noveltoon logo noveltoon
A House With Heartthrobs

Chapter 63

Ch. 64 / 78 May 03, 2022

Sleep here

"I dare you to kiss me, T.H." Walang bakas na pagdadalawang-isip na sinabi ni Rosella.

Tahimik ang lahat matapos ng sinabi niya. Tinignan nila ako na may halong lungkot. Gumuhit ang mapagkunwaring ngiti sa labi ko. Tinignan ako ni T.H. tila hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Rosella.

Kumunot ang noo niya sa babaeng katabi niya na halos abot-langit ang ngiti. "Now, what T.H?" Sabi ni Rosella.

Lumunok ako ng dalawang beses saka yumuko. Unang lunok para sa pampatanggal ng kaba kung gagawin niya ba iyon. Huling lunok, upang bumaba ang sakit ng puso ko at mawala ng tuluyan.

"Nahinga ka pa ba?" Tinapik ni Jez ang aking likod. Hindi ko alam Jez kung nahinga pa ba ko, o baka bigla na lang maputol ang paghinha ko kung sakaling parehas na mata ko mismo ang makakita kung paano halikan ni T.H si Rosella.

"O‐oo n-naman!" Pilit kong sagot.

"Ano ka ba! Tignan mo 'yung gagawin ni T.H. Huwag kang magmukmok. Lalo lang ma-tri-trigger ang pagiging kontrabida ni Rosella." Pabulong na sermon ni Jez.

Nagvibrate ang cellphone ko.

T.H

You look worried. Are you okay?

"Sabihin mo nga kay T.H kung lalandiin ka. Pakibigyan naman ng kasiguraduhan. Hindi 'yung nagmumukha kang tanga kakaisip kung ano ba ang mayroon sa inyo at sa kanila ni Rosella." Litanya ni Jez habang nakatingin sa mensahe ni T.H.

Tinaasan niya ng kilay si T.H na ngayon ay nakatingin sa amin.

"Sabihin mo okay ka lang." Saad ni Melissa sa tabi ko.

"Kung ako sa'yo, huwag mo ng replyan! Hayaan mong mamatay siya kakaisip kung okay ka ba o hindi. Saka obviously, girl. Hindi ka okay." Katwiran ni Jez.

Tinitigan ko ang text message ni T.H. Maraming beses akong nagpakawala ng paghinga.

"Is there any sanction if he didn't do the dare?" Ngumuso si Rosella sa pagkadismaya. Para siyang batang umuungot sa tabi ni T.H habang nakapulupot ang braso niya sa taong mahal ko. Alam kong masakit na makita silang ganyan pero wala naman akong magagawa kung hindi lasapin ang lahat.

"Wala yata tayong pinag-usapan kanina tungkol dyan?" Hindi siguradong sagot ni Marcus kay Rosella kaya napakamot siya sa kanyang ulo.

"T.H please! Just one kiss! Sa labi! I just want to taste the softness of your lips." Lumabi siya at parang batang nagmamakaawa kay T.H.

"Desperada." Bulong ni Sasha habang nilalaro ang sarili niyang buhok.

"What did you say?" Pahamon na sambit ni Rosella.

"Ang sabi ko, desperada ka! Stop acting like that mahiya ka sa sarili mo." Sermon ni Sasha saka inikot ang bote kahit wala pa man sagot si T.H sa naturang dare para sa kanya.

"Wow? I look desperate? Wait. How about you flirting with Latrelle? Oopss. Sorry. Nadulas." Humagikhik siya sa sarili sinabi.

"But it's different. Hindi katulad sayo. Gutom ka sa atensyon ng lalaking ayaw sayo. Pathetic." Umayos ng upo si Sasha saka bumuwelo upang magsalita muli. "Correction lang. Kung sa tingin mo nilandi ko si Latrelle. Yes, totoo 'yun pero hindi katulad ng sayo. Mukha kang nakakaawa."

Tumawa si Sasha at gano'n din ang dalawa pa nitong kaibigan.

"Alam mo I love this girl! This girl named Sasha." Bulong sa akin ni Jez habang palihim tumawa sa aking likuran.

"Okay! I am out!" Aniya Rosella at nagwalk-out. Nagmartsa siya pabalik sa kubo. Sinundan siya ni T.H at hindi manlang siya tumingin sa akin. Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib.

Nagtinginan ang lahat sa isa't-isa saka nagkibit-balikat. "I guess our game ends here." Aniya Sasha.

"Sayang! Hindi ko pa turn!" Sabi ni Jez.

"Oras na siguro para matulog na lang." Tamad na sambit ni Marcus at umuna siya sa tent nila ni Latrelle.

"Siguro nga." Tamad na sambit ni Vanna.

Lahat sila ay pumasok sa kanya-kanya nilang tent maliban sa akin. Nakatulala lamang ako habang naghihintay sa kawalan. May sumilip na anino mula sa tent namin nina Jez at Melissa.

"Hindi ka pa ba tutulog?" Tanong ni Melissa habang nagpupusod ng buhok niya.

Isasagot ko sana na hindi pero sige na nga. Baka dun si T.H matulog kasama si Rosella. Walang halong malisya. Wala lang 'yun.

Pumasok ako sa loob at sa tagiliran ako. Si Melissa ang nasa gitna namin ni Jez. Samantalang si Jez ay may harang na unan sa pagitan nilang dalawa.

"Gusto mo talaga ng real talk? Hindi kita gusto and stop making fun of me." Nginig na sambit ng boses niya habang hawak ang phone niya.

"Sinong kausap niya?" Tanong ko kay Melissa na hinatian ko ng kumot.

"Ja? Jasper? Jaston? Basta parang gano'n 'yung tunog ng pangalan. " Humikab si Melissa saka pumikit.

"Matulog ka na. Pagod ka alam ko." Aniya.

Humiga ako sa tabi niya at inayos ang aking unan. Pumikit ako ng dahan-dahan at nag-imagine ng kung anu-ano. Nag-imagine ako na mapapang-asawa ko ang isa sa NCT o kahit manlang si Donny Pangilinan.

Isa na roon ay makilala ako ni Donny at mapansin niya pero mukhang hindi nagwork ang imagination ko. Kalhating-oras ay gising pa rin ang diwa ko kaya naman dahan-dahan akong bumangon.

Pinagmasdan ko ang aking dalawang katabi. Contest sila sa paghagok. Aba, choir pala sila sa gabi. Tumango-tango ako. Inayos ko ang kumot nilang dalawa saka lumabas.

Tumayo ako sa labas ng tent para pagmasdan ang buong paligid. Ramdam ko agad ang lamig ng gabi. Para bang ang hangin ay kinakalikot ang kabuuan ng ilong ko. Dahil pati loob ng ilong ko ay ramdam ang lamig.

Tinanaw ko ang buwan tila nakangiti sa akin. Pakiramdam ko ay kitang-kita ako nila Mama at Papa. Ngumiti ako, "Miss ko na rin kayo!"

"Kaoree." Nawalan ako ng balanse dahil sa pagkagulat ng nilingon ko kung sino ang nagsalita. Hinapit niya ko sa bewang upang hindi ako tuluyang malaglag.

"Bakit parang nakakita ka ng multo?" Tanong ni Wyn na para bang kumikinang ang kabuuan ng mukha niya.

"Ginulat mo ako! Bakit hindi ka pa natutulog?" Sambit ko ng nakabawi ako ng balanse.

"Gusto ko lang naman maggrill ng marshmallows. Gusto mo rin ba?" Alok nito. May dala siyang stick at mangilan-ngilan na marshmallows.

"Oo!" Masaya kong sagot.

Mabilis siyang gumawa ng bonfire. Pinagtusok niya ko ng marshmallows.

"Ang galing mo rin pala sa ganitong bagay! Saan mo natutunan magbon fire saka mag-ihaw ng mallows?" Mangha kong sambit. Ramdam na ramdam ang init sa mukha ko ang hunab ng apoy.

"Hindi ko matandaan kung sino ang nagturo. But I know she or he have a special place in my heart like you, Kaoree." Sabay na tumaas ang kilay ko.

Kinabahan ako sa sinabi niya. Hindi dahil sa gusto ko siya pabalik pero may iba akong nararamdaman. Lumapit siya sa akin.

"Gusto rin kita." Pabulong niyang sabi saka dahan-dahan na nilapit ang mukha niya sa akin.

Gusto ko siyang itulak pero nanghihina ako sa kadahilanan na mabait siya. Ayoko siyang saktan. Pero kapag hindi ko ginawa ay mahahalikan niya ako ng tuluyan. Kinuyom ko ang aking kamay. Abot-abot kaba sa dibdib ko.

"Wyn." Nanlaki ang mga mata ko habang si Wyn ay kalmado lang. Lumayo siya ng tingin ng magtagpo ang mga mata namin ni T.H. Nag-aalab ang mga mata niya kasabay ng malakas na pagbaga ng apoy.

"I'm sorry." Bulong niya. Sorry rin, Wyn. Sobrang bait mo. Hindi ko kayang saktan ka pero hindi ko kayang magsinungaling sa sarili ko.

Tumayo ako saka lumapit kay T.H. "Huwag kang magalit sa kanya."

Hindi siya umimik. Hinawakan niya ako sa aking palapalsuhan saka parang batang inakay. Gumawa pala siya ng tent sa hindi kalayuan sa amin.

"Sleep here." Aniya sa malambing na tono ng boses niya.

"May tent ako kasama sina Melissa at Jez." Bumuwelo palang ako na lalabas ako pero hinila niya ko pahiga sa higaan niya.

"Sleep here or I'll kiss you?" Matapang niyang sambit. Umalon ang Adam's ang apple nito. Tinignan niya ng makahulugan ang labi ko.

Pwede kayang both na lang?

Writer's Note: Sorry po kung late ako mag-update. Usually it takes 4-6 days bago po ako mag-update ulit. Pero bukas po pagkaya ng oras ay baka mag-update ulit ako.

Sa mga nagbabasa po ng novel ko salamat! Ang first proceed po nito ay mapapapunta sa mga stray dogs.

Mayroon din po akong ihahandang FB grp para sa inyo para sa pagpapasalamat ko.

Pwede rin kayong magcomment kung ano 'yung flaws ng novel ko. Pero huwag pong harsh. Constructive criticism will do.

Fighting!