NASA kalagitnaan ng pagkain si Pham sa pananghalian nang galit na pumasok si Diana sa kusina. Napatigil siya sa pagkain at napatingin dito. Nasa likod nito si Manang Julie na nag-aalala ang ekspresyon ng mukha habang nakatingin sa kanya.
Humugot ng malalim na hininga si Pham at inihanda ang sarili. Wala si Marcus para ipagtanggol siya. Pumasok ito sa opisina kaninang umaga dahil ipinatawag daw ng mga magulang nito. Pham knew it had something to do with his mother’s anger towards her.
Maingat siyang huminga nang malalim saka tumayo at hinarap si Diana.
“Kung si Marcus ang sadya mo, wala siya rito,” kalmado niyang sabi.
Tumaas ang kilay ni Diana at matalim ang mga matang tiningnan siya. “Ang kapal din naman ng pagmumukha mo, `no?” Dahan-dahan itong naglakad palapit sa kanya habang nanunuya ang uri ng pagkakatingin sa kanya. “Hindi ka pa nakontento sa namatay mong asawa, ngayon si Marcus naman ang nilandi mo.”
Pinanatili niyang walang emosyon ang mukha. “Kung nandito ka para pag-usapan kung paano ko nilandi si Marcus…” Iminuwestra niya ang kamay sa upuang bakante. “Have a seat. I’ll be happy to tell you our rendezvous together.”
Nagliyab sa galit ang mga mata ni Diana. “Isa kang walang kuwentang babae! Hindi ako papayag na mapasa `yo si Marcus. Akin siya! Akin!” Naglalabasan ang ugat nito sa leeg. “Pinaglalaruan ka lang niya.” Nang-iinsulto itong ngumisi. “Akala mo siguro totoong mahal ka niya, `no? Ako ang mahal ni Marcus, isa ka lang parausahan. I and Marcus are perfect for each other. Samantalang kayo, isang basura at isang ginto at kailanman ay hindi `yon nababagay para sa isa’t isa.”
Kumuyom ang kamao ni Pham. Ipinakita niya ang galit na kanina pa pinipigilan.
“Miss Diana, kung ano man ang issue mo kay Marcus, siya ang puntahan mo at pagsabihan, hindi ako. I know my place, Miss Diana. I know where I stand in Marcus life. Hindi mo kailangang ipamukha sa akin na isa akong walang kuwentang babae kasi mahirap lang ako. Matagal ko nang alam `yon at matagal ko nang tanggap `yon.”
“Kung ganoon naman pala, lumayas ka sa bahay ni Marcus—”
“No. I won’t.” Matapang niyang sinalubong ang tingin nito. “Si Marcus lang ang puwedeng magpalayas sa akin sa bahay na `to dahil sa kanya naman `to. Ikaw, sino ka ba para makinig ako sa `yo?”
Nagtagis ang bagang ni Diana. “Ako lang naman ang girlfriend niya. Eh, ikaw, sino ka ba, isang higad—”
“Ako ang ina ng magiging anak niya.”
Umawang ang bibig nito na nanginginig saka tumuon ang mga mata sa tiyan niya at bumalik ulit sa kanyang mukha.
“Ikaw na malandi ka!” Nanlilisik ang mga mata ni Diana. “Akin si Marcus! Akin!”
Susugurin sana siya ni Diana nang mabilis niyang kinuha ang steak knife sa mesa at itinutok iyon sa babae na napatigil sa pagsugod sa kanya.
“Sige, lumapit ka.” Humigpit ang hawak ni Pham sa kutsilyo. “Hindi ako mangingiming gamitin `to sa `yo. I won’t let you hurt me or my child. Uunahan na kita bago mo pa ako masaktan!”
Napaatras ito, namumutla. “Malandi kang babae ka! Akin si Marcus, isaksak mo `yan sa isip mo! Ako ang mahal niya. Pinaglalaruan ka lang niya kaya huwag kang umasa. Sa akin siya ikakasal.”
Nagmamartsang lumabas si Diana sa kusina. Si Pham naman ay nabitawan ang kutsilyong hawak saka nanghihinang napaupo sa silyang inokupa niya kanina habang kumakain. Agad naman siyang nilapitan ni Manang Julie.
“Pham, ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong nito.
Nanghihina siyang tumango at binigyang laya ang mga luhang gustong kumawala kanina pa sa mga mata niya.
“Manang Julie…” Humikbi siya. “Masama ba ako kasi tinutukan ko siya ng kutsilyo?” Pham sobbed. “Wala naman kasi siyang karapatang pagsalitaan ako ng ganoon. Tanggap ko kung ang ina ni Marcus ang magagalit sa akin at pagsasalitaan ako ng masama, may karapatan siyang magalit sa akin. Pero ang babaeng `yon…” Napahagulhol siya.
Niyakap siya ni Manang Julie saka hinagod ang likod niya. “Tama lang ang ginawa mo, hija. Dapat lang na labanan mo ang babaeng `yon. At huwag kang magpapaniwala sa mga sinasabi niya. Hindi `yon totoo.”
Yumakap din siya kay Manang Julie na parang doon kumukuha ng lakas para maging matatag siya. Kailangan niyang maging matatag para sa maganda at masayang kinabukasan ng anak nila ni Marcus. Unti-unting tumigil ang pag-iyak niya habang hinahagod ni Manang Julie ang kanyang likod.
“Tahan na, makakasama `yan sa baby. Kumain ka na. Kailangan ng katawan mo ang mga bitamina para sa bata.”
Tinuyo ni Pham ang basang pisngi saka kumawala sa pagkakayakap kay Manang Julie.
Nginitian niya ang mabait na mayordoma. “Salamat, Manang Julie. Masarap pala sa pakiramdam na may kakampi ako.”
Ngumiti ito. “Walang anuman, Pham. Sige, ipagpatuloy mo na ang pagkain mo. Sisiguruhin kong wala nang makakapasok sa bahay na `to na mga unwanted visitors.”
Mahina siyang natawa sa sinabi nito. “Salamat, Manang Julie.”
Tumango ito at iniwan siya sa komedor para ipagpatuloy ang pagkain niya.
NANG matapos kumain si Pham, sa veranda siya nagpahangin. Nahiga siya sa gawang rattan na rocking chair habang hinahaplos ang tiyan niya. Medyo may umbok na iyon. Hindi niya akalaing magbubuntis pa siya.
Nang mawala si Martin at ang baby niya, nawala na sa kanyang isip ang magkaanak. Ngayon, buntis siya sa anak ni Marcus at sisiguruhin niyang mailalabas niya nang malusog ang anak nila. She wouldn’t let anything bad happen to her or to him. For her baby… for her and Marcus’ baby.
Ipinikit ni Pham ang mga mata para makapagpahinga. Pero hindi niya akalain na makakatulog pala. Na-realize lang niyang nakatulog pala siya nang magising siya sa pakiramdam na may humahaplos sa kanyang buhok. She opened her eyes and smiled when she saw Marcus. Nakaupo ito sa upuang katabi ng rocking chair.
“Hey.”
Marcus smiled back. “Hey, sunshine. Bakit dito ka natulog? Doon ka sana sa kuwarto para mas makapagpahinga ka nang mabuti.”
“Okay lang ako,” sabi niya.
Tinitigan niya ang guwapong mukha ni Marcus na nakangiti, pero hindi nakatakas sa kanya ang kislap ng mga mata nito.
“Ayos ka lang ba?” tanong niya.
Tumango ang lalaki saka siya hinalikan sa noo. “Don’t worry about me. Everything is fine—”
“Hindi ako naniniwala,” putol niya sa iba pa nitong sasabihin. “I can see it in your eyes, Marcus. You’re worried over something.”
Bumuntong-hininga ito. “Hayaan mo na `yon. Masama sa `yo ang ma-stress. I can take care of my problem.”
“So, may problema ka nga.” Umupo si Pham at bumaling paharap dito. “Tell me, Marcus.”
“No. I got it under control.”
Umingos siya. “Sabihin mo sa akin, Marcus. Please?”
“Fatima—”
“Tell me,” pamimilit niya. “Sabihin mo sa akin. Malay mo, matulungan kita.”
Marcus blew out a loud breath. “Binigyan ako ng palugit ni Mama.”
Kumunot ang noo ni Pham. “Palugit sa?”
“She wants me to marry Diana in two weeks’ time.” Inihilamos ni Marcus ang palad sa mukha. “Kapag hindi ko pinakasalan si Diana, mawawala ang kompanya sa akin at itatakwil nila ako.”
Nanikip ang dibdib ni Pham, pero hindi niya ipinahalatang nasasaktan siya. “Anong sabi mo sa kanila?” Parang may nakabara sa lalamunan niya habang nagtatanong.
Nagkibit-balikat si Marcus. “Of course I told them ‘no.’ Nagalit si Mama, no comment naman si Papa.”
“Why did you say no?”
Naguguluhan itong tumingin sa kanya. “What do you think? Of course I said no because I love you. O baka naman hindi ka naniniwala na mahal kita?”
“Naniniwala. Pero…” Hinawakan niya ang kamay nito at pinisil. “Ang kompanya mo ang pinag-uusapan dito. I know you’ve been working hard for that company to prosper. Ayokong dumating `yong punto na magsisi ka dahil pinili mo ako.”
“That’s bullshit.” Marahas itong umiling. “I would never regret choosing you. Never. Mahal kita, Fatima. Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong makasama ka at masabi sa `yo `yon. I won’t miss this chance with you. Kung mawawala ang kompanya, okay lang `yon. I have savings. I have connections. I can start anew. Pero kung ikaw ang mawawala sa akin, I can’t start anew, Fatima. I’ll be lost forever without you by my side.”
A tear rolled down from her eyes. “Marcus...” Tumayo si Pham at lumapit dito saka niyakap nang mahigpit ang lalaki.
Marcus hugged her back. “I love you so much, Fatima. And nothing or no one can change that.”
Bahagya siyang kumawala sa pagkakayakap ni Marcus at hinaplos ang mukha nito na nakatingala sa kanya dahil nakatayo siya at nakaupo ito.
“How about Diana? `Di ba girlfriend mo siya?” May selos sa boses niya.
Kumunot ang noo ni Marcus. “Girlfriend? No.” Umiling ito. “She’s just a passing fancy.”
“Hindi mo siya mahal?”
Mabilis itong umiling. “I never did. Ikaw ang mahal ko at kahit anong pilit kong ibaling sa iba ang nararamdaman ko, hindi talaga, eh.”
“Kung ganoon, bakit naging girlfriend mo siya?” tanong niya.
“Hindi ko nga siya girlfriend. Fatima, iba ang relasyon namin ni Diana. We’re not together because we have feeling for each other. It’s just plain sex.”
Nanikip ang dibdib ni Pham. Nasasaktan siya. No, nagseselos siya.
“Sex pala, ha.”
Pinigilan siya ni Marcus sa baywang nang hahakbang na sana siya palayo rito.
“Fatima naman, intindihin mo naman ako.” Nangungusap ang mga mata nito. “Bakit ka ba nagagalit, ha? Because I had sex with Diana before? Is that it?”
Umiling siya. “Hindi ako galit.”
“I don’t believe you—”
“Hindi nga ako galit!” sigaw niya. “Nagseselos ako! I’m jealous, damn it! I’m jealous!”
Napanganga ito sa kanya at napakurap-kurap. “A-anong… Bakit... What the...” Hindi nito naituloy ang sasabihin.
Inirapan niya ang lalaki. “Nagseselos ako kasi mahal kita!” galit niyang sabi. “Normal lang naman siguro na makaramdam ako ng selos, `di ba?”
His jaw was still open in shock. Marcus didn’t even move a muscle. Hindi makapaniwalang nakatingin ito sa kanya. Pham rolled her eyes.
“Marcus, magsalita ka nga. Sasakalin kita riyan, eh.”
Sa wakas ay tumikom din ang bibig nito, pero hindi pa rin makapaniwalang nakatingin sa kanya.
“Say it again,” he said in a low voice.
Nagsalubong ang mga kilay niya. “Nagseselos ako?”
“No. After that.”
Gumuhit ang munting ngiti sa mga labi ni Pham. “`Yong part na sinabi kong mahal kita?”
Tumango si Marcus. “Say it again.”
Masuyo niyang hinawakan ang mukha nito saka hinalikan sa mga labi. “Mahal kita, Marcus. Mahal kita.”
He blinked. Then he blinked again. “Again, Fatima. Ulitin mo.”
“I love you, Marcus. I love you.” Natatawang hinalikan niya ito sa mga labi. “Kagabi ko pa dapat sasabihin `yon, eh, pinigilan mo naman ako.”
Unti-unti, gumuhit ang masaya at malapad na ngiti sa mga labi ni Marcus. Ang ngiting iyon ay nauwi sa tawa.
“God, Fatima!” Tumayo ito saka siya niyakap nang mahigpit. “Thank you. Thank you for loving me, too.” Pinakawalan siya nito sa pagkakayakap saka nagtatanong ang mga matang tinitigan siya. “Kailan pa? Kailan mo pa ako mahal?”
“Hindi ko alam.” Hinaplos niya ang pisngi ni Marcus. “When I first saw you in Dela Cruz Incorporated, ang guwapo mo. I was attracted to you, too. But as you know, something happened, things changed. And then I received an invitation to Temptation Island.” Itinuro ni Pham ang dibdib kung nasaan ang puso niya. “And this started beating faster for you. Iba ang tibok niya kapag malapit ka. Na-realize ko na lang isang araw na ang pangalan mo na ang isinisigaw ng puso ko. Martin would always have a place in my heart, pero ikaw ang umuukupa sa pinakamalaking bahagi n’on. I love you, Marcus Dela Cruz. Don’t ever forget that.”
Napakalapad at napakasaya ng ngiti nito sa mga labi. Nagniningning ang mga mata nito sa kasiyahan.
“I love you more, Fatima,” madamdamin nitong sabi.
Ngumiti siya saka niyakap ito nang mahigpit. “Alam ko at mahal din kita. Kaya nga nagseselos ako, eh.” Pinakawalan niya ito sa pagkakayakap saka inirapan at tinalikuran. “Naiinis pala ako sa `yo. Huwag mo akong kausapin.”
Marcus looked worried. “Fatima naman.” Niyakap siya nito mula sa likuran. “Hindi ko mahal si Diana—”
“Pero nag-sex kayo.” Nagseselos na humalukipkip siya. “Nagseselos ako.”
Humigpit ang yakap nito sa kanya. “Imagine what I felt every time Martin kissed you. Nagseselos pa rin ako hanggang ngayon, Fatima. Pero wala akong pakialam kung hinalikan ka niya o kung ano pa man kasi mahal kita. Ang mahalaga sa akin, akin ka na at ako na ang mahal mo.”
Humarap siya sa lalaki saka yumakap dito nang mahigpit. “I love you, Marcus.” Nag-uumapaw ang pagmamahal niya rito. Napakasuwerte niya dahil mahal siya nito at tanggap siya nang buong-buo. “Sorry pala, nagseselos talaga ako, eh. But you’re right. It doesn’t matter anymore. I love you, you love me. I couldn’t ask for more.” Hinalikan niya ito sa leeg saka humakbang paatras. Nanunudyo ang ngiti at kislap ng mga mata niya. “Race me to your room?”
“You mean our room?” Tumaas ang sulok ng mga labi nito. “Ano naman ang gagawin natin doon?”
“I don’t know.” Inosente siyang nagkibit-balikat. “Make love?”
Ngumiti ito. “Race yah.”
Natatawang tumakbo si Pham papunta sa kuwarto ni Marcus habang ito naman ay nasa likuran niya, humahabol sa kanya.