TO PHAM’S disappointment, Marcus brought her to the Sea Shore Restaurant. Kakaiba ang restaurant na iyon dahil sa mga nakalutang na cottages at ilang metro ang layo niyon sa dalampasigan.
Mahigpit ang hawak ni Pham sa upuan habang itinutulak ng isang staff ang floating cottage papunta sa mas malalim na parte ng dagat gamit ang mahabang kawayan. Nanginginig ang kalamnan niya tuwing napupunta ang kanyang tingin sa kulay-asul na tubig-dagat.
“Tama na. Malalim na rito,” pigil niya sa staff. Nararamdaman na kasi niya ang panginginig ng kanyang mga tuhod.
Nakahinga nang maluwag si Pham nang itinigil nito ang pagsagwan. Itinabi muna ng staff ang kawayan at tiningnan kung maayos ang pagkakatali ng lubid sa floating cottage bago nagpaalam na aalis na at sumakay sa Jet Ski na sumundo dito.
Napaigtad si Pham nang maramdamang tumabi sa kanya sa pagkakaupo si Marcus. Naramdaman niya ang init ng katawan nito.
“Namumutla ka,” sabi ni Marcus nang bumaling ito sa kanya. “Ayos ka lang?”
Huminga siya nang malalim at pilit na ngumiti. “O-oo naman.”
“You look... really pale.” Mas inilapit pa ni Marcus ang mukha nito sa mukha niya at matiim siyang tinitigan. “Scared?”
Mabilis siyang umiling. “Hindi.”
Ayaw niyang ipaalala kay Marcus ang pangyayaring iyon na alam niyang hindi maganda para sa kanilang dalawa.
“Okay. So... eat,” sabi ni Marcus na nakaturo na ang kamay sa mesa na nasa harap nila. “Hindi tayo nag-agahan kaya alam kong gutom ka na. I am famished.”
Nang hindi gumalaw si Pham, nilagyan siya nito ng garlic rice sa pinggan niya at hot dog saka bacon. Sa isang platito naman ay naglagay ang lalaki ng pancake at pinatungan iyon ng chocolate syrup pagkatapos ay ipinaghanda siya nito ng prutas. His gesture shifted something inside of her. Hindi niya akalaing gagawin nito iyon. The Marcus she knew in her mind was rude and callous.
“Eat up, Fatima,” sabi ni Marcus.
Mula sa sulok ng mga mata ni Pham, pasimple niyang pinagmamasdan si Marcus na maganang kumakain habang nakakamay.
“Hindi ko alam na marunong ka palang kumain na kamay ang gamit,” hindi napigilang komento niya habang nag-uumpisa na ring kumain.
“Well, there are a lot of things you don’t know about me.” May kakaibang tono ang boses ni Marcus, pero wala namang emosyon ang mukha.
“Parehas lang naman tayo,” sabi niya. “Wala ka rin namang alam tungkol sa akin.”
His cold eyes stared at her. “Sigurado ka ba sa sinasabi mo?”
Tumango si Pham. “Oo.”
Uminom si Marcus ng tubig saka siya sinalinan ng kape sa kanyang tasa. Nilagyan nito iyon ng krema.
“Okay na sa akin ang plain coffee lang,” sabi niya.
“Nah. I know you like your coffee with a little cream.”
Tumaas ang kilay ni Pham. “At saan mo naman nalaman `yon?”
“Fatima, isang taong akong tumira sa ancestral home kasama kayo ni Martin.”
“Kahit na,” sabi niya. “Ikaw `yong taong walang pakialam sa paligid mo.”
“Again, Fatima, you don’t know me. But I know you.” May diin ang bawat salitang binibitiwan ni Marcus.
“Hindi mo ako kilala, Marcus. Siguradong mali ang mga alam mo tungkol sa akin.”
“Wanna bet?” Nanghahamon itong tumingin sa kanya.
Kumabog ang puso ni Pham nang magtama ang mga mata nila. Pasimple niyang ipinilig ang ulo.
“Alam mo ba kung kailan ang kaarawan ko?” subok niyang tanong.
Awtomatiko ang naging pagsagot ng lalaki. “Yeah. August twenty-one.”
Hindi maiwasan ni Pham na magulat na alam ni Marcus ang kaarawan niya.
“Ahm... alam mo ba kung anong paborito kong kulay?” May pag-aalinlangan sa boses niya habang nagtatanong. Gusto niyang malaman kung ano ang alam nito sa kanya.
“Yes. Purple,” sagot nito saka sumimsim ng kape.
“How did you know that?” gulat niyang tanong.
“Minsan kasi nagtanong sa akin si Martin kung may purple ba na bulaklak kasi wala siyang mahanap. Nagtanong ako kung bakit. Sabi niya dahil purple raw ang paborito mong kulay.” Mahina itong natawa at napailing-iling. “So I told him na may bulaklak sa garden na kulay-purple. Kinalbo lang naman niya ang mga `yon para sa first anniversary n’yo. Damn him for that. I had a hard time planting that flower.”
“Ikaw ang nagtanim ng bulaklak na ibinigay ni Martin sa akin noong anniversary namin?” tanong ni Pham na bahagyang nagulat.
“Yeah,” he answered nonchalantly.
“Why did you let Martin take the flowers? Sabi mo, pinaghirapan mo `yong itanim.”
“Well, kapatid ko si Martin at anniversary n’yo naman. And besides, I know you’ll be very happy with the flowers. So, yeah.”
Napatitig si Pham sa lalaki. Gumagalaw ang panga nito habang nakatingin sa karagatan. Parang may tinitimpi itong emosyon na ayaw ilabas. He had this faraway look in his face and Pham wondered. Ano kayang iniisip nito?
Wala sa sariling bumaba ang tingin niya sa kamay ni Marcus na nakapatong sa mesa. Nagulat siya nang biglang pumasok sa isip niya ang nangyari kaninang umaga. Her memories were vivid. She could still feel his finger as he caressed the lips of her womanhood. Iyong masarap na sensasyong hatid niyon ay ramdam pa rin niya hanggang ngayon.
Those memories made her body burn with desire. Desire for this man beside her.
No!
Mabilis niyang hinawakan ang wedding ring saka pinuno ang isip niya ng mga alaala nila ni Martin. But as she filled her mind with memories of her late husband, memories of Marcus resurfaced again. The way his lips tasted, the way it moved against hers and the way he touched her intimately.
Good Jesus. Bakit ba niya nararamdaman iyon sa kapatid ng kanyang asawa?
“Ikaw, alam mo ba ang kaarawan ko?” tanong ni Marcus.
Napakurap-kurap siya bago sumagot. “Hindi.”
“I’m wounded, Fatima.” Halata sa kislap ng mga mata nito na nagbibiro lang ito. “Ano lang ba ang alam mo sa akin?”
“Hmm…” Umakto siyang nag-iisip habang hinahati sa tatlo ang hot dog na nasa pinggan. “Actually, wala akong alam sa `yo maliban sa masama ang ugali mo.”
“Ako, masama ang ugali? Woman, my employees admire me!” eksaherado nitong sabi.
Well, that’s true. Pagdating sa mga empleyado nito, mabait si Marcus. Sa kanya lang naman masama ang ugali nito.
“Naging empleyado mo rin naman ako noon bago ko naging asawa si Martin, pero masama talaga ang ugali mo sa akin,” sabi niya. “You always glared at me.”
“I hated you. Paasa ka kasi.”
Naguguluhang tumingin siya sa lalaki. “Anong sabi mo?”
Tumayo ito at tumalikod sa kanya. “Kalimutan mo na `yon. It’s all in the past.”
“Ano nga `yon?” pamimilit niya.
“You’re starting to be annoying again, Fatima.” Walang emosyon ang boses ni Marcus. “Anyway, let’s swim.”
Napaawang ang mga labi niya nang mag-umpisa itong maghubad habang nakatalikod sa kanya. Malaya niyang napagmasdan ang matipuno nitong likod at ma-muscle nitong mga braso at mga hita. Her throat went dry. Shit!
Napainom siya ng tubig nang wala sa oras.
Suot ang boxers na hapit na hapit sa pang-upo nito, tumalon si Marcus sa dagat. Tumilamsik ang tubig sa kanyang mukha. Mabilis niyang tinuyo ang tubig sa mukha at nakasimangot na tumayo saka tumingin sa tubig para hanapin kung nasaan ang lalaking iyon. Her body started to tremble when Marcus didn’t resurface.
Oh, God! Baka may nangyari nang masama sa lalaki!
Lumuhod si Pham sa gilid ng cottage para mas makitang mabuti ang ilalim ng dagat habang abot-abot ang kabang nararamdaman.
“Marcus? Marcus?” tawag niya sa pangalan nito. “Marcus! You’re scaring me!”
Nasaan na ba ang lalaking iyon? Ayaw niyang lumusong sa tubig dahil natatakot siya.
Then out of nowhere, a hard set of arms embraced her neck and pulled her towards the water. Panic consumed her as her body submerged into the water. Panic ruled over her senses. Pilit siyang kumakawala sa malalakas na braso na gustong magkulong sa kanya sa tubig. Pham kicked and she screamed. Desperado siyang makaahon bago pa siya malunod.
“Fatima! Fatima!” Niyuyugyog siya ng kung sino. “Fatima! What the hell is happening to you?”
Ang malakas na boses na iyon kasabay ng pagyugyog sa kanyang mga balikat ang gumising sa natatakot niyang diwa. Nang imulat ni Pham ang mga mata, nagtama ang mga mata nila ni Marcus. Worry was written on his face. Mahigpit ang hawak nito sa braso niya habang nasa tubig pa rin sila.
“Fatima, ano ba ang nangyayari sa `yo?” galit nitong tanong kasabay ng pagtalim ng mga mata. “Alam mo bang dahil sa pagwawala mo, muntik ka nang malunod?”
Sa halip sa sumagot, napahikbi si Pham saka pinagsusuntok ang balikat at dibdib nito. Lahat ng takot na naramdaman niya kanina ay naging luha. Masagana iyong tumulo sa kanyang mga pisngi. Halo-halo ang emosyong nararamdaman niya habang walang tigil ang kanyang hagulhol at pagsuntok sa dibdib ni Marcus.
“Fatima, ano ba?” Galit na sinalag ni Marcus ang mga kamay niya. Nang hindi siya nito mapigilan, niyakap siya nito nang mahigpit.
“Gago ka! Gago ka!” Patuloy ang kanyang pag-iyak. “Gago ka!”
“Tama na.” Hinagod ng lalaki ang likod niya. “Tahan na. Tama na.” Pilit siya nitong inaalo. “Stop crying. Just stop.”
Panay ang hikbi ni Pham habang inaalo siya nito.
“Stop crying, Fatima.” May frustration na sa boses ni Marcus. “Ano ba ang nangyayari sa `yo?”
“Takot ako sa dagat,” humihikbing sabi niya. “Takot ako... Natatakot ako.”
“Shhh...” Mas humigpit pa ang yakap ni Marcus sa kanya. “I’m sorry. Hindi ko alam.”
Pham cried even harder. Simula nang mawala si Martin, lagi na niyang sinisisi ang sarili sa nangyari. Kasalanan naman talaga niya kasi hindi siya nakinig. Sinabi nito na malalim ang parteng iyon ng dagat, pero lumangoy pa rin siya papunta roon. Pinulikat siya. Martin saved her, and in doing so, he drowned and she wasn’t able to save him. At mula noon naging takot na siya sa dagat.
“Kasalanan ko lahat.” Kaya naiintindihan niya ang galit ng mama ni Martin sa kanya. “Kasalanan ko. Kasalanan ko.”
Paulit-ulit niyang sinasabing kasalanan niya habang yakap siya ni Marcus. He just rubbed her back and stayed silent.
Walang imik siyang umiiyak habang sinisisi pa rin ang sarili. Namalayan na lang ni Pham na naiahon na pala siya ni Marcus at ihiniga sa floating cottage na gawa sa papag.
“There. Wala ka na sa tubig,” sabi ni Marcus na ang braso ay nakapatong sa cottage habang ang kalahati ng katawan ay nasa tubig pa rin. “Kung takot ka pala sa dagat, bakit ka pumunta rito sa isla? You do know what island means right?” Bumuga ito ng marahas na hininga.
Umubo si Pham at huminga nang malalim saka napatitig sa maaliwalas na kalangitan. “Pumunta ako rito kasi gusto kong makapagpahinga kahit sandali lang. Gusto kong kahit pansamantala ay matahimik ang isip ko. Pero may kontrabida pa rin kahit ang simple lang ng hinihiling ko. I want a peace of mind, Marcus. `Tapos makikita kita rito. Umalis ako pansamantala sa bahay para makaiwas ako sa mapanghusgang pamilya ng asawa ko, pero heto, nandito ka sa harap ko.”
“Fatima...”
“Is it too much to ask for a couple of days’ rest?” Tumingin siya kay Marcus na nakatingin sa kanya. May emosyon sa mga mata nitong hindi niya mabasa. “Alam kong kasalanan ko. Araw-araw sinisisi ko ang sarili ko. Sa tingin n’yo masaya ako na namatay ang asawa ko na tanging taong karamay ko?” Tumulo ang isang butil ng luha sa mata niya. “Mahal ko si Martin. Mahal na mahal. Alam ko naman kung bakit galit kayong lahat sa akin. Galit din ako sa sarili ko. Pero please lang naman, kahit ilang araw lang, pagpahingahin n’yo naman ang konsiyensiya ko. Bugbog-sarado na, eh. Ano pa ba ang gusto n’yo, mamatay ako?”
Tinakpan ni Pham ang mukha gamit ang dalawang kamay saka walang imik na umiyak. She thought of relaxing in this island, escaping her pain and worries, pero mas sasariwain pala ng isla na ito ang sakit na pinagdaanan niya sa loob ng tatlong taon.
“Kahit kailan hindi kita sinisi sa pagkamatay ng kapatid ko,” sabi ni Marcus. “At kung nahihirapan ka naman pala, bakit hindi ka umalis sa bahay? Leave that fucking house and buy your own. Gamitin mo ang perang ibinibigay ko sa `yo. O kung ayaw mo, magrenta ka muna hanggang sa kaya mo nang bumili ng bahay na para sa `yo.”
Tinanggal ni Pham ang kamay na nakatakip sa mukha niya saka tumingin sa lalaki. “Hindi mo ako maiintindihan. Nandoon sa bahay na `yon ang mga alaala namin ni Martin.”
“No.” Umiling si Marcus. “If that house tortures you, then leave. Hindi dahilan na gusto mong manatili sa bahay kasi nandoon ang alaala n’yo ni Martin. Isn’t memory supposed to be stored in here?” Itinuro nito ang utak at puso niya. “And here.”
A tired smile grazed her lips. “Matagal ko nang alam na gusto mo akong umalis ng bahay. Well, sampid lang naman ako, eh. Hindi mo nga kayang makita ang pagmumukha ko. Kaya ka umalis, `di ba? Siguro `yon din ngayon ang dahilan mo kung bakit pinapaalis mo ako sa bahay. It’s a trick you want to play so I would leave the house with my own mind and free will.”
“You got it all wrong.” Napailing-iling si Marcus. “I had my reasons, Fatima.”
Umingos si Pham at tumingin sa kalangitan. Dumaan ang katahimikan sa kanila. Tanging ang mahihinang alon lang ng dagat ang kanyang naririnig. And she felt peaceful in that very moment.
“I wonder if Martin’s doing okay up there. In heaven,” wala sa sariling sabi niya.
“No, he’s not.”
“Kontrabida ka talaga kahit kalian,” mapait niyang sabi kay Marcus habang nakatitig pa rin sa langit.
“Hindi `yon pagiging kontrabida,” sabi nito. “Mahal ka ni Martin at hindi niya gugustuhing makita kang umiiyak. But look what you’re doing now. You’re crying over him. You should have fun, you know. Enjoy life.”
“How can I enjoy life when the person I want to enjoy it with is gone?” madamdaming niyang tanong kay Marcus at sa kawalan.
“I’m still here.”
Sumikdo ang puso ni Pham. Those three little words made her mind and heart go haywire. Pero agad na pumasok sa isip niya ang kasunduan nilang dalawa.
If she let this happen, if Pham let him affect her, she would lose everything. Her dignity, her moral and the house. Nasisiguro niyang paaalisin siya doon ni Marcus. Ngayon pa nga lang ay pinapaalis na siya nito. Iyon naman ang goal ng buong pamilya nito, eh, ang umalis siya. At siya lang naman ang matigas ang ulo na ayaw umalis. She was still holding on to Martin’s memories.
Pero hindi ba dapat hindi niya iniisip iyon ngayon? Dapat nagre-relax siya. Dapat maging masaya siya. Dapat gawin niya ang lahat ng kanyang gusto sa isla sa loob ng dalawang linggo. This was the escape that she was looking for. Her escape from the painful and harsh reality of life.
Tumingin siya kay Marcus, nagtama ang mga mata nila. He was looking deeply into her eyes and she could hear the loud beating of her heart.
“Enjoy life...” mahina niyang sabi. “Fine, I’ll do that.”
What happened in this island should stay in the island, right?