PHAM rolled her tongue over her dry lips as she looked at the envelope on her table. Nang pumasok siya sa maliit niyang opisina sa flower shop, nandoon na iyon sa ibabaw ng kanyang mesa.
Umayos siya ng upo at pinulot iyon saka binuksan. Kumawala ang malalim na buntong-hininga niya nang makita ang laman niyon. Isang kopya ng deposit slip na nagkakahalaga ng kalahating milyon at isang maliit na papel kung saan nandoon ang pamilyar na sulat-kamay ng isang lalaki.
Your allowance for three months, Fatima.
Matiim niyang itinikom ang bibig at itinabi ang deposit slip. Hindi kailangan ni Pham ang ganoong kalaking halagang pera. Nabubuhay naman siya sa kinikita ng kanyang flower shop. At ano na lang ang sasabihin ng mama niya? Siguradong siya na naman ang lalabas na masama sa paningin nito kahit wala naman siyang ginagawa. Pero alam rin niya na walang saysay na ibalik ang pera sa nagbigay niyon.
Because Marcus Dela Cruz didn’t take no for an answer.
Wala sa sariling napahawak si Pham sa daliri niya kung nasaan ang kanyang wedding ring. Agad na gumaan ang pakiramdam niya pagkatapos ay napangiti.
Napakasuwerte niya dahil isang mabait na lalaki ang kanyang napangasawa. Alam niyang mahal na mahal siya ni Martin at ganoon din naman siya rito. Martin was a very good man, unlike his older brother, Marcus, who always made her feel small, like his whole family. Siguro dahil isa lang siyang simpleng empleyado sa kompanya nito nang magustuhan siya ni Martin at niyaya na magpakasal.
Simula pa lang, alam na ni Pham na ayaw sa kanya ni Marcus at ng mga magulang nito, pero nanatili siyang matatag para sa pagmamahalan nila ni Martin. Kaya naman hindi niya maintindihan kung bakit nagbibigay pa rin si Marcus ng allowance samantalang hindi naman siya nito gusto.
The last time she asked him about the allowance, his answer was, “You’re family, whether I accept it or not.”
Pham sighed in irritation. It’s early in the morning and that man already managed to sour her mood. Great!
Tumayo siya sa pagkakaupo sa swivel chair at lumabas ng opisina niya. Agad nawala ang ka-bad trip-an niya nang makita ang naggagandahang bulaklak na nakapaligid sa kanya.
Flowers always had the ability to calm her nerves. Kaya naman flower shop ang naisip niyang buksan na negosyo ng—Mabilis niyang ipinilig ang ulo.
No, don’t go there, Pham. It will only make you cry.
“Ma’am, may naghahanap po sa inyo,” sabi ni Amelia, isa sa mga flower decorator niya sa shop.
Mabilis pero maingat ang mga hakbang ni Pham papunta sa cashier. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makita ang isang lalaking naka-baseball cap at nakakulay-itim na aviator. Bago pa siya tuluyang makalapit dito, tumingin ito sa kanya at may iniabot na sobre.
“Ano `yan?” tanong niya.
“Hindi ko alam ang laman, Ma’am,” sagot ng lalaki na ngayon ay nakangiti na.
Hindi maiwasang mapansin ni Pham ang maganda nitong ngiti. She couldn’t see his face clearly because of the cap and glasses, but she’s sure that he was handsome.
“Sinong nagpadala niyan sa akin?” tanong niya ulit.
Sa halip na sagutin siya, inilapag ng lalaki ang sobre sa ibabaw ng counter at tinalikuran siya. “The sender is confidential, Ma’am. Nasa sa `yo na kung tatanggapin mo o hindi.” Iyon lang at umalis na ito.
Pham took a deep breath before snatching the envelope from the counter. Pasimple niyang inipit ang sobre sa kilikili bago naglakad pabalik sa kanyang opisina.
“Doon muna ako sa office ko,” sabi niya kina Amelia at Delia.
“Yes, Ma’am,” magalang na sagot ng dalawa.
As Pham closed the door to her office, she quickly opened the envelope. Tumaas ang kilay niya nang makita ang laman niyon.
It’s an invitation. An invitation to Temptation Island.
Nagsalubong ang mga kilay ni Pham. Temptation Island? Anong klaseng isla ito? Dalawampu’t anim na taon na siya sa Pilipinas, pero wala pa siyang naririnig na ganoong klaseng isla.
Is it new?
Umupo si Pham sa swivel chair at binuhay ang laptop niya saka binuksan ang search engine para hanapin ang isla, pero halos isang oras na siyang naghahanap ay walang lumalabas na kapareho ng imbitasyon na nasa kamay niya.
Isinandal ni Pham ang katawan sa likod ng swivel chair at napatitig sa imbitasyong hawak.
It had a black background at kulay-ginto. Malapit ng maging pula ang kulay ng mga letrang nakasulat na bumubuo ng salitang, “You’re invited to Temptation Island.” At sa gilid niyon ay may apoy na mas nagpagulo sa isip niya. Maliban doon, wala nang ibang nakasulat sa unahan.
Pham, then, flipped the invitation card and her eyes blinked multiple times.
WWW.Temptation-Island.com
Username: FatimaDelaCruz
Password: TouchME
Nakaawang ang mga labi niya sa nabasa.
Jesus Christ! Ano bang kalokohan `to?
At sa ilalim ng mga nakasulat ay isang pirma na parang pamilyar kay Pham, pero hindi niya maalala kung saan iyon nakita.
Mabilis niyang itinipa ang website na nandoon. Napasinghap siya nang bumulaga sa kanya ang kaparehong disenyo ng imbitasyon. The background of the website was black, with red font color. Sa gitna ay nakasulat ang TEMPTATION ISLAND . At sa gilid niyon ay may apoy at sa baba ay nandoon ang username at password.
Out of curiosity, Pham typed the username and password written on the back of the invitation. Bahagyang napaawang ang mga labi niya nang bumukas iyon at bumulaga sa kanya ang larawan ng isang napakagandang isla.
The turquoise sea was so clear. The ambiance, the small cabins, the cabanas in the other side of the island, the magnificent palace on the hill, and the beautiful breathtaking aerial view of the small mountains. Wow. Just wow!
Agad niyang pinindot ang ABOUT THE ISLAND . And what she read shocked her to the core.
Welcome to Temptation Island, where your fantasies become real.
The island was located at Palawan. It was the most sought after exclusive island in the world. A safe, secure and open private space to explore your deepest and darkest fantasies. It was a perfect paradise where your kinkiest and most depraved desires can become real.
Napahawak siya sa bibig sa sobrang gulat sa nabasa.
“Anong klaseng isla `to?” hindi makapaniwalang sabi niya saka pinindot ang TRANSPORTATION.
Go to the extraction point and we’ll see you there. Sa ilalim niyon ay isang mapa kung saan ang tinutukoy nitong extraction point. It’s just in the city. In a famous building.
Jesus Christ!
Mabilis niyang isinara ang website at binura iyon sa history ng kanyang laptop pagkatapos ay napatitig sa imbitasyong hawak pa rin niya.
“Sino kaya ang nag-imbita sa akin para pumunta sa islang `yon?” nagtatakang tanong niya sa sarili.
Was she randomly picked?
Pham sighed. Who cares? Hindi naman siya pupunta doon.
GABI na nang makauwi si Pham sa bahay niya. Nang makapasok sa loob, ang mama niya ang sumalubong sa kanya. Agad niyang inihanda ang sarili sa susunod na mangyayari.
“O, bakit ngayon ka lang?” mataray na bungad ng ina ni Martin na mama na rin niya kahit pa nga ayaw nito. “Akala ko natabunan ka na ng mga bulaklak mo sa shop. Bakit ba patuloy mong tinutustusan ang shop mo, eh, wala namang kuwenta `yon.”
Nilabanan ni Pham ang sakit na kumurot sa puso niya. Dapat pagkalipas ng tatlong taon, sanay na siya, pero masakit pa rin.
“Marami kasing naging kliyente, `Ma,” magalang niyang sagot.
Umingos ito. “Wala akong pakialam. Sinabihan na kita na isara ang shop na `yon, eh. Wala naman `yong kuwenta. Bakit hindi ka na lang magtrabaho sa kompanya para may pakinabang ka naman. Para may pakinabang ka naman sa pamilyang `to.”
Nilabanan ni Pham ang luha na namumuo sa gilid ng kanyang mga mata. “`Ma, napag-usapan na po natin `to, `di ba? Okay naman po ang flower shop ko—”
“Pero hindi ako sumang-ayon,” mataray nitong sagot habang nakapamaywang sa kanya. “Pham, hindi ka nga makaalis sa bahay na `to, eh, `tapos sasabihin mong maayos `yang negosyo mo?”
Maingat siyang humugot ng malalim na hininga saka maingat na pinakawalan iyon. “`Ma, hindi naman po sa ganoon—”
“Bakit kasi hindi ka na lang umalis dito sa bahay? Wala naman na dito si Martin.”
Naninikip na ang dibdib ni Pham. “`Ma naman, alam n’yo ang dahilan kung bakit—”
“Wala akong pakialam sa mga dahilan mo. Three years na, Pham, pero nandito ka pa rin.” Inirapan siya nito saka nagmamartsang umalis.
Kinagat ni Pham ang pang-ibabang labi saka malayang pinakawalan ang luhang kanina pa gustong kumawala sa mga mata niya. Kung siya lang, matagal na siyang umalis. Pero hindi pa rin niya kayang bitawan ang mga alaala nila ni Martin sa bahay na iyon. Hindi pa niya kayang mawala iyon sa kanya. Hindi pa niya kayang matulog sa ibang kuwarto at sa ibang kama.
After three years, Pham couldn’t still move on. Kaya niyang tanggapin ang lahat ng masasakit na salita mula sa pamilya ni Martin basta manatili lang siya sa bahay kung saan maraming silang memorya ng asawa, kung saan nila pinlanong bumuo ng sariling pamilya.
Agad na tumuon ang mga mata ni Pham sa wedding picture nila ni Martin na nasa salas. They looked happy together. So in love. So blessed. And she felt her heart clench in pain.
Mabilis niyang tinuyo ang luhang nalaglag sa kanyang mga mata. She should really stop crying. It’s been three years since it happened.
Pham took a deep breath again and steadied her nerves by touching her wedding ring. Nang kalmado na siya, naglakad siya papunta sa hagdanan.
“I’m wounded, Fatima.”
Pham jumped in shock at the baritone voice that filled the silence of the house. Nasapo niya ang pusong malakas ang tibok dahil sa gulat. Pumihit siya paharap sa nagsalita. Parang kinapos siya ng hininga nang makita si Marcus na komportableng nakasandal sa pinto papuntang kusina. Mayroon itong hawak na isang bote ng whiskey at nakapamulsa ang isa nitong kamay.
Kanina pa ba ito roon? Narinig ba nito ang mga sinabi ni Mama?
“Bakit hindi mo ginagamit ang perang binibigay ko sa `yo?” tanong ulit ni Marcus.
Hindi siya nakasagot. She was still trying to wrap her head around the fact that Marcus was here, in the house. In front of her.
Kapatid ito ng asawa ni Pham, pero hindi niya makita si Martin sa katauhan nito. They were so different. From the way they dressed to the way they strode. Marcus walked like he owned everything. He walked with confidence, even with his rugged jeans and white T-shirt. Martin was different. Mahiyain ang kanyang asawa at mas pipiliin pang manatili sa bahay kasama siya kaysa dumalo sa magagarbong pagtitipon.
“K-Kuya...” Nautal pa siya.
Hindi sanay si Pham na tinatawag itong kuya kasi minsan lang naman itong makita. Pero bilang respeto, kailangan niyang tawagin itong kuya.
Halata ang pagkadisgusto sa mukha nito habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa.
What’s new? They all found her disgusting. Sa pamilyang Dela Cruz, si Martin lang ang tanggap siya.
“Anong ginagawa mo rito?” matapang niyang tanong pero ang totoo ay kinakabahan siya.
Napaka-intense ng presensiya ni Marcus. Ilang metro ang layo nito sa kanya, pero naaapektuhan pa rin siya. Pham felt intimidated by his presence.
“Why are you asking?” Dahan-dahang naglakad si Marcus palapit sa kanya. “Am I not welcome in my parent’s house?”
Pham gulped at the intensity of his stare. It’s boring a hole in her face and her heart wouldn’t stop beating so fast.
“Hindi naman `yon ang ibig kong sabihin,” matapang niyang sabi.
“Hmm...” He hummed as he stopped in front of her. “Natanggap mo ba ang deposit slip na ipinadala ko?”
Tumango si Pham. Hindi niya iniiwas ang tingin nito. “Hindi ko naman kailangan `yon. I already told you that, remember?”
“I don’t take no for an answer, Fatima.”
Nagtaasan ang mga balahibo ni Pham sa uri ng pagtawag nito sa pangalan niya. Only her husband called her that. Hearing her full name again coming from Marcus’ lips, it brought her down to memory lane again.
“Okay.” Wala naman siyang mapapala kung makikipagtagisan siya ng tigas ng ulo kay Marcus. “Magpapahinga na ako.” Hindi na niya madugtungan iyon ng kuya.
“I’ll lock the door then.”
Tumango lang si Pham at umakyat papuntang second floor. Hindi na niya kailangang hintayin ang pag-alis ni Marcus. Alam niyang hindi nito kayang magtagal sa bahay na iyon. He’s irritated by her and the feeling was mutual.
Nang makapasok sa kanyang kuwarto, agad niyang hinubad ang damit at pumasok sa walk-in closet para magbihis. Mahina siyang napamura nang maalalang iniwan pala niya ang bag sa kama. Nasa kanyang bag ang deposit slip na itatabi niya sa vault.
Tinatamad na lumabas si Pham sa walk-in closet at napatigil sa paglalakad nang makita si Marcus sa loob ng kanyang kuwarto at hawak nito ang imbitasyong natanggap niya kanina. Her heart thumped. She felt suffocated.
“Kuya…”
His eyes held hers. Itinaas nito ang kamay na may hawak ng imbitasyon. “What’s this?”
Napalunok si Pham. “Wala naman.”
Ininspeksiyon ni Marcus ang unahan ng imbitasyon. His fingers sexily trailed the edge of the card as his eyes held her gaze.
“You’re invited to Temptation Island.” Pinaglandas nito ang dila mula sa kanang gilid ng mga labi papuntang kanan. “Pupunta ka?”
Mabilis siyang umiling. “Hindi.”
Binitawan nito ang invitation card. Nahulog iyon sa sahig.
“Pity,” Marcus said then roamed his eyes around her bedroom. Pagkatapos ay tumigil ang mga mata nito sa kahuhubad pa lang niyang damit na nasa ibabaw ng kama.
Nag-init ang mga pisngi ni Pham nang makitang nasa ibabaw ang kanyang bra. At doon nakatutok ang mga mata ni Marcus. Gusto niyang lumubog sa kahihiyan.
“Kuya!” Pham couldn’t help but feel ashamed and angry at the same time. “Take your eyes off my personal stuff!”
How dare he do that! Asawa niya ang kapatid nito! Kaunting respeto lang naman sana.
Aabutin sana nito ang bra niya nang galit na isinigaw niya ang pangalan nito.
“Marcus!”
He chuckled. A small smirk made its way to his lips.
“My name sounds good when you say it.” He rolled his tongue over his lips. “Nakakarindi sa mga tainga ang pagtawag mo sa akin ng kuya, eh.” Tumiim ang titig nito sa kanya. “Nakakairita.”
“Umalis ka na,” malamig ang boses na sabi niya.
Tumaas ang sulok ng mga labi ni Marcus bago lumabas sa kuwarto niya.
Napasandal si Pham sa hamba ng pinto ng closet at nakahinga nang maluwag. Thank God he left. At salamat sa Diyos dahil buwan ang bibilangin bago ito magpakita uli.
Pham could stand Martin’s parent bad attitude towards her, pero ibang usapan na ang kapatid nitong si Marcus. That man always had this different effect on her. At taas-noo niyang masasabi na kahit ganoon ang epekto nito sa kanya, kailanman ay hindi niya iyon hinayaang makapasok sa kanyang sistema.
MAAGANG nagising si Pham para asikasuhin ang deliveries ng bulaklak na darating ngayon sa kanyang shop. Pagkababa niya ng hagdan, nandoon ang ina ni Martin sa salas, nagbabasa ng diyaryo. Parang naramdaman ng babae ang presensiya niya dahil ibinaba nito ang diyaryong hawak saka tumingin sa kanya.
“Ang aga mo, ah,” sabi nito.
“May importante kasi akong aasikasuhin,” sagot niya.
Umingos lang ito, saka bumalik sa pagbabasa ng diyaryo. Maingat naman na naglakad palabas ng pinto si Pham. Pero muntik na siyang matapilok sa sobrang gulat nang makita si Marcus na nakasandal sa gilid ng isang magarang sasakyan.
Namilog ang mga mata ni Pham. “N-nandito ka pa? Saan ka natulog kagabi?” Marcus usually left the same day he arrived.
“Dito sa bahay, malamang.” Namulsa ito. “Aalis ka na?”
Nag-alangan siyang tumango. “Bakit mo natanong?”
“Ihahatid na kita.”
Napapantastikuhan siyang napatingin dito. “Kulang ka ba sa tulog?”
Tumaas lang ang sulok ng mga labi ni Marcus saka sumakay na ng kotse. Si Pham naman ay walang choice na sumakay sa nakabukas ng passenger seat.