16
“P ASENSIYA ka na, Dulce.”
“You shouldn’t have, Baba!” giit ni Dulce. She was mad. Pakiramdam niya ay inalis sa kanya ni Baba ang karapatang tiyempuhan ang pagkukuwento kay Tisha ng tungkol dito. Naiinis siya na pinahirap pa nito ang sitwasyon.
“Sorry. Pasensiya ka na, Dulce, kung pinangunahan kita.”
Pinagmasdan niya ang lalaki. Tila nangungusap ang mga mata nito at hindi patas ang lahat ng iyon, naisip niya. Na kaya nitong tumingin sa kanya sa ganoong paraan para agad niyang malimot ang inis at frustration. “You’re unfair, you know.”
“Alam ko. Pasensiya ka na.”
Biglang napangiti si Dulce. “It’s unfair that you can just look at me like that and everything’s okay.”
Napangiti na rin si Baba at lumapit sa kanya. Niyakap siya nito, hinalikan ang kanyang ulo. “Alam kong hindi lahat ng tao, mabilis akong matatanggap. Hindi ko siya dapat binigla. Siguro hindi ko lang nagustuhan ang pagtatanong niya sa akin.”
“I know. Naiintindihan kita, Baba. Mabait naman `yon, medyo mausisa lang talaga. She cares about me, that’s why.”
“Naisip ko nga rin `yon. Pasensiya ka na.”
Hinaplos ni Dulce ang pisngi ng binata. “Everything’s okay, Baba.”
Nagyaya ito sa kusina at dalawa silang nagligpit ng pinagkainan nila. Bagaman nabura na ang inis ni Dulce sa lalaki ay hindi niya magawang burahin sa isip ang mga sinabi sa kanya ni Tisha. Hindi rin maalis sa kanyang isip ang katotohanang ganoon pala ang maaari niyang maramdaman kapag humarap na sila ni Baba sa ibang tao. Palagi bang magiging ganoon?
Saka naalala ni Dulce na kailangan nga pala niyang tawagan si Joaqiun. God, Joaquin. Of course. Bakit ba nawala na ito nang tuluyan sa isip niya?
“Ayos ka lang?” pukaw sa kanya ni Baba.
Tumango siya. “Pagod lang siguro. Bukas nga pala pupunta ako sa office. Maiwan ka na lang dito?”
“Sasamahan kita, siyempre.”
Muli ay tumango siya. Naisip niya, bakit ba siya mamroblema? She was going to take this one step at a time. Isa-isa lang, mahina ang kalaban. Wala namang nagsasabi sa kanyang paspasan niya. Walang nag-uudyok na magmadali sa kanyang mga desisyon. Hindi kailangang ora mismo ay makabuo siya ng mga kapasyahan sa buhay.
“Kailan tayo babalik sa Santa Fe?” tanong ni Baba nang nasa sala na sila at nakaupo sa sofa.
“Naiinip ka na ba dito?”
“Paano ako maiinip kung nandito ka?”
“Hindi na ba delikadong bumalik?”
“Nakakuha na si Macario ng matutuluyan natin. Hindi na tayo babalik sa bahay sa ngayon. May nakuha siyang bahay na mas ligtas. Sa farm kasi hindi natin nakikita agad kung may darating na tao. Mahirap na. Kung hindi lang kailangang bumalik para sa pakay mo, siguro mas magandang dito na lang muna tayo.”
“Mas gusto ko rin `yon,” pag-amin ni Dulce, saka idinikit ang pisngi sa dibdib ni Baba. Kung puwede lang ay hindi na sila umalis sa kanyang bahay. Sa kabila ng pasya niyang huwag pakaisipin ang mga problema, hindi niya maiwasang kabahan sa mangyayari sa mga darating na araw.
Kapag nakita na nila ang hinahanap niyang tao, paano na? Babalik na sila sa Maynila? Pero paano si Baba? Ibebenta ba nito ang lupa sa Santa Fe para sa Cavite na tumuloy at iyon na ang gawing pangunahing kabuhayan? Siguro.
“Kapag nakita ko na ang hinahanap ko, paano…?” sambit ni Dulce kahit pinipigilan ang sariling magtanong. Ayaw rin niyang magdesisyon ang binata base sa pinagsamahan nila nitong nakaraang ilang araw lang. Gusto niyang bumuo ito ng desisyon base sa kung ano ang gusto talaga nito.
Hinalikan ni Baba ang kanyang noo. “Sosorpresahin na lang kita.”
Napangiti tuloy si Dulce. That sounded so positive. At biglang nagsaya ang kanyang kalooban. Niyakap lang niya ang binata hanggang sa maalalang kailangan niyang tawagan si Joaquin.
“I need to call my boss,” sabi niya.
Kumunot ang noo ni Baba. “Akala ko ikaw ang boss?”
“Yup. But I have a partner. Siya talaga ang namuhunan.”
“Sige. Hihintayin kita sa kuwarto. Pagpasok mo, talop na ako.”
Napahagikgik si Dulce bagaman nanudyo ang imahen na iyon ni Baba sa kanyang isip. “Promise, Baba?”
“Promise,” he said, winked at her, and left.
Nakangiti pa rin siya nang kunin ang cell phone. Nakita niyang may mensahe si Joaquin. Gusto raw siya nitong makausap. Bigla siyang napahiya. Hindi nagte-text nang ganoon ang lalaki kung hindi importante. Agad niya itong tinawagan at sinagot nito iyon.
“Dulce, thank God.”
“What happened?” nag-aalala niyang tanong.
“Nothing.” Bumuntong-hininga si Joaquin. “Papa has been very vocal lately, expressing his disappointment that we still couldn’t find them. Every time he feels depressed, his blood pressure shoots up.”
“I’m sorry—”
“I don’t blame you. I know it’s like looking for a needle in a haystack. It’s crazy, actually. But things are showing promise. Nakakita ako ng picture ng mag-ina.”
“Oh, my God, that’s great news! Bakit ngayon mo lang sinabi?” Totoo ang kasiyahang naramdaman niya. Totoo ang kanyang concern para sa matandang Cardinal. “Can you send it to me?”
“Ngayon ko lang nakuha. It’s a long story. I need to have the photo enhanced. Hindi masyadong maganda ang kuha. Gusto ko sanang i-zoom ito, pero alam mong hindi ako marunong sa ganyan.”
“Just e-mail it to Tisha, Joaquin. She’s an expert. And by tomorrow afternoon, I’d probably have it.”
“You’re heaven sent… When this is all over, I was thinking that maybe we can go out and have dinner?”
Natulala si Dulce. Hindi niya magawang makapagsalita. Napakatagal na panahon niyang hinintay na marinig iyon mula kay Joaquin. Ilang gabi ang inubos niya para pangarapin lang ang pagsapit ng araw na iyon. Ngayong dumating na, hindi niya alam kung ano ang isasagot—dahil hindi niya alam kung paano ito tatanggihan.
It was so very easy to decide if she was going or not. Baba made sure of that. Natural, hindi niya magagawang lumabas kasama si Joaquin. Hindi na ngayon. Madaling masiguro na si Baba lang ang gusto niyang makasama sa hapunan. Sabihing wala silang pormal na usapan ay parang hindi tama sa kanyang pakiramdam na lumabas kasama si Joaquin.
“Are you still there?” pukaw ng lalaki sa kanya.
“O-of course.”
“So, what about it?”
“We’ll see. Hindi ko pa alam kung mahahanap ko ang mga ipinapahanap mo, Joaquin.” Shit. She hated lying like that. Pero hindi niya magawang tanggihan ang lalaki nang ganoon na lang. Joaquin was one of the nicest, kindest, most generous persons she knew. Mas gusto niyang kausapin ito nang personal para sa bagay na iyon. In time. Hindi pa ngayon.
“Great. And again, thank you so much, Dulce.”
“Don’t mention it.”
“Good night.”
Bumati rin si Dulce sa lalaki, saka tinapos na ang tawag. Bigla siyang napangiti. Bigla ay parang gumaan ang kanyang pakiramdam. Bago tumuloy sa kuwarto niya ay kumuha muna siya ng isang bagong sketch pad. May stock siya niyon.
Pagbukas ni Dulce ng pinto ay napahagikgik siya nang makitang totoo ang sinabi ni Baba kanina, bagaman nakatakip ang kumot sa ibabang bahagi ng katawan nito. Nakatukod ang siko ng binata sa kutson, nakapatong doon ang ulo.
Perfect, she thought.
“`Ba?”
“Hmm?”
“I-sketch kita, ha?”
Umungol ng protesta ang binata, bagaman ngumiti rin, saka tumango. “Anong pose? Ganito ba?” Nag-flex ito ng muscles sa braso.
Lihim na nahigit ni Dulce ang hininga. Alam niyang nagbibiro lang si Baba pero anong init naman ng birong iyon!
“O mas gusto mo ang ganitong pose?” Inilagay nito ang magkabilang kamay sa likod ng ulo.
Muli ay napasinghap siya. “Just… just…” Lumunok siya. “Just stay on the bed. `Yong kanina mong pose no’ng nadatnan kita. Please?”
Sumunod ang binata, nakangiti pa rin. Oh, he was so beautiful. Siguradong pagkatapos itong iguhit ay lalapatan niya iyon ng kulay. Parang hindi tama na black and white lang iyon.
Parang may sariling isip ang kamay ni Dulce. Ilang minuto lang ay nagpapalit na agad siya ng papel dahil tapos na siya agad.
Finally, she dared to ask him, “Puwedeng alisin ang takip, Sir?”
“Kung ikaw ang mag-aalis,” panunudyo nito.
Napairap si Dulce bagaman agad na lumapit kay Baba. Talagang gusto niyang iguhit nang nude ang binata. He was the most interesting subject she had ever sketched.
Hinigit niya ang kumot at lumantad ang buong katawan nito. Muli, tuloy-tuloy ang kanyang pagguhit, bahagyang naiilang kapag nakikita ang lalaki sa peripheral vision niya na nakatingin sa kanyang mukha habang siya ay nakatingin sa bird nito.
“Stop looking at me!” reklamo ni Dulce mayamaya.
Tumawa si Baba. “Kanina ka pa pulang-pula.”
“Eh, kasi nate-tense naman ako sa `yo. `Wag mo akong tingnan.”
“Saan ako titingin?”
“Ewan ko!”
Muli, tumawa ang binata pero tumingin uli sa kanya. Hindi na lang niya ito pinansin, isang bagay na mahirap gawin. Muli siyang napatingin sa mukha ni Baba nang magsimulang magkaroon ng reaksiyon ang katawan nito.
“Baba!”
“Ikaw kasi,” sambit ng binata na tumayo, saka marahang naglakad palapit sa kanya. His nakedness was perfection. Inabot nito ang kanyang kamay, marahan siyang hinigit patayo para makabig siya sa baywang. Dinampian nito ng halik ang pisngi niya at nanatili ang mga labi sa bahaging iyon. It was torture. Sweet torture. “Dulce…”
Parang naimbento ang kanyang pangalan para sambitin ni Baba. Her name belonged to those lips. And she thought she didn’t want those lips to utter some other woman’s name. Ever.
Nagtagpo ang mga labi nila.
With Baba, it was easy to forget everything else. Iyon mismo ang nangyari sa mga sumunod na sandali.
“SINO’NG kasama mo?”
“Wala. Inihatid lang ako ni Baba. And no, Tish, I really don’t want to talk about it, okay?” Inagapan na agad ni Dulce ang kaibigan dahil halatang may mga tanong na naman ito.
Umingos si Tisha. “Sinabi ko na sa `yo kagabi na naiintindihan kita. Itatanong ko lang po, Miss, kung kailan mo kailangan ang picture nina Dominga.”
“Oh, Joaquin sent it already?”
Tumango ang babae. “Mamaya siguro okay na.” Iniabot nito sa kanya ang isang larawan. “Nadatnan ko `yan dito sa table ko pagdating ko. I scanned it and I’m working on it. Medyo marami lang akong kailangang ayusin dahil alam mo na, ako lang mag-isa ang nandito sa executive office, ilang linggo na. Tambak na ang trabaho ko.”
Napangiti si Dulce. “Fine. Work on the image. Ako na ang bahala sa iba. Hmm…” Pinagmasdan niya ang larawan. Kahit colored at mukhang kuha iyon sa isang pipitsuging studio, kailangan pa rin talagang i-enhance. Mahihirapan ang titingin doon na makilala ang mag-ina sa larawan dahil maliit lang iyon.
Maganda si Dominga. Simple pero maganda—alon-alon ang buhok, matangos ang maliit na ilong, makipot ang maninipis na labi. Ang batang si Dante sa larawang iyon ay mukhang ordinaryong batang cute na cute. Dalawang taon pa lang siguro ang bata sa kuhang iyon. Mahirap matukoy kung kahawig ni Dante Cardinal ang anak sa ganoon kabatang edad ng bata.
Where are you, guys? sa isip-isip ni Dulce. Talagang nagtataka na siya kung bakit parang bulang naglaho ang mag-ina. Pero kahit paano, malaking tulong ang larawang iyon. Salamat at nakita iyon ni Joaquin.
Mabilis niyang inayos ang mga nakatambak na trabaho. Hindi tulad ng sinabi ni Tisha ay hindi iyon ganoon karami. Mahusay ang babae sa trabaho. Bandang tanghali ay tinawagan siya ni Baba.
“Tama na ang trabaho, kakain na,” bungad nito.
Napangiti agad si Dulce. “Opo. Where are you anyway?”
“Nandito sa conference room mo.”
“What?” Napatayo siya. “Hindi ka nagsabi?”
“Dito ako pinapunta ni Leticia.”
“I’ll be there.”
Agad siyang lumabas. Nakatingin lang sa kanya ang sekretarya. Naghanap siya ng paliwanag sa pamamagitan ng pagtataas dito ng isang kilay.
Nagkibit-balikat si Tisha. “What? Nagtanong siya kung saan daw niya puwedeng ihain `yong dala niyang pagkain. Wala naman tayong malaking pantry so sabi ko na sa conference room na lang.”
“Ano na ang palagay mo sa kanya ngayon?”
Matagal bago nakasagot si Tisha. “Lahat ng lalaki, sweet sa simula.”
Nagpasya si Dulce na huwag nang patagalin pa ang diskusyon. Ayaw niyang marinig ang iba pang sasabihin ng kaibigan. Malinaw na hindi pa nito ganap na kilala si Baba. Isa pa, nagdesisyon na siyang huwag madaliin ang lahat.
Tumuloy na siya sa conference room at naroon na nga si Baba. Nakahain din doon ang pananghalian nila—laing, pritong isda, menudo, at adobo.
“Ang dami naman,” nakangiting baling niya sa binata.
“Hindi ko alam kung ano ang gusto mo. Kain na.”
Sa halip na pumuwesto ay hinalikan muna ni Dulce si Baba sa pisngi. Naa-appreciate niya ang lahat ng ginagawa nito. Sa katunayan, noon lang niya naranasan ang ganoon. Wala pa siyang nagiging boyfriend, maliban noong nasa kolehiyo at naisip na kailangan niyang ibaling sa iba ang pagtingin kay Joaquin. Dalawang linggo lang tumagal ang kanyang relasyon sa lalaking iyon na sa totoo lang ay hindi na niya maalala ang apelyido.
“Thank you, Baba. You’re very sweet.”
Ngumiti ito. “Marami ka bang ginagawa? Gusto mo ng masahe?”
“`Ayan na naman `yang masahe mo,” umingos niyang sabi. “Ang masahe mo, kung saan-saan nakakarating!”
Ang lakas ng tawa nito. “Malapad itong mesa mo.”
“Baba!”
Patuloy itong tumawa, bagaman ipinaghila na siya ng upuan. Masaya silang nag-lunch at nang matapos ay nagpunta sila sa kanyang opisina. Nagmukhang pagkaliit-liit niyon sa presensiya ni Baba. Una, akala niya ay maiinip ang lalaki pero mukhang kontento na itong magbasa ng mga magazine sa couch. Komportable siyang magkasama sila sa kuwarto. Sa katunayan, mas gusto niyang naroon ang binata.
“Hindi ka naiinip, `Ba?” tanong ni Dulce mayamaya. “Saglit na lang ito. Saka hinihintay ko rin matapos si Tisha. Nakakuha na ako ng picture ng mga taong hinahanap ko, ipinapa-enhance ko lang.”
“Ibig sabihin, babalik na tayo sa Santa Fe?”
“Looks like it. Kaya inaayos ko na lahat dito sa office. Hindi natin alam kung kailan tayo makakabalik dito.”
Tumango ito. “Kung may picture, mas madali nga nating mahahanap.”
Ngiting-ngiti si Dulce. Para sa kanya, isang adventure ang magiging paglakad nilang iyon. Naniniwala rin siya kapag sinabi ni Baba na magiging maayos ang lahat. Hindi ito ang tipong babalik sa Santa Fe nang hindi alam kung ano ang mangyayari sa kanila. Gayunman ay kailangan niyang muling itanong, “Safe ba talagang bumalik, `Ba?”
Tumango ito. “Isang tao lang siya.”
“You know him. Who is he?” Bakit ba ngayon lang niya naalalang itanong uli iyon? Parang umusad nang ganoon na lang ang nakalipas na ilang araw at ang mahahalagang bagay na kailangan niyang maitanong kay Baba ay hindi niya naitanong lahat. “Naaalala kong ayaw mong isumbong natin siya sa pulis.”
“Walang magagawa ang mga pulis.”
“Kung ganoon, paano mo nasabing safe bumalik?”
“Dahil nag-iisa lang siya—bata, wala pa halos alam. Ang mahalaga lang, makahanap tayo ng tutuluyan na sarado. Sa farm makakapasok siya nang hindi natin alam, makakapagmanman nang matagal nang hindi natin nakikita.”
Tumango siya. “But how did you know him, Baba?”
“Tauhan siya ng mga Villacorte na may personal na galit sa akin. Pero personal siyang kumikilos, hindi isinasali ang mga kasamahan niya sa grupo. Buo pa rin ang kasunduan namin tungkol sa `yo. Wala kang dapat ipag-alala.”
“`Di ba, huli kang nagtrabaho sa mga Villacorte, ten years ago na? I think that man is about twenty years old. Ten years old siya nagsimulang magtrabaho para sa mga Villacorte?”
Umiling si Baba. “May kasalanan ako sa tatay niya. Hindi na mahalaga. Basta tinitiyak ko sa `yong wala kang dapat alalahanin.” Lumapit ito sa kanya. “Nasaan na ba ang picture na sinasabi mo? Baka sakaling makilala ko sila.”