noveltoon logo noveltoon
Forbidden Pleasure (Temptation Island Series 1)

Chapter 13

Ch. 14 / 27 Apr 01, 2025

“ANAK, hanggang kailan ka ba magiging ganito?” Boses iyon ng mother superior, ang madreng tagapamahala sa bahay ampunan kung saan lumaki si Pham at kung saan siya nandoon ngayon. “Mag-iisang buwan ka nang nandito. Ayos lang `yon sa amin, pero kung ganito ka naman na walang kinakausap at laging matamlay, mas makabubuti sigurong bumalik ka na sa lungsod. Paano na ang flower shop mo roon, ha? Akala ko ba mahalaga sa `yo ang shop na `yon ayon sa huli mong sulat sa amin?”

Nanatili siyang nakatitig sa labas ng maliit na bintana. “Maayos po ang lagay ng shop ko. Tinawagan ko naman na si Amelia.”

“Eh, ang lagay mo, maayos ba?”

Nahulog ang isang butil ng luha sa pisngi ni Pham. “Maayos po ako, Mother Superior.”

Naramdaman niyang umupo si Mother Superior sa gilid ng kanyang kama, saka tinuyo ang luha na tumulo sa pisngi niya.

“Anak, kailan ba kita makikitang ngumiti ulit?” Puno ng emosyon ang boses nito. “Nag-aalala na kami sa `yo. Ang gusto lang naman namin ay maging masaya ka at makisalamuha sa mga nandito sa bahay ampunan.”

“Maging masaya?” Mapait siyang ngumiti at tumingin kay Mother Superior. “Ang hirap, Mother. Napakahirap maging masaya kung wala namang dahilan para maging masaya ako. Sinunod ko naman lahat ng bilin n’yo sa akin. Nanalig naman ako sa Diyos tulad ng itinuro n’yo sa akin. Nirerespeto ko naman lahat ng nakapaligid sa akin. Pero bakit nasasaktan pa rin ako? Bakit paulit-ulit na lang na hinahayaan ng Panginoon na masaktan ako? Wala naman akong masamang ginagawa. Gusto ko lang naman na may magmahal sa akin. Hindi naman sobra-sobra ang gusto ko, `di ba?”

Hinaplos nito ang mukha niya, puno ng pag-intindi ang mga mata nito. “Anak, may balak sa `yo ang Panginoon. Huwag mo siyang madaliin. Hindi ka niya pababayaan.”

Parang pinitpit ang puso ni Pham sa sakit. “Hanggang kailan ba, Mother Superior? Hanggang kailan ba ako magtitiis? Hanggang kailan ba ako masasaktan?”

Hinaplos nito ang buhok niya. “Anak, kapit ka lang sa Panginoon. Hindi ka niya pababayaan.”

Malungkot siyang ngumiti. “Kumakapit pa rin ako, Mother Superior.”

“Salamat naman sa Diyos.”

Unti-unting nawala ang ngiti ni Pham nang maramdamang parang hinahalukay ang tiyan niya. Kaninang umaga pa iyon, baka may nakain siyang hindi maganda.

“Anak, kailangan ka babalik sa lungsod?” tanong ni Mother Superior.

Ipinikit ni Pham ang mga mata nang makaramdam na naman ng pagkahilo. “Hindi ko po alam, Mother Superior.”

“Ganoon ba?” Parang napansin nitong may mali sa kanya. “Ayos ka lang ba? Nahihilo ka na naman? Magdadalawang linggo ka nang laging nahihilo.”

Sinubukan niyang ngumiti para hindi na ito mag-alala. “Ayos lang ako, Mother. Itutulog ko na lang `to.”

“O, siya, sige.” Ngumiti ito. “Maiwan na kita. Magpahinga ka at mamaya, lumabas ka naman at makisalamuha sa amin.”

“Opo.”

Nang makaalis si Mother Superior, umayos si Pham ng higa. Ipipikit na sana niya ang mga mata nang makaramdam siya ng pagduduwal.

Mabilis siyang tumakbo papuntang lababo para doon sumuka. Napahawak siya sa gilid ng lababo habang nagduduwal, doon siya kumukuha ng lakas para hindi matumba.

Nang matapos siyang magsuka, nagmumog si Pham at napahawak sa kanyang tiyan. Hindi talaga maganda ang pakiramdam niya. May sakit yata siya.

Bumalik si Pham sa kanyang kama at itinulog ang masamang pakiramdam. Magdadalawang linggo na siyang ganito. Lagi namang umaayos ang pakiramdam niya kapag nakakapagpahinga siya. Ayaw niyang mas mag-alala sina Mother Susperior sa kanya kaya sinasarili na lang niya ang nararamdaman. Pasasaan ba at magiging maayos din ang lagay niya.

ITINAPON ni Marcus ang folder na hawak. His frustration was overwhelming him. He wanted to scream in anger. He wanted to pull his hair out.

“Fuck!” galit niyang sigaw saka sinipa ang swivel chair niya. “Fuck!”

“S-Sir, p-pasensiya na,” sabi ng personal detective na nakaupo sa visitor’s chair. “H-hindi ko talaga siya mahanap.” Halata ang takot sa boses nito.

Ang matalim niyang mga mata ay tumuon sa detective. “Akala ko ba ikaw ang pinakamagaling na detective? Eh, wala ka palang kuwenta! I told you to find Fatima and you returned with nothing! Ano ang gamit ng perang ibinabayad ko sa `yo?”

Nakatutok lang sa sahig ang mata ng detective na lalong nagpagalit sa kanya.

“Fuck this!”

Galit na naglakad si Marcus palabas ng opisina niya. He stopped when he saw Diana step out of the elevator.

“Marcus, bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?” galit nitong tanong.

Humugot siya ng malalim na hininga para mapigilan ang sariling sumabog sa galit.

“Diana, not now. Please,” may diin niyang sabi.

“Marcus…” Yumakap ito sa baywang niya. “I miss you. So much. I want to be with you, pero lagi kang abala sa trabaho.” Naglalambing ang babae na hinalikan siya sa leeg. “Marcus, bigyan mo naman ako ng oras.”

“Diana…” Inalis ni Marcus ang nakayakap nitong braso sa kanya. “I’m busy.”

Tumalim ang mga mata nito. “Sabihin mo lang sa akin, Marcus, kung gusto mo akong makasama o hindi. Dahil sawa na akong maghintay hanggang sa magkaoras ka sa akin. Kung ganito lang naman, mag-break na tayo.”

“Okay,” walang buhay niyang sagot saka ito nilampasan at sumakay sa elevator.

Pumihit paharap sa kanya si Diana at ihinarang ang kamay para hindi sumara ang pinto ng elevator.

“Baby! I’m just kidding! I love you!” sigaw ni Diana.

Pinindot niya ang ground floor saka tumingin kay Diana. “Sabi mo, break na tayo. Sabi ko, okay. And I’m not kidding, Diana. I’m dead serious.”

Diana’s eyes glared at him. “I hate you. Babalik ka rin sa akin, Marcus. I’m sure of that.”

“Okay.”

Sumara na ang elevator. Marcus took a deep breath and closed his eyes. The beautiful face of Fatima flashed in his mind. Dahan-dahang gumuhit ang ngiti sa mga labi niya.

He missed her, damn it! He had been looking for her for almost a month now. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin niya mahanap ang babae. He was frustrated and desperate to see Fatima again.

Nang makalabas ng elevator si Marcus, tumunog ang kanyang cell phone. Nang tingnan niya kung sino ang tumatawag, lalong nadagdagan ang iritasyon niya.

“Tariq,” sabi niya nang sagutin ang tawag. “If you recommend another piece of shitty detective again, I will drown you. Mga walang kuwenta ang mga—”

“I saw Fatima.”

His breathing stopped. “Anong sabi mo?”

“Nakita ko si Fatima.”

His breathing still hadn’t come back. “Saan?”

“Sa flower shop niya.”

Nakaramdam ng excitement si Marcus. “Sigurado ka?”

“Oo nga. Pero hindi niya ako nakita. Bumibili kasi ako ng bulaklak para sa—”

Pinatay ni Marcus ang tawag na hindi na pinatapos ang sinasabi ni Tariq. Halos liparin niya ang distansiya papunta sa parking lot kung saan nakaparada ang kanyang kotse.

Habang nagmamaneho papuntang flower shop ni Fatima, hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya na may halong excitement.

Fuck! She’d been gone for almost a month! Saan kaya siya nagpunta? That woman better answer his questions.

PAGOD na isinandal ni Pham ang katawan sa likod ng swivel chair niya. It had been a long time since she’d been in this office. She missed it. Napalingon siya sa pinto nang may kumatok.

“Pasok,” sabi niya sa pagod na boses.

Bumukas iyon at pumasok si Amelia.

“Ma’am, kailangan n’yo po ba ngayon ang list of sales natin simula nang mawala po kayo?” tanong nito.

“Yes. I need it, but later.” Ngumiti si Pham. “Baka kasi mawala na naman ako ng isang buwan. Hindi maganda ang pakiramdam ko, eh. Magpapahinga muna ako.”

“Sige po, Ma’am.” Umalis na si Amelia.

Napatingin si Pham sa kawalan. She yawned. Nanghahapdi ang kanyang mga mata. Inaantok siya, pero kanina pa niya iyon nilalabanan.

Pham had been feeling unwell every morning. Nagsusuka siya at laging nahihilo. Gusto rin niyang natutulog siya lagi. Kaya naman lumuwas siya sa lungsod para magpatingin sa doktor.

Ayaw na nga niyang lumabas sa bahay ampunan, pero ayaw niyang pag-alalahin sina Mother Superior sa kanyang kalagayan kaya naman napagdesisyunan niyang umupa muna ng maliit na apartment na kanyang titirahan.

Thanks to her allowance from Marcus, hindi siya maghihirap kahit isang taon pa siyang hindi magtrabaho. Kahit halos isang buwan din niya itong hindi nakita. Nang pumunta si Pham sa bangko kanina para mag-withdraw, namilog na lang ang mga mata niya sa laki ng pera na nasa kanyang account. At least when it came to money, wala siyang problema.

Bumuga nang marahas si Pham nang biglang bumukas ang pinto ng opisina niya.

“Amelia, mamaya ko pa kailangan ang sales na `yan—”

“It’s Marcus.”

Pham froze. Hindi siya makagalaw hanggang sa makalapit ang lalaki sa unahan ng kanyang mesa.

As she stared at Marcus’ handsome face, Pham felt suffocated. And all the emotion inside her that she had been suppressing was now trying to get out.

No! This man played her well. Pero kahit anong deny, hindi niya maitatanggi sa sarili na na-miss niya ang lalaki.

“Anong ginagawa mo rito—”

Pinutol ni Marcus ang iba pa niyang sasabihin. “Where have you been, Fatima?”

Tumayo at umalis si Pham sa kanyang mesa dahil pakiramdam niya ay napakalapit nito sa kanya. Naglakad siya nang kaunti palayo rito.

“Where have you been, Fatima?” Bakas ang galit sa boses nito.

“It’s none of your business.”

“None of my business?” Marcus gritted his teeth. “Damn you! Alam mo ba kung gaano ako nag-alala sa `yo—”

“Hindi ko sinabing mag-alala ka sa akin.” Humarap siya rito. “Ano ba ang kailangan mo sa akin, ha? As far as I know, I already cut my ties with your family, kaya umalis ka na.”

Marahas itong umiling. “No. I’ve been looking all over for you and now that you’re here…” Malalaki ang hakbang na lumapit ang lalaki sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. “I won’t let you get away.”

Pham scoffed. “Stop shitting me, Marcus. Wala ako sa mood.”

“Fatima—”

“Huwag kang magsasalita! Ayokong marinig ang boses mo!” sigaw niya saka lumayo sa lalaki. Parang nagulat ito sa biglang pagtataas niya ng boses. Kahit siya ay nagulat din.

“Fatima, ano ba ang problema mo?”

“Wala!” Padabog siyang umupo sa swivel chair saka ipinikit ang mga mata nang makaramdam ng kaunting pagkahilo.

“Fatima—”

“Please don’t speak, Marcus.” Ipinatong ni Pham ang mga braso sa gilid ng mesa saka ginawang unan iyon ng ulo niya. “Ayoko talagang marinig ang boses mo.” Ipinikit niya ang kanyang mga mata dahil mahapdi yon.

“Fatima—”

“Shut up, Marcus.”

Nakahinga nang maluwag si Pham nang hindi na niya narinig ang boses ng lalaki. Hinayaan na niya ang sarili na matangay ng antok na kanina pa nilalabanan.

NAPATITIG na lang si Marcus kay Fatima na mahimbing na natutulog. Hindi makapaniwalang napailing-iling siya. Kanina lang ay galit ito ngayon ay tulog na.

He sighed. Lumapit siya rito at hinaplos ang pisngi ng babae. Fatima really was a beauty. Hindi ito nakakasawang tingnan. And seeing her again after weeks of looking for her, Marcus felt at ease.

Akala niya ay may nangyari nang masama sa babae. Saan ba ito nagpunta?

Napabuntong-hininga siya ulit, saka hinaplos ang buhok at pisngi nito.

“Where have you been, Fatima?” tanong niya sa natutulog na babae na para bang sasagot ito. “I missed you.”

Hinalikan niya ang babae sa noo saka lumabas ng opisina nito.

NANANAKIT ang braso ni Fatima nang magising siya mula sa pagkakayupyop sa mesa. Iniinat niya ang mga braso at balikat saka humikab.

“Jesus Christ, bless me.”

Kinusot ni Pham ang mga mata saka humikab ulit. Luminga-linga siya pagkatapos. Nasaan na si Marcus? Umalis na?

Nakaramdam siya ng kahungkagan nang hindi nakita ang lalaki. Marcus left. Of course. Normal na sa kanya ang iniiwan.

Isinandal ni Pham ang katawan sa likod ng swivel chair saka ipinikit ang mga mata. Kahit nang bumukas ang pinto ng kanyang opisina, nanatiling nakapikit ang mga mata niya.

“Amelia, puwede mo ba akong itawag ng taxi?” tanong niya na nakapikit pa rin.

“Puwede kitang ihatid kung saan ka pupunta,” sagot ng baritonong boses.

Napamulagat si Pham. Nagtama ang mga mata nila ni Marcus. Her heart skipped a beat.

“Marcus...”

“Hey.” He smiled and her heart skipped a beat again.

“Nandito ka pa?”

“Fatima, hinanap kita nang ilang linggo. `Tapos aalis ako ngayon? I don’t think so.” Tumiim ang tingin nito sa kanya.

Pilit niyang sinasaway ang mabilis na pagtibok ng puso niya.

“Saan ka ba nagpunta?” tanong nito.

Nagkibit-balikat si Pham. “Diyan lang.”

“Saang diyan lang?”

“Sa tabi-tabi.”

Nakikita ni Pham na nagtatagis ang mga bagang ni Marcus. Nagtitimpi ito na hindi siya sigawan at natatawa siya sa hitsura nito. She didn’t know why but she found his appearance really funny. Hindi napigilan ni Pham ang sarili. Her smile turned into chuckle and then it turned into a fit of laughter. Lalo pang nagtagis ang mga bagang nito, saka nagdilim ang mukha.

“What’s funny, huh?”

Marcus was mad all right, pero hindi pa rin niya mapigilan ang matawa.

“`Yong hitsura mo kasi,” she said between laughs. “Nakakatawa.”

Kumunot ang noo ni Marcus. “Ano?”

“Wala.”

Tumawa na naman siya at nasapo ang tiyan dahil nananakit na iyon sa kakatawa.

“Stop it, Fatima,” saway nito.

Pinigilan niya ang sarili sa katatawa at tumingin dito. “Sorry, Marcus. Natatawa talaga ako, eh.” Huminga siya nang malalim. “It’s been a long time since I laughed. Thank you for that.”

Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Marcus. “It’s okay.” Umupo ito sa visitor’s chair at tumingin sa kanya. “Anyway, um-order ako ng take out, on the way na `yon. I know you would say no if I ask you to have lunch with me, so I took the liberty of ordering food for us. Nangangayayat ka, kailangan mong kumain.”

Nagbaba siya ng tingin. “Since when did you care?”

“Matagal na, Fatima. Bulag ka lang talaga.”

Umingos si Pham. “It’s hard for me to believe that.”

“Why?”

“Just because.” Huminga siya nang malalim, saka maingat iyong ibinuga. “Marcus?”

“Yes?”

“Leave me alone, please.”

“I don’t want to.”

“Bakit?” May frustration sa boses niya. “Ayoko nang magkaroon ng koneksiyon sa pamilya n’yo.”

“Sa ayaw mo o sa gusto, may koneksiyon ka sa pamilya namin.”

Hinilot ni Pham ang ulo nang makaramdam ng pagkahilo. “Please lang, Marcus, huwag mo akong gagalitin ngayon. Masama ang pakiramdam ko.”

“Anong—”

The door opened.

“Sir Marcus, nandito na ang pagkain na ipina-deliver n’yo.” Boses iyon ni Amelia.

“Thanks.” Tumayo si Marcus mula sa pagkakaupo saka kinuha kay Amelia ang paper bag. Pagkatapos ay inilabas nito ang laman ng paper bag at inilapag sa ibabaw ng mesa niya.

Nang maamoy ni Pham ang pagkain, parang bumaliktad ang kanyang sikmura. Mabilis siyang tumakbo sa banyo at sumuka sa lababo. Nararamdaman niyang nanlalamig ang buong katawan at pinagpapawisan siya sa bawat suka niya.

Napahawak si Pham sa gilid ng lababo nang makaramdam ng panghihina ng mga tuhod. Lalong humigpit ang hawak niya sa lababo nang nagdilim ang kanyang paningin kasabay ng pagkahilo.

And then Pham felt her body weakening, her body falling into the ground. Inihanda na niya ang sarili sa pagbagsak sa malamig na tile ng banyo nang may matitipunong bisig na sumalo sa kanya. And then she lost her consciousness.