PASULYAP-SULYAP si Marcus kay Fatima habang minamaneho niya ang golf cart pabalik sa cabin nila. She had this faraway look on her face while staring at the horizon.
Pagkatapos ng nangyari sa Sea Shore Restaurant, hindi na ito nagsalita. And her silence was annoying and scaring the hell out of him. A silent woman was a scary woman.
Marcus groaned when he heard her sigh. Napailing-iling siya saka binilisan pa ang pagmamaneho ng golf cart. Nang i-park niya ang golf cart sa labas ng Cabin six, natigilan siya nang makita si Diana sa labas ng pinto. Mabilis siyang umalis sa golf cart at kinausap si Diana.
“Hey! Anong ginagawa mo rito?”
Nang-aakit na ngumiti sa kanya si Diana at hinalikan ang leeg niya pataas sa kanyang mga labi.
“I miss you,” sabi ni Diana saka yumakap sa kanya. “Tinatawagan kita, pero unattended ka naman. `Buti na lang naimbitahan akong bumalik dito sa isla at nalaman kong nandito ka pala.” Naglalambing na yumakap ito sa katawan niya. “Please, be with me tonight, baby.”
Sasagot sana si Marcus nang marinig niya ang boses ni Fatima.
“Excuse me, puwedeng dumaan?”
Sabay silang tumingin kay Fatima. Nakita niyang tumalim ang mga mata ni Diana nang makita si Fatima. Mariing napapikit si Marcus. Fuck!
“At sino ka naman?” mataray na tanong ni Diana kay Fatima.
Ipinakita ni Fatima ang key card na dala. “Papasok ako sa cabin ko at nakaharang kayo. So please, gumilid naman kayo. Gusto ko nang magbihis dahil kanina pa ako basa at nilalamig,” mahinahong sagot ni Fatima.
Habang nagsasalita si Fatima, sa kanya ito nakatingin nang matalim. She wasn’t saying anything, but her eyes, they were killing him.
Nakataas ang kilay na namaywang si Diana at maghahamong hinarap si Fatima. “Sino ka ba, ha? I think you’re in the wrong cabin, because this cabin belongs to me and my boyfriend. So kung nawawala ka, shoo!”
“Ako ang asawa ng kapatid ng boyfriend mo.” Binangga ni Fatima ang balikat ni Diana at mataray itong nagsalita. “And this is my personal cabin, so shoo!”
Gamit ang keycard, binuksan ni Fatima ang cabin at walang lingon-likod na pumasok. At mula sa labas ay dinig niya ang pag-lock nito sa pinto.
Diana’s glaring eyes turned to him. “Mag-explain ka, Marcus. Nang magtanong ako sa lobby, sa cabin six ka nananatili. Huwag mong sabihing ginagapang mo ang asawa ng kapatid mo?”
Napatiim-bagang si Marcus saka huminga nang malalim. “Wala akong kailangang i-explain sa `yo, Diana. You’re not my girlfriend. At hindi ko siya ginagapang. “
Sumama ang mukha ni Diana sa sinabi niyang hindi niya ito girlfriend pero pagkalipas ng ilang segundo ay hinawakan siya nito sa kamay at hinalikan ang kanyang mga labi.
“Let’s just go? Just rent another cabin. I miss you, darling.” Hinaplos nito ang kanyang kahabaan. “I miss this.”
“Sure,” wala sa sariling sagot niya.
Hahakbang na sana sila palayo nang bumukas ang pinto ng cabin.
“Excuse me,” sabi ni Fatima na lumabas ang kalahati ng katawan sa pinto. “May naiwan ka.” Inilabas nito ang bag niya saka pekeng ngumiti. “At huwag mong gagamitin `yang golf cart ko. That’s mine.” Pagkasabi niyon ay isinara na naman nito ang pinto at ini-lock iyon.
Napabuntong-hininga si Marcus saka kinuha ang bag at inakbayan si Diana. “Come on. Let’s go.”
“Gladly.” Yumakap si Diana sa baywang niya saka sila naglakad palayo sa cabin six.
As they walked away, Marcus couldn’t help himself from looking back at the cabin six’ door.
MAPAKLANG natawa si Pham habang nakasandal sa likod ng pinto ng cabin.
Enjoy life raw. I’m still here raw.
Kalokohan. Puro kagaguhan lang ang alam ng lalaking iyon. Tama talaga ang inisip niya… na masama ang ugali nito. And Marcus even said that he would tour her around the island. Agad nitong nakalimutan iyon dahil sa babaeng iyon na... girlfriend nito.
Ano nga naman ang laban niya sa babaeng iyon na maganda at sexy? At teka nga, bakit ba siya apektado? Eh, di magsama ang dalawang iyon. Bagay naman ang mga ito.
Parang may kumurot sa puso ni Pham sa isiping bagay nga ang mga ito.
Marahas niyang ipinilig ang ulo at naiinis na kinurot ang sarili. She shouldn’t be feeling this way. She shouldn’t—but it’s there, damn it!
Pinapagalitan pa rin ang sarili na pumasok si Pham sa banyo at naligo. Habang nakababad ang katawan niya sa bathtub, halo-halong imahinasyon ang nasa isip niya.
Her mind was imagining Marcus and that woman, Diana, in bed, naked and making love. Naglalaro din sa imahinasyon niya na masayang nag-uusap ang dalawa pagkatapos ng mainit na pagtatalik.
Naiinis na kinurot niya ang sarili. “Stop it, Pham. Stop!”
Pero hindi nakikinig ang imahinasyon niyang patuloy na nagbibigay ng mga posibleng ginagawa ngayon ng dalawa.
“Urgh!” Padabog siyang umalis sa bathtub at naligo sa ilalim ng malamig na shower. “Tama na please,” pakiusap niya sa kanyang isip.
Iniumpog ni Pham ang sariling noo para tumigil na ang isip niya sa kakaisip kay Marcus at sa girlfriend nito, pero hindi pa rin iyon gumana. Ang dalawa pa rin ang laman ng kanyang isip.
Hanggang sa matapos siyang maligo at makapagbihis ay nasa isip pa rin niya si Marcus at ang girlfriend nito. Kaya naman naisip niyang matulog na lang kahit pa nga tirik na tirik ang araw sa kalangitan. Pero nang ipikit niya ang mga mata, pumasok na naman sa kanyang isip ang imahe ni Marcus at ang girlfriend nito na nagtatalik.
Galit na lumabas si Pham ng cabin at medyo naningkit ang mga mata nang tumama ang araw sa kanyang mukha.
“Shit!” mura niya saka lakad-takbong nilapitan ang duyan na hindi kalayuan sa kanyang cabin. Sumakay siya sa duyan at nahiga saka tumuon ang mga mata sa malawak na asul na karagatan na tanawin sa harap niya.
“Martin...” wala sa sariling sabi niya sa pangalan ng asawa.
And the memory started to assault her mind.
Ganito rin ang panahon noon. Maaraw at napakaaliwalas ng kalangitan. Napagdesisyunan nilang maligo sa beach bilang selebrasyon na rin dahil sa magandang balita na natanggap nila sa araw na iyon. They were happy. They were contented. And in just a blink of an eye, Pham lost his husband, her happiness.
Nalunod si Martin habang sinusubukan siyang iligtas. Nakita niya sa mga mata nito na mas mabuting ito ang mawala kaysa sa kanya. Desidido itong iligtas ang buhay niya at ang bata na nasa kanyang sinapupunan.
But nothing. Pham was left with nothing. No husband. No child.
Nang mamatay si Martin, grabe ang lungkot at pagluluksa niya na umabot sa puntong hindi na siya kumakain at napabayaan ang sariling kalusugan. And months after his husband’s death, her child followed. Lahat ng taong mahal niya na nawala ay kasalanan niya. Kasalanan niya kasi hindi siya naging malakas.
Tumulo ang masaganang luha mula sa mga mata ni Pham. Lahat ay kasalanan niya. Walang kapatawaran ang kanyang ginawa. Her husband and child died because of her. It’s all her fault.
It’s my fault. Everything that has happened is all my fault .
Mariin niyang ipinikit ang mga mata at niyakap ang sarili. Pham felt so alone. No one to turn to and no one to care for her.
HINDI namalayan ni Pham na nakatulog pala siya sa duyan habang umiiyak. Nalaman na lang niya nang magising siya nang maramdamang may bumubuhat sa kanya.
Pham instantly knew the person who was carrying her by smell. Ilang araw pa lang nakakasama si Marcus, pero alam na niyang ito ang may-ari ng mabangong amoy na nanunuot sa kanyang ilong.
Why was he here? Wasn’t he supposed to be with his girlfriend?
At sa inaantok na diwa, naramdaman niyang lumapat ang kanyang likod sa malambot na higaan. Pilit niyang iminulat ang inaantok na mga mata at bahagyang napangiti nang makitang tama ang hula niya, si Marcus nga ang bumuhat sa kanya. Ipinikit niya ulit ang mga mata pero gising ang kanyang diwa.
“Anong ginagawa mo rito?” paos ang boses na tanong niya.
Pham felt his hand caress her face and the top of her head.
“Bakit doon ka sa labas natutulog?” balik-tanong nito. “Alam mo bang mapanganib ang kalalakihan sa islang `to?”
“Kung ganoon mapanganib ka rin?” Naramdaman niyang natigilan ito kaya bahagya siyang natawa. “Tama ako, `no?”
“No,” depensa nito sa sarili. “Exemption ako. Hindi ako mapanganib sa `yo.”
Pham scoffed. “You want to have sex with me, Marcus. Hindi ba `yon mapanganib?” Tumagilid siya ng higa habang nakapikit pa rin ang mga mata. “Well, parang hindi mo na `yon gugustuhin ngayon. You already have your girlfriend to warm your bed.”
Napuno ng katahimikan ang buong cabin. Pagkatapos ay binasag ng lalaki ang katahimikan.
“She’s not my girlfriend and I still want you.”
Nahigit ni Pham ang hininga nang maramdaman ang mainit nitong hininga na tumama sa mukha niya. Awtomatikong nagmulat ang kanyang mga mata. Umawang ang mga labi niya nang makitang gahibla na lang ang layo ng mga labi nila ni Marcus.
“Marcus...”
Pham felt her lips tingle in anticipation. She shouldn’t want it, but she did. She wanted his lips on hers.
Epekto ba iyon ng kalungkutang nararamdaman dahil mag-isa lang siya sa buhay? Nararamdaman ba niya iyon dahil gusto niya ng karamay? Dahil nami-miss niya nang sobra ang asawa at ang kasiyahang ipinaparamdam nito sa kanya?
Bago pa niya masagot ang mga katanungang iyon, lumipat pa ang mga labi ni Marcus sa labi niya. Pero bago pa iyon lumapat, iniba nito ang destinasyon ng mga labi. Sa halip ay lumapat iyon sa noo niya.
“Ituloy mo na ang tulog mo,” sabi nito sa mahinang boses.
Natigilan si Pham, wala siyang masabi kaya naman ipinikit na lang niya uli ang mga mata at pinilit na makatulog.
“SAAN ka ba nagpunta?” inis na tanong ni Diana nang makabalik si Marcus sa cabin twenty na inuukupa nila.
“May ginawa lang ako.”
“Nakakainis ka.” Yumakap si Diana sa katawan niya. “Nagugutom na ako, pero wala ka naman. Gusto kong kumain kasama ka,” paglalambing nito.
Sa halip na sumagot, napatitig si Marcus sa wall clock. It’s already two PM. Kumain na ba si Fatima bago ito natulog?
“Marcus, nakikinig ka ba sa akin?” tanong ni Diana.
“Yeah, yeah.” Naalala na naman niya si Fatima. “Wait a minute, may tatawagan lang ako.”
Hindi niya hinintay ang pagtutol ni Diana. Lumapit siya sa telepono na nasa bedside table at iniangat ang awditibo niyon saka tumawag sa security office.
“To whom, Sir?” agad na tanong ng nasa kabilang linya.
“Tariq Monzanilla.”
“Just a moment…”
Ilang segundo ang hinintay ni Marcus bago narinig ang boses ni Tariq sa kabilang linya.
“Who the fuck is this?”
“Dalhan mo ng pagkain si Fatima sa cabin six,” agad niyang sabi nang sagutin nito ang tawag.
Tariq groaned. “I just woke up, man. And I have two ladies to entertain.”
“Wala akong pakialam.” Nagsalubong ang mga kilay ni Marcus. “Basta padalhan mo siya ng pagkain. Ikaw naman `tong gumamit sa imbitasyon ko.”
“Why don’t you do it yourself?”
“Because Diana is here.”
Napamura si Tariq. “Who invited her?”
“Don’t know. The island management maybe.”
“Fuck the island management,” Tariq grunted. “Sige, ako na ang magdadala ng pagkain sa kanya.”
“Thanks, man.”
Ibinaba niya ang awditibo saka humarap kay Diana. “Let’s go?”
Nakasimangot itong yumakap sa kanya. “Naiinis ako sa `yo dahil mas inuuna mo pa ang babaeng `yon. Pero dahil sa akin ka naman mamayang gabi, palalampasin ko `to. I came here to have fun with you, baby.”
“Yeah, sure,” sabi niya saka masuyong hinila si Diana palabas ng cabin.
KAHIT paano ay nalibang si Pham habang kumakain sila ng maagang pananghalian ni Tariq sa Gyros. Pinuntahan siya ng lalaki sa cabin niya para imbitahang kumain na pinaunlakan naman niya. He was fun to talk to. Hindi ito nawawalan ng nakakatawang kuwento.
At sa loob ng mahigit isang oras na magkasama sila sa Gyros, nalaman niyang half-Egyptian pala si Tariq sa ina at nandito lang ito sa Pilipinas dahil mina-manage ng lalaki ang negosyo ng pamilya nito dahil walang ibang tagapagmana ang ama nito.
“Salamat at pinuntahan mo ako sa cabin at niyayang kumain,” sabi niya na nakangiti. “Kahit paano ay nalibang ako.”
Tariq smiled. “My pleasure.”
Unti-unting nawala ang ngiti ni Pham nang makita kung sino ang papasok sa restaurant. Parang napansin ni Tariq ang pag-iiba ng emosyon sa mukha niya dahil sinundan nito kung saan siya nakatingin, pagkatapos ay ibinalik din ang atensiyon sa kanya.
“Talagang galit ka kay Marcus, `no?” natatawa na naiiling nitong tanong.
Nagkibit-balikat si Pham at ibinalik ang atensiyon sa kaharap. “His whole family is ganging up on me. May karapatan akong magalit sa kanya.”
Napatango-tango ang kausap. “Alam kong wala akong alam tungkol sa `yo, pero nagtataka lang ako.” Ipinatong ni Tariq ang mga siko sa gilid ng mesa at dumukwang palapit sa kanya. “Bakit nasa bahay ka pa rin nila?” Kumunot ang noo nito na para bang nahihiwagaan sa dahilan niya. “I know it’s none of my business, sorry. It’s just that, laging nababanggit sa akin ni Marcus na ayaw mo raw umalis sa bahay nila samantalang hindi ka naman welcome doon.”
Marcus said that?
Parang may kumurot sa puso ni Pham. Talagang gusto siya nitong palayasin sa bahay na iyon at gagawin nito ang lahat mangyari lang ang gusto nito. She felt so stupid. To think na si Marcus at ang mga sinabi nito ang dahilan kung bakit susubukan niyang i-enjoy ang kanyang buhay. The joke was on her.
Tumikhim siya para pakalmahin ang sarili. “Lagi kayong nagkakausap ni Marcus?”
“Yeah. We’re friends.”
Maingat siyang humugot ng malalim na hininga. “Yes, it’s none of your business, pero sasagutin pa rin kita.” Pilit siyang ngumiti. “Nasa bahay na `yon ang memorya ko kay Martin. I’m still holding on to it. Kasi kapag umalis ako sa bahay na `yon, parang sinabi ko na rin kay Martin na hindi ko na siya mahal.”
“Hindi ko maintindihan.”
“Kasi hindi ka pa magmamahal,” sabi niya.
Mahina itong tumawa. “Not planning to.”
Papangaralan sana niya si Tariq nang may tumayo sa gilid ng mesa nila. Sabay silang napatingala ni Tariq para tingnan kung sino iyon.
Tumigil ang paghinga ni Pham nang makita si Marcus na titig na titig sa kanya. Pero agad niyang binawi ang tingin nang mapansing masama ang tingin sa kanya ng girlfriend nito.
“Hi, I’m Diana,” pagpapakilala ng girlfriend ni Marcus sa kanya, pero hindi man lang nakipagkamay. “I would really appreciate it if you leave my boyfriend alone and not bother him anymore.”
“Diana!” Marcus hissed under his breath. “I told you to stop introducing yourself as my girlfriend.”
“Why?” pagtataray ng babae. “Nararamdaman ko, Marcus. Busy ka sa babaeng malandi na `to. At dahil patay na ang kapatid mo, ikaw naman ang nilalandi. Desperado nga naman.”
To the rescue naman agad si Tariq. “Diana, walang ginagawa si Pham—”
“Kaya ko ang sarili ko, Tariq.” Tumayo si Pham para magka-level ang mukha nila ni Diana. “For your information, hindi siya ang tipo kong lalaki kaya nga, `di ba, ang kapatid niya ang naging asawa ko?” Tumuon sa babae ang malamig at walang emosyon niyang mga mata. “Isaksak mo siya sa baga mo, tutal bagay naman kayong dalawa. And for your additional information, isang lalaki lang ang nilandi ko at `yon ay ang asawa ko. I know you, Ms. Diana. Beautiful actress and a model. I hear rumors, I watch the news and I read the papers. Nasisiguro kong hindi lang iisang lalaki ang nilandi mo kasi ilang beses ka nang ikinasal at na-annulled, kaya wala kang karapatan na tawagin akong malandi. Look at yourself in the mirror first.”
Pinulot niya ang clutch bag na nasa gilid ng mesa at taas-noong umalis ng restaurant. Agad namang sumunod si Tariq sa kanya.
“Attagirl!” Tariq exclaimed, clearly happy because of his wide smile. “Very well said. Akala ko kakailanganin mo ang tulong ko. Medyo masama talaga ang ugali niyang si Diana.”
Tipid siyang ngumiti. “Insultuhin na niya ako at lahat, huwag niya lang akong tawaging malandi dahil hindi ako ganoong klaseng babae.”
Tariq looked proud and amazed by her. “Sana magawa mo ring sagut-sagutin ang magulang ni Martin.”
“I respect them.”
“Do they respect you?”
Natigilan si Pham sa tanong nito at natigilan.
No, they don’t.
Kahit na siya ang asawa ni Martin, walang respeto ang mga ito dahil isa lang siyang hampas-lupang sampid sa bahay na iyon.
Pham took a deep breath and smile. “Ang dami kong nare-realize sa islang `to.” Mahina siyang natawa. “It isn’t so bad here.”
“Wait till you see the orgy tonight.”
Namilog at nanlaki ang mga mata niyang tumingin kay Tariq. “Anong sinabi mo?”
“Orgy.”
Her jaw went slack. “May ganoon kayo rito sa isla?”
“Yes.”
“Pupunta ka?”
Tariq grinned. “Hell, yeah.”
Napakurap-kurap siya. “Si Marcus?”
“`Yon pa ang hindi pumunta?” sabi ni Tariq na may malapad na ngiti sa mga labi. “Ikaw, pupunta ka?”
“Hindi ako pupunta,” mabilis niyang sabi.
Natawa si Tariq. “Okay. Wala namang pipilit sa `yo.”
Parang nilindol ang utak niya sa nalaman. Holy mother of God. An orgy! Hindi siya bobo. Alam niya ang nangyayari sa orgy. At pupunta si Marcus.
Holy hell!