noveltoon logo noveltoon
A House With Heartthrobs

Chapter 50

Ch. 51 / 78 May 03, 2022

Deal or Deal

Masayang-masaya si Melissa habang tinitignan ang clearance paper niya. Hindi ko akalain na pati pala sa college may ganitong pakulo.

Tamad akong humikab habang pinagmamasdan ang mga estudyanteng nakapila para magpapirma ng last signatory nila sa registrar upang magbakasyon.

Pinuno ng halakhak nila ang aking tenga. Tahimik lang akong kumakain habang nakasandal sa grills ng mataas na building.

"Akalain mo 'yun! Malalampasan natin itong sem!" Nakailang ulit na siyang ganyan. Kumikinang ang mga mata niya.

Ang grupo naman nina Sasha ay kadarating lang. Hikahos dahil sa taas ng inakyat nila. Pa-simple akong ngumiti ng kumaway si Marcus sa likuran nila. Sa wakas kahit pa-paano ay maalam na siyang makihalubilo sa iba. Palagi na lang sina Latrelle ang hanap ng isang ito.

Sa isang banda naman, si Jez kasama ang mga kaklase niya. Hindi yata ako pansin ng bruha dahil abala siya sa pagsisiyasat ng mga gwapong lalaki na nakahanay.

Si Jaztine naman ayon, nakatingin lang siya. Hindi ko alam kung anong iniisip niya at kung bakit gano'n siya kahumaling sa kaibigan ko.

Ang daming straight na lalaki, sa bakla pa siya magkakagusto.

Nang umisod ang pila ay bahagya natapilok dahil sa likot ng mga Senior High School na kasunod ko.

"Sorry, Ate." Sambit nu'ng isa na may hawak na fish crackers. Nagbulungan silang magkakaibigan saka biglang tumawa.

"Okay." Walang gana kong sagot. Nitong nagdaan na linggo ay ganito lang ako. Minsan ay hindi rin ako nakain. Ni kausapin ni T.H ay hindi niya magawa. Wala manlang text o chat manlang sa messenger. Kung talagang hindi niya ko kayang kausapi sana manlang pinadaan niya sa apat niyang kaibigan.

"Huwag ka ngang magmukmok!" Siniko ni Melissa ang tagiliran ko. Kumuha siya ng tinapay sa bag niya. Mayonnaise ang palaman. Naglaway ang aking bibig. Pinigilan kong kusang mapanganga.

"Isipin mo na lang! Bakasyon na tayo!" Ngumuso siya. "Free from stress! Teka nga, gusto mo bang sumama na lang sa amin?"

Umangat ang tingin ko. Pumiraso ako sa kinakain niya. "Sandali lang naman ang sem break natin saka undas na pagkatapos nito. Dadalawin ko pa sina Mama at Papa."

Napakamot siya ng ulo. "Sayang naman. Alam mo na! Kung sasama ka, malalayo ka sa problema mo kahit SANDALI LANG."

Umisod muli ang pila at kami na ang sumunod. Mabilis lang ang naging proseso dahil wala naman kaming kulang. Lahat ay bayad na kaya binigay na ang grades namin.

Nakakamangha habang dinadaan ng mata ko ang bawat asignatura sa aking card. Inagaw iyon ni Melissa.

"Sana all!" sabi niya.

"Sana all, uno!" Sabi ni Marcus na bigla na lang sumulpot sa harapan namin.

"Bumalik ka sa pila mo. Baka masingitan ka!" saway sa kanya ni Melissa.

Hindi ko alam kung close na silang dalawa base sa kung paanong toni siya kausapin ni Melissa at nakakapagtaka na hindi na kinikilig ang kaibigan ko sa kanya. Tinitigan ko ang dalawa sa bahagyang paglapit nila sa isa't-isa. Maikli silang tumawa ng maglapit ang braso nilang dalawa.

"Wala kang tres. Congrats!" Ginulo ni Marcus ang buhok nito. "Thank you! Ikaw rin naman wala kang tres. Sure ako."

Nagkibit-balikat siya. "Sana nga. Sige na, balik na ko sa pila ko." Paalam niya saka kumuway sa akin.

Nang pababa na kami ng hagdanan. Nakasalubong namin sina Wanwan, at Bruno.

"Hi! Sana all talaga tapos na!" Masayang sambit ni Bruno. Marahil wala siyang alam sa nangyari o talagang binalewala niya lang iyon.

"Ikaw rin naman matatapos na! Sus!" Sagot na pabalik ni Melissa.

Sandali kong tinignan si Wanwan pero nagcellphone lamang siya. Kumunot ang noo ni Melissa.

Nang tuluyan na kaming nakababa ay saka lang siya nagbuhos ng kanyang hinanakit. "Ay! Sus! Pakunwari pang nagce-cellphone ang isang iyon! Hindi niya lang talaga magawang tignan tayo."

Ilang linggo na rin ang nakalipas simula nang nalaman namin ang lahat. Bumalik sa dati niyang upuan si Wanwan matapos mangyari iyon. Wala manlang kaming narinig sa kanya na sorry o kaya patawad. Wala kahit ano.

"H'wag niyo ng intayin siyang mag-sorry." Ang isa sa hindi ko malilimutang sabi ni Sasha habang nakatago kami sa pintuan matapos ang klase. Noong araw na iyon, iniintay namin si Wanwan upang lumabas at magkunwari kaming may ginawa ni Melissa kaya hindi pa kami agad umuwi.

Pero sa totoo lang, iniintay namin ang sorry niya sa labas ng library. Nandoon kasi siya ng panahon na iyon at nasaktuhan naman na nandoon ang grupo nila Sasha.

"Kung talagang may lugar kayo sa puso niya at tinuring niya kayong kaibigan. In the first place, hindi niya gagawin 'yon." Huling sambit ni Sasha bago kami iwan.

Sumunod naman sina Vanna at Drianne na may dalang mga libro.

"If she truly values your friendship it's not hard to her to swallow her pride." Pahabol pa ni Drianne saka kumindat.

Winagayway ni Melissa ang palad niya sa harapan ng mukha ko. "Basta magchat ka sa 'kin o text kung gusto mong sumama."

Tinitigan ko siyang mabuti. "Saan ba?"

Bahagyang bumuka ang bibig niya. Hindi makapaniwalang magtatanong ako.

"We're thinking kung sa Cebu, Pampanga or Manila."

Kung sa Manila sila pupunta that would stress me a lot. Gusto ko sanang makapahinga sa pamamagitan ng pagtitig sa bulubundukin.

"Sige, balitaan na lang kita."

Naging mabilis ang mga araw. Sa mga araw na iyon hindi ako kinakausap masyado ng apat. Minsan lang kapag kailangan nila. Si Jez kasi ay may out-of-town kaya hindi niya na rin naabala ang sarili niyang makausap ako. Pero kinukumusta niya naman ako.

Sa ngayon nga ay magka-video call kami. Nasa Ilocos daw sila.

"What will you gonna wear?" Tanong niya para sa nalalapit na birthday ni T.H. Oo nga pala, isang linggo na lang ay malapit na ang kaarawan niya at makikita kong muli si Rosella.

"Wala akong alam, Jez. May kaunti akong budget para sa damit ko. Ikaw ng bahala sa lahat." Pinaghandaan ko talaga ang bagay na iyon. Ayoko namang magmukhang basahan sa pagpunta ko sa kaarawan niya. Nasisigurado ko rin na bongga ang party.

Wala manlang katok sa pinto at bumungad sa akin si Latrelle na nakatopless. "Where's my brief, Kaoree!?" Namula ang magkabila niyang pisngi.

Sa kabilang linya ay tumawa si Jez. "Gosh! Pati ba naman brief pinalalabhan niya sa'yo!"

Hindi ko napigilan matawa ng unti-unti akong tumango.

Inagaw ni Latrelle ang cellphone ko. Pilit ko man na kunin iyon ay sadyang malakas siya.

"What's the purpose of being her as maid, Jez!" Igting ang panga ni Latrelle saka malakas na binaba ang cellphone ko sa kama.

Siraulo talaga ang isang iyon! Kung sa sahig niya talaga binaba ito baka nasampal ko siya.

Malakas niyang sinarado ang pinto na halos lumabas ang eardrums ko.

May narinig akong paghagikhik sa ilalim ng kama ko. Tumaas ang temperatura ng ulo ko.

"Marcus!!!"

Kitang-kita ang dalawa niyang paa. Hindi ko manlang napansin kanina.

Lumabas siya roon at pinagpagan ang sarili.

"Huwag kang maingay!" Paalala niya.

"Hay nako! Jez baka si Marcus ang nagtago." Sabi ko sa kaibigan ko na nasa kabilang linya.

"Huwag kang maingay!" Nagtago siya sa likod ng pintuan.

"Anyway, girl. Sumama ka na muna kay Melissa para makapagrelax ka."

Tinitigan ko siya saka ako ngumiti.

"Anong ngini-ngiti mo dyan!? Sumama ka. Don't worry sagot na namin ni Latrelle iyon."

Namilog ang mga mata ko. "Si Latrelle?"

"Oo. Sagot niya na." Sinapo niya ang kanyang noo. "Ano ba 'yan! Ang daldal ko. Bilin nga pala niya ay huwag kang sabihin pero sumama ka ha. Deal or deal."

Mas lalong lumawak ang ngiti ko. Pero sa isang banda ay babayaran ko iyon matapos ng aking bakasyon.