Balikat
Pinagmamasdan ko si Marcus habang mahimbing na natutulog sa kanyang higaan. Si Latrelle ay nakatulog na sa tabi niya dahil sa pagod.
Kanina pa niya binabantayan ang kaibigan niyang wala sa katinuan. Kinumutan ko rin si Latrelle matapos kong ayusing ang sarili niyang kamay na ginawang unan.
Piniga ko ulit ang face towel ni Marcus sa maligamgam na tubig ng maliit na balde bago muling ilagay iyon sa kanyang noo.
Iniwan ko silang dalawa roon upang magpahinga.
Hindi kami nakakain ng ayos kanina kaya bumaba ako ng kusina. Wala akong ganang kumain kaya baked mac, graham saka pizza lang ang kinuha ko.
"Girl, food trip?" Nabitiwan ko ang tinidor na hawak ko. Sinong hindi magugulat sa kaibigan kong nakaputing pajamas at hindi lang iyon puting-puti ang mukha nito dahil sa cream na nilagay niya.
"Ngayon lang ako magbabawi ng kain" lumabi ako saka nagpatuloy sa pagsubo.
Kumuha rin siya ng tinidor at bumawas sa baked mac ko. Hawak-hawak niya ang rollers na nakaikot sa ulo niya.
"Bakit ka may rollers eh wig lang naman yan?"
Hindi ko alam kung anong trip ng kaibigan ko dahil minsan kinukulot niya ang buhok nitong wig lang naman. Maluwag yata ang turnilyo niya sa ulo.
"Kunwari babae ako. Long hair gano'n" pagpatuloy niya sa pagkain.
Pinagmasdan ko siyang ubusin ang pagkain ko. "Nahiya ka pa. Ubusin mo na kaya yan" sabi ko ng binigay niya sa akin ang sampung piraso ng natira niya.
"Busog na ko, girl. O, siya maiwan na kita dyan" paalam nito saka tumaas ng hagdan.
Tahimik lang akong kumakain sa loob ng ilang minuto. Kumain din ako ng kanin pero hindi ko maramdaman na busog ako.
Balak ko pa namang manood bukas ng Balye sa Kalye kaso mukhang panget ang timing para makisaya.
Pumunta na lang ako sa labas upang doon makapag-isip.
Babagong upo pa lang ako ay naramdaman ko ang mangilan-ngilan na patak ng ulam. "Naambon"
Hindi ko na lang inalintana iyon. Kaya pala walang bituin at masyadong tahimik ang gabi na kahit mga kuliglig ay tila yata nakatago sa kani-kanilang tahanan.
Sinaway ko ang aking mga hita habang pinagmamasdan ang malayong kabihasnan ng Maynila. Ang sabi nila Maynila raw ang matatanaw mula rito sa may barangay namin kaya naniwala naman ako.
Saka kitang-kita naman dahil sa mga ilaw.
'Yung sa kabilang parte naman ay Pilillia, Rizal dahil kitang-kita 'yung malaki nilang Wind Mill. Pangarap ko ngang makapunta roon kaso lang ay masyadong malayo.
Ang sabi sa akin ni Melissa ng minsan ko siyang nakakwentuhan. Pwede naman daw kaming pumunta roon gamit lang ang motor boat at dito kami dadaan. 'Yun nga lang ay masyadong mahal. Saka mas mabuting magbus na lang daw.
Gusto niya rin kasing makapunta roon pero ang gusto niyang kasama ay si Marcus. Ewan ko ba sa babaeng iyon. Minsan malakas ang tama sa kaibigan ko. Minsan hindi.
Pabago-bago ang isip.
Sinalo ko ng aking palad ang mga maliliit na butil na patak ng ulan. Naalala ko sina Mama at Papa kapag tuwing tag-ulan ay pinapayagan nila akong maligo sa ulan. Minsan ay sama-sama kaming naliligo. May oras pa ngang inaalok namin si Jez pero maarte kasi ang isang iyon.
Paniniwala niya, madumi ang tubig na galing sa ulan kaya ayaw niyang madikitan manlang kahit konti nito.
Sabi naman ni Mama ay tama si Jez kaya minsan hindi nila ako pinapayagan maligo.
Nagtaka ako ng mawala ang pagpatak nito sa aking mga palad. Umangat ang tingin ko. May itim na payong na nasa taas ng uluhan ko.
"Ma, Pa. Grabe naman kayo! Huwag naman kayong mangugulat ng ganyan!" mangiyak-ngiyak kong sambit.
Kaya pumikit ako dahil sa takot.
Ano bang gagawin ko?
A. Tatakbo
B. Umupo at hintayin na mawala sila
C. Sumama na lang?
Syempre joke lang naman 'yung letter C! Mahal ko pa ang buhay ko.
"Ano ba naman yan, Ma! Hindi ako natutuwa sa trippings niyo ni Papa" sa totoo lang ay feeling brave ako ngayon kahit na parang gusto ng kumawala ng puso ko sa dibdib ko.
Inaalala ko lang naman sila pero hindi ko naman ibig sabihin na magparamdam. Magkaibang bagay 'yun!
Huminga ako ng malalim habang pinaypayan ang sarili gamit ng aking mga kamay.
Kaya ko ito!
Pumikit ako para harapin sila.
Pero iba ang naramdaman ko. Imbis na malamig na paghinga ng bangkay ay mainit na paghinga ng taong buhay ang naramdaman ko malapit sa aking labi.
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Dahil sa gulat ay nawalan ako ng balanse sa pagtayo. Kaya gano'n na lang ang bilis ng
paghapit niya sa aking baywang.
Dahil du'n ay muling lumapit ang mukha ko sa mukha niya.
Napahawak na lang ako sa damit nito.
Tinaasan niya ko ng kilay ngunit malamig ang tingin na nangagaling sa mga mata niya.
Nanginginig ang labi ko dahil sa kabang dulot nito. "T...T.H... Anong ginagawa mo rito?"
"Ikaw, bakit hindi ka pa matulog?"
Unti-unting lumuwag ang hawak niya sa aking bewang kaya nakahinga akong maluwag.
"May iniisip lang..." sagot ko habang direktang nakatingin sa mga mata niya na kung saan kitang-kita ko Ang reflection ng dim light ng kubo.
Umupo siya sa tabi ko. Umupo rin ako. Mukhang hindi rin siya makatulog.
Tahimik sa pagitan naming dalawa kagaya ng kinagawian. Walang umimik pero kahit gano'n ay nangingibabaw ang pagtambol ng puso ko.
Siguro ay highblood ako. Try ko kayang magpatingin sa doctor this week.
Nang medyo nakararamdam ako ng pagkaantok ay hindi sinasadyang maipatong ko ang aking ulo sa balikat ni T.H.
Sandali akong nakaidlip at nagising na lamang ako dahil sa ginawa niya.
Iningat niya ang ulo gamit ang mga daliri niya.
Umikot ang mga mata ko sa kawalan. Kanina nga natulog siya sa balikat ko! Tapos ako, hindi pwede?
Grabe naman ang isang ito.
"Pasensya na", wala siyang sinagot.
Tumayo ako at nagstretch ng katawan. Salamat naman at dinalaw ako ng antok na kanina ko pang-iniintay.
"May itatanong ako..."
Nilingon ko siya.
Ano naman kayang kailangan ng maarteng lalaking ito, na mas maarte pa kay Jez?
"Sige. Ano 'yun?"
"Saan mas masarap matulog? Sa balikat ko , o sa balikat ni Wyn?"
Natawa na lang ako sa sinabi niya. Ano naman kayang pumasok sa utak niya? Masyadong random ang tanong.
"Alam mo matulog na lang tayo, T.H" at humikab ako.