WALANG imik si Pham habang nakaupong mag-isa sa bench ng isang park. Magkasalikop ang kamay niya. Nakatingin lang siya sa kawalan habang tumutulo ang mga luha at walang pakialam sa kanyang paligid.
Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang kaganapan kanina sa bahay ni Marcus. Para siyang hayop na hinila sa buhok ng ina nito palabas ng bahay. Hindi siya lumaban, nagpaubaya siya. Baka kung mapaano ang sanggol na nasa sinapupunan niya.
Hinayaan ni Pham ang ina ni Marcus na sigawan siya at insultuhin habang hinihila siya palabas. Wala siyang pakialam. Ang nasa isip lang niya ay matapos na iyon at maging ligtas ang kanyang dinadala.
Napahagulhol si Pham. Parang hinahati at paulit-ulit na binibiyak ang puso niya sa mga nangyari. Paulit-ulit na tinatawag niya sa isip si Marcus, pero hindi ito dumating. Tama ang nasa isip niya noon. Kahit kailan, hindi siya magiging masaya sa pamilyang iyon. They will always hurt her. Mas makabubuti kung lalayo na lang siya kay Marcus. Walang maihahatid na maganda sa kanya at sa bata ang pamilyang iyon.
Huminga siya nang malalim saka tumayo. Nakapagdesisyon na si Pham, magpapakalayo-layo siya. Ipinangako niya sa sarili na hindi masasaktan ang kanyang anak at sisiguruhin niyang tutuparin niya ang pangakong iyon.
Pero saan siya pupunta? Babalik sa bahay-ampunan? Magtatago sa probinsiya?
Marcus’ happy face flashed through her mind. Namilipit ang puso niya sa sakit. Kung aalis siya, hindi na niya ito makikita pa kahit kailan. Hindi pa man siya umaalis, nangungulila na siya sa lalaki.
She didn’t want to be away from Marcus but she had to, for her baby. For herself. Being with Marcus was not good. And loving him was a disaster just waiting to be unleashed.
Yes, she loved Marcus. At wala siyang lakas para ipaglaban iyon. Paano niya ipaglalaban ang pag-ibig kung siya lang ang umiibig?
“Fatima!”
Nagulat si Pham at napatingin sa pinanggalingan ng boses. Her eyes settled on the man catching his breath. Bumilis ang tibok ng puso niya.
“Marcus…”
Their eyes met. Her heart stopped beating at the sight of Marcus’ worried face.
“Fatima…” sabi nito sa pangalan niya na para bang siya ang pinakaimportanteng tao sa buhay nito.
Humarap siya sa lalaki. “Marcus.”
Sa isang kisap-mata, nakalapit ito sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.
“I was worried.” May pangamba sa boses nito. “Nang matanggap ko ang tawag ni Manang Julie na pinalayas ka raw ni Mama sa bahay ko, hindi ko alam kung saan kita hahanapin. `Buti na lang nakita ka ni Lucas.” Pinakawalan siya nito sa pagkakayakap saka hinawakan ang mukha niya at pinakatitigan siya nang matiim. “Hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi kita nahanap.”
Parang tubig na umagos ang mga luha ni Pham sa mga pisngi niya habang nakatingin sa nag-aalalang mukha ni Marcus.
Nag-aalala ba ito sa kanya o sa bata?
Niyakap ulit siya nito nang hindi siya nagsalita at umiyak lang nang umiyak. Hinaplos ni Marcus ang likod niya, pinapatahan siya at pinapakalma.
“Huwag ka nang umiyak. I’m here.” He kissed her forehead. “I won’t let anyone hurt you again.”
Iyon ang mga pangakong napakasarap marinig, pero alam ni Pham mahirap iyong matupad. It was her versus his mother. Hindi siya tanga para umasa na siya ang pipiliin ni Marcus. Family always came first. He might choose the baby, but not her. Just the baby.
Unti-unti, napakalma ni Pham ang sarili at tumigil sa pag-iyak.
Marcus dried her tears using his thumbs. “Let’s go?”
“Saan?”
“Sa bahay ko.”
Nabalot siya ng pangamba. “Marcus, ayoko ng bumalik doon.”
Mahigpit ang hawak nito sa kamay niya at nangungusap ang mga mata. “Fatima, trust me, please? `Yon lang ang hinihiling ko sa `yo. Pagkatiwalaan mo ako.”
Pham should have resisted and say ‘no’. But there’s something in the way he tightly held her hand that’s telling her that he was not letting go of her. At iyon ang nagpatango sa kanya.
Masuyo siyang inalalayan ni Marcus papunta sa nakaparada nitong kotse at pinasakay siya sa passenger seat. Mabilis itong umikot papuntang driver’s seat at pinatakbo ang sasakyan.
“Are you okay?” tanong ni Marcus nang nasa daan na sila.
“Okay lang si baby,” walang buhay niyang sabi.
“Fatima, tumawag sa akin si Manang Julie at sinabi sa akin ang nangyari—”
“Tapos na `yon, hindi na mababago pa.” Napunta ang kamay niya sa tiyan. “Hindi ko siya nilabanan, baka mapano si baby.”
Bumuga ito nang marahas at humigpit ang hawak sa manibela. Isinandal ni Pham ang katawan sa likod ng kinauupuan saka tumingin sa labas ng sasakyan. Puno ng katahimikan ang buong kotse. Walang umimik sa kanilang dalawa hanggang sa makarating sila sa bahay ni Marcus.
Pham was hesitant to enter, pero mahigpit ang hawak ni Marcus sa kanyang kamay at nararamdaman niyang hindi siya nito bibitawan.
“Halika na sa loob,” sabi ni Marcus.
“Paano kung nandiyan pa ang mama mo at—”
“Halika na.”
Kinakabahang nagpahila si Pham sa lalaki papasok ng bahay nito. Pinilit niyang patayin ang kanyang emosyon nang makita ang ina nito sa salas. Nanlilisik ang mga mata ng mama ni Marcus nang makita siya. Ipinagsawalang-bahala niya iyon. Malakas ang loob niya dahil nasa tabi niya si Marcus. Somehow, she believed that he wouldn’t let anything bad happen to her.
“Anong ginagawa ng babaeng `yan dito, ha?” tanong ng babae kay Marcus, pero ang mga mata ay nasa kanya.
“`Ma, bahay ko `to. Puwede kong patirahin kung sino man ang gusto ko,” kalmadong sagot ni Marcus sa ina saka pinisil ang kamay niya.
“So, patitirahin mo ang malanding `yan dito?” Dinuro siya ng ina ni Marcus. “Marcus, nag-iisip ka ba? Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nilang nakatira sa bahay mo ang haliparot na `yan na asawa ng kapatid mo? Ano na lang ang iisipin nila sa pamilya natin? Na pinulot mo ang basurang iniwan ng kapatid mo—”
“`Ma, magkaka-anak na kami ni Fatima.”
Everything went silent. The silence was deafening.
Nakaawang ang mga labi ng ina ni Marcus, namimilog ang mga mata nitong hindi makapaniwala sa bombang binitawan ni Marcus.
“Hindi `yan totoo,” nanghihinang sabi ng babae. Ang nanlilisik nitong mga mata ay tumuon sa kanya. “Napakalandi mong babae ka! Una ang bunso ko, ngayon naman ang panganay ko! Walang-hiya ka! Demonyo kang babae ka! Mukha kang pera! Gold digger! Hindi kita matatanggap sa pamilya namin! Isa kang puta!”
Sinugod siya nito, pero nandoon si Marcus para protektahan siya. Iniharang nito ang sariling katawan para hindi siya masaktan ng ina nito. Napaatras naman si Pham at pinagkrus ang mga braso sa kanyang tiyan. Hindi niya hahayaang masaktan ang kanyang anak. Ang anak nila ni Marcus.
“Malandi ka! Inakit mo ang anak ko! Isa kang basura na kailanman ay hindi magbabago! Isa ka pa ring basura! Wala kang kuwenta!”
Panay ang sigaw ng ina ni Marcus. Mariin lang na nakapikit si Pham, pinipigil ang sarili na hindi umiyak sa harap nito. Lahat ng sinasabi nito ay totoo. Malandi siya kasi pinatulan niya si Marcus.
“`Ma, tama na! Tumigil ka na!”
“Lumayas ka sa bahay ng anak ko!” Nag-uumigting ang mga ugat ng ina ni Marcus sa leeg sa sobrang galit. “Wala kang kuwenta! Basura ka! Matagal na akong nagtitimpi sa `yo! Matagal na! Hindi ako papayag!”
“`Ma, tama na, please lang.”
Hindi na kayang pigilan ni Pham ang mga luha. Hinawakan niya ang bibig at napahagulhol sa sobrang sakit ng mga salitang binibitawan ng ina ni Marcus. Ang masakit ay totoo ang lahat ng iyon.
“Lumayas ka—”
“Ano ba, `Ma? Tama na!” sigaw ni Marcus habang pinipigilan ang ina na makaabot sa kanya. “Huwag mong pagsalitaan nang ganyan ang babaeng mahal ko!”
Pham froze and stared at Marcus’ back. Her breathing stopped and her heart beat so loud and fast. Nakaawang ang mga labi niya at nanlaki ang mga mata habang nakatingin sa likod ng lalaki. Hindi siya makapaniwala sa mga salitang lumabas sa bibig nito.
Kahit ang ina ni Marcus ay napatigil sa pagwawala at pagpupumilit na sugurin siya. Napako ito sa kinatatayuan at hindi makapaniwalang nakatingin kay Marcus.
“Bawiin mo ang sinabi mo, Marcus.” Nanginginig ang boses ng ina nito. “Hindi ko matatanggap ang babaeng `yan sa pamilya natin. Hindi!”
“You don’t have to,” malamig ang boses na sagot ni Marcus. “Hindi ko hinihingi na tanggapin mo siya, ang gusto ko lang ay irespeto mo siya bilang babaeng mahal ko. You have no right to say those things to her. At kahit ano pang sabihin mo tungkol sa kanya, hindi mababago ang pagmamahal na nararamdaman ko para kay Fatima. So, `Ma, shut the hell up. Kanina pa ako nagtitimpi sa `yo, pero nasagad mo na ang pasensiya ko. Tama na! Kung hindi mo kayang pakisamahan nang mabuti si Fatima, mas makabubuti sigurong huwag muna kayong pumunta dito sa bahay ko dahil mananatili si Fatima dito sa ayaw o sa gusto n’yo.”
Tumalim ang mga mata ng ina ni Marcus. “Nagmamalaki ka na?” Malakas nitong sinampal si Marcus. “Sasabihin ko sa papa mo ang lahat ng ito, Marcus. Sisiguruhin kong mawawala ang kompanya sa pangalan mo. At ibabalik ko lang `yon kapag pinalayas mo ang babaeng `yan.” Dinuro siya nito. “Sa bahay mo.” Pagkasabi niyon ay nagmamartsa itong naglakad palabas ng bahay.
“Marcus…” tawag ni Pham sa mahinang boses.
Sapo ang ulong humarap sa kanya si Marcus. “I’m sorry about mom. I’m sorry about my confession. Nagulat ka ba?” Nang hindi siya sumagot, inihilamos nito ang palad sa mukha saka tumingin sa mga mata niya. “I know you loved Martin and there is no way that I can replace him in your heart. Tanggap ko na `yon, Fatima. Matagal na. Just please, don’t tell me to stop loving you kasi `yon siguro ang hihilingin mo na hindi ko kayang ibigay. I could give you anything but not that.”
Pham couldn’t talk. She just stood there staring at Marcus’ eyes. She was still in shock over his confession. And Marcus took her reaction negatively.
Bumuntong-hininga ito saka sinuklay ang sariling buhok. “Magpahinga ka na,” sabi nito. “Kalimutan mo na lang ang mga sinabi ko. I know its nonsense to you.” Ngumiti ito pero hindi naman iyon abot sa mga mata nito. “Sige na, magpahinga ka na.”
Nang hindi gumalaw si Pham, lumapit sa kanya si Marcus at binuhat siya saka dinala sa kuwarto nito. Nang maihiga siya nito sa kama, hinaplos nito ang pisngi niya.
“Rest. Your body needs it,” sabi nito saka hinalikan siya sa noo. Hahakbang na sana ito palayo sa kama nang pigilan niya ito sa kamay.
“Stay,” sabi ni Pham. “Please stay.”
T umango ito saka walang imik na tumabi ng higa sa kanya sa kama. Umayos naman siya ng higa at ginawang unan ang braso nito saka isiniksik ang katawan sa katawan nito. Si Marcus naman ay sinusuklay ang buhok niya at paminsan-minsan ay hinahagod ang kanyang likod.
“Marcus?” basag niya sa katahimikan ng buong kuwarto.
“Hmm?”
“Kailan pa?” Yumakap siya sa leeg ng lalaki. “Kailan mo pa ako mahal?” Walang tigil ang puso niya sa mabilis na pagtibok niyon.
“When I first saw you in my company, I was attracted to you. Pagkatapos, araw-araw na kitang nakikita, that attraction morphed into something deeper. When we texted, it deepened even more. Kaya naman nasaktan ako nang malaman kong nagde-date kayo ng kapatid ko. Akala ko, pinaasa mo ako at pinaglaruan lang. I was really serious about you back then, Fatima. And when you got married to my brother, it was then I realized that I had fallen in love with you. Days and months in my parents’ house with you and Martin in the same roof was like torture to me. Araw-araw, nakikita kitang masaya sa piling niya.
“Nagseselos ako, naiinggit ako at nagsisisi na hindi ko naunahan ang kapatid ko. And the most painful thing was, I wanted to forget you, to discard what I felt for you, I wanted to move on, but there’s no button in my heart that I could press to unlove you. There’s none. So I stayed in love with you. Nang hindi ko na kaya, umalis ako sa bahay at bumukod. I built my own house and lived on my own. I moved on. Well, that’s what I thought.”
“Hindi ka naka-move on?” Mas humigpit ang yakap niya kay Marcus. “Mahal mo pa rin ako mula noon hanggang ngayon?”
Hinalikan nito ang noo niya. “Nang mamatay si Martin, ako na yata ang pinakamasamang kapatid sa buong mundo. Kasi nakaramdam ako ng kasiyahan. Pero nang makita ko kung gaano ka kalungkot, nalusaw ang kasiyahan na `yon. The reason why I didn’t do something to steal you from Martin was because you’re happy with him. Kaya kong isakripisyo ang kaligayahan ko para sa `yo, Fatima. When Martin died, I had my chance to romance you, but I didn’t take it. I saw you grieve. I saw you cry. I saw the happiness being stripped down from you day by day since Martin died. I knew you’re in pain, Fatima. And that scared me. Oo, naduwag akong ipagtapat sa `yo ang nararamdaman ko dahil nasaksihan mismo ng mga mata ko kung gaano mo kamahal ang kapatid ko. So I stayed on the sidelines and waited for the right moment.”
“At sa tingin mo ito na ang tamang panahon?”
“Hindi. Wala namang tamang panahon, eh. Sinasabi ko lang `yon sa sarili ko kasi natatakot ako na sabihin mong hindi mo ako mahal. But on the island, I saw a chance, that maybe, we could happen. And here I am, confessing my love to you and hoping you might love me, too.”
Pham eyes watered with unshed tears. This man loved her and she hated him. Ngayon lang niya na-realize, ang manhid pala niya. Hindi man lang niya naramdaman ang pagmamahal ni Marcus sa kanya.
“Fatima?”
“Ano `yon?”
“Magpahinga ka na.” Hinaplos nito ang likod niya. “Rest now.”
Tiningala niya ang lalaki at nagtama ang mga mata nila.
“Pero, Marcus, may sasabihin pa ako sa `yo—”
“Huwag mo nang isipin ang mga ipinagtapat ko.” He forced a happy smile on his lips. “Naiintindihan ko kung hindi mo kayang suklian `yon. I understand. But promise me that you’ll stay in my house so I could take care of you and the baby.”
“But, Marcus, I have to tell you that I lo—”
“Fatima, please.” May diin ang boses nito, halata ang pagkapuno sa katigasan ng ulo niya. “Magpahinga ka na. Saka na `yang sasabihin mo sa akin.”
Napabuntong-hininga na lang si Pham at pilit na ipinikit ang mga mata. Mamaya pagkagising niya, saka niya sasabihin kay Marcus ang kanyang nararamdaman.