’s true that we are all born as individuals—I mean, mag-isa lang tayo no’ng iluwal sa mundong ito. And in the end, mag-isa pa rin naman tayong mamamatay kung tutuusin. Pero iyon nga, inilagay tayo sa mundong ito para makisalamuha sa kapwa natin, magkaroon ng ugnayan sa bawat isa sa kahit na anong paraan. Dahil lahat daw tayo, maliit man o malaki ay may silbi. Konektado tayong lahat. Walang umaalis sa mundo na walang iiwanang marka.”

“Aalis akong isang walang kuwentang tao,” mapait na sabi niya, sabay iling. “I will leave no shit in this world. No, not from a bum like me.”

“You’ve made your mark already, Nate. Binago mo ang buhay ko, ang buhay ng pamilya ko, remember?”

Tumingin siya sa magagandang mata ni Euna. It was then that he finally realized how deeply he had already fallen for her.

Fallen? Shit. He had never fell for anyone, ever. Maybe “ fallen ” was not the right term. Maybe… connected? Yeah, maybe. Konektado na ang mga buhay nila ni Euna nang hindi niya namamalayan. Pinapasok siya ng dalaga sa personal na buhay nito, at ganoon din siya rito. Napalapit na siya nang husto rito at ayaw na niyang lumayo.

Lumihis na sa lahat ang plano niya.

MULA sa ospital ay iniuwi ni Nate si Alejandro sa kanyang bahay. Umupa siya ng caregiver na mag-aalaga sa kanyang ama.

“I don’t need a damn babysitter, Fortunato,” mariin pa ring tanggi ng matanda pagkakita kay Lenny, ang babaeng caregiver na naghihintay sa kanila sa mansiyon.

“Dad, mahina ka pa at hirap gumalaw. Huwag ka nang kumontra sa akin,” pamimilit niya.

Pero aristokrato pa rin ang asal ng ama kahit nawalan na ito ng kayamanan. Itinaboy nito si Lenny na nagtangkang umalalay rito papasok sa kuwarto. Nagmataas pa si Alejandro. “May sakit lang ako, hindi pa ako imbalido.”

Nalugi na pala ang mga negosyo ni Alejandro Montoya at walang natirang pera dahil sa mga utang sa bangko. Nawalan ito ng bahay, ng mga kamag-anak, at ng mga kaibigan. Umuupa ito sa isang maliit na bahay malapit sa isang squatter’s area.

Pinaupo ni Nate sa kama ang kanyang ama. “You better behave, old man!” pabirong banta niya.

“I’m just sixty-three, mind you. I’m not that old. Hindi pa ako uugod-ugod!”

“Magpahinga na kayo. Tatawagin ko kayo mamayang hapunan,” sabi niya at lumuhod sa paanan nito.

Tinangka ng matanda na iiwas ang paang tatanggalan niya ng sapatos pero maagap niyang nahawakan iyon.

“I will take care of you whether you like it or not. Ipagpipilitan ko ang sarili ko sa inyo kahit ipagtabuyan ninyo ako nang ilang beses. Hindi ka na mag-iisa pa. Hindi ako papayag. You don’t deserve that. Nobody does.” Tahimik niyang inalis ang mga sapatos nito at tahimik din itong pinanood lang siya.

“Salamat, Nate,” mayamaya ay nakangiting sabi ni Alejandro nang matapos siya sa ginagawa.

“ No problem. ”

Ayaw muna niyang tumayo at iwan ang ama dahil nararamdaman niyang may gusto itong sabihin. Napapansin niya iyon mula pa sa pagkikita nila sa ospital. Sa gitna ng mga kaswal nilang usapan ay matitigilan ito, parang may malalim na iniisip. Titingin sa kanya si Alejandro na parang pinag-iisipan kung paano uumpisahan ang matagal nang gustong sabihin. Pero binabawi nito iyon at muling makikipag-usap sa kanya tungkol sa ibang bagay.

“I’m sorry,” sabi ni Alejandro pagkaraan ng ilang segundo na sinundan ng malalim na hininga. “Matagal ko nang gustong sabihin `yan sa `yo. Sorry… d-dahil hindi ako naging ama para sa iyo.”

“Hindi rin naman ako naging mabuting anak. I was a little shit, remember? Saka ibinigay ninyo ang lahat-lahat ng kailangan ko. Wala kayong dapat ipag-sorry.”

“Hindi pa rin kita dapat pinaalis.”

Ngumiti siya. “Dad, you gave me a large sum of money to start a new life.” Bumuntong-hininga siya. Hindi siya makapaniwalang darating pala ang panahon na pakakawalan na niya ang lahat ng pagkamuhi sa kinilalang ama. “Ako dapat ang mag-sorry dahil halos winaldas ko ang perang `yon. Kung hindi pa ako nanalo sa lotto, baka sa parehong lugar na tayo nakatira ngayon.”

“Pero binago mo ang buhay mo. Andre told me that you invested your money and you’re doing very good. Maling-mali ako sa pagkakakilala sa iyo at ikinakahiya ko iyon.”

“Hindi lang naman kayo ang may hindi magandang pagkakakilala sa akin and to be honest, I don’t find it really offensive.”

“I’m proud of you, son.”

“Thanks, Dad.”

Pinisil nito ang kanyang balikat at iginiya siyang maupo sa tabi nito.

“Can I ask you a question?” naisip na itanong ni Nate nang makapuwesto siya.

Tumango si Alejandro sa gitna ng alinlangan at pangamba sa mukha nito. Alejandro Montoya had changed. Nakikitaan na niya ito ng emosyon.

“Bakit ninyo ako pinaalis noon? Bakit ninyo pinutol ang lahat ng ugnayan natin?” walang bakas ng galit ang kanyang boses at naramdaman iyon ni Alejandro.

“Dahil ayoko nang magkaroon ng ugnayan sa lahat ng bagay na magpapaalala sa asawa ko,” deretsong sagot nito. “You see, Amelia was my whole world, Nate. Lahat gagawin ko para sa kanya. I was devastated when I learned that I couldn’t give her a child. Kaya kita inampon. Pero ayaw pa rin niya sa iyo at iniwan pa rin niya ako. Minsan kapag nakikita kita noon ay naaalala ko siya. Naaalala ko ang failure ko bilang asawa.”

“You were not a failure,” pagtatama ni Nate. “Choice ni Mommy ang umalis noon. Hindi n’yo naman siya itinaboy. You were a good husband. You did everything you could to make her stay in your life.”

“You’re a good man, Nate,” nakangiting sabi ni Alejandro. “You have a heart. Don’t ever lose it, son.”

Tumawa siya. “Thanks for reminding me about that. Akala ko puro atay at bituka na lang ang laman-loob ko.”

Sabay silang naghalakhakan. Nate felt good and happy. Pakiramdam niya, may na-accomplish siyang isang malaking bagay sa kanyang buhay. Pakiramdam niya, parang may mabigat siyang dalahin na nawala. Ah, this kind of happiness would be incomparable to all his worldly adventures.

“Of course you have a heart. May girlfriend ka na! Kailan ba ang kasal ninyo ni Euna? Bigyan mo na ako ng mga apo!” excited na tanong ni Alejandro.

Tumayo na siya at nagkamot sa batok. Sa pag-aalala sa ama at sa pag-asikaso rito nitong mga nagdaang araw, halos nakalimutan na niya ang sariling dilemma. He was a fucking genie bound by the curse of the magic lamp for a thousand years!

Paano niya iyon ipapaliwanag sa ama? Baka atakihin ito sa puso at mamatay nang di-oras. Paano na lang pala sa susunod na maglaho uli siya at makulong sa lampara? Shit.

“D-darating din tayo diyan, Dad,” nasabi na lang niya at nagpaalam na.