noveltoon logo noveltoon
Forbidden Pleasure (Temptation Island Series 1)

Chapter 17

Ch. 18 / 27 Apr 01, 2025

AFTER losing her consciousness, nakita na lang ni Pham ang sarili sa loob ulit ng clinic ng Temptation Island. Mula sa labas ng kurtina na nagsisilbing harang para hindi siya makita ng mga taong nasa labas o ng ibang pasyente, naririnig niya ang pamilyar na boses ni Marcus at ng doktor.

“Maayos naman siya, kailangan lang niya ng pahinga at huwag mong stress-in. Kailangan mo rin siyang pakainin ng masusustansiyang pagkain dahil first trimestral ito ng pagbubuntis niya. In this time of pregnancy, ang brain ng baby ang nade-develop. So she needs all the nutrients you can give her.”

“Thanks, Doc.”

“Anytime.” Then the doctor’s voice dropped low. “Anyway, may open sex party daw mamaya. Pupunta ka? Lucas said there will be hundreds of beautiful women tonight.”

Hindi narinig ni Pham ang sagot ni Marcus. Naningkit ang mga mata niya. Subukan lang ng hinayupak na ito na pumunta sa sex party na iyon, talagang tatamaan ito sa kanya.

Bigla siyang natigilan sa iniisip.

Nagseselos ba ako?

Yes .

Umiling si Pham. No .

Yes, pamimilit ng munting boses sa likod ng isip niya. At kung ayaw mong pumunta siya mamayang gabi, alam mo na ang gagawin mo.

Umawang ang mga labi ni Pham. Her throat went dry at the memory of Marcus pleasuring her. Pham could feel it. Her séx was aching for him to fill her.

Ipinilig niya ang ulo. No! This was hormones talking!

Is it though?

Ipinilig uli ni Pham ang ulo saka umupo sa kama at hinintay na pumasok si Marcus sa loob. Pilit niyang pinapakalma ang pang-ibabang bahagi ng kanyang katawan. Tuwing pumapasok sa isip niya ang mainit na pagtatalik nila ni Marcus sa bahay nito, lalong pumipintig ang kanyang pagkababae. Nag-iinit iyon at ramdam niyang nababasa siya.

Good heavens! Imahinasyon pa lang niya iyon! Ano pa kaya kung totoo na. Marahas niyang ipinilig ang ulo.

Don’t think of that, Pham. Don’t think about it!

Natigilan siya nang bahagyang bumukas ang kurtina at pumasok doon si Marcus. Nang magtama ang mga mata nila, agad siyang nagbaba ng tingin dahil baka mabasa nito ang pagnanasa sa mga mata niya.

Good heavens! Keep yourself together, Pham!

“Ayos na ba ang pakiramdam mo?” tanong ni Marcus.

Tumango siya. “Oo.”

“Pasensiya na. Na-stress ka yata kanina dahil sa akin.”

“Okay lang.”

Napaigtad si Pham nang lumapat ang palad nito sa pisngi niya saka iginiya ang kanyang mukha para umangat at tumingin dito.

“Are you really feeling okay?” paniniguro ni Marcus.

“Yes.”

Bumaba ang mga mata niya sa leeg nito. Napalunok si Pham. She wanted to lick his neck and trailed her tongue over it. Napalunok siya ulit.

“You’re really okay? You’re spacing out.”

Pasimple niyang ipinilig ang ulo saka pilit na kinokontrol ang sarili. “Ayos lang ako.” Tinalon niya ang munting pagitan ng kanyang mga paa at sahig.

“Fatima!”

Napaigtad si Pham sa gulat dahil sa pagsigaw nito.

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “Ano bang problema mo?” sigaw niya.

“You jumped!” balik-sigaw nito.

Kinunutan niya ito ng noo. “Oo, tumalon ako. `Tapos?” Tinarayan niya ito.

“It’s bad for the baby!” eksaheradong sabi ni Marcus.

Pham rolled her eyes. “Exaggerated ka naman. Tumalon lang naman ako, saka hindi naman kataasan.”

“Still! You jumped!”

Sisigawan din sana niya ang lalaki pabalik nang biglang bumukas ang nakasarang kurtina at nagsalita ang doktor.

“No stress, remember?” Pinandilatan sila nito ni Marcus. “And that includes shouting at each other.” Dinuro nito si Marcus. “Ikaw, magpasensiya ka. Buntis `yang kasama mo kaya intindihin mo ang mga mood swings niya. At ikaw naman…” Sa kanya naman nakaturo ang hintuturo ng doctor. “Huwag matigas ang ulo. And don’t deprive yourself.”

Tumaas ang kilay ni Pham. “Meaning?”

“Meaning, kung may gusto kang kainin, kainin mo.”

Wala sa sariling napunta ang tingin niya sa pagkalalaki ni Marcus. Agad niyang binawi ang tingin nang ma-realize na doon siya nakatingin. Namula ang mga pisngi ni Pham nang mapansing nakatingin sa kanya ang doktor. He had an amused smile on his face. Mabuti na lang at hindi siya nakita ni Marcus.

“It’s okay,” sabi ng doktor na may nanunudyong ngiti sa mga labi. “Normal sa buntis ang mataas ang hormones.”

Inirapan niya ito. “Huwag mo akong kausapin.”

Mahina lang itong tumawa saka tumingin kay Marcus na nasa kanyang tabi. “Pupunta ka mamaya sa party?”

“I’ll think about it,” sagot nito.

Naiinis na nagmamartsa siyang naglakad palabas ng clinic. Nang nakalabas si Pham, nahabol siya agad ni Marcus.

“Dahan-dahan lang ang paglalakad. Masama `yan sa baby,” sabi nito.

Galit na humarap siya sa lalaki. “Lahat na lang masama. Ikaw kaya ang magbuntis!”

“I just want to take care of our baby. Kung ayaw mo sa kanya, ibahin mo ako. I want that child. And don’t shout. Masama `yan sa bata.”

Nanggigigil na malakas niyang inapakan ang paa ni Marcus. “Buwisit ka!”

“Sabi nang huwag kang sisigaw, eh.”

“Eh, ano naman ngayon kung sumigaw ako?”

“Shout again and I’ll kiss you.”

“Heh!”

Bigla nitong hinapit ang baywang niya palapit saka binigyan ng mainit na halik ang kanyang mga labi. Napasinghap siya sa ginawa ni Marcus, pero agad rin naman siyang nakabawi.

Pham didn’t know if it’s hormones or not, but her body was aching for this man. At hindi na niya kayang pigilan ang sarili. Kusang yumakap ang mga braso niya sa leeg nito at sinagot ang mapusok nitong halik.

Marcus groaned when she kissed him back with equal ferocity. At hindi niya napigilan ang ungol na lumabas sa kanyang bibig nang sipsipin nito ang dila niya at kagatin ang kanyang mga labi.

“Marcus...” ungol ni Pham sa pangalan nito nang pansamantalang naghiwalay ang mga labi nila.

Her moans were muffled when Marcus kissed her senseless again and Pham kissed him back. Nawala sa isip niya na baka may nakatingin sa kanila. Wala na siyang pakialam doon. Basta ang mga labi ni Marcus ay nakalapat sa mga labi niya, sapat na iyon sa kanya.

This was Temptation Island. She could do whatever she wants.

Marcus’ kisses turned from rough to soft. Sinabayan niya ang bawat paggalaw ng mga labi nito. Sinasagot niya ang mainit nitong mga halik. His hands were roaming around her body and she liked the way it made her feel.

Pilit na naghiwalay ang mga labi nila dahil kinakapos na sila ng hininga. But even as their lips parted, it was still brushing against each other.

“I want you, Fatima,” habol ang hiningang sabi nito. “Now. God, I want you so much it hurts.”

Pham was panting. Her mind was torn between wanting Marcus and pushing him away. Bago pa siya makapagdesisyon, binigyang distansiya na ng lalaki ang mga labi nila at katawan.

“Marcus...”

I want you .

Iyon ang gustong sabihin ni Pham, pero natatakot siya kung anong magiging consequences niyon.

“P-pupunta ka ba sa open sex party na sinasabi ni Doc?” pag-iiba niya ng usapan.

Halatang nagulat si Marcus sa tanong niya.

“Well?” tanong niya ulit nang hindi ito nagsalita.

Nagkibit-balikat ang lalaki. “I don’t know.”

“Bakit hindi mo alam?” tanong niya ulit sa pagalit na boses. “O baka naman pupunta ka, ayaw mo lang sabihin sa akin.”

Marcus blew a loud frustrated breath. “So what? Ano naman kung pumunta ako? It’s crystal clear to me that you don’t want me in between your legs because you still fucking love Martin and you don’t want to disrespect his still fucking memories. I might as well look for a woman who wants to pleasure me. And, Fatima, I know lots of women who would.” With that, Marcus left.

Naiwan si Fatima na nakatingin sa palayong likod ng lalaki. Nararamdaman niyang parang nanikip ang kanyang puso.

Malakas na tinampal niya ang dibdib kung nasaan ang puso para tumigil ang pagsakit niyon, pero walang epekto. She’s really hurting. Pero ang mas masakit ay iyong isiping mamayang gabi, may babaeng tatabi at magpapaligaya kay Marcus.

But wasn’t this what she wanted? To be away from Marcus. But was it really? Because she could feel her heart longing for him to come back.

NANANGHALIAN si Pham nang mag-isa. Naghapunan din siya nang mag-isa. Kahit anino ni Marcus ay hindi niya nakita mula nang mag-walk out ito sa kanya kaninang umaga.

Kaya naman heto siya ngayon, sa floating cottage, mag-isang kumakain ng hapunan habang padilim na ang kalangitan. Mabuti na lang at may nag-assist sa kanya na staff kanina papunta rito sa bahaging ito ng dagat, pero umalis din nang maayos na maitali ang cottage para bigyan siya ng privacy. At hindi naman niya kailangang problemahin ang pagdilim. May LED light naman na nakasabit sa bubong ng floating cottage na nagsisilbing ilaw niya.

Pham sighed and looked at the water. Napakaasul niyon na maitim-itim. Agad niyang naramdaman ang pamilyar na takot na lumukob sa kanyang puso.

Bumuga siya ng marahas na hangin. Hanggang kailan ba siya matatakot? Hanggang kailan ba niya dadalhin ang bigat ng pagkamatay ni Martin?

Sa kagustuhan ni Pham na labanan ang takot, tumayo siya at hinubad ang lahat ng suot. Ang itinira lang niya ay ang kanyang underwear. Pagkatapos, hindi nag-iisip na tumalon siya sa tubig. Nang lumubog ang katawan ni Pham sa malamig na dagat, naramdaman niya ang takot at pangamba para sa kanyang buhay at sa nasa sinapupunan niya.

My baby!

Kaya naman nilabanan niya ang panic na nararamdaman at isinipa ang mga paa para lumutang siya at makaahon.

Pham kicked rapidly with enough force. Ang tanging nasa isip lang niya ay iligtas ang baby niya. Hindi siya puwedeng malunod, hindi puwedeng madamay ang anak niya sa kanyang kahinaan. Nararamdaman niyang kinakapos na siya ng hininga, pero pilit siyang sumisipa. At nang makaahon ang ulo niya, humugot siya ng malalim na hininga saka mabilis na humawak sa gilid ng floating cottage para manatiling nakalutang ang kanyang katawan.

“Oh, God,” sabi niya habang pinapagalitan ang sarili sa katangahang ginawa.

Agad na napunta ang kamay niya sa tiyan. “I’m sorry, baby. I’m so sorry.”

Nagpakawala si Pham ng malalim na hininga, saka napatingin sa karagatan. Mariin siyang napapikit nang pumasok sa isip niya ang memorya ng pagkamatay ni Martin na parang kahapon lang iyon nangyari.

Martin was looking at her as he drowned. Panay ang sorry nito sa kanya habang puno ng pagsisisi ang mga mata. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya maintindihan kung bakit humihingi ito ng tawad sa kanya.

Nang dalhin si Martin sa ospital, dead on arrival na. Pham was in shock at that moment. Hindi nga niya maalala kung paano siya nakauwi sa bahay, iyak lang siya nang iyak, hindi matanggap na patay na ang kanyang asawa. Hanggang sa ilibing si Martin, wala siya sa sarili.

And now, three years later, nandoon pa rin ang takot sa puso niya sa nangyari. Hanggang kailan ba siya matatakot? Kailan ba niya kayang kalabanin ang takot na kanyang nararamdaman?

Pham had to face her fears. Tama na ang kaduwagan niya.

Dahan-dahang bumitaw si Pham sa pagkakahawak sa floating cottage, saka diniktahan ang sarili na lumangoy.

MARCUS was on the verge of panicking and wanting to kill himself. Gusto niyang pagalitan ang sarili habang nililibot ang buong isla sa kahahanap kay Fatima. The security department wouldn’t tell him where she was.

This was all his fault! Sinabi na ni Doc Edzel na habaan ang pasensiya niya kay Fatima, pero napakahirap, eh. Bigla na lang siyang sumabog kanina.

Ipinasok ni Marcus ang minamanehong golf cart sa loob ng Sea Shore Restaurant saka nagmamadaling nilapitan ang counter.

“Nandito ba si Fatima Dela Cruz?” tanong niya. “Five-four in height, has a brown straight hair, white and creamy complexion and...”

She’s pregnant with my child, one that she didn’t want.

Bumuga siya ng marahas na hangin. “Nandito ba siya?”

May itinuro ang kausap niya sa dagat, isa iyong floating cottage. “Nandoon po siya, Sir. Ini-assist siya kanina ng isa sa mga staff namin. Siya na lang po ang guest namin na hindi pa nagpapasundo. Pinuntahan siya kanina ng isang staff, pero sabi ni Ma’am, isang oras pa raw siyang mananatili. Gusto n’yo ho bang ipa-check namin sa mga life guards at security team?”

Umiling si Marcus. “No need. Ako na ang bahala. Pahiram na lang ng Jet Ski n’yo.”

“Yes, Sir.”

Minutes later, Marcus found himself maneuvering the Jet Ski towards the only floating cottage in the sea. Palapit pa lang siya, abot-abot na ang kaba niya. Wala siyang tao na makita. He stopped the Jet Ski beside the cottage and looked around. May natitira pang pagkain.

Nang mapunta ang mga mata ni Marcus sa sahig na gawa sa papag, nanlaki ang mga mata niya nang makita ang damit na pamilyar sa kanya. Iyon ang suot na bestida kanina ni Fatima!

“Fatima!” he shouted in fear. “Fatima!” He’s panicking as he called for her name in panic. “Fatima! Fatima!” Halos lahat ng sulok ng karagatan na kayang maabot ng kanyang mga mata ay sinusuri niya. “Nasaan ka ba, Fatima?”

And as his eyes searched for Fatima, Marcus stilled when he saw something floating. He maneuvered the Jet Ski, nilapitan niya ang nakitang lumulutang. Ganoon na lang ang panginginig ng katawan niya nang makitang si Fatima iyon at nakapikit ang mga mata.

Nalunod ba ito?

“No…”

Tatalon na sana si Marcus sa dagat nang biglang nagmulat ang mga mata nito.

His heart stopped beating. “Fatima...”

Inirapan siya nito. “Puwede ba, huwag kang maingay? I’m enjoying the peacefulness of the surrounding, `tapos bigla-bigla kang darating. Alam mo, kontrabida ka talaga kahit kailan.”

Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si Marcus at nakahinga nang maluwag. “You’re okay,” sabi niya na nanghihina.

“Of course,” sabi ni Fatima, saka humarap sa kanya. “Anong ginagawa mo rito?” mataray nitong tanong. “Akala ko ba maghahanap ka ng babaeng tatabi sa `yo ngayong gabi?”

Was it just him or Fatima sounded jealous?

Tumaas ang sulok ng mga labi ni Marcus. “Nakahanap na ako.”

Nawala ang lahat ng emosyon sa mukha ni Fatima. “O, ano pang hinihintay mo? Go, have sex with her or something.”

“How can I have sex with her or something when she’s still in the water?”

Natigilan ito at napatitig sa kanya. “A-anong sabi mo?” She frowned. “A-ako ba ang tinutukoy mo?”

“Bakit, may iba ka pa bang babaeng nakikita na nasa tubig ngayon?”

Her eyes were huge with shock, he guessed. Nakahanda na siya sa pagsigaw ni Fatima at sa galit nito pero ang hindi niya inaasahan ay ang ngiting kumawala sa mga labi nito.

“Hindi ka galit?” nagtatakang tanong ni Marcus.

Umiling ito na nakangiti pa rin.

Iyon ba ang tinutukoy na mood swings ni Doc Edzel?

“Hindi mo ako sisigawan?” tanong ulit niya, naninigurado.

Umiling si Fatima, saka tumingin sa mga mata niya. “Alam mo ba kung anong gusto ko ngayon?”

“Ano?”

“You.” She was looking deeply into his eyes. “I want you, Marcus.”