NAGISING si Pham sa isang kuwarto na puro puti. Agad niyang nahulaan na nasa ospital siya. Habang inililibot niya ang tingin, unti-unting bumabalik sa alaala niya ang nangyari bago siya nawalan ng malay.
Napahawak siya sa tiyan niya. “Ang baby ko.”
“The baby is safe.”
Napasinghap si Pham at napabaling sa pinto ng kuwarto. Nandoon si Marcus, nakatayo at nakasandal sa nakasarang pinto habang nakatingin sa kanya.
“Marcus...” masuyo niyang sabi sa pangalan nito.
He smiled and walked towards her. “Mabuti naman at gising ka na. Pinag-alala mo ako, eh.”
Kinagat niya ang pang-ibabang labi. “I didn’t mean to make you worried.”
Nakalapit na ito sa kanya at umupo sa gilid ng kama na kinahihigaan niya. Matiim ang titig nito sa kanya.
“Marcus, si Ma—” Tumigil siya sa pagsasalita. “I mean, nasaan ang mama mo?”
“She left,” sagot nito na parang wala lang. “Nag-usap na kami. Ipinaubaya na niya sa akin ang kompanya. Hindi na niya tayo guguluhin, pero sa isang kondisyon.”
Nag-alala si Pham. “Ano?”
“Hindi kita dadalhin sa bahay nila sa kahit na anong dahilan. At hindi rin siya pupunta sa bahay.”
Nakahinga siya nang maluwag pero may sakit pa ring hatid iyon sa puso niya. “In short, ayaw niya akong makita.”
“Yes.” Marcus nodded grimly.
Isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya. “Ganoon ba? Hindi naman nakakagulat `yon. Ang importante, okay na kayong dalawa.”
Tumango ito, ang mukha ay madilim pa rin na ikinakunot ng noo niya. “Bakit mukhang hindi ka masaya?” nagtatakang tanong niya.
Marcus lips thinned in irritation. “Iiwan mo ako?” Nagtagis ang mga bagang nito. “Iiwan mo talaga ako?”
Napakagat-labi si Pham. Shit! “Galit ka sa akin?”
“Sinong hindi magagalit sa sinabi mo?” Tumaas ang boses nito. “I’m holding on so tight, `tapos ikaw bibitaw ka?”
“Ayoko lang naman na makita kang nahihirapan,” pagdadahilan niya. “Sinabi ko `yon para hindi na kayo mag-away ng mama mo.”
“Ayaw mo akong makitang nahihirapan.” Umingos ito. “Sa tingin mo hindi ako mahihirapan kung mawawala ka? Kung iiwan mo ako?”
Mas bumaon pa lalo ang ngipin ni Pham sa mga labi niya. “Huwag ka nang magalit.” Yumakap siya sa braso nito. “Huwag ka nang magalit, please?”
Tiningnan siya nito nang masama. “Don’t you ever say that again!” galit nitong sabi. “At huwag mo akong iiwan, dahil kapag iniwan mo ako, hahanapin kita kahit saang sulok ng mundo makita lang kita ulit.”
Parang kiniliti ang puso ni Pham sa sinabi nito. She leaned in and kissed Marcus lips.
“I love you,” bulong niya sa tainga nito.
Unti-unti, nalusaw ang galit sa mukha nito saka gumuhit ang ngiti sa mga labi. “You’re taking advantage of my love for you.”
Mahina siyang natawa saka naglalambing na yumakap sa baywang nito. “I love you, Marcus.”
Naiiling ito saka pinaglapat ang mga labi nila. “I love you more, Fatima.”
Kinikilig na ngumiti si Pham saka pinupog ng halik ang leeg nito. Nang hindi siya nakontento, kinagat niya ang leeg nito.
“Ouch!”
Mahina siyang natawa at hinalikan ang parte ng leeg nito na kinagat niya.
“Sorry. Nanggigigil kasi ako sa `yo, eh.”
Nanunudyo ang kislap ng mga mata nito. “Really, huh?”
Napangiti si Pham. “Yep.” Hinawakan niya ang pagkalalaki nito na nasa loob ng pantalon nito. “Hmm...”
Napailing-iling ang lalaki saka siya itinulak pahiga sa kama at kinubabawan.
“Marcus!” Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “Anong ginagawa mo?”
Natatawang pinupog nito ng halik ang leeg niya tulad ng ginawa niya rito. “Sorry. Nanggigigil ako sa `yo, eh.” Pagkasabi niyon, hinaplos nito ang pagkababae niya na natatakpan ng kanyang underwear.
“Marcus!” Tinampal niya ang balikat nito. “Tumigil ka nga.”
Malakas itong natawa pagkatapos ay sumeryoso ang mukha. “May itatanong pala ako sa `yo.”
Kumunot ang noo ni Pham at nakaramdam ng munting kaba. “Ano `yon?”
“Will you marry me?”
Her breathing stopped. Her heart stopped beating. And her world stops spinning.
“A-ano?” nanginginig ang mga labing tanong niya.
“Will you marry me?” ulit ni Marcus.
Umawang ang mga labi ni Pham, hindi makapaniwalang nakatingin dito. “Ha?”
“Marry me.” Hindi na iyon tanong. May pinalidad na sa boses nito.
Ang nakaawang niyang labi ay unti-unting tumikom at gumuhit ang napakalapad na ngiti.
“Yes. Yes!” sagot ni Pham. “I’ll marry you!”
Marcus smiled and kissed her lips. Agad naman niyang tinugon ang halik nito at yumakap sa katawan nito.
“Marcus…” Napadaing siya nang bumaba ang mga halik nito sa leeg niya. “Oooh…”
Napasabunot si Pham sa buhok nito nang mas bumaba pa ang mga labi nito sa mayayaman niyang dibdib.
“Marcus…” Napakagat-labi si Pham. “God, I want you.”
“I want you, too, Fatima,” he whispered.
Itinataas na nito ang bestida niyang suot nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto. Parehas silang natigilan ni Marcus at napatingin sa pinto. Nag-init ang mukha ni Pham nang makita ang babaeng nurse na naestatwa habang nakatingin sa kanila.
Dahan-dahang umalis sa pagkakakubabaw sa kanya si Marcus saka napakamot sa batok habang nakangiti. “Sorry. She just said yes to my marriage proposal, so... We’re just happy.”
Tumango ang nurse na nakabawi na sa pagkabigla saka namumula ang mga pisngi na naglakad palapit sa kanila.
“Ipinapatanggal na ni Doc ang IVF,” sabi nito na hindi makatingin sa kanila ni Marcus.
Si Pham naman ay sobrang init ng mukha habang tinatanggal ng nurse ang karayom sa pulsuhan niya. Nang makita niyang tatawa-tawa si Marcus, napipikon siyang sinipa ito sa hita. Lalo pa itong tumawa kaya naman inirapan niya ito sa inis.
“Puwede na raw kayong umalis, Ma’am,” sabi ng nurse saka nahihiyang tumingin kay Marcus. “Sir, may mga papeles lang na kailangang mong asikasuhin bago kayo makalabas.” Pagkasabi niyon, para itong nagmamadaling lumabas ng kuwarto niya.
Nagkatinginan sila ni Marcus. Hindi napigilan ni Pham ang matawa. Si Marcus naman ay napangiti at napailing-iling.
“Ikaw kasi, eh,” paninisi niya kay Marcus saka kinurot sa tagiliran ang lalaki. “Hindi ka makapaghintay na makauwi tayo.”
Nanunudyo ang ngiti nito. “Kasalanan mo rin naman, eh. Hinayaan mo ako.”
Inirapan niya ito. “Buwisit ka.”
“Mahal kita,” sagot nito.
Agad na nalusaw ang inis niya. “Mahal din kita.”
Nakangiting dumukwang si Marcus palapit sa kanya saka siya hinalikan sa mga labi. “Aasikasuhin ko lang ang mga papeles na kailangan para makauwi na tayo.”
Tumango si Pham. “Sige.”
“Babalik ako agad.”
Marcus kissed her again and left the hospital room. Napangiti na lang si Pham at napahawak sa mga labi niya. Sobrang saya niya, parang sasabog ang kanyang puso sa saya. Sana iyon na ang simula ng happy ever after niya kasama si Marcus.
NAGULAT at kumunot ang noo ni Pham nang sa halip na si Marcus ay si Gail ang pumasok sa kuwarto niya.
“Gail?” paniniguro niya. “Anong ginagawa mo rito?”
Nakangiti itong lumapit sa kanya. “Well, tinawagan lang naman ako ni Marcus. Nagulat nga ako, eh.” Umirap ito sa hangin. “`Tapos pinapunta niya ako rito para daw samahan kang mamili ng damit para mamaya.”
Tumaas ang kilay ni Pham. “Para saan?”
“Para mamaya...” May pag-aalangan sa boses nito. “Sa date n’yo.”
Napatango si Pham. “Ah. Nasaan naman siya ngayon?”
“Naghahanda para sa date n’yo.”
Kumunot ang noo ni Pham. “Bakit hindi na lang niya sa akin sinabi kanina?”
“Malay ko,” sagot ng kaibigan niya saka nanunudyong tumingin sa kanya. “Ikaw, ha, si Marcus talaga?”
Gumuhit ang masayang ngiti sa mga labi niya. “Oo. Si Marcus talaga.”
“I never expected na magiging kayo. Ang sigurado ako, gusto mo siyang patayin sa galit.”
“It’s a long story.”
“At ikukuwento mo sa akin `yon habang nagsa-shopping tayo para sa damit mo mamaya sa date n’yo ni Marcus.”
Natatawang nagpaubaya na lang si Pham nang hilahin siya ni Gail palabas ng kuwartong iyon. Nang makalabas sila, mayroon nang taxi na naghihintay sa kanila para ihatid sila sa pupuntahan nila.
“Ang gagawin natin muna ay pumili ng damit mo para mamaya,” sabi ni Gail habang nakasakay sila sa taxi. “I’m thinking about a beautiful white dress para maiba naman.”
Nalukot ang mukha niya. “White dress sa date? Hindi ba dapat sexy black or red dress?”
“Huwag kang umangal sa gusto ko,” pagtataray ni Gail. “Basta puti ang bilhin natin. Best friend mo ako kaya makinig ka sa akin.”
Napailing-iling na lang si Pham saka tumahimik hanggang sa makarating sila sa mall.
“Let’s go,” excited na sabi ni Gail saka siya hinila papunta sa pinakamalapit na boutique.
Boutique after boutique, walang magustuhang damit si Pham. Panay na ang reklamo ni Gail na pagod na ito sa kalalakad pero hindi niya ito pinansin. Nagpatuloy siya sa paghahanap ng damit na gusto niya.
Hanggang sa may nakakuha ng kanyang atensiyon. Isa iyong damit na suot ng mannequin. It’s a simple white flowing tube top gown, ballerina style, with light lavender lace from the hips down. Lampas tuhod ang haba niyon at napakasimple ng disenyo pero nakakakuha naman agad ng atensiyon.
“This is it,” sabi niya habang nakatingin sa damit.
Nakahinga nang maluwag si Gail. “Salamat naman. Bilhin mo na nang makapagpa-salon na tayo. Mas nauna pa akong makabili sa `yo ng damit. Parang ako ang may date. `Kaloka!”
Natatawang nilapitan niya ang saleslady para sabihang bibilhin niya ang damit. Nang makalabas sila sa boutique, nasa loob na ng paper bag na dala ang damit na napili niya.
“To the salon,” excited na sabi ni Gail.
Pham smiled. “To the salon.”
ONE HOUR later, Pham was wearing a makeup and the dress she bought. She couldn’t hide her nervousness for her date with Marcus. Panay ang ayos niya sa kanyang niya habang nakasakay sila sa taxi ni Gail.
“Do I look okay?” kinakabahang tanong niya.
Umikot na naman ang mga mata nito. “Okay? No. You look gorgeous!”
Napangiti si Pham. “Salamat.” Tumingin siya sa dinadaanan nila. “Saan ba kami magde-date ni Marcus? Hindi man lang niya sinabi sa akin,” nagtatampo niyang sabi.
Ngumiti lang si Gail. “You’ll know later.”
Huminga siya nang malalim saka inayos na naman ang damit niya. Kinakabahan siya. Parang iyon ang unang beses na pormal na magde-date sila ni Marcus. Mabilis ang tibok ng kanyang puso.
Pham was fussing over her dress when the taxi stopped. Inaayos niya ang damit na bahagyang nagusot at panay ang haplos niya sa kanyang buhok. Unang lumabas ng taxi si Gail.
“Baba na,” sabi nito na nagmamadali.
Huminga siya nang malalim saka lumabas ng taxi. The moment her eyes settled on the church in front of her, Pham felt her heart thunder.
“G-Gail?” Nagtatanong ang mga mata niyang bumaling dito.
Nginitian lang siya ng matalik na kaibigan, pagkatapos ay nauna nang pumasok sa loob ng simbahan.
“A-anong...” Napakalakas ng tibok ng puso ni Pham. “No, this can’t be.” Umiling siya. “Hindi. Iba `to. Imposible namang ikasal kami ngayon ni Marcus.”
Ang nanlalamig niyang katawan at nanginginig na mga paa ay nag-umpisang maglakad papasok sa loob ng simbahan. Nang umapak ang kanyang mga paa sa pulang carpet, nag-angat siya ng tingin. Parang sasabog ang puso niya sa halo-halong emosyon nang makita si Marcus na nakaputing tuxedo at nakatayo malapit sa altar habang nakatingin sa kanya.
“Marcus…” sabi niya sa pangalan ng lalaki habang tumutulo ang luha sa kanyang mga pisngi.
It’s a small church. No wedding decoration. No visitors. No entourage. Nothing. Just Marcus, Tariq, his best man, Gail, her maid of honor and the priest.
Napakasimple ng kasal na iyon, pero wala na siyang mahihiling pa. Nag-uumapaw ang sayang nararamdaman ni Pham habang dahan-dahan siyang naglalakad papunta kay Marcus.
Her eyes never left Marcus as she walked. Puno ng pagmamahal ang mga mata nito habang hinihintay siyang makalapit dito. Parang nagpe-play sa isip niya ang mga pinagdaanan nila ng lalaki.
Hindi namalayan ni Pham na nasa harap na siya nito.
“Marcus...” Humikbi siya.
Ngumiti si Marcus at masuyong tinuyo ang mga luha sa pisngi niya. “Don’t cry. Dapat masaya ka.”
Tumango si Pham habang umiiyak pa rin. “Grabe ka. Ginulat mo ako.”
Mahina itong natawa. “I asked you to marry me this morning and you said ‘yes’. Hindi ako ang tipo ng lalaki na maghihintay nang ilang buwan para maikasal, Fatima. I want to make sure that by the end of today, you’ll be my wife and I will be your husband. I want to apologize though that it’s not a grand wedding.”
Mabilis siyang umiling. “I don’t care if it’s not grand. Ang mahalaga, ikakasal ako sa `yo. It’s more than enough for me.”
Hinaplos nito ang pisngi niya at puno ng pagmamahal na ngumiti sa kanya. “Let’s make you Mrs. Fatima Dela Cruz, my Mrs. Fatima Dela Cruz, shall we?”
Naluluhang tumango si Pham at sabay silang naglakad palapit sa altar kung saan naghihintay sa kanila ang pari.
As the wedding ceremony started, Pham’s heart was filled with happiness and love. Hindi niya lubos akalain na ngayon siya ikakasal kay Marcus. When she accepted his marriage proposal, she was thinking that they’d get married after she gave birth. Marcus surprised her, all right. And it was the best surprise ever. She couldn’t wait to be his Mrs. Fatima Dela Cruz.
Hindi mahaba ang naging seremonya ng kasal nila. Pagkatapos silang tanungin ng pari na sinagot nila ng “I do,” inilabas ni Marcus mula sa bulsa nito ang isang kulay-puting velvet box saka binuksan iyon at kinuha ang isa sa dalawang singsing na nandoon.
“Fatima…” He looked deeply into her eyes lovingly. “I vow to love you and care for you for as long as there is life in my body.” Isinuot nito ang singsing sa daliri niya saka iyon hinalikan. “I love you, Fatima. I love you so much. Finally, you’re Mrs. Dela Cruz now. My Mrs. Dela Cruz. ”
Pham couldn’t stop crying and smiling at the same time.
“Marcus, I vow to love you and care for you for the rest of my life. I love you so much.” Kinuha niya ang natirang singsing sa puting velvet box saka iyon isinuot sa daliri ni Marcus.
“I pronounce you husband and wife.” Bumaling ang pari kay Marcus. “You may now kiss the bride.”
“Gladly, Father,” nakangiting sagot ni Marcus saka sinakop ng mainit na halik ang mga labi niya.
SIMPLE wedding. Simple ceremony. Simple reception. But their honeymoon was far from being simple.
“Oooh…” Napaliyad si Pham habang ang mga kuko niya ay nakabaon sa matitipunong likod ng asawa. “Marcus! Sige pa! Bilisan mo pa!”
Marcus gripped her butt and thrust deeper. Napasigaw siya sa pagsagad nito ng kahabaan sa loob niya. Tumitirik ang mga mata niya sa sobrang sarap habang ang mga hita ay nakayakap sa baywang ni Marcus at umiindayog.
“Fatima… Fatima…” Marcus was chanting her name as he thrust faster and deeper.
Kumakalmot ang kuko ni Pham sa likod nito at nag-iiwan ng marka habang mariing nakapikit ang mga mata sa sobrang sarap na nararamdaman.
“Marcus! Oooh…” Pham shouted her husband’s name as she orgasmed.
Mas naging mabilis ang bawat ulos na pinapakawalan ni Marcus. Mas isinagad pa nito lalo ang kahabaan sa loob niya. Mas may puwersa ang pag-ulos nito sa pagkababae niya.
And Pham could taste another orgasm again.
“Marcus! Oooh! Oooh!” She was shouting ecstasy. “Sige pa, Marcus. Malapit na ulit ako.”
“Fatima…” Marcus moaned her name.
Pham’s toes curled as her second orgasm ripped through her. “Oh, God, Marcus!” She was panting.
“Oooh…” Marcus’ thrusts become desperate. “Fatima!” He shouted her name as he filled her with his hot semen.
Parehas nilang habol ang hininga habang nawawala ang init ng mga katawan nila. Nakakubabaw pa rin sa kanya si Marcus, ang kahabaan nito ay nasa loob pa niya at ang kanyang mga binti naman ay nakayakap pa rin nang mahigpit sa baywang nito.
“Fatima…” he whispered.
“Hmm?” she hummed.
“I love you.”
Napangiti si Pham. “I love you, too, Marcus.”
He pulled away from her and looked deeply into her eyes. It felt like he’s reading her very soul. At habang nakatingin siya sa mga mata nito, nababasa niya sa mga mata ng asawa ang pagmamahal nito sa kanya na hindi niya makita noon.
“Marcus…” Hinaplos niya ang pisngi nito. “Thank you for loving me,” madamdamin niyang sabi. “Thank you for not giving up on me.”
Marcus smiled lovingly at her. “How can I give up on the woman that I love?”
Napangiti siya at hinalikan ito sa mga labi.
“I’m happy,” sabi nito nang maghiwalay ang mga labi nila. “Noon, kapag nagtatanong ang mga tao kung sino ka, my answer was ‘my brother’s wife.’ And it pained me to say that every time. Pero `yon ang totoo, eh. But now, if people ask who you are, I’ll proudly say, ‘my wife.’” Hinalikan siya nito sa noo, pababa sa ilong, hanggang sa maglapat ulit ang kanilang mga labi. “I love you so much, my Mrs. Fatima Dela Cruz.”
Her heart was about to explode with so much happiness. “I love you so much, too, my hubby.”
Umalis si Marcus sa pagkakakubabaw sa kanya saka nahiga sa tabi niya. Si Pham naman ay ginawang unan ang matitipuno nitong braso habang nakayakap ang isang niyang braso sa baywang ng asawa.
“May ibibigay pala ako sa `yo,” sabi ni Marcus saka may inabot sa likod ng lampshade at ibinigay sa kanya. “I thought you might want this back.”
Napatitig si Pham sa wedding ring nila ni Martin pagkatapos ay kinuha iyon kay Marcus, saka inilapag ulit sa bedside table.
“It doesn’t belong in my finger anymore.” Itinaas niya ang kamay saka ipinakita kay Marcus ang wedding ring nila. “You’re my husband now, Marcus, not your brother’s.”
Marcus’ lips formed a sexy smile before kissing her lips. Agad namang tinugon ni Pham ang halik ni Marcus na nag-uumpisa nang maging mapusok. Hindi nga siya nagkamali, kinubabawan siya ulit ng asawa.
Pham just smiled and let her husband pleasure her. This was their first honeymoon night after all.