NANG itigil ni Pham ang golf cart sa harap ng cabin niya, madilim na ang kalangitan. Pero puno naman ng ilaw ang buong isla. Kahit ang may puno ay napapalibutan ng maliliit ng ilaw, kaya hindi nakatakas sa paningin niya ang bultong nakasandal sa pinto ng kanyang cabin.
Kilala ni Pham kung sino ang may-ari ng bultong iyon kahit sa malayo. It was the same built as her husband, but a little taller and an asshole.
Naglakad siya palapit sa pinto at binuksan niya iyon gamit ang key card.
“Saan ka ba nagpunta?” tanong agad ni Marcus nang makapasok sila.
Wala siyang lakas para makipag-away sa lalaki kaya naman nanatiling tikom ang kanyang bibig. Kumuha si Pham ng pantulog sa bag saka pumasok sa banyo at doon nagbihis. Pagkalabas niya, nakapamaywang si Marcus habang nakatayo sa paanan ng kama at masama ang tingin sa kanya.
Wala iyong epekto sa kanya. Pagod siya dahil sa walang direksiyong pagmamaneho niya sa golf cart. Nahiga si Pham sa kama, kinumutan ang sarili at ipinikit ang mga mata.
“Fatima—”
“Not tonight, Marcus. Pagod ako.” Nanatiling nakapikit ang mga mata niya. “Baka masakal na talaga kita sa sobrang inis.”
Thankfully, Marcus stayed silent.
Habang nakapikit ang mga mata ni Pham, dinig niya ang mga yabag ni Marcus sa loob ng cabin. Hindi siya mapakali sa yabag nito kaya iminulat niya ang mga mata. Her jaw slightly dropped at what she saw.
Nakatalikod si Marcus sa kanya at walang suot kahit isa. Tumutok ang mga mata niya sa matipuno nitong likod at ma-muscle na mga braso. Then his eyes dropped to his round butt and ripped legs. Napalunok si Pham nang maramdamang nanuyo ang lalamunan niya.
When it came to physical appearance, Marcus was perfection. Parang nililok ang katawan nito ng isang napakagaling na eskulptor. He was handsome and she shouldn’t have this kind of thoughts. Asawa niya ang kapatid nito. It was improper.
Mabilis na ipinikit ni Pham ang mga mata nang haharap na sa kanya si Marcus. And to her shock, the bed dipped and her heart rate quickened.
No! It wasn’t Marcus, right?
Hindi na siya nakatiis, bumaling siya sa pagkakahiga. Hindi nga siya nagkamali. Nakahiga si Marcus sa kama. Nakatingin ito sa kisame na parang ang lalim ng iniisip.
“Kama ko `to, Marcus,” walang buhay niyang sabi. “Doon ka sa sahig.”
He glanced at her, frowning. “What did you say?”
Inirapan niya ito. “Sa sahig ka mahiga. Kung wala kang respeto sa akin, irespeto mo naman si Martin. Asawa niya ako.”
His stares become cold. “Respeto?” Marcus smirked coldly. “Kung hindi ko siya nirerespeto, baka hubad ka na ngayon at iniuungol ang pangalan ko.”
Nabastusan si Pham sa sinabi ng lalaki, pero hindi niya ipinahalata. “What makes you so sure that I will be in bed with you?” May pang-iinsulto sa boses niya habang nanunuyang nakatingin dito.
Nakakaloko itong ngumiti. “Oh, I’m sure of it.”
Tumalim ang mga mata ni Pham. “I beg to disagree.”
Nakangisi lang si Marcus at hindi apektado sa pagtalim ng kanyang tingin rito. “Oh, come on, Fatima. We both know I can get you naked in my bed.”
“Hindi mangyayari `yon.” Nagtatagis ang bagang niya sa galit. “Mahal ko si Martin—”
“Huwag mong babanggitin ang pangalan ni Martin dahil hindi naman siya kasama sa usapan natin.” Sa isang kisap-mata, nakubabawan siya ni Marcus na ikinasinghap niya nang malakas. His face was so near hers. Naamoy niya ang mabango nitong hininga.
Hindi siya makatingin nang deretso sa lalaki. “Marcus, umalis ka sa—”
“Look at me, Fatima.”
Kailangan niyang maging matapang sa harap nito, kung hindi, kakaya-kayanin na naman siya nito. So Pham looked into his deep tantalizing eyes. Nanuyo ang lalamunan niya.
“A-ano?”
Gusto niyang sampalin ang sarili dahil sa pagkautal niya. Stammering in front of Marcus Dela Cruz was a sign of weakness. And this evil man would exploit it.
“Aminin mo sa akin, Fatima…” Tumatama ang mainit nitong hininga sa kanyang mukha. “Kung hindi mo naging asawa si Martin, maghuhubad ka ba para sa akin? Would you let me see your beautiful naked body? Would you let me penetrate you?”
Pham blushed as her heart thundered dangerously inside her chest.
“Ano ba ang pinagsasasabi mo?” Gusto niya iyong sabihin sa galit na boses pero pabulong iyon na lumabas sa kanyang bibig.
Hindi siya makapag-isip nang tama sa posisyon nila ni Marcus. Her body was reacting towards Marcus’ body pressed against hers. Parang may nag-uumpisang magliyab na apoy sa kaibuturan niya.
“Huwag mo nang sagutin `yon.” May kislap ng pagnanasa sa mga mata ni Marcus. “I know you would.”
Napakurap-kurap si Pham nang unti-uting mag-sink in sa isip niya kung anong pinagsasasabi nito. Mabilis na tumama ang kanyang kamay sa pisngi nito.
“Huwag mo akong babastusin. I am your brother’s wife!”
“That doesn’t work on me anymore, Fatima. Patay na si Martin.” Biglang sinakop ng mga labi ng lalaki ang labi niya, pero mabilis din iyong pinakawalan. But the tingling sensation still lingered on her lips. “But my brother’s wife or not, I know you’ll open your legs for me.” Marcus sounded so sure and she hated him for that.
Isang sampal pa ang dumapo sa kabilang pisngi nito. “Hindi ako katulad ng mga babaeng halos sambahin ang nilalakaran mo. I am a smart woman, Marcus. At ang mga matatalinong babaeng katulad ko ay hindi pumapatol sa mga lalaking tulad mo.”
Pham knew she hit a nerve because Marcus’ gaze turned cold.
“I will have you, Fatima. In my bed, naked.” He bit her lower lip and whispered. “Bet on that.”
Pham didn’t back down. “Ang tanging paraan lang para maangkin mo ako ay kung pipilitin mo ako. And that would be rape, Marcus.”
“I don’t rape women, Fatima. They opened their legs freely for me. And so will you.”
“Hinding-hindi mangyayari `yon,” puno ng kumpiyansang sabi niya.
“Wanna bet?”
May kaba siyang naramdaman. Marcus looked deadly serious. And serious Marcus was a dangerous Marcus.
“Scared, Fatima?” he taunted.
Taas-noo niyang sinalubong ang tingin nito. “Ako? Natatakot? To hell with you.”
Marcus smirked and Pham couldn’t help but find him ruggedly handsome. Ano ba itong nangyayari sa kanya?
“Two weeks on this island, Fatima, at kusa mo akong hahayaang maangkin ka.”
Kinabahan siya, pero nanatili siyang matapang sa harap nito. “Hindi mangyayari `yon.”
“Kung hindi kita maangkin sa loob ng dalawang linggo, hindi na kita guguluhin at hihikayatin ko si Mommy na ibigay sa `yo ang bahay namin. It’s all yours. But if you let me penetrate you while you’re here in the island…” Malademonyo itong ngumisi. “Abangan mo na lang kung anong susunod kong gagawin sa `yo.”
“Deal.” Hindi mangyayari ang gusto nito. “Matatalo ka.”
“We’ll see.”
Umalis si Marcus sa pagkakakubabaw sa kanya at nahiga sa tabi niya. Siya naman ay halos mapugto ang hininga sa sobrang kabang nararamdaman. Pham had a gut feeling on her stomach that she just struck a deal with the devil. But she would make sure that she would win.
NAGISING si Pham na parang may nakadagan sa kanyang tiyan. Nang imulat niya ang mga mata ay ganoon na lang ang pamimilog niyon nang makitang nakayakap ang braso ni Marcus sa kanyang baywang at ang mukha nito ay nakabaon sa leeg niya. Nagtaasan ang balahibo ni Pham dahil ngayong gising na siya, ramdam niya ang mainit nitong hininga.
Inipon ni Pham ang lahat ng lakas saka hinawakan ang braso ni Marcus sa kanyang tiyan at dahan-dahan iyong binuhat. Pipi siyang nagdasal na sana ay hindi magising ang lalaki, pero hindi pinakinggan ang dasal niya dahil dahan-dahang nagmulat ang mga mata ni Marcus at nagtama ang paningin nila. Pasimple siyang lumunok dahil napakalapit ng kanilang mukha. It’s making her heart beat so fast.
This can’t be!
“`Morning...” Marcus groaned and hugged her tighter. “Sunshine.”
Nilabanan niya ang malakas na pagtibok ng puso niya at ang kakaibang init sa kanyang katawan. “Marcus, lumayo ka nga sa akin.”
But Marcus didn’t listen. Instead, he pressed his lips against her neck and slightly bit it.
“Marcus!”
He chuckled and licked the length of her neck then bit her earlobe. Nanayo ang balahibo niya at nakaramdam siya ng kiliti sa puson niyon. Napunta iyon pababa sa kanyang pagkababae.
“Uhm...” Hindi niya napigilan ang daing na kumawala sa kanyang mga labi.
And Marcus took it as an invitation to do more. He straddled her waist and dragged his lips down to the valley of her breasts. Mahigpit siyang napahawak sa balikat nito. Nagtatalo ang isip ni Pham sa dapat gawin. Gusto niya itong itulak dahil hindi iyon tama. Ayaw niyang husgahan siya ng mga tao. Pero may parte sa kanya na gustong ipagpatuloy nito ang ginagawa sa kanyang katawan.
It had been a long time since she felt like this. It had been a long time she felt her body burst in pleasure.
“Marcus...” Napaungol siya nang masahiin nito ang mayayaman niyang dibdib. “Marcus...”
Napaliyad ang katawan ni Pham nang humaplos ang kamay ni Marcus sa hita niya pataas sa baywang pagkatapos ay pumasok iyon sa loob ng kanyang panty at hinaplos ang mga labi ng pagkababae niya. Nahigit niya ang hininga sa sarap na rumagasa sa kanyang himaymay. Her toes curled at the delicious sensation.
Hindi na naman napigilan ni Pham ang mapadaing. “Martin...” Nakapikit ang mga mata niya habang umuungol. “Martin...”
“Fuck!”
Napamulagat si Pham. Malakas na kumabog ang kanayang puso nang tumigil ang lalaki sa ginagawa at padabog na umalis sa kama.
Marcus looked angry. It was livid. Nakakuyom ang kamao ng lalaki at para itong bombang sasabog.
Anong ikinagagalit nito? Dapat nga siya ang magalit dahil sa ginawa nito.
Mabilis siyang bumangon at patakbong pumasok sa banyo. Her heart was hammering like crazy inside her chest. Habol ni Pham ang hininga at nanlalamig ang mga kamay niya. She actually let Marcus touch her intimately. He touched her intimately!
Damn it! Ano ba ang iniisip niya? That man would gloat, she was sure of that. Ipapamukha nito sa kanya ang nangyari. And that’s because she was stupid enough to let lust consume her.
Was it because it’s been too long since someone made her feel like that?
Kahit na! Hindi niya dapat hinayaang mangyari iyon!
Jesus! I’m so stupid! Stupid!
NANG makalabas si Pham sa banyo, nakaupo na si Marcus sa gilid ng kama. Nagtama ang mga mata nila ng lalaki. Agad na bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya kayang patigilin ang mabilis na pagtibok niyon. Ano ba ang nangyayari sa kanya?
Stop it, Pham!
“Get changed,” utos nito.
Kumunot ang kanyang noo. Hindi nito isasampal sa pagmumukha niya ang nangyari?
“Bakit?” tanong niya.
“Mag-aagahan tayo at maliligo na rin.”
“Ha?”
“Wear a dress.”
Tumayo si Marcus at may kinuhang towel sa closet saka siya nilampasan. Pumasok ito sa loob ng banyo. Nagtatakang napatingin si Pham sa pinto ng banyo na nakasara. Mula sa loob, naririnig niya ang paglagaslas ng tubig sa shower.
What just happened? He wouldn’t rub it on her face?
Napailing-iling si Pham saka nagbihis. She didn’t want to argue with Marcus right now. Wala siyang lakas at nasisigurong hindi niya kayang makipagtitigan dito habang nag-aaway sila tulad ng gawain niya dahil sa nangyari kani-kanina lang.
Bakit ko ba kasi hinayaang mangyari `yon? Ang tanga ko!
Nang makalabas si Marcus sa banyo, agad niyang tinalikuran ang lalaki dahil tanging tuwalya lang ang nakatapi sa pang-ibaba nitong katawan.
“Fatima?”
“Hmm?” Nagpanggap siyang abala sa pag-aayos ng kama.
“Stop doing that.”
Natigilan si Pham. “Ha?”
“Itigil mo `yang ginagawa mo. You do realize that your delicious butt is facing me. Huwag mo akong sisisihin kong makaramdam ako ng pagnanasa diyan sa posisyon mo.”
Mabilis siyang tumayo nang tuwid at hindi nag-iisip na humarap dito. Nanuyo ang lalamunan niya nang makitang wala na ang tuwalyang nakatapi sa katawan nito. Her eyes automatically wandered below... in between his thighs. And, oh, dear Jesus! He’s big, long and aroused.
“Like what you see, Fatima?” May panunudyo sa boses ni Marcus.
Umiling si Pham, pero hindi naman niya maiiwas ang tingin sa kahabaan nito. It was aroused and her mind was filled with erotic thoughts—No! Marahas niyang ipinilig ang ulo.
This is bad. Bad. Bad. Bad.
“Saan ba tayo mag-aagahan?” pag-iiba niya ng usapan. “Ang aga-aga, eh. Hindi ba puwedeng magpa-deliver na lang?”
“Malalaman mo mamaya. And the island management wants the guests to eat outside and admire the scenery.”
Umirap si Pham sa hangin. “Paano kung ayoko?”
“Tumingin ka sa akin.” Sa halip ay iyon ang sinabi nito.
Nanatiling nakatuon ang mga mata niya sa sahig. “Ayoko. Baka hubad ka pa.”
“Oh, come on. Para namang hindi mo pa nakita `yon.”
“Nakadamit ka na ba?”
“Oo.”
Tumingin siya kay Marcus at nakahinga nang maluwag nang makitang nakadamit na ito. But he was having a hard time making the upper part of his suit presentable.
Naiiling na lumapit si Pham sa lalaki at inayos ang pagkakabutones ng suit nito at ang pagkakasuot ng necktie. It was easy for her. Lagi niya kasi iyong ginagagawa noon kay Martin. Wala rin kasi iyong future sa pag-aayos ng tie. Magkapatid nga ang dalawa.
“There.” Pham patted the tie before she looked up at Marcus and smiled. “All done.”
Nakatitig lang sa kanya si Marcus nang ilang segundo bago ito tumikhim. “Thanks, Fatima. Pero hindi mo kailangang gawin `yon.”
Her smile disappeared. Ngayon lang niya na-realize na nakapalapit pala nila sa isa’t isa. Nararamdaman niya ang init ng katawan nito.
Para siyang napapasong humakbang paatras at huminga nang malalim. “Halika na,” bigla niyang sabi. “Umalis na tayo.”
Naiilang si Pham dahil nararamdaman niyang nakatitig pa rin sa kanya si Marcus. Dahil hindi mapakali, tumingin siya sa lalaki. Nagtama ang mga mata nila.
“Well?” sabi niya.
Tumaas ang sulok ng mga labi nito saka hinagod ang katawan niyang tingin. “You look beautiful in that dress.”
For the second time in front of Marcus, Pham blushed. Only Martin had that ability.
Bakit ba nangyayari iyon sa kanya? Hindi niya dapat maramdaman iyon. Hindi siya dapat nakakaramdam ng pagnanasa sa kapatid ng kanyang asawa.
Yes. She couldn’t deny it anymore. She was lusting over Marcus. And that’s very bad.