HINDI makatulog si Pham. Siguro dahil hindi man niya aminin, hinihintay niya ang pag-uwi ni Marcus. Mula kasi nang umalis ito kaninang hapon, hindi pa ito bumabalik. Hating-gabi na pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Ang pumapasok sa isip niya ay ang pinag-usapan nila kanina ni Marcus.
Contrary to Marcus’ belief, she would not abort her baby. No, she wanted her baby to live a happy life. A happy life away from Dela Cruz family.
Napahawak si Pham sa tiyan niya at hinaplos iyon. “Hindi ko alam ang gagawin ko, baby. Hindi pinlano ang pagdating mo sa buhay namin at nasisiguro kong kaguluhan ang hatid nito. At ayokong madamay ka sa gulong `yon. Hindi ko hahayaan.” A tear slid down to her cheek. “I won’t let them hurt you like they did to me.”
Biglang napaigtad si Pham sa malakas na puwersa nang bumukas ang pinto ng cabin. Handa na siyang pindutin ang distress button ng pendant na suot niyang kuwintas nang pumasok ang sumusuray na si Marcus sa loob.
“Marcus!” Pham gasped as she got off the bed to help him walk straight.
Niyakap niya ang lalaki saka iniangkla ang braso nito sa kanyang balikat bilang suporta at sinipa niya pasara ang pinto. Kahit sa simpleng pagkakalapit lang ng katawan nila, naramdaman niya ang kakaibang hatid niyon sa kanyang katawan.
“Argh! Bakit ba amoy-alak ka?” naiinis niyang sabi dahil naduduwal siya sa amoy ng alak na nakakapit dito.
Marcus spoke in a slurred manner. Naiinis namang tinanggal ni Pham ang pagkakaangkla ng braso nito sa kanyang balikat at hinayaang bumagsak ang katawan ng lalaki sa malambot na kama.
Tumuon dito ang matalim niyang mga mata. “Bakit ka ba naglasing, ha? Alalang-alala ako sa `yo, `tapos naglalasing ka lang pala.”
Marcus just groaned.
Nagmamartsang nagpunta si Pham sa banyo at kumuha roon ng face towel at tubig para punasan si Marcus. Ang baho-baho kasi nito dahil sa alak na nakadikit dito. Nasusuka siya.
Nang makalabas siya sa banyo, agad siyang umupo sa gilid ng kama at pinunasan ang mukha ni Marcus. Pagkatapos ay binuksan niya ang butones ng suot nitong polo saka ang matipuno namang katawan ang pinunasan niya.
Napatitig si Pham sa dibdib ni Marcus. Mariin niyang ipinikit ang mga mata nang maramdaman ang kagustuhang halik-halikan ang dibdib nito.
“Oh, Jesus!” Tinampal niya ang sarili saka bumalik sa pagpupunas sa katawan ng lalaki.
Ang mga braso na ni Marcus ang pinupunasan niya nang gumalaw ang katawan nito at bahagyang nagmulat ng mga mata. Nagtana ang paningin nilang dalawa.
Bumuntong-hininingang nagpatuloy si Pham sa pagpupunas sa katawan nito. “Bakit ka ba naglasing, ha?” Pinatapang niya ang bukas ng kanyang mukha. “Ang baho-baho mo kaya. Nasusuka ako. Alam mo namang buntis ako, eh.”
Tumaas ang kamay ni Marcus para haplusin ang pisngi niya. “Fatima…” He caressed her cheek as if she mattered to him.
“Matulog ka na.” Tinabig ni Pham ang kamay ng lalaki saka bumalik sa pagpupunas sa leeg nito. “Tulog na. Pupunasan lang kita, `tapos matutulog na rin ako.”
Marcus was silent for a couple of minutes then, he spoke. Hindi masyadong malinaw ang pagsasalita nito, pero sapat na para maintindihan niya.
“Bakit ka ba paasa, ha?” tanong nito habang nakapikit na ang mga mata.
“Ano bang pinagsasasabi mo?” naguguluhang tanong niya.
Sobrang pait ng ngiti na gumuhit sa mga labi ni Marcus. “Now you’re asking me?” Mapakla itong tumawa nang mahina. “Fatima, Fatima, Fatima.” He chanted her name as his eyes opened again. “I hate you, you know. You act like you didn’t do any harm to me. Umaakto ka lagi na wala kang nagawang masama sa akin samantalang ang laki ng kasalanan mo. Pinaasa mo ako, eh.”
“Marcus, ano bang pinagsasasabi mo?” Lalo siyang naguguluhan sa mga lumalabas sa bibig nito. “Magpaliwanag ka nga.”
Kahit nahihirapan dahil sa kalasingan, nakuha nitong umupo sa kama, paharap sa kanya.
“Huwag ka ngang magpanggap na wala kang alam.” Sinapo ni Marcus ang pisngi niya. “Bago pa naging kayo ng kapatid ko, lagi tayong magkausap sa phone, `di ba? We texted. We we’re textmates. We shared a lot of information to each other. We’re okay. We have mutual understanding. `Tapos, boom!” Pinakawalan nito ang pisngi niya at bumagsak na naman ang katawan nito pahiga sa kama. “You’re dating Martin.”
Halos mag-isang linya na ang mga kilay ni Pham. “Ano bang pinagsasasabi mo?”
Marcus blew out a loud breath. “`Yan, lagi ka na lang ganyan. Walang alam! And I hate you for it.” He glared at her. “Bakit mo ba ginagawa sa akin `to? Pinapaasa mo na naman ako ngayon. Magkakaanak na tayo, pero ayaw mo naman. Hanggang kailan mo ba ako laging paaasahin, ha, Fatima?”
Gustong isipin ni Pham na lasing lang si Marcus at walang kuwenta ang mga pinagsasasabi nito. Pero hindi, eh. Nararamdaman niya, may pinanggagalingan ang galit sa boses nito ngayon. Kahit pilit niyang sabihin sa sarili na kagagawan lang ng lasing nitong diwa ang mga lumalabas sa bibig ng lalaki, hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga pinagsasasabi nito.
Pero sigurado si Pham na kahit minsan sa kanyang buhay, hindi niya naging ka-textmate si Marcus Dela Cruz.
Gusto pa niyang tanungin ang lalaki dahil naguguluhan siya. Pero hindi siya maliliwanagan kung lasing na Marcus ang kausap niya. Tomorrow, she’d ask him tomorrow.
Bumuntong-hininga si Pham saka umalis sa kama para tanggalin ang suot nitong sapatos, medyas at pantalon. Tanging ang boxer lang nito ang itinira niya.
Hindi maiwasang mapatitig ni Pham sa pagkalalaki nitong bumubukol sa boxer. Marahas siyang napailing nang mapansing may kakaiba iyong epekto sa katawan niya. Bumalik siya sa tabi nito at napabuntong-hininga. She stared at Marcus’ handsome face.
Naguguluhan siya. Ano ba talaga ang nangyayari?
“Fatima...” he groaned in his sleep.
That put a smile on her face. Hindi namalayan ni Pham na habang nakatitig siya sa mukha ng lalaki, unti-unti pa lang lumalapit ang mukha niya sa mukha nito.
It was too late for her to realize it. Her lips were already pressed against his.
Parang napaso na binawi ni Pham ang mga labi at napatitig sa mukha ng lalaki. Pagkatapos, bumaba ang mga mata niya sa leeg nito hanggang sa matitipuno nitong dibdib.
Napalunok si Pham. She could feel her body aching. She knew this was just hormones. Ganoon naman talaga ang mga buntis, mataas ang sexual hormones. Kailangan niyang mapigilan iyon.
But why would she stop herself? Wala namang makakaalam. Lasing naman ito. So in the middle of the night, Pham kissed Marcus’ chest, down to his abdomen and down to his bulge in between his thighs.
MASAKIT ang ulo na nagising si Marcus kinaumagahan. Habang sapo-sapo ang ulo ay napapamura siya. Hangover was really something that he wanted to avoid after a drunken night.
Nang makabangon siya, napakurap-kurap si Marcus nang makita ang isang baso ng tubig at dalawang Advil sa bedside table.
Huh?
Kinuha niya ang Advil saka iyon ininom. Pagkatapos ay inilibot ang tingin sa loob ng cabin.
Nasaan si Fatima?
Handa na siyang tawagan ang security team para hanapin si Fatima nang biglang bumukas ang pinto ng cabin. Mabilis siyang napalingon at tumaas ang dalawa niyang kilay nang makitang pumasok doon si Fatima na nakasuot ng sexy na damit at may dalang dalawang paper bag.
“Saan ka nanggaling?” agad niyang tanong na naiinis.
Fatima just rolled her eyes and put down the paper bags on the two-seater dining table.
“Saan ka ba nanggaling?” ulit niyang tanong nang hindi siya nito sinagot.
“Nangisda ako,” puno ng sarkasmong sabi ni Fatima habang inilalabas ang laman ng paper bag.
His jaw tightened. This woman really had an ability to piss him off with her answers.
Inis na umupo siya sa bakanteng upuan ng maliit na mesa saka ito tiningnan. “Where have you been?” ulit niyang tanong.
Sa halip na sagutin siya, iniabot ni Fatima sa kanya ang isang styrofoam cup.
“Here. Black coffee. I ordered it from Eroticafe,” sabi nito na nakangiti na parang hindi siya nito iniinis. “Paborito mo.”
Tumaas ang isa niyang kilay. “Paano mo naman nasabing paborito ko `yan?”
Tinaasan siya ni Fatima ng kilay, “Marcus, isang taon kitang nakasama sa iisang bahay.”
“So? Ikaw `yong tipo ng babae na walang pakialam sa iba, lalo na sa akin.”
Tumaas ang sulok ng mga labi nito. “Well, you don’t know me.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Marcus. Ginagaya ba nito ang mga sagot niya noong nag-usap sila sa floating cottage? If she was, then she was really pissing him off.
“Kunin mo na,” pukaw nito sa naglalakbay niyang diwa.
Nang tanggapin ni Marcus ang styrofoam cup, naglapag ito sa mesa ng dalawang karton ng may katamtamang laki para paglagyan ng pagkain. Sinilip muna nito ang laman ng isa bago ibinigay sa kanya.
“What’s that?” tanong niya.
“Breakfast.” Umupo si Fatima sa silyang kaharap niya saka sumimsim ng frappe.
Marcus frowned at the frappe on Fatima’s hand. “Bakit `yan ang agahan mo?”
“Mainit kasi, eh,” sagot nito saka itinuro ang kamay sa box na gawa sa karton. “Buksan mo na, `tapos mag-agahan ka na.”
May masamang hinala talaga si Marcus sa matamis nitong ngiti. But did he have a choice? Nope. Kaya naman binuksan niya ang karton. Napaawang ang mga labi niya sa nakita.
“Tsaran!” natatawang sabi ni Fatima. “A Penironi Spaghetti.”
Napakurap-kurap si Marcus habang hindi makapaniwalang nakatingin sa mini-penis shape na pasta na ginawang spaghetti.
“Fuck!”
Napuno ng malakas na tawa ni Fatima ang buong cabin saka tumatawa pa ring ipinakita nito sa kanya ang laman ng box nito.
“Ang sa akin naman ay Boobironi Spaghetti. A mini-boobs Spaghetti,” tatawa-tawa nitong sabi. “Natawa nga ako nang makita ko `to sa café. Naisip ko, siguradong maiinis ka rito lalo na kapag ibigay ko sa `yo `yong Penironi.”
Napapantastikuhang tumingin si Marcus sa babae. “Is this part of your pregnancy thing?”
Natigilan si Fatima at nawala ang ngiti sa mga labi.
Gustong kutusan ni Marcus ang sarili. Why did he have to remind her? Alam naman niyang ayaw nito sa anak nila.
NAPUNO ng katahimikan ang buong cabin habang sumisimsim ng frappe si Pham. Nakalimutan na niya kaninang buntis siya, eh, pagkatapos ipinaalala na naman ni Marcus. Nag-e-enjoy pa siyang inisin ito, eh.
“Fatima…” Kinuha nito ang atensiyon niya. “Ikaw ba ang nag-iwan ng Advil sa bedside table?”
“Oo.” Sumimsim siya ng frappe. “Lasing na lasing ka kasi kagabi, so nag-assume na ako na may hangover ka ngayon.”
“Thanks.” He paused. “For the Advil.”
Tumango si Pham saka nagbaba ng tingin. Nagdadalawang-isip siya kung itatanong ba niya ang mga sinabi nito kagabi. Lasing lang ba ito o may katotohanan sa mga sinabi nito? She had to know.
Huminga siya nang malalim saka sinalubong ang tingin nito. “May tanong pala ako tungkol sa mga pinagsasasabi mo kagabi.”
Marcus stilled. “Ano `yon?” He was on guard for her question.
Inilapag niya ang hawak na frappe saka pinakatitigan ang lalaki. “Sabi mo kagabi, nagka-text tayo bago naging kami ni Martin.” Umiling si Pham habang nakakunot ang noo. “Paano nangyari `yon? Kahit minsan hindi kita nakausap sa text, and trust me, maaalala ko kung nagka-text tayo.”
His calm face shifted into an angry one. “Anong gusto mong palabasin? Na gumagawa ako ng kuwento?”
Umiling-iling si Pham. “Hindi ko sinabi `yon—”
“Pero `yan ang gusto mong palabasin.”
“No, it’s not what I mean—”
“Yes, that’s what you mean!”
“No!” Pham shouted back. “Gusto ko lang marinig mula sa `yo na dala lang `yon ng kalasingan mo kagabi. Imposible kasi talaga ang sinasabi mo.”
Lalong nagdilim ang mukha ni Marcus. “Bakit ba itinatanggi mo ang nangyari? For Pete’s sake, Fatima, I’m not lying!”
“Wala akong itinatanggi!” balik niyang sigaw. Mas nadadagdagan ang pagkahilo na nararamdaman niya kanina pa dahil sa pagsigaw nito. “Eh, talagang hindi kita naka-text kahit kailan. Because if we ever did exchange text messages, I would remember.” Pabulong niyang sinabi ang panghuling salita. “I would remember, Marcus. I would.”
Bumuga ito nang marahas saka inihilamos ang palad sa mukha.
“Marcus.”
“What?” He snapped at her.
“Kahit minsan, hindi ka nag-text sa akin. I was hoping that you—” Pham stopped and shook her head. “Never mind. Matagal na `yon. It doesn’t matter now.”
“It matters to me, Fatima.” Padabog itong tumayo dahilan para matumba ang silya na kinauupuan nito saka parang wala sa sariling nagpalakad-lakad sa loob ng cabin. “You’re telling me now that it wasn’t you. So what? Ano `yon? May nagbiro sa akin? Someone pranked me? Is that it?” Nagtatanong ang mga mata nitong bumaling sa kanya. “They made fun of me?”
Nakaramdam si Pham ng munting awa kay Marcus at sobrang galit sa gumawa niyon dito. He really thought it was her.
“Kung hindi ikaw `yon, sino?” bagsak ang mga balikat na tanong nito. “Fuck! All this time akala ko... Fuck! Fuck! Fuck!” Sinipa ni Marcus ang pang-isahang sofa na gawa sa ratan sa sobrang galit. “Fuck them! Fuck them!”
Naaawa na tumayo si Pham saka lumapit kay Marcus at niyakap ito mula sa likuran.
“Tama na. Wala na `yon. Tapos na `yon,” pagpapakalma niya rito.
Tumigil si Marcus sa pagmumura saka humarap sa kanya. Halata ang galit sa mukha nito.
“I should have known. Tuwing nagkikita tayo sa opisina, hindi mo ako pinapansin. Idinadahilan mo sa mga mensahe mo na ayaw mo lang pagtsismisan ka.” He chuckled coldly. “And I believed you. No, I believed that son of a bitch!”
“Tinawagan mo ba ako kahit minsan?”
“I called, pero pinapatay niya. Natutulog na raw kasi ang ka-board mate niyang si Gail at ayaw niyang maistorbo kasi mahirap itong makatulog kaya naman dapat hindi magising agad.”
Napaawang ang mga labi ni Pham. “Alam niya `yon?”
Nagkibit-balikat si Marcus saka tumingala sa kisame. “Pero sino ang gagawa n’on sa akin?”
Pham pitied Marcus. He had been lied to.
“Saan mo ba nakuha ang number ko noon?” tanong niya habang hinihilot ang sentido dahil sa pagkahilo na nararamdaman. “At kailan?”
Pham wanted to get to the bottom of this issue. Hindi siya mapapakali. Kahit inis siya kay Marcus, hindi naman nito deserve na lokohin o biruin nang ganoon.
“Kay—” Ang naguguluhan nitong mga mata ay bumaba ang tingin sa kanya. “Martin. Kay Martin ko hiningi ang number mo. Apat na buwan ka na noon sa kompanya. He gave it to me a day after I asked him. Hindi raw kasi naka-save ang number mo sa kanya at hihingin niya sa `yo kinabukasan.”
Nakaramdam ng panlalamig si Pham at lalo pang lumala ang pagkahilong nararamdaman.
No. Hindi puwede ang iniisip niya. Martin wouldn’t do that to his own brother. Kahit hindi sila nagkasama nang matagal ng asawa, alam niyang nirerespeto nito si Marcus bilang nakakatandang kapatid. Halos limang taon din ang pagitan ng dalawa kaya naman spoiled ni Marcus si Martin sa kahit na anong bagay.
Martin would never prank Marcus. Right? He would never make fun of Marcus.
Pero ilang araw pa lang siyang nagtatrabaho sa Dela Cruz Incorporated, kinuha na ni Martin ang number niya kasi nasa departamento siya nito at gusto nitong may numero ito sa lahat ng nasasakupan para madaling ma-contact kapag kailangan.
Humugot siya ng malalim na hininga saka umupo sa gilid ng kama. “Hayaan mo na `yon. Matagal na `yon at wala rin namang magbabago kung malalaman natin kung sino.”
“You don’t understand.” Umiling si Marcus, halata ang galit na tinitimpi. “I told a lot of things to that son of a bitch. I poured out everything!”
Naiintindihan ni Pham ang galit ng lalaki, pero wala naman siyang magagawa.
“Kailan siya tumigil mag-text sa `yo?” tanong niya.
“Noong naging kayo ni Martin.” Pain crossed his eyes. “And the night before your wedding.”
“Anong sabi niya?”
“She said and I quote, ‘I love Martin so please let me be happy with him.’”
Pasimple niyang sinapo ang ulo nang makaramdam ng pagkahilo dahil sa samu’t saring memorya na pumapasok sa kanyang isip. Pham received a message the night before her wedding and it was from Marcus. At hindi lang iyon, marami pa itong mga Post-it Note na iniwan sa ibabaw ng mesa niya bago pa sila ikasal ni Martin.
Memories of those hateful letters bombarded her mind. Umiikot na ang paningin niya. Too much thinking and analyzing every note was making her dizzy and stressing her out. Sumasabay din ang kagustuhan ng tiyan niyang sumuka.
“Fatima? Okay ka lang?” May pag-alala sa boses nito.
“Y-yes.” Her voice trembled.
Hinilot ni Pham ang sentido, pero bigla na lang siyang nanghina at nawalan ng malay.