Five Years Later...
ABALA si Pham sa pag-aasikaso sa mga bisita na inimbitahan nila para sa ikaapat na kaarawan ng anak nila ni Marcus na si Martin. Halos lahat mga kaibigan at business colleagues ni Marcus ay nandoon sa bahay nila.
“Fatima,” tawag ni Marcus. Naramdaman niyang yumakap ito sa kanyang likuran. “Magpahinga ka kaya. Kanina ka pa lakad nang lakad. Baka pagod ka na.”
Humarap siya sa asawa saka ito hinalikan sa mga labi. “Just let me, okay? Halos i-baby mo ako araw-araw. This is the only time na gumagalaw ako.”
Bumuntong-hininga ito. “Sige na nga. But tonight, you’ll rest. Okay?”
Nakangiting tumango si Pham. “Yes, Sir.”
Marcus rolled his eyes and kissed her again. “Don’t stress yourself, okay?”
“Yes, Boss.”
Nawala ang ngiti nito sa mga labi. Marcus really hated being called ‘sir’ and ‘boss’ by her. Kaya kapag gusto niya itong asarin, iyon ang tawag niya rito.
“Fatima.” Matigas ang boses nito.
“What?” Inosente niya itong nginitian.
Umiling na lang si Marcus, saka nagpaalam na aasikasuhin ang mga bisita nito na bagong dating.
“Mommy!” matinis ang boses na tawag sa kanya ng nag-iisang anak.
Nakangiting bumaling siya rito at lumuhod para magpantay ang mukha nilang dalawa.
“Hello, my baby. How are you?”
“I’m good, Mom!” Martin looked so excited. “I love my gifts! Ang dami, Mommy. Wala pa roon ang gift n’yo sa akin ni Daddy.”
Natatawang hinalikan niya ito sa noo. “Kumain ka na ba, anak?”
“Hindi pa po, Mommy.”
Kinunutan niya ito ng noo. “Inuna mo pa ang pag-open mo ng mga gifts. Kumain ka muna.”
“Okay.” Itinaas ni Martin ang dalawang kamay, ibig sabihin gusto nitong magpabuhat.
Ginulo niya ang buhok ng anak. “Baby, Mommy can’t carry you. `Di ba, napag-usapan na natin `to last week?”
Napahawak ito sa bibig saka namilog ang mga mata. “Oo nga pala. My baby sister is in your tummy.” Bumungisngis ito. “Does Daddy know?”
Umiling si Pham. “Not yet, baby. But he will. Surprise natin, `di ba?”
“Oo nga pala.” Ibinaba ni Martin ang nakataas na mga kamay. “Hanapin ko na lang po si `Nay Julie. Siya na lang po magpapakain sa akin.”
“Ako ang magpapakain sa `yo, pero hindi kita puwedeng buhatin.”
“No, Mommy,” pigil nito. “Si `Nay Julie na. And besides po, may bisita po sa gate. Hinahanap po kayong dalawa ni Daddy.” With that, Martin left, running gleefully.
Napailing-iling na lang si Pham saka naglakad papunta sa gate para sa bagong dating na bisita. Nagulat siya nang makitang nasa gate na si Marcus, nauna ito roon sa kanya. May kausap ito na nasa labas.
“Marcus? Sino `yan? Papasukin mo kaya,” sabi niya.
Nilingon siya ni Marcus at may nag-aalangan itong ngiti sa mga labi. “Ahm, we have a special visitor.”
Kumunot ang noo ni Pham. “Eh, di papasukin mo.”
Ngumiti lang si Marcus saka inilahad ang kamay sa kanya. “Come here.”
Nagtatakang tinanggap ni Pham ang kamay nito saka masuyo siyang hinila palabas ng gate. Kumabog nang mabilis ang puso niya sa nerbiyos at nanlamig ang kanyang mga kamay nang makita ang ina ni Marcus na halos limang taon din niyang hindi nakita simula nang lumuhod siya sa harap nito.
Napalunok si Pham. Sa bawat taon na may pagtitipon o party sa bahay ng mga Dela Cruz, si Marcus lang ang pumupunta. Hindi siya invited at ayos lang iyon sa kanya. Iwas gulo rin iyon. Kaya naman nagulat siya nang makita ang babae sa labas ng bahay nila ni Marcus.
Never in her wildest dream did she think that she would see Marcus’ mother again. Pagkatapos ng mga nangyari, naiintindihan niya kung bakit ganoon na lang siya nito itrato.
“Pham…” Tipid itong ngumiti. “Puwede ba kaming pumasok?”
Bumaling ang tingin niya sa may-edad na lalaki na katabi nito. Kamukhang-kamukha ito ni Marcus. Halatang may-edad na ito, pero matikas pa rin ang pangangatawan.
Sa ilang taon na sa bahay siya ng mga ito nakatira, minsan lang niya makita ang ama nina Marcus. He’s always busy with his other businesses.
“Pham.” Tinanguan siya nito. “Kumusta?”
Ngumiti siya. “Ayos lang ho ako.”
Tipid itong ngumiti. “Puwede ba kaming pumasok?”
Tumango siya. “Oho.”
Naunang pumasok ang mga magulang ni Marcus sa gate.
“Marcus, nasaan ang apo ko?” tanong ng ama nito.
Masayang ngumiti ang asawa niya. “Kumakain si Martin, `Pa.”
“Dalhin mo ako sa kanya. I want to meet my grandson.”
Marcus looked excited as he conversed with his father. Nakaramdam ng kasiyahan si Pham. Bakas sa mukha ni Marcus ang kagustuhang makilala ng ama nito ang anak nila. Pero ang kasiyahang iyon ay napalitan ng kaba nang maiwan siya kasama ang ina nito.
Pinakalma ni Pham ang sarili saka humarap sa babae. Natigilan siya nang makitang pinagmamasdan pala siya nito.
“Pasok na ho kayo,” magalang niyang sabi saka itinuro ang bahagyang nakabukas na pinto.
She went still when the woman smiled at her. “You look happy.”
Kinakabahang tumango si Pham. This woman had the capability to ruin her happy family. Kailangan niyang maging matatag sa harap nito. After all these years, ngayon lang ito nagpakita. She felt nervous thinking that this woman might be planning something wicked for her.
“It’s okay. No need to be nervous,” sabi ng babae. “Wala akong gagawing eskandalo. I’m here because I want to meet my grandchild and to know if you are taking good care of Marcus.”
Pham let out a nervous chuckle. “Hindi naman ho mawawala sa akin ang kaba. You are capable of destroying my happiness—”
“Don’t worry. I won’t.” Huminga ito nang malalim. “Five years is enough to make me realize my mistake. And I regretted it, Pham. Pero wala akong lakas ng loob na harapin ka. Mabuti nga at sinamahan ako ngayon ng asawa ko. Alam kong nasaktan kita sa mga masasakit na salitang sinabi ko sa `yo noon. Umaasa ako na sana patawarin mo ako sa mga pambibintang ko. Hindi man ngayon, pero sana mapatawad mo ako sa mga darating na taon.”
Napangiti si Pham. “Ma’am, hindi po ako umaasa na hihingi kayo ng tawad dahil may kasalanan din naman po ako sa inyo. Oo, masasakit ang mga salitang binitawan n’yo, pero matagal na po `yon at nakalipas na. Ayokong umikot ang buhay ko sa galit. Masaya na ako ngayon kasama ang asawa at anak ko. Pero mas magiging masaya ako kung pati kayo ay magiging parte ng buhay ko.”
May tumulong luha sa mga mata nito. “Maraming salamat, hija.”
Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib. Pham felt relieved. Para sa kanya, tama lang na patawarin niya ang babae. It wasn’t good to harbor anger to anyone. Hindi makabubuti sa kahit na sino ang magtanim ng galit sa kapwa.
Pham smiled. “Walang ano man ho `yon.”
“And I also hope you will let me meet my grandchild. Sabi ni Marcus, Martin ang ipinangalan mo sa kanya.”
Awtomatikong napahawak si Pham sa wedding ring nila ni Martin na ginawa niyang pendant sa necklace na suot. “Oho. Parehas pong mahalaga sa amin ni Marcus si Martin kaya napagkasunduan namin na Martin ang ipangalan sa anak namin.”
Ngumiti ang babae, nanunubig ang mga mata nito. “Maraming salamat, hija. Martin might not deserve your love and loyalty but you still honored him.”
Naguguluhang kumunot ang noo ni Pham. “Ano ho ang ibig n’yong sabihin.”
May kinuha ang babae na nakatuping papel sa handbag na dala nito saka iyon ibinigay sa kanya.
“I probably shouldn’t give this to you, pero dapat mo ring malaman ang katotohanan.” Naging malungkot ang kislap ng mga mata nito. “I found this in Martin’s things. Nang umalis ka sa bahay, ipinatapon ko ang lahat ng natira mong gamit sa kuwarto n’yo ni Martin sa sobrang galit ko sa `yo. And as the maids cleaned the whole room, they found a small wooden box hidden in Martin’s closet. Nandoon ang sulat na `to na para sa `yo.”
Naguguluhang tinanggap ni Pham ang sulat at ibinulsa iyon. “Mamaya ko na po babasahin. Pasok na ho tayo.”
Ngumiti ito at hinawakan ang kamay niya saka iyon pinisil. “Maraming salamat.”
Tumango siya bilang sagot. Pham couldn’t be happier. Sa wakas, nagkaayos din sila ng ina ni Marcus. Hindi siya umasa na magkakaayos pa sila kaya naman hindi niya sasayangin ang pagkakataong ito na ibinigay sa kanya ng Panginoon.
Nang makapasok sila sa kabahayan, agad na hinanap nila si Martin. Napangiti si Pham nang makitang naglalaro si Martin at ang ama ni Marcus. Marcus’ mother joined them.
Habang nagmamasid si Pham sa anak niyang nakikipaglaro sa lolo’t lola nito, may yumakap sa baywang niya mula sa likuran. Marcus’ scent filled her nostrils.
“A very wonderful scene, yeah?” Boses iyon ni Marcus na bumulong sa tainga niya.
Tumango siya at yumakap sa braso na nakapalibot sa baywang niya. “Yes. Very.”
“I’m happy,” sabi nito. “Hindi ko akalain na pupunta ngayon sina Mama at Papa. I thought it’d take them a decade to accept you and Martin.”
“Oo nga. Hindi pa rin nga ako makapaniwala na nagkausap kami ni Mama na hindi ako tinatarayan, eh.”
Mahina itong natawa. “She likes you now.”
“Yeah.” Pham smiled. “She likes me now.” Ang gaan pala sa pakiramdam na tanggap ka ng biyenan mo.
Marcus kissed her on the temple and hugged her tighter. “I love you, Fatima.”
Pham smiled lovingly. “I love you more, Marcus.”
Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya habang nakatingin sa anak niyang bakas ang kasiyahan sa mukha. Now, it’s time to make her husband happy. Humarap siya rito at yumakap sa leeg nito.
“I have something to tell you.” Matamis ang ngiting gumuhit sa mga labi niya.
“Ano `yon?” kunot-noo nitong tanong.
Pham grinned and whispered. “I’m four weeks pregnant.”
Marcus stilled, shocked. And then slowly, a wide happy smile stretch over his sexy lips.
“Jesus, Fatima.” Niyakap siya nito nang mahigpit saka binuhat at pinaikot-ikot. “Thank you. Thank you for another blessing.”
Kinuyumos nito ng halik ang mga labi niya. Natatawa namang ginantihan ni Pham ang halik ng asawa.
Hindi siya magsasawang pasayahin si Marcus. Makita pa lang niya ang masayang ngiti nito sa mga labi ay masaya na rin siya. Ganoon nga siguro ang pagmamahal. Ang kasiyahan ng mahal mo ay kasiyahan mo rin.
“`Ma! `Pa!” masayang tawag ni Marcus sa atensiyon ng mga magulang nito. “Fatima’s pregnant!”
Namilog ang mga mata ng ina nito at masayang ngumiti. “Congratulations.”
“Congratulation,” sabi ng ama nito.
“Salamat po,” masaya niyang sagot saka hinaplos ang tiyan niya. “Sana babae.”
“Yes. She will be my princess,” sabi ni Marcus na nakaluhod at pinupupog ng halik ang tiyan niya. “She’ll be beautiful just like her mother.”
Naiiling na sinuklay ni Pham ang buhok ng asawa. “Huwag kang masyadong excited. Isang buwan pa lang.”
Tumawa si Marcus at tiningala siya. “Salamat sa panibagong blessing.”
Pham smiled. “Thanks for giving me that blessing.”
Tumayo ito at niyakap siya nang mahigpit. “I love you, Fatima.”
Natatawang niyakap niya rin ito. “Mahal din kita.”
Nang maghiwalay ang katawan nila, humarap sila sa mga magulang nito. Nakikipaglaro na naman ang mga ito kay Martin. Tipid na napangiti si Pham at niyakap sa baywang ang asawa. Ito ang pinangarap niyang buhay kasama si Marcus at napakasaya niya ngayon dahil natupad na iyon.
Being with Marcus taught her lots of things. And one of them was to never give up even when you felt that the world was against you.
HUMIHINGAL na bumagsak ang katawan ni Pham sa kama, sa tabi ni Marcus na habol din ang hininga. Katatapos lang ng mainit nilang pagniniig ng asawa.
“Hindi ako magsasawa sa `yo,” sabi ni Marcus saka niyakap ang hubad niyang katawan.
Napangiti siya, saka hinaplos ang buhok nito. “Me, too.”
He kissed the side of her breast and cuddled her tightly. Napangiti na lang si Pham saka niyakap din ito.
Inabot ng hapon ang mga bisita sa bahay nila kaya naman napagod siya sa pag-aasikaso sa mga ito. Pero ipinagsawalang-bahala niya ang pagod. Gusto niyang pasayahin ang asawa niya.
“Magpahinga ka na,” sabi ni Marcus.
Ipipikit sana ni Pham ang mga mata nang maalala niya ang ibinigay sa kanya kanina ng ina ni Marcus.
“Wait,” nagmamadaling sabi niya saka umalis sa kama at hinanap ang hinubad niyang pantalon kanina. Nang mahanap ang pantalon, agad niyang kinuha ang sulat na inilagay niya sa bulsa.
“Ibinigay sa akin ng mama mo,” sabi niya nang makita ang nagtatanong na mga mata ni Marcus habang nakatingin sa kanya. “Kay Martin daw `to.”
Bumalik si Pham sa kama saka umunan sa braso ni Marcus.
“Sabi ng mama mo, nakita niya raw ito sa closet ni Martin, nakatago, at para sa akin daw,” sabi niya habang binubuklat ang nakatuping papel.
Inagaw sa kanya ni Marcus ang sulat bago pa niya tuluyang mabasa ang laman.
“Let me read it,” sabi ni Marcus. Ito na ang nagpatuloy sa pagbukas ng nakatuping papel.
Umayos sa pagkakaunan sa braso ni Marcus si Pham at ipinikit ang mga mata saka inihanda ang mga tainga sa pakikinig.
My dearest Fatima,
I wrote this for you, but I don’t have the guts to give it to you. I don’t have the balls to let you read this and wait for your reaction. I don’t want to see hate and anger in your eyes after you read this. But I have to let it out.
I once told you that I’m guilty of loving you. But that’s not the only thing I’m guilty of. I have done some bad things. At kasama ka sa mga taong nagawan ko ng masama. I orchestrated everything. Kinontrol ang lahat ng nangyayari sa paligid ko. And you are one of the people I controlled. Keep in mind, Fatima my love, that I did all those things because I love you.
I confessed of being guilty of texting my brother, pretending to be you. I’m guilty of leaving Post-it Notes on your table with hateful messages. I’m guilty of telling you lies about my brother. And lastly, I’m guilty of breaking my brother’s heart.
Nang makita ko kung paano ka niya tingnan, natakot ako. Kasi ganoon ka rin minsan tumingin sa kanya tuwing palihim kang sumusulyap kapag sa tingin mo ay walang nakatingin sa `yo. Mahal na mahal kita, Fatima, kaya nagawa ko ang lahat ng `yon. Hindi ko kakayanin kung mapupunta ka sa iba. Hindi ko kakayanin kung magmamahal ka ng iba, lalo na kung ang kuya ko `yon.
Pero kahit ikinasal na tayo, hindi ako naging masaya, hindi ako napanatag. Natakot ako na maagaw ka ni Kuya kaya naman ginawa ko ang lahat mapaalis lang si Kuya sa bahay. And I did it. I finally did it.
Ngayon, panatag na ako na akin ka lang. Panatag na ako na ako lang ang mamahalin mo. At kung sakaling mabasa mo man `to, tatandaan mo na mahal kita kaya ko nagawa `yon. Mahal na mahal kita, Fatima. Mahal na mahal. Sana mapatawad mo ako sa nagawa ko. Sana mapatawad mo ako, mahal ko.
Love,
Your husband
Nilamukos ni Marcus ang sulat at itinapon iyon sa kung saan.
“Marcus…”
“It doesn’t matter anymore,” sabi ni Marcus, saka siya hinalikan sa noo. “Hayaan na nating manahimik si Martin kung nasaan man siya. Harboring anger towards him won’t do us any good. Nang malaman kong hindi pala ikaw ang ka-text ko, malakas na ang hinala ko na si Martin `yon. At napatawad ko na siya.”
Pham smiled and hugged her husband tighter. “Tama ka, hayaan na natin siya.”
“Masaya na ako sa piling mo. Asawa na kita. May anak na tayo. Wala na akong mahihiling pa, Fatima. And that letter doesn’t change anything. Martin was my little brother, at inirerespeto ko ang mga alaala niya.” Marcus kissed her lips. “I love you, my Fatima.”
Pham smiled lovingly. “I love you, too, my hubby.”
W akas