noveltoon logo noveltoon
Forbidden Pleasure (Temptation Island Series 1)

Chapter 15

Ch. 16 / 27 Apr 01, 2025

NAIILANG na umupo si Pham sa harap ng doktor na tumingin sa kanya noong nandito siya sa isla. Pero mas nakakailang ang presensiya ni Marcus na nasa likuran at nakahawak sa magkabilang balikat niya na para bang tatakbo siya.

“You look okay to me,” sabi ng doktor na inaayos ang stethoscope sa tainga nito.

“Maayos naman talaga ako,” sabi niya saka umayos ng upo. “Kaunting pagkahilo lang at pagsusuka `to.”

Nag-angat ang doktor ng tingin kay Marcus at napangiti. “Marcus sounded like you have a cancer when he spoke to me hours ago.”

Nilingon niya ang lalaki. Nag-iwas ito ng tingin na parang nahihiya.

“What do you want me to do? You lost consciousness, Fatima! Of course, I’ll think of the worst possible sickness.”

Pilit niyang pinipigilan ang ngiting gustong kumawala sa kanyang mga labi. He really looked so ashamed and he looked ridiculous.

Humarap si Pham sa doktor na nakatingin lang sa kanila ni Marcus.

“Sige na, tingnan mo na ako.” Huminga siya nang malalim. “Para hindi na ako abalahin ng lalaking `to na nasa likuran ko.”

Napangiti ang doktor. “Sige.”

Nakaupo lang si Pham habang tinitingnan ng doktor ang vital signs niya at ang kanyang sugat sa likod ng ulo. Marami itong itinanong sa kanya na sinagot naman niya nang tama at walang halong kasinungalingan.

“So, to sum everything up…” Tumingin ang doktor sa mga mata niya. “Nagsusuka ka lang kapag umaga at tuwing may pagkain kang naamoy na hindi nagugustuhan ng tiyan mo?”

“Yes.”

“At nahihilo ka sa umaga?”

“Minsan umaga lang, pero may mga araw na pati hapon,” sagot ni Pham.

Napatango-tango ito at ngumiti. “Well, I already have a conclusion about your dizziness and vomiting. Pero kailangan kong makasiguro na tama ang hinala ko.” Binuksan nito ang pinakamalapit na cabinet saka may ibinigay sa kanya na kulay-pink ang lalagyan. “Here.”

Napakurap-kurap si Pham habang hindi makapaniwalang nakatitig sa pregnancy test na iniaabot sa kanya ng doktor.

“Ano `yan?” natatawa niyang tanong habang nanlalamig ang kanyang mga kamay. “Nagbibiro ka ba?”

“I’m afraid not,” sabi ng doktor na seryoso ang mukha. “Wala namang mawawala kung ite-test natin kung buntis ka o hindi.”

Marahas siyang umiling saka tumayo. “No! Ayoko!”

Humakbang siya palabas ng clinic, pero pinigilan siya ni Marcus sa braso.

“Saan ka pupunta?” tanong nito.

Kita ni Pham sa mga mata nito ang kaguluhan sa mga nangyayari. And his eyes mirrored hers.

“Out.” Umiling-iling siya. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. “Hindi ko gagawin `yon.” Sinulyapan niya ang pregnancy test na hawak pa rin ng doctor. Nakaramdam siya ng takot. Isa lang ang lalaking nakatalik niya. Si Marcus lang! “No, hindi ako buntis. Hindi.” Inagaw niya ang braso na hawak nito, pero hindi siya nagtagumpay. “I can’t be. I can’t be pregnant with your child.”

All the emotions on Marcus’ face vanished in an instant. Binitiwan nito ang braso niya, ang mga mata nito ay walang emosyon habang nakatingin sa kanya.

“You really hate me that much, huh?” Inihilamos nito ang mga palad sa mukha, saka bumuga nang marahas. “Magalit ka na sa akin, Fatima, pero huwag naman sa ipinagbubuntis mo.”

“Hindi ako buntis!” sigaw niya. “Hindi…”

Tumakbo si Pham palabas ng clinic at palayo kay Marcus. Tumakbo siya nang tumakbo nang walang destinasyon at walang pakialam sa dinadaanan hanggang sa maramdaman niya ang malamig na tubig sa kanyang mga paa.

Pham’s eyes looked down. The waves were lapping her dusty feet up. Wala sa sariling napahawak siya sa tiyan. Mariin niyang ipinikit ang mga mata nang pumasok sa isip niya ang imahe ng pregnancy test na iniaabot sa kanya ng doktor kanina.

She couldn’t be pregnant...

I can’t be pregnant with Marcus’ child.

A tear escaped her eyes. Paulit-ulit na umaalingawngaw sa tainga niya ang salitang buntis. Hindi iyon puwedeng mangyari. Hindi siya puwedeng mabuntis. Ayaw na niyang magkaroon ng koneksiyon sa pamilyang Dela Cruz.

Ano na lang ang mangyayari sa anak niya? Anong mangyayari sa kanya?

“LET HER be for a while,” sabi ni Edzel na pumigil kay Marcus na sundan si Fatima. “Naguguluhan lang siya. Babalik din `yon mayamaya.”

Bumaling siya kay Edzel. “Totoo ba? Buntis siya?” Puno ng samu’t saring emosyon ang boses niya.

“Her symptoms are of someone carrying a baby.” Bumuntong-hininga ang doktor. “At kung mali naman ako, nandiyan ang pregnancy test para mas makasiguro tayo. Pero malakas talaga ang hinala ko na buntis siya. At…” Tumingin ito sa kanya. “Ikaw pala ang ama.”

Dahan-dahan siyang naupo sa inokupa kaninang upuan ni Fatima. Nasapo niya ang ulo at sinabunutan ang sarili.

“Fuck!” sigaw niya. “Fuck! Fuck!”

Tinapik ni Edzel ang balikat niya. “Stay here for a while. May pasyente pa akong aasikasuhin, eh. Maiwan muna kita.”

Himigpit ang pagkakasapo ni Marcus sa ulo niya nang makaalis si Edzel. He wanted to shout. He wanted to just... do some damage. Gusto niyang magwala.

Marcus couldn’t contain it anymore. It had been too long. Too long. He had to let it all go or he’ll go crazy.

Habang sapo ang ulo, tumayo siya at iniuntog ang sarili sa semento na para bang sa pamamagitan niyon ay magigising siya sa isang panaginip na puwedeng maging bangungot. Hinilot niya ang ulo saka isinandal ang katawan sa semento.

God! Mababaliw na siya.

Nasaan na si Fatima?

Mabilis niyang tiningnan ang wristwatch. Fuck! He had to find her. Baka kung ano na ang ginawa nito. Baka may mangyaring masama sa babae.

Gamit ang telepono sa opisina ni Doctor Edzel, tinawagan ni Marcus ang security department.

“Hello, how may I help you?” tanong ng nasa kabilang linya.

“This is Marcus Dela Cruz and I need to know where Fatima Dela Cruz is?”

“I’m sorry, Sir, but we are not allowed to give you the location of anyone.”

Sunod-sunod siyang nagmura. “I don’t care if it’s allowed or not. Just tell me where she is!” He was shouting, angry and worried. “She’s pregnant!”

Nawalan ng imik ang nasa kabilang linya.

“She’s pregnant, so please…” Never in his life did he beg for anything. “Please, I beg you, tell me where she is. Nag-aalala ako sa kanya.”

Isang mahabang katahimikan ang dumaan bago nagsalita ang nasa kabilang linya.

“Fatima Dela Cruz is in the beach.” Then the line went dead.

Mabilis na ibinaba ni Marcus ang telepono at tumakbo papunta sa golf cart na nakaparada sa labas ng clinic at nagmaneho papunta sa beach.

God, please, keep Fatima safe.

KAHIT hindi tingnan ni Pham, alam niyang si Marcus ang tumabi sa kanya sa dalampasigan. Naamoy niya ang mabango nitong pabango na gusto niyang singhutin.

“Anong kailangan mo?” tanong niya sa malumanay na boses.

“Nag-alala ako sa `yo.”

“Really?” Walang buhay ang boses niya.

“Fatima, please,” he begged. “Magpa-pregnancy test ka na.”

Walang buhay siyang umiling. “Ayoko. Hindi ako buntis at hindi ko kailangan ng pregnancy test para patunayan `yon.”

“Fatima—”

“Hindi. Ako. Buntis.” May diin ang bawat salitang binitiwan ni Pham.

“Okay, okay. You don’t have to shout,” sabi nito. “But please, don’t run again like that.”

“At bakit?” Tinaasan niya ng kilay ang lalaki. “Ano naman magagawa mo kung gusto kong tumakbo? At bakit nagpapaniwala ka sa doktor na `yon? Wala namang katotohanan ang sinasabi niyang buntis ako.”

“Eh, bakit ka tumakbo?”

Kasi natakot ako .

Natigilan si Pham.

Bumuntong-hininga ito. “Fatima, paano nga kung buntis ka? Paano kung totoo ang sinabi ni Doc Edzel?”

“Paano kung hindi?” balik-tanong niya.

“Paano nga kung buntis ka?” pamimilit nitong tanong.

Pham’s lips tightened. Hindi siya puwedeng mabuntis. Hindi puwede. Kawawa ang magiging anak niya. Masasaktan lang ito. Masasaktan lang sila parehas.

“Basta hindi ako buntis.” Tumayo siya at naglakad palayo.

“Fatima!” Agad siyang hinabol ni Marcus. “Buntis o hindi, mananatili ka rito sa isla. Your cooperation, remember?”

Hindi siya umimik at nagpatuloy lang sa paglalakad.

“Fatima!”

Hindi niya ito pinansin. Pham gasped when a hand gripped her arm to stop her and then, Marcus’ arm snaked around her waist, pulled her close and claimed her lips with his. Napasinghap siya dahil sa sensasyong naramdaman nang maglapat ang mga labi nila. Pilit niyang nilalabanan ang kagustuhang sagutin ang halik nito. Ayaw niyang madarang sa sarap ng halik nito.

Nang maramdaman ni Marcus na hindi siya sumasagot, pinakawalan nito ang mga labi niya at matiim siyang tinitigan.

“Stop kissing me,” mahina niyang sabi. Ramdam pa niya ang mga labi nito sa kanyang mga labi.

“Stop letting me,” Marcus said and kissed her again.

Gustong kutusan ni Pham ang sarili nang makaramdam ng disappointment nang pakawalan ni Marcus ang mga labi niya.

“Marcus…”

“Stay with me here in the island.” Nangungusap ang mga mata nito. “Prove to me that you are not pregnant. At kapag napaniwala mo ako na hindi ka buntis, hahayaan kitang umalis sa islang `to. Hahayaan kita at hindi na kita hahanapin o ipapahanap pa. Pero…” Ikinulong ni Marcus ang mukha niya sa mga palad nito. “Kapag napatunayan ko na buntis ka, I’m telling you now, Fatima, I won’t let you get away from me.”

Tumaas ang kilay ni Pham. “You’ll keep me?”

“Yes.” Tumiim ang titig nito sa kanya. “If you’re pregant, I’m sure that it’s mine and I plan to keep the baby safe.”

Her heart ached. He’d keep her for the sake of the baby.

“Hindi ako buntis.”

Tumaas ang sulok ng mga labi ni Marcus. “We’ll see, Fatima. We’ll see.”

Taas-noo niyang sinalubong ang tingin nito. “Hindi ako buntis, Marcus.”

“Prove it.”

NANGINGINIG ang mga kamay ni Pham habang binubuksan ang lalagyan ng pregnancy test. Kagat-kagat niya ang labi habang pinapakalma ang sarili.

Pham took a deep breath. “Magiging negative `to,” pagkausap niya sa sarili. “Hindi ako buntis.”

Binasa niya ang tuyong mga labi at kinagat ulit iyon. Kinakabahan siya.

Umihi si Pham sa isang plastic na baso saka pinatakan ng tamang dami ng ihi ang pregnancy test. Nanginginig ang mga kamay niya habang hinihintay ang pulang guhit na siguradong babago sa buhay niya.

“Please... Just one red line,” nanginginig ang labing dasal niya. “Just one red line.”

Her heart stopped beating when one red line appeared and she nearly lost her consciousness when the second red line showed up.

“No... No…”

MARCUS was pacing back and forth as he waited for Fatima to step out from the comfort room of the cabin that they were staying in. Hindi niya maitago ang pag-aalalang nararamdaman. Pero hindi niya rin alam ang dapat maramdaman kung buntis nga ang babae.

He was sure as hell that it was his. Tatanggapin niya iyon nang buong-buo. Pero tatanggapin ba ni Fatima ang anak nito sa kanya samantalang si Martin ang mahal nito? He didn’t want his child to be unloved by his or her mother. Halata namang ayaw ni Fatima na magbuntis lalo na kung siya ang ama.

Napatigil si Marcus sa paglalakad nang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si Fatima na maputlang-maputla. Agad siyang lumapit sa babae.

“Ayos ka lang?”

Walang imik itong tumango saka naglakad at nilampasan siya.

“Fatima, the result...” Hindi na siya makapaghintay.

Tumigil si Fatima sa paglalakad at bumaling sa kanya saka iniabot ang isang maliit at pahabang plastic. Marcus quickly took it and stared at it.

Two red lines.

Naguguluhan siyang tumingin kay Fatima. “Anong ibig sabihin nito?”

“Positive.” Parang nanghihinang umupo ito sa gilid ng kama. “Buntis ako.”

Pinakawalan ni Marcus ang hininga na kanina pa pala niya pinipigilan.

“Positive,” sabi niya. “Positive...”

Tumango si Fatima. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang luhang tumulo sa mga mata nito. Marcus felt like he was sliced into two when tears rolled down to Fatima’s cheeks. It was crystal clear to him that she didn’t want the child and that killed him, like she killed him in her wedding day.

“I’ll keep him.” Iyon lang ang nasabi ni Marcus sa halo-halong emosyon na nasa kanyang loob na hindi niya kayang ilabas.

Ang luhaang mga mata ni Fatima ay tumingin sa kanya. “`Tapos ano? Sasaktan mo rin siya? Hahayaang pagsalitaan ng mommy mo? Marcus…” Humikbi ito. “Tama na na ako lang ang nasaktan ng pamilya mo. Huwag mo namang idamay ang inosenteng nasa sinapupunan ko.”

Tumalim ang mga mata niya. “Anong sinasabi mo? Jesus Christ, Fatima! I won’t let you abort my child!”

“I’m not aborting him either!” Fatima screamed back. “Minsan na akong nawalan ng anak, hindi na ako papayag na pati ito mawala sa akin.” Hilam ng luha ang mga mata nito. “Sa tingin mo, sa ugali ng mommy mo, sa pagtrato niya sa akin, hahayaan niyang maging masaya ang anak ko... ang anak mo?”

“Anak natin, Fatima!” Marcus can feel his anger radiating throughout his body. “Why can’t you say it? Why can’t you say that it’s ours?”

Umiling ito at itinuro ang tiyan. “Ito, mali `to! This is a mistake and the child inside me right now will pay for it. At hindi ko hahayaang mangyari `yon. Hindi ko kayang makitang nasasaktan ang anak ko—”

“So, ano? Papatayin mo siya?” Galit na hinawakan ni Marcus ang magkabilang balikat ni Fatima. “You want to abort our child? Do you hate me that much, Fatima? Alam kong galit ka sa pamilya ko, alam kong wala akong karapatan na sabihing pagkatiwalaan mo ako. Pero please lang naman, Fatima, huwag mo namang idamay ang anak ko... ang anak natin.”

Napahagulhol ito habang hawak ang bibig. “I won’t a-abort him. I…” Humikbi ito. “I just don’t want h-him to s-suffer from your f-family’s cruelty. I d-don’t want him t-to have an unhappy childhood.” Humikbi na naman si Fatima. “I d-don’t want o-our baby to be l-like me, unwanted and u-unloved.”

Marcus felt suffocated as he stared at Fatima. Galit siya sa babae dahil ayaw nito sa kanyang anak, pero hindi niya napigilan na yakapin ito nang mahigpit at aluin nang marinig ang dahilan nito.

“Sshh... Stop crying.” Hinaplos niya ang likod nito. “Huwag ka nang umiyak. Tama na.”

Ang hagulhol ni Fatima ay nauwi sa mahinang hikbi. And as Marcus embraced Fatima to console her, he remembered the time when Fatima told Martin that they were having a baby. Parang kahapon lang na malinaw pa sa alaala niya ang saya sa mukha ni Fatima.

“Why can’t you be happy?” wala sa sariling tanong niya. “Naalala ko pa noon nang sabihin mo kay Martin na magkakaanak kayo, ang saya-saya mo. Why can’t you be happy this time?”

Kumawala si Fatima sa pagkakayakap niya at nagbaba ng tingin. “I loved Martin.”

And those three words that came out from Fatima’s lips killed him once again.