noveltoon logo noveltoon
A House With Heartthrobs

Chapter 27

Ch. 28 / 78 May 03, 2022

Kindat

"Hi? Saan school ka?" si Sasha na bigla na lang sumulpot sa harapan ko.

Hindi pa man nakakasagot si Latrelle ay may dagdag siyang wika. "I bet sa private ka napasok?"

Hindi pa man nakasasagot si Latrelle ay madagdag pa siyang sinabi.

"Para kasing nakita na kita nu'ng first day of school kasama ni Kaoree"

Kanina lang ang taray niya pero ngayon mukha siyang mabait. Mabait naman talaga siya pero hindi siya ganito na palakaibigan ko.

Ngayon ko lang siya nakita na siya 'yung unang nag-approach. Sa pagkakakilala ko sa kanya ay hindi naman siya 'yung tipo ng tao na feeling close.

"Sa Esculastica College ako napasok" maikling sagot ni Latrelle saka siya ngumiti kay Sasha.

Kumikinang na parang bituin ang mga mata ng kaklase ko habang tinitigan ang lalaking nasa harap ko. Kulang na lang ay matunaw si Latrelle sa ginagawa niya.

"May dala rin akong lugaw kasi alam ko lagi kang gutom!" tumawa siya saka dumila.

"Salamat ha," sarkastikong sambit ko.

"Ehem" nagclear throat si Sasha na para bang nakalimutan namin na nasa harapan namin siya.

Pinusod nito ang kanyang buhok habang pinapakita ang cleavage niya kay Latrelle. Sinapo ko ang aking noo.

Ako na 'yung walang dede! Tanggap ko na.

"Pwede bang makipagkaibigan?" nagbeautiful eyes siya sa lalaki.

Hindi bagay sa kanya para siyang hindi mapatae.

Syempre si Latrelle 'yan, hindi tatanggi. Ngumuso ako habang iniintay ang sagot niya.

"Why not? Walang problema." Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ng daliri.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain habang abala silang nag-uusap.

Naghila ng upuan si Latrelle sa tabi ko. Namalayan ko na lang na nakapatong ang braso niya sa kinauupuan ko habang nakikipagtawanan kay Sasha.

Ang dalawang kaibigan niyang sina Vanna at Drianne ay nakipagkilala rin kay Latrelle.

Tumayo ako upang magpalit ng costume. Si Melissa ay naabutan kong nag-aalis ng make-up kaya tinulungan ko siya. Namumula ang mukha nito dahil hindi maalis ang glitters malapit sa kanyang mga mata.

Kanina niya pang kinukuskos iyon.

"Maawa ka naman sa balat mo" , sabi ko ng inagaw ko sa kanya ang hawak niyang wet wipes.

Hinaplos niya ang sariling mukha saka pumadyak na parang bata. "Bakit ka ba kasi nagpalagay nito?" sabi ko habang matiyagang tinatanggal iyon.

"Utos ni Vanna. Anong magagawa ko? Saka si Bruno naglagay rin nito. Hindi naman pwedeng wala ako"

Sila 'yung group two kanina. Hindi ko alam kung anong bansa ang nirerepresenta nila. Para kasing halo-halo ang kanila. Syempre si Vanna ang leader, anong aasahan mo boblaks 'yun maliban lang sa Math.

Ang custome nila 'yung paru-paro tapos may saklob na pang-magsasaka.

"Group Three. Ten minutes magsisimula na kayo", sabi ng President gamit ng microphone kaya nagmadali akong pumasok sa cubicle.

"Mamaya mo na lang tanggalin yan" hindi ko alam kung nakinig siya sa sinabi ko basta nagmadali akong nagbihis tapos retouch ng kaunti.

Naglagay ako ng eyeliner tapos nude blush on saka nagpusod ng buhok.

Nang lumabas ako ay nasa entablado na lahat ng ka-grupo ko.

Muntik pa kong matapilok dahil sa kagagahan ng paa ko.

"Lugaw girl, galingan mo! Whoa!" bigay todong sigaw ni Latrelle kaya't nagpalakpakan ang mga kaklase ko..

"Go, Kaoree!"

"Kaoree, galingan mo!"

"Idol ko 'yan!"

Sigaw nila.

Mga plastik. Sina Melissa at Wanwan nga lang ang close ko sa inyo.

Naging maayos naman ang aming over all performance. Malinis ang sayaw kaya hindi halata ng professor namin na tatlong araw lang kaming nagpractice.

Inabutan ako ni Latrelle ng tubig sabay minasahe ako sa likod.

"Ang galing mo naman sumayaw"

Ngumiti ako sa sinabi niya habang nainom pero nawala iyon dahil sa sunod niyang sinabi.

"Ikaw 'yung pinakamagaling na tuod na nakilala ko" hagalpak pa siya sa tawa kaya hindi ko napigilan ang sarili kong hampasin ang braso niya.

"Huwag kang masyadong marahas. Maraming bubugbog sayo rito. Marami pa naman akong fan girl sa school niyo" mayabang na sambit nito.

Inasara niya ko ng inasar hanggang sa tumigil siya. Kung hindi lang dumaan si Ate na nagtitinda ng turon ay baka hindi siya matatapos sa pang-iinis sa akin.

Lumapit ang mga kaklase ko lalo na 'yung chismosong bakla. May hairclip na paru-paro ang buhok nito at namumula ang labi niyang makapal.

"Girl, boyfriend mo?"

Ngumiwi ako. "Hindi"

"Buti naman. Ipakilala mo naman ako. Baka magclick kami", ngumiti siyang malawak kaya lumitaw ang fill in the blanks niyang ngipin.

Sa tingin ko 'yung pinakamahal na parte ng katawan niya 'yung ngipin. Masyadong gold.

"Magpakilala ka lang sa kanya. Mabait naman 'yun" halos masuka ako sa sinabi ko.

Magto-tooth brush akong mabuti mamaya.

Isang hakbang palang ay pinigilan ko siya."Wait lang"

"Bakit, Kaoree?" tumaas ang parehas niyang kilay.

"Try mo 'yung smile toothpaste maganda sa ngipin" suhestiyon ko.

"Okay na ko sa say cheese toothpaste na brand kaya nga palangiti akong tao", ngumiti siyang muli na halos kilabutan ako.

Napahawak na lang ako sa batok ko. "Ah, sige. Sinabi ko lang sa'yo baka kasi magustuhan mo"

Matapos ang kalhating oras ay nagfeedback ang aming professor sa aming lahat. Nagulat ako ng kami ang may pinakamataas na score. Pakunwari pa itong si Sasha.

Paano ba naman. Niyakap niya si Latrelle tapos nagsorry. Nagulat lang daw dahil sa saya. Wala namang biyolenteng reaksyon si Latrelle.

"O, mukha mo parang ginusumot na papel" bulong niya habang pumalakpak para sa grupo ko.

"Masaya ako. Anong ginusumot ka dyan!" umikot ang mga mata ko.

"Yakap ka rin sa akin. Huwag ka ng magselos"

Sarap niyang murahin. Napaka feeling.

"Feeling mo naman kayakap-yakap ka", pagalit kong sambit.

"Magsabi ka lang kung nagseselos ka. Alam ko naman type mo ko" tumigil siya sa pagpalakpak ng tumigil ang mga kaklase ko.

Marami pang sinabi ang emcee para sa closing remarks pero hindi ko maintindihan dahil sa ingay ni Latrelle. Magtatanong na lang ako kay Melissa mukhang importante iyon dahil seryoso ang mga kaklase ko sa pakikinig.

"Hindi kita type. Saka hindi tayo talo. Ang lakas mo mang-asar. Pwede bang manahimik ka muna importante 'yung sinasabi ng President namin!" ramdam ko ang pagtaas ng presyon ng dugo ko.

Nagkatitigan kami na para bang may kuryente sa mga mata ko pero sa kanya naman ay baliwala iyon.

"Paano kung type kita? Talo na ba tayo?"

Sasagot na sana ako ng bigla akong hinila ni Melissa. "Huy! Kaoree, picture raw! Dali!"

Si Latrelle ang pinakisuyuan magpicture kaya imbis na nakangiti ako ay wala akong reaksyon. Sa pangalawang pagkuha ng litrato ay kumindat siya kaya hindi magkamayaw ang mga kaklase ko.

"Kalma! Para sa akin ang kindat na iyon!" wika ni Sasha.

Sana nga sa'yo na lang kasi napupuno na ko sa lakas ng trip niya.