noveltoon logo noveltoon
Forbidden Pleasure (Temptation Island Series 1)

Chapter 9

Ch. 10 / 27 Apr 01, 2025

NAKAAWANG lang ang mga labi ni Marcus habang sinusuri ni Dr. Edzel si Fatima. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari kani-kanina lang. It was mind-blowing. Being called Sir Marcus again by Fatima.

“Ano ang huli mong naaalala?” tanong ni Dr. Edzel kay Fatima sa malumanay na boses habang sinusuri ang babae.

“Ahm…” Fatima frowned. “May meeting kanina sa conference room tungkol sa annual share holder meeting ng Dela Cruz Incorporated. Nandoon ako para kumuha ng datos para sa finance department.”

Napatango-tango si Edzel at tumingin sa kanya. “Well?”

Naguguluhan pa ring nagkibit-balikat si Marcus. He couldn’t think straight or even talk straight. Fuck!

Bumaling ulit si Dr. Edzel kay Fatima. “Well, Ms. Fatima, aside from the stitches in your head, wala naman masyadong pinsala ang katawan mo. At alam kong marami kang tanong kaya maiwan ko na kayo ni Mr. Dela Cruz.” Ngumiti ito. “I will be back later to check on you and to give you a pain reliever for your wound. As of now kasi, may bisa pa ang pain reliever na itinurok ko sa `yo kanina. Okay?”

“Okay,” nakangiting sagot ni Fatima.

“Good.” Edzel check Fatima’s cut one last time and then left.

Mabilis niyang sinundan ang doktor sa labas at pinigilan ito.

“What’s wrong with her?” Hindi na naitago ni Marcus ang pag-aalala sa boses.

Ngumiti ito na para bang walang problema sa mundo. “Well, Dela Cruz, tulad ng hinala ko, may selective amnesia ang pasyente mo.” Kumunot ang noo nito, halatang nag-iisip. “By the way, `yong sagot niya sa tanong ko kung anong huli niyang naaalala, kailan `yon nangyari?”

“Three years ago.”

Tumango-tango ang doktor at nagtanong ulit. “So, tatlong taon ang hindi niya maalala.” Napailing-iling ito. “`Di ba, kaibigan mo naman siya?”

“Yes,” may pag-aalangang sagot niya.

Heck! They were far from being friends!

“Alam mo ba ang nangyari sa kanya sa tatlong taong hindi niya maalala?”

“Something happened. It’s personal.”

“Well, kung ano man ang nangyari, baka isa `yong masamang alaala para sa kanya. You see, the brain sometimes force us to forget the bad memories, especially if it is inflicting us too much pain. The brain blocks out those negative memories because she, herself, doesn’t want to remember it. That’s a defensive mechanism to protect herself.”

Halos mag-isang linya ang mga kilay ni Marcus. “You mean to say na tinanggal ng utak niya ang memoryang gusto niyang kalimutan para hindi siya masaktan?”

“Precisely.” The doctor shook his head. “But don’t worry.” Tinapik nito ang balikat niya. “That’s just selected memory amnesia. She’ll remember again. Kailangan lang niya ng oras para maalala `yon.”

“How many days?”

“I don’t know. Hindi ko alam kung kailan. It could be days, weeks or maybe years. Walang nakakaalam pero babalik `yon.”

Marcus blew a loud breath. “So it’s like back to zero for me.”

Tumaas ang kilay ni Edzel na parang nagtatanong. “Kailan kayo nagkakilala?”

“Three and a half years ago.”

Edzel eyes him knowingly. “Well... at least kung may nagawa kang hindi maganda sa loob ng tatlong taon na `yon, puwede mong ayusin,” pagbibiro nito. “At least kapag naalala na niya, baka i-reconsider niya ang maling nagawa mo.” Tinapik nito ang balikat niya. “Anyway, I have to go. Ipinapatawag ako ng may-ari ng isla.”

Marcus just nodded and went back inside the room. His eyes instantly fell on Fatima. Nakatingin ito sa kisame at halata sa kislap ng mga mata nito ang kaguluhan. Naglakad siya palapit dito at umupo sa gilid ng kama.

“So…” Marcus drawled, thinking of what to say. “How do you feel?”

“Confuse.” Bumuntong-hininga ito. “Kahit anong isip ko, hindi ko talaga maalala kung paano ako napunta rito sa isla, eh.”

“Huwag mo nang isipin `yon.” Hinawakan niya ang kamay nito saka iyon pinisil. “Maalala mo rin `yon in due time.”

Alam niyang pilit ang ngiti sa mga labi ni Fatima. And he had this urge to tell her the truth. Fuck!

Why can’t I be selfish for once?

“Ganito kasi `yon,” umpisa niya. “You are here on Temptation Island, an exclusive island that let us do anything we want. I’m a member. And I invited you here.”

“Bakit mo naman ako inimbitahan?”

Fuck! Fuck!

“Because I want to.”

A sweet smile appeared on her lips and it was new to Marcus’ eyes. Kahit minsan ay hindi niya iyon nakita sa mga labi ni Fatima kapag kaharap siya. Ang mga ngiting iyon ay para lang kay Martin, tanging para kay Martin lang.

“Mabait ka naman pala, Sir,” sabi nito na nakangiti pa rin. “Akala ko masama ang ugali mo, eh. Lagi kasing sinasabi ni Sir Martin na may hindi magandang ugali ka raw.”

Marcus was taken aback. Sinabi iyon ni Martin? What the hell? Never in his life did he talk negatively about his brother.

Well, what did you know? Sinisiraan pala siya ng kapatid niya kay Fatima.

PHAM couldn’t help staring at Marcus’ handsome face. Napakaguwapo talaga ng boss niya. Kaya lang, ang seryoso lagi ng mukha nito at parang snob. Pagkatapos sabi pa ni Sir Martin, masama ang ugali ng kapatid nito kaya naman dumistansiya siya rito.

Sa ilang buwan na nagtatrabaho siya sa kompanya ni Marcus, araw-araw niya itong nakikita at pinagnanasaan nang palihim. He had this gorgeousness that you just wanted to lick every inch of him. But Sir Martin always told her that Marcus was a playboy, a womanizer. At iyon ang pumigil sa nararamdaman niya para sa lalaki.

But now, this Marcus in front of her seemed different.

“Well, I’m nice,” sabi ni Sir Marcus na pumukaw sa pag-iisip niya.

Pham smiled. “Salamat nga pala sa pagligtas sa akin.” Napangiwi siya nang subukang igalaw ang ulo. Masakit ang kirot sa likod ng ulo niya.

Shit!

“Don’t move,” pigil ni Marcus sa kanya at inayos ang unan niya. “Baka bumukas ang tahi mo sa ulo. It’ll bleed again. I don’t think na kakayanin ko pang magbigay ng dugo sa `yo.”

Napaawang ang mga labi ni Pham at napakurap-kurap. “N-nag-donate ka ng dugo sa akin?”

“Yes. Marami kasi ang dugong nawala sa `yo. Thankfully, parehas tayo ng blood type.”

“Ah...”

Ang nakaawang niyang mga labi ay tumikom nang mapansin ni Pham na bumaba roon ang tingin ni Marcus. His eyes never left her lips and its making her heart beat so fast.

“S-Sir...”

“Just Marcus, Fatima,” bulong nito habang nakatingin pa rin sa mga labi niya.

Fatima. Her name sounded good coming from him. Pero hindi niya dapat nararamdaman iyon. Martin asked if he could court her and she said ‘yes’.

Mali ito, `di ba?

“Marcus...”

“Hmm... That sounds good.”

Slowly, his lips moved closer to her. Napapikit si Pham at hinintay na lumapat ang mga labi nito. The anticipation was killing her. Kaya naman hindi niya napigilan ang sarili. Siya na ang dumukwang. Naglapat sa mga labi niya sa labi nito.

The kiss felt amazing but short. Sumakit kasi ang likod ng ulo niya. She groaned in pain. Sinapo niya ang ulo at mariing ipinikit ang mga mata.

“Fuck! Fuck!” Sunod-sunod ang pagmumura ni Marcus.

“Ayos lang ako.” Unti-unting nawawala ang sakit. “Ayos na ako.”

Iminulat ni Pham ang mga mata. Nakita niya si Marcus na hindi alam kung ano ang gagawin. Kung tatayo ba ito o uupo at papanoorin siya.

“Ayos na ako, Sir Marcus,” pagpapakalma niya rito.

“Fuck!” Nagpakawala ito ng malakas na buntong-hininga. “Fuck! Don’t move, will you?” sigaw nito.

Napaigtad siya sa paglakas ng boses nito.

“I’m sorry. Hindi ko sinasadyang sigawan ka,” bawi agad nito. “I’m just worried, Fatima. You were in pain, for fuck’s sake!”

Sasagot sana si Pham na ayos lang siya, pero biglang bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok ang isang babae na galit na galit.

“Marcus! Anong ginagawa mo kasama ang haliparot na babaeng `yan, ha?”

“Diana—”

“Ako ang girlfriend mo. Dapat ako ang asikasuhin mo! Nilalandi ka siguro ng haliparot na `to kaya ka nandito.”

“You’re not my girlfriend, Diana!” Marcus hissed.

Madalim ang mukha na nilapitan ni Marcus ang bagong dating na babae at hinawakan ito sa braso saka hinila palabas ng kuwarto.

“Marcus! Hindi pa ako tapos! Inaagaw ka ng babaeng `yon sa akin.”

Pham didn’t hear the rest of her insults. Parang nakalayo na ang dalawa dahil hindi na niya naririnig ang mga ito.

Mapait siyang napangiti. Ang gaga talaga niya at napakailusyunada. Bakit ba hindi niya naisip na may girlfriend si Sir Marcus? Jesus Christ! Her boss was a handsome man, women flocked to his feet. Kay Martin na lang niya dapat ibigay ang lahat ng kanyang atensiyon.

Wala sa sariling itinaas niya ang kamay. Bigla siyang natigilan nang may mahagip ang mga mata. It’s a simple gold ring on her finger.

Kumunot ang noo ni Pham at hinaplos ang singsing sa kanyang daliri. As she touched the gold ring, flashes of blurry pictures assaulted her mind. Bigla siyang napasigaw sa sakit sa ulo niya. Pilit na pumapasok iyon sa kanyang isip. Pakiramdam niya ay hinihiwa niyon ang kanyang ulo at binibiyak.

The pain was too much. Nagdilim ang paningin niya at bigla siyang nawalan ng malay.

WHEN Pham wakes up again, she wasn’t in the same room anymore. Agad siyang nag-panic, pero agad rin siyang kumalma nang makita si Sir Marcus na nakaupo sa sofa at natutulog.

Ipinalibot niya ang tingin sa kabuunan ng kuwarto.

“Nasaan ako?” tanong niya sa sarili.

Napabuntong-hininga si Pham at napahawak sa likod ng kanyang ulo. Napaigik siya nang mahawakan ang sugat na natatakpan ng gauze. She quickly pulled away her hand. Itinaas niya ang kamay at tiningnan ang daliri niya. The ring was still there.

Hahawakan sana niya iyon nang marinig ang boses ni Marcus.

“Gising ka na pala.”

Mabilis niyang ibinaba ang kamay at tumingin sa kanyang boss. “Oo, Sir, gising na ako.”

Nalukot ang mukha nito. “Don’t call me that. Just Marcus.”

Biglang nawala ang emosyon sa mukha ni Pham nang may maalala. “Bakit ka pala nandito, Sir? Teka, nasaan ba ako?”

“You’re in my house,” sagot ni Sir Marcus na ikinalaki ng mga mata niya. “Kailangan mo ng pahinga sabi ni Doc at makakapagpahinga ka rito. Hindi ka puwedeng umalis dito at mag-isa lang sa bahay dahil walang mag-aalaga sa `yo. Walang maglilinis sa sugat mo kaya dito ka muna sa bahay ko pansamantala hangga’t hindi ka pa gumagaling.”

Napatango-tango si Pham. Wala nga siyang kasama sa buhay. She could call Gail, but she didn’t want to burden her.

“Baka hinahanap ka na ng girlfriend mo,” wala sa sariling sabi niya. “Sabihan na naman ako ng malandi kapag nakita niyang magkasama tayo.”

“I’m sorry about that.” Bumuntong-hinga ang lalaki.

Pham shrugged. “Okay lang, Sir. Pero mas makabubuti siguro na umalis na kayo.”

Kumunot ang noo ni Sir Marcus. “Why would you say that?”

“Kasi may girlfriend ka na.” Nag-iwas siya ng tingin. “`Tapos hinalikan mo pa ako—”

“Correction, Fatima. You kissed me. And she’s not my girlfriend.”

Nag-init ang mga pisngi niya. “I did not—”

“Yes, you did.”

Tumayo ito mula sa kinauupuang sofa saka lumapit sa kama niya at dumukwang palapit sa kanya. Their lips were almost touching and that tingling sensation was there, lingering.

“Ikaw ang unang humalik sa akin, Fatima,” bulong nito.

Napakalakas ng tibok ng puso niya. “Ah, k-kasi ano, eh…”

Oo, ako. Because I want to kiss you. “A-ano kasi, eh…”

Hindi maipaliwanag ni Pham ang kabaliwang ginawa. Bakit ba siya ang humalik dito? Bakit ba siya—

His lips locked on hers. Tumigil ang pag-ikot ng mundo ni Pham. Parang nag-freeze lahat habang magkalapat ang mga labi nila. At nang palalimin ni Sir Marcus ang halik at ginalugad ng dila nito ang bibig niya, hindi siya makapag-isip nang tama.

Pham just stayed still, accepting Marcus’ kisses and slowly kissing him back.

May sariling isip ang mga braso niya na yumakap sa leeg ni Marcus habang mas nagiging mapusok ang halik na pinagsasaluhan nila. Naglalakbay na ang mga kamay ni Marcus na madaling nakapasok sa hospital gown na suot niya. His hand slipped inside and caressed her inner thigh.

They were still kissing like no tomorrow. Kahit siya ay nagiging agresibo na rin ang bawat galaw. Ibinuka ni Pham ang mga hita para mas mabigyang laya ang mga kamay ni Marcus. At ang mga kamay niya ay humahaplos sa matitipuno nitong braso at dibdib.

Pham had this feeling inside of her, and it had been a long time since she felt it. Samantalang wala pa naman siyang karanasan sa ganito, pero ramdam niya ang pagkasabik na kanyang nararamdaman sa kaibuturan niya.

Pham could also feel Marcus’ hunger and desire in his kiss and touch. And it’s fueling the desire building inside her. She wanted this. She wanted him.

But to her disappointment, Marcus stopped. Pinakawalan nito ang mga labi niya at parehas silang habol ang hininga.

Matiim siya nitong tinitigan, pagkatapos ay ngumiti ito. “There. Ako na ang humalik sa `yo. And I would love to more than kiss you. But…” Hinaplos ni Marcus ang buhok niya. “You have to recover first. Baka bigla ka na namang mawalan ng malay.”

Si Pham ang nahiya sa kaagresibuhan niya. Bakit hindi niya ma-control ang sarili?

“Okay,” sabi niya na nahihiya sa kanyang kapusukan.

“Pagaling ka, ha?” Hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan ang likod niyon.

Napansin niyang natigilan si Marcus nang mapansin nito ang singsing sa kanyang daliri. An unreadable emotion flashed through his eyes and it was gone in an instant. And then he took the ring off of her.

Napasinghap si Pham at sinubukang pigilan ito, pero ibinulsa nito ang singsing.

“Sir Marcus! Akin na ang singsing na `yon!”

Pham could feel her heart tightening. Parang napakasakit na mawalay sa singsing na iyon sa hindi niya malamang dahilan.

“I’ll keep the ring,” sabi nito sa walang emosyong boses. This wasn’t the sweet man who kissed her. “Kapag naaalala mo na siya, kunin mo sa akin.”

Naguguluhan si Pham. “Sinong siya? Ano bang pinagsasasabi mo?”

“You’ll know what I mean when you remember,” sabi nito.

His eyes were cold. And his cold eyes felt familiar.

“Sir Marcus—”

“Don’t call me that!” bigla nitong sigaw habang matalim ang mga matang nakatingin sa kanya. “Wala na siya sa memorya mo at lahat, pero siya pa rin ang hinahanap mo. Fuck it!”

Umawang ang mga labi ni Pham nang nagmamartsa itong umalis at iniwan siya dala ang singsing na ayaw niyang mawalay sa kanya.

HOURS passed and Marcus didn’t come back. Nakakadawalang balik na ang nurse sa kuwarto ni Pham para sa gamot niya, pero wala pa rin ang lalaki.

And when the door opened again, Pham had already lost hope. Tama nga siya dahil hindi si Marcus ang pumasok kundi isang may-edad na babae.

“Good morning, Ma’am Fatima,” magalang nitong bati habang nakangiti. “Kumusta ho kayo? Ako po si Julie. Ako ang nautusan ni Sir Marcus na mag-alaga sa inyo.”

Nginitian niya ito. “Ikinagagalak kitang makilala. Pham na lang po ang itawag n’yo sa akin.”

“Ikinagagalak din kitang makilala, Pham.” Lumapit sa kanya ang babae. “Tutulungan kitang maligo.”

“Salamat.” Nakahinga si Pham nang maluwag. “Ang init-init na ng katawan ko. Nanlalagkit na ako.”

Mahina itong tumawa saka siya inalalayang bumangon mula sa pagkakahiga hanggang sa pagtayo. Medyo nanginginig ang mga tuhod niya. Nag-ipon siya ng lakas para makatayo nang tuwid.

“Dahan-dahan lang ang lakad, Pham,” sabi ni Manang Julie na nakaalalay pa rin sa kanya papuntang banyo.

Parehas silang nakahinga nang maluwag nang makapasok sila sa banyo at nahubad ang damit niya habang nakaupo siya sa loob ng bathtub.

“Susuklayin ko ang buhok mo habang nililinis mo ang sarili mo,” sabi ni Manang Julie na may kinuhang suklay.

Habang nililinis ni Pham ang sarili, dahan-dahan naman siyang sinusuklayan ni Manang Julie. Maingat ang bawat pagsuklay nito sa buhok niya.

“Manang Julie?”

“Ano `yon, hija?”

“Malaki ba ang sugat ko?”

“Medyo.” Patuloy ito sa pagsuklay. “Tinanggal nila ang buhok na nakapaligid sa sugat mo kaya kalbo ang parteng `yon ng ulo mo. Pero huwag kang mag-alala, natatakpan naman ng mahaba mong buhok kaya hindi masyadong halata.”

Pham sighed in relief. “Salamat naman.”

“Huwag kang mag-alala. Kahit naman makalbo ka ay maganda ka pa rin naman. Kaya nga siguro nahumaling sa `yo si Sir Marcus, eh.”

Bumilis ang tibok ng puso ni Pham. “Nagkakamali kayo, Manang. May girlfriend na ho si Marcus at hindi ako `yon.”

“Pham, kung nakita mo lang kung paano siya nag-alala sa `yo at paano ka niya alagaan noong wala kang malay, hindi mo sasabihin `yan.”

“Ano hong ibig n’yong sabihin?” Lalong bumilis ang tibok ng puso niya.

“Nang dumating ka rito kahapon, halatang hindi mapakali si Sir Marcus. Puno ng pag-aalala ang mukha niya. At halos magdamag siyang gising sa pagbabantay sa `yo. Alam ko kasi hinahatiran ko siya ng kape.”

“Ganoon ho ba?” Sana nga totoo iyon.

Hanggang sa matapos siyang paliguan ni Manang Julie ay tahimik si Pham at malalim ang iniisip.

“Hayan, ang ganda-ganda mo na,” puri ni Manang Julie na pumukaw sa isip niya.

Napatingin si Pham sa kanyang sarili sa salamin. Napangiti siya nang makitang bagay nga sa kanya ang simpleng kulay rosas na bestida at simpleng doll shoes. Nakalugay ang buhok niya para matakpan ang kalbong bahagi ng kanyang ulo.

“Salamat, Manang Julie.”

“Walang anuman, Pham.” Magiliw siya nitong nginitian. “Halika na sa labas. Nakahanda na ang hapunan mo.”

Malapad siyang ngumiti at hinayaan si Manang Julie na samahan siya papuntang hapag-kainan.