noveltoon logo noveltoon
Forbidden Pleasure (Temptation Island Series 1)

Chapter 25

Ch. 26 / 27 Apr 01, 2025

HINDI pa sumisikat ang araw, umalis na si Pham sa bahay para bisitahin ang isang taong naging mahalagang bahagi sa buhay niya. She hailed a cab and told the driver to drive her to the cemetery.

Madali lang siyang nakarating doon. Pagkatapos niyang bayaran ang driver ng taxi, maiingat ang hakbang na pinuntahan niya ang libingan ni Martin. It had been a long time since she visited Martin. Noon, kapag pumupunta siya rito, halos mahimatay siya sa sobrang sakit. Ngayon, nagpunta siya rito para bigyang laya ang sarili niya.

Nang makarating sa puntod ni Martin, paluhod siyang umupo sa harap niyon at hinaplos ang pangalan nito na nakaukit sa marmol.

Pham smiled sadly. “Kumusta ka na, Martin? Sana masaya ka kung nasaan ka man ngayon.” Nawala ang malungkot niyang mga ngiti. “Martin,” pabulong niyang tawag sa pangalan nito. “Nandito ako para ipaalam sa `yo na masaya na ako, na hindi na ako laging umiiyak at nangungulila sa `yo. Hindi na ako mag-isang kumakain, hindi na ako mag-isang namamasyal at hindi na ako mag-isang natutulog. May kasama na ako, may nagpapasaya na sa akin tulad ng pagpapasaya mo. May nag-aalaga na tulad ng pag-aalaga mo noon sa akin. May nagmamahal na sa akin, tulad ng pagmamahal mo noon.

“Sa tingin ko, ito ang ikalawang pagkakataon na ibinigay sa akin ng Diyos para maging masaya at hindi ko `to sasayangin. You know that I loved you, right? Tandaan mong hinding-hindi mawawala `yon. Mahal kita kahit ano man ang mangyari. Ipinangako ko `yon sa harap ng altar. Lagi kang may puwang sa puso ko, pero hindi tulad noon na sa `yo lang. Ngayon, ang malaking bahagi n’on ay nagmamahal kay Marcus. At hindi ko `yon napigilan. I love him even more after we got married yesterday.”

Huminga siya nang malalim at tinuyo ang mga luha sa pisngi. “I’m also here to apologize. I fell in love with your brother and it wasn’t right. It will never be. People will judge. They always do. Pero wala akong magagawa kasi mahal na mahal ko siya. You once told me that we do things we shouldn’t for the person we love. And this is me being an example of that. I love Marcus and I don’t care what people will say. I’m happy and in love. So, I’m here, kneeling in front of your grave, asking you to understand me. And saying thank you for loving me.”

Mariin niyang ipinikit ang mga mata at binigyang laya ang mga luha na gustong kumawala kanina pa sa mga mata niya. At habang nakapikit, Pham felt a soft cold wind embrace her. She cried harder when that soft cold wind touched her cheeks like it was kissing her good-bye.

Iminulat niya ang mga mata at napahawak sa wedding ring nila ni Martin na ginawa niyang pendant sa kanyang kuwintas.

“Martin?” Luminga-linga siya. “Naririnig mo ba ako? Nandito ka ba?”

And maybe it was just her imagination or her ears probably playing tricks on her but she heard the very familiar voice of Martin whispering in the air around her.

I love you, Fatima. Be happy.

Napahagulhol si Pham at nahawakan niya ang mukha.

“I love you, Martin.” Pham forced herself to stop sobbing. “But now, I love Marcus more.”

Yumukod siya saka ipinatong ang noo sa lapida ni Martin pagkatapos ay hinalikan ang parte niyon kung saan nakasulat ang pangalan nito.

“I’ll visit you soon,” bulong niya sa puntod nito. “Sa pagkakataong `yon, kasama ko na si Marcus at ang anak namin.”

Pinahid niya ang luha sa pisngi saka tumayo. Pham prayed to God to keep Martin happy wherever he was and then she turned around and left the cemetery. At habang naglalakad siya palayo sa puntod ni Martin, napahawak siya sa wedding ring nila ni Marcus at napangiti. Gumaan ang loob niya pagkatapos ng pagkausap sa puntod ni Martin. Somehow, she needed that. She needed to let go of her past and be happy with her present and future.

Slowly, she’s finally getting free from Martin’s memory. And she’s now ready to face her new life with Marcus.

MARCUS woke up with a smile on his face. Ang gaan-gaan ng pakiramdam niya. Nothing could describe the happiness he was feeling at the moment.

Bumangon siya sa kama at naligo, pagkatapos ay lumabas ng kuwarto at hinanap ang pinakamamahal niyang asawa na parang naunang magising sa kanya. Marcus’ smile widened even more when he saw her wife making breakfast.

“Manang Julie, pakihain po nito sa mesa,” sabi ni Fatima habang iniaabot nito ang nilutong garlic rice sa mayordoma.

Sumandal si Marcus sa hamba ng pinto ng kusina at pinagmasdan lang ang asawa na abala sa pagluluto.

“Hotdog. Bacon. Eggs. Salmon sandwich. Pancakes,” sabi ni Fatima na nakangiti habang inaayos ang hapag-kainan. “Sa tingin n’yo magugustuhan ni Marcus `to, Manang Julie?”

“Oo naman, hija,” nakangiting sagot ni Manang Julie.

“Sana nga.”

Fatima looked so radiant that morning. So beautiful. At hindi na niya kayang pigilan ang sarili. Lumapit siya sa asawa at niyakap ito nang mahigpit mula sa likuran.

“Good morning, Fatima,” masayang bati niya.

Agad naman itong humarap sa kanya at naglalambing na yumakap sa leeg niya. “Good morning.” Hinalikan nito ang kanyang mga labi. “Breakfast?”

Marcus grinned. “Sure.” He couldn’t be happier as Fatima let go of him and pulled him a chair.

“Upo na,” nakangiting sabi nito.

Marcus couldn’t help grinning like an idiot. “Anong nakain mo? You’re spoiling me. Dapat ako ang gumagawa nito sa `yo.”

Fatima just rolled her eyes at him and then she put food on his plate. “Ako ang babae at asawa mo ako, trabaho kong alagaan ka. And tungkol naman sa kung anong nakain ko…” May pilyang ngiti na gumuhit sa mga labi nito bago pabulong na nagsalita. “Ikaw. Ikaw ang kinain ko kagabi.”

Muntik na siyang mabulunan sa sinabi ng asawa. Tinawanan lang naman siya ni Fatima saka hinalikan ang tungki ng ilong niya.

“Now, eat,” sabi nito saka sinalinan ng umuusok na kape ang tasa niya. “Your favorite.”

Kumunot ang noo ni Marcus nang makitang sa halip na gatas ang inumin nito sa umaga, frappe kaagad ang hawak nito. Parang napansin ni Fatima na doon nakatuon ang mga mata niya. Nginitian siya nito nang pagkatamis-tamis.

“May nakita akong café na maagang nagbukas kaya bumili ako,” sabi nito.

“Lumabas ka?”

Tumango ito. “Binisita ko si Martin.” Ngumiti ito. “`Tapos noong pauwi na ako, may café akong nadaanan kaya bumili ako.”

Tumango si Marcus at matamang tinitigan si Fatima. She looked happy and contented, and carefree.

“Sana ginising mo ako para sinamahan kita sa pagbisita kay Martin,” sabi niya.

“Maybe next time.” Sinubuan siya nito ng pancake. “Kumain ka nang marami.”

Marcus frowned at her. “Isn’t it the other way around? Dapat ikaw ang kumain kasi ikaw ang buntis.”

Ngumiti lang si Fatima saka siya sinubuan ng hotdog. “Kain ka lang.”

“Kumain ka rin.”

“No. Ikaw muna.”

“Fatima!” May babala sa boses niya.

Napasimangot ito. “Mamaya na. Hindi pa dumarating `yong order ko, eh.”

“Anong order mo?”

Nakangiwi itong ngumiti. “Ahm, kasi, tinawagan ko si Tariq gamit ang phone mo. Tamang-tama na nasa isla siya at pabalik na rito sa lungsod. Nagpa-take out ako sa kanya ng Penironi Carbonara sa Cafe Erotica.”

Napailing-iling si Marcus. “What’s with you and Penironi?”

“Selos ka?” Kinindatan siya nito at nang-aakit na ngumiti. “Don’t worry. I’ll eat you later after breakfast.”

His cock hardened. “Hmm… I like that.”

Inirapan siya nito. “Of course you do.”

Sasagot sana siya nang pumasok si Manang Julie sa komedor.

“Pham, may bisita ka.” May pilit itong ngiti sa mga labi na nauwi sa ngiwi.

“Sino raw?” tanong ng asawa niya.

“`Yong naging bisita mo rin noong kumakain ka ng tanghalian,” sagot ni Manang Julie.

“Oh. Siya.” Matamis na ngumiti si Fatima at kumuha ng mahaba at matalim na kutsilyo sa lalagyan. “Dito ka lang, ha? Kumain ka nang marami,” nakangiting bilin nito saka lumabas ng komedor na may dalang kutsilyo.

Worried and curious, sinundan ni Marcus ang asawa, pero hindi siya nagpakita rito. Napatigil siya sa pagsunod dito nang makita si Diana sa sala at si Fatima na nakapamaywang habang hawak ang matalim na kutsilyo.

“I’m here for Marcus. Not for you.” Diana sneered at Fatima.

“Hindi ka talaga titigil na babae ka?” Itinutok ni Fatima ang dulo ng kutsilyo kay Diana. “Layuan mo kami ng asawa ko.” Ngumisi si Fatima nang namilog ang mga mata ni Diana. “Yes, asawa ko. Nagpakasal na kami kahapon ni Marcus kaya kahit anong gawin mo, hindi siya magiging sa `yo. Hanggang sa imahinasyon ka na lang.” Mas inilapit pa ni Fatima ang kutsilyo sa leeg ni Diana. “Kaya kung ako sa `yo, umalis ka na bago ko pa itarak ito sa leeg mo. Malapit mo nang masagad ang pagtitimpi ko.”

Taas-noong tumayo si Diana, pero namumutla naman ang mukha.

“Magsama kayong dalawa!” sigaw ni Diana saka nagmamadaling tumakbo palabas ng bahay.

Fatima smiled triumphantly. “Manang Julie, paki-lock po ng gate, baka bumalik ang higad na `yon.”

Mabilis namang sumunod si Manang Julie. Si Marcus naman ay napako sa kinatatayuan nang bumaling sa kanya si Fatima. Nanatiling nakangiti ang asawa niya habang naglalakad palapit sa kanya, ang kutsilyo ay hawak pa rin.

“Fatima…”

“Marcus.” Hinalikan siya nito sa mga labi saka kinagat ang pang-ibaba niyang labi. “Ngayon pa lang binabalaan na kita, mahal kong asawa. Kapag niloko mo ako…” Itinaas nito ang kutsilyo. “Sasaksakin kita. Maliwanag?”

Marcus couldn’t help but smile. “Clear.”

“Good.”

Iniangkla nito ang braso sa braso niya saka sabay silang naglakad pabalik sa komedor.

“Anyway, puwede ba tayong pumunta sa Temptation Island?” tanong ni Fatima.

Bumaling siya rito. “You wanna go there? I can call Lucas to ask for an invitation.”

Inilapag ni Fatima ang kutsilyo sa ibabaw ng hapag-kainan saka bumaling sa kanya. “No need. Sabi ni Tariq sa akin, every member has an invitation card.” Inilahad nito ang kamay sa kanya. “Nasaan `yong sa `yo?”

“The first invitation that you received,” sabi niya. “That was mine.”

Namilog ang mga mata ni Fatima. “For real?”

Tumango siya. “Yes.”

“Kaya naman pala pamilyar sa akin ang pirma na nasa likod ng imbitasyon, galing pala sa `yo.”

Marcus smiled. “Gusto mong bumalik sa isla?”

Pilya itong ngumiti sa kanya. “It’s a sex island, Marcus. There’s no better place to enjoy our two weeks honeymoon than on Temptation Island.”

Niyakap ni Marcus ang katawan ng asawa at hinapit ito palapit sa kanya, saka hinalikan sa mga labi.

“Okay, we’ll go there.” He kissed her neck. “On one condition.”

“Ano?”

“Eat me for breakfast.”

Mahina itong natawa. “Condition accepted.”

Their lips locked and Marcus sighed in contentment. Finally. God had given him what he wished for.

Fatima.