10
H ALOS inabot ng apat na oras si Dulce sa kapitolyo. Ilang tao ang kinailangang bigyan ni Baba ng lagay para tulungan siyang makita ang mga record na kailangan niya. Hindi pa computerized lahat ng listahan kaya nagtagal sila pero wala pa ring naging positibong resulta.
Dead end. Isang bahagi ng kanyang isip ang gusto nang tumawag kay Joaquin para sabihing wala siyang nakitang kahit na anong clue kung nasaan na ang kapatid nito. Pero sa isang banda, halos nasisiguro niyang hindi pa niya nagagawa ang lahat. May pag-asa pa, gaano man iyon kaliit sa ngayon.
Sakay ng motorsiklo ay bumiyahe na sila ni Baba pabalik sa Santa Fe. Malapit na sila sa bahay nito nang bumuhos ang malakas na ulan. Dahil wala silang masisilungan ay nagpatuloy na lang sila sa pagbiyahe, mas mabagal sa pagkakataong iyon. Nang marating nila ang bahay ay basang-basa na sila.
“Tumuloy ka na sa loob,” sabi nito.
“Basang-basa ako.”
“Ayos lang. Sige na.”
Pero pagkatapak na pagkatapak ni Dulce sa loob ng bahay ay nawalan ng kuryente. Narinig niyang pumasok si Baba. Naglabas ito ng lighter na may flashlight sa ilalim at ibinigay iyon sa kanya.
“Kukuha ako ng kandila. Malapit na ring maubos ang liwanag niyan.”
“Salamat,” sabi niya, tumuloy na sa kuwarto. Hinubad niya ang basang kamiseta at pantalon. Eksaktong tuluyan nang bumigay ang liwanag ng flashlight ng lighter.
“`Eto na ang kandila…”
Napanganga si Dulce nang makita si Baba sa pintuan. Mukhang nabigla rin ang lalaki. Sa liwanag ng kandila ay lalong tumingkad ang ginintuan nitong mga mata. Such gorgeous eyes could light up a room. At parang nananadya, biglang nagkaroon ng kuryente. At hayun siya, nakapanloob lang—manipis na panloob na basang-basa. Baba was wet all over as well. Nahubad na nito ang jacket na suot kanina. Bakat ang kakisigan sa basang kamisetang kulay-puti.
Her mind told her to cover herself up but she couldn’t move. She just stood there, looking at him. Akala niya ay lalabas na ang lalaki pero hinipan nito ang sindi ng kandila, ipinatong iyon sa isang mesa, saka muling tumingin sa kanya.
Say something. Say anything. Better yet, move, for heaven’s sake!
Pero parang may magnet ang mga mata ni Baba na hindi magawa ni Dulce na lubayan ng tingin. Humakbang ang lalaki palapit sa kanya at muli ay nanaig na naman sa sistema niya ang nakakalunod na antisipasyon. The grace and power of his stride, his sinewy body, his incredible masculinity, his eyes. Oh, God, his eyes…
Magkakasunod ang naging paglunok ni Dulce nang ganap nang makalapit sa kanya si Baba at hapitin siya. The feel of his warm, wet body against hers was enough to make her feel as if she was going to spontaneously combust. Tinikman nito ang kanyang mga labi na parang napakaselan ng mga iyon. She felt like a goddess, or an exotic fruit, carefully being tasted.
She had never been that aware of her body before. Tila isinisigaw ngayon ng kanyang katawan ang mga layunin niyon at biglang nagdumilat ang mga iyon sa kanya, nilunod siya. Now she felt hot, moist, silky. Bago ang sandaling iyon ay hindi niya alam na maaaring magkaroon ng mga ganoong pakiramdam ang isang babae, lalo na para sa isang lalaking halos estranghero pa sa kanya.
He’s only seducing me. He’s only seducing me , paulit-ulit na bulong ng isip ni Dulce pero higit na malakas ang dikta ng kanyang sistema: she wanted to be seduced. Badly.
Dumapo sa gilid ng kanyang leeg ang palad ni Baba. He thumbed her skin, feeling her pulse. She was aware of her pulse, because all her senses heightened were slowly peaking. To what, she was not sure but she was damned excited to find out.
“Baba…” sambit ni Dulce. She liked his name. For the first time since she heard it, she liked it. She liked the simplicity of it, the softness of it.
His lips touched the hollow under her throat and then his tongue tasted the part, sensually moving up, making her hold her breath in anticipation. Nagtagpo ang mga labi nila at naging napakainit ng kanyang pagtugon. She gasped as she felt his hand on her brassiere. The fabric was made of lace, thin enough to absorb his warmth. His thumb brushed the taut peak. A soft purr came out of her lips.
He breathed against her ear, his hunger and desire obvious with the thickness of his voice.
“Sabihin mo sa aking tumigil na ako, Dulce… Gusto kong marinig mula sa `yo.”
The man was crazy to think that she could do that with his lips almost pressing on her ear, sending shivers up her spine. She wanted him. It didn’t matter why or how they ended up like this.
Pero tandaan mo kung bakit ka nandito. Tandaan mo rin na hindi si Baba ang tipo ng lalaking gugustuhin mong pagbigyan ng sarili mo. Think, dammit! Think, Dulce! Now!
Muling dumampi ang mga labi ni Baba sa kanyang mga labi at tumuloy iyon para paliguan ng halik ang kanyang leeg. Lumunok siya, saka ibinulong, “Baba, no. H-hindi ako handa. Please… please stop kissing me or I’ll lose my mind. Stop seducing me, please.”
Para iyong isang timbang yelo na ibinuhos sa lalaki. Agad siya nitong pinakawalan, saka pinagmasdan. Marahan nitong inabot ang tuwalyang nakasabit sa silya sa likuran niya, ibinalot sa kanya.
Malakas pa rin ang tibok ng puso ni Dulce, hindi magawang makatingin kay Baba. Sa isang banda ay natutuwa siyang nagawa niyang tumanggi, sa isang banda, pakiramdam niya ay nagtaksil siya kay Baba.
Nagtaksil dito. Like they were allies and she left him hanging. Na parang ipinahiya niya ito. Na parang naging traidor siya. Litong-lito siya sa mga emosyong bago sa kanya. Salamat at hindi na nagkomento ang lalaki, sa halip ay tumalikod na at isinara ang pinto.
Agad na napaupo si Dulce sa silya, hawak ang tuwalya sa bahaging dibdib. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Yes, she made the right decision. It was the only decision she was allowed to make. Walang dahilan para makaramdam siya na parang nawalan siya. She had to admit though, without him near, she felt cold. And alone. So very much alone.
Nagpasya siyang huwag nang bigyan ng halaga ang katotohanang parang gusto niyang mapaluha. Silly, silly me.
“I WILL call him immediately and then call you.”
“Thanks, Tish. Baka nasa meeting lang kaya hindi sinasagot ang tawag ko,” sabi ni Dulce sa sekretarya. Kanina pa niya tinatangkang tawagan si Joaquin, gustong makausap ang lalaki para itanong kung mayroon itong impormasyong hindi nasabi sa kanya o baka ang mismong ama nito ang mayroong hindi nasabing detalye. She needed all the help she could get. Hindi madaling makita ang mag-inang Esperanza. Dead end na siya. At alam niyang kapag nakaalis na siya sa lugar na iyon ay hindi na siguro siya makakabalik pa.
Napabuntong-hininga si Dulce. Bakit mabigat sa kanyang loob ang katotohanang iyon? Dahil kay Baba? Sino ang niloloko niya? Si Baba ay isang lalaking hindi nararapat na mapabilang sa kanyang buhay. Oo at mayroon siyang simpatya sa nangyari dito, pero hindi ibig sabihin ay handa na siyang maging involved sa isang tulad nito.
She loved Joaquin. Mula pagkabata, si Joaquin na ang kanyang itinangi. Malinaw pa sa alaala niya ang mga pagkakataong nagdarasal siya na sana ay mapansin siya nito. Every night, he was in her prayers. Every night, she renewed her hope to be with him someday. They would build a family together.
At ngayon ay malinaw kay Dulce na malaki ang pagkakaiba ng pagmamahal at pisikal na atraksiyon. Kailangan niyang aminin sa sarili na matindi ang pisikal na atraksiyong nararamdaman niya para kay Baba. Totoo nga siguro ang kasabihan na mapang-akit ang dating ng mga “bad boy” sa kababaihan. Lilipas iyon. True love could stand the test of time, while physical attraction could not. Isang pagsubok lang iyon sa kanya. Alam niyang kapag sumuko siya sa ganitong mga damdamin ay habang-buhay siyang magsisisi.
Lumabas na ng kuwarto si Dulce at hinanap si Baba. Wala ang lalaki sa buong kabahayan, maging sa kinaroroonan ng poso sa labas. Wala rin ang motorsiklo nito.
Wala pang pagkain sa hapag kaya nagpasya siyang magluto na rin ng almusal. Hinintay niya si Baba at nang hindi pa dumating makaraan ang kalahating oras ay nagpasya siyang tawagan na. Hindi niya ito namalayang umalis. Sadyang may-sa-pusa kumilos ang lalaki—tahimik, sanay sa pagkilos nang walang nakakarinig.
Dalawang ring at agad na may sumagot sa tawag ni Dulce, pero hindi iyon si Baba, kundi isang babae. “Hello?”
“Good morning,” nag-aalangang sambit niya. “Puwede kay Baba?”
“Dulce.”
“Ito nga. Puwedeng malaman kung sino ka?”
“Si Ramona. Natutulog pa si Baba. Napuyat siya kagabi.”
Labis siyang nabigla. Una, umalis si Baba kagabi at nagpunta sa isang babaeng bayaran? Hindi niya iyon narinig. Bakit siya nito iniwan? Iniisip ba ng lalaki na ligtas siya kahit nag-iisa sa bahay? Siguro. Para kay Baba ay tapos na ang usapan tungkol sa kanya at sa mga goons ng bayang iyon.
Dapat na wala nang pakialam si Dulce sa personal na aktibidad ng lalaki, kaya lang ay hindi niya maiwasang makaramdam ng inis. Sa katunayan, inis na inis at gigil na gigil siya. Ano pa ang maaaring gawin nina Baba at Ramona sa loob ng iisang kuwarto? Malinaw na magkasama ang dalawa, ganoong natutulog pa raw si Baba. Malamang, katabi ni Ramona ang lalaki sa mga sandaling iyon.
“Puwedeng pakigising na siya?” sabi ni Dulce. Dikta ng kanyang isip na magpaalam na pero hindi niya magawa.
“Natutulog pa siya, Dulce. Tumawag ka na lang uli mamaya. Puyat din ako.”
Natural. Puyat ang dalawang buwisit dahil naglaro ng apoy. At siya? Ano siya, appetizer? Tuluyang sumambulat ang galit niya. To think that last night she felt bad about what happened! Kung nalaman lang niya na sa ganito pala mauuwi ang lahat, dapat ay ipinagtabuyan niya palabas ng kuwarto si Baba.
“Hindi puwede, eh. Pakigising siya, Ramona,” giit ni Dulce.
“Ano ba’ng problema mo?” Mukhang napikon na ang babae.
Walang pakialam si Dulce. Kahit na magsisigaw si Ramona, wala siyang pakialam. Lumalabas ang kanyang itinatagong tapang. Hindi siya maghihintay roon kung kailan magigising si Baba. Hindi siya naghanda ng almusal para sa dalawang tao para lang mag-isang kainin iyon habang ang hudas na lalaki ay kalantari ang bayarang babaeng iyon.
“Wala ka nang pakialam doon, Ramona. Importante ito. Pakigising siya ngayon din.”
May kaunting kaluskos siyang narinig, saka niya narinig ang boses ni Ramona na ginising si Baba. Tama ang kanyang hinala, magkatabi lang ang dalawa. Mayamaya ay narinig na niya ang boses ng lalaki, maaligasgas.
“Dulce?”
“Alas-nuwebe na, Baba. Kung iiwan at iiwan mo lang pala akong mag-isa dito, bakit hindi na lang ako sumugod mag-isa sa bayan? Tutal parang ganoon din naman pala ang lumalabas. I didn’t hire you to protect me just to have you sleep in another woman’s house—a prostitute for that matter—while I wait, clueless that you have left! Ano pa ang silbi ng kasunduan natin kung ganyan din naman pala ang gagawin mo?”
Hindi umimik si Baba, at lalong napikon si Dulce. Wala man lang bang sasabihin ang lalaki? Hindi man lang ba nito ipagtatanggol ang sarili? At habang umuusad ang mga sandali ay lalo siyang napikon.
“Wala ka man lang excuse?” untag niya, lalong nag-init ang ulo.
“Sige, pauwi na ako.”
“That’s it?”
“Uuwi na ako.”
Sa labis na pagkapikon ay halos maibato ni Dulce ang cell phone sa pader. Kung bakit hindi na uso ngayon ang mga telepono na tulad ng dati, sa gayon ay naibagsak sana niya iyon. Ang tanging nagawa niya ay ang gigil na dutdutin ang End button.
Ang pagkaing inihanda ay hindi rin niya magalaw. Palakad-lakad lang siya sa sala habang hinihintay ang magaling na lalaki.
Nang dumating si Baba ay basa pa ang buhok, samakatuwid ay naligo pa doon sa Paraiso. Malamang na kasabay pa sa banyo si Ramona. Mga imoral!
Namaywang si Dulce sa pintuan. Pero sa halip na batiin ay nilagpasan lang siya ni Baba, bitbit ang isang plastic bag na dinala nito sa komedor.
Pagkain pala ang laman ng plastic bag, natuklasan niya nang simulan nitong ihain ang mga laman niyon sa mesa.
“Kumain ka na,” sabi nito.
“Hindi ka man lang magpapaliwanag?” Natuklasan niyang ayaw niya ng ganito. Ayaw pala niya na hindi man lang makuhang sabihin sa kanya ng isang lalaki ang mga dahilan nito. “Kung hindi pa ako tumawag, hindi ka uuwi! At mukha akong tanga ritong naghihintay sa `yo.”
“Masyadong maaga para magtalo tayo,” sabi nito, walang bakas ng reaksiyon ang mukha at ayaw na ayaw niya niyon.
Nakakagigil pala ang ganoong gawain ni Baba sa ganoong sitwasyon. Gustong makita ni Dulce ang pagsisisi sa mukha ng lalaki, ang guilt. Pero siya pa ngayon ang nagtatanong sa sarili kung ano kaya ang tumatakbo sa isip nito. She absolutely hated that feeling!
Nagpupuyos pa rin ang kaloobang sinabi niya, “Alam mo ang sitwasyon. Alam mong hindi ako ligtas at iniwan mo akong mag-isa.”
“Alas-singko na ako umalis—”
“Kahit na! They can come here and kill me in a minute!” singhal niya.
Bumuga ng hangin si Baba, tumingin sa kanya sa wakas. How she hated his stare. Isang tingin nito, pakiramdam niya ngayon ay siya pa ang may kasalanan!
“`Wag mo akong tingnan nang ganyan dahil wala akong kasalanan. Ikaw ang problema natin ngayong umaga!”
“Hindi ko alam na bungangera ka pala.” Bahagyang kumunot ang noo nito.
Aba’y lalong sumabog si Dulce. “Paanong hindi ako magsasalita kung hindi ka tumutupad sa usapan? Para saan pa na nagkasundo tayong poprotektahan mo ako—”
“Ligtas ka rito. Alam mo `yan. Akin ka na.”
Kahit paano ay nabigla si Dulce sa mga salitang piniling gamitin ni Baba. Akin ka na. Ibig sabihin, naarbor na siya nito mula sa mga goons. Pero iba ang dating niyon sa kanyang tainga.
Pumuwesto ito sa hapag. “Kumain ka na.”
“No. We’re not yet done.”
Hindi umimik si Baba, naghintay lang ng kanyang sasabihin. Muli ay nainis siya. He was infuriating! She prefered men who talked a lot. At least those who would tell her exactly what she wanted to know. Kahit magsinungaling ang mga iyon o mambola, alam niya. Sanay siya sa malalanding ahente, sa mga supplier na mahilig mangako at dinadaan ang lahat sa flirtation. She took advantage of that to get the best deal. With Baba, it was impossible to even know her place.
“Ayokong umaalis ka nang hindi nagsasabi sa akin. Para alam ko. Para lang alam ko.” Huminahon na ang boses ni Dulce, pinilit niya iyon. Wala na siyang maisip na ibang masasabi pa. Ayaw niyang magpaulit-ulit ng punto dahil mukhang hindi si Baba ang tipo ng lalaking hindi agad nakakaunawa. “B-bakit ka ba umalis?”
“Hindi na mahalaga kung bakit. Kumain ka na.”
“Girlfriend mo ba si Ramona?” hindi nakatiis na tanong niya.
Muli, pinakatitigan lang siya ni Baba sa puntong nailang na siya nang tuluyan. “Forget I asked. I don’t care. I honestly don’t care. I just start to care when you and her get into my business. Tulad na lang ngayon. Marami tayong gagawin pero paano tayo makakaalis kung puyat ka pala?”
Tumawa nang pagak si Baba. “Wala ka nang mapaghahanapan sa taong hinahanap mo. Alam mo `yan. Saan ka pupunta ngayon?”
“You tell me. Hindi ba at iyon ang usapan natin?”
“Nagkakamali ka kung iniisip mong santo akong nagmimilagro.”
“Kung ganoon, babalik ako doon sa pinuntahan kong barangay. Baka-sakaling may isang katandaan na nakakaalala sa hinahanap ko.”
Bahagya lang tumango si Baba at nagsimula nang kumain. Kumain na rin si Dulce kahit na wala siyang kagana-gana. Baba slept with Ramona just a few hours ago and it was a slap in the face. Natural, hindi niya masabi nang deretso sa lalaki. Gusto niyang maramdaman nito. Gusto niyang maunawaan nito. Pero mukhang manhid si Baba. At kung sakali man na naiisip nito iyon, wala itong pakialam. Bakit nga naman magkakaroon ng pakialam ang lalaki? Ano ba siya nito?
It was just that it was her first time to be held that way. It was the first time she had experienced such passion and she thought it was as special to him as it was to her. Sa kabila ng lahat ng pangaral at paalala niya sa sarili, gusto niyang maging espesyal pa rin iyon. Dahil iba iyon.
How she hated him. And yet there she was, silently watching him, finding his simple movements so appealing, remembering his warmth, his kisses.
“Ako na ang magliligpit dito. Mag-ayos ka na,” sambit ni Baba mayamaya.
Napilitan si Dulce na tumango at tumuloy sa kuwarto. Ilang minuto siyang nag-isip kung ano ang isusuot. Sa huli, kahit inilabas niya ang blusang mababa ang neckline at magpapakita ng cleavage ay naunawaan niyang hindi dapat na maging takaw-atensiyon ang kanyang suot. Sa Maynila ay ordinaryo lang ang blusang iyon, hindi sa lugar na iyon.
Isang simpleng blusang dilaw at pantalong maong ang isinuot ni Dulce at tinernuhan ng sandalyas. Wala na halos sakit ang kanyang mga talampakan.
Humarap siya sa salamin at hindi natuwa. Natural, lumalabas na mas sexy si Ramona dahil kita na ang kaluluwa ng babae sa estilo ng pananamit.
Stay classy, not slutty. Isa pa, bakit ka makikipagkompitensiya sa babaeng iyon? Oh, Dulce, please use your brain!
Nag-spray na lang siya ng pabango at lumabas na rin. Nakasakay na si Baba sa motorsiklo. Nang makayakap siya rito ay pinasibad na nito ang motorsiklo. She really did miss his warmth.