noveltoon logo noveltoon
A House With Heartthrobs

Chapter 35

Ch. 36 / 78 May 03, 2022

Kanta

"Kain ka muna lugaw girl", nilapag ni Latrelle ang burger at juice sa mesa.

Inayos ni Jez ang buhok ko para sa talent portion. Natulala ako sa harap ng salamin dahil sa kagandahan ko. Hindi ko akalain na may ibubuga pala ako sa mga ganitong patimpalak.

Muntik akong matapilok kanina pero buti na lang at na balanse ko agad ang paa ko. Mataas kasi ang pinasuot na heels sa akin si Jez. Maganda raw iyon para sa postura at height ng katawan ko.

"Salamat ha." Sabi ko.

"Bakit parang labag sa loob mo ang tanggapin yan?" ngumuso siya na parang bata.

"Babawiin ko na lang" Nang hinawakan niya ang burger ay hinawakan kong mabilis ang braso niya.

"Binigay mo 'di ba? Wala ng bawian"

Wala naman siyang nagawa sa sinabi ko kaya humalukipkip siya sa tabi ni Marcus na kasalukuyang nakikipagkwentuhan kay Wyn.

"Paano na yan? May alam ba ng linya rito ni Aviel?" kumamot sa ulo si Jez ng nagtanong sa mga kaklase kong nandito sa dressing room para i-cheer ako.

"Hindi ba Latrelle palagi kang nasa practice nina Kaoree? Baka alam mo?"

Inayos ni Latrelle ang collar ng kanyang polo. Sandali siyang nag-isip. "Hindi ko masyadong saulo 'yun"

"Sino bang gumawa nu'ng kanta?" bumaling sa akin si Jez.

"Labas muna kayo boys magpapalit si Kaoree ng damit", sumunod ang mga lalaki sa sinabi ni Melissa.

Tinulungan niya kong palitan ang damit ko ng simpleng floral dress.

Tumalikod si Jez habang inaayos ang hago ng sapatos niya. Pagkatapos nito ay ipagluluto ko sila ng foreign food bilang pasasalamat. Malalim ang paghinga ni Jez kumpara kanina. Kahit maglagay ng BB cream at liptint na kinagawain niya ay hindi nito magawa dahil sa pag-aasikaso sa akin.

Kahit si Melissa ay sandali lang din ang kain dahil sa pag-alala.

"Salamat ha! Hindi niyo talaga ko matiis" hinalikan ko ang likod ng kamay niya.

"Wala ito! Saka ano pa't naging magkaklase at kaibigan tayo?", sabi ni Melissa sa repleksyon ko sa salamin.

Yumuko siya ng konti. "Nasaan si T.H?", bulong niya saka tinignan si Jez kung nakikinig sa amin.

"May klase yata siya ngayon", wala naman akong pakialam kung pumunta siya o hindi. Ang mahalaga may sumusuporta pa rin sa akin kahit wala siya.

Hindi naman siya kawalan.

"Sayang! I go for Wyn and Latrelle na lang", hagikhik niya. Nilagyan niya ng bagong lipstick ang labi ko.

"Ang malisyosa mo"

"Sus! Gusto mo rin!" humalakhak ako sa sinabi niya.

"Bakit hindi ma-contact si Aviel? Sino bang gumawa ng kanta?" para bang sinabong ng manok si Jez dahil sa ayos ng buhok nito.

Sa totoo, konti lang ang naitulong ko sa paggawa ng kanta. 'Yung babaeng part ay akin samantalang ang tono at lyrics ng lalaki ay si Aviel ang nag-asikaso. Sumabay lang ako sa ginawa niya.

"Hati kami pero siya ang halos gumawa. Wala naman kaming ibang katulong dyan"

Kinagat ni Jez ang ibabang labi nito. Lugmok ang mga mata niya.

"Huy! Ano ka ba? Cheer up! Kaya ko naman mag-isa!" nilapitan ko siya saka niyakap. "I'm okay"

"Anong okay? Hindi okay 'yun. Pang duet ang kanta hindi bagay na mag-isa ka sa stage"

May punto naman siya pero ano bang magagawa ko?

Pumunta si Bruno para practice-in ang lyrics pero maging siya ay hindi niya makuha.

"Pasensya na, Kaoree."

"Huwag mo ng pilitin okay lang ako."

Dumagundong ang malakas na introduction number ng mga dancer hudyat ng simula ng talent portion nitong pageant.

Pumunta sina Jez sa may harapan ng stage matapos akong tawagin ng emcee. Kaya ko namang kantahin to' ng walang gitara.

Inabot sa akin ng emcee ang mic. Tensyado ang mata ng mga ka-department ko. Sina Marcus at Latrelle naman ay nagmwestrang ngumiti ako kaya iyon ang ginawa ko.

Si Wyn naman ay ayon nakangiti rin at nag-fighting sign.

Bumuwelo ako. Inayos ang tayo ko saka nagsimulang bumilang upang mabawasan ang panginginig ng kamay ko.

Isa...

Dalawa...

Tatlo...

Apat...

Lima...

Nanlaki ang mata nina Jez at saka ko lang napagtantong may alam ng kanta bukod sa amin ni Aviel.

Ang panginginig ng kamay ko ay unting-unting nawala ng narinig ko ang strum ng gitara.

Humiyaw ang lahat sa lalaking nakasuot ng polo shirt na asul at pants na sira-sira.

"Omo! Ang gwapo ni T.H!", hiyaw ni Melissa.

Kaya't gano'n na lang ang paghiyaw ng mga tao sa pangalan ni T.H.

Ang mga mata niya ay nakatuon sa akin habang kinakanta ang bawat liriko. Sa likod niya ay isa pang lalaki ba pamilyar sa akin. Pula ang mahaba nitong buhok at may piercing. Nakaharang sa kanya si T.H kaya hindi ko siya makita.

Hey, lady

I know it sounds crazy

You've got this beautiful eyes

Captivating smile

Sparks flew within us

You suffocate me by a kiss

Tender lips with mine

Completing my heart's desire.

Hindi ko alam kung nanaginip ba ko. Pero bakit alam niya ang tono ng kanta?

Tumindi ang tibok ng puso ng hinawakan niya ang kamay ko. Ang mainit na paghinga niya ay naramdaman ko sa aking tenga. "Huwag kang kabahan nandito ako"

Muntik ko pang makalimutan ang lyrics ng kanta dahil sa sinabi niya.

Hello to my man

I'm a slave of you

Missing you everyday

Is A hobby of my heart

Millions of people

And I found you

The only man of my heart

A special Gift from God.

Naghiwayan ang mga tao. Sinigaw pareho ang pangalan namin. Para bang dinaig namin sikat na love team dito sa Pilipinas.

Kusang kumurba ang ngiti sa labi ko. Hinapit niya ang bewang ko. Hindi ko alam kung ginawa niya ba ito para makakuha ako ng dagdag na audience impact pero bahala na basta kinilig ako.

Chorus:

Hey, love

It's been days, months and years

I'm still in love with you

Burning sensation of purity

Choosing you in sunny days

Be with you in rainy days,

How I love being with you

A thousand times saying I love you.

"Grabe! Ang tindi ng chemistry!" sigaw ng kaklase kong bakla. Hindi ko sigurado kung si Archie iyon.

Natawa ako sa sinigaw niya.

Staring the blue sea beside you,

Sitting next to you every night,

Chatting with you is my lullaby,

Feeling this warm in your arms.

You tie my body with love,

Assurance that I don't demand,

I found the missing color of my paint,

A missing page to my book.

Naghum ang lahat sa pagkanta namin hanggang sa...

Nilapit ni T.H ang mukha niya sa akin. Magkadikit ang noo naming dalawa habang dahan-dahan naming sinambit ang mga huling lyrics nga kanta.

Bridge:

Holding you tight

Keep you till eternity

Kneel to you,

Say yes to my question...

Pinagsalikop niya ang kamay naming dalawa saka niya binanggit ang hindi ko makakalimutan at paborito kong linya ng kanta.

Will you be mine forever?