noveltoon logo noveltoon
Baba Esparanza (Cardinal Bastards Series 1)

Chapter 24

Ch. 24 / 25 Feb 05, 2022

24

I MISS him so much. So much. Lord, help me. I don’t think I can stand this. Gusto ko siyang tawagan, kumustahin. Alam ko pong hindi tama pero parang hindi ko na kaya. Tulungan Ninyo ako.

Itinabi ni Dulce ang kanyang cell phone, isiniksik iyon sa kaloob-looban ng drawer ng nightstand. Ayaw na niyang umiyak pero tumulo ang kanyang mga luha. The emptiness was so haunting that her bones felt cold.

Kung nakamamatay lang ang labis na pangungulila, siguro ay tumimbuwang na siya roon. Madalas na gusto niyang makapiling ang mga magulang pero wala siyang ganang humarap sa ibang tao. Ang tanging gusto niya ay ang sumiksik sa ilalim ng comforter, na parang sa ganoong paraan ay magagawang makalimot kahit paano.

It had been two weeks since she last saw Baba in the hospital. Pakiramdam niya, dalawang taon na iyon. Para na siyang nababaliw kung minsan. Madalas siyang managinip na naroon ang binata at paggising ay awtomatikong kinakapa niya ang tabi para lang mabigo dahil bakante iyon.

Nagpasya si Dulce na bumuo ng mumunting kaligayahan. Tumayo siya, pinilit ang sariling sumaya. “Today is the start of happy days!” sabi niya, pilit kinukumbinsi ang sarili kahit tumutulo ang mga luha.

She ignored her tears. Malalagpasan niya iyon. Aanhin niya ang isang lalaking ibang babae ang gusto? Nagpunta na siya sa kusina, kumuha ng ice cream sa freezer at iyon ang inalmusal sa tapat ng TV. Nanakit ang tiyan niya sa lamig.

“Great. First I was just miserable, now I’m also a big idiot,” sambit niya, namaluktot sa sofa, sapo ang sikmurang nagrereklamo sa lamig.

“Sa isang joint operation ng PNP at NBI kagabi sa bayan ng Santa Fe ay napaslang si Mayor Candida Villacorte. Ayon sa mga awtoridad ay matagal na nilang minamanmanan ang mayora. At kagabi, sa tangkang pag-aresto rito ay nanlaban ito at nabaril ng mga operatiba. Ang ating kasamahang si Brando Hernandez ang nasa Santa Fe ngayon. Brando?” sabi ng news anchor sa TV.

Agad siyang natigilan, napatingin sa screen.

Live telecast iyon at isang reporter ang nag-uulat mula sa labas ng mansiyon ng mga Villacorte. Kinilabutan siya pero nanatiling tutok sa balita.

“Maraming salamat, Luz. Dito nga sa aking likuran ay makikita ang tahimik na bahay ng mga Villacorte. Sa ngayon, ang tanging narito lang daw sa bahay na ito bukod sa ilang tauhan, ay ang dating alkaldeng si Lucas Villacorte, ama ng nasawing si Mayor Candida Villacorte. Ang mga Villacorte ang siyang may hawak ng bayang ito, Luz. Sa loob ng ilang dekada, ang pamilya lang ang namuno rito. Ayon sa mga nakausap ko ritong mga opisyal ng PNP, Luz, malaki sanang kaso ang kakaharapin ng mayora kung hindi siya napaslang sa engkuwentro. Nanlaban diumano ang mayora at nabaril ng mga awtoridad. Kasalakuyang ineeksamin ang mga lab í nito na dinala sa NBI headquarters sa Maynila. Luz?”

Nagtanong ang news anchor sa studio—kalahati ng screen ang sakop nito at kalahati naman ay nagpapakita ng live broadcast mula sa Santa Fe. “Brando, balita namin ay maanomalya raw ang mga kaso ng nasawing mayora.”

Sumagot ang reporter, “Oo, Luz. Wala pa sa atin ang mga detalye pero ayon sa ating source ay nakakalula diumano ang mga ginawa ng napaslang na mayora. Sa mga darating na araw ay malalaman natin ang lahat ng mga detalye.”

She was stunned. Kahit tapos na ang ulat ay nakatunganga pa rin si Dulce sa telebisyon. Inilipat niya ang channel at ang balitang iyon pa rin ang kanyang napanood. Labis-labis ang naging interes ng media at sa ngayon ay mga espekulasyon pa lang ang balita, bagaman malinaw na lumabas kung gaano kasama si Candida.

“Baba…” sambit ni Dulce. Agad niyang kinuha ang cell phone pero natigilan din. Bakit niya tatawagan ang lalaki? Ano ang sasabihin niya?

But he was mourning now, she was sure. Hindi rin niya tiyak kung baka madamay pa ito sa mga kasong dapat sana ay kay Candida lang. Nagpasya siyang tawagan na ang lalaki.

Sinagot nito ang tawag. “Kumusta ka na?” bungad nito.

“I-I’m okay. You? Napanood ko sa balita. I’m… I’m sorry, Baba.”

Bumuntong-hininga ito. “Wala kang dapat alalahanin sa akin.”

Namayani ang katahimikan. What she wouldn’t do to make him say something. Anything. Siya na rin ang nailang at nagpaalam. “Anyway, I just wanted to tell you I’m sorry about what happened. Bye.”

Hindi umimik si Baba bagaman hindi pinutol ang linya. Ilang na ilang na si Dulce. Bakit ayaw pa nitong tapusin ang tawag? At bakit siya, ayaw ring tapusin iyon? There was nothing left to say. And yet there were so many things she wanted to tell him. Things she could never bring herself to say. Not today.

“Bye,” sambit niya, saka pinindot ang e nd button.

Kumirot ang kanyang puso. Ramdam na ramdam niya ang distansiya nila at sa mga ganoong sandali ay parang ikababaliw niya iyon, sa kabila ng lahat.

“WHAT am I doing here, Tisha?” tanong ni Dulce sa kaibigan. Isinama niya ito sa Santa Fe. Gamit nila ang kanyang pickup. Salitan sila sa pagmamaneho sa ilang oras na biyahe. At ngayong nasa bayan na sila, inihinto niya ang sasakyan sa tapat ng isang kainan.

“Ang tanong ay kung ano ang ginagawa ko at sinamahan pa kita,” sabi ng babae.

“Dahil kaibigan mo ako.”

“Pero hindi ako agree sa ginagawa mo.”

“I just wanted to… wanted to…” Napabuntong-hininga si Dulce. “I just wanted to make sure he’s all right. Naisip ko rin, wala nang threat magbalik dito ngayon. Hindi na Villacorte ang mayor at nandito pa ang media, sinusubaybayan ang magiging balita rito. We’re safe.”

“You’re killing me, Dulce,” reklamo ni Tisha, bagaman may lungkot sa mukha. “You look so lost. And very hurt. Natatakot akong baka lalo ka lang masaktan pero sinamahan pa kita. Paano, walang ibang sasama sa `yo.”

Natutop niya ang noo. Nahihilo siya. Minasahe niya ang sentido. Madalas mangyari iyon sa kanya noong huli. “Kumain na tayo. Nagugutom na siguro ako.”

Nagtungo na nga sila sa karinderya pero nang makita niya ang dinuguan ay biglang nanikip ang kanyang lalamunan at napatakbo sa labas para mapaduwal doon. Agad na nakaasiste sa kanya si Tisha.

“Are you all right?”

“It’s stress. Dalawang buwan na akong ganito.”

Ngumiti ang babae. “Are you sure you’re not pregnant?”

Natigilan si Dulce.

Nanlaki ang mga mata ni Tisha. “I was just kidding!”

Pero natulala na siya. Pilit niyang tinandaan kung kailan siya huling dinatnan pero hindi na iyon maalala. Hindi niya naisip ang bagay na iyon dahil iba ang laman ng kanyang isip noong nakaraan.

Agad siyang inalalayang umupo ng kaibigan. “When was the last time you had your period?” tanong nito.

Napailing siya. “Irregular naman talaga ang mens ko. Minsan two days lang wala na. Minsan naman hindi agad dumarating.”

“You mean to tell me that you had unprotected sex and you didn’t even consider the possibility that you might be pregnant?”

Parang gustong mapahiya ni Dulce bagaman tumango siya.

Natutop nito ang noo, parang nahawa sa pagkahilo niya. Um-order ito ng pagkain, saka sinabi, “Bibili tayo ng pregnancy tester. May botika raw diyan sa tabi, ako na ang bibili.”

Pagkatapos nga nilang kumain ay iniwan siya saglit ng kaibigan at nang bumalik ay nakiusap sa may-ari ng karinderya na pagamitin siya ng banyo. Doon niya ginamit ang tatlong pregnancy test kit na binili ni Tisha. Makalipas ang dalawang minuto, lahat ng iyon ay sinabi sa kanyang buntis siya.

Hindi maipaliwanag ni Dulce kung ano ang nararamdaman dahil sa kabila ng kaba ay may kasiyahan sa kanyang puso. Binuksan niya ang pinto at sinabi kay Tisha, “At least meron na akong matinding dahilan para kausapin siya.”

KABADO si Dulce at hindi makababa ng sasakyan kahit nakikita na niya si Baba sa tapat mismo ng pickup, nakakunot ang noo at halatang nagtataka kung bakit hindi pa siya bumababa.

“Go on,” udyok ni Tisha. “Hindi ako bababa. Ikaw ang dapat niyang makausap.”

May nginig ang kanyang kamay sa pagbubukas ng pinto. Nang magtama ang mga mata nila ni Baba ay parang gusto niyang takbuhin ang binata at yakapin, pero mataas na ang pader sa pagitan nila. Nag-aalangang ikinaway niya ang kamay. Hindi siya makahakbang palapit, salamat at ito na ang lumapit sa kanya.

“Kumusta ka na?” tanong nito.

Nakahinga nang maluwag si Dulce. “I need to talk to you.” Tumingin si Baba sa sasakyan. “Hindi siya bababa.”

“Hindi ka magtatagal? Kailan ka pa dumating? Sino ang nagmaneho? Paano ka makakauwi? Tutuloy ka na agad mamaya? Baka pagod ka pa.” Tuloy-tuloy ang pagsasalita nito at hindi niya maiwasang maisip na nag-aalala sa kanya ang lalaki. Higit pa sa inaasahan niya, sa katunayan.

“Gusto kitang makausap muna sana, Baba.”

“Halika.”

Magkasabay silang pumasok sa loob ng bahay. Malinis doon, bagaman hindi nakaligtas sa kanya ang isang boteng beer na halatang malamig pa, kalahati pa lang ang nauubos. May sakit pa ring dulot sa kanya ang kaalamang si Candida ang totoong mahal nito.

“Umiinom ka yata. Maaga pa,” puna niya.

Agad nitong itinabi ang bote ng beer. “Nadalaw ka.”

“K-kumusta?” sambit ni Dulce, nailang dahil titig na titig sa kanyang mukha si Baba na parang noon lang siya nakita.

“Ayos lang. Ikaw?”

“A-ayos naman.” She fidgeted. “M-may sasabihin sana ako sa `yo at sana `wag kang m-mabibigla.” Pinagmasdan niya ang lalaki. Tutok na tutok ito sa kanya. Napayuko siya. “Baba, I’m pregnant.”

Hindi umimik si Baba kaya napilitan si Dulce na tingnan uli ang lalaki. Para itong nakalulon ng pako sa ekspresyon nito. Dapat ba siyang kabahan o masaktan? Pero nabigla siya nang yakapin nito. Mahigpit. Gayunman ay agad din siyang pinakawalan.

“Hindi ako papayag na magmaneho ka pabalik. Dito ka na muna.”

“W-what are we going to do?”

Matagal bago sumagot ang lalaki. “Gusto ko sanang pakasalan ka pero... baka ayaw mo.”

Napanganga si Dulce. Proposal ba iyon? Sa isang banda, tama si Baba. Ayaw niya. Masyado pang sariwa ang pagkawala ni Candida. Ayaw niyang pakasalan siya ni Baba dahil sa bata.

“W-we don’t need to get married, Baba, but if you want to be the baby’s father, I would really like that. You can stay with me. In my house.”

“Hindi. Ikaw ang gusto kong tumira sa bahay ko.”

Bigla siyang napatango. Of course, that was acceptable too. Oo at marami siyang agam-agam pero wala siyang balak solohin ang mga responsibilidad sa bata. She felt vulnerable right now. Wala siya sa mood magpaka-survivor sa panahong iyon. She needed him beside her, supporting her, taking care of her.

“Bukas na tayo luluwas. Tutulungan kitang mag-empake. Uuwi rin tayo sa Cavite. Kakausapin ko ang mga magulang mo.”

Higit pa iyon sa inasahan ni Dulce. Isa sa mga bumabagabag sa kanya ay ang pagtatapat sa kanyang mga magulang. Malaking bagay kung kasama niya si Baba. Mahabang paliwanagan pero mas magiging madali, kahit paano.

Bago iyon, hindi niya inisip na makakaramdam nang ganoon, na parang naresolba ang kanyang problema kahit paano. Maraming mga problema ang nakabitin pa rin sa ere, mga isipin at damdamin, pero pansamantala ay maayos ang lahat.

“May dala ka bang gamit? Ako na ang kukuha.” Pinisil ni Baba ang kamay ni Dulce at lumabas. Nang bumalik ang binata ay kasama na si Tisha na agad tumingin sa kanya.

Tipid na ngumiti si Dulce sa kaibigan at umasang maiintindihan nitong maayos ang naging usapan nila ni Baba. Mukhang nakahinga ito nang maluwag.

Dadalawa ang kuwarto at pinatuloy sila ni Baba sa kuwarto nito. Doon ay agad siyang tinanong ni Tisha. “You look okay.”

“I am okay.” Napabuga siya ng hangin. “That was easier than I thought.”

Tumango ang babae, parang hinihintay na magkuwento pa siya pero hindi na siya umimik. Gusto lang niyang sarilinin sa ngayon ang mga isipin. Nagpahinga na muna siya. Labis pala siyang nangulila sa kuwarto na iyon. Sa pagod siguro ay agad siyang nakatulog at nagising nang madilim na. Tinatawag na sila ni Baba, kakain na raw.

Tahimik lang sila sa hapag at naunang bumalik sa silid si Tisha. Nagkaroon uli ng oras sina Dulce at Baba para makapag-usap.

“Magagalit si Tatay,” sabi ni Dulce.

Tumango si Baba. “Normal sigurong reaksiyon ng ama.”

“D-do you really want to do this though? I mean, come with me and live with me?”

Muli ay tumango ang lalaki. “Magkakaroon na tayo ng anak. Gusto ko ng isang buong pamilya, Dulce. Sana… sana ganoon ka rin.”

“Of course.”

Ang pader sa pagitan nila ay hindi matibag-tibag at bago pa tuluyang mailang si Dulce ay nagpaalam na siyang magpapahinga. Gayunman, matagal bago siya dinalaw ng antok. Bagong buhay ang kanyang tatahakin at umaasa siyang handa si Baba roon. Mukha naman dahil sa sinabi nito. Alam niyang maraming adjustment, alam niyang sariwa pa rito ang mga pangyayari, pero iba na ang sitwasyon. She wanted to share that baby with Baba. She wanted a family too.

Nagpasya siyang huwag nang pakaisipin ang mga bagay na iyon sa ngayon, ang mga agam-agam, ang mga negatibong isipin. Matindi na ang stress niya para dagdagan pa iyon. Kawawa ang batang dinadala niya.

Kinabukasan, alas-siyete ng umaga ay bumiyahe na sila. Gabi na nang makabalik sila sa Maynila. Ang presensiya ng binata sa bahay ni Dulce ay may pamilyar na sayang dulot sa kanyang puso. She wondered if he was going to learn to love her somehow. Iyon din ba ang gusto niya? Was this a huge sacrifice for her pride? Could she live with herself if she allowed her pride to get in the way this time?

Wala silang romantikong napag-usapan ni Baba. At hindi niya alam kung magkakaroon sila niyon. Muli, sinaway niya ang sarili sa pag-iisip ng mga ganoong bagay. Isa-isa lang muna. Sa ngayon, ang dapat niyang isipin ay ang bata, ang mga hakbang nila ni Baba.

“Well, you know the place. Feel right at home.” Tinangka niyang pagaangin ang tono, ang sitwasyon.

Tipid na ngumiti ang lalaki, tumango. “Salamat.”

Now she wondered how to demolish that wall between them. Hindi siya sanay sa ganoon. This was very surreal.

Pumasok na si Dulce sa kanyang kuwarto at naligo. Paglabas, nakita niya sa kama si Baba, nakalatag na roon ang mga damit niya mula sa closet at nakabukas na rin ang maleta.

“Pasensiya ka na kung nakialam ako sa mga gamit mo,” sabi nito. “Ayoko lang magbuhat ka. Itong maleta mo, doon sa itaas nakalagay. Alam kong pagod ka sa biyahe at lalo kang mapapagod kung hindi kita tutulungan.”

“It’s all right.” Ngumiti siya.

Inabutan siya nito ng damit bagaman hindi umalis ng kuwarto. Parang naiintindihan nito iyon nang hindi niya magawang hubarin ang suot na roba. Bigla itong napangiti at napangiti na rin tuloy siya. Hindi pa nagtagal, tumawa ang lalaki, hinaplos ang kanyang pisngi at tumalikod na. It felt so damned good to see him smile and laugh again.