NAKANGITING patingin-tingin sina Euna at Nate sa isa’t isa habang binabasahan ni Nate ng isang kuwentong pambata ang kanilang kambal na anak na sina Wanda at Natasha. Pitong taong gulang na ang mga ito, magkamukhang-magkamukha kahit na magkaiba ang mga ugali. Wanda was shy and timid while Natasha was outgoing and talkative. Pinapatulog na ang mga ito kanina ni Euna pero sumugod ang dalawa sa kuwarto nilang mag-asawa, hawak ang isang malaking hardbound children’s book na may title na Irma and the Genie.
Sa Alava nakatira ang pamilya Montoya, sa isang malaking bahay na may malawak na tree farm sa likod. Natupad na ni Euna ang pangarap na magkaroon ng mini forest, malalaki na ang ilang punong itinanim nila doon at namumunga na rin ang ilan. Twice a month ay nakikipagkita si Nate kay Andre para asikasuhin ang mga business investments nila. Nakatira naman malapit sa kanila ang daddy ni Nate na ngayon ay kasal na kay Ella, ine-enjoy ng mag-asawa ang buhay probinsiya at masaya rin ang mga ito dahil palaging nakakapiling sina Wanda at Natasha.
“And they lived happily ever after,” pagtatapos ni Nate sa kuwento na sumulyap kay Euna at kumindat.
Pinigil naman niyang matawa. “The end,” sabi niya sa dalawang anak na nakasandal sa headboard ng kama sa pagitan nila ni Nate.
Matatalino sa paaralan ang mga anak nila, they had excellent reading and writing skills. Pero kahit noong natuto nang magbasa ay nagpapabasa pa rin ang mga ito sa mga magulang ng mga kuwentong pambata. Ine-enjoy naman iyon nina Nate at Euna, lalo na si Nate na with sound effects pa kung magkuwento.
“So, the lazy genie changed? Hindi na siya tamad?” tanong ni Wanda.
Nangingiting tumango si Nate. “Yup. Of course, nagbagong-buhay siya. Hindi naman talaga siya tamad, nasanay lang siyang walang ginagawa dati kundi purong pagsasaya.”
“What happened to the other genie pala?” tanong naman ni Natasha. “You know, Jeannie, the jiniri ? Sabi sa story, free na siya pero pinili niyang mag-stay sa mundo natin. So ano’ng ginawa niya after that?”
Nagkatinginan sina Euna at Nate at nagngitian.
“That would be the next book of your Tita Jinnea. I heard, isinusulat na niya,” sagot ni Euna.
Si Jinnea ang author ng Irma and the Genie, pansiyam na nitong children’s book iyon na nakasalin sa wikang Filipino at English. Lingid sa kaalaman ng iba, loosely based iyon sa tunay na kuwento nila ni Nate. Siyempre, hindi puwedeng pambata ang mga eksena kung lahat-lahat ng nangyari sa kanila ay isusulat ni Jinnea.
Jinnea was writing magical children’s stories that taught moral lessons. Matagal din nila itong kinulit na sundan na ang Irma and the Genie, na gawin ding children’s story ang kuwento nito at ni Andre.
“Ano kaya’ng magiging title?” excited na tanong ni Wanda.
“Hmm, I dunno. My Girlfriend is a Genie ?” natatawang sabi ni Nate. “Can we use the word ‘girlfriend’ in a children’s book?” baling nito kay Euna.
Natawa rin siya. “You know, I haven’t really thought of that until now.”
“Si Andrew kaya na friend ni genie Nathan ang magiging true love ni Jeannie?” nag-iisip na tanong ni Natasha.
“Ay, oo nga!” sang-ayon ni Wanda.
Muling nagkatinginan sina Nate at Euna.
“Kids, mabuti pa ay matulog na kayo. May pasok pa kayo bukas,” pagtataboy na ni Nate sa mga anak.
Inalalayan nila ang mga bata na patalong bumaba ng kama at inihatid sa kuwarto ng mga ito.
“Dad, I won’t be stupid like Irma,” sabi ni Natasha habang kinukumutan ito ni Nate. “I will make a list of wishes na, so if I will meet a genie one day, naka-ready na ako. Hindi masasayang ang three wishes ko.”
Tumawa si Euna na nakaupo sa gilid ng kama ng bata. “Anak, hindi dapat iniaasa sa genie o fairy godmother ang pagbabago ng buhay ng isang tao.”
“Oh, I know! But just in case. I mean, genies are real, right?”
Sumagot si Nate. “Yes, they are.”
Nangulit pa si Natasha. “How about Santa Claus? Sabi ng classmate ko, hindi raw totoo.”
“Ahm, pag-usapan natin iyan sa ibang araw, anak,” sagot ni Euna at hinalikan sa noo ang bata.
Akbay-akbay ni Nate ang misis nang bumalik sila sa master bedroom.
“Bakit ba sa children’s books nag-venture si Jinnea? Dapat erotica `yong story natin, dahil punong-puno ng sex ang adventures natin,” sabi ni Nate habang tinatanggal nito ang kanyang robe.
Sumampa na siya sa kama. “Loko. Sige, sabihin mo `yan sa kanya.”
Pumuwesto na ang asawa sa kanyang tabi. “Actually, I kinda hinted about it the last time I saw her. Hindi pa ako tapos sa sinasabi ko, inumangan na ako ng sapak. Bayolante pa rin ang babaeng iyon kahit kailan.”
Ang lakas ng tawa ni Euna, saka niya pinatay ang ilaw ng lampshade sa katabi niyang mesita.
“Matutulog na ba tayo?” nakangisi namang tanong ni Nate na hindi gumagalaw para patayin ang lampshade na katabi nito.
Inirapan niya ito kunwari. “Naku, Fortunato, `yang tingin na iyan! Masama na naman ang binabalak mo, Mister.”
“Ang sexy kasi ng pantulog mo.” Sinundot siya nito sa baywang. “Saka `di ba sabi mo, gusto mo na ng baby boy? Gawa na tayo!” excited nitong sabi, saka humalik-halik sa kanyang leeg.
“Mmm…” Humaplos siya sa malapad na dibdib ng asawa. “Naunahan na pala tayo nina Andre, two years old na si Nicandro Junior. Gusto mo ring magkaroon ng junior?”
Gusot ang ilong na nag-angat ng mukha si Nate mula sa kanyang leeg. “Ang bantot ng pangalan ko, baka isumpa tayo ng bata!”
Tumawa si Euna. “Sige, huwag na ngang junior.” Umungol siya nang bumaba sa kanyang dibdib ang bibig ng asawa at hinila pababa ang neckline ng suot niyang manipis na sleeping gown.
“You always taste good,” he muttered against her skin, his warm breath already setting her on fire.
Kahit ilang taon na rin silang mag-asawa ay hinding-hindi pa rin humuhupa ang init sa pagitan nila. They could still easily arouse each other. Noong isang araw nga, habang namamasyal sila sa kakahuyan ay nagtalik sila roon. Pinanindigan talaga ni Nate ang sinabi noon na mamarkahan nila ang lahat ng sulok ng kanilang tirahan. Hindi ang pagiging sexually attractive sa isa’t isa ang pangunahing dahilan kung bakit aktibo at mainit ang kanilang sex life; it was because they were madly and passionately in love with each other.
“Ang hot mo pa rin,” she told him with a giggle while pulling off his shirt.
“Of course!” pagmamayabang naman nito. “At ang sexy mo pa rin, Misis.”
Siya ang pumaibabaw rito. “I love you, Nate,” nakangiting sabi niya bago ibinaba ang mukha para halikan ito.
“I love you, too, baby,” he managed to say before they claimed each other’s mouth in one deep, searing, loving kiss.
And that was my story.
I’m Nate Montoya. I am Euna’s lover. Her husband. Hers. Forever.
W akas