MAHIGPIT ang hawak ni Pham sa kopya ng agreement form na pinirmahan niya kanina bago sumakay sa helicopter papuntang isla. Bumaba ang mga mata niya sa hawak na papel at binasa iyon ulit sa ikalimang pagkakataon.
Temptation Island Agreement
The purpose of this letter of agreement is to outline the rules and regulations that the guest has to follow while on Temptation Island.
I, Fatima Dela Cruz, widow, and of legal age, agreed;
1. To stay in the island for two weeks.
2. That whatever happens in the island stays in the island.
3. That all devices, such as cell phone, tablets and cameras are not allowed and will be confiscated upon arrival.
4. To not smoke or drink too much while on the island.
5. To always be in proper attire at all times while on the island.
6. To respect the owner, the members, my co-guests and the island staff.
Sincerely,
Fatima Dela Cruz
Napabuntong-hininga si Pham pagkatapos basahin ang agreement na pinirmahan niya. Hindi siya nag-e-expect na may pipirmahan pala siyang ganito.
Nang makarating si Pham kaninang umaga sa extraction point, sa rooftop ng Monesterio Incorporated, nagulat siya nang makitang may helicopter na doon at may lalaking sumalubong sa kanya, hiningi ang invitation card niya at nagpapirma ng agreement sa kanya pagkatapos ay kinuha ang cell phone dahil bawal daw iyon sa isla.
Pham wasn’t alone in the helicopter. May tatlo pang babae siyang kasama papuntang isla.
Napakagat-labi si Pham at hindi maiwasang magsisi sa pagpunta sa isla. Nabasa niya ang “About the Island” sa website. That island was not a normal vacation island. It offered different way of relaxing and having fun.
Marahas niyang ipinilig ang ulo. There’s no point in regretting. Nandito na siya at sisiguruhin niyang makakapagpahinga siya habang nasa isla.
And the man who made her sign the agreement said that no one would force her to do what she didn’t want to do in the island. Meaning if she said no, then it’s a ‘no’. Sana lang ay hindi niya pagsisihan ang pagpunta sa isla.
NANG makalapag ang helicopter na sinasakyan, si Pham ang huling bumaba. Agad siyang inalalayan ng isang lalaki na nakauniporme papunta sa yacht na parang naghihintay sa kanila.
Nakataas ang kilay na tumingin si Pham sa lalaki. “Another ride?”
Nginitian siya ng lalaki. “To the Temptation Island this time, Ma’am.”
Napatango na lang siya. It was indeed a very secluded and exclusive island. Hindi niya tuloy maiwasang kabahan ulit.
Nang makasakay sila sa yate, agad iyong umalis papuntang Temptation Island. Tumayo si Pham sa gilid ng railing ng yate habang pinagmamasdan ang kulay-asul na karagatan. Mahigpit siyang napahawak sa railing nang makaramdam ng takot sa dibdib niya.
When was the last time she travelled by sea? Matagal nang nangyari ang insidente na iyon, pero natatakot pa rin siya.
Huminga nang malalim si Pham saka bumuga nang marahas. She needed to calm down. Nandito siya para magbakasyon. Para pansamantalang kalimutan ang mga problema niya.
Hindi alam ni Pham kung anong mararamdaman, kakabahan ba siya o mae-excite habang palapit nang palapit ang yate na sinasakyan sa isang isla. Pero ang kababaihang kasama niya, kanina pa panay ang impit na tili at halatang excited na na makaapak sa Isla ng Temtasyon.
Pham envied how happy and carefree they were. Once upon a time, she was like them. But when Martin died, all her happiness was drained away. Mapait siyang ngumiti.
How I wish I could find that kind of happiness again.
Pero hindi na siya umaasa. Habang-buhay nang na kay Martin ang kaligayahan niya.
Naputol ang pag-iisip ni Pham nang makitang dumadaong na ang sinasakyang yate sa isla na may puting buhangin.
“I am, Athena Penelope Carmen, your tour guide for the next two hours. Welcome to Temptation Island,” sabi ng babae na sumalubong sa kanila. “Before anything else, please proceed to the security office.” Itinuro nito ang gusali na hindi kalayuan sa dinaungan. “For a short orientation.”
Walang imik siyang sumunod sa kababaihang kasama na may malalapad na ngiti sa mga labi. As Pham entered the security office, a woman in her late thirties handed her a beautiful heart-shaped necklace. The woman was beautiful, even with visible lines on her face.
“I am Cristina, and I am the head of security in this island,” pagpapakilala nito sa kanila. “Anyway, isuot n’yo ang necklace na ibinigay ko,” sabi ng babae na isa-isa silang tiningnan. “This island is not your normal getaway island. Here, you can make your fantasies come to life. And I’m talking about kinky, hot and pleasurable sex, ladies.”
Nagtawanan ang tatlo niyang kasamang babae. Halatang excited ang mga ito. Was it wrong that she’s not feeling their excitement?
“I came here to have fun and have sex with hunky-luscious men,” sabi ng babae na katabi niya at binuntutan pa nito iyon ng malanding tawa.
“Oo nga. Pangalawang balik ko na rin `to,” sang-ayon ng isa pang babaeng kasama nila. “I’m so excited to spend intimate time with Travis again.”
“Good. Because this island offers that and more.” Ngumiti si Cristina. “And for additional information, if you want to contact someone outside the island, just come here and we will let you make a call. And if you want to receive incoming calls, inform me now so I can contact the security in the Monasterio Tower to connect your phone to the island for easy and hassle-free communication.”
Naiilang na itinaas niya ang kamay. “Ahm, may tanong ako.”
“Go on,” Cristina urged her.
“Ahm…” Kinagat ni Pham ang pang-ibabang labi. “Paano kung nagpunta ako rito para mag-relax lang?”
Tumingin sa kanya ang tatlong babae na para bang napugutan siya ng ulo. May mali ba sa sinabi niya?
“It’s okay,” sagot ni Cristina na nakangiti. “Walang pipilit sa `yo na makipagtalik sa kalalakihang nandito. Kung gusto mong mag-relax, then be our guest. This island offers fun activities, such as zipline, bungee jumping, jet skiing, scuba diving and many more.”
“Thank you,” sabi niya na nakahinga nang maluwag.
Salamat naman.
Tinanguan siya ni Cristina at isa-isang tiningnan ang mga necklace na ngayon ay suot na nila.
“For your information, the pendant of the necklace you are wearing is a locket. Sa loob niyan ay may maliit na button na pipindutin n’yo lang kung may nangyayaring masama sa inyo. In short, that’s a distress button. Kapag pinindot n’yo `yan, awtomatikong may darating na miyembro ng security team para iligtas ka sa panganib. That pendant also serves as a GPS that allows the security team to locate you wherever you are in the island.” Pinagsalikop nito ang mga palad at matamis na ngumiti sa kanila. “Have fun, ladies, and I hope you have a wonderful stay on the island.”
“Miss Fatima?” sabi ni Cristina.
Napakurap-kurap siya at humarap sa babae. “Kilala mo ako?” nagtatakang tanong niya.
“It’s my job to know your name.” May inilapag itong susi sa ibabaw ng mesa. “Your key to your personal golf cart.” May inilapag itong card. “Your cardkey to your very own cabin near the sea. And…” May inilapag itong isa pang card. “A credit card that you can use while you are here in the island.”
Naguguluhang kumunot ang noo ni Pham. “Bakit mayroon ako niyan?” Itinuro niya ang pinto kung saan kalalabas lang ng tatlong kasama niya. “`Yong mga kasama kong dumating wala?”
Cristina smiled at her knowingly. “Those three ladies were invited by the island’s management. Ibig sabihin n’on, sasakay sila sa pampublikong golf cart na transportasyon dito sa isla, libre silang titira sa Allure Hotel habang nandito at kung ano man ang personal nilang pangangailangan ay babayaran nila gamit ang sarili nilang pera maliban na lang kung may mag-sponsored sa kanilang miyembro ng isla.”
Iminuwestra nito ang kamay sa kanya. “However, you are different from them. You are invited by an exclusive member of Temptation Island. That’s why you get a private golf cart, a personal cabin near the sea and a credit card that is automatically wired to the member’s account.”
Napanganga si Pham. “You mean to say...”
“Yes, Miss Fatima. One of the members wants you here.”
Hindi pa rin niya maitikom ang bibig sa hindi kapani-paniwalang impormasyong kanyang narinig. “At sino ang—” Pumiyok ang boses niya. “Miyembro na `to?”
“It’s confidential, Miss Fatima. Nasa kanila ang desisyon kung ipapaalam niya sa `yo kung sino siya o hindi.”
Hindi makapaniwang mapaklang natawa si Pham. “Is this a joke?”
Umiling si Cristina. “I’m afraid not. Pero wala ka namang dapat na ikatakot. Members of this island respect a woman’s decision. A ‘no’ means ‘no’. Hindi ka nila pipilitin para gawin ang ayaw mong gawin. If a member tries to force you, he will be thrown out from the island and his membership will be dissolved. Not only that, the island management will file a case against him. And trust me, no members would like that. Lalo na at mahal ang membership fee rito.”
Napatango-tango si Pham. “Okay, that’s reassuring.” Maingat niyang pinakawalan ang buntong-hininga.
Ngumiti si Cristina at itinuro nito ang kamay sa pinto. “Have fun, Miss Fatima.”
Nginitian niya ang babae, kinuha ang susi at dalawang card saka lumabas. Napatigil siya sa paghakbang nang may humarang sa kanyang lalaking naka-suit. He looked like a handsome Arab Prince.
“Hi.” Matamis itong ngumiti sa kanya. “I am Tariq, your driver for today.”
Tumaas ang kilay ni Pham. “Driver?”
“I will drive you to your cabin.”
Dalawang kilay na niya ang tumaas. “Paano mo naman nalaman na sa cabin ang punta ko?”
Itinuro ng lalaki ang kamay niya kung saan nandoon ang key card ng cabin. “That’s how.”
“Oh!” Pham felt stupid all of the sudden. “Okay, drive me then.” Wala siyang kaalam-alam sa isla na iyon at hindi na niya makita si Athena na tour guide daw nila. Might as well accept the help of this stranger. Pinanghahawakan ni Pham ang sinabi ni Cristina na walang pipilit dito sa kanya na gawin ang isang bagay na ayaw niya.
Nauna nang naglakad si Tariq, siya naman ay sumunod lang dito hanggang sa sumakay ito sa isang golf cart.
“Hop in,” Tariq said.
Iniuna niyang isinakay ang bag bago siya. Nang maayos na ang pagkakaupo niya, nag-umpisa nang gumalaw ang golf cart.
Pham shivered when she saw a couple making out in public. They were groping each other, for heaven’s sake! At parang napansin ng kasama niya ang reaksiyon niya dahil tumawa ito.
“Dapat masanay ka nang nakakita ng ganoon dito sa isla,” sabi nito. “Normal lang `yan dito. This is after all an exclusive sex island.”
Umasim ang mukha ni Pham. “Hindi yata ako masasanay.”
Ngiti lang ang isinukli ni Tariq sa sinabi niya at patuloy na nagmaneho.
Pham should really be nervous because this island screamed sex and desire, but she couldn’t help admiring the palm trees, the lush green mountains, the fresh air, the white sand and the breath taking scenery before her. It was indeed an island that she hadn’t seen before.
Napatigil si Pham sa pag-iisip nang tumigil ang golf cart sa harap ng isang cabin. It wasn’t small but not big either. It looked simple from the outside. It’s made of hardwood with veranda overlooking the sea. And a hammock and two-seater coffee table were placed just outside the cabin.
“Nandito na tayo?” tanong niya kay Tariq.
Tumango ito at bumaba sa golf cart niya. “Have fun, Miss Fatima.”
She was taken aback. “Kilala mo rin ako?”
Mahina itong natawa na para bang nakakatawa ang reaksiyon niya.
“Seriously, kilala mo ako?” naguguluhang tanong niya.
“I was at your wedding.” Kinindatan siya nito saka naglakad paalis.
Napatitig si Pham sa palayong bulto ni Tariq pagkatapos ay napailing. Kinuha niya ang susi sa ignation ng golf cart saka ginamit ang keycard para buksan ang pinto ng cabin. The cabin was simple from the outside, but in the inside, it was... beautiful.
Maple wood flooring and walls. Expensive king-size bed with white satin sheet covering it with a side table, a glass lamp in a shape of a sexy woman, a personal ref, a telephone, a study table, closet and a bathroom with complete amenities. Opposite from the front door beside a sliding glass window was a floor to ceiling wide window covered by white curtains.
Pham smiled in contentment when she saw a huge tub ready for bathing. Mabilis niyang ini-lock ang pinto ng cabin at hinubad ang lahat ng damit sa katawan saka inilubog ang sarili sa bathtub.
A sigh of relaxation escaped her lips. Now this… was a vacation.
MADILIM ang mukhang bumaba si Marcus sa yate. Lalo pang dumilim ang mukha niya nang makita si Tariq na naglalakad pasalubong sa kanya.
“You motherfucker—”
“Now before you curse me no end,” putol nito sa sasabihin niya. “I just want to inform you that your sister-in-law is now safe in her cabin.”
Umasim ang hitsura ni Marcus. “Alam mo ba kung anong ginawa mo?” Matalim ang mga matang tiningnan niya ito. “And don’t you fucking deny it. Alam kong ikaw ang may pakana sa imbitasyong natanggap ni Fatima.”
Tumaas ang sulok ng mga labi nito. “I’m not denying anything.”
His jaw tightened. “Why the hell did you invite her here?”
“Why not?” Nagkibit-balikat si Tariq saka siya tinalikuran. “Para naman talaga sa kanya ang imbitasyon na `yon, hindi ba?”
Humugot ng malalim na hininga si Marcus para kontrolin ang sarili. “I still want to punch you.”
Tumigil ito sa paglalakad at ihinarap sa kanya ang kanang pisngi. “Go on. Punch me. Wala namang magbabago. She will stay here on the island for two weeks anyway.”
Ikinuyom ni Marcus ang kamao at malakas na sinuntok ang mukha ni Tariq. Napangisi siya nang malakas itong mapamura.
“Oo nga at walang magbabago. Pero masarap pa rin sa pakiramdam na masuntok ka,” sabi niya.
Tumawa lang si Tariq at pinahid ang kaunting dugo sa pumutok nitong mga labi. “Whatever, man. She’s in cabin six.”
Nagmamadali niyang pinara ang parating na golf cart at nagpahatid sa cabin na kinaroroonan ni Fatima.