noveltoon logo noveltoon
Forbidden Pleasure (Temptation Island Series 1)

Chapter 23

Ch. 24 / 27 Apr 01, 2025

NAGISING si Pham sa mahimbing na pagtulog nang maramdamang mag-isa lang siya sa kama. Awtomatikong napunta ang mga mata niya sa orasang nasa bedside table.

One AM in the morning.

Kinusot niya ang mga mata saka umalis sa kama at itinapi sa hubad niyang katawan ang kumot na gamit. Ipinalibot niya ang paningin, hinahanap si Marcus. Nang hindi ito makita sa loob ng kuwarto, lumabas siya ng kuwarto at hinanap ang lalaki sa loob ng kabahayan.

Pham found Marcus on the terrace. Nakatingin ito sa kawalan at halatang malalim ang iniisip. Hindi rin nakatakas sa pandinig niya ang mga pinapakawalan nitong malalalim na buntong-hininga na para bang pasan nito ang mundo.

Pham’s heart contracted in pain. Alam niyang ang kompanya nito ang pinoproblema ni Marcus. Kahit hindi nito sabihin sa kanya, alam niya.

Tumikhim siya para iparamdam dito ang presensiya niya saka naglakad palapit dito.

“Fatima…” Bumaling ito sa kanya. “Why are you awake? You should be in bed, asleep.”

“Same as you.” Humawak si Pham sa braso nito saka ihinilig ang ulo doon. “Namomoroblema ka ba?”

Inaasahan na niya na iiling ito. Marcus was the kind of man who would not admit such thing.

“I’m fine. Hindi lang ako makatulog,” pagdadahilan nito.

Umingos siya. “Huwag ka nang magsisinungaling sa `kin. I can tell that you’re lying, Marcus.”

Bumuntong-hininga ito. “I’m fine.”

“Lie.”

“Fatima naman. Hindi lang talaga ako makatulog.”

Pinihit niya ito paharap sa kanya at tinitigan sa mga mata. “Dahil ba ito sa sinabi ng mama mo na tatanggalin ka sa kompanya? Huwag kang magsisinungaling sa akin,” babala niya.

Marcus sighed and looked deeply into her eyes. “Nababahala ako sa mga mangyayari sa susunod na mga araw. I’m not scared if I lose the company. I’m more scared of what my mother can do to you... to us. Kapag wala na sa akin ang kompanya, kailangan kong magsimula uli mula sa umpisa. It will be hard for both of us, but we’ll get through it. Together.”

Tumango si Pham at hinaplos ang pisngi nito. “Pasensiya ka na, ha? Nang dahil sa akin, nahihirapan ka at namomroblema.”

“Silly.” Marcus rolled his eyes and kissed her lips. “We’re both responsible for whatever is happening now, so stop worrying. Let me take care of it.”

Tumango si Pham pero nasasaktan pa rin siya para kay Marcus. He was going to lose everything because of her. And that’s just so unfair. Nang dahil sa kanya, nahihirapan ang taong nagmamahal sa kanya.

“Matulog na tayo.”

“Sige,” sabi niya.

Inakbayan siya ni Marcus saka inalalayan pabalik sa kuwarto nito.

“HUWAG kang masyadong maggagalaw, okay?” bilin ni Marcus nang maiparada nito ang sasakyan sa harap ng flower shop niya. “Susunduin din kita mamaya pagkagaling ko sa office.”

Tumango si Pham. “Yes, Sir.”

Pinaikot nito ang mga mata. “I just want you safe. Saka ginagawa ko lang naman `to dahil alam kong nababagot ka sa bahay.”

Ngumiti siya. “Yes, Sir na nga, `di ba?”

Naiiling na dumukwang si Marcus palapit sa kanya saka siya hinalikan sa mga labi. “I love you, Fatima.”

“I love you, too,” she responded before stepping out of his car.

Kumaway siya kay Marcus bago pumasok sa flower shop niya. Nasa may counter pa lang siya, narinig na niya ang palayo nitong sasakyan.

“Good morning, Ma’am Pham.,” bati ni Amelia. “May bisita po kayo sa office n’yo.”

Nagsalubong ang mga kilay niya. “Ha? Sino?”

“Puntahan n’yo na lang, Ma’am,” sabi ni Amelia saka bumalik sa ginagawa.

Nagtatakang maingat siyang naglakad papunta sa office niya saka binuksan ang pinto niyon. Nakaramdam ng panlalamig ang katawan ni Pham nang makita ang ina ni Marcus. Pero hindi niya ipinahalatang kinakabahan siya, pinatapang at pinatatag niya ang sarili.

“Ano ho ang kailangan n’yo sa `kin?” tanong niya nang makapasok sa loob ng opisina at makaupo sa kanyang swivel chair.

Walang emosyon ang mukha na inilapag nito ang isang sobre sa ibabaw ng mesa niya. “Para sa `yo,” sabi nito.

Bumaba ang tingin ni Pham sa sobre. “Ano `yan?”

“Tingnan mo,” nakataas ang kilay na sabi nito.

Maingat na huminga nang malalim si Pham bago inabot ang sobre at binuksan. Bahagyang umawang ang mga labi niya nang makita ang laman niyon. Isang tseke na nagkakahalaga ng limang milyon.

“Siguro naman sapat na ang halagang `yan para layuan mo ang anak ko,” sabi ng babae na ikinatingin niya rito. “Kahit kailan, hindi kita matatanggap. Kaya kung ako sa `yo, tanggapin mo na lang ang perang `yan at magpakalayo-layo. Tutulungan pa kita. Saan mo gusto? America? Europe? Name the country and I’ll send you there.”

Mahina siyang natawa saka inilapag ang sobre. “Hindi ako interesado. At sa tingin ko, hindi mababayaran ng limang milyon ang pagmamahal ko kay Marcus.”

Nagtagis ang mga bagang nito. “Malandi ka talagang babae ka. Ano ba ang gusto mo para layuan mo ang anak ko? Sampung milyon? Kaya ko `yong ibigay sa `yo. Bahay at lupa, ibibigay ko basta layuan mo lang si Marcus.”

Umiling si Pham. “Mahal ko si Marcus.”

Ngumisi ito. “Masabi mo pa kaya `yan kung wala na siyang pinagkukunan ng pera? As of now, nakahanda na ang family attorney namin na tanggalin si Marcus at ibalik ang pamamahala ng kompanya sa ama niya. Marcus is no longer in charge, meaning, wala na siyang pera.”

Taas-noo niyang sinalubong ang matalim na tingin ng ina ni Marcus. “Hindi pera ang habol ko kay Marcus at alam niya `yon.”

“Kalokohan! Magkano ba talaga ang gusto mong malandi ka para matapos na `to? Ten million? Twenty million? Name it—”

“Stop it, `Ma!”

Parehas silang nagulat nang marinig ang galit at malakas na boses ni Marcus. Sabay rin silang napatingin sa pinto ng opisina.

“Marcus, anak…” sabi ng babae sa nanginginig na boses. Para itong iiyak. “Anong ginagawa mo rito?”

“I saw your car parked meters away from the shop.” Pumasok si Marcus sa opisina, bakas ang galit sa mukha. “I thought I made it clear yesterday. Hindi ko iiwan si Fatima.” Lumapit si Marcus sa kanya at hinawakan ang kamay niya. “I love her and if you want your company back, I’m not stopping you. Go ahead, kunin n’yo sa akin. I rather lose the company than Fatima.”

“Anak, marami ka pang babaeng mahahanap. Nandiyan si Diana—”

“Hayan ka na naman, `Ma, ipinagmamalaki mo na naman si Diana.” Umiling ito at mapaklang tumawa. “Fatima is far purer than her. Sa tingin n’yo ang linis-linis ni Diana, `Ma? Doon ka nagkakamali.”

“Mas matatanggap ko pa si Diana kaysa sa babaeng `yan! Isang pulubi na walang kuwenta! Siya ang pumatay sa kapatid mo!”

“Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo, `Ma? You’re being judgmental and irrational!”

“No! I’m stating a fact, Marcus!”

“Hindi, `Ma. Kahit anong sabihin mo, si Fatima pa rin ang pipiliin ko.”

“Kahit itakwil ka namin ng papa mo?”

“Yes.”

“Walang halaga sa `yo ang pamilya mo?”

“`Ma, alam mo ang sagot diyan.”

“Wala kang utang-na-loob!”

Naninikip ang dibdib ni Pham habang nakatingin sa mag-inang nag-aaway dahil sa kanya. Parang sasabog ang puso niya sa samu’t saring emosyon na lumulunod sa kanya. She wanted to scream, to make them stop, but she couldn’t. Kasalanan naman talaga niya ang lahat ng iyon.

Inagaw niya ang kamay na hawak ni Marcus.

Nagtatakang bumaling sa kanya ang lalaki. “Fatima?”

Tumutulo ang mga luha na nagsalita siya. “I’m sorry. This is my entire fault. Sana hindi na lang natin minahal ang isa’t isa. Hindi ko gusto ang nangyayari ngayon. Nag-aaway kayo dahil sa akin. Mawawala ang kompanya sa `yo dahil sa akin. Nahihirapan ka dahil sa akin. Marcus, I’m a pest in your life.” Napahagulhol siya. “Tama ang mama mo, iwan mo na lang ako. That will make everyone happy, right?”

Umiling si Marcus saka hinawakan ang mga kamay niya nang mahigpit. “No, Fatima. Don’t you dare say that! It won’t make me happy. I’ll be darn depressed. Hindi mo `to kasalanan dahil hindi naman kasalanan ang magmahal. Wala kang kasalanan. I don’t care if I lose everything as long as you’re with me. I’m okay with that. Mas mahalaga ka sa kahit na anong yaman sa mundo. God, Fatima, hindi kita minahal nang ganito katagal para lang pakawalan kita ngayon.”

Umiling si Pham saka tumingin sa ina ni Marcus na nakatingin lang sa kanila. “I’m sorry.” Walang tigil sa pagtulo ang mga luha niya. “Inaamin ko, kasalanan ko ang nangyari kay Martin. Kung puwede lang na ako ang namatay, gagawin ko. I am willing to switch place with Martin, if God would just let me. Sana ako na lang ang namatay, sana ako na lang. Wala naman akong kuwenta, eh. Wala akong pamilya na mami-miss ako.” Naglakad siya papunta sa harap ng babae. “It’s my fault and I’m really sorry. Patawarin n’yo po ako.”

Dahan-dahan siyang lumuhod sa harap nito.

“Fatima!” gulat na tawag ni Marcus sa pangalan niya nang lumuhod siya. “Get up, Fatima. Tumayo ka!”

Hindi siya nakinig. Nanatili siyang nakaluhod. “I’m so sorry. Minahal ko si Martin nang buong-buo. Siya lang ang isinigaw ng puso ko kahit noong namatay na siya. But now, my feelings have changed. I love Marcus so much. Hindi ko kaya kung mawawala si Marcus sa akin. Pero kung ang kapalit ng pagmamahal ko sa kanya ay ang mahirapan siya dahil sa akin, handa kong isakripisyo ang kaligayahan ko para sa kanya. Be mad at me, not at Marcus. Please, please, nagmamakaawa po ako. Huwag n’yo siyang parurusahan dahil sa akin. Ako na lang. Huwag mo siyang idamay.”

Tiningala niya ang ina ni Marcus. “As mother to mother, I know what you feel and I understand where you’re coming from. Ang gusto lang naman natin sa anak natin ay mapabuti ang kalagayan nila. I want that for my child, too.” Humagulhol siya habang hawak ang tiyan niya. “Please, forgive me. It’s all my fault.”

Malalaki ang hakbang na nilapitan siya ni Marcus saka siya niyakap mula sa likuran at pilit na pinapatayo. Pero nagmatigas si Pham. Nanatili siyang nakaluhod sa harap ng ina nito.

“Huwag mong idamay si Marcus. Please, please, huwag n’yo po siyang paparusahan dahil sa akin. Please. Please. Please. I beg you.”

Pham cried so hard as Marcus hugged her tightly from behind. Nawalan na siya ng lakas na labanan ito na gusto siyang hilahin patayo. As Marcus pulled her up, Pham’s eyes settled on Marcus’ mother.

“Iiwan ko siya kung `yan ang magpapasaya sa `yo. Ayokong nahihirapan siya dahil sa akin,” humihikbing sabi niya.

“Fatima!” Marcus shouted his name angrily. “You’re not leaving me, damn it!”

Alam niyang magagalit ang lalaki sa kanya. But what choice did she have? Ayaw niyang mahirapan pa ito.

“Iiwan ko siya. Iiwan ko siya…” Nag-uumpisa ng umikot ang paningin ni Pham. “Huwag n’yo siyang pahihirapan. Please lang ho.”

Walang emosyon sa mukha ng ina ni Marcus. Nakatingin lang ito sa kanya, walang lumabas na salita sa bibig nito. Natigilan si Pham nang maramdamang parang may tumulo na likido sa mga hita niya. Awtomatikong bumaba ang kanyang tingin. Nanlamig ang buong katawan niya nang makita ang kulay-pulang likido.

“No…” mahina niyang sabi.

Sa mga hita niya tumuon ang mga mata ng babae at ni Marcus. Bago pa niya makita ang reaksiyon ng dalawa, magdilim ang paningin ni Phan at bigla siyang nawalan ng malay.

“TOO MUCH stress ang dahilan ng pagdudugo niya. Hindi rin malakas ang kapit ng bata kaya nangyari `yon. I-inject-kan ko siya ng pampakapit sa bata, pero nasa kanya pa rin ang pag-iingat. I suggest you make her happy and don’t stress her so much. As much as possible, huwag mo siyang bibigyan ng problema. Safe na ngayon ang baby, pero hindi natin masisiguro kung magiging safe pa ang baby kung mauulit ito,” sabi ng doktor na tumingin kay Fatima.

“Salamat, Doc,” sabi ni Marcus.

Tumango ang doktor at lumabas na ng kuwarto na inookupa ni Fatima.

Nang mahimatay si Fatima sa loob ng opisina nito, halos paliparin ni Marcus ang sasakyan papunta sa pinakamalapit na ospital. At pagkalipas ng halos tatlumpung minutong pag-aalala, nakahinga rin siya nang maluwag.

Fatima and the baby were safe. Thank God.

Hinaplos niya ang mukha ni Fatima at masuyong ngumiti. “I love you so much, Fatima. Hindi ko hahayaang iwan mo ako. Hindi ako papayag. Hindi.” Pinakatitigan niya ang maganda at maamo nitong mukha. He couldn’t lose this woman. He just couldn’t.

“Marcus?”

Kumuyom ang kamao niya nang marinig ang boses ng ina sa likuran.

“Marcus, puwede ba tayong mag-usap, anak?” tanong nito sa mababang boses.

Madilim ang mukha na humarap siya rito. Nagtatagis ang mga bagang niya. “Masaya ka na ba, `Ma, ha?” mapait ang boses na tanong niya. “Masaya ka na ba na muntik nang malaglag ang anak namin ni Fatima? Ang apo mo?”

“Marcus, hindi naman `yon ang gusto kong mangyari—”

“Ano? Ang iwan niya ako? Ang iwan ko siya?” Mapait siyang ngumiti. “`Ma, do I have to sacrifice my heart and my happiness so you could be happy and contented?” His eyes watered with unshed tears. “Do I have to suffer for you, `Ma?”

May nahulog na butil ng luha sa mga mata nito. “Anak naman, gusto ko lang na maging masaya ka—”

“`Ma, can’t you see that I’m happy with Fatima?”

Tumuon ang mga mata nito kay Fatima na wala pa ring malay. “Mahal mo talaga ang babaeng `yan?”

Marcus nodded. “I fell in love with Fatima the very first time I saw her. But Martin got her first. Bilang nakakatandang kapatid, nagpaubaya ako. And now I have the chance to be with her. Kahit anong gawin mo, `Ma, hindi ko iiwan si Fatima. Mahal na mahal ko siya.”

Bumuntong-hininga ang kanyang ina saka nagbaba ng tingin. “Katulad ka rin ni Martin, masyadong mahal si Pham. Kahit anong pigil ko sa kanya noon, pinakasalan pa rin niya. `Tapos, ikaw naman ngayon. Natatakot ako, Marcus, baka matulad ka rin kay Martin. Baka iwan mo rin kami dahil kay Pham.”

“Talagang iiwan ko kayo kapag patuloy n’yo kaming pinaghiwalay ni Fatima.” Huminga siya nang malalim. “Alam kong kawalang utang-na-loob ang gagawin kong pagpili kay Fatima kaysa sa pamilya ko, pero ibang kasiyahan ang nararamdaman ko kapag kasama ko si Fatima.”

Umiling ang kanyang ina saka tumingin sa kanya. “I need time, Marcus.” Walang emosyon ang mukha nito habang nagsasalita. “As of now, hindi ko kayang tanggapin si Fatima bilang manugang.”

“`Ma naman—”

“Huwag mo siyang papupuntahin sa bahay o sa kahit na anong pagtitipon ng pamilya natin. Isaksak mo sa isip mo na hindi ko siya tanggap sa pamilya natin. Hindi ako pupunta sa bahay mo para hindi siya makita. I’m doing this because I can’t lose you and I know I would if I take Fatima away from you. Nawala na si Martin sa amin, hindi ko hahayaang mawala pa ang nag-iisa kong anak.” Tinalikuran siya nito at naglakad palabas ng kuwarto.

“What do you mean, `Ma?”

Lumingon ito sa kanya at ngumiti. “The Dela Cruz Incorporated is all yours, son. Basta alalahanin mo lang ang mga sinabi ko sa `yo.”

Umawang ang mga labi ni Marcus. “You mean to say…”

Nagkibit-balikat ito. “Kahit naman anong gawin ko, mawawala ka pa rin sa amin. I might as well give you what makes you happy. Pero hindi ko matatanggap ang babaeng `yan. And maybe when I do, you’ll the first one to know.”

Walang lingon-likod na umalis ang kanyang ina sa kuwarto na iyon. Parang nabunutan ng tinik sa lalamunan si Marcus. Hindi man direktang sinabi ng ina, pumapayag na itong makasama niya si Fatima.

Marcus didn’t know what his mother was thinking. Pero hindi siya mawawalan ng pag-asa na balang-araw, matatanggap din nito si Fatima.