noveltoon logo noveltoon
A House With Heartthrobs

Chapter 26

Ch. 27 / 78 May 03, 2022

Costume

"Sino naman 'yung mga kasama mo nu'ng isang araw?" hindi ko gusto ang tono ng pananalit niya. Gano'n pa man ay hindi ko na lang pinansin baka masama ang gising niya.

Dahil sa hindi ko pagpansin sa kanya ay inagaw niya ang filler ng notebook ko. Kumunot ang noo ko dahil ngayon na nga lang ako muling nagsulat tungkol sa ginagawa kong nobela ay guguluhin pa ko.

Masarap sigurong hilahin ang mahaba niyang buhok na hanggang bewang. Tapos gasumitin ang mukhang puno ng make-up gamit ang kamay ko.

"Bingi ka ba?! Tinatanong ka. Bakit ayaw mong sumagot?" mas lumakas ang boses niya kaya pinagtinginan siya ng mga kaklase kong abala sa kani-kanilang ginagawa.

Luminga-linga ako sa paligid. Ang tagal namang bumalik ng dalawa niyang kaibigan. Ako pa ang napili niyang pagdiskitahan. Kahit si Melissa ay wala pa rin.

Ngayong oras ay wala ang professor namin dahil may biglaan silang seminar kaya karamihan sa mga kaklase ko ay lumabas para bumili sa cafeteria.

"Hindi mo kinaganda 'yang hindi mo pag-imik" bumaba ang tono ng pananalita niya pero nandoon pa rin ang awtoridad nito.

Ngumisi ako. "Hindi lang ako maganda. Dyosa rin ako saka pakialam mo ba sa mga kasama kong lalaki nu'ng isang araw"

Hindi ko maintindihan kung ang tinukoy niya ay 'yung kasama ko ang limang lalaki maghiking. Paano niya naman kaya nalaman ang tungkol don?

Ni myday sa Facebook ay hindi ko ginawa saka hindi naman kami friends. Ang plastik niya.

Madalas ko siyang makitang sinisiraan si Sasha sa mga kaklase ko. Akala ko pa naman mas maganda ang ugali ng kaibigan niya kaysa sa kanya.

"Nakita kita nu'ng araw na naghiking ka kasama sila..."

Nagpatuloy ako sa ginagawa ko ng hindi niya namalayan na naagaw ko sa kanya ang filler ko.

Ano kayang magandang plot twist? Nasa chapter five na ko ng aking story pero wala pa rin akong maisip. Nu'ng isang araw ko pang sinimulan ang backbone ng kwentong ito pero wala akong maisip na magandang twist.

"May offer ako sa'yo..." sandali kong iniangat ang tingin ko sa kanya. Kakaiba ang ngiti nito at namumula ang pisngi.

Ano naman kayang klaseng offer ang iaalok ng malditang ito?

"Ang bobo mo kasi sa General Math. Papakopyahin kita kapalit ng pagpapakilala mo sa akin sa kanila"

Ang harsh naman niya masyado pero totoo naman.

"Bahala na..." sabi ko na parang wala lang iyon sa akin.

Malaking bagay 'yung offer niya kaso ayoko talaga. Kaya ko naman ang sarili ko saka may kapit ako kay Wanwan. Pinakopya kaya kami nu'n ni Melissa.

"Sige. Goodluck pala mamaya sa P.E. Hindi ba ka-group mo si Sasha?"

Oo nga pala. Mamaya na pala 'yun nawala sa isip ko. Sa totoo lang ay tatlong araw lang kaming nagpractice hindi dahil gahol sa oras kung hindi tamad lang talaga kami saka si Sasha kasi ay abala nu'ng isang linggo sa sayaw niya.

Balita ko nga nanalo ang barangay nila kaya may swimming sila next week. O, 'di ba? Iba talaga ang chismosa. Updated.

"Pa-kopya naman ako!" sabi ni Melissa na wala manlang preno ang bibig mabuti na lang at may kausap ang matandang professor namin.

"ProfEd subject na nga lang 'yan, Melissa" sumimangot ako. Dumaplis kasi ang ballpen niya sa uniform ko. Mahirap pa namang tanggalan ng mantsa ang tela nito.

"Ito naman, o. Ang damot! Parang minsan lang eh!"

Si Wanwan ay to the rescue naman na nasa tabi niya. Nasa gitna namin si Melissa kaya ma-swerte siya.

"O, ito..." binigay ni Wanwan ang scratch paper niyang naglalaman ng essay.

"Maaasahan ka talaga!" niyakap siya ni Melissa. "...kaysa naman sa isang ito"

"I don't tolerate bad things" umismid ako.

"Coming from you? Pare-pareho lang tayong nangongopya no'." Saka siya nagpatuloy sa pagsulat.

Gumaan ang pakiramdam ko ng natapos ang long quiz namin pero agad namang pinalitan iyon ng kaba dahil sayaw na namin sa P.E. Ang lahat ng grupo ay abala sa pagre-rehearse ng kanilang sayaw.

Ang iba naman ay confident na synchronize ang kanilang choreography kaya nagpalit sila ng costume.

Sandali naman kaming nagpractice nina Sasha kasama ang tatlo pang lalaki na hindi ko tanda ang pangalan.

Sa lilim kami ng puno nagpractice sa may tagilirang stage.

"O, basta kaya niyo na 'yan. Narinig ko bukod daw 'yung group performance at individual grade. So, goodluck" nagflip siya ng buhok saka umunang bumalik sa room.

"Magpalit na kayong damit", paalala nito.

Abot-abot ang kaba ko dahil wala sa bag custome ko. Ilang segundo kong inaalala habang nakaupo kung naiwan ko ba iyon o baka naman nagpalagay ako ng gamit kay Melissa. Malaki ang bag ng kaibigan ko kaya minsan nagpapalagay ako sa kanya ng gamit lalo ng libro.

Naalala ko naligo ako kanina, kumain, nagtoothbrush, tapos naglinis ng bahay. Pinakain si Nachi 'yung aso ni T.H tapos inaya ako ni Jez na pumasok kaming eskwelahan.

Ilang segundo ko pang inaalala ulit at...

Naiwan ko 'yung paper bag sa may sofa kung saan nakalagay 'yung costume ko. Hiniram ko pa naman iyon kay Wanwan kasi meron siyang pang Festival Dance na custome.

Iba't-iba bansa ang nirerepreswnta bawat grupo. Mabuti nga't hindi ibang bansa ang sa amin kaya hindi kami gumastos ng malaki. Ang gastos lang namin ay crepe paper na ilalagay sa buhok. Ewan ko ba kay Sasha bakit kailangan ng gano'n.

Nagtext ako kay Latrelle kasi alam ko nakauwi na siya ngayon para bantayan si Marcus. Nagtext muli ako sa isa pang pagkakataon na wag niya na lang dalhin. Makikiusap na lang ako sa professor ko na next week na lang kami magperform.

Once a week lang ang P.E namin pero dalawang oras iyon sa hapon. Lumapit ako sa kanya na mangha-mangha sa kasuotan ng ibang grupo.

"Sir, nalimutan ko kasi 'yung costume ko baka pwedeng-" pero hindi niya ko pinatapos.

"Hindi eh. Ang tagal ko ng sinabi ito sa inyo sana nag-effort kayong hindi makalimutan ang gano'ng bagay" inayos niya ang malaki niyang salamin saka binasa ang mga pangalan namin na nasa index card.

Lambot akong umupo sa isang tabi.

"Let's welcome the group one!" sabi ng President namin na siyang Emcee.

Sa palagay ko ay China ang bansa nila kaya gano'n na lamang ang pagkasingkit ng mga mata nila pati na rin ang ayos ng kanilang payong.

Tatlong minuto natapos agad nila ang sayaw ng malinis. Wala akong ganang manood dahil malaki ang bawas kapag kulang ang props.

Natigil sandali ang lahat kahit ang ilang estudyante na kalalabas lang galing classroom.

Laglag ang panga ng aking mga kaklase kahit ang assistant ng professor ko ay walang kawala sa karisma ng dumating.

Lumingon ako, akala ko dumating 'yung gwapong professor namin sa Math pero iba pala.

"Lugaw girl, costume mo" binaba ni Latrelle arm rest ang bitbit niya.

Kahit simpleng puting shirt at walking pants na binagayan niya ng sandals ay talaga namang nag-umapaw pa rin ang ka-gwapuhan niya.

Ngayon ko lang ito sasabihin sa kanya ng walang halong sama ng loob.

Huminga ako ng malalim saka tumingin sa kanya ng diretso.

"Salamat, Latrelle."

"Super hero mo ko. I'll save your day even if it's everyday and night" nakangiti niyang sambit na talaga namang nagpabaliw sa mga nandoon.