noveltoon logo noveltoon
Forbidden Pleasure (Temptation Island Series 1)

Chapter 14

Ch. 15 / 27 Apr 01, 2025

NAGISING si Pham sa pakiramdam na parang nasa loob siya ng sasakyan. At tama nga ang hinala niya. Nang imulat niya ang mga mata, tumuon iyon sa malapad na kalsada. Mabilis siyang bumaling sa driver’s seat at nang makita si Marcus, agad na namang sumama ang kanyang pakiramdam.

“Stop the car,” mahina ang boses na utos niya kay Marcus.

“No.” May diin ang boses nito. “Kailangan mong magpa-check up.”

“Saan mo ba ako dadalhin?” Medyo nanghihina pa rin si Pham. “Ibalik mo na ako sa flower shop, kaya ko ang sarili ko.”

“Babalik tayo sa isla,” sabi ni Marcus.

Kumunot ang noo ni Pham. “Akala ko ba kailangan mo ng imbitasyon para makapasok doon?” Humalukipkip siya. “And what makes you think na sasama ako sa `yo?”

“I already secured you an invitation.” Mas binilisan pa ni Marcus ang pagmamaneho. “And you don’t have a choice. You’re coming with me. Kailangan nating ipa-check ang ulo mo. Siguro, kaya ka nahimatay ay dahil sa pagtama ng ulo mo sa Jet Ski. Dr. Edzel couldn’t fly to the city because the Monasterio Brothers want him to stay on the island, so tayo na lang ang pupunta sa kanya. Gusto kong siya ang tumingin sa `yo kasi alam niya ang nangyari mula simula. We have to make sure na `yong amnesia lang ang—”

“Marcus…” May babala sa boses niya. “Huwag mong ipapaalala `yan sa akin kasi baka masakal kita at madisgrasya tayong dalawa.”

Marcus sighed. “Sorry.”

“Sorry doesn’t cut it.” Ihinilig ni Pham ang ulo sa likod ng passenger seat saka ipinikit ang mga mata.

Dapat siyang tumanggi sa kagustuhan nitong dalhin siya sa islang iyon kung saan nag-umpisa ang lahat ng kakaiba niyang nararamdaman para kay Marcus. Pero gusto rin naman niyang malaman kung ano ba talaga ang kanyang sakit. Gusto niyang malaman kung bakit lagi siyang nahihilo at nagsusuka.

And the best doctor that could give her answers was on the island. At tama si Marcus, mas makabubuting ang doktor na iyon ang tumingin sa kanya kaysa iba na naman. That doctor already knew what had happened to her. And as soon as she found out what was wrong with her, aalis agad siya.

Staying in that island with Marcus was a no-no.

Iminulat ni Pham ang mga mata at inilibot ang tingin sa sasakyan hanggang sa makita niya ang cell phone na nasa dashboard.

“Pahiram,” sabi niya sabay abot ng cell phone. “Tatawagan ko lang si Gail. Hindi ko kasi memorize ang number ni Amelia sa shop. And since iniwan mo roon ang bag ko, si Gail na lang ang—”

“Huwag mong gamitin ang cell phone ko,” mabilis nitong sabi.

Natigilan si Pham. “Ha?”

“Puwede mo naman siyang tawagan pagdating natin sa isla.” Inilahad nito ang kamay. “Give me back my phone, Fatima.”

Pham could sense urgency on Marcus voice. Napatitig siya sa cell phone na hawak niya. What’s with that phone that made Marcus acting weird all of a sudden?

“Fatima.” May diin ang boses nito. “Akin na ang phone ko.”

Hindi nakinig si Pham. Pinindot niya ang power button at natigilan siya nang bumukas ang lock screen ng cell phone nito.

“Anong...” Titig na titig si Pham sa larawan na nasa lock screen nito. “Anong—” Hindi niya maituloy ang sasabihin dahil sa pinaghalong gulat at pagtataka.

“Fuck!” Marcus cursed and snatched the phone away from her hand. “I told you not to use my phone.” Walang emosyon ang boses nito.

Nakaawang pa rin ang bibig niya na tumingin kay Marcus na nagtatagis ang mga bagang.

“Ano `yong nakita ko?” shock pa ring tanong niya.

“It’s your picture… and Martin’s,” sagot nito sa walang buhay na boses.

Itinikom ni Pham ang bibig at napailing-iling. “Do you know how weird it is?”

“How so?”

“Anong how so? Gusto mong sakalin kita riyan?” nanggigigil sa inis niyang tanong. “Marcus, may picture kami ni Martin sa cell phone mo. Weird `yon! At `yong wedding picture pa namin! That is very weird—”

“That picture is a reminder for me.”

Natigilan si Pham at napatitig sa guwapong mukha ni Marcus. “A what?”

“A reminder.” Nagtagis ang mga bagang nito. “My phone alarms every day at exactly six AM and that picture is there to remind me every day that you are married to my brother and that I shouldn’t desire you in any way. That picture always reminds me to stop every time I think of texting you just to say ‘good morning’ or ‘hi’. That picture stops me from doing stupid things.”

Nararamdaman ni Pham ang mabilis na pagtibok ng puso niya. “M-Marcus...”

“Shut it, Fatima.” Humigpit ang hawak nito sa manibela. “I’m not in the mood.”

“Pero, Marcus, it’s still not right—”

Bigla nitong itinigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada saka humarap sa kanya. Puno ng galit ang mga mata ni Marcus. “Ano ba ang alam mo, ha? You don’t know me. You don’t know what I feel. You don’t know the hell that I’d been through since you came into my life. Kaya huwag mo akong husgahan na parang kilala mo ako!”

Fatima shrunk on her seat and Marcus’ face softened.

“I’m sorry.” Humarap ang lalaki sa unahan saka bumuga ng malalim na buntong-hininga. “Fuck this.”

Pham couldn’t take her eyes off Marcus’ angry face. His angry eyes, his frustrated frown and his clenched fist. Nakita na niya minsan ang ganoong emosyon kay Marcus. And that was when she dreamed of her wedding day.

Totoo ba talaga ang nakita niya o pinaglalaruan lang siya ng imahinasyon?

Nagising siya sa pag-iisip nang maramdamang umusad uli ang sasakyan. Napakurap-kurap siya at umayos ng upo.

Marcus was like a ball of mystery to Pham. And she hated it because she was mystified by him. That’s not good.

“Pagkatapos mong matingnan sa isla, kailangan mong magpahinga doon kahit ilang linggo lang, saka kita ibabalik sa lungsod,” basag ni Marcus sa katahimikan. “And please, don’t go against me. Simple lang ang hinihiling ko sa `yo, Fatima, and that’s your cooperation.”

“Oka—”

“And don’t say the word ‘okay.’” May frustration sa boses nito. “It’s frustrating the hell out of me.”

Ibubuka sana ni Pham ang bibig at magsasabi ng okay, mabuti na lang at napigilan niya ang sarili. Somehow, his frustration gave her the urge to laugh but she stopped herself. Siguradong mas maiirita ito kapag marinig siyang tumawa.

“Anyway, where have you been?” tanong nito. “And this time, answer me.”

Pinaikot ni Pham ang mga mata. Napaka-bossy talaga ng lalaki kapag nagtatanong.

“Diyan lang sa tabi-tabi,” sagot niya.

“Fatima.” May galit at babala sa boses nito.

“Marcus, payag akong magpatingin sa isla kung `yon ang gusto mo. Pero huwag mo akong pipiliting sabihin sa `yo kung saan ako nagpunta. It’s none of your business.” Huminga siya nang malalim saka tipid na ngumiti. “And anyway, I love the thought that the bossy and mighty president of Dela Cruz Incorporated, Marcus Dela Cruz, don’t know where I was.”

Yes, Pham sounded cocky. At alam niyang mas nadagdagan ang galit na nararamdaman ni Marcus. At may kasiyahan siyang naramdaman. Sinong mag-aakala na masaya pa lang galitin si Marcus Dela Cruz? She loved seeing him frustrated and angry.

Mas humigpit pa lalo ang hawak ng lalaki sa manibela. Lihim namang napatawa si Pham. Hindi na nagsalita pa uli si Marcus hanggang sa makarating sila sa Monasterio Tower. Ipinarada nito ang sasakyan sa harap ng gusali saka nagsalita nang hindi tumitingin sa kanya.

“Halika na,” sabi nito.

“Okay.” Lihim siyang napangiti nang magtagis ang mga bagang nito. “Oopps! Ayaw mo pala n’on. Sorry.”

Natatawang lumabas si Pham ng sasakyan saka naglakad papasok. Nang mahabol siya ni Marcus, nasa pintuan na siya.

Lumakas ang tibok ng puso niya nang pagsalikupin nito ang kamay nilang dalawa. Ramdam ni Pham ang mainit nitong palad sa palad niya. Mas pinapabilis niyon ang tibok ng kanyang puso.

“Marcus—”

“Shut up or I’ll kiss you.”

Mabilis niyang itinikom ang bibig nang makitang maraming taong nakapaligid sa kanila. She knew Marcus and he didn’t bluff.

Hinayaan niyang hilahin siya ng lalaki papunta sa elevator saka nito pinindot ang pinakamataas na floor. Nang makarating sila doon, hinila siya ng lalaki papunta sa isang opisina na may nakasulat na President’s Office.

“Tell Mr. Monasterio that Mr. Dela Cruz is here,” sabi ni Marcus sa sekretarya na abala sa harap ng computer.

“Yes, Sir.” Agad namang sumunod ang babae kahit may ginagawa.

Sinundan niya ng tingin ang babae na maiksi ang suot na uniform.

“`Yon ang mga tipo mong babae, `di ba?” tanong niya kay Marcus.

“No.”

May munting kasiyahan siyang naramdaman. “Bakit naman?”

“Because she’s not you.”

Her heart stopped beating. “What?”

“Shut up, Fatima. Isa pa, hahalikan na talaga kita,” banta na naman nito.

Pham zipped her mouth shut.

“Mr. Dela Cruz…” Nakalabas na ang sekretarya sa pinasukang opisina. “Pasok na raw ho kayo.”

Tango lang ang sagot ni Marcus sa babae na halos hubaran sa pagkakatitig si Marcus.

“Let’s go.” Masuyo na naman siyang hinila ni Marcus papasok sa loob ng opisina. Mahigpit pa rin nitong hawak ang kamay niya.

“Lucas.” Tumango si Marcus sa lalaking suwabeng nakaupo sa swivel chair. “My invitation?”

Tumingin sa kanya ang lalaking nagngangalang Lucas. “Hello, Mrs. Dela Cruz.” Ngumiti ito saka bumaling sa lalaking nasa harap ng isang mamahaling laptop. “Craig, `yong invitation daw ni Marcus, nasaan na?”

Nag-angat ng tingin ang lalaki kay Marcus. “This is just for formality’s sake, but…” He looked at her. “Anong password ang gusto mo?”

Tumaas ang kilay ni Pham. Agad na pumasok sa isip niya ang password ng imbitasyong natanggap niya noong una. She certainly didn’t want that kind of password. So bold.

Ibubuka sana niya ang bibig ng maunahan siya ni Marcus.

“Widow.”

Her heart clenched. Yes. She was a widow and for some reason, it didn’t hurt like it did before. The man named Craig looked at her, his eyes asking if the password given by Marcus was okay with her.

Tumango si Pham.

“Okay.” Craig pressed something on the laptop and the printer started printing the invitation.

Nang matapos ang pag-print, ibinigay ni Craig ang invitation kay Pham.

“Enjoy,” sabi nito saka ngumiti.

Sinuklian niya iyon ng tipid na ngiti.

“Thanks,” sabi ni Marcus saka masuyo siyang hinila palabas ng opisinang iyon.

Nang nakapasok na sila sa elevator, pinindot nito ang rooftop.

“Marcus, ang kamay—”

He turned to her, claimed her lips and pressed his body close to hers. Pham moaned into Marcus’ mouth as he snaked his tongue inside her mouth.

Her body instantly burned for Marcus. It ached to be filled with pleasure again. Kahit anong pigil ni Pham, nadadarang siya sa masarap nitong paghalik sa mga labi niya. Wala siyang lakas para itulak ang lalaki palayo. She missed his kisses and she’s weak because of it.

Pham could feel her sex getting wet and throbbing. Napadaing siya nang kagatin nito ang pang-ibaba niyang labi bago pinakawalan ang mga iyon.

“I told you to shut up or I’ll kiss you, remember?” Marcus licked the bottom of her lips. “Always remember that I don’t bluff, Fatima.” Marcus nuzzled her neck and then stepped away from her the same time the elevator popped open.

“Let’s go.” Hawak na naman nito ang kamay niya saka hinila siya papunta sa nakaparadang helicopter.

Wala siyang imik hanggang sa nakasakay sila at nasa biyahe na. Pero kahit wala siyang imik, aware si Pham sa magkahawak nilang kamay ni Marcus. Ramdam niya ang paminsan-minsang pagpisil nito sa kamay niya na mas nagpapabilis ng tibok ng kanyang puso.

Ipinikit ni Pham ang mga mata para matakasan ang nararamdaman sa mga sandaling iyon. And as she fell asleep, a memory of Marcus kissing her seeped through her mind. Ipinilig niya ang ulo at pilit pinapalitan ang memorya sa kanyang isip. Pilit niyang iniisip si Martin, pero kahit anong pilit niya, bumabalik nang bumabalik si Marcus sa kanyang isip.

Noon, tanging si Martin lang ang laman ng puso’t isip ni Pham. Ngayon, natatakot siya kasi paunti-unti, nag-iiba na ang laman niyon. At kailangang labanan iyon kasi nasisiguro niyang sobra-sobra pa ang sakit na mararanasan kay Marcus kaysa sa naranasan niya kay Martin.

Sawa na siyang masaktan. Hindi na niya hahayaang masaktan siya ulit sa ikalawang pagkakataon. Kailangan niyang tikisin ang umuusbong na emosyon sa kanyang puso para kay Marcus. Kailangang patayin niya iyon. Because feeling something for Marcus was not good.