NAPAIGTAD si Pham nang makarinig ng sunod-sunod na katok galing sa pinto ng kinaroroonang cabin. Umahon siya sa bathtub. Nakakunot ang noo niya habang inaabot ang bathrobe at isinusuot iyon sa basa niyang katawan. Mas bumilis pa ang pagkatok ng kung sino man sa pinto nang hindi niya iyon agad binuksan.
Napahawak si Pham sa pendant ng necklace na suot. She could automatically press the distress button kung masama ang pakay sa kanya ng nasa labas. She gulped audibly before twisting the doorknob open. Para siyang tinamaan ng kidlat at napaatras nang makita kung sino ang nasa labas.
No way!
“M-Marcus...”
“Hello, Fatima.” Walang emosyon ang mukha nito.
Napaatras si Pham. “A-anong ginagawa mo rito?”
“I’m a member of this island.”
Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa sarili. “I should have guessed.”
“What does that mean?”
Inirapan niya ito. “Nothing.” Tinalikuran niya ang lalaki at kumuha ng damit sa dalang bag.
So much for relaxing. Bukas na bukas din ay aalis na siya sa islang iyon. And why was he even here?
“Fatima.”
Hindi siya umimik.
“Fatima, kinakausap kita.” Matigas ang boses nito.
Bumuntong-hininga si Pham saka ito hinarap. “Ano ba ang gusto mong pag-usapan natin?” Namaywang siya at tinaasan ito ng kilay.
“I’m staying here—”
“Oh, fuck you!” Galit niyang sinuntok ang braso nito. “Nang nasa bahay ako, mananatili ka roon ng dalawang linggo. `Tapos ngayong umalis ako doon at nandito ako sa isla, heto ka na naman. Ano ba ang ginagawa mo rito, ha? Sinusundan mo ba ako?” That was an absurd observation. Pero wala talaga siyang maisip na ibang dahilan kung bakit nasa harap niya ngayon si Marcus.
“Hindi kita sinusundan.” Nawalan ng emosyon ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. “You’re not worthy of my time, Fatima. Nandito lang ako para sunduin ka. Hindi ka nababagay sa islang `to. Martin would never like you to be here.”
Mapait siyang ngumiti. “Patay na ang asawa ko.” That made her heart clench in pain. Iyon ang unang beses na sinabi niya iyon nang malakas. “At wala naman akong ginagawang masama rito sa isla. Sino ka ba para sabihing hindi ako mababagay rito?”
“Fatima—”
“Fuck off, Marcus!” Tumalim ang mga mata ni Pham. “You know what? Dapat talaga aalis na ako bukas nang makita ko `yang pagmumukha mo.” She took a threatening step towards Marcus. “Pero nagbago na ang isip ko. Why would I leave? I am invited. And I’m staying here. Hindi mo ako mapapaalis.”
His face darkened. “Ginagalit mo ba ako?”
“Oo,” matapang at taas-noo niyang sagot. “So piss off. Hindi ako sasama sa `yo pabalik.”
“`Wag mo akong galitin, Fatima.” There’s a dangerous edge on his voice.
“Hindi mo ako masisindak.” Matapang niyang sinalubong ang tingin ng lalaki.
Gumalaw ang panga nito tanda ng tinitimping galit. “Huwag mo akong gagalitin, Fatima. Hindi mo gugustuhing magalit ako sa `yo.”
Umaakyat na ang tapang ni Pham sa kanyang ulo. Hindi na niya pinakinggan ang babala niyon sa kanya. “Hindi ako natatakot sa `yo,” sabi niya.
His eyes turn wicked. “You should be.” With that, Marcus pushed her into the bed, straddled her waist, gripped her wrist and seized it over her head.
“Marcus!” She glared at him. “Get off me!”
Tumaas ang sulok ng mga labi nito. “Paano kung ayoko?”
Kung nakakamatay lang ang tingin, bumulagta na ito.
“Bitawan mo ako, Marcus.” Hindi na naitago ni Pham ang panginginig sa boses niya.
He smirked and moved his face close to hers. Their lips were almost touching and it was making her body react differently.
“You shouldn’t have angered me, Fatima.” He bit her lower lip, slightly pulled it and then crashed his lips against hers.
Pham gasped in shock at the contact of their lips. The softness of it stunned her. She always thought that they were hard and callous like his attitude. At hindi niya inaasahan ang sensasyong naramdaman. It sent thousands of electricity bolts throughout her body. The tingling sensation continued to assault her lips as Marcus started to move his lips against hers. Sa bawat paggalaw ng mga labi nito sa mga labi niya ay lumuluwang ang hawak nito sa kanyang pulsuhan at lalong nagiging mapusok ang halik nito.
Ramdam na ramdam ni Pham ang pagkakalapit ng katawan nila ni Marcus. The way his hard chest was pressed intimately against hers, making her body burn. Hindi niya dapat ito nararamdaman kay Marcus, pero heto at parang nagliliyab ang kanyang katawan dahil lang sa simpleng pagkakadikit ng katawan nila.
She needed to get away from Marcus. Binubuhay nito ang katawan niyang matagal nang patay. After Martin’s death, no man had gotten close to her the way Marcus was now. It was too much for her peace of mind. Marcus was too much. Too much for her.
Kumawala si Pham sa pagkakahawak ng lalaki saka malakas itong itinulak palayo sa kanya. Nang magkaroon ng distansiya ang mukha nila, malamig ang mga matang tinitigan niya ito.
“Get off me, Marcus.” Her voice was cold, emotionless.
Uncertainty flashed his eyes. “Fatima...”
“Leave me alone, Marcus. Please.” Pinipilit pa rin niyang maging matapang sa harap nito.
“Okay.” Umalis si Marcus sa pagkakadagan sa kanya at matiim siyang tinitigan. “Fatima—”
“Umalis ka na.” Itinuro niya ang pinto. “Now.”
“I can’t.” Umiling ito. “Dito ako titira sa cabin.”
Wala siyang buhay na natawa. “Whatever.” Bumangon si Pham sa kama saka pumasok sa banyo.
Nang maisara niya ang pinto ng banyo, pasalampak na bumagsak ang kanyang katawan sa malamig na tiles. Pham was exhausted for using too much of her energy to stay strong in front of Marcus.
Wala sa sariling napahawak siya sa mga labi niya. Nararamdaman pa rin niya roon ang mga labi ni Marcus. And it scared her.
Why? Because she liked the feeling of his lips on hers?
Martin ... Mariin niyang ipinikit ang mga mata. I’m sorry. Hindi ko sinasadyang maramdaman `yon.
Napaigtad si Pham nang may kumatok sa pinto ng banyo.
“Fatima, lalabas lang ako sandali,” sabi ni Marcus. “Babalik din ako. Huwag kang lalabas.”
Hindi siya sumagot. Nanatili siyang nakasalampak sa sahig habang yakap ang sarili at iniisip ang masasayang alaala nila ng namatay na asawa. Sa paraang iyon lang niya matatakasan ang kakaibang nararamdaman sa halik ni Marcus.
HINDI nakinig si Pham sa bilin ni Marcus. Lumabas siya ng cabin at ini-explore ang isla. Ayaw niyang maburo sa cabin dahil laging bumabalik sa isip niya ang paghalik ni Marcus sa kanya. She had to divert her mind.
Gamit ang golf cart, nagmaneho si Pham nang walang destinasyon hanggang sa tumigil siya sa isang malaking restaurant. It looked like a European inspired restaurant.
Maingat siyang naglakad papasok sa entrance. Pham didn’t want people to hear the sound of her stiletto was making every time the heel touched the ground. Nakakakuha kasi iyon ng atensiyon sa dinadaanan niya. But she couldn’t help it. It was still making a sound.
“Do you have a reservation, Madam?” tanong ng lalaki na sumalubong sa kanya.
Itinuon ni Pham ang atensiyon sa lalaking nasa kanyang harap. Hindi nakatakas sa paningin niya ang pasimple nitong paghagod ng tingin sa kanya mula ulo hanggang paa. May paghanga siyang nasisilip sa mga mata nito.
Napahawak si Pham sa baywang niya at bumaba ang tingin sa suot na damit. She’s wearing a tube top, below the knee, pencil cut dress that hugged her every curve. It’s not a sexy dress, but the color red on her creamy skin made it look sexy on her. Matagal-tagal na rin mula nang magsuot siya ng ganito. And that was the time when Martin was still alive and she attended parties with him.
“Well, Madam?” ulit na tanong ng lalaki.
“Wala akong reservation,” sabi niya habang ipinapalibot ang tingin sa kabuunan ng restaurant. May pagkailang siyang naramdaman nang mapansing may kalalakihang nandoon na titig na titig sa kanya na para bang hinuhubaran siya.
“Pasensiya ka na, Ma’am. Fully booked kasi kami ngayon, eh. Wala kaming available na table para sa `yo,” sabi ng lalaking kaharap.
Pham pressed her lips tightly. “Ganoon ba?” Hahakbang na sana siya paalis nang mahagip ng mga mata niya ang lalaking nagmaneho sa kanya papuntang cabin. “Hmm...”
Nilampasan niya ang lalaking kausap at naglakad palapit sa mesa ng lalaki. Tumigil siya sa harap ng mesa nito.
“Tariq…” Sana tama ang memorya niya.
Agad na nag-angat ng tingin sa kanya ang lalaki at bahagyang namilog ang mga mata nang makita siya. “O, Fatima.”
“Mag-isa ka lang?” tanong ni Pham. Sana tumango ito. Nagugutom na siya.
Itinuro ni Tariq ang kamay sa bakanteng upuan na nasa harap nito. “Upo ka.”
Masaya siyang ngumiti at nagmamadaling umupo. “Salamat. Nagugutom na kasi ako, eh.”
Nakangiting tinanguan siya nito saka tinawag ang waiter. Pagkatapos nilang um-order, ipinatong ng lalaki ang siko sa mesa at tinitigan siya na parang binabasa ang laman ng isip niya.
“So...” Tariq drawled. “How’s your stay?”
“Terrible.”
Nawala ang ngiti sa mga labi nito at napalitan iyon ng pagkabahala. “May nambastos ba sa `yo rito? Just tell me. Isusumbong ko sa may-ari.”
Bumalik na naman sa isip ni Pham sa paghalik sa kanya ni Marcus. Pasimple niyang ipinilig ang ulo.
“Ahm, wala naman.” Huminga siya nang malalim. “Nakita ko lang kasi `yong taong gusto kong sakalin sa sobrang inis.”
“Oh…” Bumalik ulit ang ngiti ni Tariq sa mga labi. “Akala ko naman kung ano na.”
Nagulat si Pham nang bigla na lang itong tumayo.
“Aalis ka?”
“Sadly, yes. May kailangan pa kasi akong gawin.” Inayos nito ang suit na suot saka tiningnan ang katawan niya. “Nice dress. You look beautiful.”
Bahagyang namula ang mga pisngi ni Pham. “Thank you.”
“Ciao, beautiful,” sabi nito at naglakad palabas ng restaurant habang may kausap sa cell phone.
Napangiti si Pham. It looked like she had the table all to herself. Ang suwerte niya. Pero teka, sino ang magbabayad sa in-order na pagkain ni Tariq? Oh, well. May credit card naman siya. Might as well use it.
Natigilan si Pham nang may lumapit sa kanyang lalaki. He was handsome, she gave him that. Tinaasan niya ito ng kilay. “May kailangan ka?”
“I have a question,” sabi nito saka siya nginitian.
It was a dazzling smile and she should be dazzled. Pero walang epekto iyon sa kanya.
“Ano `yon?”
“Bakit nag-iisa ang isang magandang babaeng katulad mo?”
Oh, she got it. Parang sinusubukan nitong masilo siya. Men!
Pasimpleng itinaas ni Pham ang kamay niya kung saan nandoon ang kanyang wedding ring. Mahina siyang natawa nang makitang napaatras ang lalaki.
“Enjoy your meal, Ma’am,” sabi ng lalaki saka siya mabilis na iniwan.
Hinaplos ni Pham ang wedding ring, saka napangiti. Kaya hindi niya iyon tinatanggal. It drive men away from her. Except that man.
Napaigtad sa gulat si Pham nang may umupo sa silyang iniwan ni Tariq.
“What the—” Nabitin ang pagsasalita niya nang makilala ang kaharap. “Ano na naman ang ginagawa mo rito?”
“Sinusundan ka,” sagot ni Marcus.
“So, inaamin mo na sinusundan mo ako?”
Nagkibit-balikat lang ito saka tumingin sa mga mata niya. “Kung sasabihin kong oo, anong gagawin mo?”
Inirapan niya ang lalaki. “Umalis ka nga. I want to eat alone.”
“No, sweatheart. I’m staying.”
Pham cringed in disgust. “Please lang, Marcus, huwag mo akong tawaging sweatheart. Nakakapanindig-balahibo.”
Marcus chuckled sexily. “Okay. I’ll stick with Fatima then.”
Tatarayan na naman niya sana ito nang dumating ang pagkain na in-order nila ni Tariq. Itinikom niya ang bibig at binigyan na lang ng nakamamatay na tingin si Marcus.
And as she glared at him, Pham couldn’t stop her eyes from dropping down to his lips. Naramdaman niyang nanuyo ang kanyang lalamunan nang maalala na naman ang paghalik nito sa kanya. That kiss shouldn’t affect her, damn it!
Mabilis siyang nagbaba ng tingin saka tumikhim. “Anong kailangan mo sa akin? Kung sinundan mo ako, siguradong may kailangan ka,” sabi niya nang nag-uumpisa nang kumain.
Sumimsim muna ng champagne si Marcus bago sumagot. “Dito sa isla, kapag walang kasama ang isang babae, ibig sabihin n’on, single siya. And trust me, men here would go to heaven and earth just so they could have you.”
Mahina siyang natawa at itinaas ang kamay kung saan nandoon ang wedding ring niya. “Sorry to burst their bubble, pero may asawa na ako.”
“Patay na si Martin.”
“They don’t know that.”
“I do.”
Pham stilled and stared at Marcus. Ano naman ang ibig nitong iparating?
“So?”
Bumukas ang bibig ni Marcus para magsalita, pero agad rin iyong tumikom. May dumaang emosyong hindi niya kayang pangalan sa mga mata nito pero agad rin naman iyong nawala at napalitan ng malamig na ekspresyon sa mukha nito.
“This is a mistake.” Inubos nito ang champagne sa baso saka kumuyom ang kamao. “Hindi ba sinabi ko sa `yo na huwag kang lalabas ng cabin?” Biglang nag-iba ang tono ng boses ni Marcus. “Look what you got me into.”
Nagsalubong ang mga kilay niya. “Anong ibig mong sabihin?” Nag-uumpisa na siyang magalit sa lalaki. “Wala naman akong ginagawang masama, ah. Kumakain lang naman ako.”
Marcus face darkened. “Look, men here are wolves and you are a sheep. Kapag iniwan kita rito, kakainin ka nila nang buhay. Fuck this! Marami pa akong kailangang gawin.” Then he mumbled. “I promised Martin that I’d take care of you, not babysit you. I don’t have time for you and—”
Tumayo si Pham saka walang imik na iniwan si Marcus sa mesa at lumabas ng restaurant. Nawalan na siya ng ganang kumain.
“Fatima! Come back here!”
Hindi niya pinansin si Marcus. Nagtuloy-tuloy lang siya sa nakapara niyang golf cart.
“I COULD throw her out if you want,” sabi ng boses na kilalang-kilala ni Marcus. He didn’t know that Lucas was here in the restaurant.
Malakas siyang bumuntong-hininga saka tiningala si Lucas na nakatayo sa tabi ng mesa niya. “Bakit naman?”
“For disrespecting a member. She walked out on you. It’s disrespectful,” sagot ni Lucas saka kumuha ng isang oyster sa mesa at kinain iyon. “Anyway, it’s your call. Ikaw naman ang nag-imbita sa kanya.”
Huminga siya nang malalim saka tumayo at inayos ang bahagyang nagusot na tuxedo. “Nah. It’s good.” Marcus snapped his finger and a waiter came rushing towards his table. “Ibalot mo `yan at dalhin mo sa cabin six.” Ibinalik niya ulit ang atensiyon sa may-ari ng isla. “Leave her to me, Lucas.”
Nagkibit-balikat lang ito saka naglakad palabas ng restaurant. Siya naman ay lumabas na rin at pinuntahan ang pinakamalapit na telephone booth at tinawagan ang security team.
“This is Marcus Dela Cruz. Can you tell me where Fatima Dela Cruz is?”
“Sir?”
Alam niyang labag sa security team na magbigay ng lokasyon ng isang bisita sa member. Pero siguro naman may exemption iyon. Imbitasyon naman niya ang ginamit para makapasok dito si Fatima.
“Ako ang nag-imbita kay Fatima Dela Cruz sa isla.”
“I’m sorry, Sir,” magalang nitong sagot. “Hindi po kami puwedeng magbigay ng lokasyon kahit pa po ikaw ang nag-imbita. Mahigpit po `yong ipinagbabawal nina Sir Lucas at Sir Lucian.”
Napamura si Marcus at pinatay ang tawag. Great! He had to search the whole island to find that woman!