Stay Still
"Sino 'yan girlfriend mo?" naningkit ang mga mata niya ng tinignan niya ko mula ulo hanggang paa.
Hindi naman umimik si Latrelle sa tanong nito at ako ay hindi mawari kung dapat ba kong ngumiti o hindi.
"Aba! Mukha siyang pamilyar ah!"
"Oo, Ate. Siya 'yung nasa painting. Nandyan na ba si Papa?"
Hinigit ako ni Latrelle palabas ng kwarto niya habang nakasunod ang Ate niya sa amin.
"Manang, handa na ba 'yung food for celebration?" tanong ng Ate ni Latrelle sa isa sa mga kasambahay nilang nagpupunas ng mga mural paintings. Ang ganda!
Hindi ko napansin ang mga ito kanina. Sa palagay ko ay constructive paintings ang tawag sa mga ganitong klase ng art. I wonder kung anong tawag na painting sa akin. Dyosa masterpiece.
"Yes po, Ma'am. Ang hinihintay na lang ay si Madam"
Kumunot ang noo ni Latrelle ng binanggit iyon ni Manang. Hindi naman iyon napansin ng Ate niya na umunang pumunta sa kusina.
Bumagal ang lakad ni Latrelle at gano'n din ako. Pinaghila kami ng upuan ng Ate niya. Nilagyan pa kaming table napkin pati ang wine glass ay pinunuan niya.
Ang sarap palang maging kapatid ni Ate sadyang maasikaso. Sayang, kung nagkaroon din ako ng kapatid tiyak na ganito rin ako mag-asikaso sa kanya.
"Syempre hindi ko malilimutan ang favorite mong part ng ganitong handaan." Maliwanag ang ngiti ng Ate niya. Si Latrelle ay tila wala namang buhay.
"Tsaran!!! Cake na bake ko 'yan!" Nilagay niya iyon sa gitnang parte ng mesa.
"Ate, salamat ha. Pero hindi ka pa rin um-attend ng laro ko", pa-simple kong tinapakan ang paa niya sa ilalim ng mesa.
Nagtagis ang panga niya sa ginawa ko. Sa unang pagkakataon, ngayon lang ako nakaramdam ng takot pero inunawa ko siya. Alam kong natural na sabihin niya iyon dahil dismayado siya sa sitwasyon.
"Ikaw naman baby boy. Ang dali mong magtampo. Halika nga rito." Pero hindi umingli si Latrelle. Nakatingin lang siya sa kawalan.
Para akong nanonood ng Family movie dahil sa kanilang dalawa. Ano pa kayang susunod na eksena kung darating man ang mga magulang niya?
"Sige. Ako ng lalapit", niyakap siya ng Ate niya saka hinalikan sa ulo.
"Babawi ako next time", nakangiti pa rin siya kahit walang sagot ang kapatid niya.
May kung anong parte sa utak ko na nagsabing dapat ay umalis ako pero hindi ko magawa dahil sinama ako ni Latrelle rito.
Wala pang ilang minuto ay nahimigan ko mula sa sala ang pagbati ng mga kasambahay nila. Ang ingay ng sapatos ay tumigil ng nakatapak ito sa kitchen rug na nasa harapan namin.
Business attire na kulay itim ang suot nito at may hawak na maliit na suit case.
Awtomatiko naman na nagbago ang mood ni Latrelle. Kanina ay para siyang punding ilaw na biglang nagliwanag.
"Pa!" niyakap niyang sandali ang tatay niya. Ginulo naman ng lalaki ang buhok nito.
"You did well son. Pasensya ka na. Ilang taon na kong hindi nakakanood ng laro mo" , binaba nito ang suit case sa mesa na kinuha naman agad ng mga kasambahay nila.
"I know, Dad. But you can watch me in our final game next week. If you borrow some time" laglag ang panga ko sa accent niya. Idadagdag pa ang baritonong boses nito na talaga namang nagmarka sa aking tenga.
"We'll see if I can make time" halatang sa kanya nga nagmana ang anak niya. Ang timbre ng boses nito ay hawig ng kay Latrelle.
Nang dumako ang tingin niya sa akin ay lumawak ang ngiti niya. "Who's this girl? Iba ba to kay—"
Pinutol iyon ni Latrelle. "Yes, Pa she's completely different. That's Kaoree my friend and also our house maid."
"Helle pe", namilipit yata ang dila ko dahil sa hiya." I mean hello po"
"You look beautiful Ija bagay ka sa anak ko" hindi ko alam kung dapat ba kong matawa sa sinabi niya pero mas pinili ko na lang na hindi.
Si Latrelle na nasa tapat ko ay mukhang nagpigil ng tawa. Ano naman kayang nakakatawa?
"Pa, baka ma-overwhelm yan sa sinabi mo. Eh, type pa naman niya ko!" humagalpak sa tawa si Latrelle at gano'n din ang Ate niya.
"Overwhelmed?" tinaas ko ang aking kilay at mabilis kong binaba iyon.
Binaling ko ang mga mata ko sa tatay niya. "Sir, pasensya na pero hindi ko type ang anak niyo. Masyado siyang mayabang"
Nagtawanan sila.
"My gosh! Latrelle! Finally, someone admitted na ganyan ang attitude mo!" tawang-tawang sambit ng Ate niya ng nilapag ang pasta sa table.
"Kahit ganito ako Ate alam kong type niya ko. Pero anyway kung gusto niya naman magpaligaw ay hindi ako u-urong" kumindat siya sa akin na kahit anong oras anumang bagay na mahawakan ko ay baka maibato ko sa sa kanya.
"Never akong magpapaligaw sayo. Pasensya na po sa inyo pero iba ang type kong lalaki. Mawalang-galang na po" paulit-ulit akong nagbow.
"Hindi pa ba panliligaw to'?" tanong ng Ate niya.
"Well. I really don't know but the fact na dinala ko siya rito...", tumindig balahibo ko ng tinitigan ako ng itim niyang mga mata. Hindi ko napigilan mapalunok."ay pwede naman."
"I see her as my future girlfriend but there's more important thing than that", lumunok akong muli dahil sa sinabi nito. May kung anong bagay ang tumusok sa dibdib ko.
"O, ang drama mo naman baby boy. Ano namang bagay 'yun na mas mahalaga pa sa kanya? Don't tell me na—" hinarang ng hintuturo ni Latrelle ang manipis na labi ng Ate niya.
"Let's not talk about that thing", aniya ni Latrelle ng umayos siya ng upo.
"Well, then let's eat. Enjoy eating, Iha"
Buti naman po! Grabe! Kanina pa ko naglalaway sa mga pagkain na nasa harap ko. Lechon manok, leche flan, carbonara, at cordon Bleu ay talaga namang nakakagutom.
Maingay ang bawat pagtama ng sandok na metal sa pinggan habang kumukuha kami ng pagkain. Awtomatikong tumigil iyon ng dumating ang napakagandang babae.
Sumisigaw ang mala-artista niyang dating dahil sa suot niyang cream na bestida at samahan pa ng perlas niyang mga alahas.
"Sorry hon. I'm late", hinalikan niya ang matandang lalaki na nasa unahang table.
"Congrats, Son", mahinahon iyon. Hahalikan niya sana si Latrelle pero umiwas siya.
"Anong drama na naman ba ito, Latrelle?" sabi ng Papa niya.
Namuo ang tensyadong awra sa pagitan namin.
"Exhausted lang siguro ang anak natin." sabi ng Mama niya.
"Ma, hindi ka na lang sana umuwi",ilang beses akong napapikit sa sinabi niya. Humigpit ang hawak ng tatay niya siya sa mga kubyertos nito sa kamay. Ang Ate niya naman ay para bang lantang-gulay sa kanyang tabi.
Tumayo ako. "Pasensya na po sa—"
Bakit ba ang hilig mamutol ng linya ni Latrelle.
"Don't be sorry." Walang anu-ano ay mabilis akong hinila ni Latrelle palabas hanggang sa makarating kami ng kotse niya.
Doon ay nakatayo kaming pareho. Unti-unti niyang pinatong ang baba niya sa aking balikat. Iaangat ko sana siya pero...
"Please just stay still. I just need someone to lean on", ilang segundo ay pumatak ang luha niya sa aking uniporme.